CHAPTER 39
*
39
"Pasensya ka na kung... dito lang kita dinala," sabi ni Chanyeol habang nagkakamot ng batok. "First date natin tapos sa ganitong lugar lang tayo kumain... Hindi kasi ako nakapagpareserve sa Provence nang maaga kaya naubusan ng--"
"Chanyeol," sabi ni Baekhyun habang nginunguya ang samgyopsal niya. "Okay lang sakin kahit saan mo ako dalhin. Hindi naman ako mapili eh. Basta ang mahalaga," tinuro niya si Chanyeol gamit ang mamantikang chopsticks niya, "Masarap yung pagkain... Yum."
Napangiti si Chanyeol. "Akala ko ang sasabihin mo, 'Basta ang mahalaga, kasama kita."
"Pangalawa lang yun sa dahilan," sabi ni Baekhyun sabay wink. "Yah, busog na ako. Umuwi na tayo."
Napatingin si Chanyeol sa tatlong bowl at dalawang plato sa tapat ni Baekhyun na wala nang kalaman-laman, tapos sa mukha ni Baekhyun na nakatitig lang sa kanya.
"Bakit?"
"Hindi ko akalaing kaya mo palang umubos ng ganyan karaming pagkain. Ang takaw mo, saan mo ba nilalagay yung mga kinakain mo eh ang liit lang naman niyang katawan mo?"
"Napupunta lahat dito," sabi ni Baekhyun nang nakangiti sabay pat sa hita niya. "Sa legs ko."
Nakatitig lang si Chanyeol.
"Kung mapapansin mo, Chanyeol, maganda at makinis talaga ang legs ko," sabi ni Baekhyun habang ginagalaw sa hangin yung kamay niya na shape ng legs. "Parang pambabae."
Napalunok si Chanyeol.
"Tapos dito naman dumedertetso lahat ng kinakain kong carbs," sabi ni Baekhyun at tumayo siya. Pinat niya naman ang butt niya. "Kaya ganito na lang kaganda ang likuran ko."
Umubo si Chanyeol.
"Baekhyun," sabi ni Chanyeol nang nakaiwas na ang tingin. "Wag mo na ulit gagawin yun."
"Bakit?" tanong ni Baekhyun tapos umupo na siya. "Tinatanong mo kung saan napupunta yung kinakain ko diba."
"Pwede mo namang iexplain na lang. Bakit kailangan mo pang," sabi ni Chanyeol nang nakataas ang kilay. "Idemonstrate? Pano kung si Yixing ang nagtanong ng: 'Baekhyun san napupunta yung kinakain mo?' Ganyan din ba ang gagawin mo?!"
"At bakit napunta na naman kay Yixing-hyung ang usapan?" tanong ni Baekhyun. Bigla niyang naalala si Yixing at yung pag-uusap nila kanina kaya nalungkot nanaman siya.
"Alam mo naman kasi na--"
Magdadahilan na dapat si Chanyeol pero napatigil siya nang makita niya yung mukha ni Baekhyun na malungkot.
"May problema ba?" tanong ni Chanyeol. "Bat parang bigla kang nalungkot?"
"Chanyeol, pakiramdam ko galit sakin si Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Hindi siya tumitingin pag kinakausap ko siya... Saka parang iniiwasan niya rin ako."
"Baka naman... may ginawa kang kinaoffend niya."
Bumuntong hininga si Baekhyun. "Baka nga siguro. Magsosorry na lang ako."
"Alam mo, masyado ka kasing... Naive."
"N-naive?" tanong ni Baekhyun habang nakatagilid ang ulo niya sa kanan. "Anong ibig sabihin nun?"
"Tss, isearch mo na lang sa Naver para malaman mo," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. Inabot niya yung kamay ni Baekhyun na nakapatong sa ibabaw ng table.
"Wag ka na ngang malungkot jan. Gusto ko masaya ka pag kasama mo ako," sabi ni Chanyeol tapos pinatong niya yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Baekhyun. "At gusto ko, wala nang ibang lalaking nasa isip mo kundi ako lang, okay?"
Ngumiti si Baekhyun at tumango siya kahit na namumula na siya. "Okay. Dahil lang nakiusap ka nang maayos."
Natawa lang si Chanyeol. "Grabe ka."
Dumating na ang ahjumma para kunin ang bayad nila. Si Chanyeol ang nagbayad ng kinain nila kahit pinilit ni Baekhyun na hati sila.
"Sa susunod, ako ang magbabayad," sabi ni Baekhyun habang nakatingala kay Chanyeol sa tabi niya. "Ayoko nang nililibre mo ako... Pakiramdam ko tuloy ako na lang lagi yung tumatanggap. "
"Fine, ikaw ang magbabayad. Sa restaurant sa Gangnam tayo kakain."
Sumimangot lang si Baekhyun. "Bakit kailangang dun pa, pwede bang dun na lang ulit sa kinainan natin..."
Ngumiti na lang ulit si Chanyeol. Bakit ba kasi ang cute talaga ng nilalang na to.
"Sige na nga. Dahil lang nakiusap ka nang maayos."
Naglalakad sila ngayon sa Myeongdong street kasabay ng maraming taong busyng busy sa mga sarili nilang buhay. Maraming ilaw at maraming tao pero para kay Chanyeol, si Baekhyun lang yung nakikita niya, si Baekhyun lang yung pinakamahalaga.
Nang narealize ni Chanyeol yung iniisip niya, napangiti na lang siya. Sobrang korni ko, ganito ba talaga pag inlove?
"Chanyeol," sabi ni Baekhyun sabay hila sa laylayan ng coat ni Chanyeol. "Red na yung traffic light! Tumawid na tayo."
Tumawid sila sa pedestrian lane. Hinila ni Chanyeol si Baekhyun palapit sa kanya para hindi ito mabangga ng mga taong nakakasalubong nila.
"Wag kang lalayo sakin," bulong ni Chanyeol sa tenga ni Baekhyun. "Baka mawala ka nanaman."
"Hindi ako mawawala," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Kasi nahanap mo na ako."
"Kakalimutan kong nagpick up line ka sakin," sabi ni Chanyeol sabay irap. Hinila niya ulit si Baekhyun nang makatawid sila sa kabilang kalsada.
Nagpout lang si Baekhyun. "Uuwi na ba tayo?"
"Hindi pa. May puputahan pa tayo."
Nakarating sila sa kotse ni Chanyeol. Pinagbuksan ni Chanyeol si Baekhyun ng pintuan at sumakay naman si Baekhyun. Sumakay rin si Chanyeol sa driver's seat pagkatapos.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi sumagot si Chanyeol, nakangiti lang siya habang nagdadrive.
*
"Ang ganda talaga dito," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa ilog na kumikinang sa harap nila. "Gusto ko talagang pumunta dito kasama ng taong hindi si Jongdae."
Napangiti si Chanyeol. "Bakit? Si Jongdae na lang ba lagi ang kasama mong pumupunta sa Han River?"
Tumango si Baekhyun habang nakangiti rin tapos tumingin siya kay Chanyeol sa tabi niya. "Nakakasawa na."
"Hindi ka pa ba nakakapunta dito kasama ng ibang tao bukod samin ni Jongdae?" tanong ni Chanyeol tapos umiwas siya ng tingin. "Halimbawa na lang... yung uhm, mga naging dati mong--"
Umiling si Baekhyun nang mabilis habang nakayuko. "H-hindi ako... sumasama sa kanila."
"So, bakit sumama ka sakin?"
Natawa si Baekhyun. "Hindi mo naman kasi sinabing dito tayo pupunta."
"Kung... sinabi ko bang dito tayo pupunta, sasama ka sakin?"
Tumango si Baekhyun nang dahan dahan habang nakayuko pa rin siya. Napangiti naman si Chanyeol nang malapad na parang nanalo siya sa lotto.
"So ako pala yung taong tinutukoy mo," bulong ni Chanyeol, mahina lang para hindi marinig ni Baekhyun. "Na gusto mong makasama na hindi si Jongdae..."
"Oo," sagot ni Baekhyun, narinig niya si Chanyeol dahil hindi talaga marunong bumulong si Chanyeol nang mahina. "Ikaw nga yun."
Natahimik na lang si Chanyeol. Ang swerte ko pala talaga kung ganun, Baekhyun.
"Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?" tanong ni Chanyeol.
"Bakit?"
"Gusto kong makita ang sunset kasama ka," sabi ni Chanyeol. Hinanap niya sa baba yung kamay ni Baekhyun, at nung makapa na niya, hinawakan niya ito.
"Nakita na natin ang sunrise nang magkasama. Kaya ngayon, yung sunset naman," sabi ni Chanyeol tapos tumingin siya kay Baekhyun. "Para kumpleto."
Nakatitig lang si Chanyeol sa taong nasa tabi niya, nakatingin naman si Baekhyun sa langit na orange sa harap nila. Hinahangin yung bangs ni Baekhyun at halata yung pamumula ng pisngi niya kahit medyo madilim na.
Ang ganda mo kahit saang anggulo, Baekhyun. Pero alam mo ba kung ano yung pinakagusto ko sayo?
Tumingin si Baekhyun kay Chanyeol tapos ngumiti siya.
Yung eyesmile mo. Yung mata mo na hugis crescent pag ngumingiti ka.
Tumawa si Baekhyun habang nakatingin pa rin si Chanyeol sa kanya.
At yung tawa mo. Na parang musika sa pandinig ko.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Baekhyun tapos sinway niya nang mabagal yung kamay nilang magkahawak.
"I love you," sabi ni Chanyeol nang seryoso. "Yan, nagsalita na ako."
Ngumiti lang si Baekhyun habang namumula pa rin siya, at pinisil niya yung kamay ni Chanyeol na hawak niya.
Sabay nilang pinanood na lumubog yung araw hanggang sa unti-unti nang dumilim nang tuluyan ang buong paligid, magkaholding hands pa rin sila.
"Alam mo ba kung bakit pa kita dinala dito?" tanong ni Chanyeol.
"Bakit?" tanong ni Baekhyun na medyo nagtataka. "May dala ka bang singsing? Magpopropose ka ba sakin?"
"Actually meron," pabirong sabi ni Chanyeol kaya nagulat si Baekhyun. "Pero ngayong alam mo na, hindi ko na ibibigay sayo."
"Yah! Wag ka ngang magbiro nang ganyan," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Magpopropose ka talaga!?"
"Hindi, ano ka ba," sabi ni Chanyeol habang nakangiti. " Binibiro lang kita. Darating tayo jan, okay? Wag kang magmadali."
"Tss, sino bang may sabi sayong papakasalan kita," sabi ni Baekhyun sabay irap.
"So bakit ka nakikipagdate sakin kung hindi mo naman pala ako papakasalan!?" sabi ni Chanyeol nang naiinis. "May balak ka palang magpakasal sa iba."
"Sa ngayon, hindi ko pa iniisip yung mga ganung bagay, Chanyeol."
"Wala ka naman kasing isip," sabi ni Chanyeol nang naiirita. "Bakit ba ako nagkagusto sa isang tulad mo."
"Kakasabi mo lang na mahal mo ako tapos ngayon parang sinusumpa mo na ako," sabi ni Baekhyun na kunwari ay malungkot. "Hindi ka seryoso sakin, Chanyeol."
"Ano? Hindi ako seryoso sayo?" tanong ni Chanyeol. "Alam mo ba kung bakit kita dinala dito?"
"Bakit?"
"Ipapakilala kita sa parents ko," sabi ni Chanyeol nang seryoso habang nakatanaw sa Han River. "Dito sinaboy yung abo nila nung namatay sila..."
Natigilan si Baekhyun, pakiramdam niya may nasabi siyang hindi tama. Naguilty siya sa sinabi niya kanina, at parang gusto niya ring maiyak dahil sa sinabi ni Chanyeol sa kanya.
"Namatay ang parents namin two years ago dahil sa car accident," sabi ni Chanyeol. "Simula nun... hindi na ulit ako bumalik sa lugar na to, kasi masakit pag naaalala ko sila. Na kapag iniisip ko pa lang na pumunta dito, nasasaktan na ako. Parang bumabalik ulit sakin yung memory na iniwan na nila kami ni Sehun."
Ngayon lang nakita ni Baekhyun si Chanyeol na ganito, at ngayon lang din niya narinig si Chanyeol na magsalita tungkol sa mga magulang niya. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga ganun kakilala si Chanyeol, at gusto ko pa siyang makilala nang lubusan.
"Sabi ko noon, babalik ako dito kapag masaya na ako at kapag gumaling na yung sugat sa puso ko," sabi ni Chanyeol tapos tumingin siya kay Baekhyun.
"At ngayon na yun, ngayong nakilala na kita sa buhay ko, Baekhyun."
Nakatitig lang si Baekhyun kay Chanyeol, pinipigilan niyang umiyak dahil sa saya at halo-halong nararamdaman niya.
"Eomma, Appa kamusta na kayo?" sabi ni Chanyeol sa hangin nang nakangiti na parang kaharap lang nila ang parents ni Chanyeol. Dun na tumulo ang luha ni Baekhyun.
"Okay lang naman po ako. Si Sehun nga pala, magkacollege na."
Pinunansan ni Baekhyun ang luha niya, dahil masakit lang na naririnig niyang kinakausap ni Chanyeol ang parents niya sa hangin.
"Kasama ko po si Baekhyun," sabi ulit ni Chanyeol tapos hinawakan niya sa ulo si Baekhyun. "Siya po yung taong pinakamamahal ko."
"Ch-chanyeol," sabi ni Baekhyun na umiiyak na. "Wag ka namang ganyan, pinapaiyak mo ako!"
"Magbow ka," sabi ni Chanyeol tapos tinulak niya pababa yung ulo ni Baekhyun at sabay silang nagbow.
"Hindi ko siya sasaktan Appa, pangako ko po yan," sabi ni Chanyeol tapos tumingin siya kay Baekhyun nang seryoso. "Dahil pag ginawa ko yun, parang sinaktan ko na rin si Eomma."
Hinarap ni Chanyeol si Baekhyun sa kanya tapos pinunasan niya ang luha nito sa pisngi niya.
"Tahan na, jagiya. Ano ka ba?" sabi ni Chanyeol nang natatawa. "Wag ka nang umiyak."
"Nakaka-huk!-inis ka!" sabi ni Baekhyun habang pinupukpok niya ang dibdib ni Chanyeol. "H-hindi-huk!-mo man lang sinabing-huk!-ipapakilala mo ako sa parents mo..."
Suminghot si Baekhyun. "H-hindi man lang tuloy ako nakapag-ayos."
Natawa si Chanyeol at pinisil niya ang pulang ilong ni Baekhyun.
"Okay lang yun. So pwede na ba tayong umuwi?" sabi ni Chanyeol. Hinawakan niya ulit ang kamay ni Baekhyun.
Umiling si Baekhyun.
"Bakit?" tanong ni Chanyeol. "May gusto ka pa bang gawin?"
Lumapit si Baekhyun kay Chanyeol tapos niyakap niya ito nang mahigpit kaya medyo nagulat si Chanyeol. Nilagay niya yung kamay niya sa likod ni Baekhyun.
"Bakit?" nag-aalalang tanong ni Chanyeol. "May problema ba, Baek?"
"Mahal kita Chanyeol," sabi ni Baekhyun habang nakasubsob siya sa chest ni Chanyeol. "Mahal din kita."
"Yah, anong sabi mo? Hindi ko marinig," sabi ni Chanyeol pero nakangiti na siya nang sobrang lapad na parang gusto na niyang tumalon dahil sa saya. May kinuha siya sa bulsa niya.
"Sabi ko mahal kita," nahihiyang bulong ni Baekhyun sa tshirt ni Chanyeol. "Mahal din kita."
"Ulitin mo. Tumingin ka sa mata ko, Baekhyun."
Tumunghay si Baekhyun sa mukha ni Chanyeol, namumula na ang buong mukha niya.
"Mahal kita, Chanyeol."
Ngumiti si Chanyeol kaya yumuko na lang ulit si Baekhyun para itago ang mukha niya.
"Wag mo nang ipaulit sakin! Nahihiya na talaga ako!"
"Oo na, narinig ko na. Masaya akong marinig yun kahit medyo nadelay," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Masarap pakinggan... Buti na lang... nirecord ko."
"Ano!?" sigaw ni Baekhyun nang nanlalaki ang mata. Lumayo si Chanyeol para iplay sa phone niya ang boses ni Baekhyun.
"Mahal kita, Chanyeol~♪"
"YAH! BURAHIN MO YAN, NAKAKAHIYA!" sigaw ni Baekhyun na parang maiiyak na habang pumapadyak-padyak pa sa kalsada. "Parang-awa mo na! Idelete mo na yan, ngayon na!"
"Sorry pero," sabi ni Chanyeol tapos pinlay niya ulit ang voice record sa phone niya.
"Mahal kita, Chanyeol~♪"
"Hindi ko gagawin yun, kahit magmakaawa ka pa sa harap ko."
Napaluhod na lang si Baekhyun sa kalsada habang nagsisisi kung bakit ngayon niya pa sinabing mahal niya si Chanyeol. Dapat hindi ko na lang sinabi kung mapapahiya rin naman ako!
"ARGHHH!!!! Nakakainis!!! Ugh! Hindi!" sigaw ni Baekhyun.
"Oo," sagot naman ni Chanyeol sabay halkahak nang malakas.
*
Magtatapon na sana si Yixing ng basura sa labas pero napatigil siya. Nakita niya ang kotse ni Chanyeol na kakadating lang. Bumaba si Chanyeol sa kotse at kasunod naman niya si Baekhyun.
Papasok na sana sila sa loob ng mansion nang madatnan nila si Yixing na nakatayo sa harap ng gate, walang emosyon yung mukha niya, nakatingin lang sa kanila.
"Y-yixing-hyung," sabi ni Baekhyun nang nabigla kaya tinanggal niya agad ang kamay ni Chanyeol sa kamay niya. Nakatingin lang din si Chanyeol kay Yixing.
"Wag na kayong mag explain, alam ko na ang lahat," sabi ni Yixing tapos umiwas siya ng tinigin.
"Hindi lang talaga ako makapaniwalang kailangan ko pang malaman na nagdedate na kayo dahil lang nahuli ko kayo," sabi ni Yixing nang nasasaktan. "Ni hindi niyo man lang sinabi..."
"Sorry Yixing," sabi ni Chanyeol. "Alam kong masama yung loob mo kasi naglihim kami sayo."
"Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun. "H-hindi ko sinasasyang magsinungaling sayo. Hindi ko sinabi sayo nung tinanong mo ako kasi... dahil kay Sehun."
"Wala akong karapatang magalit, Baekhyun," sabi ni Yixing nang seryoso. "Desisyon niyo yan at buhay niyo yan. Pero ang hindi ko lang matanggap, bakit kailangan niyo pang manloko. Bakit kailangan niyong magsinungaling sakin? Sino ba ako dito? Wala lang ba ako...dito sa bahay na to?"
"Y-yixing hyung..." sabi ni Baekhyun tapos naglakad siya palapit kay Yixing. "Yun ba yung dahilan kaya ka umiiwas sakin? Hindi ko ginustong hindi sabihin sayo yung tungkol samin ni Chanyeol. Sa totoo lang hyung, gustong gusto ko na talagang--"
"Pumasok na kayo sa loob, may pagkain na. Kanina pa kayo hinihintay ni Sehun," sabi ni Yixing na nakatalikod na sa dalawa. "Pero mukhang busog na kayo. Sana samahan niyo man lang siyang kumain kahit papano."
Aalis na dapat si Yixing pero tinawag siya ni Chanyeol.
"Yixing, may... sinabi ka ba kay Sehun?"
"Wala akong sinabi kung yun ang iniisip mo," sabi ni Yixing na parang hindi makapaniwalang yun pa rin ang inaalala ni Chanyeol. "Sige."
Umalis na si Yixing. Susundan pa sana ni Baekhyun si Yixing pero pinigilan siya ni Chanyeol.
"Hayaan mo muna siya, Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang nakatingin sa papalayong likod ni Yixing.
"Masama pa yung loob niya..."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro