Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 47


*

47

(A/N: Ang buong chapter na ito ay nakalaan para sa SeBaek! Enjoy reading!)

Naglakad si Sehun papasok ng living room, sobrang linis at sobrang tahimik ng paligid na halos yung sapatos lang niyang humahakbang sa tiles ang naririnig niya.

Huminga nang malalim si Sehun. Wala pa ring nagbago dito sa mansion simula nang nawala ako... Maliban na lang sa mga taong nakatira rito.

Napangiti si Sehun, malungkot. Wala si Yixing sa kusina at wala si Baekhyun sa living room. Parehong bahay pero parang iba ang pakiramdam. Hindi lang siguro ako sanay.

Nakarating si Sehun sa hagdan, tapos tumingala siya habang umaakyat papunta sa kwarto niya, at habang humahakbang siya palapit sa pintuan ng kwarto niya, lalong bumibilis yung heartbeat niya sa dibdib niya.

Iniisip pa lang ni Sehun na makikita niya si Baekhyun sa loob, kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung ano bang gagawin niya pag nagkita sila. Magagalit ba ako, iiyak ba ako, matutuwa ba ako? Hindi ko pa alam...

"Pwede pa akong umatras ngayon," bulong ni Sehun sa sarili niya habang nakahawak sa doorknob ng pintuan ng kwarto niya. Naalala niya bigla na ganito rin yung eksena sa hospital. Nakahawak siya sa doorknob at nung binuksan na niya ito, nakita niya si Baekhyun kasama ni Chanyeol at Yixing.

Binitawan ni Sehun yung doorknob at huminga siya nang malalim, sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang gawin to.

"Yah. Sehun, ano ka ba? Walang bagay sa mundo na hindi mo kayang gawin. Magbubukas ka lang ng pinto, hindi mo kaya? Ano bang mahirap dun!?" sabi ni Sehun sa sarili niya, naiinis na siya.

"Fine, bubuksan ko lang to, tapos bahala na," sabi ulit ni Sehun sabay balik ng kamay niya sa doorknob. Hinawakan niya ito at dahan dahan niya itong pinihit pakanan para bumukas.

Tinulak niya yung pinto para magkaroon ng konting awang para pagsilipan niya.

Nakabukas na. Huminga nang malalim si Sehun tapos pinasok niya yung ulo niya. Sumilip siya sa maliit na awang ng pinto at ginala niya yung mata niya sa loob ng sarili niyang kwarto habang nakahawak pa rin siya sa doorknob.

Dugdug. Dugdug. Lumunok si Sehun habang nakasilip pa rin sa loob, wala siyang makita dahil nakapatay ang ilaw.

Ang dilim naman dito. Bakit hindi man lang nakabukas ang ilaw. Hindi na nakatiis si Sehun, binuksan na niya nang malawak yung pinto tapos humakbang na siya papasok sa loob ng kwarto niya. Binuksan rin niya yung switch ng ilaw.

At nakita na niya si Baekhyun.

Si Baekhyun na nakadapa sa kama ni Sehun, nakayakap sa malaking unan ni Sehun habang nakapikit at natutulog nang mahimbig.

"Ugh, shit," bulong ni Sehun sa sarili niya sabay hawak sa dibdib niya para pakalmahin yung puso niya. "Natutulog ka pala."

Hindi alam ni Sehun kung matutuwa ba siya dahil natutulog si Baekhyun, o maiinis lalo siya kasi natutulog si Baekhyun dahil pag nagising na si Baekhyun, hindi nanaman niya ulit alam ang gagawin niya.

Humakbang palapit si Sehun sa kama, nalunok na yata niya lahat ng laway niya at nadilaan na niya nang ilang beses yung labi niya pero hindi pa rin bumabagal yung heartbeat niya. Nakakainis ka, Baekhyun. Pinapahirapan mo talaga ako.

Uupo na dapat si Sehun sa kama niya nang biglang nagring yung phone niya. Malakas.

RING! RING! RING! RING!

Nagulat si Sehun na parang lumabas na yata yung puso niya sa ribcage niya. Hinawakan niya yung phone niya sa bulsa niya tapos tumakbo agad siya palabas ng kwarto para hindi magising si Baekhyun, at para tingnan kung sino ang napakawalang hiyang tumatawag sa oras na to. Nakakainis! Ugh!

"HELLO!" sigaw ni Sehun nang naiinis habang hawak niya yung noo niya, malayo siya sa kwarto niya. "ANO BANG KAILANGAN MO!"

[Sehun, nakalimutan mong dalhin yung--]

"JONGIN," sabi ni Sehun sa nagbabantang boses. "Salamat sa pagpapaalala mo, pero alam mo bang wrong timing ka? Bakit ngayon ka pa tumawag, kakausapin ko na dapat si Baekhyun!"

[Haah!? Ngayon na ba yun!? Yah! Sorry! Aish, hindi ko sinasadyang makaistorbo sayo! Hindi ko naman alam eh. Sorry!]

Bununtong hininga si Sehun. "Fine, okay lang, hayaan mo na. Nawala na yung kaba ko."

[Yah, so dapat ka palang magpasalamat sakin!]

Napairap si Sehun. "Thank you. Ibaba mo na to."

[Yung marumi mong boxers at brief wag mong kalimutang kunin dito. Bye!]

Binulsa na ni Sehun yung phone niya matapos niyang huminga nang malalim. Humarap na siya at naglakad papunta sa kwarto niya. Okay na, handa na ako.

Pumasok si Sehun sa loob ng kwarto, ineexpect niyang makikita niyang nakahiga pa rin si Baekhyun sa kama. Kaya naman nanlaki na lang ang mata ni Sehun nang makita niyang wala nang laman yung kama. Kinabahan siya bigla.

Baekhyun, nasan ka na!? Naglakad si Sehun papunta si bathroom pero wala si Baekhyun sa loob. Sinilip niya rin yung ilalim ng kama pero wala rin si Baekhyun dun. Binuksan niya yung malaking bintana papunta sa terrace pero wala pa rin siyang Baekhyun na nakita.

Hindi kaya bumaba na siya? Baka nga siguro. Humakbang si Sehun paatras para sana umalis na, pero natigilan na lang siya bigla nang may maramdaman siyang tao sa likod niya.

Biglang naramdaman ni Sehun na may sumandal na noo sa likod niya, kaya nagulat siya, lalong bumilis yung tibok ng puso niya.

Napayuko na lang si Sehun nang may makita siyang dalawang brasong yumakap sa kanya nang mahigpit mula sa likod, yung kamay nito nakalock sa ibabaw ng tiyan niya para hindi na siya makaalis. Huminga nang malalim si Sehun, nakatayo lang siya na parang bato, hindi na siya makagalaw dahil sa taong nakabackhug sa kanya.

"Sa wakas, bumalik ka na," bulong ni Baekhyun sa likod ni Sehun, nakasubsob yung mukha niya sa damit nito habang nakayakap pa rin siya nang mahigpit kay Sehun.

"S-sehun, bumalik ka na..."

Kahit hindi lumingon si Sehun, alam niyang umiiyak na si Baekhyun sa likod niya. Bumuka yung bibig ni Sehun para magsalita, pero walang lumabas. Parang napipi na lang siya bigla, na lahat ng naisip niya dating sasabihin at isusumbat niya dapat kay Baekhyun, lahat nakalimutan na niya. Wala na siyang nasabi. Natahimik na lang siya.

Inangat ni Sehun yung kamay niya para hawakan yung braso ni Baekhyun na nakakapit sa kanya, tapos tinanggal niya ito pababa para maihiwalay ng yakap si Baekhyun sa kanya.

"Sehun," sabi ni Baekhyun sa likod ni Sehun habang humihikbi. "Tingnan mo ako, please. Humarap ka sakin."

"Ayokong makita yang mukha mo," sagot ni Sehun, medyo nagulat si Baekhyun dahil sa sagot pati na rin dahil sa boses ni Sehun na ngayon na lang ulit niya narinig. Sobrang namiss ko yang boses mo.

"Namiss talaga kita, sobrang namiss kita, Sehun," sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya sa likod ni Sehun na parang yun ang kausap niya. "Ayaw mo pa rin ba akong makita? Ayaw mo na ba akong makausap?"

"Ayoko," sagot ni Sehun. Pumikit siya habang pinipigilan niyang umiyak. Nakakainis. Pesteng luha to. Bakit ngayon ka pa nagpupumilit lumabas.

"Pero bakit!!!?" sigaw ni Baekhyun, naiinis na siya dahil sa mga sagot ni Sehun sa kanya. Sa totoo lang, pagod na si Baekhyun pero hindi niya yun iniinda para lang kay Sehun.

"BAKIT BA AYAW MO AKONG KAUSAPIN!? BAKIT BA AYAW MONG AKONG MAKITA!"

Bumuntong hininga si Sehun, pagod na rin siya.

"KASI PAG NAKITA KITA MAWAWALA NA YUNG GALIT KO SAYO! PAG KINAUSAP KITA, MAKAKALIMUTAN KO NA YUNG MGA GINAWA MO SAKIN, BAEKHYUN!" sigaw ni Sehun, naluluha na siya. "K-kaya... k-kaya.. Ayoko... ayoko... k-kasi... ang unfair... mo.. K-kahit na... anong gawin kong paglayo sayo, hindi pa rin nawawala yung.. feelings ko sayo... H-hindi pa rin kita makalimutan..."

Katahimikan. Tumingala si Sehun para hindi na bumagsak yung luha niya sa mata sa pisngi niya.

"Sehun," malungkot na sabi ni Baekhyun tapos lumapit sjya kay Sehun, hahawakan dapat niya yung kamay ni Sehun, pero nagdalawang isip siya kaya binalik na lang niya yung kamay niya sa gilid niya.

"Wag mo akong kalimutan," sabi ni Baekhyun nang diretso. "Kung hindi mo kaya, wag mong pilitin ang sarili mong kalimutan yung... nararamdaman mo para sakin."

Natigilan si Sehun, humigpit yung clench fist niya. "A-ano bang... sinasabi mo."

"K-kapag sinabi ko sayong... kalimutan mo na ako, hindi mo ako makakalimutan... gaya ng sinabi mo."

Huminga nang malalim si Baekhyun.

"Kaya kapag sinabi ko sayong wag mo akong kalimutan," sabi ni Baekhyun, nakayuko lang siya habang nakatingin sa sahig. "Hindi mo mamamalayang... nakakalimutan mo na pala ako..."

Inangat ni Baekhyun yung kamay niya tapos at hinawakan na niya si Sehun sa braso. "Kaya please, wag mo akong kalimutan, Sehun."

Hindi alam ni Sehun kung sasaya ba siya o magagalit sa sinabi ni Baekhyun sa kanya, pero pagod at sawa na siyang magalit, kaya kung ano yung natitira, yun na lang ang mararamdaman niya.

Dahil ang totoo, masaya talaga si Sehun dahil nandito na siya. Nandito na ulit ako, ano pa bang gusto kong mangyari? Kung yun ang hiniling mo, gagawin ko. Hindi kita kakalimutan.

"Sehun--"

"Ayaw pa rin kitang makita," sabi ni Sehun, nakatalikod pa rin siya kay Baekhyun, pero mas magaan na yung pakiramdam niya ngayon kesa kanina nung dumating siya.

"T-teka lang," sabi ni Baekhyun. "Wag kang gagalaw!"

Naramdaman ni Sehun na bumitaw si Baekhyun sa pagkakahawak nito sa braso niya, kaya pinigilan naman niyang lumingon para makita kung saan ba pumunta si Baekhyun.

Narinig ni Sehun na parang may hinahalungkat na gamit si Baekhyun sa loob ng drawer. Ano bang ginagawa mo!?

Pagkatapos ng ilang segundo, naglakad na ulit pabalik si Baekhyun sa likod ni Sehun. Pinilit niyang iharap si Sehun sa kanya kaya napaharap na si Sehun kay Baekhyun sa ayaw man o sa gusto niya.

Sisigawan na sana ni Sehun si Baekhyun pero bigla siyang napatigil, nakatitig lang siya sa itsura ni Baekhyun sa harap niya.

"Hindi mo na ako makikita sa ganitong paraan," sabi ni Baekhyun, kulob yung boses niya dahil sa nakatakip na brown paperbag sa ulo niya.

"Makakausap mo na ako nang hindi mo ako nakikita," sabi ni Baekhyun sa loob ng paperbag, yung dalawang kamay niya nakatago sa likod niya habang nakatayo lang siya sa harap ni Sehun.

Nakatingin lang si Sehun sa square na paperbag sa ulo ni Baekhyun, may nakadrawing pa na dalawang matang malaki at curve na nakababa sa may bibig para maging mukhang sad face.

Umiwas ng tingin si Sehun.

At hindi na niya napigilang ngumiti, unang beses mula nang makita niya ulit si Baekhyun. Ngumiti ulit si Sehun. Ano ka ba, Baekhyun.. ano bang utak meron ka?

"Baliw ka talaga," sabi ni Sehun, hindi na pagalit yung boses niya habang nakatingin lang siya sa paperbag na nakasimangot sa harap niya.

"Hindi ka na ba galit sakin!?" tanong ni Baekhyun habang ginagalaw-galaw niya yung paa niya back and forth na parang bata. "Pinapatawad mo na ba ako!?"

"Pag-iisipan ko pa," sagot ni Sehun tapos yumuko siya para itago yung ngiti niya nang nakita niyang tumalon si Baekhyun sa harap niya habang nakasuot pa rin ng paperbag yung ulo niya.

"Hindi pa kita pinapatawad kaya wag kang magsaya," sabi ni Sehun, at alam niyang sa loob ng paperbag, malamang nakapout na si Baekhyun.

"G-ganun ba..." malungkot na sabi ni Baekhyun, nakayuko lang siya.

"I'm sorry, Sehun. Alam ko namang masakit talaga yung ginawa ko sayo kaya... naiintindihan ko namang hindi mo pa ako napapatawad nang ganun kabilis pero," tinaas ni Baekhyun ang kamay niya, "Hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat para wag ka nang magalit sakin."

"Gagawin mo ang lahat?"

Tumango si Baekhyun. "Oo!"

"Hiwalayan mo si Chanyeol-hyung," biglang sabi ni Sehun. Nakita niyang biglang natigilan si Baekhyun dahil sa sinabi niya.

"Gagawin mo lahat diba?"

"Sehun," sabi ni Baekhyun na parang maiiyak na siya. "Ano bang--"

"Akala ko ba gagawin mo ang lahat? Edi kasinungalingan rin pala yung sinabi mo sakin ngayon lang?"

Katahimikan. Umiwas ng tingin si Baekhyun.

"Kapag hiniwalayan ko si Chanyeol, hindi na rin ako magpapakita sayo kahit kailan," sabi ni Baekhyun habang nakaclech fist sa gilid niya. "Gusto mo bang mangyari yun?"

Magsasalita pa sana si Sehun pero walang lumabas sa bibig niya. Umiwas na lang siya ng tingin sa harap niya.

"Gagawin ko lahat maliban lang sa sinabi mo," sabi ni Baekhyun. "Kasi ayokong hiwalayan si Chanyeol, at ayoko ring lumayo sayo."

Si Sehun naman ang natahimik, nakatingin lang siya kay Baekhyun na nakayuko sa harap niya.

"Masaya ka ba sa hyung ko?"

Tumango si Baekhyun nang tahimik.

"Hindi ka ba niya pinapaiyak?"

Umiling si Baekhyun.

"Tinatrato ka ba niya nang maayos?"

Tumango ulit si Baekhyun habang nakayuko pa rin.

"Mabuti naman kung ganun," sabi ni Sehun, masakit sa loob niya pero alam niyang kailangan niya pa ring tanggapin. "Kasi hindi ko yun kayang gawin sayo, pinapaiyak lang kita. Hindi kita kayang pasayahin gaya ng hyung ko... "

"Sehun, I'm sorry," sabi ulit ni Baekhyun, hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagsorry, pero yun lang ang alam niyang pwede niyang sabihin kay Sehun ngayon.

"Hindi. I'm sorry," sagot ni Sehun kaya medyo nagulat si Baekhyun, hindi siya neg eexpect ng sorry mula kay Sehun dahil alam niyang siya ang may kasalanan dito at hindi si Sehun.

"Sorry kung sinabi ko sayo yung kanina," seryosong sabi ni Sehun. "Alam kong hindi mo talaga yun magagawa kasi mahal mo ang hyung ko. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko."

Nakatingin lang ang paperbag kay Sehun, hindi nagsasalita, kaya itinuloy na ni Sehun ang sasabihin niya.

"At sorry din kung... sinabihan kita ng masasakit na salita noon. Sorry kung lumayas ako. Sorry kung pinag-alala kita. Sorry kung pinahirapan kita. At... sorry kung... nasaktan kita."

Humakbang palapit si Baekhyun kay Sehun, muntik pa siyang madapa sa sahig dahil sa paperbag sa ulo niya, buti na lang nahawakan agad ni Sehun yung braso niya.

Kinapa ni Baekhyun yung mukha ni Sehun na parang bulag, nahawakan niya yung mata, ilong at labi ni Sehun pero tumigil din siya sa pagkapa nang mahawakan na niya yung pisngi ni Sehun.

"Pumayat yung pisngi mo," sabi ni Baekhyun habang hinahaplos niya yung mukha ni Sehun. "Kumakain ka ba nang maayos kina Jongin? Pinapakain ka ba nila ng protein?"

Ngumiti si Sehun sabay tango.

"Nakakatulog ka ba nang mahimbig kina Jongin? Kumportable ka ba sa kanila?"

Tumango ulit si Sehun, nakatingin lang siya sa paperbag sa harap niya.

"Ah, mabuti naman kung ganun," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Nakahinga na ako nang maluwag."

Hinawakan ni Sehun yung kamay ni Baekhyun sa pisngi niya. Namiss ko yung pakiramdam ng kamay mo.

"Sehun," sabi ni Baekhyun. "Binabasa mo ba... yung mga messages ko sayo?"

Natigilan sandali si Sehun pero umiling din siya nang mabagal. Sorry, hindi ko kayang basahin.

"Ah," sabi ni Baekhyun, nalungkot siya. "Ganun ba. Siguro nakukulitan ka na sakin. Lagi kitang tinetext kasi nag-aalala ako sayo at namimiss na talaga kita, Sehun."

"Oo. Alam ko," sagot ni Sehun pagkatapos ng ilang segundo. Hinawakan niya yung dulo ng paperbag na nakatakip sa ulo ni Baekhyun, tapos dahan dahan niya itong inangat.

At tinanggal na niya yung paperbag na nakatakip sa ulo ni Baekhyun, kaya nakita na rin ni Sehun yung mukha ni Baekhyun, yung magandang mata niya, yung ilong niya, yung makinis na pisngi niya, yung bibig niya. At pakiramdam ni Sehun, nahulog na naman siya.

"Namimiss na rin kita," sabi ni Sehun habang nakatitig lang sa mata ni Baekhyun sa harap niya. "Kaya nga nandito na ulit ako. Bumalik na ako kasi gusto na kitang makita, Baekhyun."

"Ibig bang sabihin nito... hindi ka na talaga galit sakin?" tanong ni Baekhyun nang nakasimangot habang nakatitig pa rin siya kay Sehun.

"Sinabi ko naman sayong kapag nakita ko na yung mukha mo, mawawala na yung galit ko diba," sabi ni Sehun tapos ngumiti siya. "Hindi na ako galit, Baekhyun."

"Talaga!?" sigaw ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad. Hinahampas niya yung braso ni Sehun. "Yah! Totoo ba yang sinabi mo!? Baka naman niloloko mo lang ako, ha?!"

"Yah, hindi nga kita nilolok-- ah shit! Ano ba, Baekhyun, wag mo nga akong hampasin--"

"Thank you," sabi ni Baekhyun, nakayakap na siya sa waist ni Sehun habang nakakapit siya nang mahigpit sa laylayan ng damit nito. "Salamat, Sehun. Sobrang saya ko talaga! Thank you!"

Ngumiti si Sehun tapos pinatong niya yung kamay niya sa ibabaw ng likod ni Baekhyun habang pinapat niya ito. Namiss ko rin yung yakap mo, yung pakiramdam na ganito ka kalapit sakin, Baekhyun.

"Walang bawian ha! Okay na tayo!"

"Oo na."

Humiwalay si Baekhyun sa yakap para tingnan ang mukha ni Sehun sa harap niya, tapos ngumiti siya nang malapad.

At alam ni Sehun na kahit hindi sabihin sa kanya ni Baekhyun na wag niya itong kalimutan, gagawin pa rin ni Sehun yun. Hindi niya kayang kalimutan si Baekhyun. Hindi na mahalaga kung may relasyon na si Baekhyun at ang hyung niya, basta ang alam ni Sehun, mahal niya pa rin si Baekhyun.

Dahil kung hindi rin lang naman si Baekhyun, hindi na ako magmamahal ng iba.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro