Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35 Part 1


*

35

"Okay na ba yung binti mo?" tanong ni Sehun kay Baekhyun habang hinahaplos niya yung binti ni Baekhyun na may malaking tahi na medyo magaling na.

"Okay na ako, Sehun," sabi ni Baekhyun habang inaayos ng pagkakapatong yung binti niya sa lap ni Sehun. "Kaya ko na ngang maglakad kahit wala yung saklay diba."

Nakatitig lang si Sehun sa malaking tahi sa balat ni Baekhyun, at pakiramdam niya naramdaman niya bigla yung sakit.

"Nanghihinayang ako sa balat mo," sabi ni Sehun. "Siguradong ang laking peklat nito pag gumaling na yung sugat. Kitang kita talaga to pag hindi ka nakapants..."

"Okay lang yun, ano ka ba! At least diba, remembrance ko to sa pagpunta natin sa Jejudo."

Biglang naalala ni Baekhyun noong hinalikan siya ni Chanyeol sa beach sa Jejudo. Umiling siya para mawala yung alaala sa isip niya.

Hindi. Kalimutan mo na yun, walang ibig sabihin yun. Hindi sinasadya ni Chanyeol yun, nadala lang siguro siya.

Kasi kung may ibig sabihin man yung kiss na yun, malamang kinausap na siya ni Chanyeol at pinag-usapan na nila yung nangyari. Pero isang linggo na ang nakakalipas, hindi pa rin kinakausap ni Chanyeol si Baekhyun tungkol dun, ni hindi man lang niya binabanggit kay Baekhyun yun na para bang walang nangyari.

Bakit ba nag-eexpect na naman ako, masasaktan lang rin naman ako sa huli.

Napangiti si Baekhyun pero hindi siya masaya.

"Nakalimutan ko! Isasampay ko pa pala yung bedsheets at kurtina mo," sabi ni Baekhyun habang nakapout.

"Hindi mo na kailangang gawin yun! Nagawa ko na!"

"Talaga!? Hindi nga?"

"Oo," sabi ni Sehun nang nakaiwas ang tingin.

"Kasi baka mapagod ka pa... Hindi yun maganda sabi ng doktor. Sabi rin niya dapat hindi ka masyadong gumalaw, baka bumuka yung tahi mo."

"Yah," sabi ni Baekhyun nang nakangiti tapos pinitik niya ang noo ni Sehun. Napa-aray si Sehun.

"Para namang na-caesarian ako sa sinasabi mo, Sehun. Hindi naman ako nanganak!"

May kumatok sa pinto ng nakabukas na kwarto ni Sehun kaya naman napatingin doon si Sehun at Baekhyun.

"Baekhyun," tawag ni Chanyeol.

"Pumunta ka sa mini office ko. Ibibigay ko na yung sweldo mo," sabi ni Chanyeol kay Baekhyun, normal lang ang pagsasalita niya, hindi awkward at hindi rin kumportable.

"Okay," sagot ni Baekhyun.

Nag-eexpect siya ng sunod na sasabihin ni Chanyeol, katulad ng 'Mag-usap tayo, may sasabihin ako sayo' o kaya 'Yung nangyari nga pala sa Jejudo, linawin natin.'

Dahil gusto talagang malaman ni Baekhyun kung may ibig sabihin ba yung kiss na yun, at kung wala naman talaga, maluwag niyang tatanggapin yun. Ang gusto lang talaga niyang mangyari ngayon ay maging malinaw ang lahat sa kanila ni Chanyeol.

Nakatingin lang si Baekhyun kay Chanyeol at naghihintay ng idudugtong niya, pero wala itong sinabi. Tumalikod lang si Chanyeol saka umalis na.

Kitang-kita ni Sehun kung pano parang nawasak yung expression ng mukha ni Baekhyun. Madalas niyang nakikitang ganito si Baekhyun mula nung bumalik sila sa Seoul.

"Anong nangyari sa inyo ng hyung ko?" tanong ni Sehun. "Nag-away ba kayo? Nagkatampuhan kayo?"

Umiling si Baekhyun.

"Hindi kami nag-away," sabi niya. "May bagay lang siguro akong hindi naintindihan."

*

Huminga nang malalim si Baekhyun. Nandito na siya sa tapat ng mini office ni Chanyeol. Madali lang naman, kukunin ko lang yung envelope, magpapasalamat tapos aalis na.

Kakatok na sana si Baekhyun nang nakita niyang bukas nang konti ang pinto. Nakita niya si Chanyeol na nakatayo sa harap ng bintana habang may kausap ito sa phone. Nakatalikod si Chanyeol sa kanya.

Hihintayin ko na lang munang matapos si Chanyeol sa phone saka ako papasok sa loob.

"Ano? Wala, walang ibig sabihin yun," narinig ni Baekhyun na sabi ni Chanyeol.

Natigilan si Baekhyun, nakatingin lang siya sa likod ni Chanyeol.

"Hindi ko siya gusto, Kyungsoo. Bakit mo ba pinipilt!?" galit na sabi ni Chanyeol habang nakahawak sa noo niya.

"Wag mong bigyan ng ibig sabihin yung ginawa ko, okay? Hindi siya special. Ano ka ba? Kilala mo naman ako. Hindi basta-basta na lang yung nagugustuhan ko."

Hindi alam ni Baekhyun kung ano o sino ba ang pinag-uusapan nila, pero pakiramdam niya, natamaan siya sa sinabi ni Chanyeol. Masakit, sobrang sakit na para bang bumabaon nang malalim sa dibdib niya.

"Gusto siya ni Sehun pero ako hindi," sabi ni Chanyeol sa medyo natatawa pang boses. "Ibahin mo ako, Kyungsoo."

A-ako ba yung tinutukoy niya? Napaatras si Baekhyun habang pinipigilan niyang umiyak, pero wala rin siyang nagawa dahil tumulo na yung luha niya.

Ang sakit mong magsalita, Chanyeol. Bakit ba sobrang lupit mo, lahat ba ng pinakita mo sakin Chanyeol, lahat ba yun peke?

"Hindi porke dinala ko siya sa Jejudo, gusto ko na siya. Wala lang talaga akong magawa," sabi ni Chanyeol at dun na natauhan si Baekhyun.

Hindi na niya kayang marinig pa yung sasabihin ni Chanyeol kaya tumakbo na siya palayo sa mini office. Saka pa lang niya naalalang hindi pa pala siya pwedeng tumakbo nung biglang kumirot nang sobrang sakit yung sugat sa binti niya, parang bumubuka ulit yung tahi niya.

Napaupo si Baekhyun sa sahig habang hawak yung binti niyang may tahi tapos sumandal siya sa pader.

Sobrang sakit na nga ng nararamdaman niya sa binti niya, sobrang sakit pa ng narinig niya mula kay Chanyeol.

"Hindi na dapat ako umasa," sabi ni Baekhyun sa sarili niya sa pagitan ng pag-iyak. "Lagi lang naman akong masasaktan."

*

"Hindi ko nga siya gusto kaya ibabalik ko na siya sayo! Ibalik mo rin yung down payment na binayad ko," sabi ni Chanyeol habang naglalakad pabalik-balik sa mini office niya.

[Yah, nagamit mo na yung grandia, bakit mo pa ibabalik? Dinala mo na siya sa Jejudo, marumi na at gamit na! Isa pa, sabi mo type ni Sehun yung interior? Okay na yun! Kaya hindi ko na tatanggapin yun pag binalik mo.]

"Nagsinungaling ka sakin, Kyungsoo. Sabi mo special ang engine nung grandia. Pero nung ginamit namin, tatlong beses kami tumirik! Alam mong mapili ako sa sasakyan, bakit mo ako binigyan ng patapon at bulok!"

[Hoy! Para sabihin ko sayo, hindi bulok ang mga sasakyan ko!]

Sisigawan na dapat ni Chanyeol pabalik si Kyungsoo pero natigilan siya. Lumingon siya sa may pintuan niya nang may marinig siyang mahinang iyak mula sa labas.

[Hoy, Chanyeol, ano na. Magsalita ka--]

Binaba na ni Chanyeol ang tawag at naglakad siya palabas sa mini office niya.

"Kaya mo bang tumayo?" narinig ni Chanyeol na tanong ni Yixing sa nakaupong si Baekhyun sa sahig.

"H-hindi ko kaya..."

"Bakit ka ba kasi tumakbo, alam mo namang bawal pa diba?" sabi ni Yixing kay Baekhyun. "Tumahan ka na, lalong bubuka yung sugat mo eh. Ilalagay ko lang tong bandage, wag kang gumalaw."

Nakatingin lang si Chanyeol sa dalawa, ilang hakbang lang ang layo niya sa kanila. Gustong gusto niyang lapitan si Baekhyun, pero hindi niya alam kung makakabuti bang pumunta siya dun. Isa pa, mas alam ni Yixing ang gagawin kay Baekhyun. Wala rin siyang maitutulong.

"Masakit pa ba, Baekhyun?"

"M-medyo," sabi ni Baekhyun. "Salamat, Yixing-hyung."

"Okay lang ba sayo... kung bubuhatin kita?"

Tumango si Baekhyun.

Nakatingin lang si Chanyeol nang kinarga ni Yixing si Baekhyun bridal style, nakakapit yung braso ni Baekhyun sa leeg ni Yixing para hindi siya malaglag.

"Dapat sinabi ko na sayo," bulong ni Chanyeol sa sarili niya habang pinapanood na makalayo si Baekhyun at Yixing.

"Siguro sana, sana ako yung nag-aalaga sayo... Hindi siya."

Bumuntong hininga si Chanyeol. "Hindi mo kasi ako binigyan ng chance magsalita. Umalis ka na lang kasi agad nung araw na yun..."

*

"Mapula nanaman yang mata mo," sabi ni Jongdae na ka-video call ni Baekhyun. Nasa Bucheon kasi siya ngayon, nagbabakasyon.

"Sabihin mo, nagdadrugs ka ba!?" sigaw ni Jongdae sa speaker sa tabi ng laptop. Napairap lang si Baekhyun habang yakap ang binti niya.

"Puyat lang to, Jongdae," sabi ni Baekhyun tapos ininom niya yung honey tea sa tabi ng laptop niya. "Wag ka nang mag-alala, okay?"

Nagpout lang si Jongdae. "Yah, ingatan mo ang sarili mo habang wala ako jan! Isara mo nang mabuti yung pinto, baka manakawan tayo!"

Tumango si Baekhyun habang nakangiti. "Oo na."

"Saka napanood ko sa weather forecast na umuulan ngayon jan. Malakas pa ba ang ulan?"

"Oo," sabi ni Baekhyun tapos napapakit siya nang biglang kumidlat at kumulog. Takot siya sa kulog, phobia niya na yun mula bata pa siya.

"Okay ka lang ba?!" sigaw ni Jongdae. "Isarado mo lahat ng bintana at buksan mo yung ilaw, okay? Wag kang lalabas ng bahay lalo na ngayon, gabi na! At wag mong kalimutang inumin yung antibiotic para sa sugat mo!"

"Oo na, salamat sa concern!" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Susundin ko lahat ng bilin mo. Wag ka nang magworry, okay? Kaya ko na ang sarili ko."

"Okay," sabi ni Jongdae. "Mag-oout nako, Baek. Maaga pa ang lakad namin bukas."

"Sige. Ikamusta mo na lang ako kay Eomma at Appa. Bye!"

Sinarado na ni Baekhyun ang laptop niya (ni Jongdae talaga, hiningi niya lang) tapos tumayo na siya papunta sa kusina. Ininom niya ang gamot niya tapos sinarado na rin niya ang lock sa bintana at pintuan.

"Ngayon na lang ulit ako naiwang mag-isa dito," sabi ni Baekhyun habang naglalakad sa living room. "Nakakapanibago."

Hinawi ni Baekhyun nang konti ang kurtina para tingnan ang ulan sa labas nang may nakita siyang nakapark na kotse sa tapat ng gate nila.

Kinabahan si Baekhyun. Kaninong kotse yun?

Sinilip pa ni Baekhyun ang kotse sa labas. May nakita siyang taong bumaba sa kotse, hindi niya namukhaan kasi madilim na at umuulan pa.

Nakita niya kung pano pumunta sa tapat ng gate ng apartment nila yung lalaki na parang naghihintay. Nakasuot lang ng itim yung lalaki, wala siyang payong at basang basa siya ng ulan.

Naglakad yung lalaki pabalik-balik sa tapat ng gate habang nakatingin pa rin si Baekhyun sa kanya. Inabot ni Baekhyun ang baseball bat sa tabi ng couch at hinawakan niya yun nang mahigpit.

"Hindi ka makakapasok ditong magnanakaw ka," sabi ni Baekhyun habang hawak niya ng dalawa niyang kamay ang baseball bat.

Nagulat si Baekhyun nang biglang kalampagin ng lalaki sa labas ang gate nila, kaya lalong humigpit ang hawak ni Baekhyun sa bat habang dahan dahan siyang lumalapit sa pinto.

"Baekhyun!" sigaw ng lalaki sa labas. "Baekhyun, gising ka pa ba!?"

Natigilan si Baekhyun nang marinig niya ang boses ng lalaki. Binitawan niya agad yung bat tapos binuksan niya yung pinto ng apartment nila.

Nanlaki na lang ang mata ni Baekhyun nang makita niyang nasa may gate nila si Chanyeol na basang basa ng ulan.

"Chanyeol!" sigaw ni Baekhyun sa gitna nang malakas na buhos ng ulan. "Ano bang ginagawa mo, bakit ka nagpapaulan!?"

"Baekhyun, mag-usap tayo!" sabi ni Chanyeol. "Hindi ko na maipagpapabukas to kaya mag-usap na tayo ngayon na!"

Nagmadaling kumuha si Baekhyun ng payong tapos lumabas siya ng apartment. Naglakad siya papunta sa gate nila at binuksan niya ito para makapasok si Chanyeol.

"B-baekhyun," sabi ni Chanyeol. "Makinig ka sakin--"

"Bakit ka ba pumunta dito nang hindi man lang nagpapayong!? Nababaliw ka naba?! Pano kung magkasakit ka!?" sigaw ni Baekhyun at pinayungan niya si Chanyeol kahit wala na rin namang silbi dahil basa na si Chanyeol ng ulan.

"N-nakalimutan ko," sabi ni Chanyeol. "Hindi ko na naisip yun nung pumunta ako dito."

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Baekhyun nang naiirita. "Bakit hindi pwedeng bukas na lang? Gabi na, Chanyeol. At ang lakas ng ulan!"

"Makinig ka sakin!" sabi ni Chanyeol sabay hawak sa balikat ni Baekhyun, nabasa na si Baekhyun.

"Isang beses ko lang sasabihin sayo to, kaya makinig ka nang mabuti sakin."

Nagulat si Baekhyun dahil sa biglaang pagiging ganito ni Chanyeol, hindi niya alam kung ano bang nangyari kay Chanyeol kaya tumango na lang si Baekhyun.

"A-ano bang sasabihin mo sakin?"

"Alam kong iniisip mo yung tungkol sa paghalik ko sayo sa Jejudo," sabi ni Chanyeol nang seryoso. "I'm sorry kung hindi ko sinabi agad sayo yung tungkol dun, Baekhyun. Hindi ko yun ginawa dahil gusto ko lang, hindi kita hinalikan dahil wala lang. Ginawa ko yun dahil may dahilan ako."

Nakatitig lang si Baekhyun kay Chanyeol, nanginginig na yung kamay niyang nakahawak sa payong.

"H-hindi ko masabi sayo, dahil hindi ako magaling mag-express sa salita, hindi ako katulad mo na nasasabi lahat ng nararamdaman mo. Nahihirapan ako, kung bakit ba ako ganito... na once na magsasalita ako, lagi na lang masakit yung nasasabi ko, lalo na sayo... Sorry, Baekhyun. At h-hindi ko alam kung narinig mo ba yung sinabi ko kanina sa phone kay Kyungsoo pero--"

"N-narinig ko," sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya kay Chanyeol. "Narinig ko lahat, Chanyeol. Wag mo nang iexplain. Alam ko na."

"Kaya nga kailangan kong iexplain sayo! Makinig ka muna sa sasabihin ko!"

"Ayoko!" galit na sigaw ni Baekhyun. "Sasabihin mo na naman na hindi mo sinasadya yung sinabi mo! 'Hindi ko siya gusto', 'Walang ibig sabihin yung ginawa ko', 'Hindi basta-basta na lang yung nagugustuhan ko'. Chanyeol, tama na! Ayoko nang umasa sayo!"

Tumalikod si Baekhyun para pumasok na sana nang hilain siya ni Chanyeol. Hinawakan ni Chanyeol nang mahigpit ang wrist ni Baekhyun para hindi ito makawala.

"A-ano ba!?" sigaw ni Baekhyun pero hindi pa rin siya binibitawan ni Chanyeol.

"Chanyeol, bitawan mo na ako. Umuwi ka na, please!"

"Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nasasabi sayong--"

"Ano bang--"

"--GUSTO KITA!" sigaw ni Chanyeol sa gitna ng ulan, sobrang lakas para hindi pa marinig ni Baekhyun.

"Gustong gustong talaga kita-- hindi, sa tingin ko, mahal na kita," bulong ni Chanyeol tapos umiwas siya ng tingin sa mata ni Baekhyun

Narinig ni Baekhyun yun pero hindi siya sigurado kung tama ba yung dinig niya o hindi. Tumingin ulit si Chanyeol sa kanya habang nakatitig lang din si Baekhyun kay Chanyeol.

"Ch-chany--"

"MAKINIG KA MUNA WAG KANG SUMINGIT!" sigaw ni Chanyeol. "Yung sinabi ko sa phone na narinig mo kanina, sasakyan ang tinutukoy ko! SASAKYAN NI KYUNGSOO AT HINDI IKAW!"

Nanlaki ang mata ni Baekhyun.

"Ayoko nang dalhin tong pesteng nararamdaman ko dahil pagod na akong itago to! Kaya nandito ako sa harap mo ngayon, kahit gabing gabi na sa gitna pa ng malakas na ulan, para lang masabi ko sayo na," tumigil si Chanyeol para huminga, "MAHAL KITA, BAEKHYUN."

Nakatitig pa rin si Baekhyun kay Chanyeol, gulat at hindi makapaniwala. Bigla niyang nabitawan yung payong na hawak niya at nahulog na ito sa basang semento.

Tama ba yung narinig ko? M-mahal ako ni Chanyeol? MAHAL AKO NI CHANYEOL?

"A-anong.... sinabi mo?" tanong ni Baekhyun, wala na siyang pakealam kung basa na siya ng ulan. Pareho na sila ni Chanyeol.

"Mahal kita," ulit ni Chanyeol sa mas kalmadong boses kumpara sa sigaw niya kanina. "Kaya kita hinalikan nung nasa Jejudo tayo... kasi mahal kita, Baekhyun."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro