Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 50


*

50

"Nandito na tayo, Baekhyun," sabi ni Chanyeol nang makarating na sila sa tapat ng coffee shop. Itinigil niya ang kotse at lumabas siya para pagbuksan si Baekhyun ng pinto sa kabilang side ng sasakyan.

Ngumiti si Baekhyun sabay sabi ng mahinang Thank you kay Chanyeol. Tumingin siya sa coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng boyfriend niya, maganda at malaki ito, pang mukhang sosyal ang dating, pero walang tao.

"Dito ba talaga... yung coffee shop kung saan tayo imimeet ng noona mo?" tanong ni Baekhyun habang nakatingin kay Chanyeol. "Bakit walang tao?"

Ngumiti si Chanyeol. "Nireserve niya yung buong coffee shop para lang satin kaya walang tao."

"Ah, ganun ba," sabi ni Baekhyun sabay tawa nang nahihiya. "Kaya pala."

Sabay na naglakad si Chanyeol at Baekhyun papasok sa loob ng coffee shop, may dalawang bodyguard na nakaitim na suit ang nagbukas ng pinto para sa kanila, kaya lalong kinabahan si Baekhyun. Masyado bang bigatin yung noona ni Chanyeol kaya kailangan pa talagang may bodyguard?

"Baekhyun," tawag ni Chanyeol nang nakangiti. "Relax ka lang, wag kang kabahan."

Bumuntong hininga si Baekhyun tapos nag-aalala siyang tumingin kay Chanyeol.

"Madali lang para sayong sabihin yan kasi noona mo siya. Paano kung hindi niya ako magustuhan, paano kung hindi pala ako yung hinahanap niya, paano kung ang gusto ng noona mo yung sosyal, yung mayaman, yung--"

Napatigil si Baekhyun nang pagpapanic niya nang hawakan ni Chanyeol yung kamay niya. Mainit yung kamay ni Chanyeol kumpara sa kamay niyang malamig at namamawis. Hinawakan ni Chanyeol yung kamay ni Baekhyun nang mahigpit.

"Pisilin mo yung kamay ko kapag kinakabahan ka," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Nandito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo."

Huminga nang malalim si Baekhyun sabay tango. "Okay."

Naglakad na ulit silang dalawa papunta sa gitna ng coffee shop, kung saan may isang babaeng naghihintay habang umiinom ng tea. Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya, kung paano nito hinawakan yung cup niya at kung paano niya rin pinunasan yung bibig niya ng tissue.

Sobrang ganda niya, at ang sosyal ng pananamit niya. Mukha siyang sophisticated at matalino. Napayuko si Baekhyun sa sarili niyang damit, at gusto na niyang lamunin na lang ng lupa dahil sa hiya.

"Yoora-noona," tawag ni Chanyeol sa ate niya nang makarating sila sa tapat ng table ni Yoora. Tumunghay si Yoora kay Chanyeol, tapos ngumiti siya.

"Chanyeol," sabi ni Yoora sa boses na hindi mawari ni Baekhyun kung masaya ba siyang makita si Chanyeol o napipilitan lang. "Dumating ka."

Nilipat ni Yoora ang tingin niya sa taong nasa tabi ni Chanyeol, hindi siya nakangiti at hindi rin siya nakasimangot nang tingnan niya nang mabuti si Baekhyun. Nakayuko lang si Baekhyun, pinisil niya nang mahigpit yung kamay ni Chanyeol.

"Ah, it's nice to finally meet you in person, Baekhyun-ssi," sabi ni Yoora nang nakangiti habang nakatitig lang kay Baekhyun, yung tono ng pananalita niya parang business lang ang pinag-uusapan.

"Yah, wala tayo sa company. Wag kang magsalita ng pormal," sabi ni Chanyeol nang nakataas ang kilay, pero sa loob niya, kinakabahan na rin siya dahil alam niya ang kayang gawin ng kapatid niya.

"N-nice to meet you, too," kinakabahang sabi ni Baekhyun tapos nagbow siya sa harap ni Yoora.

"Have a seat," sabi ni Yoora, nilahad niya yung kamay niya sa upuan sa tapat niya. Inatras ni Chanyeol yung upuan para makaupo si Baekhyun, pero nung uupo na si Chanyeol sa tabi ni Baekhyun, pinigilan siya ni Yoora.

"Hindi ikaw," sabi ni Yoora nang nakangiti. "Hindi ka kasama. Kami lang yung mag-uusap."

"At bakit!?!" naiinis na sigaw ni Chanyeol. "Hindi ko iiwang mag-isa si Baekhyun dito kasama mo."

"Bakit, wala ka bang tiwala sa boyfriend mo?" tanong ni Yoora nang nakataas ang kilay. Natigilan si Chanyeol.

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun sabay tunghay kay Chanyeol sa tabi niya, tapos ngumiti siya nang pilit. "Okay lang ako, pwede mo na kaming iwan."

"Pero Baek," sabi ni Chanyeol, gusto pa sana niyang magsalita kung hindi lang dahil sa dalawang bodyguard na nakahawak na sa balikat niya.

"Narinig mo siya," sabi ni Yoora kay Chanyeol, hindi pa rin nawawala yung confidence sa pananalita niya. "So kung pwede, iwan mo na kami."

Binitawan na ni Baekhyun yung kamay ni Chanyeol, kaya walang nagawa si Chanyeol kundi pakawalan na lang yung kamay ni Baekhyun kahit ayaw niya.

"Dalhin niyo na siya sa labas," utos ni Yoora sa dalawa niyang bodyguard. "At wag niyo siyang papapasukin hangga't di ko sinasabi."

Tumango ang bodyguard at hinawakan nila si Chanyeol sa braso. Siniko sila ni Chanyeol, tapos lumbas na siya ng coffee shop nang mag-isa, naiinis siya kay Yoora at nag-aalala siya para kay Baekhyun. Umupo si Chanyeol sa may table na may payong sa labas ng coffee shop, tanaw niya mula dito si Baekhyun at Yoora.

Baekhyun, wag kang kabahan, okay lang yan, sabi ni Chanyeol sa isip niya habang nakatingin siya kay Baekhyun na nakayuko sa harap ni Yoora, nakapatong yung kamay nito sa ibabaw ng lap niya. Nakakasar, hindi ko man lang maririnig yung pag-uusapan nila mula dito.

Dumating yung waiter para magserve ng dalawang cup ng coffee kina Baekhyun at Yoora. Ngumiti si Yoora sa waiter at nagbow naman ng konti si Baekhyun.

"So, Baekhyun," sabi ni Yoora habang hinahalo niya sa sosyal na paraan yung kape niya. "Narinig kong babysitter ka ni Sehun, tama ba?"

"O-opo, tama po--"

"Wag mo na akong i-po kasi hindi naman nagkakalayo yung age natin," sabi ni Yoora. Nilapag niya yung kutsara sa tabi ng cup niya sabay tingin kay Baekhyun. "So totoo nga, babysitter ka."

Tumango si Baekhyun, gusto na niyang inumin yung kape niya, kaso nag-aalala siya na baka maibuga niya yung kape dahil sa kaba niya.

"Paano kayo nagkakilala ni Chanyeol?" tanong ni Yoora, nakataas ang kilay niya. "Inapproach mo ba siya?"

Umiling si Baekhyun. "H-hindi. May nagrecommend na kaibigan na kailangan nila ng babysitter kaya nag-apply ako sa mansion. Kaya ko nakilala si Chanyeol."

"Oh, I see. Sa Seoul ka ba lumaki?"

Umiling si Baekhyun. "S-sa Bucheon."

Ininom ni Yoora ang kape niya, nakayuko pa rin si Baekhyun habang nakatitig sa kape niyang lumalamig na.

"Ang parents mo? Nasaan?"

"Wala na sila," sabi ni Baekhyun. "Inampon lang ako ng mga magulang ko ngayon na nasa Bucheon."

Hindi nagbabago yung mukha ni Yoora, walang expression yung mata niyang nakatingin kay Baekhyun.

"Ampon ka pala?"

"Oo.."

"So, anong natapos mo?" tanong ni Yoora. "O kung... nakatapos ka man lang ba ng college?"

Humigpit yung kapit ni Baekhyun sa pants niya sa lap niya, tapos umiling siya.

"H-hindi ko natapos... kaya kinailangan kong magtrabaho para matulungan ko ang eomma ko."

"Ah, ganun ba," sabi ni Yoora na tumatango nang mabagal, ngumiti siya nang peke. "Bago ko makalimutan, hindi ko pa pala naiintroduce ang sarili ko."

Tumunghay si Baekhyun at nakita niyang nakangiti si Yoora sa kanya, pero hindi nawala yung kaba ni Baekhyun, ang totoo, lalo pa siyang kinabahan dahil sa ngiti ni Yoora sa kanya.

"Ako si Park Yoora, Executive Director ng Park Industries," sabi Yoora, hindi nawawala yung ngiti niya. "At half brother ko si Chanyeol."

Nilahad ni Yoora yung kamay niya kay Baekhyun, at nung aabutin na ni Baekhyun yung kamay ni Yoora, tinaggal na agad nito yung kamay niya, kaya yung dulo lang ng daliri ni Yoora ang nahawakan ni Baekhyun. Napayuko si Baekhyun.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Baekhyun," sabi ni Yoora habang nakacross arms. "Anong habol mo kay Chanyeol? Bakit ka nakikipagdate sa kanya?"

Tumunghay ulit si Baekhyun, nagulat siya.

"A-anong... ibig mong sabihin?"

"Wag ka nang magmaang-maangan," sabi ni Yoora, nawala na yung ngiti niya. "Alam kong alam mo kung ano yung tinutukoy ko."

Umiling si Baekhyun nang mabilis.

"H-hindi, hindi ganun yung habol ko kay Chanyeol. Wala akong habol kay Chanyeol, Yoora--"

"Wag mo akong tawaging Yoora, hindi tayo magkaibigan," sabi ni Yoora na nakatingin nang masama kay Baekhyun. "Kung inaakala mong makakakuha ka ng pera ka Chanyeol, nagkakamali ka. Kung siya maloloko mo, puwes ako hindi. Kaya kung ako sayo, hihiwalayan ko na si Chanyeol."

Natigilan si Baekhyun, gusto niyang ipagtanggol yung sarili niya. Gusto niyang sabihing nagkakamali si Yoora ng iniisip niya, hindi pera ang habol niya kay Chanyeol. Hindi ako ganung klase ng tao, hindi ko gagawin yun kay Chanyeol dahil mahal ko si Chanyeol. Hindi ko siya hihiwalayan.

"Bakit hindi ka makapagsalita?" sabi ni Yoora nang naiinis. "Tama ba lahat ng sinabi ko? Ano pa nga bang aasahan ko sa mga katulad mo... Tss. Pare-pareho lang kayong mga mahihirap. Mga mukhang pera."

"Bawiin mo yung sinabi mo," sabi ni Baekhyun habang nakaclench fist. "Hindi totoo yan."

Ngumiti si Yoora. "Talaga? Paano kung gawin ko sayo to?"

Kumuha si Yoora ng isang baso ng tubig sa tabi niya, tapos binuhos niya ito sa mukha ni Baekhyun. Nagulat si Baekhyun, napayuko siya nang mabasa yung buong mukha niya ng tubig, pati na rin yung buhok at damit niya.

Napatayo si Chanyeol sa pagkakaupo niya nang makita niya yung ginawa ni Yoora kay Baekhyun. Tumakbo agad siya papasok sa coffee shop, pero hinarangan siya ng dalawang bodyguard.

"Papasukin niyo ako!" sigaw ni Chanyeol habang nakatingin kay Baekhyun, kinakalampag niya yung glass door gamit ang dalawang kamay niya. "PAPASUKIN NIYO AKO SABI EH! BUKSAN NIYO TONG PINTO!"

Kumuha si Baekhyun ng tissue sa tabi niya, tapos dali-dali niyang pinunasan yung mukha niyang nabasa habang nakatingin lang si Yoora sa kanya.

Gusto nang maiyak ni Baekhyun sa sakit at sa kahihiyan, pero kailangan niyang maging matatag. Hindi ako iiyak. Mas matindi pa yung mga napagdaanan ko kesa dito.

"Anong gagawin mo ngayon?" sabi ni Yoora. "Aamin ka na ba? Makikipagbreak ka na ba sa kapatid ko?"

"Wala akong dapat aminin sayo, Ms. Park," sabi ni Baekhyun, basa pa rin yung buhok at mukha niya. "Kasi hindi totoo yung mga sinabi mo tungkol sakin... Si Chanyeol, wala akong habol sa kanya. Hindi ko siya dinedate dahil sa pera niya. Mahal ko si Chanyeol, at yun yung totoo. Hindi ko siya hihiwalayan."

Hindi nagbago yung mukha ni Yoora. "Kulang pa siguro yung tubig na binuhos ko sa mukha mo."

"Kahit ilang baso pa ng tubig yung itapon mo sakin, hindi magbabago yung sagot ko sayo."

Napapikit si Yoora, nagpipigil siya ng inis niya. Nakita niya si Chanyeol na galit na kinakalampag yung pinto, kaya naman lalo siyang nainis. Ngayon niya lang nakitang ganito kagalit si Chanyeol, na halos sirain na ni Chanyeol yung glass door makapasok lang sa loob ng coffee shop.

"Tss," sabi ni Yoora sabay irap. "Hindi ka lang mukhang pera, sinungaling ka rin pala."

"Hindi mo ako kilala, kaya sana wag mo akong husgahan, Ms. Park," sabi ni Baekhyun. "Pero kung yun ang ikagagaan ng loob mo, tatanggapin ko."

Ngumiti si Yoora, kinuha niya na yung pouch sa tabi niya, tapos tumingin siya kay Baekhyun.

"Kailangan ko nang umalis," sabi ni Yoora. "Pero hindi ibig sabihin nitong gusto na kita para kay Chanyeol. Dahil hindi magbabago yung tingin ko sayo. Patapon ka pa rin."

Tumayo na si Yoora at naglakad na siya palabas sa coffee shop, sa kabilang pinto siya dumaan. Sinundan naman siya ng dalawa niyang bodyguard kaya nakapasok na si Chanyeol sa loob, pumunta agad siya kay Baekhyun.

"Okay ka lang!!?" sabi ni Chanyeol, hinawakan niya yung mukha ni Baekhyun habang tinitingnan niya yung basang mukha nito. Kumuha agad siya ng panyo sa bulsa niya tapos pinunasan niya yung buhok at mukha ni Baekhyun.

"Anong sinabi niya sayo!? Bakit ka niya binuhusan ng tubig sa mukha!!?" nag-aalalang tanong ni Chanyeol. "Hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sayo, ugh! Yung babaeng yun!"

"Okay lang ako, Chanyeol," sabi ni Baekhyun, nakakapit siya sa braso ni Chanyeol habang pinipigilan niya yung luha niyang malapit nang bumgsak, dahil sa totoo lang, kanina pa talaga niya tinitiis na wag umiyak. "O-okay lang.. okay lang a-ako.."

"HINDI KA OKAY!" sigaw ni Chanyeol. "Lagi mong sinasabing okay ka lang, pero hindi ka okay, Baekhyun! Wag ka nang magsinungaling!"

Bumuntong hininga si Chanyeol, tapos hinubad niya yung coat niya at nilagay niya ito sa dibdib ni Baekhyun para takpan yung basang damit nito. Tumulo na yung luha ni Baekhyun.

"I'm sorry... Sorry, sorry, sorry, sorry," sabi ni Chanyeol habang pinapat niya yung likod ni Baekhyun. "Hindi ko sinasadyang sigawan ka, I'm sorry, tumahan ka na, hmm? Sorry.. Sorry."

Hinawakan ni Chanyeol si Baekhyun sa balikat para makatayo na siya, tapos naglakad na sila palabas ng coffee shop.

"Uuwi na tayo, Baekhyun, I'm sorry," bulong ni Chanyeol kay Baekhyun, nasasaktan siya para kay Baekhyun dahil sa ginawa ni Yoora, at sinisisi niya yung sarili niya sa mga nangyari. Kung sana hindi ko na lang siya pinakilala sa kanya, hindi sana to mangyayari kay Baekhyun.

Nakita ni Baekhyun yung kotse ni Yoora, may isang bodyguard na nagbubukas ng pintuan para kay Yoora.

"Chanyeol, teka," sabi ni Baekhyun habang nakatingin kay Yoora na sumasakay na ng kotse. Tinaggal niya yung kamay ni Chanyeol sa braso niya. "Sandali lang."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Chanyeol, kukunin pa sana niya yung kamay ni Baekhyun pero naglakad na ito palayo sa kanya.

"Baekhyun!" sigaw ni Chanyeol, humakbang siya ng isa para sundan sana si Baekhyun pero napatigil siya nang makita niyang tumigil si Baekhyun sa gilid ng pinto ng kotse ni Yoora.

Lumingon si Yoora sa kanan niya, at nakita niyang nasa labas ng kotse niya si Baekhyun, suot nito yung coat ni Chanyeol sa balikat niya. Kumatok si Baekhyun sa bintana ng kotse, kaya bumaba naman yung bintana habang nakatingin pa rin si Yoora sa harap ng kotse.

"Ms. Park," sabi ni Baekhyun, nakasilip siya sa bintana. Hindi tumitingin si Yoora sa kanya.

"Alam kong kaya mo ginawa sakin yung kanina, kasi ayaw mong masaktan at maloko si Chanyeol. Pinoprotektahan mo lang ang kapatid mo," sabi ni Baekhyun, nakakapit siya sa bintana ng nakatigil na kotse ni Yoora.

"Kasi nag-aalala ka para kay Chanyeol, tama ba? Siguro noon... may mga taong nanakit at nanloko kay Chanyeol. Kaya ngayon, ayaw mo nang maulit ulit yung nangyari sa kanya."

Lumingon si Yoora kay Baekhyun, hindi makita ni Baekhyun yung mata ni Yoora dahil sa shades nito.

"Kaya naiintindihan kita kung bakit mo nasabi sakin yung mga bagay na yun," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Kasi mahal mo si Chanyeol."

Hindi sumagot si Yoora.

"At mahal ko rin si Chanyeol. Iba ako sa kanila, hindi ko sasaktan at hindi ko lolokohin si Chanyeol. Pangako ko yan sayo, Ms. Park."

Ngumiti nang konti si Yoora, at siguro sa tingin ni Baekhyun, tunay na yung ngiting nakikita niya ngayon, pero hindi pa rin siya sigurado dahil hindi niya makita ang mata ni Yoora.

Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun mula sa malayo nang may lumabas na kamay mula sa bintana ng kotse ni Yoora. Kinuha ni Baekhyun yung inabot ni Yoora sa kanya, tapos nagbow siya bago umandar paalis yung kotse ni Yoora.

"Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ni Chanyeol kay Baekhyun nang makasakay na sila sa loob ng kotse, nagdadrive si Chanyeol habang nakayuko lang si Baekhyun sa tabi niya.

"Makikipagbreak ka na ba sakin?" tanong ni Chanyeol, humigpit yung hawak niya sa manibela. "Yun ba yung... sinabi mo?"

"Sinabi ko sa kanyang mahal kita," sabi ni Baekhyun, tapos tumunghay siya para makita niya si Chanyeol sa tabi niya.

Ngumiti si Chanyeol, malapad. "So hindi ka makikipaghiwlay sakin... kahit na ayaw sayo ng noona ko?"

Umiling si Baekhyun habang nakangiti. "Hindi kita hihiwalayan. Didikit ako sayo na parang tuko."

Natawa si Chanyeol, pinatong niya yung isang kamay niya sa lap ni Baekhyun, nakaharap yung palad niya sa taas.

"Pwede ko bang hawakan yung kamay ng tuko ko?"

"Psh, mas cute pa ako kesa sa lahat ng tuko sa buong Korea."

"Fine. Pwede ko bang hawakan yung kamay ni Baekhyun na mas cute pa sa lahat ng tuko sa buong Korea?"

Ngumiti si Baekhyun, pinatong niya yung kamay niya sa palad ni Chanyeol, tapos sinara ni Chanyeol yung kamay nilang magakaintertwine.

Nakatingin si Chanyeol sa daan, habang nakatingin lang si Baekhyun sa kamay nila ni Chanyeol na magkahawak sa ibabaw ng lap niya, hawak niya sa kabilang kamay niya yung binigay ni Yoora sa kanya.

Ngumiti si Baekhyun, at pinisil niya nang mas mahigpit yung kamay ni Chanyeol. Napansin niyang mapula yung kamay ni Chanyeol na parang namamaga.

"Ang tigas kasi nung glass door," sabi ni Chanyeol nang nakasimangot. "Akala ko kaya kong basagin."

"I'm sorry kung nag-alala ka kanina, Chanyeol."

"Trabaho ko yun bilang boyfriend mo. Hindi mo maaalis sakin yun, Baek."

"Oo na," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "At thank you kasi lagi kang nasa tabi ko."

Minassage ni Baekhyun yung kamay ni Chanyeol habang nakangiti pa rin siya, iniisip niya yung sinabi ni Yoora sa kanya kanina.

"Ito yung address ko. Puntahan mo ako sa bahay ko para makapag-usap ulit tayong dalawa."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro