Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 37


*

37

"Nasabi mo na ba kay Sehun?" tanong ni Chanyeol kay Baekhyun. Nasa living room sila at tulog na ang lahat maliban sa kanilang dalawa.

Umiling si Baekhyun tapos umupo siya sa couch sa tabi ni Chanyeol.

"Hindi pa," malungkot na sabi ni Baekhyun. "Hindi ko kayang sabihin sa kanya, Chanyeol. Lalo na ngayong nag-aaral siya para sa Sooneung."

"Kung ganun, gusto mo ako na lang yung magsabi?" tanong ni Chanyeol. "Kung hindi mo kaya, ako na lang. Ayoko namang ilihim natin sa kanya yung... yung tungkol satin."

"Wag..." sabi ni Baekhyun. "Wag muna ngayon. Baka kasi pag nalaman niya ngayon, hindi siya makapag-exam nang maayos..."

"Okay lang ba yun sayo?"

Tumango si Baekhyun. "Ikaw, okay lang ba yun sayo? Na ililihim muna nating tayo na?"

"Kahit kay Yixing?"

"Hindi mo pa nasasabi kay Yixing-hyung?"

Umiling si Chanyeol. "N-nahihiya ako!"

Natawa si Baekhyun. "Marunong palang mahiya ang isang Park Chanyeol?"

"Yah, depende yun sa sitwasyon," sabi ni Chanyeol nang umiirap.

"Uhm. Sabihin na lang natin kay Yixing-hyung pagkasabi natin kay Sehun..." sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Nahihiya rin ako..."

Natawa si Chanyeol sabay akbay kay Baekhyun.

"Kung ano yung gusto mo, yun ang susundin ko," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. "Ikaw. Ang boss ko."

"Yah," sabi ni Baekhyun nang namumula habang nakaakbay pa rin si Chanyeol sa kanya, nakasandal naman ang ulo niya sa balikat ni Chanyeol.

"Ang cheesy mo, Chanyeol, nakakasuka ka. Pwe!"

Natawa lang si Chanyeol.

"Ah, oo nga pala, akin na yung phone mo."

"Bakit?"

"Basta."

Binigay ni Baekhyun yung phone niya at kinuha naman agad ito ni Chanyeol. Nakatingin lang si Baekhyun habang pinapakealaman ni Chanyeol ang phone niya.

"Pabo pala ha? Psh," sabi ni Chanyeol sabay irap. Binura niya ang 바보 (pabo) sa contacts ni Baekhyun tapos pinalitan niya ito ng 자기야 (jagiya). Sinet niya rin sa number 2 speed dial ang number niya.

"Jagiya!?" sabi ni Baekhyun habang inaagaw ang phone niya. "Nakakahiya! Ibalik mo sa dati!"

"Ayoko," sabi ni Chanyeol tapos tumayo siya at itinaas niya ang phone para hindi ito maabot ni Baekhyun.

"Park Chanyeol. Ibigay mo sakin yan!" sigaw ni Baekhyun habang inaabot niya ang phone niya sa kamay ni Chanyeol.

"Magpatangkad ka muna," sabi ni Chanyeol nang nakangiti nang mapang-asar kaya nagpout na lang si Baekhyun.

"Napakasama mong tao."

"Aigoo. Ibibigay ko rin to sayo mamaya," sabi ni Chanyeol. "Pero sa ngayon, tara na. Ihahatid muna kita."

Kinuha ni Chanyeol yung coat sa may couch tapos pinatong niya ito sa balikat ni Baekhyun. Hinarap niya si Baekhyun sa kanya habang inaayos yung colar ng coat. Nakatingin lang si Baekhyun kay Chanyeol habang nakakagat labi at nakangiti.

"Chanyeol?"

"Hmm?"

Ginalaw ni Baekhyun yung kamay niya para palapitin si Chanyeol na parang may sasabihin siya. Lumapit naman si Chanyeol habang naghihintay ng sasabihin ni Baekhyun.

"Thank you," bulong ni Baekhyun sa tenga ni Chanyeol tapos nagtiptoe siya at kiniss niya si Chanyeol sa ilong nang mga tatlong segundo.

Nagulat naman si Chanyeol kaya tinulak niya si Baekhyun palayo.

"Y-yah!" sabi ni Chanyeol nang namumula at nanlalaki ang mata habang nakaturo kay Baekhyun nang mapanghusga. "I-ikaw, anong-- ugh! T-tara na nga! Sumunod ka na lang!"

Nagwalk out na si Chanyeol kaya sumunod na lang si Baekhyun habang natatawa siya sa sarili niya.

Tinigil na ni Chanyeol ang sasakyan sa tapat ng apartment ni Baekhyun. Bababa na dapat si Baekhyun nang biglang bumaba agad si Chanyeol para pagbuksan siya ng pinto.

Napangiti si Baekhyun habang bumababa. Dapat siguro masanay na ako sa side ng pagiging gentleman ni Chanyeol.

"Good night, Chanyeol," sabi ni Baekhyun tapos niyakap niya si Chanyeol. Niyakap rin siya ni Chanyeol at hinalikan siya nito sa noo. Siguro dapat masanay na rin ako sa forehead kiss niya tuwing gabi.

Nag eexpect si Baekhyun na sasabihan siya ni Chanyeol ng 'Good night din' o kaya 'Matulog ka na' kaya hindi inexpect ni Baekhyun ang sasabihin ni Chanyeol, na kapag sasabihin yun ni Chanyeol, bumibilis pa rin ang heartbeat niya.

"I love you so much," sabi ni Chanyeol habang nakayakap kay Baekhyun. "Nagsinungaling ako nung sinabi ko sayong isang beses ko lang yun sasabihin."

Hindi sumagot si Baekhyun. Sasabihin ko rin sayo yun pabalik kapag alam kong mahal na mahal na talaga kita.

"Hihintayin kong sabihin mo rin sakin yun pabaik, Baekhyun."

"Thank you," sagot ni Baekhyun at niyakap niya si Chanyeol nang mas mahigpit.

*

Nakatingin lang si Yixing sa kanya.

Napapansin ni Yixing na parang laging good mood si Baekhyun ngayon kumpara nung mga nakaraang linggo. Laging nakangiti si Baekhyun at laging maganda ang aura niya, kaya hindi maiwasang magduda ni Yixing dahil sa kinikilos ni Baekhyun.

Sinundan ni Yixing ng tingin si Baekhyun na ngayon ay sumasayaw at kumakanta nang malakas habang nagpupunas ng malaki nilang glass window. Napataas ng kilay si Yixing. Nababaliw na kaya siya?

"Baby~! Baby~! Call me Baby! You're the one, youre the oneee~ manha! babwa~! Call me Baby!~"

"Anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Yixing sa sarili niya tapos lumapit siya kay Baekhyun. Tinanggal niya bigla ang headphones ni Baekhyun.

Natigilan sa pagkanta si Baekhyun nang biglang natanggal yung headphones niya. Lumingon siya sa likod niya at nakita niyang nakatayo si Yixing habang nakacross arms.

"Yixing-hyung!" masiglang bati ni Baekhyun. "May iuutos ka pa ba sakin? Malapit ko nang matapos punasan to."

Nakatingin lang si Yixing.

"Yah, bakit ganyan ka makatingin..." sabi ni Baekhyun nang nahihiya tapos inayos niya yung bangs niya. "M-may dumi ba ako sa mukha?"

"Baekhyun," sabi ni Yixing sa seryosong boses. "Magsabi ka nga ng totoo."

Biglang kinabahan si Baekhyun. A-anong sasabihin ko? Alam na ba niya?

"Iba ang kinikilos mo. Nitong nakaraan, sobrang lungkot mo pero ngayon, sobrang saya mo naman. Sabihin mo," sabi ni Yixing tapos hinawakan niya yung braso ni Baekhyun. Nagulat si Baekhyun.

"...bipolar ka ba?"

"H-ha!?"

"Bipolar ka ba?"

Seryosong nakatingin si Yixing kay Baekhyun habang nakatulala lang si Baekhyun, hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak dahil sa sinabi ni Yixing. Hindi ako bipolar!

"May Bipolar Disorder ka ba?"

"Wala! H-hindi ako bipolar, hyung!"

"Kung ganun, bakit ganyan ang kinikilos mo? Sa tingin ko kailangan mo nang magpakonsulta sa Psychologist."

Bumuntong hininga si Baekhyun tapos ngumiti siya.

"Yixing-hyung, okay lang ako. Masaya lang talaga ako ngayon."

"Bakit?"

"Bakit?" ulit ni Baekhyun. "Hmm, kasi magaling na yung binti ko! Ah! At magkakasama tayong lahat ngayon! Ikaw, ako, si Sehun at si Chanyeol."

Ngumiti si Yixing. "Yun lang? Wala na bang ibang dahilan kung bakit ka masaya?"

"W-wala na!" sabi ni Baekhyun sabay tapik sa balikat ni Yixing. "Yah, halika na, diba sabi mo mag gogroceries pa tayo?"

"Ah, oo nga pala," sabi ni Yixing. Kinuha niya yung susi ng kotse niya sa ibabaw ng coffee table. "Ibalik mo muna yung mga panlinis tapos sumunod ka na lang sakin sa kotse."

"Aye aye, Sir!"

*

자기야 (Jagiya)
4:43PM
Asan ka?

Napangiti si Baekhyun nang mabasa niya ang message ni Chanyeol. Nagreply agad siya.

백현 (Baekhyun)
4:44 PM
Nasa kotse.

Nagreply agad si Chanyeol wala pang isang segundo.

자기야 (Jagiya)
4:44PM
Kaninong kotse!?

Matagal pa bago nakapagreply si Baekhyun.

백현 (Baekhyun)
5:40PM
Kay Yixing-hyung.

자기야 (Jagiya)
5:40PM
Yah! Bakit kasama mo si Yixing sa kotse? At bakit ngayon ka lang nagreply!!!? Anong ginawa niyo!!!!!?

백현 (Baekhyun)
5:40PM
Galing kami sa grocery store.

백현 (Baekhyun)
5:41PM
Pinasok ko pa kasi yung groceries sa loob ng bahay.

백현 (Baekhyun)
5:41PM
At nagluto na rin kami ni Yixing-hyung ng dinner nang maaga. Siguradong gutom na si Sehun galing sa school pagkatapos ng Sooneung niya.

자기야 (Jagiya)
5:41PM
Yun lang ba? Hindi ba kayo lumabas o kaya.... nagdate...?

백현 (Baekhyun)
5:42PM
Hindi! Yah, wag ka ngang magtype sa ilalim ng table. Makinig ka sa presentation!

자기야 (Jagiya)
5:42PM
K.

자기야 (Jagiya)
5:42PM
Uuwi ako nang maaga ngayon.

Ngumiti si Baekhyun tapos ibinulsa na niya ang phone niya sa bulsa ng hoodie niya. Tumunog ulit ang phone niya kaya nilabas niya ulit ito at binasa ang message.

자시야 (Jagiya)
5:42PM
Kasi namimiss na kita.

Napangiti si Baekhyun nang sobrang lapad habang nakatitig lang sa message ni Chanyeol sa screen. Namimiss na rin kita.

"HOY! SINO YAN!?" sigaw ni Yixing sa tenga ni Baekhyun sabay silip sa screen ng phone ni Baekhyun. Binulsa agad ni Baekhyun yung phone niya.

"Sinong yung kamessage mo sa LINE, ha?" nagdududang tanong ni Yixing. "Bakit ganyan ka makangiti, parang mahahati na yung mukha mo sa gitna."

"Nanay ko yung kausap ko!" sigaw ni Baekhyun sabay talikod. Bumukas na ang pinto ng mansion kaya nagpapasalamat naman si Baekhyun para hindi na siya kulitin pa ni Yixing.

"Nandito nako..." bati ni Sehun na mukhang pagod na pagod. Sinalubong agad siya ni Baekhyun at niyakap naman ni Baekhyun ang alaga niya.

"Sehunnie, kamusta yung exam mo?" nag-aalalang tanong ni Baekhyun.

Niyakap ni Sehun pabalik si Baekhyun nang mahigpit. "Yun na yata... ang pinakamahaba at pinakamasamang paghihirap na naranasan ko sa buong buhay ko...."

Bumuntong hininga si Sehun. "Pero ngayon, tapos na! Wala na akong poproblemahin! Sa wakas, Baekhyun! Natapos na rin yung kalbaryo ko!"

Ngumiti si Baekhyun sabay hiwalay sa yakap. "Masaya ako para sayo! Ah, tara na sa taas, magbihis ka na."

Tumango si Sehun habang hinihila siya ni Baekhyun paakyat sa second floor. Pumasok sila sa kwarto ni Sehun at humiga agad si Sehun sa kama niya.

"Kinabahan ka ba? Mahirap ba yung test?" tanong ni Baekhyun habang nakaindian sit sa tabi ni Sehun sa kama. "Nasagutan mo naman lahat nang maayos diba?"

"Kinabahan ako," sabi ni Sehun habang nakatingin siya sa ceiling. "Hindi sa pagsasagot sa test pero sa pag-iisip sa date natin pag naipasa ko yung test."

"Yah, hindi pa nga lumalabas yung result eh. Masyado ka namang confident!"

"100% sure akong makakapasa ako, okay? Excited na nga ako eh."

Ngumiti si Sehun tapos gumapang siya sa kama para humiga sa lap ni Baekhyun. Kinuha niya yung kamay ni Baekhyun tapos inintertwine niya ito sa kamay niya.

"Sorry," sabi ni Sehun. "Kung pakiramdam mo nabuburden ka dahil sakin... Pinapahirapan na siguro kita."

"H-hindi ah," sagot ni Baekhyun. "Kahit kelan wag mong iisiping pabigat ka sakin, Sehun."

Tahimik lang si Sehun habang nakatingin pa rin sa mukha ni Baekhyun sa taas niya.

"Baekhyun," sabi ni Sehun. "Paano kaya kung hindi kita naging babysitter? Paano kaya kung nakilala kita sa ibang paraan."

"Katulad ng?"

"Pano kaya kung nameet kita sa coffee shop kung saan ka nagpapartime job, o kaya nakabangga kita sa subway kasi nagmamadali ka tapos tinulungan kitang pulutin yung gamit mo," sabi ni Sehun nang nakangiti.

"O kaya nakilala kita bago mo nakilala ang hyung ko," dugtong ni Sehun tapos umiwas siya ng tingin.

"Posible kayang... ako yung nagustuhan mo?"

"Siguro..." sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Dahil sino ba naman ako para hindi ka magustuhan?"

Nakatitig lang si Sehun.

Tinakpan ni Baekhyun yung mukha ni Sehun gamit ang kamay niya dahil nakatingin lang si Sehun sa kanya na para bang sobrang dami nitong gustong sabihin, nangungusap yung mata niya.

"Wag ka ngang tumingin nang ganyan," pabirong sabi ni Baekhyun sabay iwas ng mata niya. "Baka matunaw ako."

Lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita kitang ganyan, Sehun.

Dahan dahang inalis ni Sehun yung kamay ni Baekhyun sa mukha niya at tumingin siya kay Baekhyun nang seryoso.

"Alam kong nasabi ko na to sayo dati pa. Pero uulitin ko ulit," sabi ni Sehun habang nakatitig lang kay Baekhyun.

"Baekhyun, mahal kita."

Pabirong tinakpan ulit ni Baekhyun ng unan ang mukha ni Sehun para hindi nito makita na magbago yung expression ng mukha niya, at para hindi rin makita ni Sehun na tumulo yung luha niya. Dahil sobrang sakit talaga, masakit na ganito si Sehun sa kanya.

"Y-yah! W-wag kang cheesy, Sehun, hindi bagay sayo!" sigaw ni Baekhyun habang nakangiti pero umiiyak na siya.

*

"Jongdae," tawag ni Baekhyun sa bestfriend niyang kumakain ng fries sa harap niya. Nasa mall sila ngayon para sa kanilang weekly BFF Date.

"Oh?" sabi ni Jongdae sabay inom ng coke niya. "May problema ba? Mukhang may iniisip ka nitong mga nakaraan ah."

Tahimik lang si Baekhyun, nilalaro niya yung pasta sa plato niya habang nakatingin lang si Jongdae sa kaibigan niya.

"Si Chanyeol ba?" nag-aalalang tanong ni Jongdae. "Nag-away ba kayo ni Chanyeol? Sabihin mo lang, hahampasin ko ulit siya ng baseball bat!"

Umiling si Baekhyun.

"Hindi si Chanyeol. Okay kami ni Chanyeol," tumigil sandali si Baekhyun. "Okay na okay kami sa puntong nagiguilty na ako... Naglilihim ako kay Sehun."

"Yah, hindi mo naman boyfriend si Sehun, bakit ka magiguilty?"

Tumingin si Baekhyun kay Jongdae, at alam ni Jongdae na namomroblema talaga ang kaibigan niya.

"Tinanong niya kung pwede bang... idate niya ako."

"Oh tapos? Hindi ka naman pumayag diba? Yah, dinedate mo na si Chanyeol ngayon! Saka sinabi mo dating hindi mo naman idedate si Sehun, diba?

Sumimangot si Baekhyun sabay yuko, kasi alam niyang sisigawan na siya Jongdae ngayon.

"B-binigyan ko ng chance si Sehun... Hindi ko siya kayang tanggihan, Jongdae... kaya pumayag akong--"

Nanlaki ang mata ni Jongdae sabay tayo sa upuan niya. Pinagtinginan siya ng mga tao.

"YAH! ANONG GINAWA MO!!!?  sigaw ni Jongdae sabay hampas kay Baekhyun. Napa-aray lang si Baekhyun.

"Nababaliw ka na ba!?" sabi ni Jongdae, mataas pa rin ang boses niya. "Bakit ka pumayag? Alam ba to ni Chanyeol!?"

"H-hindi," sabi ni Baekhyun.  "Sasabihin ko rin kay Chanyeol mamaya."

Napahampas si Jongdae sa noo niya. "Sabihin mo nga, Baek. Anong gagawin mo? Pagsasabayin mo ba silang dalawa?"

"HINDI!" sigaw ni Baekhyun. "Hindi ko gagawin yun, ano ka ba!"

Umiling si Jongdae sabay tingin kay Baekhyun na parang naiinggit.

"Tss. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sayo o maaawa. Pinag-aagawan ka ng dalawang lalaki tapos magkapatid pa, grabe Baekhyun. Ikaw na talaga! Ano bang shampoo mo?!"

"Bakit mo tinatanong yung shampoo ko, eh pareho lang naman tayo ng brand ng shampoo na ginagamit," sabi ni Baekhyun nang nakapout.

Napahampas na lang ulit si Jongdae sa noo niya.

*
Napatingin si Baekhyun sa pintuan ng kwarto ni Sehun nang may narinig siyang tatlong katok. Nakita niya si Chanyeol sa labas kaya dali-dali niyang inalis yung braso ni Sehun na nakakapit sa braso niya, na para bang bigla siyang nahuli sa bagay na hindi niya dapat ginagawa.

Medyo nabigla si Sehun sa ginawa ni Baekhyun, dahil hindi naman ganito si Baekhyun dati. Wala ngang pakealam si Baekhyun kung makita man sila ni Chanyeol na magholding hands o magyakapan kaya medyo kakaiba lang ngayon.

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan, hyung?" curious na tanong ni Sehun. "Bakit hindi pwedeng dito mo na sabihin?"

Tahimik lang si Chanyeol kaya si Baekhyun na ang sumagot.

"Wala yun!" sabi ni Baekhyun. "Pang matanda lang yun kaya dito ka lang, okay? Mag-uusap lang kami sandali."

"Fine," sabi ni Sehun nang umiirap. "Bilisan mo, hihintayin kita."

*

To be continued.

(A/N: Dahil birthday na ng pinakamahalagang tao sa buhay ko, mag uupdate ulit ako mamayang hatinggabi!!!  Happy Birthday, Baekhyun!!! I LOVE YOU SO MUCH!!! ❤❤❤)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro