CHAPTER 45
*
45
"Say ahhh," sabi ni Jongdae kay Baekhyun na ngayon ay nakasandal sa hospital bed. Medyo magaling na si Baekhyun at pwede na siyang idischarge bukas para makauwi na sa bahay.
"Ahhh~" sabi naman ni Baekhyun habang nakanganga, pinasok ni Jongdae sa loob ng bibig ni Baekhyun yung isang pirasong grapes na hawak niya. Nginuya ni Baekhyun yung grapes habang nakagiti lang siya kay Jongdae.
"Dapat pala lagi na lang akong nasa ospital para ganito ka kabait sakin," sabi ni Baekhyun. Umirap lang si Jongdae sabay pukpok sa ulo ni Baekhyun.
"Aigoo! Sabihin mo pa yan, tatamaan ka ulit sakin!" sigaw ni Jongdae habang nakapamewang. "Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sayo! Sinabi ko naman kasi sayong umuwi ka na sa bahay! Tingnan mo tuloy yang nangyari sayo!"
Nagpout si Baekhyun. "Sorry na, wag ka nang magalit, Jongdae. Hindi ko naman sinasadyang magkaappendicitis ako eh."
Bumuntong hininga na lang si Jongdae habang nakacross arms. "Fine, papatawarin na kita. Pero sa isang kondisyon."
"Kondisyon?" tanong ni Baekhyun. "Anong kondisyon?"
Ngumiti si Jongdae tapos lumapit siya sa tenga ni Baekhyun para bumulong. "Ipakilala mo ako sa hot na pinsan ni Junmyeon."
Tumingin sandali si Baekhyun kay Jongdae at kumindat naman si Jongdae sa kanya.
"Yah, yah, yah, Jongdae. Hahahaha! Yah," sabi ni Baekhyun habang sinusundot ang tagiliran ni Jongdae. "Anong kalandian to, ha?"
"Psh. Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang magkaboyfriend!?" sabi ni Jongdae habang nakataas ang kilay. "Kailangan ko ring lumandi kahit minsan, ano."
Tumawa si Baekhyun pero bigla siyang napaaray dahil sa tahi niya sa tiyan kaya si Jongdae naman ang natawa.
"Sige, ipapakilala kita sa kanya," sabi ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad. "Siguradong magkakasundo kayo ni Minseok-hyung!"
"Talaga? Yah, sabi mo yan ha!"
"Oo naman, ako pa!"
Nakita ni Jongdae na nakasilip si Chanyeol sa maliit na bintana ng pinto ng kwarto ni Baekhyun na parang kawawang tuta, kaya tumayo na si Jongdae.
"Aalis ka na?" tanong ni Baekhyun habang nakatingala sa kaibigan niya.
Ngumuso si Jongdae sa pinto kung saan nakasilip si Chanyeol, kaya napatingin naman dun si Baekhyun. Umiwas ng tingin si Chanyeol sa kanilang dalawa tapos nagtago siya sa likod ng pinto.
"Kanina pa siya naghihintay sa labas," sabi ni Jongdae nang nakangiti. "Hindi pa kayo nakakapag-usap mula nung nagising ka, diba? Kaya aalis na ako."
Tumango si Baekhyun habang nakangiti. "Okay."
Lumabas na ng kwarto ni Baekhyun si Jongdae habang nakatingin lang si Baekhyun sa pinto. Nakita niyang pumasok na sa loob si Chanyeol, kaya naman ngumiti na si Baekhyun sa boyfriend niya habang naglalakad ito palapit sa kama niya.
Inistretch ni Baekhyun yung dalawa niyang braso kay Chanyeol na parang batang gustong magpakarga kaya natawa naman si Chanyeol. Niyakap ni Chanyeol si Baekhyun nang mahigpit, nakasandal yung ulo ni Baekhyun sa chest niya habang pinapat naman niya yung likod ni Baekhyun.
"Chanyyeeeoool," sabi ni Baekhyun habang ninu-nose-to-nose niya yung coat ni Chanyeol. Napangiti si Chanyeol tapos hinawakan niya sa balikat si Baekhyun para masilip niya yung mukha ni Baekhyun na nakapout.
"Tss," sabi ni Chanyeol na parang natatawa.
Bigla na lang binaba ni Chanyeol yung ulo niya katapat ng mukha ni Baekhyun para ikiss ang nakapout na labi ni Baekhyun, tapos isinampa ni Chanyeol yung tuhod niya sa sa kama, kaya biglang napahiga si Baekhyun sa unan habang yung dalawang braso ni Chanyeol ay nasa magkabilang gilid niya. Nasa ibabaw niya si Chanyeol.
Hinalikan ulit ni Chanyeol si Baekhyun sa lips sa ganung posisyon, kaya nanlaki na lang bigla ang mata ni Baekhyun sa sobrang gulat. Tinulak niya nang malakas si Chanyeol palayo.
"Y-YAH!!! A-ano bang, ugh-- bakit mo ginawa yun?!!" sigaw ni Baekhyun nang namumula habang kinikiskis niya ng kamay niya yung labi niya.
"Bakit parang nandidiri ka!?" naiinis na sabi ni Chanyeol tapos nilagay niya yung palad niya sa tapat ng bibig at ilong niya. Hiningahan niya ito sabay amoy. "Hindi naman ako bad breath ah?"
Tinuro ni Baekhyun nang tahimik yung CCTV camera sa taas ng room niya habang nakayuko siya kaya napatingala naman dun si Chanyeol.
"Eh ano? Wala namang masama kung--"
Tinuro rin ni Baekhyun yung tatlong nurse at isang doktor na nakasilip sa may bintana ng kwarto ni Baekhyun na mukhang gulat na gulat. Umubo si Chanyeol at yumuko, inayos niya bigla yung kama ni Baekhyun para kunwari may ginagawa siya.
Nakatingin lang si Baekhyun kay Chanyeol at hindi niya alam kung matatawa ba siya o mapapahiya dahil boyfriend niya ang taong nasa harap niya ngayon.
"Wala na, wala na," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Umalis na sila."
Tumunghay agad si Chanyeol sabay tingin sa pinto, at nung nakita niyang wala nang tao, bumuntong hininga siya.
"N-nakakahiya," sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang tingin, namumula siya. "Dapat hindi ko ginawa yun. Baka isipin nilang... kung ano na yung... ginagawa ko sayo... Gusto ko lang naman ng kiss."
Natawa si Baekhyun habang nakakagat labi. "Fine. Halika, lapit ka."
Lumapit agad si Chanyeol na parang masunuring bata tapos pumikit siya. Natawa lalo si Baekhyun dahil sa itsura ni Chanyeol.
Pinorma ni Baekhyun yung kamay niya na parang tuka, tapos dinikit niya ito sa labi ni Chanyeol.
"Mwah," sabi ni Baekhyun habang nakangiti. "Ayan. Tapos na."
Dumilat si Chanyeol tapos hinampas niya yung kamay ni Baekhyun sabay irap. "Aish. Salamat na lang."
Ngumiti lang si Baekhyun habang nakaeyesmile kaya nawala rin yung inis ni Chanyeol. Pasalamat ka cute ka, kung hindi sinapak na kita kanina pa.
"Ano? Kamusta?" tanong ni Chanyeol nang makaupo na siya sa upuan sa tabi ng kama ni Baekhyun. "Anong nararamdaman mo?"
"Okay na ako," sabi ni Baekhyun habang nakangiti. "Medyo nagugutom lang ako nang konti. Gusto kong kumain, Chanyeol."
"Aish, yan ka na naman! Minsan nga, kontrolin mo naman yang bibig at tiyan mo," sabi ni Chanyeol sabay irap. "Muntik ka nang mapahamak dahil jan sa katakawan mo."
Ngumiti si Baekhyun tapos nilapit niya yung mukha niya kay Chanyeol na halos magdikit ang dulo ng ilong nila. "Jagiya, nag-alala ka ba para akin?"
"Tss, ano bang klaseng tanong yan?" sabi ni Chanyeol habang nakatingin kay Baekhyun na parang walang kwenta ang sinabi nito. Lumungkot ang mukha ni Baekhyun.
"Sobra," sabi ni Chanyeol tapos tinusok niya ng index finger niya ang noo ni Baekhyun at tinulak niya ito para mailayo yung mukha ni Baekhyun sa kanya.
"Sobra akong nag-alala para ako sayo. At palagi akong nag-aalala at mag-aalala para sayo, Baekhyun. Tandaan mo yan."
Napayuko si Baekhyun para itago yung ngiti niya, pero wala ring silbi dahil kitang kita pa rin ni Chanyeol yung malapad na ngiti ni Baekhyun.
"Baekhyun."
Hinawakan ni Chanyeol yung kamay ni Baekhyun at pinisil niya ito. Napangiti si Baekhyun at tumingin siya sa mata ni Chanyeol, hinawakan niya yung pisngi ni Chanyeol gamit ang isang kamay niya.
"Bakit, may problema ba?"
"Sorry," sabi ni Chanyeol tapos bumaba yung tingin niya sa kama. "Hindi ko nasagot yung tawag mo nung araw na yun... I'm sorry."
Umiling si Baekhyun. "Wag mo nang isipin yun! Ang mahalaga, okay na ako, diba? Diba?"
Tumango si Chanyeol habang nakahawak pa rin siya sa kamay ni Baekhyun. Pero nagiguilty pa rin ako. Kung sana umuwi na lang ako nung araw na yun edi sana--
"Chanyeol," tawag ni Baekhyun kaya napatingin pabalik si Chanyeol sa kanya.
"Hmm?"
"Si Sehun ba..." sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya nang malungkot kay Chanyeol. "Pumunta ba siya dito?"
Tumango si Chanyeol. "Oo. Magdamag ka niyang binantayan nung tulog ka pa. Tapos nung nalaman niyang gising ka na, umalis na siya."
Umiwas ng tingin si Baekhyun.
"Kung ganun... ayaw niya pa rin pala akong makita," sabi ni Baekhyun, malungkot siya. "Ayaw niya pa rin akong makausap."
"Hindi ganun yun, Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang inaayos niya yung bangs ni Baekhyun. "Mahal ka ni Sehun, hindi magbabago yun. Hindi pa siguro siya ready na mag-usap kayo kaya umalis siya."
"Sa tingin mo kaya hindi na siya galit sakin?"
Ngumiti si Chanyeol. "Sa tingin mo kaya babantayan ka niya magdamag kung galit pa siya sayo?"
Sasagot pa sana si Baekhyun nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng room ni Baekhyun. Napatingin si Chanyeol at Baekhyun sa taong pumasok.
"BAEKHYUN! ANONG NANGYARI SAYO!?"
Nagulat si Baekhyun, parang maiiyak na siya dahil sa lungkot at saya habang nakangiti siya nang malapad sa taong nasa may pintuan.
"Yixing-hyung!!!" sigaw ni Baekhyun. "Nandito ka!!!"
Napangiti rin si Chanyeol kay Yixing na naglalakad palapit si kama ni Baekhyun.
"Yah! Nawala lang ako, nagkaganito ka na! Hindi ka ba binabantayan ni Chanyeol nang maayos!?"
Umiling si Baekhyun nang mabilis. "Hindi!!!"
"Yah!" naiinis na sigaw ni Chanyeol.
"Pumunta ka ba mula Busan hanggang diti para lang makita ako?" tanong ni Baekhyun habang nakangiti.
Tumango si Yixing. "Oo. Nung nalaman kong nasa ospital ka, iniwan ko lahat ng ginagawa ko para makarating agad ako dito. Kinabahan talaga ako, nag-alala ako sayo. Tingnan mo nga oh, hindi na ako nakapagbihis," sabi ni Yixing nang nakasimangot, nakasuot siya ng lab coat na pangdoktor.
"Thank you," sabi ni Baekhyun. "Kasi nandito ka na ulit, hyung. Pwede bang dito ka na lang ulit? Pwede bang wag ka nang umalis?"
Ngumiti si Yixing tapos umupo siya sa gilid ng kama ni Baekhyun. "Bakit, namimiss mo na ba ako?"
"Mm-mm," sabi ni Baekhyun sabay tango. "Namimiss na talaga kita. Sobra."
Ngumiti si Yixing at hinawakan niya si Baekhyun sa cheeks. "I miss you, too."
Umubo si Chanyeol.
"Uhm, excuse me, excuse me," sabi ni Chanyeol habang nakatingin sa dalawa at nakacross arms. "Aalis na ba ako? Nakakaisorbo yata ako sa inyo."
"Mabuti pa nga umalis ka na," sabi ni Yixing habang ginagalaw ang kamay niya para palayasin si Chanyeol. "Layas."
"Labas," sabi rin ni Baekhyun nang nakangiti. "Labas na."
"Yah! Hah! Waah! Wow," sabi ni Chanyeol habang umiiling, hindi siya makapaniwala. "Hindi niyo pwedeng gawin sakin to!" sigaw ni Chanyeol habang nakataas ang kilay.
Nakatingin lang si Baekhyun at Yixing kay Chanyeol.
"Fine! Lalabas na!" sigaw ni Chanyeol tapos tumalikod na siya para lumabas na.
Maglalakad na sana si Chanyeol papunta sa pinto nang biga itong bumukas nang kusa. Nakatayo lang si Chanyeol at nakaupo naman si Yixing at Baekhyun habang nakatingin silang tatlo sa taong nakahawak sa doorknob ng pintuan.
Nagulat si Baekhyun, nawala yung ngiti niya sa mukha niya habang nakatitig siya sa taong nasa pintuan.
"S-sehun."
Bumuka yung bibig ni Sehun nang dalawang beses para magsalita pero natigilan siya. Nakatitig lang sa kanya ang dalawang hyung niya na para bang marami silang gustong sabihin sa kanya, kaya umiwas si Sehun ng tingin. Yumuko siya at humakbang siya paatras.
"Sehun," tawag ni Chanyeol, humakbang siya palapit kay Sehun pero umatras ulit si Sehun, nakakapit siya nang mahigpit sa doorknob.
Bumangon si Baekhyun sa kama, inalis niya yung kumot niya para sana tumayo at lapitan si Sehun, pero napatigil siya dahil biglang sumakit yung tiyan niya.
"A-aray," sabi ni Baekhyun kaya napalingon agad si Chanyeol at Yixing sa kanya.
"Okay ka lang!!?" sabay na sabi ni Chanyeol at Yixing. Nabigla rin si Sehun na parang gusto na niyang humakbang palapit habang nakatingin siya kay Baekhyun, nag-aalala yung mga mata niya.
"Humiga ka ulit, Baekhyun," sabi ni Yixing habang tinutulak niya si Baekhyun pahiga sa kama. "Hindi ka pa pwedeng maglakad."
Nanlaban si Baekhyun habang nakatingin siya kay Sehun. "P-pero si Sehun, kailangan kong makausap si Sehun--"
Iniwas ni Sehun yung tingin niya kay Baekhyun tapos humakbang siya paatras, nakatingin sa kanya si Chanyeol, Baekhyun at Yixing. Tumalikod na siya tapos tumakbo na siya palayo ng kwarto ni Baekhyun.
"Sehun!" sigaw ni Baekhyun, pero huli na siya dahil nakaalis na si Sehun. "W-wag kang... umalis... Please..."
"Babalik rin siya, Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang nakahawak sa likod ni Baekhyun. "Babalik rin si Sehun satin..."
*
"Sigurado ka ba talagang ito na yung bahay na yun?"
"Siguradong sigurado ako. Tingnan mo, yan yung address at picture na binigay ni Yixing-hyung-nim!"
"Papasok na ba tayo? Mukhang walang tao!"
"Gusto ko nang pumasok! Nangangawit na ako dito. Ang bigat bigat ng maleta ko."
"Aigoo! Bakit kasi ang dami mong dala! Katulong tayo dito hindi bakasyonista. Ano ka ba."
Tinigil na ni Yixing ang kotse nang makarating sila sa tapat ng mansion. Bumaba siya tapos pinagbuksan niya ng pinto si Chanyeol at Baekhyun.
"Dahan dahan lang," sabi ni Chanyeol habang inaalalayan si Baekhyun pababa ng kotse. Nakahawak si Baekhyun sa braso ni Chanyeol.
"Thank you," sabi ni Baekhyun nang nakangiti, sabay sila ni Chanyeol na naglakad papasok ng gate habang sinasara naman ni Yixing yung pinto ng kotse sa likod.
Napatigil si Chanyeol at Baekhyun ng paglalakad nang may nakita silang apat na lalaking nasa tapat ng mansion na may mga dalang bag at maleta.
"Oh! Nandito na pala sila!" sabi ni Yixing nang nakangiti nang makita niya yung apat na lalaking nasa may gate. Lumingon agad yung apat nang makita nila si Yixing, Chanyeol at Baekhyun.
"YIXING-HYUNG-NIM!" sabi ng apat na lalaki sabay bow nang ninety degrees. Nakatitig lang si Chanyeol sa kanila habang nakataas ang kilay samantalang nakatingin lang nang tahimik si Baekhyun.
"Chanyeol, Baekhyun, sila yung sinasabi ko sa inyong mga tauhan na hinire ko," sabi ni Yixing tapos tumingin siya sa apat na lalaki.
"Yah, kayo jan. Ito yung magiging amo niyo, si Park Chanyeol, pati na rin ang kapatid niyang si Park Sehun. Kaso wala si Sehun dito ngayon."
Tumango ang apat na lalaki.
"Batiin niyo siya," sabi ni Yixing.
"Kamusta po kayo, Sir Park Chanyeol!!!" sigaw ng apat na lalaki sabay bow. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanila, walang kaemo-emosyon yung mukha niya.
"Yah, Yixing. Saan mo naman pinagkukuha ang mga totoy na yan?" tanong ni Chanyeol kay Yixing habang nakatingin sa apat na lalaking kumikinang ang mata na nakatingin sa kanya.
"Sa orphanage. Kailangan nila ng trabaho at bagong matitirhan kaya ayan, kinuha ko na lang. Kawawa naman eh."
"Hindi ampunan ang bahay ko, Yixing. Ano ba yan! Hindi pwede. Paalisin mo yang mga yan."
Nalungkot ang mga mukha ng apat na lalaki sa sinabi ni Chanyeol. Nakatingin lang si Baekhyun sa kanila at pakiramdam niya, nalungkot din siya.
"Marunong po kami ng gawaing bahay!"
"Masisipag po kami!"
"Mababait po kami!"
"Hindi po kami magugulo!"
"PARANG AWA NIYO NA, TANGGAPIN NIYO NA KAMI, SIR CHANYEOL! WALA NA PO KAMING IBANG MATUTULUYAN!"
Kumunot ang noo ni Chanyeol at pakiramdam niya lalo siyang nairita. May biglang humawak sa braso niya kaya napalingon naman siya kay Baekhyun.
"Tanggapin mo na sila, Chanyeol," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Isa pa, kailangan talaga natin ng kasambahay!"
"Oo nga naman, Chanyeol. Kapag tinanggap mo sila, may kasama na si Baekhyun dito pag wala ka," sabi ni Yixing nang nakangiti.
Tumango ang apat na lalaki kaya bumuntong hininga na lang si Chanyeol sabay hawak sa noo niya. Ngumiti naman si Baekhyun sa kanya nang malapad.
"Please?" sabi ni Baekhyun.
"Fine," sabi ni Chanyeol nang madiin habang nakatingin sa apat na lalaking nakangiti nang malapad sa kanya.
"Para kay Baekhyun kaya ko lang kayo tatanggapin. Kaya subukan niyo lang pabayaan tong taong nasa tabi ko habang wala ako! Papalayasin ko kayong lahat."
"SALAMAT PO, SIR CHANYEOL! MAKAKAASA PO KAYO SAMIN!"
Umirap lang si Chanyeol habang nakangiti lang si Baekhyun at Yixing sa kanya.
"Ano bang mga pangalan niyo?" tanong ni Chanyeol. "Magpakilala kayo."
Nagtinginan ang apat na lalaki habang nagtutulakan kung sino ang mauunang magpakilala Tinulak ng tatlo yung isa nilang kasama kaya napapunta na siya sa harap ni Chanyeol.
"Ako po si Taeyong," sabi ng pinakagwapo sa kanila. "Ako yung driver slash security guard slash bodyguard niyo."
"Ako naman po si Yuta, ako yung maid!"
"Ako si Ten! Ako yung cook niyo!"
"At ako po si Jaehyun. Gardener! Maintenance! Janitor!"
"KAYO NA PO ANG BAHALA SA AMING APAT!"
Nagbow silang apat sa tapat ni Chanyeol kaya tumango naman si Chanyeol.
Tiningnan ng apat na lalaki si Baekhyun na nasa tabi ni Chanyeol, curious sila kung sino si Baekhyun. Ngumiti naman si Baekhyun sa kanilang apat.
"Ah! Ako nga pala si Baekhyun," sabi ni Baekhyun nang nakangiti tapos nagbow din siya. "Ako naman yung babysitter dito, babysitter ni Park Sehun."
"At boyfriend ni Park Chanyeol," dugtong ng nakangiting si Chanyeol sabay akbay kay Baekhyun sa tabi niya.
*
To be continued.
(A/N: Ang mga characters na nadagdag ay ilan sa mga members ng SR15B. Sila ang bagong boy group na idedebut ng SM Entertainment pagkatapos ng EXO! Excited na ako sa debut nila! At maraming salamat sa pagbasa!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro