CHAPTER 52 Part 1
*
52.1
"Pfft, hahahaha," tawa ni Baekhyun, mahina lang habang tinitingnan niya yung picture na hawak niya sa kamay niya. Nakaupo siya sa tabi ng driver's seat ngayon, si Sehun ang nagdadrive at nasa backseat naman yung apat nilang kasambahay na mahimbing na natutulog. Papunta na sila sa Busan ngayon.
"HAHAHA, ganito pala ang itsura mo nung bata ka," bulong ni Baekhyun sa sarili niya. "Ang taba-taba! Haha! Aigoo!"
"Yah, kanina ka pa nakatitig jan," sabi ni Sehun habang nagdadrive, nakafocus siya sa daan. "Ano bang picture yang hawak mo?"
"Eto, hahaha-- picture ni-- haha! Chanyeol nung bata siya!" sigaw ni Baekhyun habang nakangiti. "Tingnan mo oh!"
Biglang hinarang ni Baekhyun yung picture ni Chanyeol sa mukha ni Sehun, yun yung picture ni Chanyeol nung twelve siya, may salamin siya nun habang hawak-hawak niya yung alaga niyang ferret.
"YAH! ALISIN MO YAN SA MUKHA KO, HINDI KO MAKITA YUNG KALSADA!" sigaw ni Sehun, muntik na niyang mabangga yung bumper ng kotse sa unahan. Buti na lang inalis na ni Baekhyun yung picture ni Chanyeol sa harap ni Sehun.
"HAHAHA!" tawa ni Baekhyun na parang hindi sila muntik maaksidente kanina. "Ang pangit ng hyung mo!"
Natawa si Sehun tapos sinilip niya yung picture na hawak ni Baekhyun habang nagdadrive siya, kaya lalo siyang natawa. "Pffft! Oo nga, ang taba at ang pangit pangit niya jan. Hindi ko pa nakikita yang picture na yan ah?"
"Kasi tinago raw to ni Chanyeol nung bata pa siya sabi ni Yoora-noona," sabi ni Baekhyun habang nakatingin pa rin sa picture. Napangiti si Sehun nung narinig niya yung 'Yoora-noona'. "Kinahihiya niya tong picture na to!"
"May pangblack mail ka na kay hyung," sabi ni Sehun habang tumatawa. "Gamitin natin pag emergency."
Nasamid si Chanyeol habang umiinom siya ng sparkling water. Nilapag niya yung baso sa ibabaw ng lamesa habang hinihimas niya yung dibdib niya.
"Para yatang... may mga taong gustong gumawa ng hindi maganda sakin," sabi ni Chanyeol sa sarili niya matapos niyang umubo. "Pinag-uusapan yata nila ako ngayon."
"Yah, ang sama mong kapatid, Sehun," sabi ni Baekhyun habang nakapout, tapos hinampas niya nang mahina si Sehun sa hita. "Pero maganda yang naisip mo, haha! Black mail."
"Sabi ko naman sayo diba, effective yan. Nagamit ko na yun kay hyung dati," sabi ni Sehun. Niliko niya yung manibela nang makarating sila sa intersection.
"Tss, wala naman siguro, di naman totoo yun," sabi ni Chanyeol, naglakad na siya papunta sa living room para bumalik sa laptop niya. "Mababait naman ang mga tao sa paligid ko. Lalo na si Baekhyun at Sehun."
Bumahing si Baekhyun, malakas. "Achoo!"
"Yah, yung laway mo, tumalsik!" naiiritang sabi ni Sehun. "Kadiri ka! Gumamit ka nga ng tissue!"
"Sorry," sabi ni Baekhyun habang kumukuha ng tissue sa bag niya. Pinunasan niya yung ilong niya. "Biglang kumati yung ilong ko kaya-- achoo! Nabahing ako."
"Baka naman may nag-iisip sayong kung sino o kaya may nakaalala sayo," sabi ni Sehun, tumingin siya sandali kay Baekhyun. "Sino kaya?"
"Baka si Chanyeol!" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. Umirap lang si Sehun.
"Psh, baka si Jongdae-hyung," sabi ni Sehun. "Hindi ka niya pinayagang pumunta sa Busan kaya tinakasan mo siya, diba?"
"Wag mo nang ipaalala," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot, sumandal siya sa upuan ng kotse habang nakacross arms.
*
"Nasan yung apat?" tanong ni Sehun kay Baekhyun habang pumapasok sila sa hospital sa Busan kung saan nagtatrabaho si Yixing. Malaki at busy ang buong hospital kaya nasa gilid lang si Sehun at Baekhyun habang naglalakad.
"Nagpaalam silang pupuntahan muna nila yung dati nilang bahay dito bago nila bisitahin si Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun, kumapit siya sa braso ni Sehun nang may dumaan sa tabi niyang isang grupo ng doktor. "Sinabi ko na magkita-kita na lang tayo sa hotel kung san tayo nagcheck-in kanina."
Tumango si Sehun sabay sabing ahh ganun ba, tapos inakbayan niya si Baekhyun nang may napansin siyang nurse na kanina pa nakatitig kay Baekhyun. Tss. Subukan mo lang.
"Sehunnie, nasaan ba dito si Yixing-hyung?" tanong ni Baekhyun habang nililibot niya yung mata niya sa first floor ng hospital. "Nasa taas kaya siya?"
"Mm, sabi niya sakin dati, 27th floor daw yung office niya," sabi ni Sehun tapos ngumiti siya. "Pero hindi niya alam na na nandito tayo ngayon kaya surprise."
Ngumiti rin si Baekhyun at hinila na niya si Sehun papunta sa elevator. "So ano pang hinihintay natin, tara na."
Sumunod si Sehun kay Baekhyun, nakatingin lang yung nurse sa kanilang dalawa nang pumasok sila sa elevator. Ngumiti si Sehun nang malapad, kaya napairap na lang yung nurse sa kanya.
"Sa susunod, sa hospital ka na rin magtatrabaho," sabi ni Baekhyun kay Sehun sa tabi niya. Mga pito silang nasa loob ng elevator ngayon.
"Diba Medicine ang kinukuha mong course?" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Siguradong magiging magaling na doktor ka pag nagkataon."
"Sinabi mo pa," sabi ni Sehun sabay cross arms. "Pero sa totoo lang... nung una, hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag nagcollege ako, hindi ko alam kung ano ba yung gusto ko."
"Lahat ng course pwede mong kunin kasi matalino ka," sabi ni Baekhyun habang nakatunghay kay Sehun. "Pero bakit nga ba pagdodoktor yung pinili mo?"
"Bakit?" sabi ni Sehun habang nakahawak siya sa ilalim ng baba niya. "Dahil sayo."
Natigilan sandali si Baekhyun. "Dahil.. sakin?"
Tumango si Sehun. "Oo."
"Pero bakit? Wala naman akong... ginawa."
"Ilang beses ka na bang naospital?" tanong ni Sehun. Nakatingin lang si Baekhyun kay Sehun, naghihintay ng sunod nitong sasabihin.
"Natahi na yung binti mo nung naaksidente ka sa Jejudo. Tapos natahi na rin yung tiyan mo nung nagkaappendicitis ka. Kaya sabi ko sa sarili ko nung time na nakita kitang nakahiga sa hospital bed. 'Ah, kapag may nangyari ulit kay Baekhyun, ako na yung gagamot at magpapagaling sa kanya," sabi ni Sehun tapos yumuko siya habang nakangiti.
"Kaya naisip kong gusto kong maging doktor... Dahil sayo."
Napangiti si Baekhyun sa sinabi ni Sehun, masaya talaga siyang malaman yun, pero may konting lungkot at hiya rin siyang nararamdaman. Marami nang binigay at ginawa si Sehun para sa kanya, pero siya, wala man lang siyang magawa para ka Sehun. Ako na lang lagi yung tumatanggap. Pakiramdam ko tuloy, lalo ko siyang nasasaktan.
"Salamat, Sehun," sabi ni Baekhyun, tumingin siya sa mata ni Sehun habang nakasabit yung braso niya sa braso ni Sehun. "At sorry kasi.. wala man lang akong magawa para sayo."
"Hindi na kailangan yun, Baekhyun," sabi ni Sehun nang nakangiti. "Basta lagi ka lang nandito sa tabi ko bilang babysitter ko, masaya na ako."
Bumukas na ang pinto ng elevator nang makarating sila sa 27th floor. Unang lumabas si Sehun at kasunod niya si Baekhyun na nakahawak lang sa braso niya, dahil pakiramdam ni Baekhyun, maliligaw siya kapag binitawan niya si Sehun kahit sandali lang.
"Dr. Zhang Yixing," sabi ni Baekhyun nang basahin niya yung nakapaskil sa puting pinto ng office ni Yixing. "Sehun, ito na yun! Dito na yung office niya."
Hinawakan ni Sehun yung doorknob ng pinto para sana buksan ito, pero napatigil siya nang may naramdaman siyang umakbay sa kanya, pati na rin kay Baekhyun. Sabay silang lumingon ni Baekhyun at nakita nila si Yixing na nasa gitna nilang nakaakbay sa kanya.
"Yaaaah, may nalililigaw yata sa office ko ah?"
"YIXING-HYUNG!!!" sabay na sabi ni Sehun at Baekhyun na nakangiti nang malapad.
"Hyung! Namiss kita!" sabi ni Sehun sabay yakap at tapik sa likod ni Yixing, niyakap rin pabalik ni Yixing si Sehun habang nakatayo lang si Baekhyun sa gilid at nakangiti.
"Sehunnie, ang laki at ang tangkad mo na!" sabi ni Yixing habang ginugulo niya yung buhok ni Sehun. Kinakapa niya rin yung braso ni Sehun. "Ang tigas na ng muscles mo!"
Natawa si Sehun. "Nagwowork out yata ako tuwing Friday!"
Humiwalay si Yixing ng yakap at napansin niyang may maliit na nilalang na nakatitig lang sa kanya na parang naghihintay na siya naman yung pansinin. Napangiti si Yixing.
"Sino to?" sabi ni Yixing nang nakataas ang kilay.
"Yixing-hyung naman eh!" sigaw ni Baekhyun nang nakapout habang pumadyak-padyak sa sahig. "Nakakainis to!"
"Sehun, sino tong kasama mo?"
Nagkibit balikat si Sehun. "Aba ewan, napulot ko lang yan sa daan."
"Yah!!!" sigaw ni Baekhyun sabay hampas kay Sehun. "Hindi nakakatuwa! Hindi nakakatuwa!"
Ngumiti si Yixing tapos natawa na siya. Lumapit siya kay Baekhyun at niyakap na niya ito nang mahigpit, na halos lumutang na yung paa ni Baekhyun sa sahig dahil binuhat na siya ni Yixing.
"Baekhyun, namiss talaga kita," sabi ni Yixing sa buhok ni Baekhyun. "Sobra."
Ngumiti si Baekhyun nang malapad habang niyakakap niya pabalik si Yixing. "I miss you, too, Yixing-hyung."
Nakatingin lang si Sehun sa kanila habang nakacross arms siya. Alam niya namang sobrang malapit talaga sa isa't-isa sina Baekhyun at Yixing, pero parang may kakaiba lang na nararamdaman si Sehun ngayon. Hindi siya nagseselos o naiinis o kung anupaman, basta iba lang talaga yung ngiti ni Yixing ngayon nung nakita niya si Baekhyun. Kung anu-ano nanaman tong pumapasok sa isip ko. Gutom lang siguro to.
"Kumain na ba kayo?" tanong ni Yixing sa Busan accent kaya natawa si Sehun at Baekhyun sa kanya. "Ay sorry, nasanay lang ako. Wala na kasi ako sa Seoul kaya ganito na yung accent ko."
"Okay lang yun, Yixing-hyung, bagay naman sayo!" sabi ni Baekhyun sabay tapik sa balikat ni Yixing. "Sa ngayon, kumain na tayo. Nagugutom na ako."
Tumango si Sehun. "Kain tayo sa labas! May dala akong kotse, sarili kong kotse!"
"Na bigay ng hyung mo, kaya kay Chanyeol pa rin talaga yun," sabi ni Yixing nang nakangiti kaya nagpout na lang si Sehun.
"Fine. Pero sakin pa rin talaga yun."
*
Pagod na talaga si Chanyeol, pero kailangan niyang tapusin lahat ng gagawin niya. Sinandal niya yung ulo niya sandali sa ibabaw ng mga nakapatong-patong na papel sa table niya habang pinipigilan niyang matulog.
"Wag kang pipikit, wag kang pipikit," bulong ni Chanyeol sa sarili niya, nakadikit na yung papel sa pisngi niya. "Ugh, kaya ko to."
Bumangon si Chanyeol tapos umiling siya para mawala yung antok niya, dahil sa totoo lang, ilang gabi na siyang walang tulog. Nangangawit na rin yung leeg at balikat niya, pati na rin yung mata at ulo niya, masakit na kakatitig sa screen ng laptop niya.
"Gising!" sigaw ni Chanyeol sa sarili niya sabay sampal sa pisngi niya nang malakas, nasaktan siya. "Aray, ang sakit!"
Nagvibrate yung phone ni Chanyeol kaya binuksan niya ito para basahin yung message. Nakita niyang nagmessage si Baekhyun sa kanya ng 'Nakarating na kami sa Busan! Kasama namin si Yixing-hyung!' na may kasama pang picture nilang tatlo sa isang restaurant.
Napangiti si Chanyeol nang makita niya yung picture ni Baekhyun, Sehun at Yixing na nakaaegyo, pero walang pakelam si Chanyeol sa mukha ng kapatid niya at sa mukha ni Yixing. Zinoom ni Chanyeol yung picture hanggang sa mukha na lang ni Baekhyun yung nasa buong screen niya.
"Ayan, edi mas maganda," sabi ni Chanyeol habang nakangiti na parang baliw at nakatitig sa mukha ni Baekhyun, nakawink ang isang mata nito habang nakapeace sign. Hinawakan ni Chanyeol yung pisngi ni Baekhyun sa screen niya na parang pisngi talaga ni Baekhyun yung hawak niya.
Namimiss na agad kita, nakakinis ka talaga Baekhyun. Ang saya-saya mo jan samantalang ako naman nagdudusa dito. Bumuntong hininga si Chanyeol habang minamassage niya yung ulo niya. Nagtype siya ng maiksing reply sa message ni Baekhyun tapos tinabi na ulit niya sa gilid yung phone niya.
"Okay. Back to work," sabi ni Chanyeol, inistretch niya yung leeg niya. "1,940 reports na lang, matatapos na ako."
*
Pagkatapos nilang kumain sa labas ng lunch, bumalik na si Yixing sa hospital kasama si Baekhyun at Sehun. Nasa office silang tatlo, may kausap sa phone si Yixing habang naglalaro naman si Sehun ng Ipad niya nang nakataas ang paa. Nakaupo lang si Baekhyun sa couch at tinitingnan niya yung paligid ng office ni Yixing. Ano kayang pwede kong gawin?
Tumayo si Baekhyun at pumunta siya sa divider na may mga nakadisplay na gamit, sa kanan puro certificate na nakaframe at sa kaliwa, mga gamit pang doktor na hindi alam ni Baekhyun kung display lang ba talaga yun o ginagamit pang opera.
"Anu yun," sabi ni Baekhyun sabay lapit sa maliit na coffee table sa tapat ng divider. May nakita siyang rubiks cube na 6x6 kaya yumuko siya at inabot niya ito sa ilalim ng table.
"Naglalaro pala si Yixing-hyung nito?" sabi ni Baekhyun nang makuha niya sa sulok yung rubiks cube. Tatayo na dapat si Baekhyun pero nauntog siya sa bakal na nakaharang sa may table, kaya napaatras siya. Nagulat na lang siya nang masagi niya sa likod yung divider, gumalaw yung mga gamit sa taas nito na malapit nang bumagsak sa kanya.
"Ah!!!" sigaw ni Baekhyun kaya napatingin agad si Sehun at Yixing sa kanya. Tumakbo agad si Yixing para harangan ng braso niya yung pabagsak na divider kay Baekhyun habang nakatingin lang si Sehun sa kanila nang gulat na gulat.
Bumagsak sa sahig yung aluminum tray ng mga injection at scalpel, muntik nang mabagsakan si Baekhyun kung hindi lang dahil kay Yixing na nakayakap sa kanya. Nakatitig lang si Sehun sa nagkalat na gamit sa sahig, habang si Baekhyun naman nakatulala lang, pakiramdam niya mamamatay na siya dahil sa takot at sobrang kaba.
"Okay ka lang!!?" tanong ni Yixing, sobrang nag-aalala yung mukha niya. Tiningnan niya yung buong katawan ni Baekhyun. "N-nasaktan ka ba!? Nasugatan ka ba!!? May masakit ba sayo!?"
Umiling si Baekhyun, pakiramdan niya maiiyak na siya dahil kung wala si Yixing at hindi siya nailigtas nito, malamang nasaksak na siya ng scalpel at natusok na siya ng injection. Takot na takot talaga siya.
"O-okay lang ako h-hyung," sabi ni Baekhyun, nanginginig yung boses niya. Bumuntong hininga naman si Yixing at gumaan rin yung pakiramdam ni Sehun.
"Mabuti kung ganun. Sa susunod Baekhyun, mag-iingat ka naman! Muntik ka nang mapahamak dahil jan sa kalikutan mo!" sigaw ni Yixing kaya napapikit na lang si Baekhyun. Nakatingin lang si Sehun sa kanya, medyo nagulat siya sa ginawang pagsigaw ni Yixing.
"S-sorry, hyung... Hindi ko naman--"
"Wag mo na ulit gagawin yun," sabi ni Yixing sa mas kalmadong boses.
Tumango si Baekhyun habang nakayuko lang siya sa sahig, pakiramdam niya pabigat nanaman siya. Alam niyang nagpipigil lang si Yixing ng galit dahil sa kanya.
"I-I'm sorry, Yixing-hyung, s-sorry hindi ko talaga sinasadya. S-sorry, k-kasalanan ko, kung hindi sana ako nangealam ng g-gamit mo edi sana hindi ako--"
"Tama na," sabi ni Yixing. Umupo siya at pinulot niya yung mga nalaglag na gamit. Binalik niya ulit ito sa tray. "Tumahimik ka na."
Natahimik na lang si Baekhyun.
"Baekhyun," sabi ni Sehun nang makalapit siya kay Baekhyun, niyakap niya ang babysitter niya. "Wala na, tapos na yun, tumahan ka na, okay?"
Hindi nagsalita si Baekhyun, sinubsob niya lang yung mukha niya sa tshirt ni Sehun habang niyayakap niya si Sehun pabalik. Hinaplos ni Sehun yung likod ni Baekhyun habang nakatingin lang siya kay Yixing na pumupulot ng gamit sa sahig. Seryoso yung mukha ni Yixing, at ngayon na lang ulit nakita ni Sehun na ganito ang hyung niya, na pakiramdam niya, konti na lang magagalit na si Yixing. Dahil ba kay Baekhyun kaya ka ganyan?
"Ilabas mo na si Baekhyun," sabi ni Yixing kay Sehun sa seryosong boses. "Wag mo munang papasukin si Baekhyun dito hanggat hindi ko pa nalilipat yung mga gamit."
Tumango nang tahimik si Sehun tapos lumabas na sila ni Baekhyun ng office ni Yixing.
"Dito ka lang, Baekhyun," sabi ni Sehun kay Baekhyun nang makaupo ito sa isang bench sa hallway sa tapat ng information desk. "Babalikan kita, okay? May itatanong lang ako kay Yixing-hyung."
Tumango si Baekhyun nang tahimik. "B-bilisan mo... hihintayin kita dito, Sehun."
"Mm, babalik ako agad."
Tumakbo na si Sehun papunta sa office ni Yixing. Binuksan niya yung pinto at nakita niyang nasa sahig pa rin si Yixing habang nagpupulot ng mga nalaglag na injection. Umubo si Sehun kaya napalingon na si Yixing sa kanya.
"Sehun, bakit nandito ka," sabi ni Yixing tapos tumayo na siya. Pinatong niya yung tray sa ibabaw ng desk niya. "Sinong kasama ni Baekhyun dun?"
"May itatanong ako sayo, hyung," sabi ni Sehun nang seryoso, hindi niya iniiwas yung tingin niya kay Yixing. "Sana sagutin mo nang maayos yung tanong ko."
"Ano ba yung itatanong mo?" tanong ni Yixing, kinuha niya yung labcoat niya na nakapatong sa swivel chair niya at sinuot niya ito. Nakatingin lang si Sehun sa kanya.
"Sabihin mo," sabi ni Sehun, binitawan na niya yung doorknob para makalapit siya kay Yixing sa harap niya.
"May gusto ka ba kay Baekhyun?"
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro