CHAPTER 38
*
38
Pumasok si Chanyeol sa kwarto niya at kasunod niya si Baekhyun. Sinarado ni Baekhyun yung pinto tapos naglakad siya papasok sa loob ng kwarto.
"Narinig ko yung usapan niyo ni Sehun," sabi ni Chanyeol. Nakaupo siya sa unahan ng table niya habang nasa harap naman niya si Baekhyun na nakatayo.
"Hm? Anong usapan?"
"Na... Kapag naipasa ni Sehun ang Sooneung, idedate mo siya," sabi ni Chanyeol at umiwas siya ng tingin. "Kelan niyo pinag-usapan yun? Bakit hindi mo sinabi sakin yung tungkol dun?"
Hindi galit si Chanyeol, nakatingin lang siya kay Baekhyun at naghihintay ng sagot. Nakatingin lang din si Baekhyun kay Chanyeol.
"Nung... isang gabi," sagot ni Baekhyun tapos yumuko siya. "S-sorry kung hindi ko sinabi sayo, sasabihin ko rin naman dapat sayo ngayon, kaso... Narinig mo na pala."
"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sa pagod na boses. "Hindi mo siya pwedeng idate kung," tumigil si Chanyeol at nag-isip siya sandali ng sasabihin niya. Huminga siya nang malalim.
"...kung may relasyon na tayo. Hindi mo naman balak na pagsabayin kami, diba?"
"H-hindi!" sagot ni Baekhyun nang namumula habang umiiling. "H-hindi ko... gagawin yun..."
"Kung ganun, bakit ka pumayag?"
"Hindi ko kayang tanggihan si Sehun," sabi ni Baekhyun. "Ayoko siyang saktan. Hindi ko siya kayang saktan."
"So, anong... gagawin mo?" tanong ni Chanyeol tapos yumuko siya. Humigpit yung pagkakahawak niya sa papel sa kamay niya.
"Makikipaghiwalay ka ba sakin?"
Tahimik lang si Baekhyun habang nakatingin sa sahig. Hindi siya makapagsalita na para bang nabarahan yung lalamunan niya at nawala na yung boses niya.
"Yah," sabi ni Chanyeol tapos tumawa siya pero nanginginig na yung boses niya. "Bakit hindi mo ako sinasagot, Baekhyun? Wag mo naman akong takutin nang ganito."
Lumapit si Chanyeol kay Baekhyun tapos hinawakan niya ang kamay nito. Tumingin sa kanya si Baekhyun na parang maiiyak na siya.
"Wag kang umiyak jagiya, ano ka ba? Tss," sabi ni Chanyeol at ngumiti siya.
"Ano bang gagawin ko?" sabi ni Baekhyun habang pinipigilan niya ang luha niya. "Ayokong makipagbreak sayo, pero ayokong saktan si Sehun... Ano bang gagawin ko?"
"Sabihin mo kay Sehun yung totoo," sabi ni Chanyeol. "Pumunta ka sa date niyo, pero sasabihin mo na sa kanya yung totoo."
"Chanyeol," sabi ni Baekhyun at tumunghay siya kay Chanyeol. "Bakit kailangan pang--"
"Baekhyun, kailangan rin niyang malaman yung totoo kasi masasaktan at masasaktan din siya kahit anong mangyari. Ano ba kasing magagawa ko," sabi ni Chanyeol at tumingin siya nang seryoso kay Baekhyun.
"Kahit ayokong saktan ang kapatid ko... Hindi rin naman ako papayag na ibigay ka sa kanya."
Tinaas ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun tapos dinikit niya sa labi niya yung knuckles ni Baekhyun at kiniss niya ito. Namula si Baekhyun dahil sa ginawa ni Chanyeol.
"Kasi mahal kita..." bulong ni Chanyeol tapos sumimangot siya.
"Kahit na napakaunfair mo kasi hindi mo pa yun sinasabi sakin pabalik."
"S-sasabihin ko rin yun sayo... Pag sigurado na ako, okay?"
Bumuntong hininga si Chanyeol sabay irap pero ngumiti rin siya pagkatapos.
"Fine, bilisan mo kasi naiinip na akong maghintay..." sabi ni Chanyeol pero alam naman ni Baekhyun na nagbibiro lang siya.
Pinatong ni Chanyeol yung ulo niya sa balikat ni Baekhyun, nakayuko siya habang nakatayo si Baekhyun sa harap niya. Inabot naman ni Baekhyun yung buhok ni Chanyeol at nilaro niya ito gamit yung kamay niya.
"Chanyeol."
"Hmm?"
"Gagawin ko yung sinabi mo," sabi ni Baekhyun, mabigat yung ulo ni Chanyeol sa balikat niya pero okay lang. "Sasabihin ko na kay Sehun. Ayokong masaktan siya kasi sa ginagawa ko, pinapaasa ko lang siya lalo..."
"Kung napepressure ka, pwede namang ako na lang--"
"Ako dapat," sabi ni Baekhyun. "Ako dapat yung magsabi sa kanya."
Tumango si Chanyeol habang nakapikit.
"Baek," bulong ni Chanyeol kaya napangiti naman si Baekhyun dahil tinawag siya ni Chanyeol sa nickname niya. Masarap pakinggan.
"Bakit?"
"Pwede bang magstay muna tayo nang ganito?"
"Bakit naman? Hindi ka ba napapagod nang nakatayo?"
Umiling si Chanyeol. "Pagod na akong tumayo," sabi ni Chanyeol.
"Sa totoo lang, pagod na ako, Baekhyun. Pagod na pagod na ako... Sa company, sa mga tao, sa mundo sa labas ng kwarto ko," bumuntong hininga si Chanyeol, "Pero pag nandito ka na, nawawala lahat ng pagod ko."
Ngumiti si Baekhyun kahit na sobrang namumula na siya. "Parang stress-reliever?"
"Parang-stress reliever," sabi ni Chanyeol. "My own personal stress-reliever."
"Okay," sabi ni Baekhyun tapos niyakap niya si Chanyeol sa waist. "Yah, hindi ko to gagawin palagi kaya wag mo namang masyadong pahirapan yung sarili mo. Nag-aalala ako sayo..."
"Sweet," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Baek, nilock mo ba yung pinto?"
"Bakit ko naman ilolock?"
"Baka makita tayo ni Sehun o kaya ni Yixing?"
Umirap si Baekhyun habang nakangiti at humiwalay siya sa yakap. "Fine, ilolock ko na."
Naglakad si Baekhyun sa pinto at nakita niyang bukas ito nang konti. Sinara ko ba to kanina?
Sumilip siya sa labas at nakita niyang wala namang tao sa hallway kaya hinayaan na lang niya ito tapos sinara na niya yung pinto sabay pindot ng lock.
"Baekhyun! Nagvideo call si eomma, dalian mo!" sigaw ni Chanyeol.
"Oo, eto na!" sigaw ni Baekhyun. Tinawag niya bang eomma ang eomma ko? Tss. Napangiti na lang si Baekhyun.
*
"Mag-iingat ka, okay? Magtext ka kapag kailangan mo ng sundo. Balitaan mo ako kung anong nangyari sa application mo sa SNU," sabi ni Baekhyun. Tumango si Sehun habang nakangiti.
Tumakbo si Yixing sa may pinto tapos inabot niya agad yung lunchbox kay Sehun.
"Oh ito," sabi ni Yixing. "Wag kang magpapalipas ng gutom. Ubusin mo lahat ng laman nito, okay?"
Tumango si Sehun tapos nilagay niya sa loob ng backpack niya yung lunchbox.
"At ito pa!" sabi ni Baekhyun sabay bigay kay Sehun ng payong. "Uulan mamaya! Kailangan laging prepared. Wag kang magpapaambon!"
"Magfocus ka lang nang mabuti sa exam, hihintayin ka namin dito! Fighting!" sigaw ni Yixing habang nakaclench fist.
"Fighting, Sehunnie!" sigaw din ni Baekhyun.
Sumimangot si Sehun. "Yah, yah, yah! Wag nga kayong ganyan, naiiyak ako! Para kayong si Eomma at Appa... Namimiss ko tuloy sila."
"Aawwww," sabi ni Yixing at niyakap niya si Sehun. "Wag ka nang magdrama. Papangit ka lalo."
"Wag mo nga akong asarin, Yixing-hyung!"
Bumaba si Chanyeol ng hagdan kaya napatingin ang tatlo sa kanya. Ngumiti siya kay Sehun habang lumalapit siya sa kapatid niya.
"Hyung," sabi ni Sehun nang nakapout. "Gagalingan ko. Hindi kita ididisappoint. Makakapasok ako sa SNU gaya ng pinangako ko sayo."
"Sige ba, aasahan kita," sabi ni Chanyeol at pinat niya ang ulo ng kapatid niya. "Galingan mo, Sehunnie."
Tumango si Sehun sa hyung niya habang nakatingin lang si Baekhyun sa kanila, hindi niya maiwasang hindi mapangiti.
"Aalis na ako," sabi ni Sehun tapos nagbow siya nang ninety degrees sa harap ng tatlong mga mas matatanda sa kanya.
"Salamat po sa pag-aalaga niyo sakin. Pagbubutihin ko po. Hindi ko po kayo bibiguin."
Yumuko si Baekhyun para itago yung tears of joy niya samantalang si Yixing naman nakangiti lang nang malapad. Nakatayo lang si Chanyeol habang nakangiti rin.
"Yaaaah," sabi ni Yixing na parang hindi makapaniwala. "Si Sehun gumagalang sa mga hyung niya. Sige na, Hunnie, tumunghay ka na."
Tumunghay si Sehun tapos ngumiti ulit siya. Nagpaalam na siya bago siya lumabas ng mansion at hinatid naman siya ni Yixing sa gate.
"Yah, bakit ka umiiyak?" tanong ni Chanyeol sa boyfriend niya. Nakayuko lang si Baekhyun habang umiiyak nang tahimik.
"Masaya lang ako na malungkot," sagot ni Baekhyun. "Malaki na si Sehun. Nagmatured na talaga siya at iniintindi niya na yung future niya... College na ang baby ko. Hindi na siya baby. Dadating rin sa point na... hindi na niya ako kailangan... Hindi na niya kailangan ng babysitter."
Natawa si Chanyeol tapos hinawakan niya yung cheeks ni Baekhyun.
"Walang magbabago, wag kang malungkot okay? Siya pa rin si Sehun na inalagaan mo at aalagaan mo kahit malaki na siya," sabi ni Chanyeol at inangat niya ang mukha ni Baekhyun. "Hindi ka aalis dito kung yun yung inaalala mo. Kailangan ka namin dito, kahit magstay ka na nga dito nang matagal na matagal eh."
"Talaga?" sabi ni Baekhyun habang kinukusot ang mata niya.
"Talagang talaga," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Oh wag na iyak ang baby ko~"
"Yah! Wag mo nga akong gamitan ng baby talk!"
Napatigil si Yixing nang makita niya si Chanyeol at Baekhyun. Kahit gusto niyang pumasok at magpanggap na wala siyang nakita at okay lang sa kanya ang lahat, hindi niya pa rin magawa. Nagtago muna siya sa likod ng pader habang hinihintay niyang umalis ang isa sa kanila. Alam niya kasi na pag pumasok siya, baka maging awkward at ayaw niyang mangyari yun.
Narinig ni Yixing na umakyat na ulit sa second floor si Chanyeol samantalang bumalik na si Baekhyun sa pagpupunas niya ng mga baso sa kusina. Pumasok na si Yixing sa living room at binuksan niya ang TV para madistract siya, dahil hindi pa rin siya nakapaniwala sa nalaman at nakita niya.
/flashback kahapon ng umaga/
Hawak ni Yixing ang package ni Baekhyun galing sa eomma niya. Siya ang nagreceive ng package dahil nasa taas si Baekhyun, naglilinis ng kwarto ni Sehun at ayaw naman ni Yixing na pababain pa si Baekhyun.
"Parang babasagin yata to," sabi ni Yixing habang umaakyat ng hagdan.
Papasok na sana si Yixing sa kwarto ni Sehun nang may marinig siyang boses sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Chanyeol. Boses yun ni Baekhyun at ni Chanyeol.
Dahil curious siya, lumapit siya sa kwarto. Narinig niya na nag-uusap si Baekhyun at Chanyeol at mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Ayaw mang makealam ni Yixing, tinalo siya ng curiosity at pagdududa niya kaya binuksan niya yung pinto ng kwarto at sinilip niya yung nasa loob.
"Baek," narinig ni Yixing na bulong ni Chanyeol kay Baekhyun. Nakita niyang nakasandal yung ulo ni Chanyeol sa balikat ni Baekhyun.
Nakatingin lang si Yixing, humigpit yung pagkakahawak niya sa doorknob.
"Bakit?"
"Pwede bang magstay muna tayo nang ganito?"
"Bakit naman? Hindi ka ba napapagod nang nakatayo?"
"Pagod na akong tumayo. Sa totoo lang, pagod na ako, Baekhyun. Pagod na pagod na ako... Sa company, sa mga tao, sa mundo sa labas ng kwarto ko. Pero pag nandito ka na, nawawala lahat ng pagod ko."
"Parang stress-reliever?"
"Parang-stress reliever. My own personal stress-reliever."
"Okay," sabi ni Baekhyun tapos niyakap niya si Chanyeol sa waist.
At dun na nalaman ni Yixing na tama nga ang hinala niya nung una pa lang. Na nagdedate na nga si Chanyeol at Baekhyun. So sila na pala.
Masakit kay Yixing, sobra. Kahit alam naman niyang malaki ang possibility na mangyari yun, masakit pala talaga na makita mismo ng dalawang mata niya na yung taong gusto niya at yung kaibigan niya ay magkayakap nang ganito.
"Yah, hindi ko to gagawin palagi kaya wag mo namang masyadong pahirapan yung sarili mo. Nag-aalala ako sayo..."
"Sweet. Baek, nilock mo ba yung pinto?"
"Bakit ko naman ilolock?"
"Baka makita tayo ni Sehun o kaya ni Yixing?"
"Fine, ilolock ko na."
Narinig ni Yixing na naglalakad na si Baekhyun papunta sa pinto kaya nagmadali na agad siyang umalis, hindi na niya naisara ulit yung pinto.
/flashback ends/
Umupo sa couch sa tabi ni Yixing si Baekhyun. Napalingon si Yixing, hindi niya agad napansin si Baekhyun dahil sa iniisip niya.
Bakit hindi mo sinabi sakin nung tinanong kita, akala ko ba magkaibigan tayo. Bakit ka naglihim, ha, Baekhyun? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan? O alam mong gusto kita kaya mo nagawa yun?
"Hyung, bakit?"
Umiwas ng tingin si Yixing tapos tumayo na siya.
"Yixing-hyung?" nag-aalalang tawag ni Baekhyun. "May problema ba?"
"Wala."
Pagkasabi ni Yixing nun, umalis na siya at iniwanan na niya si Baekhyun sa living room.
*
"Yixing-hyung!" bati ni Baekhyun nang makita niya si Yixing na lumabas ng kwarto niya. Kanina niya pa hinihintay lumabas si Yixing, excited kasi siyang sabihin kay Yixing yung balita niya.
"Hyung! Alam mo ba yung nakita natin sa mall nung isang araw? Yung gustong gusto nating smart keyboard! Nakita ko sa TV, nagdagdag sila ng 100 stocks! Pwede na tayong bumili! Halika na!"
Hinila ni Baekhyun si Yixing palabas pero tumigil si Yixing. Tinanggal niya yung hawak ni Baekhyun sa braso niya.
"Yixing-hyung..." sabi ni Baekhyun na medyo naguguluhan. "Ayaw mo ba akong samahan?"
"Pagod ako," sabi ni Yixing nang nakaiwas ang tingin. "Bakit hindi si Chanyeol yung yayain mo?"
Magsasalita sana si Baekhyun pero wala siyang nasabi. Tumingin sa kanya si Yixing na para bang galit si Yixing sa kanya, hindi maintindihan ni Baekhyun kung bakit.
"Wag mo na lang akong pansinin, Baekhyun," sabi ni Yixing na parang sumusuko na. Hindi niya kayang magalit kay Baekhyun, pero masama lang talaga ang loob niya.
"Marami lang akong iniisip."
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"
"Doktor ako, kaya ko ang sarili ko," sabi ni Yixing. Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya na para bang marami siyang gustong sabihin.
"May sasabihin ka pa ba?"
Medyo nagulat si Baekhyun pero naibalik rin niya ang sarili niya. Umiwas siya ng tingin.
"W-wala na..." bulong ni Baekhyun at pakiramdam ni Yixing nasaktan na naman siya. Bakit hindi mo masabi?
Tumalikod na si Yixing at naglakad na papasok ulit sa kwarto niya. Bumuntong hininga na lang si Baekhyun habang iniisip kung ano bang problema ni Yixing. May nagawa kaya akong ikinagalit niya?
"Huy," bulong ni Chanyeol sa tenga ni Baekhyun. "Baek."
"Huh?" sabi ni Baekhyun. Nakita niya si Chanyeol na nakangiti nang malapad sa harap niya. Napangiti rin si Baekhyun.
"Kelan ka pa dumating?"
"Ngayon lang. Tara?"
"Saan?" tanong ni Baekhyun habang hinihila siya ni Chanyeol palabas ng mansion.
"Kakain tayo sa labas."
"Bakit? May okasyon ba?"
Umirap lang si Chanyeol. "Hindi mo alam."
"Hindi ko alam... ang alin?"
"Tss, nakakainis ka. Alam mo ba yun!?" sabi ni Chanyeol habang sumasakay sa kotse niya. Sumakay din si Baekhyun sa tabi niya.
"27th day anniversary natin ngayon, ano ka ba!?" sigaw ni Chanyeol. "27 days na simula nung maging tayo."
Ngumiti si Baekhyun nang malapad. "So nagbibilang ka pala!"
"At ikaw hindi," sabi ni Chanyeol nang nakasimangot. "Nasaktan ako."
"Tss, para sabihin ko sayo," sabi ni Baekhyun at tinusok niya ng index finger ang dibdib ni Chanyeol. "26 days na simula ng maging boyfriend kita. 26!"
"27. Ako ang tama! 27!"
"26! Ano ka ba, nagbibilang ka ba nang maayos? Sabado yon! Sabado! Nakalimutan mo na ba, Chanyeol? At kung bibilangin mo talaga nang mabuti, one, two, three. Eksaktong 26 days yun, minarkahan ko sa calendar ko yun. Kahit tingnan mo pa! Tapos sasabihin mo ikaw ang tama, hah. Tss, yah, wag ka ngang--"
Natigilan bigla sa pagsasalita si Baekhyun dahil sa bibig ni Chanyeol na nakadikit sa bibig niya. Nanlaki na lang ang mata ni Baekhyun habang nararamdaman niyang dumadaloy na sa mukha niya lahat ng dugo sa katawan niya.
"Isa pang daldal mo jan, hahalikan ulit kita."
Natahimik na lang si Baekhyun at napayuko sa lap niya. Ramdam niyang parang nag-aapoy na yung mukha niya sa sobrang pula habang tumatawa lang si Chanyeol nang mapang-asar habang nagdadrive.
"Edi natahimik ka rin. Ha-ha-ha."
Napairap na lang si Baekhyun. Nakakainis ka Park Chanyeol. Nakakinis ka!
*
To be continued.
(A/N: Okay, HAPPY BIRTHDAY BYUN BAEKHYUN!!!!! NAG UPDATE SI BAEK NG IG NIYA! AT WAIT! DI LANG YUN, PATI SI CHANYEOL! AAAAH! YUNG FEELS KO WAIT!!!!! CHANBAEK IS REAL!!! KAKAUPDATE LANG NI CHANYEOL NG IG NIYA WITH BAEKHYUN TAPOS NAG "I LOVE YOU" SIYA KAY BAEKHYUN! AAAAAHHHH!!!!! MAMATAY NA YATA AKO!!!!!! GRABE CHANBAEK CHANBAEK CHANBAEK! HINDI NA MAWALA NGITI KO GRABE! ITO NA PINAKAMSAYANG ARAW SA BUHAY KO! ❤❤❤❤ Salamat sa pagbasa ng chapter na to at sa mahabang author's note!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro