CHAPTER 5
*
5
Naputol ang panonood ni Baekhyun ng TV habang nakataas pa ang paa nang biglang nagring ang telepono sa tabi niya.
"Hello?"
[Baekhyun.]
Napaupo nang maayos si Baekhyun sabay tayo. Umubo pa siya para malinis ang lalamunan niya.
"Chanyeol, bakit?"
[Umakyat ka dito. Study room.]
Bago pa makapagtanong si Baekhyun ay binabaan na siya ng telepono. Inayos niya ang damit niya at tiningnan sa salamin ang mukha niya. Inayos niya rin ang buhok niya. Ayan, okay na.
"Ano kayang kailangan niya?"
Huminga siya nang malalim sabay akyat sa second floor ng mansion. Kumatok siya nang makarating sa pinto sabay pasok sa loob.
"Bakit?"
"Samahan mo ako."
"Saan?"
"Sa school ni Sehun."
"Bakit... kailangang kasama pa ako?"
"Malamang. Ikaw ang babysitter niya."
Sinuot ni Chanyeol ang coat niya habang naglalakad at nakatingin lang si Baekhyun sa kanya sa may gilid ng pinto.
"May... problema ba, Chanyeol?"
Hindi sumagot si Chanyeol. Hinagisan lang niya si Baekhyun ng coat na mas maliit sa size niya na nasalo naman agad ng babysitter.
"Isuot mo yan. Malamig sa labas."
*
Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Chanyeol ng Principal's office ay sinalubog agad siya ni Baekhyun.
"Anong sabi nila? Anong nangyari kay Sehun?"
"Bumababa ang grades niya," sagot ni Chanyeol. "May tatlo siyang bagsak na subject. Kailangan ni Sehun ng follow-up sa studies niya."
Pinakita ni Chanyeol kay Baekhyun ang kopya ng report card ni Sehun. "Alam kong hindi bobo ang kapatid ko. Siguro wala na siyang ganang mag-aral o kaya tinatamad na siya."
Mukhang problemado si Chanyeol. Siguro nahihirapan na siya, sabi ni Baekhyun sa isip niya. Mahirap magpalaki ng kapatid lalo na kung wala na ang mga magulang nila.
"Ako ang may kasalanan kung bat siya nagkakaganito. Kung sana may time ako para sa kanya, edi sana, nakakapag-aral siya. Hindi siya--"
"Ano ka ba, wala kang kasalanan," sabi ni Baekhyun. "Walang may kasalanan. Ang kailangan ni Sehun, tulong. Hindi ang sisihin mo ang sarili mo."
Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun, naghihintay ng sunod niyang sasabihin.
"Tutulungan ko si Sehun na mag-aral," sabi ni Baekhyun. "Hindi ko hahayaan na hindi makagraduate ang kapatid mo."
"Sorry," bulong ni Chanyeol. "Dapat hindi mo na pinoproblema to."
"Hinire mo ako bilang babysitter niya kaya trabaho ko ang tulungan siya," sabi ni Baekhyun, tumingin siya kay Chanyeol. "Tutulungan kita, Chanyeol. Wag kang mag-alala, okay?"
Ngumiti si Chanyeol. Nagulat si Baekhyun pero ngumiti rin siya pabalik.
"Tutulungan mo ako."
"Oo! Magkasama tayong mag-aalaga kay Sehun para hindi ka na mahirapan!"
"Fine. Itutor mo siya. Dadagdagan ko ang sweldo mo."
"Kahit wag na, hindi ko kailangan ng dagdag na bayad. Gagawin ko to dahil gusto ko," sabi ni Baekhyun sabay hampas sa braso ni Chanyeol. Nagulat si Chanyeol. "Pero sige, bahala ka. Sino ba naman ako para tumaggi!"
"Hinampas mo ako--"
"Hahaha! Wag ka nang mag thank you, okay lang, Chanyeol!"
Lumayo si Chanyeol habang hawak ang braso niyang nahampas. Kakaiba sa pakiramdam. Kakaiba ang taong ito. Nanakit nang walang dahilan.
"Bakit ka lumalayo?"
"W-wala."
"So... uuwi na ba tayo?"
"Bakit, may balak ka bang puntahan?"
*
"Hindi ako umiinom ng bubbletea."
"Ano ka ba, lahat ng tao, gusto ng bubbletea!"
"Pwes ibahin mo ako, pangbata lang ang drink na yan."
"K."
Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun habang iniinom nito ang strawberry flavor niyang bubbletea. Naubos na kasi niya ang sa kanya.
"Bakit ka nakatingin?"
"Wala lang."
"Bakit hindi ka bumili kung gusto mo pa!? Inubos mo agad yung sayo, ang takaw mo naman."
"Inuutusan kitang ibili mo ako. Ayokong pumila dun," sabi ni Chanyeol sabay lapag ng pera sa lamesa. "Oh, etong pera. Bumili ka pa ng isa. Ah, tatluhin mo na."
"Ayaw daw ng bubbletea tapos ang daming pinabibili. Nu kaya yun," bulong ni Baekhyun na naririnig naman ni Chanyeol.
"Hoy, para sabihin ko sayo. Kay Yixing yung isa. Kay Sehun yung isa. Hala, alis. Bumili ka na."
"Eto na," sabi ni Baekhyun habang umiirap. "Sungit. Akala mo babae."
"Isa pang daldal mo jan, wala ka ng trabaho bukas."
"Opo, bibili na po, Sir Chanyeol."
*
"Nandito nako!" masayang sigaw ni Sehun pagkapasok niya sa bahay. Nadatnan niya si Yixing sa sofa na nanonood ng TV. Lumingon-lingon siya sa loob ng bahay pero hindi niya nakita ang hinahanap niya.
"Yixing-hyung... N-nasan si--"
"Umalis. Kasama ni Chanyeol."
"Bakit?! Sabi niya hihintayin niya akong umuwi tapos wala naman siya!"
Hinagis ni Sehun nang padabog ang bag niya sa sofa. "Psh, sinungaling. Sinungaling talaga."
"Wag ka nang magtampo. Babalik rin sila."
"San ba sila pumunta? Bakit sila lang dalawa?"
"Hindi ko alam, hindi sinabi eh. Hintayin mo na lang sila, okay?"
Napairap na lang si Sehun. "Fine."
Ngumiti si Yixing habang nakatingin kay Sehun. "Aigoo. Si Sehunnie, nagsesel--
"ITULOY MO PA ANG SASABIHIN MO KUNG AYAW MONG SUNUGIN KO LAHAT NG POSTERS MO NG--"
"Fine! Hindi na!"
"Good!"
Natawa lang si Yixing. Mukhang may mangyayaring maganda simula ng dumating dito si Baekhyun ah?
-
"Yah, Sehun-ah," bulong ni Baekhyun sa nakatalikod na si Sehun habang kinakalabit ito. "Sorry na. Pansinin mo na ako, please?"
Walang response. Nagpout si Baekhyun.
"Hinintay talaga kita kanina, promise! Nagpractice pa nga akong laruin yung zombie shooter para pag naglaro tayo, matatalo na kita!"
Lumingon si Sehun nang konti. "Weh, talaga?"
"Oo!" sabi ni Baekhyun sabay taas ng kanang kamay. "Peksman! Tinawag lang ako ng hyung mo tapos sinamahan ko siya, kaya wala ako nung dumating ka."
"At saan naman kayo pumunta?"
Tinaasan ng kilay ni Sehun si Baekhyun na parang nagdududa kaya napaiwas ng tingin si Baekhyun. "S-sa ano, jan lang."
"Saan nga!"
"Sa bubbletea shop! Ito nga oh, binilhan kita!"
Inilabas ni Baekhyun ang isang paperbag na may lamang bubbletea. Nagliwanag ang mukha ni Sehun. Hah, lusot na ako, bulong ni Baekhyun.
"Vanilla yan, yung paborito mo."
"Psh, pasalamat ka, nauuhaw ako."
Ngumiti nang malapad si Baekhyun habang pinapanood na sumipsip si Sehun sa bubbletea niya.
"May assignment ka ba? Ilabas mo at tuturuan kita! Mula ngayon, tutor mo na rin ako."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Mas matalino ako sayo."
Sumimangot si Baekhyun. "Sehun, may itatanong ako sayo."
Ipinatong ni Sehun ang inumin niya sa beside table habang hindi siya mapakali sa pwesto niya. Alam na kaya niya, tanong ni Sehun sa isip niya. Hindi naman siya magagalit diba? Aalis kaya siya?
Lumapit si Baekhyun sa kama ni Sehun at tumabi siya sa kanya. Napaurong si Sehun sa kama, kinakabahan.
"A-anong... gagawin mo?"
Lumapit pa si Baekhyun kaya napaatras lalo si Sehun. "B-bakit ba? Lumayo ka nga!"
"Fine. Sagutin mo ang tanong ko, wag kang magagalit, okay?"
Tumango si Sehun.
"Bakit mo binagsak ang tatlong subjects mo? Ang bababa ng grades mo, Sehun. Sinabi ng teacher mo na hindi ka nag-aaral kapag may test, hindi ka rin nagpaparticipate sa klase. May problema ka ba?"
Natigilan si Sehun pero bumalik rin sa dati ang ekspresyon ng mukha niya. Walang emosyon.
"Ano bang... pakealam mo?"
Nagulat sandali si Baekhyun. Hinawakan niya sa braso ang alaga niya. Tiningnan lang siya ni Sehun.
"Nag-aalala ako para sayo."
Napangiti si Sehun, peke. "Kaya ka lang naman nandito dahil sa hyung ko, diba? Dahil kailangan mo ng trabaho at kailangan mong magbayad ng atraso, diba? Wag mong sabihing may pakealam ka sakin. Pareho lang kayo ni hyung. Mga wala kayong pakealam."
"Wag kang magsalita ng ganyan! May pakealam kami sayo. Kaya mo ba to ginawa dahil gusto mong mapansin ka ng hyung mo?"
Napaiwas ng tingin si Sehun.
"Kitang kita ko sa mukha ni Chanyeol na nag-aalala siya sayo. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sayo. Alam mo ba yun?"
Napabuntong hininga si Baekhyun. "Kaya wag mo sabihing hindi kami concerned sayo. Sinasabi ko ang totoo, na kahit... kahit hindi ako bayaran ng hyung mo, aalagaan pa rin kita. Kahit... may ibang mas magandang trabaho jan, hindi ako magreresign. Kasi Sehun, nag-aalala ako sayo," sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya nang mabuti kay Sehun. "Kaya sana, bumalik ka na sa pag-aaral nang mabuti, para hindi na mahirapan ang hyung mo."
Napaluha si Sehun nang di niya namamalayan. Ano ba Sehun, bat ka umiiyak, shit. Sa harap pa ni Baekhyun, nakakahiya, sabi niya sa isip niya. Para kang bata.
Dahandahang inabot ni Baekhyun ang pisngi ni Sehun at pinunasan niya ang luha nito gamit ang thumb niya.
"Tissue."
"Bakit?"
"Sisinga ako, tutulo na yung sipon ko!"
"Ah! Sorry, teka."
Inabot agad ni Baekhyun ang tissue kay Sehun at suminga ito nang malakas. Napangiti si Baekhyun.
"Mag-aaral na ba tayo?"
"Sa isang kundisyon."
"Ano? Kahit ano gagawin ko!"
"Dapat dito ka lang sa tabi ko hangga't di pa ako natutulog. Bawal kang umuwi hangga't gising pa ako."
Tumango si Baekhyun. "Sure! Susundin ko ang sinabi mo, basta mag-aaral na tayo, okay?"
"Fine."
"At magsosorry ka sa hyung mo."
Umiling si Sehun. "Ayoko."
"Bakit naman? Pinag-alala mo ang hyung mo kaya dapat lang na magsorry ka!"
"Ayoko nga!"
"Magsorry ka!"
"Hindi!"
*
"Dali na, kumatok ka na," bulong ni Baekhyun. "Dali na."
"Basta tuparin mo yung sinabi mo ha, gagawin ko to dahil lang sinabi mong--"
"Oo na! Dali na, magsorry ka na!"
Pumasok si Sehun sa kwarto ni Chanyeol. Nakahiga si Chanyeol sa kama niya pero bumangon agad siya nang makita si Sehun.
"Hyung...."
"Bakit Sehun, may kailangan ka ba?"
Nagpout lang si Sehun. Napangiti si Chanyeol.
"Halika nga dito."
"Ayoko."
"Dali na."
"Ayoko nga!"
"Hindi ka lalapit!"
Lumapit kaagad si Sehun at umupo sa tabi ng kama ni Chanyeol.
"Oh, sabihin mo na."
Lumunok si Sehun. "Gusto ko lang sabihin sayo na... sorry. Dahil dahil sakin namomroblema ka, at salamat dahil nanjan ka. Sorry hyung."
Napangiti si Chanyeol at ginulo ang buhok ng kapatid. "Wala yun, ginagawa ko yun dahil kapatid kita, at mahal kita."
"I love you too, Chanyeol-hyung."
Nagfistpump si Baekhyun sa hangin habang sumasayaw nang tahimik sa labas ng kwarto ni Chanyeol matapos niyang makinig ng usapan ng magkapatid.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro