Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34


*

34

Nakatayo lang si Chanyeol at ramdam niyang hindi pa rin tumatayo si Baekhyun sa likod niya, kaya lumingon na agad siya.

Nagulat na lang siya nang nakita niyang namimilipit na si Baekhyun sa sakit dahil sa duguan niyang binti, kaya dali-daling tumakbo si Chanyeol papunta kay Baekhyun.

"Shit!" sigaw ni Chanyeol nang makita niyang bumuka na yung laman sa binti ni Bekhyun dahil sa malaking bubog na nakabaon dito.

"Baekhyun, Baekhyun!" nag-aalang tawag ni Chanyeol habang inaalis niya nang dahan dahan yung bote na sumugat kay Baekhyun.

"Huminga ka nang malalim, aalisin ko to bigla."

Inalis ni Chanyeol nang mabilis ang matulis na bubog sa laman kaya napasigaw si Baekhyun sa sobrang sakit na para bang mamamatay na siya dahil sa hapdi.

"Wala na, wala na. Okay na," sabi ni Chanyeol para patahanin si Baekhyun sa pag-iyak. "Bumangon ka, humawak ka sakin."

Inalalayan ni Chanyeol si Baekhyun sa pagbangon habang tinatalian niya ng panyo yung sugat ni Baekhyun. Kinarga niya si Baekhyun bridal style habang tumatakbo kaya humawak naman si Baekhyun sa leeg ni Chanyeol para hindi siya mahulog.

"Ch-chanyeol," bulong ni Baekhyun habang iniinda yung sugat sa binti niya.

"Wag ka nang magsalita, Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang pumupunta sila sa RTV rental shop. "Uuwi na tayo."

May lumabas na staff para batiin si Chanyeol at nagrent naman agad si Chanyeol ng sasakyan. Hindi niya naman kayang buhatin si Baekhyun pabalik sa villa dahil sobrang layo nun dito.

"Baekhyun, humawak ka nang mabuti sakin, bibilisan ko ang pagdadrive," sabi ni Chanyeol nang makasakay na sila. Tumango lang si Baekhyun dahil nanghihina na siya, nahihilo na siya dahil marami nang dugo ang nawala sa kanya.

Pinaandar na ni Chanyeol ang RTV, nakahawak si Baekhyun sa tabi niya at napansin niyang unti-unti nang nawawalan ng malay si Baekhyun. Inaantok na siya at nanghihina na talaga siya.

"BAEKHYUN!" sigaw ni Chanyeol habang nagdadrive.

"Wag kang matutulog! Wag kang pipikit! Bawal kang matulog! Pilitin mong magising, okay!? Dumilat ka lang!"

Hindi sumagot si Baekhyun at hinawakan na lang niya si Chanyeol nang mas mahigpit.

*

Nagising si Yixing sa biglang pagbukas ng pinto ng villa kaya napatayo agad siya. Nanlaki na lang ang mata niya nang makita niyang karga ni Chanyeol si Baekhyun na duguan ang binti.

"Anong nangyari kay Baekhyun!?" sigaw ni Yixing habang sinusundan si Chanyeol papunta sa pinakadulong kwarto ng villa, sa mini clinic.

Inihiga ni Chanyeol si Baekhyun sa ibabaw ng kama, habang si Baekhyun naman para nang lantang gulay pero gising pa rin.

"G-gamutin mo siya," sabi ni Chanyeol kay Yixing habang hinihingal. "Nasugat ng bubog yung binti niya, malalim."

Kumuha agad si Yixing ng planggana na may tubig, tong, bulak, alcohol, antiseptic, hydrogen peroxide, at ilang gamit pang surgery tapos tumingin siya kay Baekhyun.

"Baekhyun, wag kang matutulog," sabi ni Yixing habang nililinis ang sugat ni Baekhyun. "Mabilis lang to, okay? Tiisin mo lang. Tatahiin ko yung sugat mo."

Tumango nang dahan dahan si Baekhyun at napapikit na lang siya sa sobrang sakit nang lagyan ni Yixing ng alcohol yung sugat niyang malalim. Napasigaw siya bigla nung alisin ni Yixing yung ilang basag na bote sa binti niya.

"Ugh! Ahh! A-ang sakit!" iyak ni Baekhyun. "H-hindi ko na--- ugh!"

Nakatayo lang si Chanyeol sa gilid habang nakatingin sa ginagawa ni Yixing. Pakiramdam niya siya yung lalong nasasaktan pag nakikita niyang nahihirapan si Baekhyun.

Tumalikod si Chanyeol habang naririnig pa rin niya yung pagsigaw ni Baekhyun. Huminga siya nang malalim tapos lumayo siya sa kama. Hindi ko kayang nakikita kitang ganyan... Sobrang sakit.

"Okay lang, okay lang, Baekhyun," sabi ni Yixing habang tinuturukan ng anestisya yung binti ni Baekhyun.

"Wala nang sakit, wala na," sabi ni Yixing. "Matatapos na tayo, okay? Kaya mo yan, Baekhyun. Hindi masakit to."

Unti-unti nang tumahimik si Baekhyun ng pag-iyak habang tinatahi na ni Yixing yung sugat niya. Umepekto na sa kanya yung pampamanhid.

*

"Okay na siya," sabi ni Yixing kay Chanyeol na nakayuko sa may couch. "Natutulog na siya ngayon sa kwarto niya."

Bumuntong hininga si Chanyeol. "Salamat. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Para saan pang pinag-aral ako ng Dad mo sa Med school kung hindi ko naman magagamit," sabi ni Yixing nang nakangiti tapos tumabi siya kay Chanyeol.

"Wag ka nang mag-alala, ano ka ba. Sa binti lang yun malayo sa bituka ni Baekhyun," sabi ni Yixing sabay tapik kay Chanyeol sa balikat.

"Natakot talaga ako Yixing, nung makita ko siya," sabi ni Chanyeol na parang paiyak na.

"N-nandun siya... sa-- sa buhangin tapos... tapos puro dugo. Parang, hindi ko na alam yung gagawin ko, parang. Natigilan na lang ako. Muntik na akong magpanic nung-- nung medyo makakatulog na siya kaya... Kaya binilisan ko. Akala ko, may mangyayari na kay Baekhyun, sobrang-- sobrang nag-alala talaga ako, akala ko hindi ko na--"

"Chanyeol-ah," mahinahon na sabi ni Yixing tapos hinawakan niya sa balikat ang kaibigan niya. "Okay na, okay na si Baekhyun. Tama na. Kumalma ka na."

"Kasalanan ko kung bakit siya nasakatan, kung sana hindi ako umalis," sabi ni Chanyeol habang pinipigilan niyang umiyak. "Yixing, muntik ko nang iwan si Baekhyun dun. Hindi ko alam na nasugatan siya nung bote. Muntik ko na siyang pabayaan."

"Wag mo nang sisihin ang sarili mo, tapos na yung nangyari," sabi ni Yixing habang pinapat niya ang balikat ni Chanyeol.

"Walang may gusto nun, aksidente lahat ng nangyari."

Tumango si Chanyeol habang nakayuko pa rin sa pagkakaupo niya.

"Matulog ka na, ala-una na ng madaling araw. Wala ka pang pahinga mula kaninang umaga dahil sa paghahanap mo kay Baekhyun."

Tumango si Chanyeol. "Si Sehun nga pala?"

"Nasa kwarto ni Jongin. Nakatulog na sila kakahintay sa inyo ni Baekhyun."

Tumayo na si Yixing papunta sa kwarto niya.

"Happy New Year," sabi ni Chanyeol sabay tunghay kay Yixing. "Salamat ulit, Yixing."

"Happy New Year din sayo. Magpahinga ka na."

*

Nagising si Chanyeol nang nakaramdam siya na parang may humawak sa kanya sa pisngi kaya dumilat agad siya. Bumangon siya sa pagkakahiga niya at nakita niya si Baekhyun na nasa gilid ng kama niya na mukhang gulat na gulat.

Nagulat din si Chanyeol dahil wala dapat dito si Baekhyun. Nasa kwarto dapat siya at nagpapahinga. Tumingin si Chanyeol sa orasan sa beside table niya. 4:03AM.

"S-sorry Chanyeol, hindi ko sinasadyang magising ka," bulong ni Baekhyun sa dilim. "Tiningnan ko lang kung mahimbing yung tulog mo..."

Hindi nagsalita si Chanyeol kaya nag-aalalang hinawakan ni Baekhyun ang braso niya.

"G-galit ka pa ba sakin, Chanyeol?"

Bumuntong hininga si Chanyeol tapos tumingin siya kay Baekhyun.

"Hindi," bulong ni Chanyeol. "Wala kang kasalanan, Baekhyun. Hindi mo kasalanan na nawala ka... Hindi mo rin kasalanan na naaksidente ka."

"I'm sorry kung nag-alala ka," sabi ni Baekhyun. "Wala na akong dinulot sayo kundi puro problema na lang."

"Pinag-alala mo talaga ako nang sobra," sabi ni Chanyeol, "Akala ko... akala ko kung mapapano ka na."

"I'm sorry," sabi ni Baekhyun, wala na siyang ibang masabi. "Sorry talaga..."

Umiling si Chanyeol. "Wag mo nang isipin yun, ang mahalaga nagamot ka na."

Napansin ni Chanyeol na may isang saklay na nakasandal sa beside table.

"Y-yung binti mo, bagong tahi pa lang yan. Bakit inilakad mo na? Okay ka na ba?" tanong ni Chanyeol, mahina lang ang boses niya dahil maaga pa.

"Nakalakad ako dahil dun sa saklay," sabi ni Baekhyun tapos yumuko siya para tingnan ang binti niyang may balot ng benda. "Medyo okay na ako... Salamat kay Yixing-hyung."

"Sigurado ka ba?"

Tumango si Baekhyun. "Okay na ako, kahit medyo mahapdi pa rin yung tahi sa loob."

Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun na para bang naaawa at nasasaktan siya para dito. Hinawakan niya yung baba ni Baekhyun tapos inangat niya ito.

Umiwas ng tingin si Baekhyun.

"A-ano ka ba, okay lang ako! Gagaling agad ako!" masiglang sabi ni Baekhyun. "Wag kang mag-alala, makakabalik agad ako sa trabaho."

Salamat naman at okay ka. Nakahinga na ko nang maluwag.

"Chanyeol," tawag ni Baekhyun habang nakatingin sa bintana.

"Hmm?"

"Gusto kong makita yung sunrise," sabi ni Baekhyun. "Gusto mo bang panoorin yung sunrise kasama ko?"

Ngumiti si Chanyeol.

*

Inalalayan ni Chanyeol na makaupo si Baekhyun sa buhangin. Tinabi niya yung saklay ni Baekhyun sa gilid tapos umupo siya sa tabi ni Baekhyun, walang space sa pagitan nila na halos magkadikit na sila.

"Anong gusto mong baguhin sa sarili mo ngayong taon?" tanong ni Baekhyun habang nakatingin sa langit na unti-unti nang nag-oorange habang humahapas yung alon sa dalampasigan.

Hindi sumagot si Chanyeol, isinandal niya lang yung ulo niya sa balikat ni Baekhyun. Nagulat si Baekhyun pero hindi niya yun pinahalata, nakatingin pa rin siya sa dagat sa tapat nila.

"Matutulog ako, inaantok pa ako."

Hinayaan lang ni Baekhyun si Chanyeol. Tahimik lang silang dalawa pero kumportable.

"Siguro ngayong taon, mas magiging maingat na ako," sabi ni Baekhyun dahil alam naman niyang nakikinig si Chanyeol sa tabi niya. "Ngayong taon... Dapat maging maayos na ako sa pagdedesisiyon ko."

"Siguro ako," sabi ni Chanyeol habang nakahiga ang ulo sa balikat ni Baekhyun. "Babawasan ko na ang pagsusungit ko."

Natawa si Baekhyun. "Tama, dapat talagang gawin mo yun."

"At dapat siguro... maging honest na rin ako."

Tumango si Baekhyun kahit medyo hindi niya naman naintindihan kung bakit yun sinabi ni Chanyeol.

"Nung Christmas, ikaw yung kasama ko," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa binti niyang may benda at sa binti ni Chanyeol na wala.

"At ngayong New Year, ako ulit yung kasama mo," sabi naman ni Chanyeol.

"Thank you," bulong ni Baekhyun. "Dahil pinapasaya mo ako, Chanyeol."

Ngumiti si Chanyeol. "You're welcome."

Napangiti si Baekhyun nang makita niyang unti-unti nang tumataas yung araw sa ibabaw ng dagat. Sobrang ganda, nagliliwanag na yung langit.

"Chanyeol!" sabi ni Baekhyun habang nakaturo sa sunrise. "Sumisikat na yung araw!"

Tumunghay si Chanyeol, hindi pa rin niya inaalis yung ulo niya sa balikat ni Baekhyun.

"Ang ganda," sabi ni Baekhyun tapos lumingon siya kay Chanyeol sa balikat niya.

"Happy New Year, Chanyeol."

Ngumiti si Chanyeol at tinitigan niya si Baekhyun. "Happy New Year din, Baekhyun."

Nakatitig lang si Baekhyun sa mata ni Chanyeol, hindi siya nakangiti o nakasimagot, nakatingin lang na para bang marami siyang gustong sabihin kay Chanyeol. Sobrang lapit ng mukha nila na parang nabibilang na ni Baekhyun yung pilikmata ni Chanyeol.

Katahimikan.

Kumurap si Baekhyun habang nakatingin pa rin si Chanyeol sa kanya, sumisikat na yung araw sa dagat sa tapat nila.

Walang umiiwas ng tingin.

Pakiramdam ni Baekhyun sasabog na yung puso niya dahil sobrang bilis ng heartbeat niya dahil sa pagtitig ni Chanyeol sa kanya. Inalis ni Chanyeol ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ni Baekhyun tapos humarap siya kay Baekhyun, ilang inches lang ang layo ng mukha nila.

Tinagilid ni Baekhyun yung ulo niya pakanan tapos unti-unti siyang lumapit sa mukha ni Chanyeol, na para bang hahalikan na niya si Chanyeol sa labi. Pumikit si Baekhyun.

Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya na parang naghihintay habang nilalapit ni Baekhyun yung mukha niya kay Chanyeol.

Pero tumigil bigla si Baekhyun dahil nagdalawang isip siya nang magdikit yung ilong nila. Nakapikit pa rin siya. Ano bang ginagawa ko? Gagawin ko ba talaga to... Dapat ko bang gawin to?

"Baekhyun," bulong ni Chanyeol malapit na malapit sa labi ni Baekhyun.

"Bakit... hindi mo ituloy?"

Huminga nang malalim si Baekhyun habang nakapikit pa rin.

At ginawa niya ang sinabi ni Chanyeol.

Hinalikan niya si Chanyeol habang nakapikit pa rin siya, nakadilat lang si Chanyeol at nakatingin kay Baekhyun. Dinampi lang ni Baekhyun yung labi niya sa labi ni Chanyeol nang dahan-dahan.

Smack.

Ramdam ni Baekhyun yung labi ni Chanyeol na nakadikit sa labi niya, at yung hininga ni Chanyeol mula sa ilong nito. Lalayo na dapat si Baekhyun para humiwalay na sa kiss nang naramdaman niyang hinawakan ni Chanyeol yung braso niya para pigilan siya.

Natigilan si Baekhyun.

At naramdaman na lang niyang hinalikan din ni Chanyeol yung labi niya.

Isa.

Dugdug.

Dalawa.

Dugdug...

Tatlo.

Dugdugdugdug--

Apat, lima...

Limang mabagal na dampi ng labi ang naramdaman ni Baekhyun sa lips niya, at pakiramdam niya parang nakuryente yung buong katawan niya at dumoble yung bilis ng heartbeat niya. Nakatigil lang si Baekhyun na parang bato nang hawakan ni Chanyeol yung pisngi niya habang hinahalikan siya nito nang mabagal at maingat.

Hindi hinalikan ni Baekhyun si Chanyeol pabalik.

Ilang segundo ang lumipas, dahan dahang humiwalay na si Chanyeol sa kiss dahil siya naman yung humalik, yung hininga ni Chanyeol ramdam ni Baekhyun sa labi niya.

Yumuko si Baekhyun sa buhangin at hinawakan niya yung lips niya. Pakiramdam niya sobrang init ng mukha niya habang hindi pa rin tumitigil sa pagtibok nang sobrang bilis yung puso niya. Parang nasa labi pa rin niya yung lips ni Chanyeol na parang hindi na mawawala.

Totoo bang... hinalikan ako ni Chanyeol? Parang panaginip lang to. Hindi ko alam kung totoo ba to o hindi, parang napakaimposible... Bakit niya yun ginawa? Ano bang dapat kong maramdaman?

"Baekhyun," tawag ni Chanyeol habang hinihintay niyang tumingin si Baekhyun sa kanya.

Hindi tumingin si Baekhyun.

Tumayo agad siya gamit yung saklay sa tabi niya kaya napatingala si Chanyeol na nakaupo pa rin sa buhanginan. Bumuka ang bibig ni Chanyeol para tawagin si Baekhyun pero walang boses na lumabas sa bibig niya. Sasabihin na dapat niya kay Baekhyun ang lahat, pero nung makita niya yung expression ng mukha ni Baekhyun na sobrang naiilang, hindi kumportable, nasasaktan, at naguguluhan, hindi na naituloy ni Chanyeol ang sasabihin niya.

Pakiramdam ni Chanyeol nareject siya.

"B-baekhyun," sabi ni Chanyeol habang nakatitig lang kay Baekhyun. "Saan ka pupunta?"

"B-babalik na ako s-sa loob," sabi ni Baekhyun nang nakaiwas ang tingin kay Chanyeol. "M-malamig pala dito, p-papasok na ako. M-magkita na lang tayo mamaya."

"Samahan na kita, kaya mo bang maglakad? Baka hindi ka--"

Umiling si Baekhyun. "Kaya ko na ang sarili ko. Sige, Chanyeol."

"Sige..." bulong ni Chanyeol nang napipilitan.

Tumalikod na si Baekhyun at naglakad na palayo.

Gusto mang habulin ni Chanyeol si Baekhyun, hinayaan na lang niya itong umalis. Pinanood lang niya si Baekhyun na maglakad nang paika-ika papasok sa villa.

Bumuntong hininga si Chanyeol. Tama bang kiniss ko siya? Nagkamali nanaman ba ako?

Ibinalik na lang ulit ni Chanyeol ang tingin niya sa dagat sa harap niya.

Mas maganda ang dagat kanina kesa ngayon.

*

To be continued.

(A/N: Happy Birthday, Tao!!! SANA NAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA TO!!!)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro