Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 54


*

54

Pag gising ni Baekhyun kinaumagahan, gumulong muna siya bago siya bumangon sa kama. Ineexpect niyang mahuhulog siya pero hindi siya nahulog. Lumaki yata yung kama ko ngayon ah, at hindi rin tumunog yung alarm clock ko.

Nakapikit pa si Baekhyun nang tumayo siya, naglakad siya papunta sa bathroom habang kinakamot niya ang tiyan niya. Binuksan niya agad ang pinto ng bathroom kaya hindi na niya napansin si Chanyeol na nasa may sink na nagtutoothbrush.

Napalingon si Chanyeol kay Baekhyun, may toothbrush siya sa bibig niya habang nakatingin lang siya kay Baekhyun na naghuhubad na ng shorts at umuupo na sa toilet bowl habang nakapikit.

Katahimikan.

Binalik na lang ulit ni Chanyeol ang tingin niya sa salamin at tinuloy na niya ang pagtutoothbrush na parang walang Baekhyun sa loob ng banyo niya na ngayon ay tinatawag na ng kalikasan.

"Ahhhh," sabi ni Baekhyun nang makaraos na siya kaya nagulat naman si Chanyeol, natigil yung pagtutoothbrush niya. Nakatingin lang siya kay Baekhyun na nakaupo sa toilet bowl habang nakapikit.

Katahahimikan ulit.

Dumilat si Baekhyun, nakita niya si Chanyeol na nakatingin lang sa kanya, walang emosyon yung mukha nito. Nung magsink na sa kanya ang nangyayari ngayon, nanlaki na lang ang mata ni Baekhyun sabay sigaw nang malakas.

"AAAAHHHH!!" sigaw ni Baekhyun habang namumula, nakaupo pa rin siya sa toilet bowl at nakatayo naman si Chanyeol sa harap niya.

"Yah! A-anong ginagawa mo dito!? L-LABAS!!!"

"B-b-bakit ako lalabas, b-banyo ko to!"

"Paano ako lalabas nang ganito! Aish, lumbas ka na sabi! LABAS!!!"

Binato ni Baekhyun si Chanyeol ng sabon, shower gel at toilet paper kaya walang nagawa si Chanyeol kundi lumabas na lang ng sarili niyang banyo. Narinig niyang sumigaw si Baekhyun sa loob kaya kinatok naman ni Chanyeol yung pintuan.

"Baekhyun! Okay ka lang ba!?" nag-aalalang tanong ni Chanyeol habang kinakatok ang pinto. "Baekhyun!"

"Pabayaan mo na lang ako!!!"

Sinubsob ni Baekhyun ang mukha niya sa dalawang palad niya sa sobrang kahihiyan habang naririnig niya pa ring kinakalampag ni Chanyeol yung pinto ng banyo.

"Baekhyun, may masakit ba sayo!? Baekhyun!"

Bumuntong hininga si Baekhyun at pakiramdam niya, bukod sa nahihiya na siya, nagiguilty pa siya.

"Okay lang ako, Chanyeol," sagot ni Baekhyun, nag-eecho yung boses niya sa loob ng bathroom. "Wala to. I'm sorry.."

"Mabuti naman kung ganun. Akala ko kung ano nang nangyari sayo..."

"Walang naman nangyari sakin," sabi ni Baekhyun, pinapaypayan niya ng kamay niya yung mukha niyang mainit. "N-nahihiya lang ako sayo, kasi n-nakita mo pa akong.. ganito."

Tumawa si Chanyeol sa labas. "Wala ka namang dapat ikahiya. Normal lang naman yun."

Napangiti na lang nang kusa si Baekhyun dahil sa sinabi ni Chanyeol. Tumayo na siya sa bowl at inayos niya ang sarili niya bago siya lumabas ng bathroom. Nakita niyang nasa labas si Chanyeol, nakasandal ito sa pader at naghihintay.

"Tapos ka na ba?" tanong ni Chanyeol tapos sinilip niya yung loob ng banyo. "Finlush mo ba... nang maayos?"

Namula si Baekhyun sabay tango. "S-sorry kung pumasok na lang ako bigla nang hindi man lang kumakatok. A-akala ko kasi... nasa sarili kong kwarto ako kaya... ganun."

Ngumiti si Chanyeol, may foam pa ng toothpaste sa bibig niya. "Okay lang yun, kalimutan mo na yun. Wala naman akong nakita."

"T-talaga?"

Tumawa si Chanyeol. "Hmm. Wala nga ba?"

"Yah!!!" sigaw ni Baekhyun kaya napapikit si Chanyeol sabay hawak sa tenga niya. Nabigla si Baekhyun.

"S-sorry!!!" bulong ni Baekhyun, tinakpan niya yung bibig niya. "Hindi pala ako dapat sumigaw..."

"Buti alam mo," sabi ni Chanyeol, bumalik siya sa loob ng bathroom para magmumog at maghilamos. Pagkatapos, lumabas na siya habang pinupunasan ng towel yung mukha niya.

"Anong nararamdaman mo ngayon, Chanyeol?" tanong ni Baekhyun, kinuha niya yung towel ni Chanyeol pagkatapos at pinunas niya ito sa kamay niya. "Nasusuka ka ba? Masakit pa ba yung ulo mo?"

Ngumiti si Chanyeol tapos umiling siya. "Sa ngayon, hindi na, kasi nandito ka na ulit at nakikita na kita."

Umirap si Baekhyun kahit kinilig talaga siya sa sinabi ni Chanyeol. "Tss, galit ako sayo, alam mo ba yun!? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan nung nagcollapse ka? Pinag-alala mo kaya ako nang sobra!" Hinampas niya si Chanyeol ng towel. "Akala ko mamamatay na ako, aigoo!" Hampas. "Kinabahan talaga ako, akala ko kung napano ka na!" Hampas.

"Yah, sumisigaw ka na naman jan," sabi ni Chanyeol, nilampasan niya si Baekhyun at pumunta siya sa walk-in closet niya. Sumunod si Baekhyun.

"Pero dapat sinabi mo pa rin sakin," sabi ni Baekhyun nang nakapout, sinusundan niya lang si Chanyeol na parang tuta. "Dapat alam ko yung nangyayari sayo."

"Sorry na, Baek. Ayoko lang naman kasi na mag-alala ka pa kaya hindi ko na sinabi sayo, saka isa pa," sabi ni Chanyeol habang kinukuha niya yung white long sleeves na nakahanger sa wardrobe niya. "Hindi naman malala yung sakit ko. Okay lang ako."

"So papasok ka pa rin sa office?" tanong ni Baekhyun nang nakataas ang kilay. "Sa lagay mong yan?"

Tumango si Chanyeol, tinanggal na niya yung butones ng shirt niya kaya tumalikod naman si Baekhyun. "Kailangan kong pumasok. Magaling na naman ako eh."

"Psh, magaling ka jan," sabi ni Baekhyun nang nakacross arms habang nakatalikod siya kay Chanyeol, nagbibihis si Chanyeol sa likod niya.

"Samantalang kahapon, sinabi sakin ni Jongdae na halos mamilipit ka na raw sa sakit habang tinatawag mo yung pangalan ko."

Napataas ng kilay si Chanyeol. Umubo si Baekhyun.

"Baek... hyun~! B-baek... hyun~! N-nasan ka na ba," sabi ni Baekhyun nang nakapikit, nakahawak pa siya sa ulo niya habang ginagaya niya si Chanyeol. "B-baek...hyun~! Baek--"

"Y-YAH, W-WALA AKONG SINABING GANYAN, AH!" sigaw ni Chanyeol nang namumula. Hindi siya pinansin ni Baekhyun.

"--hyun... G-gusto na kitang... makita~ Baekhyun--"

"Aish!" sigaw ni Chanyeol, hinagis niya sa mukha ni Baekhyun yung damit na pinagbihisan niya, tapos tinakpan niya ng palad niya yung buong mukha ni Baekhyun para hindi na ito makapagsalita.

"Asdfghjkl--"

"Tumahimik ka na nga "

"Alisin mo muna to sa mukha ko."

"Wala akong suot na pants," sabi ni Chanyeol nang nakangiti kaya namula si Baekhyun sa ilalim ng damit ni Chanyeol. "Aalisin ko pa ba?"

Umiling nang mabilis si Baekhyun, napayuko na lang siya sa sahig. Natawa naman si Chanyeol dahil sa itsura ni Baekhyun, tapos ginulo niya yung buhok ni Baekhyun sa loob ng damit na nakapatong sa ulo nito.

"Binibiro lang kita," sabi ni Chanyeol nang nakangiti, inalis na niya yung shirt niyang nakatakip sa ulo ni Baekhyun, kaya nakita na ni Baekhyun si Chanyeol na nakabihis na ng suit.

"Nakakainis ka talaga," sabi ni Baekhyun sabay irap. "Niloloko mo nanaman ako."

"Bumaba na lang tayo, okay?"

"Ang tigas ng ulo mo," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot, hawak na ni Chanyeol yung kamay niya habang hinihila siya nito palabas ng kwarto. "Papasok ka pa rin sa office kahit na may sakit ka."

"Hindi naman ito yung first time kaya okay lang. Sanay na ako," sagot ni Chanyeol, sinara na niya yung pinto pagkalabas nila ni Baekhyun ng kwarto.

"Pero nag-aalala ako sayo, Chanyeol."

"Thank you, pero okay lang talaga ako, promise."

Nakatingin lang si Sehun kina Chanyeol at Baekhyun na magkaholding hands na naglalakad pababa ng second floor, kaya umiwas na lang siya ng tingin sa dalawa. Hindi ka sa kwarto ko natulog at hindi rin sa guest room, sa kwarto ka pala ni hyung natulog.

"Sehun!!!" tawag ni Baekhyun mula sa baba pagkalipas ng ilang minuto. Ngayon lang napansin ni Sehun na kanina pa pala siya nakatayo sa tapat ng kwarto niya.

"Sehunnie, bumaba ka na! Kakain na tayo ng breakfast!"

Samantalang dati, pinupuntahan mo pa ako sa kwarto ko para gisingin ako at yayaing magbreakfast. Bumuntong hininga si Sehun, bumaba na lang siya nang marinig niyang tawagin ulit siya ng babysitter niya. Wala ka na siguro talagang balak akyatin ako sa kwarto to.

"SEHUN!!! PARK SEHUN!!!"

"Nanjan na," bulong ni Sehun. "Bababa na."

*

"Gusto mo pa ba ng soup?" tanong ni Baekhyun kay Chanyeol, tumayo siya para lagyan ng soup yung walang laman na bowl sa harap niya. "Gulay?"

"Sige, damihan mo," sagot ni Chanyeol nang nakangiti habang ngumunguya. Nakatingin lang si Sehun sa kanila.

Bakit ako hindi mo tinatanong kung anong gusto ko. Humigpit yung pagkakahawak ni Sehun sa chopsticks niya. Si hyung na lang ba yung nakikita mo?

"Sir Sehun, gusto niyo pa po ba ng soup?" tanong ni Yuta.

"Gusto niyo po ba ng gulay?" tanong naman ni Ten

"Tubig po? Juice? Milk?" tanong ni Jaehyun.

Bumuntong hininga si Sehun, iniwas na lang niya yung tingin niya kay Baekhyun at Chanyeol. "Sige, gusto ko lahat."

Pagkatapos magbreakfast, sigurado naman si Sehun na nabusog siya, pero parang hindi pa rin siya masaya. Nakatingin ulit siya kay Baekhyun na nagpapainom ng gamot kay Chanyeol. Inabot ni Baekhyun yung baso kay Chanyeol, tapos isinubo naman ni Chanyeol yung gamot niya at ininom niya rin yung tubig na binigay ni Baehyun sa kanya. Hindi mo man lang ako inasikaso nang ganyan nung ininom ko yung vitamins ko kanina.

"Sir Sehun, tara na po," sabi ni Taeyong na nasa tabi na pala ni Sehun. Lumingon si Sehun sa kanya.

"Ha?"

"Ihahatid ko na po kayo sa school niyo."

"Pero hinihintay ko pa si Baekhyun," sabi ni Sehun, sinuot na niya yung backpack niya. "Hintayin muna natin siya."

"Ah, ano po kasi," sabi ni Taeyong na nagkakamot ng ulo. "Sinabi niya sakin na hindi raw siya makakasama sa paghahatid sa inyo ngayon.."

May sumakit sa puso ni Sehun. "Bakit daw?"

"Sasamahan niya si Sir Chanyeol magpacheck up sa doktor."

Nakita ni Sehun na dumaan sa harap niya si Baekhyun pero hindi siya nito pinasin, sinundan lang ni Sehun ng tingin na makabalik ulit si Baekhyun sa harap niya. Pero katulad kanina, hindi siya ulit nito pinansin.

"Sir Sehun?" tawag ni Taeyong. "Malelate na po kayo kapag hindi pa tayo umalis ngayon?"

"Ah," sabi ni Sehun, tumawa siya kahit wala namang nakakatawa. "Sige, tara na. Umalis na tayo."

Lumabas na si Sehun sa mansion nang hindi siya nakapagpaalam kay Baekhyun. Ni hindi rin siya kinausap man lang ng babysitter niya.

*

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Jongin na ngayon ay kumakain ng fries. Nasa loob sila ng cafeteria ngayon at nasa harap naman niya si Sehun na nakatingin lang sa kawalan.

"Yah, pansinin mo naman ako," sabi ni Jongin. Lumingon sa kanya si Sehun. "May iniisip ka na naman."

"Wala."

"Tss, Sehun," sabi ni Jongin nang nakangiti. "Wag mo nga akong niloloko. Lumalaki yung butas ng ilong mo pag nagsisinungaling ka."

Bumuntong hininga sa Sehun, ininom niya yung tubig niya tapos tumingin na siya kay Jongin.

"Alam ko nang tungkol kay Baekhyun-hyung yan kaya sabihin mo na lang kung anong nangyari."

"Pano kasi.." sabi ni Sehun, nakatingin lang si Jongin sa kanya. "Simula nung bumalik kami galing Busan, hindi na ako pinapansin ni Baekhyun. Hindi niya rin ako kinakausap. Kagaya kanina, hindi siya sumama sa paghatid sakin dahil sasamahan niya raw si Chanyeol-hyung na magpacheck-up sa doktor."

Magsasalita na sana si Jongin nang magsalita ulit si Sehun.

"Babysitter ko siya kaya dapat lang na ako yung asikasuhin niya. Lagi na lang si hyung yung inaasikaso niya," sabi ni Sehun, binato niya yung bote ng mineral water na walang nang laman sa basurahan. "Paano naman ako."

"Nagseselos ka."

"Malamang."

"Nagseselos ka nang sobra?"

"Sobra."

Napangiti na lang si Jongin. "Naririnig mo ba yung sarili mo, Hunnie? Bumabalik ka nanaman sa pagiging immature mo."

Napataas ng kilay si Sehun. "Ano bang sinasabi mo."

"May sakit ang hyung mo kaya ganun si Baekhyun-hyung sa kanya, saka tandaan mo, boyfriend niya ang hyung mo kaya hindi mo maiaalis kay Baekhyun-hyung ang mag-alala," sabi ni Jongin nang nakacross arms. Natigilan na lang si Sehun, dahil aminin man niya o hindi, masakit talaga yung sinabi ni Jongin sa kanya ngayon lang.

"Ano ka ba kay Baekhyun-hyung? Friend? Close friend? Little brother?" tanong ni Jongin, hindi sumagot si Sehun dahil hindi niya rin alam ang sagot sa tanong ni Jongin sa kanya. Ano nga ba ako sa kanya?

"Hindi ko alam," sagot ni Sehun pagkatapos ng ilang segundo. "Ewan ko."

"Pero isa lang ang sasabihin ko sayo, Sehun. Alam kong hindi ka lang 'wala' kay Baekhyun-hyung, mahalaga ka sa kanya."

"Tss. Sinasabi mo lang yan para gumaan yung loob ko."

"Totoo yung sinasabi ko," sabi ni Jongin. "Sigurado akong kung ikaw yung may sakit, ganun din ang gagawin ni Baekhyun-hyung sayo, aasikasuhin ka rin niya at babantayan ka rin niya buong maghapon kagaya ng ginagawa niya sa hyung mo," sabi ni Jongin habang nakatingin lang si Sehun sa kanya.

"Kaya kung ako sayo, titigilan ko na yung pagdadrama ko."

"Yah, sa tingin mo ba talaga nagdadrama lang ako!?"

"Oo," sagot ni Jongin. "Malungkot ka lang talaga ngayon kasi hindi niya naalala..."

Natigilan bigla si Sehun, tumingin siya kay Jongin na nakangiti lang sa kanya. Ngumiti rin si Sehun, malungkot.

"Naalala ba ng hyung mo?"

Tumango si Sehun. "Mm. Tinawagan niya ako kanina lang."

"So alam ko na yung dahilan. Kaya ka ganyan."

Tumawa si Sehun. "Siguro nga.."

"Yah, wag ka na ngang malungkot jan. Ililibre na lang kita ng ice cream!" sigaw ni Jongin habang hinihila niya si Sehun patayo. "Dali na!"

"Aish, hindi na tayo bata. Ayoko ng ice cream."

"So anong gusto mo?"

"Bubbletea."

Tumawa si Jongin sabay tapik sa balikat ni Sehun. "Fine, ibibili kita. Tumayo ka na jan."

*

Pagkagaling ni Sehun sa school, dumiretso agad siya sa kwarto niya. Hinagis niya yung bag niya sa ibabaw ng kama habang tinatanggal niya yung coat niya. Inabot niya yung switch para buksan yung ilaw pero hindi ito bumukas. Pundi na kaya to?

Sinubukan ulit ni Sehun buksan yung switch pero ayaw pa rin talaga kaya sumuko na lang siya. Humiga na siya sa kama, madilim yung buong paligid ng kwarto niya. Kaya nagulat na lang siya nang may makita siyang nagliliwanag na apoy na parang nasusunog ang palapit sa kanya ngayon.

"Sh-shit," sabi ni Sehun sabay bangon at atras sa kama niya, nakatingin siya sa lumulutang na apoy sa harap niya. "A-ano bang--"

Natigilan na lang si Sehun nang makita niyang si Baekhyun lang pala ito, nakahinga na siya nang maluwag.

"YAH! TINAKOT MO AKO!" sigaw ni Sehun sa gitna ng dilim. "Ikaw ba yung nagpundi ng ilaw ko!?"

Umiling si Baekhyun. "Pundi na talaga yan kanina pa. Hayaan mo, ipapaayos ko kay Jaehyun bukas."

"Okay." Umiwas ng tingin si Sehun. "A-ano ba yang.. dala mo."

Ngumiti si Baekhyun tapos lumapit siya sa kama ni Sehun. "Alam kong nagtatampo ka sakin kasi hindi kita pinapansin kanina, kaya eto, nagsosorry ako sayo."

Lumingon si Sehun at nakita niya yung mukha ni Baekhyun na naiilawan lang ng kandila, kulay orange yung buhok niya at kumikinang yung mata niya kahit madilim. At pakiramdam ni Sehun, nawala na lang bigla yung tampo niya kay Baekhyun.

"Siguro akala mo nakalimutan ko na, ano?" sabi ni Baekhyun, nakatitig lang si Sehun sa kanya. "Hindi mangyayari yun kahit kelan, kahit na nanjan si Chanyeol, hindi kita makakalimutan, Sehun. Kaya wag mong iisipin na binabalewala na kita."

Napangiti na si Sehun, tumingin siya sa hawak ni Baekhyun sa harap niya.

"Happy birthday," sabi ni Baekhyun nang nakangiti, nilapag niya sa ibabaw ng table ni Sehun yung maliit na cake na may nakalagay na number 1 at 9 na kandila sa ibabaw.

Tumayo si Baekhyun sa harap ni Sehun at niyakap niya ito, nilagay naman ni Sehun yung kamay niya sa likod ni Baekhyun.

"Happy birthday, Sehun," bulong ni Baekhyun sa buhok ni Sehun. "Wag ka nang magtampo, okay? Kasi kahit kailan, hinding hindi ko makakalimutan na birthday mo ngayon."

"Thank you," bulong din ni Sehun sa damit ni Baekhyun, pinipigilan niyang maluha. "Thank you kasi nakilala kita sa buhay ko, Baekhyun."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro