CHAPTER 41
*
41
(A/N: Pure SeBaek Chapter! Humihingi na ako ng sorry in advance dahil sa kalalabasan nito?! :(
WARNING: Get your tissues?)
"Thank you," sabi ni Baekhyun matapos iabot sa kanya ni Sehun yung cappuccino niya. Nakaupo sila sa bench sa labas ng isang supermall sa Seonyudo, hinihingal pa dahil sa pagtakbo nila kanina.
"Mabagal ka pala eh," sabi ni Sehun tapos binangga niya si Baekhyun sa balikat sa tabi niya. "Hindi mo kayang makipag-unahan sakin sa pagtakbo."
"Psh, alam mo naman kasing maiksi lang ang legs ko," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Kasalanan mo yun kasi mahaba yung legs mo."
"Ako pa ang may kasalanan? Yah, kanino bang idea ang tumalon sa inflatables kasama nung mga bata sa mall," sabi ni Sehun sabay irap. "Tingnan mo, nahuli tayo nung manong! Kung hindi tayo nakatakas, sa disciplinary room ng mall tayo magpapalipas ng gabi."
"Yah, kung makapagsalita ka akala mo naman hindi ka nag-enjoy kanina," sabi ni Baekhyun na nakangiti nang malapad. "Parang kanina lang ang laki ng ngiti mo habang tumatalbog-talbog ka sa inflatable slide! Pinapaalis mo pa nga yung mga batang nakikisabay sayo sa pagtalon. At ang lakas-lakas ng tili mo habang sumisigaw ka pa ng Baekhyun! Baekhyun! Tingnan mo oh, ang astig!"
"Yah!" Namula si Sehun sabay iwas ng tingin. "H-hindi kaya!"
Natawa si Baekhyun. "Lumalaki yung butas ng ilong mo pag nagsisinungaling ka."
Tinakpan ni Sehun ang ilong niya at pinagpatuloy na lang niya ang pag-inom ng cappuccino niya. Napangiti si Baekhyun habang nakatingin sa drink na hawak niya sa kamay niya.
Buti okay na siya, kanina kasi mukhang sobrang lungkot niya. Tumingin si Baekhyun kay Sehun sa tabi niya at nakita niyang kinakagat ni Sehun yung gilid ng cup ng drink niya. Mamaya ko na lang sasabihin kapag maganda na talaga yung mood niya.
"Bakit?" tanong ni Sehun sa nakatitig sa kanyang si Baekhyun. Ngumiti si Baekhyun tapos dahan dahan niyang inabot yung gilid ng lips ni Sehun.
Nakatitig lang si Sehun kay Baekhyun habang pinupunasan ni Baekhyun yung foam ng cappuccino sa labi niya gamit yung thumb niya, at ramdam ni Sehun yung pagbilis ng heartbeat niya sa dibdib niya kahit hindi na sila tumtakbo ngayon. Umubo si Sehun tapos tumingin siya sa kahit saan maliban sa mukha ni Baekhyun sa harap niya.
"Ayan, okay na," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Next time, inumin mo nang maayos yung cappucino mo."
"Nagsalita ang maayos uminom ng cappuccino," sabi ni Sehun tapos tinuro niya yung gilid ng bibig ni Baekhyun.
"Huh? Meron din ba ako, saan banda?" sabi ni Baekhyun habang kinakapa ang bibig niya. Natawa si Sehun tapos inabot niya rin yung lips ni Baekhyun gamit ang thumb niya.
Tinanggal ni Sehun yung kunwaring foam sa taas ng labi ni Baekhyun habang nakatingin lang sa kanya si Baekhyun na parang naghihintay. Pinadaan niya nang mabagal yung thumb niya sa malambot na labi ni Baekhyun, pero iniwas niya rin yung tingin niya at inalis niya agad yung kamay niya. Wag. Tama na.
"Okay na, malinis na," sabi ni Sehun sabay tayo sa pagkakaupo niya sa bench. Napatunghay sa kanya si Baekhyun.
"Saan tayo next na pupunta?" excited na tanong ni Baekhyun. "Babalik ba tayo sa loob ng mall?"
Umiling si Sehun habang nakangiti. "Sa Seonyudo park tayo pupunta."
*
"Marunong ka ba talaga niyan?" sabi ni Baekhyun kay Sehun na nakasakay na sa bike, nakahawak siya sa manibela pero nakatayo pa rin siya sa kalsada.
"Sumakay ka na lang!" sigaw ni Sehun habang nakalingon kay Baekhyun. "Umangkas ka na sa likod ko."
Dahan daha namang tumuntong si Baekhyun sa angkasan ng bike sa likod, tapos humawak siya sa balikat ni Sehun. Pero bago pa maipedal ni Sehun yung bike, natumba na silang dalawa sa kalsada.
"Sehun," sabi ni Baekhyun habang inaalis ang paa niyang naipit ng bike. Nanlaki ang mata ni Sehun at tinanggal niya agad yung bike sa may paa ni Baekhyun.
"S-sorry! Shit, sorry!" nag-aalalang sabi ni Sehun habang nagpapanic. "Nakalimutan kong may injury ka nga pala sa may paa mo, hindi ko naman-- I'm sorry! Masakit ba?!"
"Hindi, hindi okay lang ako, Sehun," sabi ni Baekhyun tapos tumayo na siya matapos niyang pagpagan ang pants niya. "Oh diba, nakakatayo ako. Wala yun! Ikaw, okay ka lang? Halika."
Kinuha ni Sehun yung kamay ni Baekhyun na nakalahad sa kanya tapos pinagpagan niya rin yung pants niya. Napatingin na lang si Sehun sa bike na nakatumba sa tabi nila.
"Marunong ka bang magbike?" tanong ni Baekhyun nang nakangiti. Nakayuko lang si Sehun, hindi sumasagot.
Natawa si Baekhyun nang mahina, hindi niya pinahalata kay Sehun. Naglakad siya papunta sa nakatumbang bike tapos tinayo niya ito. Tumungahay naman si Sehun at tiningnan niya si Baekhyun.
"Tara, iaangkas kita."
Namula si Sehun sabay iling nang mabilis. "A-ayoko."
"Bakit naman? Halika na, dali na," sabi ni Baekhyun na nakasakay na sa bike. "Angkas na. Hindi tayo malalaglag."
"Pero," sabi ni Sehun nang nakaiwas ang tingin. "Dapat ako yung mag-aangkas sayo..."
"Yah, wag nang mataas ang pride. Sakay na," sabi ni Baekhyun na parang nagbabanta. Umiling si Sehun. "Park Sehun, makinig ka sakin. Umangkas ka na ngayon na!"
Dali daling umangkas si Sehun sa likod ng bike ni Baekhyun. Nakatuntong yung paa niya sa angkasan habang nakapatong yung dalawang kamay niya sa balikat ni Baekhyun.
"Ayan," sabi ni Sehun sabay irap. "Nakaangkas na."
"Hawak nang mabuti, okay? Aalis na tayo! Choochoo!" sigaw ni Baekhyun tapos pinedal na niya yung bike habang nakahawak lang si Sehun sa balikat niya. Napangiti naman si Sehun.
Medyo nanginginig at paliko-liko yung pagbabike ni Baekhyun kaya kinakabahan si Sehun, sigaw siya nang sigaw habang tumatawa lang si Baekhyun.
"Yah, yah, yah, yah, may humps! Ano ba, tingnan mo, Baekhyun!" sigaw ni Sehun at humigpit ang kapit niya sa balikat ni Baekhyun.
"Wag kang mag-alala, ano ka ba! Sanay na sanay na ako dito," sabi ni Baekhyun habang nagpepedal. Nalamapasan na nila yung humps.
"Nung nasa Bucheon ako, lagi akong nagbabike papasok sa school tuwing umaga. Nagbabike rin ako pauwi pag hapon. Pag inutuusan ako ni Eomma sa palengke, bike rin yung gamit ko."
"Talaga?" sabi ni Sehun nang nakangiti.
"Oo, dalawa kami ni Jongdae. Nagpapaunahan pa kaming makarating sa bundok. Lagi siyang nahuhuli sakin! Aigoo, nakakatawa yung itsura niya pag natatalo siya."
Nakatingin lang si Sehun sa buhok ni Baekhyun sa harap niya habang nakikinig siya sa mga kwento ni Baekhyun. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti pag naiisip niya yung mas batang version ni Baekhyun.
"Siguro... ang saya-saya mo nung nasa Bucheon ka pa," sabi ni Sehun. "Parang gusto ko ring pumunta sa hometown mo kagaya rin nila Yixing-hyung at Chanyeol-hyung."
"Masaya talaga ako sa Bucheon," sabi ni Baekhyun. "Pero... mas masaya ako dito sa Seoul, Sehun. Napatunayan ko na yun dahil kahit ilang beses akong umuwi, binabalik pa rin talaga ako dito ng pagkakataon."
"Nasa Seoul kasi yung dahilan mo kaya ka nag-iistay dito," sabi ni Sehun sa katahimakan ng paligid. "Kaya hindi ka makaalis."
Tumingin si Sehun sa mga puno sa tabi nila, hinahangin yung buhok nila. At alam kong hindi ako yun. Yung pinakareason mo kung bakit ka nandito.
Medyo bumagal yung pagbabike ni Baekhyun, dinadama nila yung hangin sa paligid nila. Tahimik lang si Baekhyun sandali pero ngumiti rin siya at nilingon niya si Sehun sa likod niya.
"Dadalhin kita sa Bucheon," sabi ni Baekhyun. "Promise ko yan sayo."
"Okay," sagot ni Sehun nang nakangiti. "Hihintayin ko."
Nakaikot na sila sa palibot ng park kaya hininto na ni Baekhyun yung bike. Bumaba na sa pagkakaangkas niya si Sehun.
"Ano, enjoy ba?" tanong ni Baekhyun. Tumango naman si Sehun.
"Sehun," sabi ni Baekhyun tapos hinarap niya kay Sehun ang bike. "Gusto mo bang turuan kita?"
Namula si Sehun sabay iling nang mabilis. "A-ayoko..."
"Pero bakit? Sayang naman yung pagpunta natin dito kung hindi ka matututo."
"Plano ko lang kasing maglakad lang dito eh," sabi ni Sehun nang nakapout. "Tapos bigla mo namang tinuro yung bike. Ayaw kitang tanggihan kaya-- pero hindi naman kasi ako-- ayokong mapahiya sayo pero--"
Napangiti si Baekhyun. "Okay lang yun, ano ka ba! Halika na, sumakay ka na. Aalalayan kita."
Umiling si Sehun habang nakayuko pa rin. "Hindi dapat ako yung tinuturuan mo eh, dapat ako yung nagtuturo sayo..."
"Paano ka matututo kung ayaw mo namang magpaturo," sabi ni Baekhyun. "Yah, papayag ka bang yung topnotcher sa entrance exam sa SNU, hindi marunong magbike! Yah, ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang--"
"OO NA! Aish!" sigaw ni Sehun nang naiirita. "Magpapaturo na."
"Good boy," sabi ni Baekhyun tapos binigay na niya yung bike kay Sehun. "Pag natutunan mo to, maiaangkas mo na ako."
Ngumiti si Sehun sabay tango. "Iaangkas kita kapag pumunta na tayo sa Bucheon, okay?"
"Okay," sagot naman ni Baekhyun. "Oh dali na, sakay na. Hahawakan ko yung likod."
Sumakay na si Sehun sa bike habang hawak ni Baekhyun yung likuran. Tinulak ni Baekhyun si Sehun, mabagal muna habang bumibilis nang konti. Laging natutumba si Sehun, pero tumatayo pa rin siya at tinutuloy niya yung pagpedal niya habang inaalalayan naman siya ni Baekhyun sa likod.
"Kaya ko to, Baekhyun. Kaya ko to," sabi ni Sehun tapos sumakay ulit siya sa bike.
Hindi ka talaga marunong sumuko, Sehun. Yan yung gusto ko sayo. Tinulak ni Baekhyun si Sehun habang nagpepedal ito hanggang sa si Sehun na lang mag-isa yung nagpapaandar sa bike.
"Baekhyun! Hahahaha!"
Nakatingin lang si Baekhyun sa lumalayong likod ni Sehun, nakatayo siya habang pinapanood niyang magbike si Sehun palayo sa kanya.
"Baekhyun! Baekhyun! Marunong na ako!" sigaw ni Sehun habang paliko-liko siyang nagbabike, pero ngayon hindi na siya natutumba di gaya kanina. Unti-unti nang nagiging diretso yung pagpepedal niya.
"Marunong na akong magbike, Baekhyun!" sigaw ni Sehun, mahina na yung boses niya dahil malayo na siya kay Baekhyun.
"Kapag ginusto mo talaga ang isang bagay, nagagawa mo lahat basta hindi ka lang susuko, Sehun."
Nakatingin lang si Baekhyun habang nakatanaw kay Sehun na nagbabike palayo.
"Pero sana matuto kang sumuko kahit minsan..."
Narinig ni Baekhyun na sumigaw si Sehun ng Mahal kita, Baekhyun!!! kaya naman umiwas na lang ng tingin si Baekhyun sa harap niya.
"Sobrang sakit pag sinasabi mo yun. Sana, isuko mo na ako pag sinabi ko na sayo yung totoo.."
*
"Isa yun sa mga greatest achievements ng buhay ko," masayang sabi ni Sehun. "Ang matutong magbike kasama ka."
Nakaupo sila ngayon sa waiting shade habang naghihintay ng bus pauwi. Madilim na yung paligid dahil gabi na, pero hindi pa naman ganun kalate dahil marami pang tao at sasakyan na dumadaan sa kalsada.
Patapos na yung araw, hindi kami pwedeng uuwi hangga't hindi ko nasasabi kay Sehun yung totoo. Huminga nang malalim si Baekhyun. Hindi siya kinakabahan, pero nag-aalala siya sa magiging reaksyon ni Sehun sa sasabihin niya. Ineexpect na niyang posibleng magalit si Sehun sa kanya, pero ngayon, handa na siya sa kahit anong posibleng mangyari.
"Sehun," sabi ni Baekhyun nang seryoso. Tumingin si Sehun sa kanya, natural lang yung expression niya.
"Hmm?"
"May sasabihin ako sayo."
"Ano yun?" tanong ni Sehun, wala siyang kaaydi-idea sa sasabihin ni Baekhyun sa kanya.
"Ako at ang Chanyeol-hyung mo," sabi ni Baekhyun nang hindi inaalis ang mata niya kay Sehun. "Kami na."
Nakatingin lang si Sehun kay Baekhyun, na para bang nabingi na siya. Nakita niyang gumalaw yung bibig ni Baekhyun, pero parang hindi niya narinig, hindi niya nasundan yung pagsasalita ni Baekhyun.
"Ano?" tanong ni Sehun, baka nagkakamali lang siya ng rinig.
"Sehun," sabi ni Baekhyun nang nakatitig pa rin kay Sehun. "Nagdedate na kami ni Chanyeol."
Huminga nang malalim si Sehun at napapikit siya. Nagdedate na kami ni Chanyeol. Tama ba yung narinig ko?!
"Kayo na ng hyung ko?" sabi ni Sehun, kalmado pa siya.
"Sehun, matagal ko nang gustong sabihin yun sayo. I-ilang beses akong nagtry, ilang beses kong sinubukang sabihin na sayo yung totoo pero, hindi ko masabi. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga kayang sabihin sayo. Pero ngayon, naisip kong kailangan mo nang malaman yung totoo kaya--"
"KELAN PA?" tanong ni Sehun. Alam ni Baekhyun na nagpipigil lang si Sehun ng sarili niya pero galit na siya.
Tumingin na si Sehun sa kanya sa mata at alam ni Baekhyun na nasaktan na talaga niya si Sehun. Sobrang sakit para kay Baekhyun pero wala siyang magawa.
"Kelan mo pa to nililihim sakin, Baekhyun!!?"
Umiwas ng tingin si Baekhyun habang pinipigilan niyang tumulo yung luha niya. "Isang buwan na."
"Isang buwan," sabi ni Sehun tapos napangiti siya, pero sobrang sakit na sa loob loob niya, na parang dinudurog yung puso niya. Sobrang sakit na malamang isang buwan na siyang pinagsisinungalingan ni Baekhyun.
"Ang sakit," sabi ni Sehun na nagpipigil ng luha habang nakaclench fist. "So ako na lang yung may hindi alam! Kaya pala. Kaya pala ganun na lang sila. Kaya pala ganun na lang kayong dalawa ni hyung!!!"
"Sehun, makinig ka sakin, alam kong galit ka dahil sa ginawa ko pero hindi ko naman intensyong--"
"Tumigil ka! Galit na galit ako, Baekhyun! Galit ako sayo! Pinagmukha mo akong tanga! NILOKO NIYO AKO!"
Tumulo na yung luha ni Sehun dahil sa galit niya. Yung pakiramdam na alam niyang may possibility na mangyari yung bagay na kinatatakutan niya, at isang araw yun pala talaga ang totoo. Sobrang sakit talaga, na parang hindi siya makapaniwlang nagawa to ni Baekhyun sa kanya. Hindi siya makapaniwalang may relasyon na si Baekhyun at ang hyung niya. Hindi ko matanggap... Ang sakit sakit.
"Ang sakit, Baekhyun!" sigaw ni Sehun. "Niloko mo ako at pinaasa mo ako!"
Tahimik lang si Baekhyun, humihigpit na yung pagkakagusot niya sa gilid ng damit niya. Gusto niyang magsorry, pero hindi niya maibuka yung bibig niya para magsalita.
"Hindi ko pinansin yung mga pagdududa ko sa inyo kasi naniniwala akong hindi mo ako kayang saktan! Pero ano tong ginawa mo? Sinira mo yung tiwala ko sayo! Pinaasa mo lang ako! Sana Baekhyun, sana sinabi mo na lang agad para hindi na ganito kasakit!" sigaw ni Sehun habang tumutulo na yung luha niya.
"Ang sakit na nga na malamang kayo na ni Chanyeol-hyung! Ang sakit pang malamang nagsinungaling ka sakin!"
"S-sehun," sabi ni Baekhyun na umiiyak na. "Sehun, I'm sorry... H-hindi ko... hindi ko ginusto to. Tinago ko sayo yung totoo kasi ayokong masaktan ka!"
"So sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo!?" galit na sigaw ni Sehun.
"Sinabi mo saking hindi ka pa nakakapagdecide? Pero yung totoo nakapagdecide ka na pala matagal na kasi kayo na ng hyung ko! Shit, Baekhyun! Alam kong alam mong mahal kita kaya binigyan mo ako ng chance pero ang tanga ko kasi umasa ako sayo! Tapos ito pala yung ibibigay mo sakin!? ITO BA YUNG CHANCE NA SINASABI MO!? NAGPAPATAWA KA BA!!!?"
Kung pwede lang sanang takpan ni Baekhyun yung tenga niya para hindi siya masaktan sa mga sinasabi ni Sehun, nagawa na niya kanina pa. Pero alam niyang mas nasasaktan ngayon si Sehun kesa sa kanya kaya natahimik na lang si Baekhyun.
"So ano yung mga pinapakita mo sakin? Kaya ka ba ganito sakin, Baekhyun kasi nagiguilty ka sa ginawa mo!? Ano, naaawa ka ba sakin!? SABIHIN MO! KAYA MO LANG AKO PINAGBIGYAN KASI NAAAWA KA SAKIN!"
"S-sehun, hindi ganun yun! Nagkakamali ka!"
"Masaya ka ba, ha!? Masaya ka bang niloko mo ako!!?" nasasaktang tanong ni Sehun. Tumunghay si Baekhyun kay Sehun at nakita niya yung galit na mata ni Sehun na nakatitig lang sa kanya.
"Siguro natutuwa ka, ano!? Na wala man lang akong kaalam-alam sa nangyayari sa inyo ni Chanyeol-hyung!!!" sigaw ni Sehun kay Baekhyun.
"Na kapag wala ako, hindi ako nakatingin at habang tulog ako, SINASAMANTALA NIYO NAMAN YUNG PAGKAKATAONG MAGLANDIAN SA LIKOD KO! NA TUWANG TUWA PA KAYONG--"
Pak!
Napatigil si Sehun sa pagsasalita niya nang naramdaman niya yung masakit na sampal ni Baekhyun sa pisngi niya. Sinampal siya ni Baekhyun.
Nagulat rin si Baekhyun sa ginawa niya, nanginginig yung kamay niya na parang hindi siya makapaniwalang sinampal niya si Sehun ngayon lang. Nag-aalala siyang lumapit kay Sehun pero lumayo si Sehun sa kanya.
"S-sehun, h-hindi ko sinasadya. S-sorry, nabigla lang ako. Hindi ko na naisip yung ginawa ko kaya--"
Nakatitig lang si Sehun nang gulat na gulat dahil ngayon lang siya sinaktan ni Baekhyun nang ganito. Hindi pa siya kahit kelan sinaktan ni Baekhyun. Ngayon lang.
"Sehun, please..."
"Wag kang lalapit sakin. Ayoko nang makita yang pagmumukha mo."
Lumayo si Sehun kay Baekhyun na parang kinamumuhian niya ang babysitter niya, tapos tumakbo na siya at tumawid sa pedestrian lane.
"SEHUN!!!" sigaw ni Baekhyun. Tumawid rin siya sa kalsada para sundan si Sehun, pero napatigil siya sa pagtawid nang biglang may bumusinang kotse sa tabi niya. Nagulat siya sa busina pati na rin dahil muntik na siyang mabangga, kaya walang nagawa si Baekhyun kundi umatras na lang pabalik sa waiting shade.
"SEHUN!!!" malakas na sigaw ni Baekhyun habang umiiyak na siya, nakatingin lang siya kay Sehun na lumalayo papunta sa kung saan sa kabilang kalsada. Gustong gusto niyang habulin si Sehun.
"S-sehun.." sabi ni Baekhyun habang humihikbi. "I'm sorry..."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro