Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 56


*

56

(Warning: Ihanda ang... feels? Enjoy reading!)

3:00 PM

"Tapos na ba yung mga pinapacross-check ko sayo?"

Tumunghay si Chanyeol mula sa mga papel sa desk niya at tiningnan niya ang taong papasok ngayon sa office niya. Ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti rin si Chanyeol kahit halata namang pagod na siya.

"Medyo malapit nang matapos," sagot ni Chanyeol, minassage niya yung ulo niya at sumandal siya sa swivel chair. "547 reports na lang."

"Bakit hindi ka kaya muna magpahinga?" sabi ni Yoora, nakatayo siya sa harap ng desk ni Chanyeol habang nakacross arms. "Balita ko, bumabalik na naman yung migraine mo."

"At kanino mo naman nabalitaan yan?" tanong ni Chanyeol, sinundan niya ng tingin si Yoora na naglalakad na papunta sa likod niya.

"Kay Baekhyun," sabi ni Yoora. Hinawakan niya yung balikat ni Chanyeol at minassage niya ito nang dahan dahan. "Sinasabi sakin ni Baekhyun lahat ng mga nangyayari sayo at sa bahay niyo."

Napangiti si Chanyeol, lumingon siya kay Yoora sa likod niya. "Talaga?"

"Oo," sagot ni Yoora, minamassage niya pa rin ang balikat ni Chanyeol.

"Anong sinasabi niya tungkol sakin?" curious na tanong ni Chanyeol. "May mga sinasabi ba siya sayo na hindi ko alam? Sabihin mo naman sakin! Ano? Ano? Meron ba?"

"Secret," sabi ni Yoora nang nakangiti, binatawan na niya yung balikat ni Chanyeol. "Sa amin na lang yun, bawal sabihin."

"Yah, napakasama mong tao. Bakit ka ganyan?"

"Kasi ako ang boss mo," sabi ni Yoora, bumalik na siya sa tapat ni Chanyeol. "Kaya sige na, ituloy mo na yang ginagawa mo. Para maaaga kang makauwi."

Ngumiti si Yoora nang makahulugan kaya ngumiti rin si Chanyeol sabay iling ng ulo niya. "Alam mo rin pala yun, tss. Kaya pala bigla kang bumait sakin."

Tumawa si Yoora. "Sinusulit ko lang yung natitirang araw na magkasama tayo, kasi malay mo, hindi ka na makabalik nang buhay pag nameet mo yung Dad ni Baekhyun."

Natigilan na lang si Chanyeol, niluwangan niya yung tie niya at pakiramdam niya, biglang uminit sa office niya. Bukas ba yung aircon dito!?

Natawa si Yoora dahil sa itsura ni Chanyeol. "Kinakabahan ka ba?"

"Sobra."

"Wag kang kabahan," sabi ni Yoora nang nakangiti. "Ikaw si Park Chanyeol, hindi kinakabahan ang isang Park Chanyeol."

"Pero nagbago na si Park Chanyeol," sabi ni Chanyeol nang nakangiti rin. "Kinakabahan sa siya ngayon basta pag dating kay Byun Baekhyun."

"Cheesy," sabi ni Yoora sabay irap. "Ang laki na nang pinagbago mo, pero in a good way."

"Dahil yun kay Baekhyun. Maraming nagbago sakin simula nung makilala ko siya at magdate kami," sabi ni Chanyeol nang nakangiti, nagcross arms siya. "Hindi lang naman ako yung nagbago.. Ikaw rin."

Umirap si Yoora. "Psh. Walang nagbago sakin, sosyal at maganda pa rin ako."

"Pero dahil kay Baekhyun, medyo bumait ka na at naging humble ka nang konti," sabi ni Chanyeol habang ginagalaw-galaw ang kilay niya. "Sa pagkakaalam ko, ni hindi ka nga nakikipagkaibigan sa mga mas mababa sayo. Tapos ngayon, nagkakacontact pala kayo ni Baekhyun. Friends na ba kayo?"

Lumaki ang mata ni Yoora. "Hindi kami friends! At excuse me!? Siya yung nauunang magmessage sakin!"

Tumawa si Chanyeol. "Pero nirereplyan mo siya."

"Syempre, masarap siyang kausap at natutuwa talaga akong--" Natiglan si Yoora nang marealize niya yung sinabi niya. "I mean--minsan lang, pag hindi ako busy!"

"Bakit namumula ka?"

"Duh, I'm not!"

"Pinagpapawisan ka."

"Hindi kaya. Hindi pinagpapawisan ang isang Park Yoora."

Tumawa si Chanyeol habang pinapanood niya ang noona niya na pumapayay sa mukha nito gamit ang kamay niya.

"Pero alam mo, Chanyeol, feeling ko talaga, type ako ni Baekhyun."

Napataas ng isang kilay si Chanyeol. "Ano?'

"Kasi, sinabi niya sakin na gusto niya talaga sa mga noona."

"Yah."

"At kung tatanungin daw siya kung anong ideal type niya, ako raw yung--"

"YAH, PARK YOORA--"

"--gusto niya dahil sophisticated ako at maganda," sabi ni Yoora habang nakangiti nang masama kay Chanyeol. "Kaya kapag nagbreak kayo, ibigay mo siya sa sakin. Iuuwi ko siya sa bahay ko at gagawin ko siyang manika."

"YAH. ANO SIYA, LARUAN!? MAGHANAP KA NG IBA! WAG SIYA," sabi ni Chanyeol, hinampas niya yung desk niya.

Natawa si Yoora sa itsura ni Chanyeol, ang sarap lokohin ng kapatid niya. "Dadamitan ko siya nang maganda at dadalhin ko siya sa lahat ng appointments ko."

Umirap si Chanyeol. "Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Tapos ngayon gusto mo siyang--"

Tumingin si Yoora sa wrist watch niya. "Omo, may gagawin pa pala ako! Jan ka na at tapusin mo na yang trabaho mo para makauwi ka na nang maaga."

Natawa si Chanyeol. Ayaw pa kasing aminin na gusto niya si Baekhyun, tss. "Maaga? Ibig sabihin ba nun pinapayagan mo akong mag-undertime?"

"Ngayon lang," sabi ni Yoora, ngumiti siya. "Kaya bilisan mo, pwede ka nang umuwi ng five pm. May dalawang oras ka pa para tapusin yan."

Tumango si Chanyeol. "Thank you, noona."

Kumindat si Yoora. "No problem."

*

4:13 PM

"Seven pm, Provence Restaurant sa Syeongdongri," sabi ni Baekhyun sa phone na nakaipit sa tenga at balikat niya. Naghuhugas siya ng plato ngayon.

"Wag mong kalimutan, okay!?" sigaw ni Baekhyun sa phone, binanlawan na niya yung platong sinasabunan niya.

[Oo, hinding hindi ko yun makakalimutan, Baek. Yah, susunduin pa ba kita jan mamaya?]

"Wag na, magkita na lang tayo sa restaurant," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Kasama ko na si Eomma na pupunta dun."

[Okay. Kita na lang tayo mamaya.]

"Okay. Bye!"

[Tss. Yun lang?]

Tumingin si Baekhyun sa apat na kasambahay na nakatitig lang sa kanya ngayon, at kay Sehun na nasa dining table na kumakain na nakatingin din sa kanya. Aish, nakakahiya.

"Uhm, ingat!"

[Yah, bakit I love you lang, di mo pa masab--]

Binaba na ni Baekhyun ang phone at nilagay na niya ito sa bulsa niya, tapos tinuloy na rin niya ang paghuhugas niya. Tumayo na si Sehun sa pagkakaupo niya sa dining table, tapos pinatong niya sa lababo yung pinagkainan niyang plato.

"Yah, kayong apat! Bumalik na nga kayo sa trabaho!" sigaw ni Sehun sa apat na kasambahay na nag-aabang ng pag-uusapan ni Sehun at Baekhyun. "Alis! Alis! Shoo!"

Tumakbo agad ang apat na kasambahay palayo sa kusina. Napairap na lang si Sehun.

"Bakit mo naman sila pinaalis?" tanong ni Baekhyun. Nagcross arms si Sehun tapos humarap na si Baekhyun sa kanya. "Yan ka nanaman sa pagsusungit mo."

"Malungkot lang kasi ako," sabi ni Sehun nang nakasimangot. "Ipapakilala mo na si hyung sa parents mo.."

Bumuntong hininga si Baekyun, inalis na niya yung rubber gloves sa kamay niya. "Wag ka nang malungkot, kapag nalungkot ka pakiramdam ko tuloy ako na naman yung may kasalanan. Diba ayaw mo naman ng ganun?"

Tumango si Sehun. "Masaya ako para sayo.. at para kay hyung. Pero malungkot ako para sa sarili ko," sabi ni Sehun, nakatingin lang siya sa sahig. "Kasi pakiramdam ko, wala na talaga akong... pag-asa sayo."

Pinat ni Baekhyun ang buhok ni Sehun tapos ngumiti siya. "Kapag naghiwalay kami ni Chanyeol, may pag-asa ka na sakin."

Nagliwanag ang mukha ni Sehun. "Talaga?"

"Mm, kaso.. hindi na yata mangyayari yun," sabi ni Baekhyun nang nakapout.

"YAH. ANG SAKIT NUN," sigaw ni Sehun, tinulak niya palayo si Baekhyun. "Umalis ka na nga dito, ayoko na sayo. Hindi na kita gusto."

Tumawa si Baekhyun. "Ouch. Nareject ba ako ngayon lang?"

"Oo," sabi ni Sehun sabay cross arms. "Kaya kung ako sayo, magluluksa na ako."

Sumimangot si Baekhyun. Sumimangot rin si Sehun habang nakatingin lang siya kay Baekhyun. Lumapit si Baekhyun sa kanya tapos niyakap niya ito sa waist. "I'm sorry.."

"Alam ko," sabi ni Sehun, bumuntong hininga na lang siya at hinaplos niya si Baekhyun sa buhok. "Hindi mo kailangang magsorry, wala kang kasalanan."

"I'm sorry.."

"Wag ka ngang magsorry."

"Sorry, Sehun."

"Yah."

"S-sorry talaga.."

"BAEKHYUN."

"Nabasag ko yung.. paborito mong mug."

Lumingon si Sehun sa gilid ng sink at nakita niyang basag na yung kulay blue niyang Frozen na mug. Pakiramdam ni Sehun, maiiyak na siya.

"YAH!!! BAEKHYUN, ANONG GINAWA MO!!?"

*

5:30 PM

"Woah, ang aga natin ngayon ah," sabi ni Jongdae nang nakacross arms habang nakangiti nang malapad. Ngumiti si Chanyeol sa kanya habang inaayos yung mga papeles sa ibabaw ng desk niya.

"Syempre, kailangan. Special kasi ngayon," sabi ni Chanyeol, inayos niya yung tie niya. "Yah, nakita mo na yung appa ni Baekhyun diba?"

Tumango si Jongdae. "Mm, bakit?"

Lumapit si Chanyeol sa kanya. "Sabihin mo, kamusta siya? Ano bang itsura niya? Nakakatakot ba siya?"

Lumunok si Jongdae, at pakiramdam ni Chanyeol, lalo siyang kinabahan. "Yah, sagutin mo ako."

"Fighting na lang," bulong ni Jongdae nang nakaclench fist. Tinapik niya si Chanyeol sa balikat. "Ipagdadasal ko ang kaluluwa mo."

"Ano namang ibig sabihin nun!?"

Naglakad na si Jongdae habang tumatawa palabas sa office ni Chanyeol.

"Yah!!!"

Susundan pa sana ni Chanyeol si Jongdae palabas, pero hinarangan siya ng secretary niyang si Baby. Napatingin si Chanyeol sa kanya.

"Sir Chanyeol, may meeting po kayo ng seven. Icacancel ko po ba?"

"Imove mo. May pupuntahan ako ng seven," sabi ni Chanyeol. "Pakisabi sa board members, six pm na ang meeting. Sa Conference hall."

"Sinabi po ni Director Park na uuwi na kayo ng five, diba?" tanong ng secretary. "Baka malate po kayo, wag na po kaya kayong umattend?"

"Pinangungunahan mo ba ako?" tanong ni Chanyeol kaya umiling na lang ang secretary niya sabay yuko.

"Yun naman pala eh. Wag kang mag-alala, hindi ako malelate. May time pa naman," sabi ni Chanyeol, naglakad na siya palabas ng office niya habang nakasunod ang secretary sa kanya.

"Saan po kayo pupunta, Sir Chanyeol?"

"Sa Quality Control department. Ichecheck ko yung stocks," sabi ni Chanyeol, sumakay siya ng elevator, nakasunod pa rin si Baby sa kanya. "Yung phone ko?"

"Nasakin po, Sir. Kukunin niyo na po ba?"

"Hindi, hawakan mo muna. Kapag tumawag ang boyfriend ko sa kalagitnaan ng meeting mamaya, pakibigay mo na lang sakin."

Ngumiti ang secretary na parang kinikilig sabay tango. "Yes, Sir."

*

6:37 PM

"Chanyeol, nasan ka na?" tanong ni Baekhyun sa phone, nakasakay na siya ngayon sa kotse na dinadrive ni Taeyong. Nakabihis siya ng suit na inaayos ng eomma niya sa tabi niya. Ngumiti si Baekhyun nang kinindatan siya ni Mrs. Byun.

[Nasa meeting pa, pero matatapos na to. Ikaw?]

"Nasa kotse papunta na sa Provence," sabi ni Baekhyun, inalis niya yung kamay ng eomma niya sa buhok niya. "Yah, eomma, okay na po. Tama na!"

Tumawa si Chanyeol sa kabilang linya.

[Naiimagine ko na yung itsura mo ngayon. Gusto na kitang makita.]

Ngumiti si Baekhyun, at kahit hindi niya nakikita si Chanyeol, alam niyang nakangiti rin ito ngayon. "Gusto na rin kitang makita.. kaya bilisan mo na, okay? Hihintayin kita."

[Mm, darating ako.]

Tumigil na ang kotse sa tapat ng Provence, kaya bumaba na si Baekhyun at ang eomma niya sa kotse. May sumalubong agad sa kanilang receptionist, nagbow ito sa harap nila.

"Good evening mam, anong time at table po yung nireserve niyo?"

"Seven pm, table for four," sabi ni Mrs. Byun nang nakangiti. Tumango ang receptionist.

"Dito po tayo."

Sumunod si Baekhyun at Mrs. Byun sa receptionist papunta sa isang table sa gitna ng restaurant. Napangiti nang malapad si Baekhyun nang makita niya ang appa niya na nakaupo na at umiinom ng tubig na nasa wine glass.

"Yeobo!" bati ni Mrs. Byun sa asawa niya. Matangkad at gwapo ito, maganda ang katawan at medyo mukhang strikto ang itsura. Niyakap niya ang husband niya at niyakap naman siya nito pabalik.

"Appa, kamusta na po kayo," sabi ni Baekhyun sabay bow. "Namiss ko po kayo."

"Namiss din kita, anak," sabi ni Mr. Byun, hinawakan niya ang pisngi ni Baekhyun. "Ang laki mo na, at lalong gumanda ang itsura mo."

Napangiti si Baekhyun. "Niloloko niyo nanaman po ako."

"Totoo ang sinasabi ko," sabi ni Mr. Byun nang nakangiti, at kapag ngumiti siya, hindi na siya mukhang nakakatakot. "Umupo na kayo, magkwentuhan muna tayo."

Umupo si Mrs. Byun sa tabi ng husband niya samantalang umupo naman si Baekhyun sa tapat ng eomma niya, may space sa tabi niya para kay Chanyeol.

"Nasan na yung lalaking nagpatibok sa puso ng anak ko?" tanong ni Mr. Byun. Namula naman si Baekhyun dahil sa hiya.

"Susunod na po si Chanyeol, appa. Nasa meeting pa po kasi siya ngayon."

"Sinabi kong seven pm siya pumunta para may time pang makapag-usap tayong tatlo bago siya dumating," sabi ni Mrs. Byun nang nakangiti.

Binuksan ni Baekhyun ang phone niya sa ilalim ng table at pumunta siya sa messages. Nagtype siya ng maiksing text kay Chanyeol.

To: 자기야. (Jagiya)
6:45PM
Chanyeol, nakarating na kami sa Provence. Hinihintay ka na namin dito ngayon. Itext mo ako kung parating ka na, okay?

Pagkatapos niyang magtype, binulsa na ulit ni Baekhyun yung phone sa coat niya at humarap na siya sa parents niya na nagkukwentuhan sa harap niya.

*

6:45 PM

"Sir, nagmessage po ang jagiya niyo," sabi ng secretary ni Chanyeol na nasa likod ngayon ni Chanyeol. Nasa loob sila ng stock room, naglalakad si Chanyeol sa gilid ng mga shelves na may nakalagay na iba't-ibang stocks.

Ngumiti si Chanyeol sabay tingin sa relo niya. "Anong sabi niya?"

"Sinabi po niyang nakarating na sila sa Provence at hinihintay na raw po nila kayo dun ngayon. Itext niyo daw po siya kung parating na kayo."

Tumango si Chanyeol at inabot niya kay Baby yung clipboard na hawak niya. "Okay, pupunta na ako. At pakidala pala nito sa office ko."

Nagbow ang secretary sa harap ni Chanyeol tapos umalis na siya. Tiningnan ni Chanyeol sa huling pagkakataon ang buong stock room, at nung may makita siyang hindi nakaayos na box, pinuntahan niya muna ito.

"Aish, sinabi ko nang hindi to dapat ilagay dito. Bakit nandito to?"

*

7:11 PM

Hindi mapakali si Baekhyun sa pagkakaupo niya, kanina pa niya pinupunas yung palad niya sa lap niya habang paulit-ulit na lumilingon sa pinto ng restaurant. Nasan ka na ba, Chanyeol?

Dinial ulit ni Baekhyun ang number ni Chanyeol, pero pumupunta lang lagi yung tawag sa voice mail. Sagutin mo yung tawag, please. Darating ka naman, diba?

"Baekhyun," tawag ng eomma ni Baekhyun sa kanya. "Nasan na ba si Chanyeol?"

"Darating siya, eomma. Maghintay lang po tayo nang konti," sagot ni Baekhyun. Ngumiti ang eomma niya sa kanya kaya napangiti na rin si Baekhyun.

*

8:05 PM

"Ito po yung bill niyo," sabi ng dumating na waiter na may hawak na bill, kinuha naman ito ni Mr. Byun.

Hinawakan ni Mrs. Byun ang kamay ng anak niya na nasa ibabaw ng table. Nakatingin pa rin si Baekhyun sa labas, hinihintay niya yung kotse ni Chanyeol, dahil naniniwala siyang darating pa rin si Chanyeol kahit isang oras na siyang naghihintay. Nangako kang darating ka, kaya hihintayin kita dito.

"Baekhyun," tawag ni Mrs. Byun sa anak niya. "Halika na. Umuwi na tayo."

Lumingon si Baekhyun sa eomma niya na nakangiti nang makungkot sa kanya, at sa appa niya na walang reaksyon ang mukha. Hindi pa nagsasalita ang appa niya mula kanina nung nagsimula silang kumain.

"Eomma, hinihintay ko pa si Chanyeol. Darating si Chanyeol. Nalate lang siya," sabi ni Baekhyun na parang maiiyak na siya, at parang siya mismo sa sarili niya, hindi na sigurado kung darating pa ba si Chanyeol. Hindi niya pwedeng makalimutan yun. Darating siya.

*

9:09 PM

Napatunghay si Baekhyun nang makita niyang tumayo na sa upuan ang appa niya.

"A-appa," sabi ni Baekhyun, gusto niyang pigilan ito pero hindi niya alam kung ano bang sasabihin niya.

"Dalawang oras na ang nakalipas," sabi ni Mr. Byun nang seryoso habang nakatingin siya sa anak niya. "Kung darating talaga ang Chanyeol na yun, kanina pa siya nandito."

"Yeobo," sabi ni Mrs. Byun sa asawa niya sabay hawak sa balikat nito. Umiling lang si Mr. Byun na parang nadisappoint talaga siya sabay iwas ng tingin kay Baekhyun.

"Mauuna na ako sa labas," sabi ng appa ni Baekhyun at alam ni Baekhyun na galit ito.

"Baekhyun, sumunod ka na," sabi ni Mrs. Byun bago siya maglakad kasunod ng husband niya.

Napayuko na lang si Baekhyun habang nakatingin sa lap niya, tumulo na nang tuloy-tuloy yung luha niya. Kanina pa talaga niya pinipigilang umiyak dahil nasa harap siya ng parents niya. Bakit hindi ka dumating, Chanyeol? Nakalimutan mo na ba? Inuna mo ba yung trabaho mo kesa sakin?

"Sir," tawag ng receptionist kay Baekhyun, kaya pinunasan agad ni Baekhyun ang luha sa pisngi niya sabay tunghay sa babae.

"Magsasara na po kami," sabi ng receptionist. Nakita ni Baekhyun na isa-isa nang nagsisialisan ang mga tao sa loob ng restaurant. "Darating pa po ba yung hinihintay niyo?"

Tumingin si Baekhyun sa labas ng restaurant. Nakita niya ang appa niya na may kausap sa phone at mukhang galit ito, at ang eomma niya na nakayakap sa sarili nitong braso dahil sa lamig. Napapikit si Baekhyun, at pakiramdam niya, lalong sumakit at bumigat yung puso niya.

"Sir?"

"Hindi na," sabi ni Baekhyun, inalis na niya yung bulaklak sa ibabaw ng table sa tapat niya.

"Hindi na darating yung hinihintay ko."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro