Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 60


*

60

Nakarinig si Baekhyun ng pagbukas ng gate sa likod niya, at naisip niyang malamang ay pumasok na si Chanyeol. At kahit na may coat na siyang suot ngayon, malamig pa rin ang pakiramdam ni Baekhyun.

"I'm sorry..." bulong ni Baekhyun sa sarili niya, kahit hindi niya alam kung dapat ba siyang magsorry. "S-sorry, Chanyeol..."

Tumulo na ang luha ni Baekhyun sa pisngi niya pero wala na si Chanyeol para punasan yun.

Humarap na siya sa mansion para pumasok na sa loob at hintayin si Taeyong pero natigilan siya. Nakita niyang bukas ang gate, pero nasa labas si Chanyeol, nakatayo at nakatingin sa kanya. Bumuka ang bibig ni Baekhyun para magsalita nang nakita niyang naglakad palapit sa kanya si Chanyeol, pero natigilan na lang siya dahil sa mahigpit na yakap ni Chanyeol sa kanya.

"S-sorry.." bulong ni Chanyeol, nanginginig yung boses niya. "I'm sorry, Baekhyun..."

At sa pagbanggit ni Chanyeol ng pangalan niya, naiyak na si Baekhyun. May sakit sa dibdib niya dahil namiss talaga niyang marinig ulit ang pangalan niya mula kay Chanyeol, at naiinis din siya at nagagalit sa kanya dahil bakit ngayon ka lang nagsorry, o bakit pa natin pinatagal yung away natin.

"I'm sorry.." bulong ulit ni Chanyeol nang maramdaman niyang nagpupumiglas si Baekhyun sa yakap niya. Nakaramdam siya ng mahihinang suntok sa dibdib niya. "Sorry, Baek."

"Galit ako s-sayo," sabi ni Baekhyun habang nagpupumiglas siya kay Chanyeol, pero hindi pa rin humihiwalay si Chanyeol sa kanya. "G-galit ako sayo, Chanyeol."

"Alam ko," sagot ni Chanyeol habang hinahaplos ang likod ni Baekhyun. "Ako yung may kasalanan. Kaya wag... wag kang magsosorry sakin Baekhyun. Wag kang magsosorry kasi wala kang kasalanan..."

Tumigil na sa pagpupumiglas si Baekhyun. Nakayakap lang si Chanyeol sa kanya habang nasa gilid lang yung dalawang braso niya.

"Ihahatid na kita."

*

Tahimik lang silang dalawa sa loob ng kotse, nagdadrive si Chanyeol at nakatingin naman sa kalsada si Baekhyun. Nagsorry na si Chanyeol sa kanya, pero kailangan pa ring marinig ni Baekhyun ang totoo at ang paliwanag ni Chanyeol para magkaayos na talaga sila.

Napatingin si Baekhyun sa manibela, at napansin niyang kaliwang kamay lang ang gamit ni Chanyeol sa pagdadrive. Magtatanong na sana siya pero hindi niya ito naituloy dahil nakarating na pala sila sa tapat ng apartment ni Baekhyun.

Pero para kay Baekhyun, hindi sa pagbaba niya ng kotse at pagpasok sa bahay nila magtatapos ang lahat. Kailangang maayos nila to ngayon. Ayoko nang bukas pa kasi sigurado akong magtatalo na naman kami at hindi rin niya sasabihin sakin ang totoo.

"Nandito na tayo."

Hindi gumagalaw si Baekhyun, hindi siya lalabas hanggat wala siyang naririnig mula kay Chanyeol.

"Good night," sabi ni Chanyeol sabay lapit kay Baekhyun para ikiss sana ito sa pisngi, pero iniwas ni Baekhyun ang ulo niya kaya natigilan na lang si Chanyeol.

"Hindi ako bababa dito hanggat di mo sinasabi sakin yung totoo."

Bumuntong hininga si Chanyeol at sumandal ulit siya sa upuan. "Baekhyun--"

"Chanyeol."

Minassage ni Chanyeol ang noo niya. "Ano bang... gusto mong malaman?"

Tumingin si Baekhyun sa kanya. "Lahat."

"Nakulong ako sa loob ng stock room. Nahulog ako sa hagdan. Nabali ang braso ko. Inatake ako ng migraine at nawalan ako ng malay."

Umiwas si Chanyeol ng tingin at humigpit yung kapit niya sa manibela. "Ang tanga ko. Wala man lang akong nagawa nung mga oras na yun, wala akong kwenta. Nahihiya ako sa sarili ko dahil yun lang... yun lang hindi ko man lang nailigtas yung sarili ko? Alam kong naghihintay ka sakin pero wala akong nagawa. Hinayaan ko lang na mangyari yun, ang pathetic ko, Baekhyun."

"Nagkamalay ulit ako at pinuntahan kita sa restaurant, pero late na ako. Sabi ko sa sarili ko, ah malamang wala ka na, nakauwi ka na, dahil kung ganun, magiging panatag na yung pakiramdam ko dahil hindi mo na ako hinintay pero," tumigil si Chanyeol para pigilan sana ang luha niya, "pero mali ako kasi nandun ka pa. Nandun ka sa labas, naghihintay ka sakin kahit sobrang lamig at malabo nang dumating pa ako. At iniisip ko pa lang na... na habang naghihintay ka dun na hindi ko alam kung gaano na katagal habang ako naman natutulog lang sa stock room nung mga oras na yun.. sobrang... sobrang sakit. Pakiramdam ko wala talaga akong kwenta, hindi mo na dapat ako hinintay, Baekhyun. Umalis ka na dapat. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko natupad yung promise ko sayo... at naiiinis ako sayo dahil umasa ka sa pinangako ko sayo."

Tahimik lang si Baekhyun, hinihintay niyang ituloy ni Chanyeol yung sasabihin nito. Marami siyang gustong sabihin pero si Chanyeol muna dapat ang magpaliwanag ngayon.

"Hindi ko sinabi sayo kasi ayokong mag-alala ka sakin, na ako yung may kasalanan pero pag nalaman mong ganito ang nangyari sakin, mawawala na yung galit mo. Kaya... mas mabuti nang magalit ka sakin kesa sa malaman mo yung totoo.. yung sitwasyon kong mukha akong kaawa-awa, na wala akong magawa.." Pinunasan agad ni Chanyeol yung isang luha na tumulo sa mata niya. "Nadidisappoint ako sa sarili ko. Wala akong... wala akong kwenta."

"Wag mong sabihin yan, Chanyeol," bulong ni Baekhyun. "Hindi ka walang kwenta, hindi yun totoo."

"Pero wala akong nagawa. Ako yung may kasalanan sa nangyari. Kung sana nakapunta ako, hindi madidisappoint ang parents mo sayo... I'm sorry."

"Wag mo nang sisihin ang sarili mo, tapos na yun. Nangyari na ang dapat mangyari, kalimutan mo na yun."

"Pero--"

"Chanyeol, tama na."

"Pero dapat sisihin mo ako, magalit ka sakin, sigawan mo ako. Ipamukha mo sakin na ako yung may kasalanan, hindi lang dahil sa naaksidente ako kaya ka maaawa saki--"

"CHANYEOL, TAMA NA!"

Natigilan si Chanyeol.

"Tama na, Chanyeol. Tumigil ka na."

Yumuko na lang si Chanyeol. "S-sorry."

Kumuha si Baekhyun ng panyo sa bulsa niya. Lumapit siya kay Chanyeol at inangat niya ang mukha nito. Tumingin si Chanyeol sa kanya habang dahan daha niyang pinupunasan ang luha sa pisngi ni Chanyeol.

"Wag ka nang umiyak," sabi ni Baekhyun, nakatingin lang si Chanyeol sa kanya. "Baka sabihin ng mga kapitbahay ko, pinaiyak kita."

"Pero pinaiyak mo naman talaga ako."

"I'm sorry, hindi ko alam na ganun yung pinagdaanan mo."

"Wala kang--"

"At wag mong sasabihing wala akong kasalanan dito. May kasalanan din ako, dalawa tayong may kasalanan kaya wag kang magagalit sa sarili mo," tinago na ulit ni Baekhyun ang panyo niya sa bulsa, "Kasalanan ko kung bakit mo naisipang itago to sakin."

Hinawakan ni Baekhyun ang kanang siko ni Chanyeol, at napapikit naman si Chanyeol dahil sa sakit. Pero kahit ganun, masaya siya dahil ngayong alam na ni Baekhyun ang lahat, hindi na niya kailangang magtago.

"Gaano katagal na to?"

"T-three weeks..."

"Napatingnan mo na ba to sa doktor?" sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya sa namamagang braso ni Chanyeol. Masakit sa kanya na all this time hindi man lang niya napansin na may iniinda si Chanyeol.

Tumango si Chanyeol. "Sinabi niyang ibabalik na niya yung cast para gumaling na agad yung braso ko."

"Iniinom mo ba yung gamot mo?"

Tumango ulit si Chanyeol. "Hindi ko nakakalimutan."

"Sabihin mo sakin kung may nararamdaman ka. Hindi mo kailangang solohin ang lahat kasi nandito ako para sayo," hinawakan ni Baekhyun ang lantang kamay ni Chanyeol. "Magkasama tayo. May Baekhyun ka. Nandito si Baekhyun para sayo... kasi mahal ka ni Baekhyun, hindi magbabago yun."

Ngumiti si Chanyeol, ngayon na lang ulit dahil kay Baekhyun. Magaan na ang pakiramdam niya ngayong nasabi na niya ang lahat, at masaya siyang marinig ang mga salitang yun mula kay Baekhyun.

"Muntik na akong magduda sayo," sabi ni Baekhyun nang maalala niya yung sinabi ni Sehun sa kanya nung naglilinis siya ng banyo. "Akala ko pinalitan mo na ako... kaya ka umiiwas sakin."

"Akala mo pinalitan kita?" nagtatakang tanong ni Chanyeol. "Saan mo naman nakuha ang idea na yun?"

"Nagpalit ka ng phone, at lagi kang may kausap sa phone sa kwarto mo," sabi ni Baekhyun nang nakaiwas ang tingin. "Lagi kang maagang umalis at late nang umuwi. Hindi mo sinasagot ang mga tawag at messages ko sayo. Sa ginagawa mo, parang may babae ka."

"May babae.. ako?"

"Narinig ka ni Sehun nung isang araw na may kausap kang babae sa phone mo. At kanina, sinabi sakin ni Junmyeon-hyung na.. na may kasama kang babae sa kotse mo at may pinuntahan kayong dalawa kaya hindi ka dumating sa dinner."

Natigilan si Chanyeol at bigla niyang naalala ang mga ginawa niya kanina. Tumingin siya kay Baekhyun sa tabi niya na nag-aalala ang mukha, hindi mapakali yung kamay nito sa lap niya.

"Minsan, dumadating sa point na naiisip ko na... malayo yung agwat natin sa isa't-isa. H-hindi ko maintindihan at wala akong alam sa ginagawa mo sa office, at hindi ko alam kung gaano karami yung taong hinaharap mo araw-araw. Hindi ko rin alam kung ilan yung tauhan at kung magkano yung kinikita mo.. Ang.. ang alam ko lang kapatid ka ni Sehun at nagtatrabaho ako para sayo. Kaya minsan.. naiisip ko, paano kung makahanap ka ng mas magagandang tao kesa sakin. Y-yung.. katulad mo at pareho kayo. Yung hindi katulad ko lang na.. ganito lang--"

"Baekhyun, yan ka na naman eh," sabi ni Chanyeol sabay buntong hininga. "Wag mong i-lang ang sarili mo. Hindi ka lang lang sakin. At saka, itong tatandaan mo. Una sa lahat, hindi kita pinalitan, at hindi kita papalitan kahit kelan. Wala akong babae. Si Soojung--"

"Soojung, ang gandang pangalan--"

"--ay doktor ko."

"May sarili kang doktor--"

"--at doktor ng noona ko."

Natahimik na lang si Baekhyun.

"Pangalawa, hindi ko hinihiling kahit kelan na maintindihan mo yung ginagawa ko sa office, hindi-- hindi, Baekhyun, ayokong maging ganun ka. Kung ilan ang tauhan ko? Magkano ang kinikita ko? Numbers lang yun, hindi yun mahalaga."

"At pangatlo?"

"At pangatlo," sabi ni Chanyeol habang nag-iisip. "Wala na, dalawa lang yun."

"Yah. Chanyeol."

Ngumiti si Chanyeol. "At pangatlo, wag mong maliitin ang sarili mo. Dahil pinagmamalaki kita."

Tumango si Baekhyun habang nakangiti. Hinawakan ni Chanyeol ang pisngi ni Baekhyun.

"Sorry sa lahat ng pag-aalala mo dahil sakin. Ang laki na tuloy ng eyebags mo, nakakatulog ka ba nang maayos?"

Umiling si Baekhyun. "Paano ako makakatulog nang maayos kung iniisip ko gabi-gabi na magkaaway tayo."

"So ngayon makakatulog ka na nang maayos," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Wala ka nang iisipin kasi bati na tayo."

Lumapit si Chanyeol at hinalikan niya si Baekhyun sa labi. Ngumiti si Baekhyun sa kiss at hinalikan niya rin si Chanyeol pabalik. Sumandal siya sa upuan habang nakahawak siya sa balikat ni Chanyeol. Hinawakan ni Chanyeol ang pisngi ni Baekhyun habang hinahalikan niya ito nang mas mabagal, mas madiin... at mas matagal.

Pagkatapos ng ilang minuto, humiwalay na si Chanyeol sa kiss para huminga, pinatong niya yung noo niya sa balikat ni Baekhyun. Tumawa naman si Baekhyun.

"Namiss ko yung kiss mo," bulong ni Chanyeol.

"Three minutes and 41 seconds," sabi ni Baekhyun habang nakangiti. "New record!"

"Yah, wag mo sabihing inoorasan mo yung kiss natin."

Namula si Baekhyun habang nakapout. "B-bawal ba."

"Four minutes kaya yun," sabi ni Chanyeol sabay tingin sa orasan sa kotse. "9:46 tayo nagsimula tapos 9:50 na ngayon kaya four minutes katagal yung kiss natin."

"Yah, dalawang beses kang humiwalay, hindi kasama yun sa oras."

"Pero kinagat mo yung labi ko nang sobrang diin at hindi na ako makahinga," sabi ni Chanyeol sabay irap. "Hindi cotton candy ang lips ko, wag mong kagatin. At wag masyadong mahigpit yung kapit mo sa leeg ko. Nasasakal ako."

Tumawa si Baekhyun. "Yah, Haha. Ano? Ako ang kumagat? Ikaw ang kumagat, at hindi kita sinasakal. Masyado lang masikip yang tie mo. At isa pa, wag mo ngang igalaw yung dila mo kapag--"

"YAH! BAEKHYUN!!!" sigaw ni Chanyeol nang namumula, tinakpan niya yung bibig ni Baekhyun sabay tingin sa paligid nila kung may tao. "BAKA MAY MAKARINIG SAYO!"

"Pero ikaw yung sumisigaw," sabi ni Baekhyun. "Ikaw ang dapat manahimik."

"Fine. Oo na, oo na, ako na ang may kasalanan. Pag-aawayan na naman ba natin to?"

Umiling si Baekhyun. Bumuntong hininga si Chanyeol habang pinupunasan niya yung gilid ng labi ni Baekhyun gamit ang thumb niya.

"Masakit ba?"

"Medyo," sabi ni Baekhyun nang nakapout.

"Sorry, hindi ko na didiinan."

"Dapat lang, kung ayaw mong hindi na kita ikiss kahit kelan."

Tumawa si Chanyeol. "Bumaba ka na nga, at umuwi ka na. Siguradong hinihintay ka na ng wife mo."

"Yah, anong wife ka jan."

"Daig niya pa ang bunganga ng bungangerang nanay kapag nanermon."

Tumawa si Baekhyun. "Hindi mo ba ako ihahatid sa loob?"

"Sisigawan lang ako ni Jongdae pag nakita niya ako, at baka hampasin at bugbugun niya pa ako ng baseball bat."

"Pero dapat lang yun sayo."

"Kahit may migraine at fracture ako?"

"Kahit may migraine at fracture ka pa."

Umirap si Chanyeol. "Hindi ko talaga alam kung bakit ba ako nagkagusto sayo."

"Lalo naman ako." Ngumiti nang malapad si Baekhyun.

"Aigoo. Lumabas ka na, labas! Baka kung ano pang magawa ko sayo!"

"Ahhhh. Natatakot na ako!"

Natawa si Chanyeol at pinisil niya ang ilong ni Baekhyun. Natawa rin si Baekhyun.

"Mahal kita."

"Alam ko," sabi ni Baekhyun at inalis na niya ang seatbelt niya. "Ingat ka sa pagdadrive, papasok na ako." Binuksan niya ang pinto at bumaba na siya ng kotse.

"Good night, jagiya," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. Kumaway siya kay Baekhyun at sumenyas siya ng phone sa tenga niya gamit ang pinky at thumb niya.

"Mm. Hihintayin ko yung tawag mo," sagot ni Baekhyun habang kumakaway. "Good night!"

*

"Ehem."

"Hmm?"

"So.."

"So?"

Siningkit ni Jongdae ang mata niya habang nakatingin kay Baekhyun nang nagdududa. "Anyare?"

Ngumiti si Baekhyun nang malapad sabay higa sa kama niya, nakastretch ang dalawang braso niya sa magkabilang side niya. Nginitian niya lang ang ceiling magdamag hanggang sa naharangan na ng mukha ni Jongdae ang view niya ng ilaw.

"Yah, bakit sobrang saya mo yata simula nung dumating ka? Anong nangyari?" tanong ni Jongdae nang nakataas ang kilay. "Sabihin mo... tumira ka ba ng katol?"

Tumawa si Baekhyun, at tinakpan niya ang mukha niyang mahahati na sa gitna dahil sa sobrang kilig. "Hindi katol ang tinira ko."

"Ano?"

Nakangiti pa rin, umiling si Baekhyun at hinawakan niya ang lips niya habang iniimagine niya ang kiss nila ni Chanyeol kanina.

"Si Chanyeol.."

Nanlaki ang mata ni Jongdae.

"YAH! BASTOS NA BATA TO AH!"

*

To be continued.

(A/N: Salamat sa pagsubaybay hanggang sa ika-60 Chapter ng Call Me Baby. HAPPY 62K READS! MARAMING MARAMING SALAMAT SA PAGVOTE, PAGCOMMENT AT PAGBASA!!!

PS. Bati na sila! Sorry sa kadramahan ng ChanBaek noong previous chapters. At sorry din sa super bagal na update ng CMB. Sisikapin kong makapag update every other night. Patawarin niyo ako. :( Yun lang, sana nagustuhan niyo ang chapter na ito!!! ❤❤❤)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro