Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35 Part 2


*

35.2

"A-anong.... sinabi mo?" tanong ni Baekhyun, wala na siyang pakealam kung basa na siya ng ulan. Pareho na sila ni Chanyeol.

"Mahal kita," ulit ni Chanyeol sa mas kalmadong boses kumpara sa sigaw niya kanina. "Kaya kita hinalikan nung nasa Jejudo tayo... kasi mahal kita, Baekhyun."

"H-hindi mo alam ang sinasabi mo, Chanyeol," sabi ni Baekhyun tapos umiwas siya ng tingin.

"Isipin mo muna nang mabuti yung mga sinasabi mo bago mo sabihin. Baka isang araw, magsisi ka at bawiin mo rin yung mga sinabi mo," seryosong sabi ni Baekhyun.

Gustong maniwala ni Baekhyun sa mga sinasabi ni Chanyeol, pero kilala niya si Chanyeol at natatakot si Baekhyun na masaktan kung hindi naman pala totoo ang mga sinasabi ni Chanyeol sa kanya. Pagod na siyang umasa.

"Ano pa bang kailangan kong patunayan, ha, Baekhyun? Sa tingin mo ba magmamakaawa akong bumalik ka sa Seoul kung hindi ka mahalaga sakin? Sa tingin mo ba hahanapin kita nung nawala ka sa Jejudo at mag-aalala ako sayo nung naaksidente ka na halos mamatay na ako kung wala akong nararamdaman para sayo!?" sigaw ni Chanyeol nang tuloy-tuloy, naiinis na siya.

"At sa tingin mo ba magpapaulan ako dito ngayon kung hindi kita mahal!?" sabi ni Chanyeol tapos hinila niya si Baekhyun at niyakap niya ito. Mahigpit.

Nagulat si Baekhyun sa biglang yakap ni Chanyeol, magsasalita na sana siya nang nagsalita ulit si Chanyeol.

"Wala na akong natitirang pride sa sarili ko, Baekhyun," sabi ni Chanyeol. "Hindi ako ganitong klase ng tao. Hindi ko style to. Hindi ko pa to kahit kelan nagagawa sa kahit sino sa buong buhay ko..."

Huminga nang malalim si Chanyeol.

"Naiinis ako sayo, Baekhyun. Nakakainis ka! Hindi mo lang alam kung gaano talaga ako kinakabahan, pakiramdam ko sasabog na yung heart ko! At ikaw ang may kasalanan, Byun Baekhyun! Tingnan mo nga tong ginagawa ko ngayon oh. Nagcoconfess ako sayo sa gitna ng ulan tapos ayaw mo pa ring maniwalang mahal kita," sabi ni Chanyeol na parang desperado na. "Ano bang gusto mo, lumuhod ako sa harap mo at magmakaawang tanggapin mo yung pag-ibig ko--"

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun na naiiyak na pero nakangiti naman nang malapad, sobrang lapad. "Oo na... naniniwala na ako sayo! Wag ka nang magspeech."

Katahimikan. Nakatulala lang si Chanyeol.

"Naniniwala na nga ako sayo!"

"T-talaga?!"

"Mm-mm," sabi ni Baekhyun sabay tango.

Humiwalay si Chanyeol sa yakap at tiningnan niya si Baekhyun sa harap niya. Nakatitig lang sa kanya si Baekhyun nang hinawakan niya yung mukha ni Baekhyun gamit ang dalawang kamay niya.

Nilapit ni Chanyeol ang mukha niya sa mukha ni Baekhyun kaya pumikit naman si Baekhyun, at naramdaman na lang ni Baekhyun na hinalikan na siya ni Chanyeol.

Hinalikan ulit siya ni Chanyeol ngayon.

Mabagal yung halik niya katulad ng kiss niya sa Jejudo.

Pero ngayon mas sigurado, dahil nararamdaman talaga ni Baekhyun na totoo ang sinasabi ni Chanyeol, na mahal nga siya ni Chanyeol.

Kaya nagtiptoe na si Baekhyun.

At hinalikan na rin niya si Chanyeol pabalik.

At pakiramdam ni Chanyeol siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

Na para bang hindi siya makapaniwalang nagrerespond si Baekhyun sa kiss niya, na para bang masyadong hindi kapani-paniwala yung nangyayari ngayon at hindi niya maexplain kung gaano katotoong nararamdaman niyang gumagalaw yung malambot na labi ni Baekhyun kasabay ng labi niya. Parang panaginip lang, parang ilusyon.

Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ni Baekhyun. Matamis. Parang honey, na may mint, na may scent ng vanilla... At may scent ni Baekhyun.

Iginalaw ni Chanyeol yung ulo niya patagilid para hindi magkabanggaan yung ilong nila, tapos hinalikan niya si Baekhyun nang mas malalim, na naramdaman niya biglang huminga si Baekhyun sa bibig niya.

"S-sorry," sabi ni Chanyeol sa bibig ni Baekhyun, at bago pa makasagot si Baekhyun, hinalikan na ulit niya si Baekhyun.

Pakiramdam ni Baekhyun tumriple pa yung bilis ng heartbeat niya, na parang lalabas na yung puso niya sa ribcage niya habang nagwawala yung mga butterflies sa tiyan niya. Lahat ng nararamdaman niya sa tuwing makikita niya si Chanyeol, sa tuwing lalapit si Chanyeol, sa tuwing hahawakan siya ni Chanyeol, lahat yun nagsama-sama na ngayon.

Si Chanyeol lang ang nakakagawa nito sakin, nakakinis ka, Chanyeol, nakakainis ka.

Humiwalay na si Baekhyun sa kiss para huminga, kaya medyo nagulat si Chanyeol dahil biglang nawala yung nasa labi niya, hangin na pala yung nahalikan niya. Nakita niyang nakatingala si Baekhyun sa kanya habang nakangiti, kaya napangiti na rin si Chanyeol at kiniss niya ang basang noo ni Baekhyun.

"I love you," bulong ni Chanyeol sa noo ni Baekhyun. "Narinig mo?"

"Oo, hindi ako bingi," sabi ni Baekhyun habang nakangiti pa rin. "Narinig ko nang malinaw na malinaw!"

"Mabuti naman dahil isang beses ko lang yun sasabihin sa buong buhay ko," sabi ni Chanyeol sabay irap.

Natawa si Baekhyun at siniko niya ang basang tagiliran ni Chanyeol. Napaatras si Chanyeol.

"Ano ba!?" tanong ni Chanyeol pero hindi naman talaga siya naiirita.

"Second kiss na natin yun," bulong ni Baekhyun habang nakagat labi tapos tumingin siya kay Chanyeol habang naka-eyesmile.

Natawa si Chanyeol at umiwas siya ng tingin sabay bulong, "Third."

*

Nakatingin lang si Baekhyun kay Chanyeol.

Nakaupo si Baekhyun sa may ibabaw ng sink habang nakatayo lang si Chanyeol sa tapat niya sa gitna na legs niya. Pinupunasan ngayon ni Chanyeol ang buhok ni Baekhyun gamit ang towel.

Nakatitig pa rin si Baekhyun sa mukha ni Chanyeol habang ginagalaw-galaw ni Chanyeol yung maliit na towel sa ulo niya.

Tumigil ng pagpupunas si Chanyeol.

"Yah. Bakit ganyan ka makatingin sakin," sabi ni Chanyeol tapos umiwas siya ng tingin. "Naiilang ako..."

"Uhm. Sorry," sabi ni Baekhyun habang nakangiti. "Hindi lang kasi ako makapaniwalang-- uhm, pinupunasan mo yung buhok ko. Parang..."

"Parang?"

"Parang hindi ako sanay... na ganito ka?"

"Puwes masanay ka na," sabi ni Chanyeol habang naglalakad papunta sa closet ni Jongdae. Namili siya ng maluwang na tshirt na pwede niyang gamitin.

"Kasi ganito na ako sayo simula ngayon," dugtong ni Chanyeol habang walang kahiya-hiyang naghuhubad ng basang damit niya sa tapat ni Baekhyun.

Namula si Baekhyun at yumuko siya, nakatingin lang siya sa paa niya habang hinihintay niyang matapos magbihis si Chanyeol. Sinway niya yung mga paa niya.

"Buti umalis si Jongdae ngayon," sabi ni Baekhyun habang nakayuko pa rin. "Kung hindi, magagalit siya sayo kasi kinakalkal mo yang closet niya, pati na rin dahil nandito ka sa apartment namin."

"Hindi siya magagalit pag di niya naman nalaman, kaya wag ka na lang dumaldal na magsisleep over ako dito," sabi ni Chanyeol na nakabihis na ng tshirt ni Jongdae na kulay yellow na may duck sa gitna at pajama na bitin sa kanya. Natawa si Baekhyun sa itsura ni Chanyeol.

"Yah, hindi ka ba pupunta dito?" sabi ni Chanyeol habang hinihimas ang kama ni Baekhyun na parang sa kanya ang kama. Bumaba si Baekhyun sa sink at umupo siya sa kama sa tabi ni Chanyeol.

Kinuha ni Chanyeol yung binti ni Baekhyun na may tahi tapos pinadaan niya yung daliri niya sa sugat. Nakatingin lang si Baekhyun nang ipatong ni Chanyeol yung binti ni Baekhyun sa ibabaw ng lap niya.

"Anong gagawin mo?"

Binuksan ni Chanyeol yung unang drawer sa tabi ng kama pero wala siyang nakitang bandage, puro papel lang. Binuksan niya yung pangalawang drawer at wala rin siyang nakita, puro polaroids naman. Binuksan niya yung pangatlo, pero wala pa rin siyang nakita, puro office supplies lang. Padabog niyang sinara ang drawer. Nakakinis! Nasan na ba yung pesteng--

"Sa pang-apat," sabi ni Baekhyun habang pinipigilan niyang ngumiti dahil sa mukha ni Chanyeol na inis na inis. "Nandun yung bandage."

Umirap si Chanyeol. "Bakit mo kasi sa pinakahuli nilalagay!? Ano ba naman yan!" sabi ni Chanyeol habang kinukuha yung bandage sa loob ng drawer.

"Bakit ka ba sumisigaw," tanong ni Baekhyun habang inaayos niya yung binti niya para mailagay ni Chanyeol nang maayos yung bandage.

"Napepressure kasi ako, okay?"

Tahimik lang si Baekhyun habang iniikot ni Chanyeol sa palibot ng binti niya yung bandage, maingat na maingat, hindi maluwag at hindi rin masikip.

"Matagal ko nang gustong gawin to sayo," sabi ni Chanyeol habang tinatali niya nang mabuti yung benda. "Gusto kitang alagaan simula nung naaksidente ka. Kaso hindi ako mabigyan ng chance kasi laging nanjan si Yixing sa tabi mo na nag-aalaga sayo."

Tahimik lang si Baekhyun habang nakatingin sa mukha ni Chanyeol na naiilawan lang ng lamp sa tabi nila.

"Pero okay lang, at least ngayon magaling ka na dahil kay Yixing."

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun tapos umusod siya sa tabi ni Chanyeol. "Nagseselos ka ba kay Yixing-hyung?"

Tumingin si Chanyeol kay Baekhyun sa tabi niya tapos ngumiti siya, pero umiwas rin siya ng tingin.

Ineexpect na ni Baekhyun na sasabihin ni Chanyeol na 'Hindi, bakit naman ako magseselos?' O kaya, 'Asa ka pa. Imposible yang sinasabi mo.' Kaya hindi inaasahan ni Baekhyun yung sinagot ni Chanyeol sa kanya.

"Sobra," sabi ni Chanyeol tapos yumuko siya. "Pag nakikita ko kayong magkasama tapos ang saya-saya niyo pa, nasasaktan talaga ako, na para bang pinagtaksilan mo ako. Sabi mo noon ako yung gusto mo tapos kung makangiti ka kasama si Yixing parang kumpleto na yung araw mo. Nagseselos talaga ako."

Ngumiti si Baekhyun at kumuha siya ng unan tapos tinakpan niya yung mukha niya para itago yung ngiti niya. Hinampas niya si Chanyeol ng unan pagkatapos.

"Hindi ako sanay sa pagiging honest mo," sabi ni Baekhyun. "Natatakot ako na baka bukas biglang magbago ka na."

"Hindi ako magbabago. Baka ikaw. Sabihin mo nga, ako pa rin ba yung gusto mo?" tanong ni Chanyeol na medyo kinakabahan.

"Pano kung hindi na kita gusto, anong gagawin mo?"

"Nakikita mo yun?" sabi ni Chanyeol habang tinuturo yung pader sa tabi ng bintana. "Susuntukin ko yung pader niyo."

Napangiti si Baekhyun. "Hindi nagbago yung feelings ko sayo, Chanyeol. Kaya wag kang mag-alala. Hindi ka uuwing duguan ang kamay."

Natawa si Chanyeol.

"Sigurado ka bang hindi ka nagsisinungaling? Bakit ka tumatawa?"

"Matapos kong magconfess sayo at matapos nating magkiss may gana pa ba akong magsinungaling!? Aish. Tumabi ka nga jan hihiga ako."

Namula si Baekhyun at napayuko dahil sa sinabi ni Chanyeol. Natawa si Chanyeol sa mukha ni Baekhyun na nakapout kaya sinundot niya yung cheeks ni Baekhyun. Tumunghay si Baekhyun, nakapout pa rin.

"May hindi ka pa sinasabi sakin," sabi ni Baekhyun nang nagdududa tapos namula lalo siya.

"Ano yun?" tanong ni Chanyeol.

"Narinig ko yun, nung sinabi mo kaninang 'third' nung sinabi kong... s-second kiss natin yung kanina. Ano bang ibig sabihin nun? Sabihin mo, kiniss mo na ba ako dati pa ha?"

Nakatitig lang si Chanyeol.

Taopos umiwas rin siya ng tingin.

"Matulog na tayo," sabi ni Chanyeol tapos hinila niya pahiga ng kama si Baekhyun sa tabi niya. Niyakap niya ang maliit na katawan ni Baekhyun kaya nagpumiglas naman si Baekhyun sa loob ng braso ni Chanyeol.

"Hoy, sagutin mo yung tanong ko, ano ba! Wag mo nga akong ipitin, aray, isa! Hindi ka titigil!?" sabi ni Baekhyun habang nagpupumiglas sa yakap ni Chanyeol sa kanya.

"Ninakawan mo ba ako ng halik? Ha? Saan? Kelan? Sa Jejudo ba? Sa mansion? Pano nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Baekhyun. "O baka naman hindi lang yun ang ginawa mo, baka naman--"

"Yah!" sigaw ni Chanyeol nang naiirita (at namumula). "Tumigil ka nga sa kahibangan mo, itapon kita jan sa bintana eh."

Sumimangot si Baekhyun. "Sabihin mo na kasi. Hindi naman ako magagalit."

Katahimikan. Nakatingin lang si Chanyeol sa ceiling.

"Promise! Hindi talaga ako magagalit."

"Fine," sabi ni Chanyeol habang inaadjust niya yung unan niya. "Sasabihin ko na."

"So totoo nga, hinalikan mo talaga ako," sabi ni Baekhyun nang medyo nabigla. "Kelan yun, Chanyeol?"

"Nung..." tumigil si Chanyeol para himinga nang malalim. "sinundo kita sa Bucheon papuntang Seoul. Sa kotse. Nung tulog ka. Kiniss kita."

Natigilan si Baekhyun at pumikit siya habang inaalala kung kailan ba nangyari yun. At dumilat na siya nung natandaan niyang ilang buwan na ang nakalipas nung nangyari yun. G-ganun na katagal?

"Yah, bakit ngayon ka lang--"

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sa dilim. "Oo. Matagal na. Matagal na kitang gusto pero hindi ko sinasabi sayo kasi hindi ko masabi, saka ayaw ko ring aminin sa sarili ko..."

Humarap si Baekhyun kay Chanyeol na nakahiga at nakatingin pa rin ceiling.

"Sorry," bulong ni Chanyeol. "Kung ngayon ko lang inamin yung feelings ko sayo. Sorry kung nasaktan kita nang ilang beses dahil sa katangahan ko."

Ngumiti si Baekhyun at nilagay niya yung kamay niya sa buhok ni Chanyeol para laruin ito.

"Apology accepted," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Dahil masaya talaga akong malaman na hindi naman pala one-sided yung nararamdaman ko."

Tumawa si Chanyeol habang hinahayaan niyang laruin ni Baekhyun yung buhok niya. Pumikit siya sandali.

"Chanyeol?"

"Oh?"

Katahimikan. Huminga nang malalim si Baekhyun para mawala yung kaba niya. Naghihintay lang si Chanyeol.

"Ibig sabihin ba nito..." sabi ni Baekhyun na halos pabulong na habang nakayuko. "Nagdedate na tayo? Tayo na ba?"

Walang response.

Tumunghay si Baekhyun at nakita niyang nakapikit na si Chanyeol.

"Yah, wag ka ngang magtulug-tulugan. Nanginginig yung eyelids mo," sabi ni Baekhyun sabay irap. Pinitik niya ang ilong ni Chanyeol.

Kaya dumilat na si Chanyeol at tumitig siya kay Baekhyun na nakatitig lang din sa kanya.

"Tayo na ba?" ulit ni Baekhyun habang kinakabahan pa rin siya. Pano kung hindi? Pano kung wala lang pala yung kanina, pano kung--

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sa seryosong boses. "Hindi ako nanghahalik ng kung sino-sino lang jan. Once na hinalikan ko, ibig sabihin akin na siya. Kaya ikaw, Baekhyun. Akin ka na."

"Yah, ano bang," sabi ni Baekhyun nang namumula. "klaseng paliwanag yan? Hindi ako sayo, hindi ako kahit kanino. Ano ako, gamit?!"

"Psh, ano ba. Hindi naman sa ganung paraan yung ibig kong sabihin," sabi ni Chanyeol at umiwas siya ng tingin. Namumula na talaga siya, walang duda.

"Ibig ko sabihin, akin na yung puso mo at sayo naman yung puso ko," Umubo si Chanyeol. "G-ganun."

Nakatingin lang si Baekhyun kay Chanyeol. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak dahil sa kacheesyhan ni Chanyeol, kaya ngumiti na lang siya habang pinipigilan niyang kiligin.

"So sa madaling salita," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Tayo na."

"Parang.... ganun na nga."

Natawa si Baekhyun tapos sumiksik siya kay Chanyeol habang inaayos niya yung kumot nilang dalawa.  Napangiti si Chanyeol at inakbayan niya si Baekhyun.

"Good night, baby," bulong ni Chanyeol sa buhok ni Baekhyun.

"Sweet dreams," sagot ni Baekhyun tapos niyakap niya sa waist ang boyfriend niya. Tinawag niya ba akong baby? Napangiti lalo si Baekhyun.

"Patayin mo nga yung lamp nasisilaw ako."

"Bat di ikaw ang magpatay, mas mahaba naman ang kamay mo."

"Fine. Good night."

"Good night din. Yah, wag mong solohin yung kumot, giniginaw ako."

Bumangon si Chanyeol tapos kinumutan niya si Baekhyun nang maayos. Humiga siya ulit sa tabi ni Baekhyun pagkatapos.

"Thank you," bulong ni Baekhyun nang nakangiti habang nakapikit.

Umuulan parin nang malakas sa labas.

Kumukulog. Kumikidlat.

Pero hindi na natatakot si Baekhyun, dahil nandito si Chanyeol ngayon sa tabi niya.

*

To be continued.

(A/N: THIS WAS PURE CHANBAEK CHAPTER. ALL FOR CHANBAEK. ChanBaek. CHANBAEK! CHANBAEK!!!! Salamat sa pagbasa!)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro