CHAPTER 42
*
42
"Gusto mo pa ba ng extrang unan?" tanong ni Jongin kay Sehun habang inaayos niya yung laylayan ng bedsheets sa kama. Umiling lang si Sehun.
Tiningnan sandali ni Jongin ang kaibigan niya na nakatanaw lang sa bintana nila, tapos bumuntong hininga siya na para bang malungkot rin siya para kay Sehun. Itinuloy na lang ulit niya yung pag-aayos ng kumot ni Sehun.
"Tawagin mo na lang ako o ang hyung ko kung may kailangan ka," sabi ni Jongin matapos niyang bumaba sa kama. "Babalik na ako sa kwarto ko."
Aalis na sana si Jongin nang tawagin siya ni Sehun.
"Nini," sabi ni Sehun kaya napalingon naman si Jongin. Gusto sana niyang sigawan si Sehun na wag siyang tawaging Nini pero nang makita niyang yung malungkot na mukha ni Sehun, natigilan na lang siya.
"Bakit?"
"Thank you," sabi ni Sehun sa kalmadong boses. "Kasi pinagstay mo ako dito. At sorry din sa abala."
Ngumiti si Jongin tapos umupo siya sa gilid ng kama ni Sehun. "Wala yun, ano ka ba. Magkaibigan na tayo since birth kaya nandito lang ako para sayo."
Ngumiti lang si Sehun nang konti tapos binalik na niya ulit ang pagtanaw niya sa madilim na labas ng bintana. Kung nalulungkot si Sehun, nalulungkot rin si Jongin para sa kaibigan niya. Naalala niya pa yung gabing pumunta si Sehun sa bahay nila na umiiyak at nagmamakaawang dito muna siya magstay. Nung gabing yun, alam na ni Jongin na nalaman na ni Sehun yung totoo kahit hindi nito sabihin.
"Uhm. Okay ka na ba?" mahinahong tanong ni Jongin. "Namimiss mo ba siya?"
Hindi sumagot si Sehun, pero nakita ni Jongin kung paano humigpit yung pagkakakapit ni Sehun sa bedsheets.
"Sinabi mo saking wag ko siyang banggitin sayo pero... gusto ko lang malaman mong nag-aalala si Baekhyun-hyung sayo," sabi ni Jongin kay Sehun na hindi man lang lumilingon sa kanya.
"Every two hours tumatawag si Baekhyun-hyung dito. Tinatanong niya kung okay ka lang daw ba o kumakain ka raw ba nang maayos. Sinabi rin niya na... sana sagutin mo na yung phone mo. At saka," tumigil si Jongin sandali para tingnan kung nakikinig pa ba si Sehun.
"Sana bumalik ka na, kasi hindi siya makatulog kakaisip sayo at--"
"Sinungaling," sabi ni Sehun habang mahigpit na nakakapit sa bedsheets niya. Napansin ni Jongin na tumutulo na pala yung luha ni Sehun.
"N-napakasinungaling niya," sabi ni Sehun, nanginginig yung boses niya. "W-wala akong pakealam sa kanya, Jongin. Hindi ako uuwi. Galit na galit ako sa kanya."
"Hunnie," sabi ni Jongin habang pinapat niya ang likod ni Sehun.
"Naiinis ako sa sarili ko, Jongin," sabi ni Sehun habang pinupunasan niya ang luha niya. "Kahit galit na galit ako sa kanya," tumigil si Sehun sandali para humikbi, "siya pa rin yung hinahanap ko."
"Mahal mo talaga si Baekhyun," malungkot na sabi ni Jongin. "Pero Sehun, kailangan mo rin siyang kalimutan..."
"Gusto ko na ngang iuntog yung ulo ko sa pader para mawala na siya sa isip ko. Gustong gusto ko na siyang makalimutan pero," sabi ni Sehun habang umiiyak. "Tangina, h-hindi ko magawa. H-hindi ko kaya..."
Niyakap ni Jongin si Sehun nang mahigpit, kaya naman umiyak na si Sehun sa balikat ng kaibigan niya habang pinapat ni Jongin yung likod niya.
"Nandito lang ako. Pwede kang umiyak sakin," bulong ni Jongin. "Hindi ako aalis sa tabi mo."
Humigpit ang pagkakayakap ni Sehun kay Jongin habang umiiyak siya, hinihiling niyang sana kahit konti mabawasan man lang yung sakit na nararamdaman niya.
*
"Jongin, linisin mo yung kwarto mo pati na rin yung pangalawang guest room," utos ni Junmyeon sa kapatid niyang nakasimangot lang sa kanya.
"Bakit hindi yung maid natin ang maglinis, bakit ako pa!?" sigaw ni Jongin. "May ginagawa ako oh, naglalaro ako!"
"Wala yung maid, umuwi sa probinsya."
"Uhm, ako na lang yung maglilinis, Junmyeon-hyung," sabi ni Sehun tapos naglakad na siya paalis, pero tumigil rin siya. "Ah, at ako na rin yung magtatapon ng basura sa labas."
"Yah, hindi mo na kailangang gawin yun, Sehun," sabi ni Junmyeon nang nakangiti. "Binilin ng hyung mo sakin na wag kang pahirapan kaya si Jongin na lang ang gagawa nun, okay?"
"Pero hyung," sabat ni Sehun. "Okay lang naman sakin, wala naman kasi akong ginagawa."
"Tutulungan ko na lang si Sehun," sabi ni Jongin sa hyung niya. "Pumasok ka na sa office at ikamusta mo na rin ako kay Kyungsoo-hyung-nim!"
"Okay," sabi ni Junmyeon habang inaayos ang suit niya. "Ah, yung guest room wag niyong kalimutan ha."
"Bakit, may bisita ba tayo?"
"Oo, dadating si pinsan."
*
Nakatingin lang si Baekhyun sa picture frame sa harap niya na nakapatong sa ibabaw ng beside table.
Galit ako sayo! Pinagmukha mo akong tanga! NILOKO NIYO AKO!
Sana Baekhyun, sana sinabi mo na lang agad para hindi na ganito kasakit!
Ano, naaawa ka ba sakin!? SABIHIN MO! KAYA MO LANG AKO PINAGBIGYAN KASI NAAAWA KA SAKIN!
Wag kang lalapit sakin. Ayoko nang makita yang pagmumukha mo.
Tumulo nanaman yung luha ni Baekhyun nang maalala niya yung mga sinabi ni Sehun sa kanya. Kahit anong gawin niya, sobrang sakit pa rin talaga sa loob niya. Ganito ba kasakit yung ginawa ko kay Sehun kaya ganito rin kasakit yung nararamadaman ko?
Wala nang pakealam si Baekhyun kung basa na ng luha niya yung unan ni Chanyeol o mamugto na ang mata niya sa kakaiyak, ang mahalaga lang ngayon, bumalik na si Sehun sa mansion. Dahil isang linggo na siyang hindi umuuwi ng bahay at isang linggo na ring hindi umuuwi si Baekhyun sa apartment niya, hinihintay niyang bumalik na si Sehun.
Ayoko nang makita yang pagmumukha mo.
Humikbi si Baekhyun. Hindi ka na ba talaga uuwi dahil ayaw mo na akong makita? Ganun ka ba talaga kagalit sakin?
Pumikit si Baekhyun at umiyak na lang siya nang tahimik habang nakahiga. Biglang niyang naramdamang gumalaw si Chanyeol sa tabi niya kaya natigilan siya. Nakatalikod siya kay Chanyeol.
"B-baek," sabi ni Chanyeol sa inaantok na boses. "Gising ka pa ba?"
Hindi sumagot si Baekhyun, pinigilan niya yung paghikbi niya pero kahit anong gawin niya, pansin pa rin ni Chanyeol yung paggalaw ng balikat niya.
"Baekhyun," tawag ni Chanyeol at hinawakan niya yung balikat ni Baekhyun. "Alam kong gising ka pa. Umiiyak ka nanaman ba?"
Pinunasan agad ni Baekhyun yung luha niya tapos humarap siya kay Chanyeol, mapula ang mata at ilong niya. Gusto sanang tumawa ni Chanyeol dahil sa itsura ni Baekhyun, pero natahimik na lang siya dahil hindi ito oras para tumawa.
"Matulog ka na ulit, wala lang to," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa pader sa likod ni Chanyeol. "Okay lang ako, Chanyeol."
"Hindi ka okay. Ilang gabi ka nang ganyan, ilang gabi ka na ring puyat," sabi ni Chanyeol habang pinupunasan niya ng thumb niya yung ilang luha sa pisngi ni Baekhyun. "Wag ka nang mag-alala, uuwi rin si Sehun dito."
"Paano kung hindi!?" sabi ni Baekhyun, medyo tumaas yung boses niya. "Paano kung ayaw na talaga niya akong makita? Galit na galit siya sakin, Chanyeol!"
"Alam kong nag-aalala ka para kay Sehun, pero nag-aalala rin ako sayo," mahinahong sabi ni Chanyeol.
"Walang mangyayaring masama kay Sehun, safe siya kina Jongin. Isa pa, nandun naman si Junmyeon. Hindi lalayas ang kapatid ko dahil lang ayaw ka na niyang makita, babalik rin siya dito."
Bumuntong hininga si Baekhyun tapos tumingin siya nang malungkot kay Chanyeol sa tabi niya. Nakatitig lang si Chanyeol sa kanya.
"Lilipas rin yung galit ni Sehun sayo. Kilala ko siya," sabi ni Chanyeol habang inaayos niya yung bangs ni Baekhyun.
"Alam mo bang sa tuwing mag-aaway kami ni Sehun noon, mas malala pa yung mga sinasabi niya sakin?" sabi ni Chanyeol nang nakangiti.
"Malala?"
"Ehem. Ayaw na kitang makita, hyung! Sana hindi na lang ikaw ang naging kapatid ko! Wala akong pakealam sayo, bahala ka sa buhay mo! Sana mamatay ka na!"
Inipit pa ni Chanyeol yung boses niya para maging tunog matinis para lang magaya niya yung boses ni Sehun, pero kumurap lang si Baekhyun sa kanya, naghihintay ng sunod niyang sasabihin. Umubo si Chanyeol.
"Totoo ang sinasabi ko," sabi ni Chanyeol tapos umiwas siya ng tingin. "Nung wala ka pa dito, iba talaga ang ugali ni Sehun. Hind siya nakikinig kay Dara, kay Yixing, at lalo naman sakin. Ginagawa niya yung gusto niya at sinasabi niya lahat ng gusto niyang sabihin."
Kumunot ang noo ni Baekhyun na parang hindi siya makapaniwala habang nakatingin siya nang masama kay Chanyeol.
"Sinasabi mo lang yan para hindi ako maguilty. Hindi totoo yan."
"Nasasabi mo yan kasi hindi mo nakitang ganun si Sehun noon," sabi ni Chanyeol. "Kasi mula nang dumating ka, malaki na yung pinagbago niya."
Natigilan si Baekhyun. "Totoo ba yang... sinasabi mo?"
"Totoo," sagot ni Chanyeol sabay tango.
"Nung kamamatay pa lang ng parents namin, sinisisi niya ako sa pagkamatay nila, kung sana raw pinigilan ko silang umalis edi sana hindi sila mamamatay. Sobrang sakit nun, na wala man lang akong magawa kundi magsorry na lang sa kanya. Nagalit si Sehun sakin at umalis siya dito tapos tumira siya kina Jongin nang isang buwan."
"G-ginawa niya talaga yun?" tanong ni Baekhyun.
"Oo. Pero alam mo, naiintindihan ko naman kung bakit niya nasabi lahat ng bagay na yun dati eh. Galit kasi siya," sabi ni Chanyeol habang nakikinig lang si Baekhyun sa kanya.
"Nakakapagsalita talaga ang mga tao ng masasakit lalo na kapag galit sila at nasaktan sila. Yun yung way nila para mailabas yung sakit sa loob nila at maiparamdam sa taong nanakit sa kanila kung gaano sila nasaktan," sabi ni Chanyeol tapos ngumiti siya. "Kaya ganun na lang yung nasabi ni Sehun sayo, Baekhyun."
Masarap pakinggan para kay Baekhyun yung mga salitang sinasabi sa kanya ni Chanyeol, na parang bang ibang tao yung nasa harap niya, parang hindi si Chanyeol yung nagsasalita.
Nakakapanibago, hindi ko alam na may ganito ka palang side, Chanyeol. Pero gusto ko yung side mong ganito. Masarap sa pakiramdam.
"Sobra ko talaga siyang nasaktan," sabi ni Baekhyun tapos yumuko siya. "Na parang kinamumuhian niya na ako, Chanyeol. Pero alam ko namang deserve ko talaga yung mga masasakit na salitang sinabi niya sakin eh. Tama lang siguro to sakin. Naiintindihan ko naman kung bakit niya sinabi lahat nang yun..."
"Kung ako yung nireject mo, baka ganun din ang gawin ko sayo," sabi ni Chanyeol. "Ah, hindi pala, baka mas malala pa dun. Baka itulak pa kita sa kalasada dahil sa galit ko sayo."
"Yah," sabi ni Baekhyun nang umiirap sabay suntok sa braso ni Chanyeol. "Ang sama mo! Pero alam mo, hindi na ako magtataka, kasi masakit ka na talagang magsalita noong una pa lang."
"Fine. Inaamin kong masakit akong magsalita. I'm sorry, okay?" sabi ni Chanyeol tapos hinawakan niya sa pisngi si Baekhyun.
"At saka... ako na rin yung nagsosorry sa mga sinabi ni Sehun sayo. Wag mo nang isipin yun, Baekhyun. Sigurado akong hindi naman niya sinasadyang sabihin yung mga sinabi niya. At maiintindihan niya rin naman yung dahilan kung bakit mo siya... uhm, sinampal."
Sumimangot si Baekhyun na parang maiiyak na siya.
"Sinampal ko si Sehun," malungkot na sabi ni Baekhyun. "Alam mo bang wala pa akong ibang nasasampal sa buong buhay ko? Nagiguilty talaga ako, Chanyeol. Dapat hindi ko ginawa yun!"
"Edi magpasampal ka rin sa kanya para quits na kayo," sabi ni Chanyeol habang nakangiti nang mapang-asar.
"Psh. Napakagandang idea, gumaan talaga yung loob ko," sabi ni Baekhyun habang inaayos yung kumot niya. Tumingin siya kay Chanyeol sa tabi niya.
"Yah, bakit kaya hindi ikaw ang magpasamapal sa kanya? Siguradong galit din si Sehun sayo."
"Galit talaga siya sakin, Baek," sabi ni Chanyeol nang nakasimangot tapos pinakita niya yung bukol niya sa noo sa ilalim ng bangs niya.
"A-ano yan!?" sigaw ni Baekhyun habang nakatitig siya sa pulang umbok sa noo ni Chanyeol. "Bakit ka may ganyan?"
"Pinagsarhan ako ng pinto ni Sehun nung pinuntahan ko siya sa bahay nila Jongin-- aray!" sabi ni Chanyeol habang sinusundot ni Baekhyun yung bukol niya. "Kaya ayun, nauntog yung noo ko sa pinto... aray sabi eh! Masakit!"
Napangiti si Baekhyun dahil naimagine niya bigla yung itsura ni Chanyeol, kaya napangiti na rin si Chanyeol. Malapad.
"Ayun! Ngumiti ka rin sa wakas," sabi ni Chanyeol na parang proud na proud sa sarili niya. Tinaas niya yung kamay niya. "Yehet!"
Natawa si Baekhyun tapos tinakpan niya ang mukha niya na parang hindi niya kilala yung nasa harap niya at ikinahihiya niya si Chanyeol.
"Wag... mo na ulit gagawin yang-- yehet mo na yan. Hindi bagay sayo."
"Bakit? Kay Sehun lang ba bagay?"
Sumimangot bigla si Baekhyun. Sumimangot rin si Chanyeol.
"Yah, wag ka nang mag-alala, babalik din si Sehun dito, okay?" sabi ni Chanyeol tapos umusod siya palapit kay Baekhyun.
"Kung namimiss mo na si Sehun, pwede mo naman siyang puntahan sa bahay nila Jongin."
Tumunghay si Baekhyun na parang nabuhayan siya ng loob. "Talaga!?"
"Oo, basta wag ka lang magpapahuli sa kanya. Pag nakita mo yung bahay nila Jongin, glass yung pader nila kaya makikita mo na si Sehun sa loob kahit nasa labas ka."
Ngumiti si Baekhyun nang malapad. "Sige! Pupuntahan ko si Sehun, gusto kona talaga siyang makita, Chanyeol."
Tumango si Chanyeol. "So okay ka na? Pwede na ba tayong matulog?" tanong ni Chanyeol nang nakataas ang kilay.
"Mm-mm," sagot ni Baekhyun habang tumatango. Tumagilid siya ng higa at humarap siya kay Chanyeol tapos pinatong niya ang kamay niya sa waist ni Chanyeol.
"Good night.... uhm, jagiya," bulong ni Baekhyun kaya napangiti naman si Chanyeol. Umusod si Chanyeol palapit kay Baekhyun tapos bumaba siya nang konti sa unan para magpantay yung ulo nila ni Baekhyun.
"Oh bakit?" tanong ni Baekhyun sa nakatitig na si Chanyeol sa kanya. "May sasabihin ka pa ba?"
"Uhm. Pumikit ka," bulong ni Chanyeol.
"Nakapikit na talaga ako kanina kasi matutulog na ako," sabi ni Baekhyun. "Bakit, ano ba yun?"
"Baekhyun?"
"Chanyeol?"
"Yah, nagtatanong ako, wag mong tawagin yung pangalan ko."
Natawa si Baekhyun. "Bakit nga? Yah, kung korning joke yan, bukas mo na lang sabihin baka matawa pa ak--"
"Pwede bang ikiss kita?" mabilis na tanong ni Chanyeol kay Baekhyun, medyo kinakabahan siya. Hindi pa kasi sila ulit nagkikiss simula nung kiss nila sa ulan.
Kumurap si Baekhyun habang nakatitig lang si Chanyeol sa kanya.
Katahimikan.
Kuliglig sa labas lang yung maririnig.
Konting ingay ng sasakyan.
Tahol ng aso.
Katahimakan ulit.
Umiwas ng tingin si Chanyeol sabay ubo.
"Uhm, a-ano-- okay good night! K-kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Sige matulog na tay--"
"Okay.."
"H-ha?"
"Ang sabi ko, ito--"
Nagulat na lang si Chanyeol nang biglang inilapit ni Baekhyun yung mukha nito sa mukha niya, nagdikit yung ilong nila. Inangat ni Baekhyun nang konti yung ulo niya para magdikit yung lips nilang dalawa at para mahalikan niya si Chanyeol.
Dugdug. Dugdug. Shit, yung puso ko, Baekhyun.
Natigilan na lang si Chanyeol na parang bato sa pagkakahiga niya habang nakatitig siya sa mukha ni Baekhyun na nakapikit sa harap niya. Totoo ba to? Hinalikan niya ako... at siya yung... nauna.
Akala ni Chanyeol tapos na yung kiss at makakahinga na siya, pero hinalikan ulit siya ni Baekhyun, dahan dahan at mabagal lang kagaya nung first kiss nila. At pakiramdam ni Chanyeol first kiss ulit nila ngayon.
Isa. Dalawa. Tatlo. Nakaramdam ng tatlong halik sa labi niya si Chanyeol galing kay Baekhyun.
Kaya hindi na nakatiis si Chanyeol at hinalikan na rin niya si Baekhyun pabalik. Naramdaman niya ulit na gumalaw sa labi niya yung malambot na labi ni Baekhyun, na lasang honey, mint at vanilla.
Lumapit pa si Chanyeol para halikan pa sana si Baekhyun nang mas matagal kaso bigla namang humiwalay na si Baekhyun sa kiss.
"GOOD NIGHT," bulong ni Baekhyun nang madiin tapos lumingon na siya sa kaliwa, kaya ang nahalikan ni Chanyeol ay yung pisngi ni Baekhyun.
Sumipa si Chanyeol sa hangin dahil sa inis.
"FINE. GOOD NIGHT."
Napairap na lang si Chanyeol at padabog niyang inayos yung kumot niya habang bumubulong-bulong ng madaya, napakaunfair, napakawalang utang na loob, nakakabitin, hindi man lang tinagalan kahit konti, napakasama talaga--
Napangiti na lang si Baekhyun sa sarili niya habang pinipigilan niyang wag kiligin. Hinawakan niya yung lips niya tapos tumalikod na siya kay Chanyeol para itago yung pamumula ng mukha niya kahit madilim na.
G-ginawa ko ba... talaga yun? Napakagat labi si Baekhyun.
"Matulog ka na, Baekhyun."
"Psh. Oo na."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro