CHAPTER 57
*
57
"Aish, sinabi ko nang hindi to dapat ilagay dito. Bakit nandito to?"
Pinuntahan ni Chanyeol yung box na hindi nakaayos sa tuktok ng shelf, tapos inalis niya ito. Humakbang siya paatras, hawak niya yung box sa braso niya. Pero bago pa siya makagalaw, bumagsak na sa sahig lahat ng box na nakapatong sa ibabaw ng shelf. Muntik pa siyang madaganan ng mga ito kundi lang siya nakaiwas agad. Bumuntong hininga na lang si Chanyeol at pinatong niya yung box na hawak niya sa tabi ng mga bumagsak na box sa sahig.
Anong oras na ba? Tiningnan ni Chanyeol yung wrist watch niya, at nung nakita niyang wala pa namang seven, naisip niyang ayusin muna lahat ng nagawa niyang kalat, dahil abala pa kung tatawag siya ng tauhan para lang pumunta sa stock room.
"Aigoo, napakabait ko talaga," sabi ni Chanyeol sa sarili niya habang pinupulot niya isa-isa yung mga box na nagkalat. "Dapat bigyan ako ng vacation leave nito."
Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na ni Chanyeol ayusin ulit lahat ng mga box, maliban na lang sa hawak niya. Umakyat siya sa ladder na nakasandal sa shelf para ilagay na sana ito sa taas nang biglang namatay ang ilaw. Lumingon si Chanyeol sa paligid. Yah, sinong nagpatay ng ilaw!?
Sobrang dilim na sa loob ng stock room na halos wala na siyang makita. May narinig siyang mahinang 'creek' mula sa likod niya. Teka. Ano yun?
Lumingon si Chanyeol sa pinto at nakita niyang unti-unti na itong nagsasara. Nanlaki ang mata ni Chanyeol.
"TEKA, SANDALI! Wag! Wag niyong isara, may tao pa dit--"
Click. Nagsara na ang pinto.
Bababa na sana si Chanyeol ng ladder para buksan ang pinto nang bigla na lang siyang may naramdaman pumintig sa loob ng ulo niya, kaya napahawak siya dito. Nabitawan niya yung pagkakahawak niya sa hagdan kaya bumagsak ang hagdan sa sahig kasama siya. Tumama yung likod at ulo niya sa semento dahil sa pagkakahulog niya, habang nakadagan naman yung bakal na hagdan sa buong katawan niya.
A-aray, ang sakit.. Sinubukan ni Chanyeol alisin yung hagdan sa braso niya, pero mabigat ito at isa pa, sobrang sakit ng katawan at ng ulo niya para gumalaw. Pinilit niyang tumayo kahit nahihirapan na siya nang naisip niyang siguradong naghihintay na si Baekhyun sa kanya ngayon.
Bumangon si Chanyeol at inalis niya yung ladder na nakadagan sa braso at binti niya. Sinipa niya ito sa pinakagilid ng stock room, tapos sinuportahan niya ng siko niya ang katawan niya para makatayo siya. Humawak siya nang mahigpit sa shelf para maiangat yung sarili niya, kaya nakatayo na rin siya sa wakas.
Pumipintig na yung kalahati ng ulo ni Chanyeol sa sakit at wala rin siyang masyadong maaninag dahil madilim, nanlalabo na rin yung mata niya. Ugh, bakit ngayon ka pa umatake.. bakit ngayon pa..
Naglakad nang dahan dahan si Chanyeol papunta sa pinto habang nakahawak yung isa niyang kamay sa ulo niya, nakasuporta naman yung isang kamay niya sa pader. Masakit na talaga yung ulo niya na parang mabibiyak na ito sa gitna, at kinakabahan na rin siya dahil alam niyang kanina pa naghihintay sa kanya si Baekhyun ngayon. K-kailangan kong makaalis dito... Hinihintay na ako ni Baekhyun.
"B-bumukas ka," sabi ni Chanyeol nang makarating siya sa pinto ng stock room, inikot niya nang mabilis yung doorknob pakanan. Please, bumukas ka!
Pero hindi ito bumubukas, nakalock ito sa labas.
"Ugh! Bumukas ka sabi!" sigaw ni Chanyeol habang kinakalampag niya ng kamay niya ang pinto. "TULONG! Buksan niyo tong pinto!! May tao dito!!!"
Kinapa ni Chanyeol yung phone sa bulsa niya pero wala siyang nakapa, saka lang niya naalalang nasa Secretary niya nga pala yung phone niya. Ugh, papano ako makakatawag nito!? Wala rin siyang spare key ng stockroom kaya hindi niya mabubuksan yung pinto. Tumingin siya sa paligid, maliit ang bintana para malusutan at masyado namang mataas ang ceiling para maabot at mabuksan. Wala nang paraan para makaalis siya maliban na lang kung may magbubukas ng lock sa labas.
"BUKSAN NIYO TO!!! Buksan niyo tong pinto!!!" sigaw ni Chanyeol, nagbabakasakali siyang may makakarinig sa kanya sa labas. Kinalampag niya nang malakas yung pintuan. "Please! Kahit sino! Buksan niyo to!!! PLEASE!!!"
Napatingin si Chanyeol sa wallclock sa pader, at nakita niyang 7:30PM na, late na siya ng thirty minutes. Gustong gusto na talagang wasakin at sipain ni Chanyeol yung pinto dahil sa galit at pagmamadali niya, pero hindi niya magawa dahil masakit na yung katawan niya, masakit na rin talaga ang ulo niya at lalamunan niya kakasigaw.
"Please.." sabi ni Chanyeol, mas mahina na yung boses niya at pakiramdam niya nanghihina na siya. "Buksan... niyo to..."
Naramdaman ni Chanyeol na kumirot na nang sobra yung sentido niya, sunod-sunod yung pagpintig ng ugat sa loob hanggang sa buong ulo na niya yung sumakit, sobrang bigat at kirot nito na parang mamamatay na siya. Inuntog ni Chanyeol yung ulo niya sa pinto nang ilang beses pero kahit anong gawin niya, hindi mawala-wala yung sakit na nararamdaman niya.
S-sobrang.. sakit.. H-hindi ko na kaya... Nabitawan na lang bigla ni Chanyeol yung doorknob, tapos natumba na siya sa sahig ng madilim na stock room.
Dumilim na yung paningin niya at nawalan na siya ng malay.
*
"Nasan na kaya si Chanyeol?" tanong ni Jongdae kay Kyungsoo. Kasama ni Jongdae si Junmyeon at Kyungsoo at palabas na sila ngayon ng building.
"Malamang nasa date na nila ni Baekhyun," sabi ni Kyungsoo, tumingin siya sa wrist watch niya. "Eight pm na, baka nga tapos na sila ngayon eh."
"Tinanong ko si Baby kanina, sinabi niyang papunta na raw si Chanyeol pagkatapos niyang icheck ang QC," sabi ni Junmyeon kay Jongdae. "Bakit mo tinatanong?"
"Kasi nakita ko tong phone niya sa ibabaw ng desk niya," sabi ni Jongdae, hawak niya yung lowbat na phone ni Chanyeol. "Nakalimutan daw kunina ni Chanyeol kanina sabi ni Baby."
"Talaga? Hindi naman yun umaalis nang hindi dala ang phone niya," sabi ni Kyungsoo. "Bat naman kaya niya naiwan?"
Nakarating na silang tatlo sa parking lot. Binuksan ni Junmyeon ang kotse niya at sumakay naman si Kyungsoo sa tabi niya. Nakatayo lang si Jongdae sa labas ng kotse ni Junmyeon.
"Yah, hindi ka pa ba sasakay?" tanong ni Junmyeon, nakasilip siya sa bintana. "Dalian mo, gusto ko nang kumain ngayon."
"Manlilibre si Junmyeon-hyung!" sigaw ni Kyungsoo, tumingin siya sa labas. "Sumakay ka na dito, Jongdae."
"Teka sandali," sabi ni Jongdae, lumapit siya sa bintana ni Junmyeon tapos tinuro niya yung Porche na black na nakapark sa tabi ng kotse ng Executive Director. "Kotse ni Chanyeol yun, diba?"
"Saan?"
"Ayun, kotse ni Chanyeol yun, sigurado ako. Bakit nandito pa yan!?"
Nagkatinginan silang tatlo nang ilang segundo. Bumuntong hininga si Jongdae.
"Baka naman nagtaxi si Chanyeol kaya nanjan pa yung kotse niya?" sabi ni Kyungsoo. "Kasi malay mo sira yung kotse niya o flat ang gulong."
"Iba yung pakiramdam ko," sabi ni Jongdae, sumakay na siya sa kotse ni Junmyeon. "Nandito pa ang kotse niya, at naiwan naman niya ang phone niya."
"Anong iniisip mo? Hindi siya pumunta sa dinner nila ng parents ni Baekhyun?" tanong ni Junmyeon, pinaandar na niya ang kotse.
"Imposible yun. Buong linggo niyang hinintay yun tapos hindi lang siya pupunta?" sabi ni Kyungsoo.
"Sana nga mali yung iniisip ko," sabi ni Jongdae. Binulsa na lang niya yung phone ni Chanyeol sa coat niya.
*
"Mr. Park Chanyeol, Mr. Park. Naririnig niyo po ba ako? Mr. Park? Naririnig niyo po ba ako?"
Nakaramdam si Chanyeol ng mahinang yugyog sa balikat niya, kaya dahan dahan na siyang dumilat. Kumurap siya, at nakakita siya ng ahjusshi sa harap niya na nakatingin sa kanya.
"Sir, sa wakas. Nagising na kayo," sabi ng ahjusshi habang inaalalayan niyang makabangon si Chanyeol sa sahig. Humawak si Chanyeol sa ulo niya nang makaramdam siya ng mahinang kirot sa right part ng ulo niya.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong ng ahjusshi kay Chanyeol. "Binuksan ko po yung stock room kanina para maglinis tapos nakita ko na lang kayong nakahiga na sa sahig at wala nang malay."
"Salamat po, akala ko makukulong na ako dito habang buhay," sabi ni Chanyeol, nakahawak pa rin siya sa ulo niya. Bigla niyang naalala yung dinner nila ng parents ni Baekhyun kaya nagulat siya, nagulat rin ang ahjusshi. "A-anong oras na!!?"
"Ten pm na po," sagot ng ajhussi. Biglang tumayo si Chanyeol at nagmadali siyang tumakbo palabas ng stock room. Tinawag siya ng ahjusshi pero hindi niya ito pinakinggan.
Shit. Late na late na ako. Nandun ka pa kaya? Hinintay mo pa ba ako!? Tumakbo si Chanyeol palabas ng building papunta sa parking lot. Medyo masakit pa rin yung ulo niya, pero kaya pa naman niyang tiisin yung sakit ngayon di gaya kanina. Nakarating siya sa kotse niya at sumakay agad siya, pinaandar niya ito nang mabilis.
Inikot ni Chanyeol yung manibela nang makarating siya sa intersecton, at dun lang niya naramdaman na masakit yung kanang braso niya. Parang may nabaling buto sa loob dahil sa pagkakahulog niya sa hagdan. Pumikit si Chanyeol, ininda na lang niya yung sakit at nagdrive na siya nang mabilis papunta sa restaurant.
Nakarating siya sa Provence pagkalipas ng ilang minuto, at gaya ng inaasahan niya, sarado na ito, nakapatay na yung ilaw at wala nang katao-tao. Wala na si Baekhyun.. Umalis na nga siya.
Napahawak si Chanyeol nang mahigpit sa manibela niya at sinubsob niya yung mukha niya dito, pinipigilan niyang umiyak dahil sa inis at galit sa sarili niya. Kasalanan ko to, malamang galit na galit ka na sakin ngayon.. I'm sorry... Sorry kung hindi ko natupad yung promise ko sayo. Kasalanan ko kung bat hindi ako nakarating.. I'm sorry, Baekhyun...
Tumunghay si Chanyeol, nakatingin lang siya sa tapat ng restaurant habang may mga sasakyang dumadaan sa harap niya. Iiistart na sana niya ang kotse niya para makauwi na, nang may napansin siyang lalaking nakaupo nang mag-isa sa labas ng pinto ng restaurant. Nakasuot ito ng puting suit habang nakayakap siya sa sarili niyang braso dahil sa lamig, lumilingon-lingon siya sa kanan at kaliwa niya na parang kanina pa siya may hinihintay. Nanlaki ang mata ni Chanyeol.
At dun na rin tumulo yung luha niya.
Pakiramdam niya nadudurog yung puso niya habang nakatanaw lang siya mula sa malayo kay Baekhyun na naghihintay nang mag-isa. Bakit nandito ka pa!? Bakit.. bakit hinintay mo pa rin ako!? Bakit hindi ka pa umuwi.. Bakit--
Humigpit yung pagkakahawak ni Chanyeol sa manibela, gustong gusto na niyang bumaba sa kotse, puntahan si Baekhyun dun, yakapin siya at iuwi na siya sa bahay pero hindi niya maigalaw yung katawan niya. Pakiramdam niya namanhid na siya dahil sa sakit. Masakit sa kanyang nakikita si Baekhyun na parang tanga sa labas ng restaurant, na hindi akalian ni Chanyeol na hihintayin pa rin siya ni Baekhyun kahit ilang oras na yung nakalipas.
Hindi na siya nakatiis, hinawakan na niya yung pinto ng kotse niya para buksan ito at bumaba na sana, nang bigla niyang maalalang hindi siya pwedeng makita ni Baekhyun nang ganito-- magulo ang damit, masakit ang katawan, masakit ang ulo, may bali sa braso.
Alam ni Chanyeol na lalo lang mag-aalala si Baekhyun sa kanya kapag nakita siyang ganito ni Baekhyun, at ayaw ni Chanyeol na mangyari yun, kaya natigilan na lang siya. Pero hindi kita pwedeng pabayaan na lang dun.. kailangan kitang puntahan, Baekhyun, pero--
Nakita ni Chanyeol na may tumigil na kotse sa tapat ng Provence, at kotse ito ng kapatid niya. Bumukas ang pinto ng kotse at bumaba si Taeyong at Sehun. Nakatingin lang si Chanyeol kay Sehun, naglagay ito ng coat sa likod ni Baekhyun habang inaalalayan niyang tumayo si Baekhyun, pero ayaw pa ring gumalaw ni Baekhyun sa posisyon niya.
"S-sumama ka na sa kanya.." bulong ni Chanyeol sa sarili niya, tumutulo pa rin yung luha sa pisngi niya. "Baekhyun.. please.. w-wag nang matigas ang ulo. T-tumayo ka na jan.."
Nakita ni Chanyeol na dahan dahan nang naitayo ni Sehun si Baekhyun. Niyakap na ni Baekhyun si Sehun at hinaplos naman ni Sehun yung likod ni Baekhyun. Pakiramdam ni Chanyeol, dumoble pa yung sakit na nararamdamaan niya ngayon. Ako yung may kasalanan.. kung bakit ka nasasaktan... kung sana nakarating ako.. h-hindi ka maghihintay at hindi ka aasa sa wala..
Umiwas si Chanyeol ng tingin sa kanila nang sumakay na sila sa kotse ni Sehun. Umandar na ang kotse at dumaan ito sa gilid niya, at kitang-kita ng dalawang mata ni Chanyeol kung paano humikbi si Baekhyun sa balikat ni Sehun.
Lumampas ang kotse ni Sehun sa tabi ng kotse niya, pero walang nagawa si Chanyeol kundi panoorin na lang itong umalis palayo.
*
Tama nga ang kutob ni Jongdae, hindi nga nakarating si Chanyeol kagabi.
Umupo si Jongdae sa gilid ng kama ni Baekhyun, at alam niyang gising si Baekhyun sa loob ng blanket. Napatingin siya sa beside table at nakita niyang nagvavibrate pa rin ang phone ni Baekhyun, kanina pa tumatawag si Chanyeol.
"Baekhyun," tawag ni Jongdae sa kaibigan niya. "Nakaalis na ang parents mo ngayon lang. Sinabi ni eomma na tatawag siya sayo kapag nakarating na sila sa Bucheon."
Hindi sumagot si Baekhyun, kaya napabuntong hininga na lang si Jongdae. "Baekhyun, okay ka lang ba?"
Umiling si Baekhyun sa loob ng kumot.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?"
Umiling ulit si Baekhyun.
Magtatanong pa sana si Jongdae nang biglang tumunog yung doorbell. Bumuntong hiningana lang siya sabay tayo matapos niyang magpaalam kay Baekhyun na titingnan niya muna yung tao sa baba.
Binuksan ni Jongdae ang pinto. Nakita niyang nakatayo si Chanyeol sa harap ng apartment nila. Sisigawan na sana ni Jongdae si Chanyeol, pero natigilan siya nang makita niyang may suot itong cast sa braso niyang may benda, nakasabit yung sling sa leeg niya. Natahimik na lang si Jongdae sabay iwas ng tingin kay Chanyeol.
"Anong ginagawa mo dito," sabi ni Jongdae, walang emosyon yung mukha niya. "Ayaw kang makausap ni Baekhyun."
"A-alam ko..." malungkot na sabi ni Chanyeol, na medyo naawa naman si Jongdae dahil sa boses ni Chanyeol, pero galit pa rin talaga siya kay Chanyeol.
"Alam kong galit siya sakin at ayaw niya akong makita ngayon.."
"Bakit hindi ka dumating kagabi?" tanong ni Jongdae. "Anong nangyari sayo?"
"N-nakalimutan ko," sagot ni Chanyeol, nakaiwas siya ng tingin kay Jongdae. "Hindi ko naalala yung lakad namin, inuna ko yung trabaho ko."
"Sinungaling."
Binalik ni Jongdae yung tingin niya kay Chanyeol at napatingin siya sa braso nito kaya iniwas naman ni Chanyeol yung braso niya sa mata ni Jongdae.
"Wag mo na sanang.. sabihin kay Baekhyun to," sabi ni Chanyeol. "Ayoko nang mag-alala pa siya sakin."
Bumuntong hininga si Jongdae. "Ang ineexpect ko, mag magmakaawa kang patawarin ka ni Baekhyun kaya ka pumunta dito."
Umiling si Chanyeol. "Tama lang na magalit siya sakin.. kasalanan ko naman talaga. Kung sana nakarating lang ako, edi sana hindi madidisappoint yung parents niya."
"Chanyeol," sabi ni Jongdae, binuksan niya yung pinto ng apartment. "Pumasok ka na, magpaliwanag ka sa kanya."
"Hindi niya ako pwedeng makitang ganito," sabi ni Chanyeol. "Mas okay pa na magalit na lang siya sakin kesa mag-alala na naman siya... Pakisabi sa kanya, sorry.. nakalimutan ko yung usapan namin kaya hindi ako nakapunta."
Napasampal na lang si Jongdae sa noo niya. "Bahala ka. Hindi na ako makekealam sa inyo." May dinukot siya sa bulsa niya at binigay niya ito kay Chanyeol.
"Naiwan mo sa office mo," sabi ni Jongdae, kinuha naman ni Chanyeol ang phone niya. "Hindi ko alam kung ano bang nangyari sayo kahapon. Naiwan mo yan tapos nakita ko yung kotse mo sa parking lot. Sabihin mo, san ka ba pumunta? Imposible namang nakalimutan mo yung dinner niyo."
"Anong bang nasa isip mo?"
Tumingin nang seryoso si Jongdae kay Chanyeol, pero iniwas niya rin yung tingin niya. "Wala, wag mo nang isipin yun."
"Aalis na ako. Pakisabi kay Baekhyun, wag siyang magpalipas ng gutom dahil lang sakin.."
"Bahala ka."
Sinarado na ni Jongdae yung pinto sa mukha ni Chanyeol kaya walang nagawa si Chanyeol kundi tumalikod na lang at umalis na. Inayos niya yung coat niya para matakpan yung cast niya sa braso, tapos naglakad na siya pabalik sa kotse niya.
Nakasilip lang si Baekhyun sa kurtina mula sa taas ng kwarto niya, nakatingin siya kay Chanyeol na naglalakad na palabas ng apartment nila. Masama pa rin yung loob ko sayo, kaya sana maintindihan mo kung bakit ayaw pa kitang makausap ngayon.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro