Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

*

33

Nakarating si Chanyeol at Baekhyun sa lugar sa beach na may maraming tao. May nakaset up kasi na stage sa gitna at mukhang may magpeperform dito.

"Gusto mong manood?" tanong ni Chanyeol."

"Sige!" excited na sigaw ni Baekhyun kaya napairap na lang si Chanyeol.

Naglakad sila habang sumisingit papunta sa maraming tao, nasa unahan si Chanyeol at nasa likod niya naman si Baekhyun na sumusunod sa kanya. Naghahanap si Chanyeol ng space sa unahan para pwestuhan nila.

Tinanggal ni Chanyeol bigla yung kamay ni Baekhyun sa braso niya nang may makita siyang space, kaya medyo nagulat si Baekhyun. Magsasalita na sana si Baekhyun nang biglang ibalik ulit ni Chanyeol yung kamay niya, pero ngayon nakahawak na siya sa kamay ni Baekhyun tapos inintertwine niya yung kamay nilang dalawa.

Ngumiti si Baekhyun at hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay ni Chanyeol habang hinihila siya nito papunta sa malapit sa stage.

"Chanyeol!" tawag ni Baekhyun nang makarating na sila sa unahan.

"Ano!?" sigaw ni Chanyeol dahil hindi sila magkarinigan dahil sa ingay.

"CN Blue!" sabi ni Baekhyun habang nakaturo sa malaking banner sa stage. "CN Blue na ang sunod!"

Umirap lang si Chanyeol. Eto nanaman tayo.

"Magpeperform pala ang CN Blue dito, buti na lang nakita natin!"

"CN Blue?" tanong ni Chanyeol habang nakatingin sa banner sa stage.

"Hindi naman sila kulay blue, ano bang klaseng pangalan ng banda yan, sino bang matinong-- ano ba?!"

Naramdaman ni Chanyeol na kinakalas na ni Baekhyun yung kamay niya sa pagkakahawak nito sa kanya. Nakatalikod si Baekhyun sa kanya na para bang may tinitingnan ito sa kung saan.

"Bakit?" sabi ni Chanyeol sabay lapit sa tenga ni Baekhyun habang hinahanap niya kung saan nakatingin si Baekhyun. "Anong gagawin mo!?"

"Kukuha lang ako nung libreng pagkain," sabi ni Baekhyun tapos lumingon siya kay Chanyeol. Nagulat siya bigla dahil sobrang lapit ng mukha ni Chanyeol sa kanya.

"B-bakit ang lapit ng mukha mo, nakakagulat ka naman!"

"Para magkarinigan tayo!" sabi ni Chanyeol tapos lumapit siya sa tenga ni Baekhyun. "Dito ka lang, wag ka nang umalis."

"Pero namimigay sila ng cupcakes," sabi ni Baekhyun sa tenga ni Chanyeol. "Gusto ko ring kumuha!"

"Ibibili na lang kita mamaya, wag ka nang umalis dito!"

"Gagastos ka pa, eh yun libre!" sigaw ni Baekhyun. "Sige na, Chanyeol. Payagan mo na ako!"

Napasampal si Chanyeol sa noo niya.

"Makinig ka na lang kasi sakin, ang tigas nanaman ng ulo mo eh. Wag ka nang umalis, mamaya mawala ka pa!"

Lumingon si Baekhyun sa stall na tinitingnan niya kanina at nakita niyang medyo maiksi na ang pila.

"Hindi ako mawawala, jan lang ako pupunta," sabi ni Baekhyun sabay turo sa isang stall malapit sa may stage.

"Sasamahan na kita!"

"Wag na!" sabi ni Baekhyun habang nakatanaw pa rin sa stall. "Dito ka lang. Babalik din ako agad! Nandito na ako bago magsimula ang performance."

Tinanggal na ni Baekhyun ang kamay niya sa kamay ni Chanyeol. Kukunin pa sana ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun pero hindi na niya ito naabutan dahil nakaalis na si Baekhyun, kaya wala nang nagawa si Chanyeol kundi hayaan na lang siya.

"Bumalik ka agad, Baekhyun!" sigaw ni Chanyeol. "Bilisan mo!"

*

Natapos na ang performance ng CN Blue.

Hindi pa rin bumabalik si Baekhyun.

"Ugh! Sinasabi ko na nga ba," naiinis na sabi ni Chanyeol. "Hindi na siya babalik!"

Umalis si Chanyeol sa grupo ng mga tao at pumunta siya sa may gilid. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan niya ang phone ni Baekhyun.

"Sagutin mo..." sabi ni Chanyeol habang pinapakinggan ang ring sa kabilang linya.

[Hello?]

"Baekhyun! Nasan ka ba!? Kanina pa kita hinihintay! Bumalik ka na dito, ngayon na!" sigaw ni Chanyeol kaya pinagtitinginan na siya ng mga batang dumadaan.

[Chanyeol?]

"Oo, ako si Chanyeol-- teka! Hindi ka naman si Baekhyun!"

[Si Yixing to, bakit ka ba sumisigaw!?]

"Teka, bat nasayo ang phone ni Baekhyun, kasama mo ba siya?"

[Hindi ko siya kasama, naiwan niya yung phone niya dito. Diba kasama mo siya?]

"Kanina kasama ko siya, pero umalis siya at ngayon hindi pa siya bumabalik!" sabi ni Chanyeol habang naglalakad nang pabalik-balik.

"Bakit niya ba kasi iniiwan yang phone niya pag aalis siya, ang bobo niya talaga. Nakakainis! Hindi man lang nag-iisip!"

[Yah, Chanyeol, wag mo naman siyang sabihan ng ganyan. Kaya pala 바보 (pabo) ang nakasave na pangalan mo dito eh.]

"Ano?! Ugh! Humanda talaga siya sakin pag nakita ko siya!" sigaw ni Chanyeol habang pumapadyak-padyak pa kaya pinagtitinginan na siya ng mga ahjumma.

"Hahanapin ko muna siya. Tawagan mo ako agad kapag nakauwi na si Baekhyun jan."

[Hahanapin ko rin si Baekhyun. Sasabihin ko na lang kay Sehun.]

"Sige, bye."

*

"Nasan na ba ako..." sabi ni Baekhyun nang naglalakad habang tumitingin sa paligid niya.

Paulit-ulit ko nang nadaanan ang puno na to, at yung cottage na yun. Pati na rin yung batong yun... Naliligaw na nga talaga ako

"Tama nga si Chanyeol," sabi ni Baekhyun sa sarili niya. "Dapat hindi na lang ako umalis... Papano ngayon ako babalik nito..."

Nakahanap si Baekhyun ng bench sa ilalim ng palm tree kaya naupo muna siya dun habang naghihintay ng kung sinuman o anumang mangyayari sa kanya. Wala siyang phone na dala, wala siyang pera, at wala rin siyang kilala kaya hindi niya alam kung ano bang gagawin niya ngayon.

Bumuntong hininga na lang si Baekhyun habang yakap niya ang tuhod niya. Kinuha niya yung cupcakes na hiningi niya kanina at kinain niya ito.

"Masarap," sabi ni Baekhyun habang nginunguya ang cupcake sa bibig niya. "Pero mas masarap sana to kung kasama ko si Chanyeol na kumakain nito."

Tinuloy na lang ni Baekhyun ang pagkain sa cupcakes dahil wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi kumain na lang at umasang sana makita siya ni Chanyeol dito.

"Nasan ka na ba Chanyeol," sabi ni Baekhyun habang kinakagat ang cupcake niya. "Hinahanap mo kaya ako? Nag-aalala ka ba sakin?"

Nilunok na ni Baekhyun yung huling cupcake niya at medyo nabulunan pa siya dahil wala naman siyang tubig. Napaubo siya nang malakas.

"Okay ka lang?" sabi ng stranger na lumapit sa tabi ni Baekhyun na humihimas sa likod niya.

"Itong tubig oh, uminom ka muna."

Kinuha agad ni Baekhyun ang tubig sa harap niya at ininom niya ito hanggang sa maubos ang laman ng tumbler.

"Salamat," sabi ni Baekhyun habang hawak ang dibdib niya. "Sorry, naubos ko yung tubig mo."

"Okay lang, marami naman akong tubig," sabi ng lalaki habang nakangiti. "Nga pala, bakit nag-iisa ka? Nasan ang mga kasama mo?"

"Naliligaw ako," sabi ni Baekhyun habang nakapout. "Nahiwalay ako sa kasama ko. Hinahanap ko siya pero ako naman yung nawala. Ngayon, hindi ko na alam yung pabalik sa villa namin."

"Ah ganun ba, kawawa ka naman pala. Sayang, wala kasi akong phone ngayon. Hindi kita mapapahiraman para matawagan mo yung kasama mo."

"Okay lang, hihintayin ko na lang siya dito."

"Sa loob ka na maghintay," sabi ng stranger habang nakaturo sa penthouse sa likod nila. "Malamig dito sa labas."

Tiningnan ni Baekhyun ang malaking penthouse sa likod nila at mukha namang safe doon. Tiningnan niya rin ang taong nasa harap niya ngayon.

Hindi naman siya nakakatakot dahil sa chubby cheeks niya, at saka mukha rin naman siyang mabait. Ngumiti ang stranger kay Baekhyun.

"Okay," sagot ni Baekhyun kahit medyo hindi siya sigurado. "Sandali lang ako ha."

"Oo naman," sabi ni stranger nang nakangiti. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Baekhyun," sabi ni Baekhyun habang naglalakad sila papasok. "Ikaw?"

"Tawagin mo na lang akong Minseok-hyung."

"Minseok-hyung?" sabi ni Baekhyun.

Tumawa si Minseok. "Ganun na nga."

*

"TOTOO BANG NAWAWALA SI BAEKHYUN!?" sigaw ni Sehun na kararating lang kasama ni Jongin.

"Kumalma ka lang Sehun," sabi ni Yixing. "Hinahanap na siya ng hyung mo. Pinapahanap na rin siya ng mga tauhan dito sa buong resort."

"Hahanapin ko rin si Baekhyun!" sabi ni Sehun. Lalabas na sana siya nang pigilan siya ni Jongin.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?" sabi ni Jongin. "Hindi mo naman kabisado ang lugar dito. At saka tingnan mo nga oh, hapon na."

"Pero--"

"Makinig ka sa kanya," sabi ni Yixing. "Dito ka na lang. Mamaya ikaw naman ang mawala eh. Saka pag umalis ka pa, papagalitan ka ng hyung mo."

Sumimangot na lang si Sehun.

"Nag-aalala lang naman ako kay Baekhyun eh," sabi ni Sehun habang nakatingin sa bintana.

"Baka nakidnap na siya ng mga masasamang tao tapos nilasing siya at pinagsamantalahan siya, tapos binenta yung katawan niya!"

"Yah, Sehun!" sigaw ni Yixing.

"O kaya naman nalunod na siya sa dagat! Kinagat siya ng pating at lumutang na lang yung bangkay niya sa may dalampasigan!" sabi naman ni Jongin.

"Ano ka ba! Ano ba yang mga sinasabi niyo!?" sigaw ni Yixing. "Wag nga kayong magsalita ng ganyan, kinakabahan ako lalo eh!"

"Ang Baekhyun ko, Baekhyun," sabi ni Sehun habang yakap ang hoodie ni Baekhyun sa may couch.

"Wag mo akong iiwan, Baekhyun. Hindi pa kita napapakasalan," sabi ni Sehun kaya napataas na lang ng kilay si Jongin at Yixing.

"Nangako ka sakin kanina, sabi mo hindi ka aalis sa tabi ko," sabi ni Sehun at umiiyak na siya kaya nag-aalala nang lumapit si Yixing sa kanya.

"Sehun, tahan na," sabi ni Yixing  "Ayan ka nanaman sa pagdadrama mo."

"Bumalik ka na, please. Namimiss na kita, Baekhyun!"

Nakatingin lang si Jongin kay Sehun tapos umiling siya.

"Tsk, tsk, tsk. Wala nang pag-asa."

*

"Enjoy ba, Baekhyun?" tanong ni Minseok habang inaalalayan si Baekhyun sa pagbaba ng speedboat.

"SOBRA!" sigaw ni Baekhyun nang nakangiti. "Ang sarap palang sumakay sa speedboat! Ang bilis bilis! Grabe, kakaibang experience yun!"

"Talaga?" sabi ni Minseok nang nakangiti rin. "Buti pala sinama kita. Tingnan mo nagustuhan mo."

Tumango si Baekhyun at napatingin siya sa lumulubog nang araw sa may dagat. Bigla niyang naalalang nawawala nga pala siya. Nawala kasi sa isip niya si Chanyeol pati na rin sina Sehun na malamang nag-aaala na sa kanya ngayon.

"Bakit malungkot ka?" tanong ni Minseok. "May problema ba?"

"Naisip ko kasi yung mga kasama ko," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot. "Baka nag-aalala na si Chanyeol sakin. Gusto ko nang umuwi, Minseok-hyung."

"Sige, sasamahan kita," sabi ni Minseok. "Hanapin natin yung villa niyo para makauwi ka na."

"Talaga!?"

"Oo naman," sabi ni Minseok sabay pat sa buhok ni Baekhyun. "Kasi ang cute mo talaga, pano ba naman kita matatanggihan."

Namula si Baekhyun dahil sa compliment. Hindi naman kasi siya laging napupuri dahil sa itsura niya, ni si Chanyeol nga hindi siya sinasabihan ng papuri maliban na lang yung kanina.

Bagay talaga sayo yang eyeliner mo.

Napangiti si Baekhyun. First time niya lang akong pinuri simula nang nakilala ko siya.

"Nakangiti ka," sabi ni Minseok. "May iniisip ka ba?"

"Naalala ko lang si Chanyeol..."

"Kanina mo pa binabanggit si Chanyeol," sabi ni Minseok habang naglalakad sila pabalik. "Boyfriend mo?"

Umiling nang mabilis si Baekhyun. "H-hindi! Uhm. Boss ko siya."

"Ahhh," sabi ni Minseok habang nakangiti. "Single ka pala. So pwede bang--"

"Yah," sabi ni Baekhyun at siniko niya si Minseok. "Wag mo nang ituloy yang iniisip mo, Minseok-hyung."

Tumawa si Minseok. "Tsk. Sayang..."

"Ipapakilala na lang kita sa bestfriend kong si Jongdae," sabi ni Baekhyun. "Sa tingin ko magugustuhan mo siya!"

"Okay. Sige, pag-iisipan ko," sabi ni Minseok habang pinipigilan niyang tumawa. Tinuro niya yung maliit na resto sa tapat nila.

"Kain tayo, nagugutom ako," sabi ni Minseok. "Libre ko."

"Sige ba!" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Sino ba naman ako para tumanggi sa libre."

*

"Shit, Baekhyun. Nasan ka na ba..."

Kanina pa naglalakad si Chanyeol. Naikot na siguro niya ang buong resort kakahanap kay Baekhyun at napagtanungan na rin niya ang lahat ng pwedeng pagtanungan. Pagod na talaga siya.

"Nag-aalala na ako sayo, Baekhyun. Napapagod na rin ako kaya magpakita ka na."

Natigilan si Chanyeol sa paglalakad niya nang may marinig siyang pamilyar na boses malapit sa kanya, tumatawa pa.

Lumingon si Chanyeol sa paligid niya at nakita niya, sa labas ng isang resto, si Baekhyun.

Si Baekhyun na tumatawa kasama ng lalaking sigurado si Chanyeol, na ngayon lang nakilala ni Baekhyun.

"So nandito ka pala."

Huminga nang malalim si Chanyeol, hindi niya alam kung dahil sa ginhawa o dahil sa pagpipigil ng galit niya. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit, nagpakahirap siyang hanapin si Baekhyun tapos makikita niyang okay lang pala si Baekhyun kasama ng iba.

Nasayang lang yung pagod ko pati na yung pag-aalala at pag-iisip kong baka kung ano nang nangyari sayo, tapos ito lang pala yung makikita ko.

Pakiramdam ni Chanyeol nagmukha lang siyang tanga.

Napatingin si Baekhyun sa malayo at nakita niyang nakatingin mismo sa kanya si Chanyeol, walang emosyon yung mukha niya, nakatingin lang ito sa kanya na para bang pagod na pagod na siya.

"Ch-chanyeol," sabi ni Baekhyun sabay tayo sa upuan niya. Napatingin si Minseok sa tinitingnan ni Baekhyun.

Nakatitig lang si Baekhyun kay Chanyeol at ramdam ni Baekhyun na galit ito sa kanya, alam naman kasi ni Baekhyun na may kasalanan siya kaya dapat lang na magalit si Chanyeol sa kanya.

"Siya ba si Chanyeol?" tanong ni Minseok kay Baekhyun. Tumango lang si Baekhyun habang nakatingin pa rin siya kay Chanyeol sa malayo.

Ineexpect ni Baekhyun na pupuntahan siya, sisigawan o kaya papagalitan siya ni Chanyeol. O kaya naman hihilain siya at kakaladkarin habang sinisermunan siya nito. Pero hindi ginawa yun ni Chanyeol.

Umiwas lang ng tingin si Chanyeol sa kanya na parang wala siyang pakealam at hindi niya kilala si Baekhyun, tapos tumalikod na siya at naglakad palayo.

Nasaktan si Baekhyun.

"Minseok-hyung, aalis na ako. Salamat nga pala kanina," nagmamadaling sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa papalayong likod ni Chanyeol.

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Minseok at umalis na siya sa resto para habulin si Chanyeol.

"Chanyeol!" sigaw ni Baekhyun.

"Chanyeol! Teka!" sigaw ulit niya habang tumatakbo siya palapit kay Chanyeol.

Hindi nakita ni Baekhyun yung basag na wine bottle na nakabaon sa buhangin sa tapat niya, kaya nadapa ulit siya at bumaon sa binti niya yung talim ng bote.

Napahawak siya sa binti niya dahil sa sakit, sumugat at bumaon nang malalim yung bubog ng bote sa laman sa may binti niya, parang nahiwa sa gitna. Napapikit na lang si Baekhyun habang dumadaloy na yung dugo sa paa niya.

Tumingin si Baekhyun sa tapat niya at nakita niyang nakatigil na si Chanyeol ilang hakbang lang malayo sa kanya.

"Ch-chanyeol..." tawag ulit ni Baekhyun habang inaalis niya ng kamay niya yung malaking bubog sa binti niya.

Hindi lumingon si Chanyeol.

"Tumayo ka jan. Hindi kita aalalayan."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro