Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 59


*

59

"Magsosorry... Hindi. Magsosorry... Hindi. Magsosorry... Hindi. Magsosorry... Hindi. Magsoso-- aish!!!"

Ginulo ni Chanyeol ang buhok niya. Kanina pa siya palakad-lakad sa kwarto niya habang iniisip kung magsosorry na ba siya kay Baekhyun o hindi. Dahil aminin man niya sa sarili niya o hindi, siya talaga ang may mali kung bakit sila nag-away.

"Fine," sabi ni Chanyeol sa sarili niya sabay buntong hininga. "Magsosoorry na ako."

Ineexpect niyang may tao siyang madadatnan sa living room, pero ni isang tao wala siyang nakita. At nasan naman kaya sila? Nasan si Baekhyun?

Pumunta siya sa kusina pero wala rin si Baekhyun dun. Bago siya umalis, kinuha muna niya yung strawberry yoghurt na tinago niya sa ref na tinira at tinabi talaga niya para sa sarili niya. Ibibigay na lang niya yun kay Baekhyun pagkatapos niyang magsorry.

"Asan ka na ba?"

May narinig siyang sigawan sa may garden kaya sumilip siya sa bintana. Nakita niya ang apat nilang kasambahay na naglalaro ng badminton doubles sa damuhan, at si Baekhyun na nakaupo sa terrace sa tabi ni Sehun.

"Go, Taeyong! Go Yuta! Go Taeyong! Go Yuta! Galingan niyo!!!"

"Yah, wag ka ngang sumigaw!" sigaw ni Sehun habang nakacross arms. Nang nakita niyang hindi naibalik ni Yuta ang shuttlecock at lumapag ito sa side ng net nila, napatayo si Sehun.

"Nice one, Ten!!! Whoo!!!" sigaw ni Sehun, nag-appear naman si Ten at Jaehyun.

"Pano ba yan, lamang na ang team ko," sabi ni Sehun na nakangiti nang mapang-asar. "Loser."

"Yah, wag ka ngang magsalita ng tapos jan-- Ganyan nga, Yuta! Yes!!!"

Hinampas pa ni Baekhyun ang likod ni Sehun habang tumatalon nang makascore ulit ang team niya, kaya napaaray na lang si Sehun sa tabi niya.

Umiwas si Chanyeol ng tingin sa kanila. Mukhang ang saya-saya mo jan, ni hindi mo na nga yata ako naaalala o naiisip man lang. Tinakpan na ni Chanyeol ng kurtina ang bintana at naglakad na ulit siya paakyat sa hagdan. Napatingin siya sa kamay niya at nakita niyang hawak pa pala niya yung strawberry yoghurt.

"Hindi mo na kailangan to," sabi ni Chanyeol sabay tapon sa basurahan ng malamig pang strawberry yoghurt na para dapat kay Baekhyun.

Nang narinig ni Baekhyun na may kurtinang nagsara, napalingon siya sa likod niya. Nakita na lang niyang gumagalaw pa nang mahina ang tela ng kurtina.

"Bakit?" tanong ni Sehun, tumingin din siya sa tinitingan ni Baekhyun. "May problema ba?"

"Huh? Ah, w-wala," sabi ni Baekhyun. Umiwas na lang siya ng tingin sa bintana at ngumiti siya kay Sehun. "Hinihintay ko lang si Yixing-hyung. Ang tagal niya kasi."

"Pabalik na rin yun," sabi ni Sehun, sinubo niya ang popsicle niya. "Sa convenience store sa tapat lang naman siya bibili ng strawberry yoghurt na gusto mo."

*

"Ah, mamaya?" Inayos ni Chanyeol ang tie niya gamit ang isang kamay, nakasingit sa balikat at tenga niya ang phone niya. "Oo. Pwede ako, pagkatapos ng work.... Ah, magkita tayo?"

Humarap siya sa salamin para makita ang sarili niya. "Susunduin kita o... sabay na tayo?... Ah.... Hahaha, ah sige, sige... Hm? Okay lang! Hindi naman big deal yun.... Sure.... At saka nakakahiya na sayo, ikaw na yung last time, diba?"

Ngumiti si Chanyeol sabay tango. "Tss. Okay lang... Kaya ko nang magdrive mag-isa, medyo naigagalaw ko na nga yung kanang braso ko.... Oo, naiinom ko rin yung meds ko, wag ka nang mag-alala.... Promise--"

"Chanyeol!!!"

Napalingon si Chanyeol sa pinto niya, medyo nagulat pa siya dahil sa sigaw. Tinago niya agad yung braso niyang may bali sabay bulong ng mabilis na, tatawagan na lang ulit kita mamaya bye sa kausap niya sa phone.

"Yah," sabi ni Chanyeol nang nakataas ang kilay, binulsa niya na yung phone niya. "At anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ka ba masayang makita ako?" Umupo si Yixing sa may couch at ngumiti siya kay Chanyeol. "Dito na ulit ako titira."

Umirap si Chanyeol. "At bakit naman?"

"Inilipat ako ng Chairman ng hospital sa Busan kaya dito na ako sa Seoul nakadestino ngayon," paliwanag ni Yixing habang inililibot ang mata niya sa kwarto ni Chanyeol

"Ah ganun ba," sabi ni Chanyeol. Tinatamad siyang magsalita at galit rin siya, hindi niya alam kung kay Yixing ba, sa sarili niya o kay Baekhyun.

"Papasok ka sa office ngayon?"

Tumango lang si Chanyeol habang inaayos niya ang buhok niya. "Bakit mo tinatanong?"

"Umuwi ka nang maaga, kami ni Baekhyun ang magluluto ng dinner mamaya. Sinabihan ko rin na umuwi si Sehun nang maaga para sabay-sabay na tayong kumain ng dinner," sabi ni Yixing nang nakangiti, walang reaksyon si Chanyeol. "Alam mo na, simpleng homecoming celebration ko."

"May pupuntahan ako mamaya, kayo na lang," sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang tingin. "At baka... sa labas na rin ako kumain."

"Yah, bakit ka ganyan, mas mahalaga ba yun kesa samin? Hindi mo ba pwedeng icancel na lang yun?"

"Sorry," makising sabi ni Chanyeol kaya napabuntong hininga na lang si Yixing.

"Dahil ba to sa away niyo ni Baekhyun?" Tumayo si Yixing sa couch. "Sinabi ni Sehun sakin ang lahat... na nag-away kayo dahil hindi ka nakapunta sa dinner niyo ng parents ni Baekhyun... at hindi pa rin kayo nag-uusap hanggang ngayon."

Tahimik lang si Chanyeol.

"Tapos nag-away ulit kayo dahil naman sakin." Napatingin si Chanyeol sa kanya. "Wrong timing ba yung pagbabalik ko?"

"Bahay mo rin naman to, kaya pwede kang bumalik kahit kelan mo gusto," sagot ni Chanyeol.

"Galit ka ba sakin?"

"Galit ako," sabi ni Chanyeol. "Dahil nagconfess ka kay Baekhyun. Natatandaan kong nagpromise ka sakin na itatago mo na lang yan habang buhay. Hindi mo tinupad yung pangako mo."

"I'm.. sorry."

"At galit din ako," sabi ni Chanyeol. "Dahil hindi mo sinabi sakin, sa iba ko pa malalaman."

"Para saan pa. Hindi na naman yun mahalaga, Chanyeol."

Hindi ko sinabi sayo kasi hindi na yun mahalaga! Bakit ko pa yun sasabihin sayo, para saan pa?

Naalala bigla ni Chanyeol ang sinabi sa kanya ni Baekhyun.

"Minsan, may mga bagay na hindi na dapat sinasabi kung hindi naman mahalaga," sabi ni Yixing. "...si Baekhyun, ikaw yung gusto niya at ikaw yung pinili niya kaya kahit anong gawin ko, wala lang yun sa kanya... Wala na akong magagawa."

"Pero ikaw, lahat ng gawin mo, may halaga sa kanya, lahat ng gawin mo, maapektuhan siya... kaya kung may bagay na hindi naman mahalaga para sayo... at mahalaga para sa kanya," tumigil si Yixing para maglakad palapit kay Chanyeol, "Dapat sabihin mo sa kanya... ikaw na rin mismo ang nagsabi at sayo na nanggaling."

"At ano namang sinabi ko?"

"Na galit ka dahil hindi ko tinupad yung promise ko, at galit ka dahil hindi ko yun sinabi sayo," nasa tapat na ni Chanyeol si Yixing. "Sa tingin mo, ganun rin kaya ang nararamdaman ni Baekhyun ngayon? Gusto mo bang sa iba niya pa malaman yung tinatago mo?"

Natigilan si Chanyeol. "A-anong bang sinasabi mo?"

Ngumiti si Yixing at inangat niya ang kanang braso ni Chanyeol kaya napasigaw naman si Chanyeol sa sakit.

"Doktor ako," sabi ni Yixing kay Chanyeol na nakahawak sa braso niyang may bali. "At kaibigan kita, kaya alam kong may tinatago ka."

Umiwas ng tingin si Chanyeol. "Wag mo nang sabihin to kay Baekhyun."

"Kahit gusto ko, alam kong hindi mo ako papayagan."

Kinuha na ni Chanyeol ang bag niya, nakalaylay lang yung kanang braso niya sa tabi niya. "Wag niyo na akong hintayin mamaya, may aasikasuhin lang ako."

"At sino namang pupuntahan mo?"

"Hindi mo na kailangang malaman."

Lumabas na si Chanyeol ng kwarto niya at bumaba na siya. Nakita niya si Baekhyun sa gilid ng mata niya na nakatingala sa hagdan na parang kanina pa niya hinihintay na bumaba si Chanyeol. Bumuka ang bibig ni Baekhyun para sana kausapin si Chanyeol, pero nilampasan lang siya ni Chanyeol at lumabas na agad ito ng mansion nang hindi man lang tinitingnan si Baekhyun.

Tumingin si Baekhyun sa pinto na pinaglabasan ni Chanyeol, malungkot ang mukha niya. Gusto ko na sanang magsorry sayo. Tumingin siya sa kamay niya, may hawak siyang dalawang box ng strawberry yoghurt na malamig pa.

*

"Saan tayo kakain, gutom na ako," sabi ni Kyungsoo, naglalakad na sila ngayon palabas ng building.

"Sa mansion tayo kakain, bumalik na si Yixing ngayon kaya dun na raw tayo magdinner sabi ni Baekhyun," sagot ni Jongdae. Nabangga siya sa likod ni Junmyeon dahil tumigil ito sa paglalakad sa harap niya.

"Yah! Bakit bigla ka na lang humihin--"

"Sshh!!!" sabi ni Junmyeon sabay hila kay Jongdae. Lumapit rin si Kyungsoo para tingnan ang tinitingnan ni Junmyeon.

"Bakit, anong meron?"

"S-si Chanyeol... yun diba?"

"Oo, kotse niya nga yan, at siya yung nasa loob," sagot ni Jongdae, nanlaki ang mata niya gaya ng dalawa niya pang kasama nang mapatingin sila sa tabi ng driver's seat.

"At sino naman yung... babaeng nakasakay sa tabi niya?" tanong ni Junmyeon.

Bago pa makasagot si Jongdae, umandar na ang kotse. Lumiko ito sa kabilang kanto, at alam nilang tatlo na hindi yun ang daan pauwi sa mansion.

"Hindi yun si Ms. Yoora, hindi rin yun si Dara. At hindi yun si Baby," sabi ni Junmyeon.

"Sino kaya yung kasama ni Chanyeol!?" sigaw ni Kyungsoo. "Anong ibig sabihin nun, saan sila pupunta, bakit sila magkasama!?"

Tahimik lang si Jongdae.

*

"Okay lang ba talaga sayo na kaliwa ang gamit mo sa pagdadrive?"

"Okay lang. Nung una, mahirap kasi hindi ako sanay. Pero ngayon, nasasanay na ako."

"Bakit kasi hindi ka na lang magpadrive sa driver niyo? Diba may driver ka naman?"

Tumingin si Chanyeol sa tabi niya. "Sinabi ko na sayo, Soojung, hindi nila pwedeng malaman na may injury ako. Okay lang to, diba sinabi mo namang gagaling din to pagkalipas ng ilang buwan?"

"Pero Chanyeol-oppa, kailangan mo pa ring suotin ang cast at sling mo, hindi yan gagaling agad kung ganyan lang ang gagawin mo," sabi ni Soojung, hinawakan niya ang siko ni Chanyeol kaya napapikit si Chanyeol sa sakit.

"Kaya ka nga nanjan para gumaling ako agad," sabi ni Chanyeol, niliko niya ang manibela. "Para makakilos na ako nang maayos... para mawala na to. Kaya dapat tulungan mo ako."

"Ibig sabihin lang nun, kailangan mo ako sa buhay mo," sabi ni Soojung sabay cross arms. "Bakit kasi hindi mo ako binigyan ng chance--"

"Yah, tama na. Wag na nating pag-usapan yan." Tinigil ni Chanyeol ang kotse sa tapat ng isang hospital. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan niya si Soojung ng pinto.

"Mauna ka, susunduan kita."

Tumango si Soojung at nauna na siyang maglakad habang nakasunod lang si Chanyeol sa doktor niya. Nagvibrate ang phone sa bulsa niya kaya tingnan naman niya kung sino ang nagmessage sa kanya.

백현. (Baekhyun)
7:34PM
Darating ka, diba?

Bumuntong hininga si Chanyeol at binulsa na lang ulit niya ang phone sa bulsa niya nang di man lang nirereplyan si Baekhyun.

*

"Halika na Baekhyun, kumain na tayo," sabi ni Sehun kay Baekhyun na nakaharap sa malaking bintana nila. "Sinabi ni hyung na gabi na siya uuwi kaya wag na raw natin siyang hintayin."

"Busog pa ako, Sehun. Mauna na kayo, siguradong gutom na sina Jongdae."

"Pero hindi kami kakain nang wala ka," sabi ni Sehun nang nakasimangot. "Hindi ako... kakain nang wala ka."

Tumingin si Baekhyun kay Sehun na nakatingin lang sa kanya nang malungkot, at pakiramdam ni Baekhyun, nagiguilty na naman siya. "Please?"

"Wala akong... gana."

"Please? Ibibili kita ng kahit ilang ice cream at yoghurt na gusto mo, o kahit cake o chocolate, basta kumain ka lang!" sabi ni Sehun, hinila niya si Baekhyun sa braso. "Pwede mo akong utusan ng kahit ilang utos o pagawin ng nakakahiyang bagay na ayaw ko, basta kumain ka lang!"

Napangiti nang konti si Baekhyun. "Tss. Talaga?"

Tumango si Sehun habang nakapout. "Yee, kakain na yan! Kakain na yan! Kakain na yan!"

"Hindi ko matiis yung aegyo mo, kaya sige na, kakain na ako," sabi ni Baekhyun. Sumunod na siya kay Sehun sa dining room kung saan naghihintay na ang lahat sa pagdating niya.

Pagkaupo ni Baekhyun, nilagyan ni Sehun ng ulam ang plato ni Baekhyun gaya ng ginagawa ng babysitter niya sa kanya. Napangiti naman si Baekhyun at tumango siya nung tanungin siya ni Sehun kung gusto ba niya ng side dish.

Pinilit na lang ni Baekhyun na wag pansinin ang bakanteng upuan sa tapat niya.

*

"Yah, hindi ba natin sasabihin kay Baekhyun yung nakita natin kanina?" bulong ni Kyungsoo kay Jongdae sa tabi niya. "Yung tungkol kay Chanyeol at dun sa..." Tumingin si Kyungsoo sa paligid bago siya magsalita. "Babae."

"Hindi naman tayo sigurado kaya wag muna, wala tayong basehan sa nakita natin," sabi ni Jongdae, nakatingin siya kay Baekhyun na nakikipagkwentuhan kina Yixing. "Baka lumala lang yung away nila pag dinagdagan pa natin."

Nagkibit balikat si Kyungsoo. "Kung sabagay..."

Lumapit si Junmyeon sa kanilang dalawa. "Pwede na ba tayong umuwi?"

"Pwede na siguro kung tapos ka nang makipaglandian kay Yixing," sabi ni Kyungsoo nang nakataas ang kilay.

"Yah, yah, yah, hahaha! Yah," sabi ni Junmyeon sabay akbay kay Kyungsoo. "Nag-uusap lang kami, Kyungsoo, wag kang magselos."

"Ehem. Okay, ano to? Hindi yata ako nainform," sabi ni Jongdae na nakataas din ang kilay. "Anong-- ano to?"

Tumawa lang si Junmyeon at Kyungsoo sabay alis sa harap ni Jongdae. "Yah! Akala ko ba solid tayong tatlo. Yah!"

*

"Sigurado ka bang hindi ka sasabay samin, Baek?" tanong ni Jongdae habang nakasilip sa bintana ng kotse ni Junmyeon. "Pauwi na rin naman ako sa apartment natin."

Umiling si Baekhyun habang nakangiti. "Hindi na, magpapahatid na lang ako kay Sehun mamaya, at saka... hihintayin ko pa si Chanyeol."

"Ah, ganun ba." Umiwas si Jongdae ng tingin. "Sige, hihintayin kita sa bahay mamaya."

"Mm, sige ingat kayo!"

"Pumasok ka na sa loob, malamig sa labas," sabi ni Junmyeon bago niya paandarin ang kotse niya. Kumaway si Baekhyun sa kanila at hinatid niya ng tingin ang sasakyan hanggang sa makalayo ito.

Pagkalipas ng ilang minuto, napagdesisyunan ni Baekhyun na pumasok na sa loob. Giniginaw na ako dito, sa loob ko na lang hihintayin si Chanyeol. Tumalikod na si Baekhyun para sana pumasok na sa loob nang narinig niyang may kotseng parating. Humarap siya ulit at nakita niyang si Chanyeol pala ito.

Nakatingin lang si Baekhyun nang tumigil ang kotse sa tapat ng mansion. Bumaba si Chanyeol. Parang estatwa si Baekhyun na nakatigil sa tapat ng gate habang nakatitig kay Chanyeol. Gusto niyang magtanong ng, saan ka galing, bakit hindi mo ako nireplyan kanina, kumain ka na ba, gusto mo bang samahan kita, pero walang lumabas sa bibig ni Baekhyun kundi...

"Namimiss na kita."

Tumigil si Chanyeol at napatingin na siya kay Baekhyun, walang reaksyon yung mukha niya. Lumapit sa kanya si Baekhyun nang dahan dahan tapos nagtiptoe ito habang nakapikit.

Hinalikan niya si Chanyeol sa labi.

Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun habang nakatayo siya, nakikita niyang nakapikit si Baekhyun sa harap niya na nakahalik sa kanya, kaya pumikit na rin siya.

Pero hindi niya hinalikan si Baekhyun pabalik.

Magkadikit lang yung labi nilang dalawa.

Humiwalay na si Baekhyun sa kiss pagkalipas ng ilang segundo at yumuko na lang siya sa kalsada. Nasaktan siya dahil hindi man lang nagsalita o nagrespond si Chanyeol. Pakiramdam niya rin napahiya siya, na parang wala lang yung ginawa niya.

"Umuwi ka na," yun lang ang sinabi ni Chanyeol sa kanya. Nakaramdam si Baekhyun ng coat na nakapatong sa balikat niya. "Ipapahatid na kita kay Taeyong."

Nakarinig si Baekhyun ng pagbukas ng gate sa likod niya, at naisip niyang malamang ay pumasok na si Chanyeol. At kahit na may coat na siyang suot ngayon, malamig pa rin ang pakiramdam ni Baekhyun.

"I'm sorry..." bulong ni Baekhyun sa sarili niya, kahit hindi niya alam kung dapat ba siyang magsorry. "S-sorry, Chanyeol..."

Tumulo na ang luha ni Baekhyun sa pisngi niya pero wala na si Chanyeol para punasan yun.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro