Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 53


*

53

"Hindi niya sinasagot yung phone niya... Kanina ko pa siya tinatawagan pero," sabi ni Baekhyun kay Sehun na katabi niya ngayon sa kama. "Lagi lang napupunta sa voicemail yung tawag ko. Sehun, hindi kaya may nangyari na sa hyung mo?"

"Wag ka nang mag-alala kay hyung, Baekhyun. Diba sinabi naman niyang kaya niya na yung sarili niya?" sabi ni Sehun, nakatingin siya kay Baekhyun sa harap niya. "Kaya wag ka nang mag-isip ng kung ano, okay?"

Bumuntong hininga si Baekhyun. "Okay."

Tununog yung doorbell kaya napalingon naman si Sehun sa pinto. Bumangon siya sa kama kaya napatingin si Baekhyun sa kanya.

"Dito ka lang, bubuksan ko lang yung pinto."

Pagbukas ni Sehun ng pintuan, nakita niyang nasa labas si Yixing kaya medyo nagulat siya. Ngumiti sa kanya si Yixing.

"Yah, hindi mo ba ako papapasukin?"

"Tss, sige na. Pasok na," sabi ni Sehun habang hawak niya yung doorknob. Pumasok si Yixing sa loob habang tinitingnan yung buong hotel room.

"Mas malaki pala to sa loob kesa sa akala ko sa labas," sabi ni Yixing nang ipatong niya yung dala niyang ricecake sa ibabaw ng table. "Maganda yung nakuha niyong room."

"Mm, si Baekhyun yung pumili," sabi ni Sehun. Kinuha niya yung dala ni Yixing at binuksan ito. "Nagtaxi ka ba papunta dito, hyung? Dapat sinabi mo na lang na bibisita ka para nasundo kita."

"Ayoko nang makaabala sayo, saka malapit lang naman. Okay lang na magtaxi ako," sabi ni Yixing. Napatingin siya sa apat na kasambahay na natutulog sa tapat ng nakabukas na TV kaya napangiti naman siya.

"Okay naman ba sila?" tanong ni Yixing. "Hindi ba sila mga sakit sa ulo?"

Umiling si Sehun. "Gusto ko sila, isa pa masisipag at mababait din sila at tinutulungan nila si Baekhyun."

Tumango si Yixing. "Mabuti naman kung ganun."

"Hyung, pumunta ka ba dito para kamustahin lang yung mga kasambahay namin?" sabi ni Sehun nang nakangiti. "O may iba pang dahilan?"

Tumawa si Yixing tapos umiwas siya ng tingin. "Gising pa ba siya?"

"Oo, tatawagin ko lang siya," sabi ni Sehun nang nakangiti. Tumalikod siya para sana bumalik na sa kwarto nang makita niyang nakatayo na si Baekhyun sa gilid ng pinto, nakatingin ito kay Yixing.

"Y-yixing-hyung," sabi ni Baekhyun. "Nandito ka."

Ngumiti si Yixing kay Baekhyun. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Umiwas ng tingin si Sehun sa kanilang dalawa at nagpaalam siya na mauuna na siyang matulog sa kwarto, kaya naiwan na lang si Baekhyun at Yixing sa living room kasama ang apat na tulog na kasambahay.

"Gakit ka pa ba sakin?" tanong ni Baekhyun.

Umiling si Yixing. "Hindi ako galit sayo, Baekhyun. Hindi naman ako nagalit sayo."

Nakasimangot lang si Baekhyun. "Pero kanina... sinigawan mo ako, hyung."

"Fine, I'm sorry, nabigla lang naman ako. Pero hindi na talaga ako galit sayo," sabi ni Yixing nang nakangiti. "Promise."

"Promise?"

"Mm," sabi ni Yixing sabay tango. "So okay na tayo?"

Tumango si Baekhyun nang mabilis. "Okay!"

Natawa si Yixing tapos ginulo niya ang buhok ni Baekhyun. "Pwede mo ba akong samahan sa convenience store?"

"Bakit?"

"May bibilhin lang ako.. At may sasabihin din ako sayo."

Tumango si Baekhyun. "Okay. Kukunin ko lang yung coat ko."

*

"Baekhyun!!!" sigaw ni Jongdae sa tapat ng mansion ng mga Park, tumalon siya para silipin ang pinto sa loob. "Baekhyun! Nanjan ka ba! Aigoo! Sinasabi ko na nga ba, tumakas ka nanaman! Baekhyun!!!"

Napansin ni Jongdae na nakabukas yung gate, kaya lumingon muna siya sa paligid bago siya pumasok sa loob. May tao pa kaya dito?

"Baekhyun?" tawag ni Jongdae nang buksan niya yung pinto ng bahay. Pumasok siya sa loob at napansin niyang sobrang dilim ng paligid. Brown out ba dito, bakit ang dilim?

"Baekhyun? Yoohoo? May tao ba dito?"

Naglakad si Jongdae nang dahan dahan sa living room habang tinitingnan niya ang madilim na paligid ng bahay. Natigilan na lang siya sa pagkakatayo niya nang may nakita siyang katawan na nakahandusay sa sahig, nakasubsob yung mukha nito sa lapag.

"A-anong--" sabi ni Jongdae tapos lumapit agad siya, nanlaki yung mata niya nang makita niyang si Chanyeol ito na wala nang malay.

"CHANYEOL!!! CHANYEOL!!! GUMISING KA! CHANYEOL!!!"

Hindi gumagalaw si Chanyeol kahit anong yugyog ang gawin ni Jongdae. Kahit kinakabahan at natatakot na siya, pinulsuhan niya yung leeg ni Chanyeol, nanginginig yung kamay niya. Nakahinga siya nang maluwag nang naramdaman niyang humihinga pa si Chanyeol.

"Chanyeol, chanyeol, naririnig mo ba ako!?" tanong ni Jongdae habang sinasampal nang mahina ang pisngi ni Chanyeol. "Chanyeol?"

Unti-unting dumilat si Chanyeol, malabo ang nakikita niya kaya kumurap siya. Medyo masakit pa rin yung ulo at yung mata niya. Teka. S-sino to?

"Chanyeol!"

"B-baek... hyun.."

"Chanyeol, gising ka na! Ano bang nangyari sayo kanina!? Halika, bumangon ka!"

Inalalayan ni Jongdae na tumayo si Chanyeol kaya humawak naman si Chanyeol sa balikat ni Jongdae, pakiramdam niya susuka na siya at mabibiyak na yung ulo niya. Napahawak siya sa noo niya nang may naramdaman siyang pumitik na ugat sa loob ng ulo niya.

"A-aray..."

"Aigoo, ano bang nangyayari sayo!!!" sigaw ni Jongdae, kinakabahan na siya dahil sa kinikilos ni Chanyeol. Kinuha niya yung phone niya para tumawag na ng ambulansya.

"B-baek.. hyun..?"

"Si Jongdae to, JONGDAE! Aish, ano bang nangyayari sayo!?" sabi ni Jongdae habang pabalik balik siyang naglalakad nang may phone sa tenga niya.

"J-jongdae, anong... nangyari?"

"Hindi ko alam, nakita ko na lang na nakahiga ka na sa sahig! Nagcollapse ka ba?" tanong ni Jongdae, narinig niyang umangat na yung tawag sa kabilang linya. "Hello! Ito po ba ang--"

"SINO YANG TINATAWAGAN MO!? IBABA MO YAN!" sigaw ni Chanyeol. Tumayo siya at kinuha niya yung phone sa kamay ni Jongdae, tapos pinatay niya yung tawag.

"Tumatawag ako ng ambulansya, ano ka ba!" sigaw ni Jongdae. "Nababliw ka na ba!? Bakit mo pinatay?!"

"H-hindi na kailangan.." sabi ni Chanyeol, umiwas siya ng tingin. "Okay lang ako, wala to."

"Tingnan mo nga yang itsura mo! Ang putla mo na, kumakain ka pa ba? Natutulog ka pa ba?" sabi Jongdae sabay kuha ng phone niya sa couch. "Kailangan mong pumunta sa ospital."

"Wag na, iinom na lang ako ng gamot," sabi ni Chanyeol. "Salamat nga pala kanina."

Bumuntong hininga si Jongdae. "Tatawag ako ng doktor."

"Wag na sabi.. okay lang ako."

"Hindi ka okay! Aish, ang tigas ng ulo mo!" sigaw ni Jongdae. "Alam ba ni Baekhyun to? Teka, tatawagan ko--"

"WAG!!! WAG MONG GAGAWIN YAN!!!" sigaw ni Chanyeol kaya nagulat naman si Jongdae. "Please, wag... wag mo nang sabihin sa kanya. Tumawag ka na lang ng doktor. W-wag mo nang sabihin to kay Baekhyun..."

Gusto pa sanang makipagtalo ni Jongdae, pero nang makita niya yung nag-aalalang mukha ni Chanyeol, sumuko na lang siya. Bumuntong hininga siya at binababa na lang niya yung phone niya.

"Fine. Tatawag ako ng doktor. Magpahinga ka na sa kwarto mo," sabi ni Jongdae at tumango naman si Chanyeol.

Pinanood na lang ni Jongdae na maglakad papunta sa hagdan si Chanyeol kahit nag-aalala pa rin siya. Tumawag siya ng doktor para pumunta sa bahay nila Chanyeol. Nang matapos siya ng tawag, may bigla siyang narinig na vase na nabasag kaya lumingon agad siya sa likod. Nagulat na lang siya nang nakita niyang nakahawak si Chanyeol sa hagdan habang pinipilit nitong tumayo, nakahawak yung isa niyang kamay sa ulo niya. Nakita niyang dahang dahan nang nakatayo si Chanyeol, pero nagcollapse din ito agad sa sahig.

"Chanyeol!!!"

*

"Oh," sabi ni Yixing nang iabot niya yung picture kay Baekhyun. Nagliwanag yung mukha ni Baekhyun, kinuha niya agad yung picture sa kamay ni Yixing.

"Nasayo pala to, Yixing-hyung!!!" sigaw ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad. "Akala ko nawala ko na to, salamat naman!"

"Naiwan mo sa office ko yan kanina. Sinabi sakin ni Sehun na hinahanap mo raw yan," sabi ni Yixing, naglalakad na sila ni Baekhyun pabalik sa hotel room galing sa convenience store. "Kaya pumunta ako agad dito para ibigay yang picture sayo."

"Thank you talaga, hyung," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag wala ka."

Tumawa si Yixing. "Talaga?"

"Oo, salamat kasi nanjan ka," sabi ni Baekhyun habang nakatitig lang siya sa picture ni Chanyeol. Nakatingin lang si Yixing sa kanya na para bang kanina pa siya may gustong sabihin kay Baekhyun.

"Baekhyun."

"Hmm?" sabi ni Baekhyun, nakatingin siya sa picture habang ginagalaw-galaw niya yung thumb niya sa mukha ng batang Chanyeol. Nakatigil na silang dalawa sa tapat ng pinto ng hotel room.

"May sasabihin ako sayo," sabi ni Yixing nang seryoso. Tumunghay si Baekhyun kay Yixing bago niya ibulsa nang maayos yung picture sa coat niya.

"Ano yun?"

Hindi nagsalita si Yixing, nakatingin lang siya nang seryoso kay Baekhyun, at pakiramdam ni Baekhyun, may sasabihin si Yixing na mahalaga sa kanya. Ano kaya yung.. sasabihin niya?

"Hyung?" tawag ni Baekhyun, nakatingin lang din siya kay Yixing na nakatitig sa kanya. "Ano ba yung.. sasabihin mo sakin?"

"Gusto kita."

Natigilan si Baekhyun. Bumuka yung bibig niya para sana tanungin ulit si Yixing kung ano ulit yung sinabi nito, pero nagsalita na ulit si Yixing.

"Sabi ko, gusto kita, Baekhyun."

Nakatingin lang si Baekhyun kay Yixing, hindi niya alam ang isasagot niya. Ano bang.. ibig sabihin ng sinabi niya... Hindi naman.. ganun yun, tama?  Iba.. iba yun, diba?

"Hyung--"

"Gusto kita. Kagaya ng tingin sayo ni Sehun," sabi ni Yixing nang hindi inaalis yung mata niya kay Baekhyun. "At kagaya rin ng tingin sayo ni Chanyeol."

Nakatitig lang si Baekhyun kay Yixing at hindi niya alam kung ano bang maramdaman niya, pakiramdam niya lang nanlalambot na siya ngayon, at may konting sakit sa dibdib niya, na sumasakit na talaga habang tumatagal.

"I'm sorry," sabi ni Yixing tapos ngumiti siya. "Nagulat ka siguro.. ano ba tong sinasabi ko? Malamang nagulat ka talaga."

Yumuko si Baekhyun, nakatingin lang siya sa sahig, hindi niya kayang makita yung mukha ni Yixing sa harap niya dahil alam niyang may nasaktan na naman siya. I'm sorry...

"Sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo, Baekhyun. At sorry kung nalaman mo pa. Alam kong masakit sayo, pero.. naisip kong ang unfair ko dahil hindi ako honest sayo," sabi ni Yixing, nakayuko na rin siya. "Pinagkakatiwalaan mo ako pero naglilihim ako sayo, at pakiramdam ko nagiguilty rin ako, kasi... may feelings pa rin ako sayo kahit kayo na ni Chanyeol. Gusto ko lang malaman mo na.. kaya ko sinabi sayo yung totoo kasi ayaw kitang lokohin. Sana... sana maintindihan mo."

"N-naiintindihan ko.." sagot ni Baekhyun nang nakayuko pa rin. "Sorry kung nasaktan kita, Yixing-hyung. I'm sorry kung nahihirapan ka at sorry kasi hindi ko alam.. Sorry kung hindi ko kayang ibalik yung feelings mo sakin at sorry--"

"Wala kang kasalanan kaya wag kang magsorry," malungkot na sabi ni Yixing. "At wag ka ring magiguilty. Mas gusto ko pang... marinig na magthank you ka kesa magsorry ka."

"Thank you," sabi ni Baekhyun, naiiyak na siya. "Thank you kasi naging honest ka sakin at thank you rin sa feelings mo. Salamat kasi naging magkaibigan tayo."

Ngumiti si Yixing at kahit masakit, mas mabuti na rin yung ganito.

"You're welcome," sabi ni Yixing tapos pinat niya si Baekhyun sa buhok. "Walang anuman."

Lumapit si Yixing kay Baekhyun at niyakap niya ito, kaya nagulat naman si Baekhyun sa yakap ni Yixing sa kanya. Hindi sigurado si Baekhyun kung dapat niya bang yakapin si Yixing pabalik, kaya hindi na lang siya gumalaw, nakatayo lang siya sa posisyon niya.

Hinayaan na lang niyang yakapin siya ni Yixing.

*

"Alam mo na ba yung... tungkol kay Yixing-hyung nung una pa lang?" tanong ni Baekhyun kay Sehun sa tabi niya na nanonood ng TV. Tumango si Sehun habang nakatingin lang siya sa harap niya, hindi niya tinitingnan si Baekhyun sa tabi niya.

"Sorry, Sehun," sabi ni Baekhyun habang nakatingin lang siya kay Sehun. "Sorry kung--"

"Wag kang magsosorry," sabi ni Sehun, humigpit yung hawak niya sa remote. "Please, wag kang magsosorry."

"Pero anong gusto mong gawin ko?" sabi ni Baekhyun, pakiramdam niya maiiyak na siya. "Wala akong ibang magawa kundi magsorry kung pakiramdam kong nakakasakit ako."

"Tumahimik ka na lang," sabi ni Sehun, umiwas siya ng tingin kay Baekhyun. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang kasalanan? Kung nasasaktan si Yixing-hyung at nasasaktan ako, kami yung may kasalanan. Hindi ikaw! Kaya kahit kailan, wag kang magsosorry, Baekhyun."

"Pero--"

Natigilan si Baekhyun nang biglang nagring yung phone niya, nakatingin lang si Sehun sa kanya. Sinagot agad ito ni Baekhyun nang makita niyang si Chanyeol yung tumatawag.

"Hello?"

[BAEKHYUN!!!]

"Jongdae? Teka, phone to ni Chanyeol ah, bakit ka--"

[BAEKHYUN, NAGCOLLAPSE SI CHANYEOL!]

"A-ANO!?"

[Tumawag na ako ng doktor para gamutin siya, ayaw niyang magpaospital! Please, umiwi ka na, Baekhyun! Hinahanap ka niya ngayo--]

Pinatay na ni Baekhyun ang tawag at tumulo na yung luha niya, nanginginig na rin yung buong katawan niya. Nakatingin lang si Sehun sa kanya tapos hinawakan siya nito sa balikat.

"Baekhyun! Anong.. anong nangyari!? May nanyari ba kay hyung!?"

"N-nagcollapse si Chanyeol," sabi ni Baekhyun habang humihikbi. Sobrang nag-aalala na siya kakaisip kung ano na bang nangyari kay Chanyeol. Humawak siya kay Sehun para hindi siya matumba, kinakabahan na talaga siya.

"P-please.. u-umiwi na tayo s-sa Seoul, k-kailangan.. ako ni Chanyeol, Sehun. P-please," sabi ni Baekhyun habang nakayakap lang si Sehun sa kanya. "Sehun, umuwi na tayo, p-please! Umuwi na tayo!"

"Oo, uuwi na tayo," sabi ni Sehun, nag-aalala na rin siya sa hyung niya. Niyakap niya si Baekhyun. "Uuwi na tayo."

*

Pagkapasok ni Baekhyun sa mansion, umakyat siya sa second floor at dumiretso agad siya sa kwarto ni Chanyeol. Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit at hindi rin siya nakatulog nang maayos kanina sa kotse kakaisip kay Chanyeol. Pag bukas niya ng pinto ng kwarto, nakita niyang nakahiga si Chanyeol sa kama at may doktor na sa tabi nito, kaya nakahinga naman ng maluwag si Baekhyun.

"Baekhyun," sabi ni Jongdae, tumayo siya at niyakap niya si Baekhyun. "Okay na, wag ka nang mag-alala kay Chanyeol. Nakainom na siya ng gamot. Kailangan niya na lang magpahinga."

"Salamat naman," sabi ni Baekhyun, nakasandal yung ulo niya sa balikat ni Jongdae habang hinahaplos nito ang likod niya. "Thank you.. sa pagbabantay mo kay Chanyeol."

Nagmadaling pumasok si Sehun sa kwarto ng hyung niya, at nung nakita niyang tulog na ito sa kama niya, nakahinga na rin siya nang maluwag.

"Ikaw ba ang kapatid ng pasyente?" tanong ng doktor kaya tumango naman si Sehun.

"Ano po bang nangyari sa hyung ko?"

"May migraine siya," sabi ng doktor. "Dahil sa sobrang stress at pagod, kulang rin siya sa tulog. Kailangan niya lang magpahinga at uminom ng gamot regularly. Iwasan niyo rin ang sobrang ingay at sobrang liwanag dahil sensitive siya dun."

"M-malala po ba yung lagay niya?" tanong ni Baekhyun. "K-kailangan niya bang magpaconfine sa ospital?"

Umiling ang doktor. "Sa ngayon hindi. Pero kapag sumumpong yung migraine niya at hindi na to kaya ng gamot, mas mabuti kung dadalhin niyo siya sa hospital."

Umupo si Baekhyun sa gilid ng kama habang pinapanood niya lang na matulog si Chanyeol. Nag-uusap sa labas si Sehun at ang doktor samantalang kasama ni Jongdae si Baekhyun sa loob ng kwarto.

"Baekhyun," tawag ni Jongdae sa kaibigan niya. "Magpahinga ka kaya muna? Mukhang pagod ka sa biyahe."

Umiling si Baekhyun. "Okay lang ako, Jongdae."

"Lalabas muna ako, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."

Tumango si Baekhyun kaya lumabas na si Jongdae ng kwarto. Hinawakan ni Baekhyun yung kamay ni Chanyeol, mainit yung kamay nito sa kamay niya kaya kahit papano nawala na yung nararamdamang pag-aalala ni Baekhyun.

"Chanyeol," bulong ni Baekhyun. "Nandito na ako.. at hindi na ulit ako aalis kaya dapat gumaling ka agad, okay?"

Katahimikan.

Hinawakan ni Baekhyun yung buhok ni Chanyeol habang tinitingnan niya yung maamong mukha nitong natutulog. Masarap ba yung tulog mo? Nanaginip ka kaya ngayon?

Tumunog yung phone ni Baekhyun sa ibabaw ng couch, kaya tumayo si Baekhyun para kunin muna yung phone niya. Bibitiwan na sana niya yung kamay ni Chanyeol pero napahinto siya nang pigilan siya nito. Napatingin si Baekhyun sa may kama, at nakita niyang nakahawak nang mahigpit yung kamay ni Chanyeol sa braso niya.

"Chanyeol.."

"D-dito ka lang," bulong ni Chanyeol, nakapikit pa rin siya habang nakakunot yung noo niya, masakit pa rin yung ulo niya. "Wag mo akong... iwan.."

Ngumiti si Baekhyun sabay tango. "Dito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo."

Inangat ni Baekhyun yung kumot ni Chanyeol at dahan dahan siyang pumasok sa loob, humiga siya sa unan ni Chanyeol habang inaayos niya yung kumot nilang dalawa.

"Pwede bang.. matulog ako sa tabi mo?"

Tumango si Chanyeol nang dahan dahan, kaya umusod naman si Baekhyun palapit kay Chanyeol. Niyakap niya si Chanyeol nang mahigpit, nakasandal yung ulo niya sa chest ni Chanyeol habang nakapatong yung kamay niya sa ibabaw ng tiyan ni Chanyeol.

"Good night, Chanyeol."

Bumulong si Chanyeol ng mahingang 'Good night, Baekhyun..' at alam ni Baekhyun na makakatulog na siya nang maayos, dahil kasama na niya si Chanyeol ngayon.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro