Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 32


*

32

"Baekhyun, Baekhyun," tawag ni Yixing kay Baekhyun na tulog na tulog sa balikat niya. "Nandito na tayo, Baekhyun."

Unti-unting dumilat si Baekhyun at nakita niyang wala nang laman ang grandia na sinasakyan nila bukod sa kanilang dalawa ni Yixing.

"Nandito na tayo sa Jejudo, Baekhyun."

Tumingin si Baekhyun sa paligid niya at nakakita siya ng magandang dagat at island sa tabi nila at malaking villa naman sa harap nila. Naalala bigla ni Baekhyun na pupunta nga pala sila ngayon dito sa Jejudo para dito magcelebrate ng New Year.

"Nasa loob na ng villa sila Chanyeol. Baka hinihintay na nila tayo."

"Inaantok pa ako, Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun tapos humiga siya sa lap ni Yixing. "Matutulog pa ako."

"Yah, kanina ka pa natutulog sa plane, hanggang ngayon ba naman inaantok ka pa rin?"

"Hindi ako pinatulog ni Jongdae kagabi kaya napuyat ako," inaantok na sabi ni Baekhyun habang nakasubsob ang mukha niya sa lap ni Yixing.

"Ayaw niya kasi akong pasamahin papunta dito kaya sinermunan niya ako magdamag."

Nag-aalangang inayos ni Yixing ang ulo ni Baekhyun sa lap niya habang pinipigilan niyang huminga. Hindi kasi masyadong kumportable ang pagkakahiga ni Baekhyun sa may lap niya at baka may masagi si Baekhyun na hindi dapat masagi.

"Baekhyun, bumangon ka na. Please," sabi ni Yixing nang medyo naiilang. Tumingin siya sa paligid.

"Sa loob ka na lang matulog," bulong ni Yixing. "Wag dito sa... uhm, wag sa lap ko."

Walang response.

Hinawakan ni Yixing ang balikat ni Baekhyun para iangat si Baekhyun sa pagkakahiga nito sa lap niya. Nakita ni Yixing na tulog na pala si Baekhyun kaya napabuntong hininga na lang siya. Isinandal niya si Baekhyun sa balikat niya habang nakaakbay siya kay Baekhyun na parang nakayakap.

Nararamdaman ni Yixing ang hininga ni Baekhyun sa leeg niya pati na rin yung bangs ni Baekhyun sa pisngi niya, kaya napapikit na lang si Yixing habang ang bilis ng heartbeat niya. Ayoko talaga nang ganito...

"Baekhyun, gising na," sabi ni Yixing sabay buntong hininga. "Wag mo naman akong pahirapan oh."

Bumukas bigla ang pintuan ng grandia kaya napalingon agad si Yixing. Nakita ng dalawang mata ni Chanyeol na nakayakap si Yixing kay Baekhyun. Kumunot ang noo ni Chanyeol.

"Yixing, ano yang ginagawa mo?" tanong ni Chanyeol habang nakatingin sa braso ni Yixing sa balikat ni Baekhyun at sa kamay ni Baekhyun na nakapatong nang mas mataas kesa sa normal sa may lap ni Yixing.

"Bakit magkayakap kayong dalawa!?"

"W-wala akong ginagawa," sabi ni Yixing nang nakaiwas ang tingin kay Chanyeol. "Tulog pa rin si Baekhyun, hindi ko siya magising."

Nilingon ni Yixing si Baekhyun sa may balikat niya at nakita niyang tulog pa rin talaga si Baekhyun, nakanganga pa. Tumingin si Yixing kay Chanyeol.

"Mahimbing ang tulog niya."

Bubuhatin na dapat ni Yixing si Baekhyun bridal style pero pinigilan siya ni Chanyeol.

"Anong gagawin mo!?" sabi ni Chanyeol habang nakataas ang kilay.

"Bubuhatin ko siya papasok?"

"Hindi, hindi. Wag mong gagawin yan," sabi ni Chanyeol. "Ako na ang bahala sa kanya."

Hinampas ni Chanyeol ang braso ni Baekhyun nang malakas at nagulat naman si Yixing sa ginawa ni Chanyeol.

"HOY, GUMISING KA NA PRINSESA!" sigaw ni Chanyeol habang pinapalo si Baekhyun.

"Chanyeol, wag mo naman siyang--"

"GISING NA!" sigaw ni Chanyeol at sinampal naman niya yung pisngi ni Baekhyun. "Hoy Baekhyun!"

Nagising agad si Baekhyun.

"Aray!"

"Ayun, nagising rin," sabi ni Chanyeol sabay cross arms.

"Masakit yun ah," sabi ni Baekhyun habang kinukusot ang mata niya sa pinakacute na paraan kaya napatitig na lang si Chanyeol.

"Hindi mo naman ako kailangan hampasin nang ganun kalakas!"

Umubo si Chanyeol. "At least, gising ka na. Diba, effective."

Umirap lang si Baekhyun habang nag-aalalang nakatingin si Yixing sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Yixing. "Masakit ba yung palo ni Chanyeol sayo?"

"Okay lang ako, hyung," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Medyo masakit lang nang konti."

Napa-tss naman si Chanyeol. "Pumasok na nga kayo. Dalhin niyo sa villa lahat ng maleta sa loob ng compartment."

Pagkasabi ni Chanyeol nun, naglakad na siya palayo sa sasakyan. Ilang hakbang na ang layo niya pero wala pa ring sumusunod sa kanya. Aba, wala ba silang balak sumunod!?

Lumingon si Chanyeol at nakita niyang nasa loob pa rin ng grandia si Baekhyun at Yixing habang nagtatawanan. Para bang ang saya saya nila at hindi man lang nila pinansin yung sinabi ni Chanyeol kanina.

Tiningnan ni Chanyeol nang masama ang dalawa.

"Malandi ka talagang Baekhyun ka, tingnan mo nga yang ginagawa mo. Hah! Kung makatawa ka naman sa harap ni Yixing akala mo wala nang bukas. Sige lang, Baekhyun, ituloy mo lang yan, pagselosin mo pa ak--"

Nang narealize ni Chanyeol ang sinabi niya, umiling siya. Hindi marunong magselos ang isang Park Chanyeol, ano bang sinasabi ko?

"Nagseselos? Hindi ako nagseselos. Psh," sabi ni Chanyeol habang padabog na naglalakad papasok sa villa.

*

"Ito ba ang kwarto ko!?" tanong ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad. Tumingin siya sa malaking bintana sa tabi ng kwarto niya at kitang kita dun ang view ng dagat.

May TV, air con, ref, may malaking kama at may couch. Wow, ang laki at ang ganda naman dito kaso masyadong malaki to para sakin.

"Sinong kasama ko dito sa kwarto?" tanong ni Baekhyun. "Masyado namang malaki to kung ako lang ang gagamit."

"Ako na lang--" sabay na sabi ni Yixing at Chanyeol. Umubo si Chanyeol sabay iwas ng tingin at napangiti naman si Yixing habang nakayuko.

"AKOOO!" malakas na sigaw ni Jongin habang nakataas pa ng kamay. Napataas ng kilay si Sehun.

"Gusto kong makasama si Baekhyun-hyung dito," sabi ni Jongin nang nakangiti. "At isa pa, kami ang may ari nitong villa."

"At bakit naman? Ikaw ba ang alaga niya!?" tanong ni Sehun. "Hindi ikaw ang magiging roommate ni Baekhyun. Kundi ako. Ako dapat. Ako lang, at wala nang iba."

"Ipahiram mo naman si Baekhyun-hyung sakin, Sehun!"

"Hindi siya laruan para ipahiram ko!"

"Bakit, sayo ba siya?"

Natigilan si Sehun.

"Anong... sinabi mo, Jongin!?"

"Hindi sayo si Baekhyun-hyung!" sabi ni Jongin. "Hindi. Siya. Sayo."

"Sakin siya!"

"Hindi!"

"Manahimik nga kayong dalawa!" sigaw ni Chanyeol kay Sehun at Jongin kaya natahimik na lang sila.

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sa nakatulalang si Baekhyun. Iniisip kasi ni Baekhyun kung ano bang kakainin niya mamaya.

"Huh?" sabi ni Baekhyun sabay tingin kay Chanyeol.

"Pumili ka na ng roommate mo," sabi ni Chanyeol. "O kung gusto mo namang mag-isa na lang dito, okay lang."

"Hmm," sabi ni Baekhyun habang tinitingnan ang mga tao sa paligid niya. "Ayokong mag-isa, Chanyeol. Gusto ko may kasama."

Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun at sigurado siyang hindi naman siya gaanong nag-expect na mapipili siya ni Baekhyun.

"Ikaw," sabi ni Baekhyun sabay turo sa taong nasa tapat niya. Napataas ng kilay si Chanyeol.

"Si Sehun," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Siya ang gusto kong makasama dito."

"Pano ba yan," sabi ni Sehun habang nakacross arms at nakangiti nang malapad na parang nagyayabang.

"Sinabi ko naman kasi sa inyong ako lang! Ako lang ang pipiliin ni Baekhyun! Kaya yung mga hindi kasali dito, lumabas na. Labas na! Labas! Shoo!"

Natawa si Baekhyun sa sinabi ni Sehun samatalang napairap naman si Chanyeol habang pinipigilan niya ang sarili niyang sapakin ang kapatid niya. Maghunos dili ka, Chanyeol. Mahal mo ang kapatid mo.

"Fine," sabi ni Jongin sabay irap. "Niloloko lang kita, Hunnie, masyado ka namang possessive. Haha."

"Psh, lumabas na nga lang kayo at bumalik na kayo sa mga sarili niyong kwarto," sabi ni Sehun habang humihiga sa kama.

"Opo, Sehun-hyung," sabi ni Yixing sabay irap.

"Wala ka talagang galang sa mga hyung mo," sabi ni Chanyeol pero hindi naman siya galit.

"Sorry Chanyeol-hyung, Yixing-hyung at Jongin-hyung, I love you," sabi ni Sehun kaya natawa na lang sila (Yixing at Jongin) at napairap (Chanyeol) tapos lumabas na sila ng kwarto.

Humiga si Baekhyun sa kama sa tabi ni Sehun tapos binuksan niya yung TV.

"Bakit ako yung pinili mo?" tanong ni Sehun. "Hindi ka ba nagsasawa sakin? Lagi na lang tayong magkasama."

"Bakit naman ako magsasawa sayo?" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Diba sinabi ko naman sayong ikaw ang baby ko, kaya hindi ako aalis sa tabi mo."

"Yah, wag ka ngang ganyan Baekhyun," sabi ni Sehun nang nakapout tapos bigla niyang tinakpan ng unan ang mukha niya.

"Bakit?"

"Kinikilig ako."

*

Napalingon si Chanyeol sa pintuan nang may narinig siyang tatlong katok.

"Pasok," sabi ni Chanyeol sa bored na boses tapos binulsa na niya yung hawak niyang phone.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Chanyeol habang nakacross arms.

"Busy ka yata..." sabi ni Baekhyun habang nakayuko. "Uhm, babalik na lang ako mamaya."

"Yah, nang-aasar ka ba? Magpapakita ka sakin tapos aalis ka na lang?" sabi ni Chanyeol habang lumalapit kay Baekhyun. "Ano ba kasi yun, ha?"

"Galit ka ba sakin?" tanong ni Baekhyun nang nakapout.

"Bat mo naman naitanong yan?"

"Eh kasi laging magkasalubong yung kilay mo pag kinakausap mo ako. Wala naman akong ginagawa sayo ah?"

"Hindi ako galit," sabi ni Chanyeol at hindi kumbinsido si Baekhyun sa sinabi niya.

"Kung hindi ka galit, ngumiti ka nga."

"At bakit naman kita susundin? Sino ka ba?

"Ako si Baekhyun," sabi ni Baekhyun nang nakataas ang kilay. "At sinabi ni Baekhyun na ngumiti si Chanyeol."

Napailing si Chanyeol at napangiti siya sa sarili niya. Mga kalokohan mo talaga.

"Ngumiti ka!" sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Dapat ganyan Chanyeol, mas bagay sayo kung ngingiti ka. Mas lalo kang gumugwapo!"

"Psh," sabi ni Chanyeol nang nakangiti pa rin. "Matagal na akong gwapo since birth."

Tumawa si Baekhyun at napatitig na lang si Chanyeol sa hugis crescent na mata ni Baekhyun pag tumatawa siya at sa cute na canines niya na kitang kita sa ngipin niya. Umubo si Chanyeol.

"Ano bang sadya mo sakin?"

"Pwede bang samahan mo akong pasyalin yung buong resort?" sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa bintana.

"Naiinggit ako sa mga turista sa labas! Gusto ko ring puntahan yung mga pinupuntahan nila."

"Bakit hindi mo yayayin si Sehun?"

"Kasama siya ni Jongin, sumakay sila sa yate."

"Edi si Yixing."

"Nasa sauna."

"So kaya ka lang pumunta sakin kasi no choice ka?"

Tumango nang tahimik si Baekhyun. "Parang... ganun na nga..."

"Ayoko, ayoko," sabi ni Chanyeol. "Hindi kita sasamahan kung napipilitan ka lang palang yayain ako."

"Hindi ako napipilitan!" sigaw ni Baekhyun habang nakaclench fist. "Diba sabi nga nila, save the best for last? Ikaw ang last, kaya ikaw ang best!"

"Talaga lang ha," sabi ni Chanyeol habang nakangiti.

"Sinabi mo pa," sabi ni Baekhyun sabay kindat.

"Fine," sagot ni Chanyeol tapos tinuro niya ang mata ni Baekhyun. Sinundan ng mata ni Baekhyun ang index finger ni Chanyeol.

"Sasamahan na kita dahil bagay talaga sayo yang eyeliner mo."

Pagkasabi ni Chanyeol nun, tumalikod na siya para kumuha ng coat sa loob ng closet. Napayuko naman si Baekhyun habang nakangiti nang malapad. Bagay daw sakin.

"Oh, wag masyado maflattered," sabi ni Chanyeol habang sinusuot yung coat niya. "Mamaya na pag wala na ako."

Sumimangot si Baekhyun.

*

"YAH! Ano ba! Wag ka ngang tumakbo! Baka madapa k-- ayan! Tingnan mo, sinasabi ko na nga ba! Ang tanga tanga mo talaga!" sigaw ni Chanyeol habang naglalakad papunta sa may buhanginang pinagsubsuban ni Baekhyun.

"Ano ka ngayon?" sabi ni Chanyeol nang nakacross arms habang nakatayo sa tabi ni Baekhyun na nakadapa sa may buhangin.

"Hinahabol ko lang naman yung crabs tapos bigla na lang nawala, hindi naman ak-- aray."

"SINABI KO NAMAN SAYONG WAG KANG TATAKBO! ANG TIGAS TIGAS NG ULO MO! Ano ka, five years old?!" sigaw ni Chanyeol tapos sinipa niya ang puwet ni Baekhyun. "Tayo."

Humarap si Baekhyun sa pagkakadapa niya tapos sinubukan niyang tumayo pero medyo naout of balance siya kaya sinalo ni Chanyeol ang braso niya.

"Thank you," sabi ni Baekhyun habang nakahawak pa rin kay Chanyeol. "Sorry na Chanyeol, hindi na ako tatakbo."

Bumuntong hininga na lang si Chanyeol tapos nagsquat siya kapantay ng tuhod ni Baekhyun. Nakita niyang may gasgas at may buhangin ang tuhod ni Baekhyun.

Kumuha ng panyo si Chanyeol sa bulsa niya at pinagpagan niya yung buhangin sa tuhod ni Baekhyun. Napatingin si Baekhyun sa baba niya.

"Sigurado ka bang adult ka na," sabi ni Chanyeol at kumuha naman siya ng band aid sa kabilang bulsa niya. Nilagay niya ito sa may gasgas sa tuhod ni Baekhyun.

Nakatingin lang si Baekhyun sa ginagawa ni Chanyeol at hindi niya mapigilang hindi mapangiti.

"Ayan, tapos na," sabi ni Chanyeol tapos tumayo na siya. "Wag kang tatakbo. Dito ka lang sa tabi ko."

Tumango si Baekhyun habang tinitingnan ang rilakkuma band aid sa tuhod niya.

"Rilakkuma band aid pala, ha?"

"Wala kang pake."

Natawa na lang si Baekhyun sabay hawak sa braso ni Chanyeol. Nag-eexpect siya na sisikuhin siya ni Chanyeol o kaya aalisin ni Chanyeol yung kamay niyang nakakapit sa braso nito, pero hindi yun ginawa ni Chanyeol. Hinayaan lang siya ni Chanyeol.

Napangiti na lang si Baekhyun.

"Ano nanamang nginigiti-ngiti mo jan," sabi ni Chanyeol sabay tingin nang masama kay Baekhyun. "Kinikilig ka nanaman."

"H-hindi kaya!"

Medyo lang. Pero hindi sasabihin ni Baekhyun yun.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro