Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 43


*

43

Sinundan ng tingin ni Baekhyun si Yixing na naglalakad nang pabalik-balik sa tapat niya. Nakaupo si Baekhyun sa couch habang nasa harap niya si Yixing.

"Yixing-hyung," tawag ni Baekhyun habang nakatingala kay Yixing. "Ano ba yung sasabihin mo? Mahalaga ba yun?"

"Hintayin muna natin si Chanyeol," sagot ni Yixing tapos tumingala siya sa hagdan. Nakita niya si Chanyeol na bumababa na sa hagdan kaya binalik na niya ang tingin niya sa living room.

"Yixing, may sasabihin ka?" tanong ni Chanyeol sabay upo sa tabi ni Baekhyun na parang normal na sa kanya ang tumabi nang ganun kalapit kay Baekhyun, nagdikit yung hita at balikat nila.

Nakatingin lang si Yixing nang biglang umusod palayo si Baekhyun nang konti kay Chanyeol na parang na-aawkward siya, nilagyan niya ng unan yung space sa pagitan nila. Umiwas ng tingin si Yixing. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sayo o hindi dahil sa itsura mong nahihiya, Baekhyun.

Umubo si Yixing. "May sasabihin akong mahalaga sa inyo."

Nakatingin lang si Chanyeol at Baekhyun kay Yixing, naghihintay ng sasabihin niya.

"Itutuloy ko na yung pagdodoktor ko," sabi ni Yixing habang nakatayo siya sa tapat ng dalawa. "Nahire na ako sa isang hospital sa Busan."

Nabigla si Baekhyun sa sinabi ni Yixing. "Yixing-hyung, ibig sabihin ba nito... aalis ka?"

"Bakit ngayon mo lang sinabi to?" tanong ni Chanyeol, medyo nasaktan siya. "Hindi mo man lang sinabi sakin. Bakit sa Busan pa? Bakit hindi na lang dito sa Seoul?"

"Sa Busan ako nag-apply dahil mas kailangan nila ng doktor dun," sabi ni Yixing nang seryoso. "Isa pa, naayos ko na lahat yung requirements ko. Aalis na rin ako sa isang araw."

"Yixing-hyung!" sigaw ni Baekhyun na parang maiiyak na siya. "Dahil ba to samin kaya aalis ka!? Please, wag kang umalis! Hindi mo naman kailangang--"

"Hindi, Baekhyun, wala kayong kinalaman dito," sabi ni Yixing tapos umiwas siya ng tingin. "Matagal ko nang napagdesisyunan to. Naisip kong hindi naman pwedeng habambuhay na lang akong nakatira sa bahay ni Chanyeol. Kailangan ko ring magtrabaho para sa sarili ko."

"Yixing, hindi mo naman kailangan gawin yun. Mas gusto kong nandito ka," sabi ni Chanyeol habang nakatingin kay Yixing nang seryoso. "Kapag umalis ka... Malulungkot talaga kami dito."

"Chanyeol, hindi ako nag-aral para magstay lang dito," sabi ni Yixing habang tinitingnan niya ang malawak na bahay. "Gusto kong gamitin yung pinag-aralan ko. Gusto kong maging doktor."

Natahimik na lang si Chanyeol sa sinabi ni Yixing dahil alam niyang may reason talaga si Yixing kung bakit niya napagdesisyunan yun. Gusto pa sanang magsalita ni Baekhyun para pigilan si Yixing pero hindi na niya naituloy yung sasabihin niya, dahil mukhang hindi na niya makukumbinsi si Yixing na magstay.

"Wag nga kayong tumingin nang ganyan sakin!" sabi ni Yixing tapos tumawa siya. "Para namang sobrang layo ng pupuntahan ko eh. Hindi ako mag-aabroad, ano ba kayo."

"Pero hyung, malayo pa rin ang Busan dito," nakasimangot na sabi ni Baekhyun. "Isa pa, kapag wala ka na dito, sino nang kasama ko? Hindi pa nga umuuwi si Sehun dito.. tapos aalis ka naman."

"Naghire ako ng apat na taong papalit sakin at magiging kasama mo dito, Baekhyun," sabi ni Yixing. "Sila na yung gagawa ng mga bagay na hindi ko na magagawa dito sa mansion."

"Yah, sinong nagbigay sayo ng karapatang maghire ng tauhan!?" sabi ni Chanyeol na kunwari ay naiinis pero sa loob loob niya, malungkot talaga siya. "Hindi ka pwedeng maghire ng bagong tauhan kasi hindi ka pwedeng umalis! Dito ka lang."

Tumawa si Yixing. "Bibisitahin kita, Chanyeol. Alam kong mamimiss mo ako."

Umirap si Chanyeol. "Kahit wag na. Galit pa rin ako sayo. Hindi pa kita pinapayagang umalis dito kung yan yung akala mo."

"Alagaan mo nang mabuti si Chanyeol habang wala ako, Baekhyun," sabi ni Yixing kaya namula naman si Baekhyun. "Wag kayong mag-aaway."

"Si Sehun yung responsibiidad ko dito hindi si Chanyeol, Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun habang nakatingin nang masama kay Chanyeol. Umirap lang si Chanyeol.

"Sana bumalik na si Sehun dito. Nasabi ko na sa kanyang aalis ako, baka magbago na yung isip niya at umuwi na siya dito," sabi ni Yixing tapos ngumiti siya. "Mamimiss ko kayong lahat."

Tumayo si Baekhyun sa pagkakaupo niya sa couch tapos lumapit siya kay Yixing at niyakap niya ito nang mahigpit. Nakatingin lang si Chanyeol, hindi siya nagseselos pero nalulungkot siya dahil aalis na si Yixing. Yumuko na lang siya habang nakatingin sa lap niya, sinusubukan niyang wag maluha habang naririnig niya yung mahinang pag-iyak ni Baekhyun. Hindi ako iiyak, hindi umiiyak ang isang Park Chanyeol.

"Hindi pa naman ako mamamatay," bulong ni Yixing habang hinahaplos niya yung likod ni Baekhyun. "Wag ka ngang humagulgol jan!"

Hindi nagsalita si Baekhyun habang nakayakap siya nang mahigpit kay Yixing. Bigla na lang niyang naramdamang may humila sa kanya para maihiwalay siya sa yakap niya kay Yixing. Tumunghay si Baekhyun at nakita niya si Chanyeol. Tinulak siya ni Chanyeol palayo kay Yixing tapos pumalit si Chanyeol sa pagkakayakap kay Yixing. Natawa si Yixing habang nakacross arms lang si Baekhyun sa tabi nila.

"Hyung, mamimiss kita," malungkot na sabi ni Chanyeol habang nakayakap kay Yixing. "Subukan mo lang wag bumalik dito, papatayin talaga kita."

"Yah, yah, yah, Chanyeol! Tinawag mo ba akong hyung?" sabi ni Yixing nang natatawa. "Huling tawag mo sakin niyan nung mga bata pa tayo."

"Kalimutan mong narinig mo yun," sabi ni Chanyeol matapos niyang humiwalay sa yakap kay Yixing. Nakangiti lang si Baekhyun nang malapad habang nakatingin sa dalawa.

"Tama na nga yang drama, nasusuka ako sa inyo," sabi ni Yixing tapos sabay niyang hinawakan si Baekhyun at Chanyeol sa balikat.

"Masaya talaga ako para sa inyo," sabi ni Yixing nang nakangiti. "Kaya sana... Wag kayong maghihiwalay."

Yumuko si Baekhyun para itago yung ngiti niya, nakatingin lang siya sa sahig. Ibig sabihin kaya nito okay na talaga kay Yixing-hyung yung samin ni Chanyeol? Masaya ako kung ganun!

Lumapit naman si Yixing sa tenga ni Chanyeol tapos bumulong siya. Natigilan bigla si Chanyeol.

"Chanyeol-ah, ingatan mo si Baekhyun. Alam mo namang maraming nakaabang sa tabi-tabi jan," bulong ni Yixing kaya kumunot naman ang noo ni Chanyeol.

"Malay mo....... baka maagaw ko si Baekhyun sayo," sabi ni Yixing nang mapang-asar kaya medyo nagulat si Chanyeol. "Hindi pa kayo kasal, tandaan mo yan."

"Yah!" sigaw ni Chanyeol kay Yixing. "Bawiin mo nga yang sinabi mo, Yixing!"

"Bakit, ano bang yung sinabi ni Yixing-hyung?" curious na tanong ni Baekhyun.

"WALAAA," sabay na sagot ni Chanyeol at Yixing habang nakaiwas ng tingin kay Baekhyun.

Nagpout na lang si Baekhyun. Tsss. Naglilihim sila sakin, napakadaya.

*

"Kelan ka ba uuwi!!!?" sigaw ni Jongdae sa phone sa tenga ni Baekhyun. "Maglaba ka na ng damit natin dito!"

"Uuwi lang ako jan kapag umuwi na si Sehun dito," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot. "Walang kasama si Chanyeol sa mansion kasi umalis na si Yixing-hyung kahapon, tapos wala pa rin si Sehun dito..."

[Yah, malaki na si Chanyeol. Kaya na niya ang sarili niya. Pero ako, hindi! Walang nag-aasikaso sakin dito. Kawawa naman ako. Umuwi ka na dito!]

Natawa si Baekhyun dahil naimagine niyang nakapout si Jongdae. "Fine, sige na sige na, uuwi ako mamaya, happy!?"

[Yan, ganyan dapat! Baekhyun, tatawagan kita mamaya. Nasusunog na yung sinaing ko. Bye!]

"Bye," sabi ni Baekhyun tapos binulsa na niya yung phone niya. Sumubsob na lang ulit siya sa lamesa habang nakatingin sa kawalan.

Si Baekhyun lang mag-isa ngayon sa bahay, sobrang tahimik, sobrang nakakalungkot. Wala si Sehun, wala si Yixing-hyung, wala si Chanyeol. Wala akong kasama. Nalulungkot talaga ako.

Napatingin si Baekhyun sa dining room at nakita niya yung memory na kumpleto pa sila, nung sobrang saya pa nilang apat at wala pa silang problema.

Marami nang nagbago simula nung maging kami ni Chanyeol. Ito ba yung kapalit ng kaligayahan ko? Bumuntong hininga na lang si Baekhyun habang nakasubsob ang mukha niya sa table.

"Hindi!" sigaw ni Baekhyun sa sarili niya sabay tunghay ng ulo niya. "Hindi ka dapat nagmumukmok dito, Baekhyun! Dapat magpakasaya ka!"

Tumayo si Baekhyun tapos dumiretso siya sa pinto, pero bumalik rin siya sa living room nang maalala niyang wala siyang pera.

"Aish, ano bang gagawin ko, wala naman akong pera," sabi ni Baekhyun sa sarili niya. Biglang nagliwanag yung mukha niya nang nakita niya yung wallet ni Chanyeol na nakapatong sa ibabaw ng beside table sa tabi ng telephone.

Napangiti si Baekhyun habang naglalakad papunta sa wallet ni Chanyeol. Dahan dahan niya itong binuksan tapos nakakita siya ng makapal na bills, kaya nanlaki na lang ang mata ni Baekhyun.

"Jagiyaaa, pahingi akong peraaa!" sigaw ni Baekhyun sa loob ng mansion na parang kausap niya si Chanyeol, nag-echo yung boses niya.

"Magpapakasaya lang ang boyfriend mo, okay? Ha? Ano? Okay lang ba? Talaga!? Ah! Salamat! Napakabait mo talaga!"

Binulsa ni Baekhyun yung 50,000 won na kinuha niya sa wallet ni Chanyeol tapos dali dali siyang lumabas ng mansion habang nakangiti nang malapad.

*

"Pagod at busog na talaga ako, ayoko na," sabi ni Baekhyun nang nakapikit habang hawak yung tiyan niya. Nakalimang ice cream, tatlong cake at dalawang milk tea na siya at pag kumain pa siya, susuka na talaga siya.

Tumunog yung phone ni Baekhyun kaya mabilis niya itong kinuha. Baka si Sehun na to! Baka si Sehun na to--

[YAH! NASAN KA NGAYON HA? UMUWI AKO KANINA TAPOS WALA KA AT BAWAS NA RIN YUNG PERA SA WALLET KO. ANONG GINAWA MO!? ]

"Kumain nang marami sa," tumigil si Baekhyun para magburp, "Baskin Robbins."

[Dumighay ka ba ngayon lang!? Hoy, Baekhyun, kapag nalaman kong kung anu-anong pinagbibibili mong pagkain gamit ang pera ko, malalagot ka talaga sakin!]

Nagpout si Baekhyun. "Gusto ko lang namang sumaya, Chanyeol. Masama ba yun!?" Dumighay ulit si Baekhyun.

[Hindi naman sa ganun. Nag-aalala lang ako sayo, baka kung anu-ano nang nilalamon mo jan! Yah, pag hindi ka natunawan wag mo akong sisishin.]

Ngumiti si Baekhyun. "Oo na, oo na. Titigilan ko nang kumain."

Kumuha si Baekhyun ng isang tipak ng cake at kinain niya ito.

[Uhm, ano. May... gagawin ka pa ba ngayon?]

"Bakit? Yayayain mo ba akong lumabas?"

Tahimik lang si Chanyeol sa kabilang linya kaya natawa nang mahina si Baekhyun.

"Pupuntahan ko si Sehun ngayon. Next time na lang tayo magdate."

[Bakit, sino bang may sabi sayong yayayin kitang magdate, ha!? Yah, ibaba mo na nga to. Alam mo bang nasa kalagitnaan ako ng meeting at abala ka?]

"Yah, Park Chanyeol, ikaw ang tumawag. Hindi ako!" sigaw ni Baekhyun habang iniinom yung tira niyang milk tea. "Ibaba mo na to, siguradong pinagtitinginan ka na ng board members mo!"

[Fine! K. Bye.]

Aalisin na dapat ni Baekhyun ang phone sa tenga niya nang biglang nagsalita ulit si Chanyeol.

[I love you.]

Tinakpan ni Baekhyun ang bibig niya habang pinipigilan niya yung pagtili niya, kaya ngumiti na lang siya nang malapad sa sarili niya na parang baliw.

[Sabihin mo pabalik, please?]

"Fine. I love you, too, Chanyeol. Bye," sagot ni Baekhyun nang mabilis tapos binaba na niya yung phone niya. Lumabas na siya ng shop nang hindi man lang nawawala yung ngiti sa mukha niya.

Nagpara siya ng taxi at binigay niya sa driver yung address ng bahay nila Jongin na nakasulat sa maliit na piraso ng papel.

"Pakidala po ako sa address na to," sabi ni Baekhyun. Tumango naman yung driver at pinaandar na niya yung taxi.

Nakarating si Baekhyun sa tapat ng isang covenience store. Sinabi nung driver na konting lakad na lang daw ay malapit na yung bahay nila Jongin. Bumuntong hininga si Baekhyun. Saan naman kaya yun dito!? Baka maligaw na naman ako nito!

Naglakad si Baekhyun papasok sa loob ng convenience store para magtanong nang may nakita siyang pamilyar na mukha. Teka, siya ba yun!? Lumapit si Baekhyun sa lalaki tapos hinawakan niya yung braso nito.

Lumingon yung lalaki sa kanya tapos tiningnan niya si Baekhyun sa mukha. "Baekhyun!? Ikaw ba yan!?"

"Ako nga to, Minseok-hyung!" sigaw ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad.

"Yah, long time no see!" bati ni Minseok sabay tapik sa balikat ni Baekhyun. "Anong ginagawa mo dito? Dito ka nakatira?"

"Ah hindi, sa kabilang district ako nakatira. May pupuntahan lang kasi ako dito kaya nandito ako ngayon. Ikaw? Dito ka nakatira?"

Naglakad sila palabas ng convenience store habang nagkukwentuhan.

"Oo, pansamantala, sa bahay ng pinsan ko," sagot ni Minseok nang nakangiti. "Kamusta ka na? Yung huling message mo sakin sa LINE, kayo na nung Chanyeol. Tama ba?"

Tumango si Baekhyun habang nakangiti, medyo namumula yung mukha niya. Napangiti rin si Minseok.

"Alam ba ng boyfriend mo na nandito ka? Sino bang pupuntahan mo dito?"

"Si Sehun, yung kapatid ni Chanyeol," malungkot na sabi ni Baekhyun. "Umalis kasi siya sa bahay nung nagkaroon kami ng tampuhan kaya ayun, tumira muna siya sa bahay nila Jongin..."

"Si Jongin!? Ibig mong sabihin si Sehun na kaibigan ni Jongin?"

"Oo! Siya nga, pano mo nalaman, Minseok-hyung!?"

Ngumiti si Minseok sabay turo sa malaking bahay sa tapat nila. "Kasi dito ako nakatira. Pinsan ko si Jongin."

Lumingon si Baekhyun sa bahay na tinuturo ni Minseok sa tapat nila. Glass nga lahat ng pader at bintana gaya ng sabi ni Chanyeol, at nakikita rin ni Baekhyun si Jongin sa loob na nakaupo sa couch sa may living room.

Natigilan si Baekhyun nang makita niyang naglakad si Sehun at umupo ito sa tabi ni Jongin. Parang gusto nang maiyak ni Baekhyun nang makita niya si Sehun, dahil isang linggo at ilang araw na rin yung nakalipas simula nang huli niyang makita si Sehun. Sehun, namimiss na talaga kita. Gustong gusto na kitang lapitan.

"Gusto mo bang pumasok sa loob, Baekhyun?" tanong ni Minseok kay Baekhyun na nakatitig lang sa loob ng bahay.

"Baekhyun?"

"H-huh?" sabi ni Baekhyun sabay lingon kay Minseok.

"Gusto mo bang pumasok?"

Nakita ni Baekhyun na tumayo si Sehun sa pagkakaupo niya sa couch at naglakad siya papunta sa pinto, sinisilip niya kung sino yung kausap ni Minseok. Nanlaki na lang yung mata ni Baekhyun.

"H-hindi na! Okay lang, hyung!" sabi ni Baekhyun tapos nagtago siya sa likod ng pader para hindi siya makita ni Sehun.

"Sigurado ka bang--"

"Oo! Mauuna na ako, Minseok-hyung! May gagawin pa pala ako sa bahay, nakalimutan ko! Sige, bye!"

Pagkasabi ni Baekhyun nun, tumakbo na siya palayo nang hindi man lang pinapatapos magsalita si Minseok.

*

"Balita ko umalis na raw si Yixing-hyung?" sabi ni Jongin habang pinipindot niya yung joystick sa kamay niya.

Umupo si Sehun sa tabi ni Jongin nang makita niyang wala naman palang kausap si Minseok na pinsan nila Jongin at Junmyeon.

"Oo. Sinabi niya sakin," sabi ni Sehun sabay kuha sa joystick niya. Tinuloy niya ulit ang paglalaro. "Doktor na ulit siya. Sa Busan daw."

Tumango si Jongin tapos lumingon siya kay Sehun sa tabi niya nang may bigla siyang maisip, nataya na yung character niya kaya natawa naman si Sehun nang malakas.

"Ayusin mo naman yung paglalaro mo! Nataya ka nanaman!" sigaw ni Sehun.

"Yah, Sehun," sabi ni Jongin nang seryoso. "Kung nasa Busan si Yixing-hyung, sino nang kasama ni Baekhyun-hyung sa bahay niyo? Wala ka dun tapos nasa company naman si Chanyeol-hyung."

Nawala yung ngiti ni Sehun sa bibig niya tapos umiwas siya ng tingin. "Hindi ko na problema yun. Wala akong pakealam kung wala na siyang kasama dun."

"Tsk, siguradong mag-isa na lang siya ngayon dun sa mansion," sabi ni Jongin, hindi niya inintindi yung sinabi ni Sehun.

"Kawawa naman si Baekhyun-hyung, siguradong malungkot talaga siya. Sana kahit papano nakakakain naman siya nang maayos at nakakatulog siya nang mahimbing."

Lumingon agad si Sehun kay Jongin na parang bigla siyang nabigla habang nakasimangot pa rin si Jongin sa kanya.

"Sana okay lang siya at naaalagaan niya yung sarili niya. Pano kaya kung bigla na lang siyang magkasakit tapos siya lang mag-isa dun. Sino kayang mag-aalaga sa kanya. Kung pwede lang sana akong lumabas, bibisitahin ko siya."

"Yah, Kim Jongin! Pinariringgan mo ba ako!?" sigaw ni Sehun habang nakataas ang kilay. "Hindi ako uuwi kahit anong sabihin mo! Galit ako sa kanya. Hindi ko siya mapapatawad."

Nagkibit balikat lang si Jongin tapos tinuloy na niya yung paglalaro niya. "Okay, sabi mo eh."

Umirap si Sehun habang nakatitig siya sa joystick sa kamay niya, naisip niya bigla yung mukha ni Baekhyun. Magiging okay lang naman siya, diba? Wala naman siguro akong dapat ipag-alala.

Umiling si Sehun para mawala yung nasa isip niya. Hindi ko siya dapat iniisip. Galit ako kay Baekhyun. Galit ako sa kanya.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro