Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 58


*

58

Sobrang tahimik ng mansion.

Pito silang taong nasa loob ng mansion, gumagalaw, naglalakad, nagtatrabaho, pero parang walang nakatira dito simula nang nag-away sina Chanyeol at Baekhyun. At pakiramdam ni Sehun, mababaliw na siya sa pinaghalu-halong galit, inis, asar, lungkot at pagkamiss dahil sa nangyayari.

Hindi akalain ni Sehun na mas gugustuhin niya pang makitang maglambingan ang hyung at babysitter niya sa harap niya kesa maglampasan at magwalang-kibuan silang dalawa na parang mga multo. Walang siyang magawa kundi panoorin na lang ang dalawa na mag-iwasan sa loob ng bahay, dahil kahit anong gawin ni Sehun na pakiusap sa hyung niya na magsorry na kay Baekhyun at kausapin ito, hindi naman ito ginagawa ni Chanyeol.

"Nakailang sorry na ako, tama na yun, kung ayaw niyang tanggapin, edi wag," yun lang ang laging sagot ni Chanyeol sa kanya, kaya napapawalk out na lang si Sehun sa harap ng hyung niya.

Kapag kakausapin naman ni Sehun si Baekhyun na patawarin na nito ang hyung niya, hindi sasagot ang babysitter niya. Tititigan lang siya nito magdamag, o kaya iibahin ang usapan wag lang marinig ang pangalan ni Chanyeol.

"Ayoko na, pagod na ako," sabi ni Sehun sa apat na kasambahay na nasa harap niya. Bumuntong hininga ang apat, lahat sila nakasimangot habang nakatingin kay Chanyeol at Baekhyun na nasa magkabilang gilid ng bahay, nakaupo sa porch si Baekhyun samantalang nasa pinakadulong upuan ng living room naman si Chanyeol.

"Ganito ba sila mag-away, Sir Sehun?" tanong ni Ten kay Sehun. "Ang ineexpect ko, magsisigawan at magbabatuhan sila ng gamit kagaya ng madalas na ginagawa ng mga couple sa TV."

Umiling si Sehun. "First time nilang mag away simula nung magdate sila. Hindi pa sila nag-aaway kahit kelan."

"DI NGA!?" tanong ng apat na parang di makapaniwala.

"Oo. Kung mag-aaway man sila, mamaya bati na sila na parang mga bata," sabi ni Sehun habang nakacross arms. "Isang linggo na silang ganyan. Masakit sakin na nakikitang ganyan si Baekhyun."

Tiningnan ng apat si Baekhyun na nakayakap sa tuhod niya habang nakatingin lang sa kawalan, malungkot ang mata niya at matagal na nilang hindi ito nakikitang ngumiti.

"Malalim naman kasi yung... pinag-awayan nila," sabi ni Taeyong habang nakatingin kay Chanyeol. "Ni ako nga hindi ko alam kung ano bang nangyari kay Sir Chanyeol kung bakit hindi siya nakarating nung gabing yun."

"Ayaw pa rin niyang sabihin sakin, pakiramdam ko may tinatago siya," sabi ni Sehun, tiningnan niya rin si Chanyeol na ngayon ay umaakyat na sa hagdan papunta sa kwarto niya. Hawak ni Chanyeol ng kaliwang kamay niya yung coffee niya habang yung kanan naman ay nakalagay lang sa gilid niya.

Hindi naman siya kaliwete. Napataas ng kilay si Sehun. Bakit ganun siya humawak?

Naaalala bigla ni Sehun yung time na nakita niya ang hyung niya na nagsusulat gamit ang left hand nito. Alam niyang both-handed ang hyung niya, kaya niyang sumulat sa kanan at kaliwa, pero ngayon lang ulit niya nakitang kaliwa sumulat ang hyung niya. Nakita rin niya na nagpalit ng phone ang hyung niya, alam niyang naka-Iphone 6 plus ito, pero nung isang araw, nakita niyang naka-Samsung Galaxy Note na ito. Anong nangyari sa phone niya?

"Sehun," sabi ng boses sa tabi ni Sehun, hindi niya namalayang nakalapit na pala si Baekhyun sa kanya. "Masama ang pakiramdam ko, uuwi na ako."

"Kailangan mo ba ng gamot? Teka, ikukuha kita bago ka umuwi," sabi ni Sehun, patayo na sana siya para pumunta sa medicine cabinet pero pinigilan siya ni Baekhyun.

"Okay lang ako, kulang lang ako sa tulog," sabi ni Baekhyun sabay ngiti ng pilit sa alaga niya. Hindi kumbinsido si Sehun.

"Matulog ka na sa kwarto ko," sabi ni Sehun, hinawi niya yung bangs ni Baekhyun sa noo nito. "Hindi mo na kayang umuwi ng ganyan, parang makakatulog ka na sa kalsada pag lumabas ka pa."

Tumango si Baekhyun habang kinukusot niya ang mata niya, at kundi lang malungkot si Baekhyun malamang kanina pa pinisil ni Sehun ang pisngi niya. Bakit ba ang cute niya kahit ganyan siya.

"Halika na, kakargahin na kita," sabi ni Sehun, umupo siya sa sahig para ipiggyback si Baekhyun sa likod niya. Nakatingin lang ang apat na kasambahay na parang mga kinikilig.

"Sumakay ka na, Baekhyun-hyung, kundi ako ang sasakay jan," bulong ni Yuta kaya nahampas naman siya ni Jaehyun sa tabi niya.

Sumakay na si Baekhyun sa likod ni Sehun, nakapulupot yung braso niya sa leeg ni Sehun. Magaan at maliit lang naman si Baekhyun kaya nabuhat na siya ni Sehun nang walang-kahirap hirap. Naglakad na sila paakyat sa taas, nakasandal yung ulo ni Baekhyun sa balikat ni Sehun.

"Bakit kasi ayaw mo pang patawarin si hyung," bulong ni Sehun kay Baekhyun. "Pinapahirapan mo lang yung sarili mo... saka nahihirapan rin ako pag nakikita kitang ganyan."

"Ang gusto ko lang naman..." sabi ni Baekhyun na parang maiiyak nanaman siya. "S-sabihin niya sakin yung totoo.. kung bakit, kung bakit hindi siya dumating nung gabing yun... B-bakit niya pinagpipilitan sakin na nakalimutan niya.. n-nagsisinungaling siya.. N-nagsisinungaling siya kasi alam ko.. nararamdaman ko na may nangyaring hindi niya sinasabi kaya..." Humikbi si Baekhyun. "Kaya h-hindi ko tinatanggap ang sorry niya."

Bumuntong hininga si Sehun nang ilapag niya si Baekhyun sa kama. Inayos niya ang blanket nito sa ibabaw ng dibdib niya.

"Matulog ka na," bulong ni Sehun habang hinahaplos niya yung pisngi ni Baekhyun. "Tatanungin ko ulit si hyung. Aalamin ko kung ano ba yung tinatago niya."

Tumango si Baekhyun, nakapikit na siya. "G-good night."

Ngumiti si Sehun. "Good night."

*

Dahan dahang umupo si Chanyeol sa swivel chair niya habang iniingatan niyang wag masagi yung kanang braso niya, dahil tinanggal niya na yung cast na nakabalot dito at hindi niya na rin sinusuot yung sling niya.

Hindi nila pwedeng malaman na may injury ako. Pumikit si Chanyeol, masakit kapag ginagalaw niya ito. Kinuha ni Chanyeol yung gamot niya sa migraine tapos tinaktak niya ito sa table niya hanggang sa may lumabas na dalawang puting tablet na hugis oblong. Dinampot niya ulit ito gamit ang kaliwang kamay niya at sinubo ito, tapos uminom siya ng tubig gamit ulit ang kaliwa niya.

Sobrang hirap. Naglakad si Chanyeol sa kwarto niyang madilim, nakasara lahat ng kurtina dahil hindi siya makakapagconcentrate kapag maliwanag. Lalo lang sasakit ang ulo niya.

Tumunog ang phone niya.

Aabutin na sana niya ito gamit ang kanan nang maalala niyang wala palang silbi ang kanan niya, kaya kaliwa na ang ginamit niya. Pinakinggan niya ang tao sa kabilang linya, yung nag-iisang tao sa contacts niya sa bago niyang phone na para lang talaga sa taong ito.

"Okay lang, maayos na ang pakiramdam ko," sabi ni Chanyeol na halos pabulong. "Wag ka nang mag-alala. Bibisita ako sayo bukas. Promise."

Nagsalita ang tao sa kabilang linya. Tumango si Chanyeol.

"Salamat," sabi ni Chanyeol na nakangiti nang malungkot. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."

Napaatras si Sehun sa pagkakasilip niya sa kwarto ng hyung niya na sobrang dilim. Muntik pa siyang matumba kung di agad siya nakahawak sa pader. Anong ibig sabihin nun? S-sino yung... kausap niya?

Tumakbo na si Sehun pabalik sa kwarto niya. Hindi niya sinasadyang marinig yung usapan ng hyung niya at nung tao sa phone, pero masama ang kutob ni Sehun. Ano ba talagang tinatago mo, hyung?

*

Palabas na sana si Chanyeol sa kusina nang nakita niyang papasok si Baekhyun sa kusina kaya napatigil siya. Umiwas siya ng tingin kay Baekhyun, humigpit yung pagkakahawak niya sa phone sa kaliwang kamay niya.

Napatingin si Baekhyun sa kamay ni Chanyeol, at ngayon lang niya napansin na nagpalit ito ng phone. Hindi naman black ang cover ng phone niya. Hindi rin ganyan kalapad.

Lalampas na sana si Chanyeol sa tabi ni Baekhyun, pero bago pa siya makaalis, hinawakan na siya ni Baekhyun sa kanan niyang braso. Napapikit si Chanyeol sa sobrang sakit dahil nga sa may injury siya doon. Pero kung wala, hindi ito sasakit nang ganito dahil hindi naman ganun kahigpit ang pagkakahawak ni Baekhyun sa kanya.

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun, first time makalipas ng isang linggo. Namiss ni Chanyeol marinig ang boses ni Baekhyun. Sobra.

"Makikinig ako, magpaliwanag ka," sabi ni Baekhyun sa seryosong boses, na halos hindi makita yung mata niya. "Alam kong mali ako, kasi hindi kita hinaayaang magpaliwanag. Pero ngayon, gusto kong marinig yung explanation mo kesa sa mga sorry mo.. makikinig ako sayo."

"Wala na akong dapat ipaliwanag sayo," sabi ni Chanyeol, at nagpapasalamat siya dahil hindi nanginig yung boses niya. "Kung ano yung sinabi ko sayo noon, yun ang totoo. Nakalimutan ko, hindi ako nakarating. Inuna ko yung trabaho ko at hindi ko napansin yung oras, sorry. Ngayon, kung ayaw mong tanggapin at ayaw mong maniwala. Bahala ka."

"Nagsososorry ka pero hindi ka naman seryoso," sabi ni Baekhyun, napahawak siya sa ulo niya. "Bakit ka ba ganyan? Totoo ba talaga yang sinasabi mo o nagsisinungaling ka lang?"

Natigilan si Chanyeol, pero hindi niya pinahalata na natamaan siya sa sinabi ni Baekhyun.

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Sinungaling," sabi ni Baekhyun, nagsisimula na naman siyang magalit. "Napakasinungaling mo. Lahat ng bagay sinasabi ko sayo, pero ikaw. Bakit ka naglilihim sakin?"

"Lahat ng bagay sinasabi mo sakin?" tanong pabalik ni Chanyeol. "May nakalimutan ka yata?"

"Ano bang sinasabi mo? Wag mong ibalik yung tanong sakin. Sagutin mo yung tanong k--"

"May pag-asa ba si Yixing sayo?"

Natigilan si Baekhyun. At ano namang kinalaman niya dito?

"Ano?" naiinis na tanong ni Baekhyun.

"Akala mo hindi ko alam?" tanong ni Chanyeol, bumuntong hininga siya, nagpipigil lang siya ng galit niya. "Balak ko na sanang kalimutan to, pero pinaalala mo pa. Bakit ka ganyan, Baekhyun?"

"Ano bang sinasabi mo!?"

"Anong ginawa niyo nung nasa Busan ka habang nandito ako? May sakit ako? Nagyakapan ba kayo nung nagconfess siya sayo?"

"Chanyeol, ano bang--"

"O nagkiss kayo?"

Natahimik na lang si Baekhyun. Bakit mo ba sinasabi ang mga bagay na yan. Ano bang gusto mong iparating!?

"Nagkiss kami?" sabi ni Baekhyun sa tonong hindi makapaniwala. "Ano bang klaseng tanong yan?"

"Sinabi mo.. na sinasabi mo sakin lahat ng bagay?" sabi ni Chanyeol sabay iling. "Hindi lahat, Baekhyun."

"Hindi ko sinabi sayo kasi hindi na yun mahalaga!" sabi ni Baekhyun, at nagulat rin siya dahil sa pagsigaw niya. "Bakit ko pa yun sasabihin sayo, para saan pa? Ano namang kinalaman nun--"

"Bakit nga ba hindi mo sinasabi?" tanong ni Chanyeol. "Ano bang balak mo?"

"Ano bang nangyayari sayo!?" sigaw ni Baekhyun. "Alam mong wala akong gusto kay Yixing-hyung. Ikaw yung gusto ko! Ipapakilala ba kita sa parents ko kung hindi kita mahal!?" Huminga ng malalim si Baekhyun. "Ikaw, ikaw yung may problema dito, wag mong ilipat sakin yung tanong ko. Bakit hindi ka nakarating? Sinadya mo ba!?"

"Ano? Sinadya... ko?"

"Sinadya mo," sabi ni Baekhyun. "Yun lang yung naiisip kong dahilan. Sinadya mo kasi hindi mo naman talaga ako mahal. Hindi mo kayang harapin ang mga magulang ko. Kasi hindi mo ako mahal, Chanyeol."

Natigilan si Chanyeol. Parang nagpanting yung tenga niya sa narinig niya. Natigilan rin si Baekhyun sa sinabi niya.

Kung alam mo lang yung pinagdaanan ko para lang makapunta nung gabing yun.. pati na rin yung mga pinagdadaanan ko ngayon. Umiwas ng tingin si Chanyeol, at pakiramdam ni Baekhyun, tama ang sinabi niya.

"So tama ako, hindi mo nga ako mah--"

"Mahal na mahal kita," sabi ni Chanyeol, nakaclech fist siya. "Kaya hindi ko masabi sayo, kasi mahal kita. Ayokong mag-alala ka.. pero anong sinabi mo? Hindi kita mahal? Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. Bahala ka."

Nilampasan lang ni Chanyeol si Baekhyun, nagbanggaan yung braso nila. Hindi sinundan ni Baekhyun si Chanyeol, natigilan na lang siya sa pagkakatayo niya.

*

"Bakit ko ba yun sinabi sa kanya," sabi ni Baekhyun sa sarili niya habang nagkukuskos ng toilet bowl ng banyo sa first floor. Naiinis na siya dahil ayaw matanggal ng dumi, at saka lang niya naalalang design pala yun at hindi dumi.

Kaya hindi ko masabi sayo, kasi mahal kita. Ayokong mag-alala ka.. pero anong sinabi mo? Hindi kita mahal? Paniwalaan mo na ang gusto mong paniwalaan. Bahala ka.

"Mahal mo naman pala ako. So bakit hindi mo masabi sakin!?" naiinis na sabi ni Baekhyun. "ANO BA KASING PROBLEMA MO!?"

May narinig si Baekhyun na pumasok sa loob ng banyo kaya napalingon siya. Nakita niya si Chanyeol na nag-aalalangan kung papasok pa ba siya o hindi. Nakita rin niya na nasa taas ng ulo niya yung medicine cabinet kaya nagkunwari na lang si Baekhyun na lilinisin niya yung kabilang side ng banyo para makapasok na si Chanyeol.

Pumasok si Chanyeol. May kinuha lang siya sa cabinet, sinara ito at pagkatapos lumabas na na parang walang Baekhyun sa banyo.

Pakiramdam ni Baekhyun lalo siyang nainis. Ganito mo na lang ba ako tatratuhin habang buhay? Bakit parang wala kang pakealam sa nararamdaman ko. Bakit ikaw pa yung galit, dapat ako nga yung magalit diba?!

"Galit ako sayo," sabi ni Baekhyun, diniinan niya ang pagkuskos sa bowl. "Napakaselfish mo, Chanyeol. Nakakasakit ka ng damdamin, galit ako sayo."

Narinig ni Baekhyun na bumukas ulit ang pinto ng banyo, hindi siya lumilingon habang naririnig niya yung hakbang palapit sa kanya. Ano, hindi mo na ba ako matiis? Magsosorry ka na ba? Sasabihin mo na ba sakin yung totoo--

Humarap si Baekhyun para sana sigawan si Chanyeol, pero napatigil siya nang makita niya si Sehun na nakatingin sa kanya ng seryoso. Bumuntong hininga si Baekhyun.

"Sorry kung nadisappoint ka at inakala mong ako si hyung," sabi ni Sehun, umupo siya sa gilid ng bathtub. "Pero may kailangan kang malaman... may sasabihin ko sayo."

"Ano yun?" tanong ni Baekhyun, tinaas niya yung sleeves ng sweatshirt niya. "Sabihin mo na habang inaalis ko yung dumi dito na ayaw matanggal-tanggal kahit anong gawin ko. Bakit ba ganito to!? Ano bang klaseng--"

"Baekhyun, makinig ka."

"Oo nakikinig ako. Wag mo akong intindihin, sige ituloy mo lang yung--"

"--sa tingin ko may--"

"--sasabihin mo habang nililinis ko tong--"

"--MAY BABAE SI CHANYEOL-HYUNG."

Napatigil si Baekhyun ng pagkuskos. Nabitawan niya yung brush. Lumingon siya kay Sehun nang dahan dahan, walang emosyon yung mukha niya.

"A-ano?"

"Sa tingin ko may babae si hyung."

Bumuka yung bibig ni Baekhyun para magsalita, pero naunahan na siya ng ingay sa living room. Sigawan ito ng apat na kasambahay na parang may binabati sila.

Lumabas agad si Sehun at Baekhyun para makita kung sino ang dumating, at natigilan na lang si Baekhyun nang tumingin sa kanya ang bisita. Natigilan rin si Sehun.

"Kamusta," sabi nito. "BUMALIK NA AKO! Namiss ko kayong lahat!"

"Hyung..." bulong ni Sehun, nakangiti siya habang lumalapit sa hyung niya. "Welcome home, namiss rin kita."

Nakatayo lang si Baekhyun sa gilid ng pinto, at nung tumingin na ang doktor kay Baekhyun, ngumiti na rin si Baekhyun sa kanya.

"Bumalik ka na," sabi ni Baekhyun, naglakad siya dahan dahan palapit kay Yixing. "Namiss rin kita, Yixing-hyung."

Yayakapin na sana ni Yixing si Baekhyun, pero lumayo agad si Baekhyun at nagtago siya sa likod ni Sehun. Natawa na lang si Yixing.

"Sorry, Yixing-hyung," bulong ni Baekhyun sa likod ng shirt ni Sehun. "Sana maintindihan mo..."

Tumango si Sehun. "Sorry, hyung."

Ngumiti na lang si Yixing. "Oo na. Alam ko naman yun eh... I'm sorry."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro