Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 61


*

61

"Ah, ganun ba. Okay lang, hyung. Alam ko namang busy ka." Ngumiti si Sehun, pilit na may halong lungkot. Sumimangot lang si Chanyeol sa kanya.

"Susubukan kong pumunta, promise!" sigaw ni Chanyeol, kaya napairap na lang si Sehun sabay sabing, "Okay nga lang talaga. Sige na, ituloy mo na yang ginagawa mo!"

"Hindi ka ba galit?" nag-aalalang tanong ni Chanyeol, tinanggal niya ang salamin niya.

"Hindi ako galit," sabi ni Sehun nang nakangiti. Malungkot lang. "Babalik na ako sa kwarto ko."

"Sigurado ka ba? Kung... mahalaga talaga yun, hindi na lang ako papasok sa office para--"

"Wag-- wag na, hyung. Hindi mo na kailangang gawin yun, hindi naman mahalaga yun! Okay lang talaga sabi eh!" sigaw ni Sehun, tumawa siya. "Bumawi ka na lang next time."

Ngumiti si Chanyeol, at parang gumaan naman yung pakiramdam niya nung sinabi ni Sehun ang next time. "Sige, next time. Promise."

"Oo, next time, hihintayin ko."

Ngumiti si Chanyeol kay Sehun bago sinara ni Sehun ang pinto ng kwarto ng hyung niya. Bumuntong hininga si Sehun, at nawala na rin yung ngiti niya sa bibig niya. Next time... kelan naman kaya yun.

Alam naman ni Sehun na busy talaga ang hyung niya, sanay na siya dun at hindi na bago yun. Pero sa totoo lang, namimiss na talaga niya si Chanyeol. Hindi na niya matandaan kung kailan yung huling beses na nagkasama sila bukod sa pagkain at panonood ng TV sa loob ng bahay. Mabuti na lang talaga nanjan si Baekhyun sa tabi niya para may makasama siya, kung hindi, sobrang lungkot na niya.

"Bakit nakasimangot ka?"

Tumunghay si Sehun at nakita niya si Baekhyun na nakasilip sa mukha niya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala si Baekhyun sa kanya. Umiwas na lang si Sehun ng tingin.

"Sehun, may problema ba?"

"Wala," sabi ni Sehun nang nakangiti. "Ang totoo niyan, masaya talaga ako."

"Masaya ka? Bakit naman?"

Naglakad silang dalawa papunta sa kwarto ni Sehun ilang lakad ang layo sa kwarto ni Chanyeol. Sinundan ni Baekhyun ang alaga niya, nakatingala siya kay Sehun habang sinasabayan niya ang paglalakad nito.

"Masaya ka ba talaga? Malungkot yung mata mo eh."

"Ganito talaga ako pag masaya." Pumasok si Sehun sa kwarto niya sabay higa sa malaki at malambot niyang kama. Tumingin siya sa ceiling ng kwarto niya.

"At bakit ka naman masaya?" tanong ni Baekhyun, umupo siya sa kama sa tabi ni Sehun at hinarangan niya ng mukha niya ang view ni Sehun sa kisame. "Bakit?? Ha?? Bakit?"

"Yah, alisin mo nga yang mukha mo sa tapat ng mukha ko," sabi ni Sehun na kunwari ay naiinis. Tinakpan niya ng palad niya ang mukha ni Baekhyun.

"Sehun, hindi ako makahinga!"

Tinanggal na ni Sehun ang kamay niya at pinagpatuloy na ang pagtitig sa design ng kisame niya. Sumimangot lang si Baekhyun tapos humiga siya sa tabi ni Sehun.

"Masaya ako kasi.."

"Kasi?"

"Kasi bati na kayo ni hyung."

Lumingon si Baekhyun kay Sehun, nakangiti siya. "At?"

"At bumalik na ulit si Yixing-hyung dito sa mansion."

"Ano pa?"

"Masaya rin ako kasi kasama kita ngayon at nasa tabi kita palagi."

Ngumiti Baekhyun tapos pinat niya ang tiyan ni Sehun. "Masaya rin ako ngayon! Pero mas sasaya ako kung sasabihin mo sakin kung bakit ka nakasimangot kanina." Bumangon siya sa kama at umupo nang nakacross-legs sa tabi ni Sehun.

"Alam kong malungkot ka.. hindi mo ako maloloko."

"Psh, hindi ba ako pwedeng magtago ng secret sayo."

"Sa kasamaang palad, hindi," sabi ni Baekhyun nang nakataas ang kilay. "Lahat ng tungkol sayo, alam ko na. Kaya sabihin mo na yung kinalulungkot mo, malay mo mapasaya kita!"

Natawa si Sehun sabay hampas sa hita ni Baekhyun, kaya napaaray na lang si Baekhyun sa sakit.

"Tungkol ba to sa school mo?"

Tumango si Sehun. "Kailangan kong magdala ng guardian."

"Guardian?"

"Oo. Sinabi ko na yun kay Yixing-hyung.. kasi siya naman talaga yung pumupunta kapag may kailangang puntahan sa school.. pero hindi siya pwede ngayon at naiintindihan ko naman yun kasi kakasimula lang niyang magwork dito sa Seoul... Kaya si Chanyeol-hyung na yung sinabihan ko, nagbabakasali ako na baka-- baka naman.. sana.. pero--"

"Pero?"

Tumawa si Sehun kahit wala namang nakakatawa. "As usual hindi siya pwede. Busy siya palagi, at naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko naman yun.. Bakit ko pa siya tinanong, alam ko namang sasama lang yung loob niya kasi hindi niya ako kayang pagbigayan.. Ayoko namang maguilty siya.. at ayoko rin namang umasa.."

"Sehun," sabi ni Baekhyun, malungkot siya para kay Sehun dahil alam niyang namimiss na ni Sehun ang hyung niya. "Naiintindihan ko yung nararamdaman mo.. pero sana maintindihan mo kung bakit ganun si Chanyeol. "

"Naiinitindihan ko. Lagi. Matagal na."

Bumuntong hininga si Baekhyun. "Kung sana may pwede akong gawin para say-- ah akam ko na! Kakausapin ko na lang ang hyung mo at pipilitin ko siyang--"

"Yah! Wag mong gagawin yan!"

"At bakit naman hindi?" sabi ni Baekhyun nang nakacross arms.

Umiwas ng tingin si Sehun. "A-ayokong makaabala sa kanya... kaya wag na. At siguradong hindi siya tatanggi sayo, malamang iwan niya pa lahat ng trabaho niya pag nagkataon."

"G-ganun ba, siguro nga tama ka," nakasimangot na sabi ni Baekhyun. "Ayoko namang... mangyari yun."

Tumahimik silang dalawa nang ilang minuto nang nagsalita ulit si Sehun.

"Hayaan mo na, wag mo nang isipin yun," sabi ni Sehun, humarap siya kay Baekhyun. "Hindi na lang ako magpaparticipate."

"Magpaparticipate? Saan!?" Kumunot ang noo ni Baekhyun at niyugyog niya si Sehun. "Yah! May sinalihan ka ba!?"

Umubo si Sehun sabay iwas ng mata. "A-ayoko naman talagang sumali, pinilit lang ako ni Jongin! At nung-- nung iba pang mga taga-department. Aish."

"Yah! Sumali ka saan?"

Bumangon si Sehun tapos sumandal siya sa kama. "Hindi mo na kailangang-- Aray!-- malaman!"

Pagkatapos ng palo sa braso, hinampas naman ni Baekhyun ang hita ni Sehun nang malakas, kaya nagulat naman si Sehun.

"Sabihin mo! Sumali ka saan?! Sa fraternity ba?!"

"YAH! BAKIT BA ANG HILIG MONG--AH SHIT! Manghampas sa-- aray!"

"Hindi mo sasabihin? Sumali ka ba sa fraternity?!"

"HYUNG!!!" sigaw ni Sehun na halos paiyak na. "Si Baekhyu--aray!! Nanghahampas! Aray ko! Fuc--"

Tinakapan agad ni Baekhyun ang bibig ni Sehun. "Yah! Park Sehun! Yang bibig mo!!!!"

"Sorry, okay?!" sabi ni Sehun sabay irap. Napatingin siya sa kamay ni Baekhyun na nakapatong sa taas ng hita niya na malapit na talaga sa banda doon kaya namula naman si Sehun.

"B-baekhyun, alisin yung kamay mo sa-- uhm-- sa ano--"

Inalis naman agad ni Baekhyun yung kamay niya at tinago niya ito sa likod niya. Ngumiti siya kay Sehun nang malapad.

"Ang sakit mong manghampas, daig mo pa ang fraternity."

"Sehun, s-sumali ka nga ba sa fraternity?" sabi ni Baekhyun na parang maiiyak na siya. "Kaya ba kailangan mong magdala ng guardian? Bakit, Sehun, bakit?" Niyakap niya si Sehun. "Ang baby ko."

Natawa si Sehun, ginulo niya ang buhok ni Baekhyun. "Baliw ka ba? Hindi ako sumali sa fraternity, ano. Hindi yun pumasok sa isip ko kahit kailan."

"T-talaga?"

"Oo," sagot ni Sehun. "Iba to."

"Ano nga ba yun?"

"Alam mo naman diba na... sa Korea.. meron tayong tinatawag na..." Umubo si Sehun. "Hallyu."

Natigilan si Baekhyun nang marinig niya ang hallyu. Humarap siya kay Sehun, at parang nagliwanang ang mata niya. "S-sehun, ibig bang sabihin nito--"

"Hindi! Hindi ako katulad mong fanboy, okay? Napilitan lang ako, wala akong choice! Pinilit lang nila akong sumali sa kanila! Kasalanan ko ba kung napakagwapo ko, napakagaling kong sumayaw at--"

Nakatulala lang si Baekhyun.

"Sehun, sumasayaw ka--"

"Malamang! So ang sinasabi ko nga, si Jongin, pinilit niya lang--"

"Sumasayaw ka ba ng EXO--"

Tumaas ang isang kilay ni Sehun. "Ano?"

"Alam mo ba yung Love Me Right--"

"Love me-- right?"

"Pwede mo bang sayawin yun sa harap ko--"

"Teka. Hayaan mo akong magpaliwanag, hindi ko talaga--"

"Sayawin mo yun sa harap ko."

"Teka. ANO?"

"Love Me Right, aha aha, Baby Love Me Right, aha aha."

Natahimik na lang si Sehun.

*

"Yixing-hyung, pwede bang magleave ka muna sa trabaho mo at pumunta ka sa school para maging guardian ko," sabi ni Sehun na ngayon ay nakapangalumbaba sa lamesa. "Please?"

"Bakit hindi na lang si Baekhyun ang isama mo?" sabi ni Yixing habang hinahalo ang coffee niya. "Alam mo namang hindi ko pwedeng gawin yun, Sehun. Hindi ako pwedeng magleave ngayon."

"Pero hyung--"

"Sehun! Isama mo na ako! Guardian mo rin naman ako diba!?" biglang sigaw ni Baekhyun na nagtatago pala sa ilalim ng lamesa. Hinawakan niya ang paa ni Sehun at niyakap ito. "Yah, Park Sehun! Isama mo na ako!"

"Hindi kita guardian. Mas mukha pa ngang ako ang guardian mo. At isa pa ayaw kitang isama."

Nagpout si Baekhyun. "At bakit naman? Guardian mo rin naman ako, ah?! Ako ang babysitter mo at para mo na rin akong hyung! Ako ang naghahanda ng lahat ng kailangan mo, ako ang nagluluto ng pagkain mo, nagreready ng gamit mo, nag-aalaga sayo, nagpapatulog sayo sa gabi. Ako rin ang sumasama sayo sa dentist, sa mall, sa paghahatid sayo sa school--"

"Baekhyun."

"Ah! At ako rin pala ang naglilinis ng kwarto mo at naglalaba ng damit at brief mo--"

"YAH!!!" sigaw ni Sehun nang namumula, tumawa nang malakas si Yixing sa tabi niya. "Kailangan mo pa ba talagang... sabihin yun?"

Nagkibit balikat lang si Yixing sabay alis sa kusina habang tumatawa.

"Pero gusto kitang makitang sumayaw," sabi ni Baekhyun nang nakapout. Hinila niya ang laylayan ng hoodie ni Sehun. "Gusto kitang mapanood sa stage."

Bumuntong hininga si Sehun, sinuklay niya ng daliri niya ang buhok niya. "Fine," sabi ni Sehun, hinila niya si Baekhyun sa ilalim ng lamesa para makatayo ito. "Ikaw na ang isasama ko."

Ngumiti si Baekhyun nang sobrang lapad sabay tapik sa balikat ni Sehun. "Thank you, Sehun!"

*

"I'm sorry. Ako dapat yung sasama kay Sehun hindi ikaw," sabi ni Chanyeol kay Baekhyun habang nakatingin siya dito. Ngumiti si Baekhyun sa kanya habang minamassage niya ang ulo ni Chanyeol.

"Wag kang magsorry, wala kang kasalanan, Chanyeol."

Pumikit si Chanyeol, nakahiga siya sa lap ni Baekhyun at nakaupo naman si Baekhyun sa couch. "Ang gaan ng kamay mo, ang sarap sa pakiramdam."

"Ito ang asset ko," nakangiting sabi ni Baekhyun, hinilot niya naman ang noo ni Chanyeol. "Ayos ba?"

"Oo. Ayos na ayos. Sana kamay ka na lang."

"Yah!"

Tumawa si Chanyeol. "Binibiro lang kita."

"Kamusta na yung braso mo, patingin nga?"

"Ayoko nga."

Yung mahinang TV lang ang maririnig sa buong living room, at kumportable na silang dalawa sa ganun. Nakapikit lang si Chanyeol pero hindi siya tulog, samantalang minamassage naman ni Baekhyun ang pagod niyang ulo.

"Akin na yung isang kamay mo."

"Bakit?"

"Hahawakan ko."

Ngumiti si Baekhyun. Pinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng palad ni Chanyeol, at inintertwine naman ni Chanyeol ang kamay nilang dalawa.

"Chanyeol?"

"Hmm.."

"Alam mo bang namimiss ka na ni Sehun?"

Tumigil sandali sa paggalaw ang kamay ni Baekhyun sa noo ni Chanyeol. Dumilat si Chanyeol at tumingin siya kay Baekhyun na nakatitig lang sa kanya. Pinatong ni Baekhyun ang kamay nilang dalawa sa ibabaw ng chest ni Chanyeol.

"Alam ko... At wala man lang akong magawa."

Uniwas ng tingin si Chanyeol kay Baekhyun, tiningnan na lang niya ang TV sa harap niya. Bumuntong hininga na lang si Baekhyun tapos tinuloy na niya ang ginagawa niya.

"Pakiramadam ko... nagiguilty ako. Minsan iniisip ko, sana buhay pa ang parents namin. Hindi sana ganito si Sehun, at hindi ako ganitong klase ng kapatid. Wala akong kwenta--"

"Yah. Wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang sarili mo," sabi ni Baekhyun sabay tapik ng mahina sa pisngi ni Chanyeol. "Ikaw kaya ang pinkamabuting hyung sa buong mundo!"

"Sinasabi mo lang yan para pagaanin ang pakiramdam ko. Mabigat pa rin ang loob ko," sabi ni Chanyeol nang nakasimangot habang nakacross arms. Tumawa si Baekhyun, at inalis niya ang lap niya sa ilalim ng ulo ni Chanyeol.

"At ano namang gagawin mo?"

Lumuhod si Baekhyun sa couch at pumwesto siya sa ibabaw ni Chanyeol nang nakastretch ang katawan niya. Dumapa siya sa katawan ni Chanyeol na parang nakadapa siya sa kama, habang nakapatong yung baba niya sa magkapatong na braso niya sa ibabaw ng chest ni Chanyeol. Nakayuko si Chanyeol kay Baekhyun habang nakatingin naman si Baekhyun kay Chanyeol.

"At ano naman to."

"Pinapagaan ko yung loob mo," sabi ni Baekhyun nang nakangiti nang malapad. "May human pillow ka na. Hawakan mo ako para hindi ako mahulog."

Hinawakan ni Chanyeol ang waist ni Baekhyun sabay irap.

"Aigoo, paano naman gagaan ang loob ko kung may mabigat na baboy na nakapatong sa ibabaw ko."

"Yah, anong baboy? Nakita mo na ba ang six packs ko, ha."

"Yah, six packs?" Tumawa si Chanyeol, "So ito ba yung pinagmamalaki mo?" Pinisil ni Chanyeol ang tagaliran ni Baekhyun, at wala siyang nakapang laman.

"Shit. Nasan na yung nutella abs mo!?" tanong ni Chanyeol na halos di makapaniwala. Kinapa niya ulit ang tiyan ni Baekhyun, at wala siyang nahawakang baby fats. Nanlaki ang mata ni Chanyeol.

"BAEKHYUN. NASAN NA YUNG-- YUNG-- LAMAN!?"

Ngumiti nang malapad si Baekhyun. "Wala na."

"Nasan na napunta!?"

Nagkibit balikat si Baekhyun. "Natunaw na." Tinaas ni Baekhyun ang malaking t-shirt niya at sumilip naman si Chanyeol, pinasok niya yung ulo niya sa loob ng t-shirt ni Baekhyun.

"Shit." Umiling si Chanyeol, pinadaan niya yung daliri niya sa abs ni Baekhyun, flat na talaga ang tiyan niya. Wala nang bilbil, abs na. "At paano naman nangyari to!?"

Ngumiti si Baekhyun. "Exercise?"

"Nag-eexercise... ka?" Tumingala si Chanyeol para masilip niya si Baekhyun sa butas ng t-shirt. "Di nga?

"Sinasama ako nila Yixing-hyung at Minseok-hyung sa gym!"

"Wag kang sumama sa kanila!"

"At--hahaha-- bakit naman?" tanong ni Baekhyun, pinipigilan niyang matawa dahil nakikiliti siya sa kamay ni Chanyeol sa tagiliran niya. "Ayaw mo ba nun, healthy at fit ako?"

"Hindi naman sa ganun." Bumuntong hininga na lang si Chanyeol at parang maiiyak na siya. "Mamimiss ko lang yung.. Nutella abs mo.. Alam mo na.. masarap hawakan yun at kurutin.."

Natawa si Baekhyun, ginulo niya ang buhok ni Chanyeol sa loob ng maluwang niyang t-shirt habang nagluluksa naman si Chanyeol sa loob.

"Ehem."

"Tapos na ba kayo."

Napatingala si Baekhyun sa tabi niya, at nakita niya si Sehun at Yixing na nakacross arms. Nasa likod naman nila Sehun at Yixing ang apat na kasambahay, malaki ang mata nila habang na nakasilip sa ginagawa ng couple sa ibabaw ng couch.

"Ituloy niyo na yan sa kwarto wag dito!" sabi ni Yixing sabay sipa sa binti ni Chanyeol. "Wag sa nakikita ng mga bata!"

"Yah!" sabay na sigaw ni Chanyeol at Baekhyun. Lumabas na si Chanyeol sa punagtataguan niya sabay tingin kay Yixing. "Wala kaming ginagawa! Tinitingnan ko lang yung abs niya!"

"Gusto niyo rin makita?" alok ni Baekhyun na handa nang itaas ang damit niya. Pinigilan siya ni Chanyeol.

"Nakita ko na yan matagal na," sabi ni Sehun sabay irap. "Manonood pa kami ng drama. Alis."

Tumayo na ang dalawa sa couch nang tahimik. Pumunta na lang si Baekhyun sa kusina habang nakapout, samantalang umakyat naman si Chanyeol papuntang second floor nang padabog.

"Solo na natin ang couch! Umupo na kayo dito!" sigaw ni Yixing sa apat nilang boy na nag-uunahan namang makaupo sa couch.

*

To be continued.

(A/N: OMG! Happy 5K votes! Salamat sa pagbasa!)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro