CHAPTER 4
*
4
"Teka! Ang bilis mong maglakad, wait Se-- hoy!"
Sinundan ni Baekhyun si Sehun sa isa pang boutique habang bitbit niya ang maraming paperbag sa kamay at braso niya. "Sandali lang!"
"Bilisan mo kasi!"
Nilapag na ni Baekhyun ang mga pinamili ni Sehun nang makapasok sila sa loob. "Ang dami mo nang pinamili ah, ano pa bang bibilhin mo dito?!"
"Pumili ka ng kahit anong gusto mo."
"Ha?"
"Pumili ka ng damit na gusto mo."
"Ayoko! Wala akong dalang pera ngayon. Next time na lang ako magshoshopping."
Napairap na lang si Sehun. "Ako ang magbabayad."
"Talaga?!"
"Oo nga."
"Hindi ba yan ibabawas sa sweldo ko?"
"Hindi."
"Salamat!" Niyakap niya si Sehun. "Thank you!"
"Ugh, bitawan mo ako. Shit."
"Words. Sehun. Words."
Nginitian ni Baekhyun ang alaga niya habang ipinapahawak niya kay Sehun ang mga paperbag.
"Bilisan mo lang kundi iiwan kita dito."
"Yes, Sir!"
Dahil sino ba naman si Baekhyun para tumanggi sa libre.
*
"At saan mo naman ninakaw yan?" tanong ni Jongdae sa kabigan na nagsusukat ng bago niyang hoodie.
"Grabe ka naman, Jongdae. Ganun na ba ako kahirap na kapag may bago akong damit laging nakaw? Psh."
"Seryoso, saan galing yan? Wala ka ngang pang-ambag sa renta tapos bumili ka pa ng damit."
"For your information, bigay to. Bigay," sabi ni Baekhyun habang sinusuot naman ang bago niyang pants. "Libre to at wala akong ginastos kahit isang kusing."
"At sino naman ang manlilibre sayo?"
"Si Sehun."
"Yung kapatid ni Chanyeol? Nilibre ka ng kapatid ni Chanyeol?"
"Oo! Ano naman ngayon?"
Napailing si Jongdae. "Nung una, hinatid ka ni Chanyeol. Ngayon naman, pinagshopping ka ni Sehun."
"....so?"
Tinitigan siya ni Jongdae at di mawari ni Baekhyun kung ano ang nasa isip niya.
"So, nakajackpot ka!"
"Ha?! Anong jackpot? Ang malas ko kaya! Lagi na lang akong kinakawawa ng magkapatid na yun."
"Ipagpatuloy mo lang yan, Baek," sabi ni Jongdae sabay tapik sa balikat niya. "Yayaman na tayo pag naging boyfriend mo ang isa sa kanila!"
"Ha-ha-ha. Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"Papasalamatan mo rin ako balang araw. Hahahaha!"
*
"San ka galing? Gabi na ah," tanong ni Chanyeol sa kakauwi lang na si Sehun. "Hindi ka pa nagpaalam."
"Pumunta ako sa mall."
"Kasama mo si Jongin?"
"Si Baekhyun ang kasama ko, hyung."
"Si Baekhyun? Day off ni Baekhyun ngayon."
"Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Sinabi kong samahan niya ako sa mall."
"Tapos?"
"Tapos nanood kami ng sine."
Tiaasan ng kilay ni Chanyeol ang kapatid niya na parang nagdududa. Umiwas lang ng tingin si Sehun.
"...at?"
"At nagshopping. At kumain. Tapos wala na."
"Hmm, okay."
"Bat ka ganyan makatingin?"
"Interesado ka ba sa babysitter mo?"
"Anong klaseng tanong yan? Matutulog na ako!"
Pumasok na si Sehun sa kwarto niya sabay sara ng pinto sa mukha ng hyung niya.
"Sehun! Ibabawas ko sa allowance mo ang ginastos mo ngayon!"
"Whatever!"
*
Lunes.
Pagkapasok ni Baekhyun sa gate ng mansion ay sinalubong siya ng nakangiting si Yixing.
"Yo! Baek~!"
"Yo! Hyung~! Kamusta ang bakasyon mo?"
"Okay lang, masaya. Parang gusto ko na ngang magstay sa China kundi lang dahil kay Chanyeol."
"Edi iwan mo na lang siya."
"Ano, para masolo niyo ang isa't-isa?"
Namula si Baekhyun habang tumatawa nang pilit. "Nakakatawa."
Pagkapasok niya ng living room ay nakita niya agad si Sehun sa dining room na kumakain ng almusal. Tumayo ito at lumapit sa babysitter niya.
"Bakit ngayon ka lang? Hindi ka nagluto ng almusal. Tingnan mo, ramen ang kinain ko!"
"Kailangan mo ring makatikim ng ramen kahit minsan, Sehun!"
"Laging ramen ang kinakain ko no. Ngayon na lang ulit ako nakakain ng totoong pagkain simula nung dumating ka."
Natigilan si Baekhyun sa sinabi ni Sehun habang nakatitig lang sa kanya si Sehun, naghihintay ng sagot. Magsasalita na sana si Baekhyun nang dumaan si Chanyeol galing second floor. Nagbow agad siya.
"Good morning, Sir Chan--"
"Good morning."
At nilampasan na siya ni Chanyeol nang di man lang tumitingin. Napangiti si Baekhyun. Wow, medyo hindi ako sinungitan ngayong umaga. Good mood kaya siya?
"Hoy! Kinakausap kaya kita!"
"Ha? Ah, oo nga. Gusto mong ipagluto kita ng breakfast? Ano bang gusto mong kainin?" sabi ni Baekhyun habang pumupunta ng kitchen. Sinuot niya ang apron niya habang nakasunod si Sehun sa kanya na parang tuta.
"So, anong gusto mong iluto ko?"
"Gusto ko ng bacon. Maraming bacon."
-
Kanina pa napapatingin sa rear-view mirror ng sasakyan si Chanyeol habang nagdadrive. Mukha yatang masyadong nag-eenjoy sa paglalaro ng Ipad si Baekhyun at Sehun na halos magsigawan sila kahit magkatabi lang sa backseat ng kotse.
"Tamaan mo! Ayan! Ayan! AYAN NA!"
"Mm! Mm! Mamatay ka na! Mamatay ka n-- ah! Kinagat ako!"
"Ang bobo mo naman, dapat umiwas ka kas-- ayan pang isa, Baekhyun! Sige patayin mo na!"
"Ayan na siy-- aah!!! HAHAHAHA! Nabaril ko yung zombie sa mata!"
"Magfocus ka, sa likod mo!
"Aaahhh! Sehun, nakakapressure naman to!"
Bumuntong hininga si Chanyeol. Mga isip bata. Well, bata pa naman si Sehun. Pero si Baekhyun? Ano ba naman yan, sana kahit papano, umakto siya sa edad niya. Napairap si Chanyeol.
"Nandito na tayo. Sehun, tama na yan. Pumasok ka na."
May 'awww' na galing kay Baekhyun na parang nanghihinayang samantalang sinipa naman ni Sehun ang sandalan ng upuan.
"Pasok na, malelate ka na," sabi ni Chanyeol sa nakasimangot na si Sehun. "Nasa gate na si Jongin, hinihintay ka."
"Ayokong pumasok, hyung. Dito na lang ako."
"At bakit naman, ha? Pumasok ka na, dali. Baba na."
"Ayoko ngang pumasok!"
"Pumasok ka!"
"Ayoko!"
"BUMABA KA NA AT PUMASOK KA, PARK SEHUN."
"AYOKO!"
"Sehun," sabi ni Baekhyun. "Sundin mo ang hyung mo. Pumasok ka na sa school, okay?"
"Ayoko nga eh, ang kulit mo rin."
"Bakit ayaw mong pumasok?"
Kinagat ni Sehun ang labi niya habang nakatingin siya sa labas ng kotse, kay Jongin na naghihintay sa may gate.
"Nag-away ba kayo ni Jongin?"
Umiling si Sehun.
"May masakit ba sayo?"
Umiling ulit siya.
"Eh ano?"
Tiningnan niya si Baekhyun na mukhang nag-aalala sa kanya at sa hyung niya na mukhang naiinis na sa kanya. Umiwas siya ng tingin.
"Wala," sagot ni Sehun, walang ekspresyon ang mukha. "Papasok na ako."
Kinuha ni Sehun ang bag niya nang tahimik at lumabas na ng kotse nang di man lang nagpapaalam. Papaandarin na sana ni Chanyeol ang sasakyan nang biglang bumaba si Baekhyun at hinabol si Sehun na mabagal na naglalakad papasok ng school.
"Sehun-ah!" tawag ni Baekhyun.
Lumingon si Sehun at tumigil sa paglalakad. Ngumiti sa kanya ang babysitter niya kaya umiwas si Sehun ng tingin.
"Bat moko sinundan?"
"Mamaya," sabi ni Baekhyun nang nakangiti pa rin. "Maglalaro ulit tayo. Kaya wag ka nang malungkot, okay? Hihintayin kita pagdating mo."
Umalis na si Baekhyun matapos niyang tapikin ang braso ng nakatulalang si Sehun. Pinanood ni Sehun na makaalis ang kotse bago siya ulit maglakad papasok sa school.
"Sehun!" tawag ni Jongin. "Kanina pa kita hinihint-- aba teka, parang ang ganda ng ngiti mo ngayon ah? Nagliliwanag ka, dude."
"Loko," sagot ni Sehun. "Pumasok na nga tayo. Salamat sa paghihintay."
"Tama ba yung dinig ko? Nagpapasalamat ka?! Grabe, nagbago ka na talaga! Dahil ba yan sa kanya? Iba na talaga pag inspired!"
Natawa si Sehun sabay akbay sa kaibigan. Sinakal niya ang leeg ni Jongin. "Ikaw! Isa pang daldal mo, hindi ka na masisikatan ng araw!"
*
"Bakit mo ginawa yun!? Paano kung nasagasaan ko ang paa mo! Bigla ka na lang bumababa!"
"Sorry, Sir. Hindi na po mauulit. May sinabi lang ako kay Sehun."
Bumalik na sa pagdadrive si Chanyeol samantalang tahimik na nakatanaw sa bintana si Baekhyun. Nagtaka siya nang lampasan nila ang bus stop na kalimitang pinagbababaan sa kanya ng amo niya.
"Bakit po-- yung bus stop."
"Ihahatid na kita pabalik," sabi ni Chanyeol. "May time pa naman ako."
Tumango lang si Baekhyun nang tahimik habang nakasulyap si Chanyeol sa kanya sa rear-view mirror.
"Sabi kong wag mo na akong i-po at wag mo na akong i-sir. Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Pinapatanda mo ako lalo."
"H-hindi... ako sanay."
"Pwes, sanayin mo. Kung magtatrabaho ka para sakin, dapat sundin mo ang gusto ko. Naiintindihan mo ba?"
Napalunok si Baekhyun habang nakayuko. "O-opo, Sir, este. Chanyeol pala."
"Good." Napangiti si Chanyeol habang tinitingnan ang babysitter sa salamin.
Kung tititigan mo nang mabuti si Baekhyun, sabi ni Chanyeol sa isip niya, na kahit medyo maliit siya at mukhang babae sa unang tingin, gwapo siya kahit papano. Bakit kaya nag-apply to na babysitter kung pwede naman sa itsura niya ang mas maayos na trabaho?
"Ch-chanyeol?"
"Bakit?"
"Pwede mo nang... paandarin yung kotse. Green na ang trafficlight."
"Ugh, shit," bulong ni Chanyeol sabay paandar ng kotse nang mabilis nang marinig niya ang malakas na busina ng mga sasakyan sa likod niya.
"Ano ba! Ang bilis mo namang magdrive! Muntik na akong sumubsob!"
"Edi sana humawak ka, kasalanan ko ba kung patpatin yang katawan mo."
"May abs ako, hindi ako patpatin! Sexy ako!"
"Wala akong interes makita."
At biglang naimagine ni Chanyeol si Baekhyun na may abs sa isip niya. Natawa siya. Hindi yata bagay. Teka, ano ba tong iniisip ko?
"Chanyeol, my pink na truck!"
"Nakikita ko, hindi ako bulag!"
"Wala lang. Sinasabi ko lang."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro