CHAPTER 30
*
30
Naglalakad na sila pauwi habang magkaholding hands.
Hawak ni Baekhyun ang kamay ni Chanyeol at hawak naman ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun, yung kamay ni Baekhyun na nakasuot ng costume ng rilakkuma, pero okay lang dahil pakiramdam ni Baekhyun, hawak na rin ni Chanyeol yung mismong kamay niya.
Napangiti si Baekhyun habang nakakagat labi. Buti na lang nakasuot ako ng rilakkuma costume, kung hindi, kitang kita ni Chanyeol na namumula ang mukha ko.
"Sigurado ka bang..." sabi ni Chanyeol habang nakatingin sa mascot na kaholding hands niya. "Ayaw mong tanggalin yang ulo ng costume mo?"
Tumango si Baekhyun sa loob ng rilakkuma costume.
"Nakakahinga ka ba sa loob?" nag-aalalang tanong ni Chanyeol sabay hawak sa ulo ng costume. "Tatanggalin ko to kung gusto mo para naman--"
Umiling nang mabilis si Baekhyun.
"Wag na! Okay lang ako! Nakakahinga naman ako!" sigaw niya mula sa loob at narinig naman siya ni Chanyeol.
Napangiti na lang si Chanyeol at umiwas siya ng tingin habang hawak pa rin ang paw ni Baekhyun.
"Bakit ka ba nakasuot ng ganyan?" tanong ni Chanyeol. "Yan ba yung suot mo papunta dito sa Seoul?"
Tumango si Baekhyun.
"Nakisabay ako sa bus ng mga nakacostume ng rilakkuma papuntang Seoul," sabi ni Baekhyun habang nakayuko. "Tapos sinuot ko to para makalibre ako ng pamasahe."
Tumawa si Chanyeol at napangiti naman si Baekhyun dahil sobrang namiss niya ang tawa ni Chanyeol.
"Kaya ka ba pumunta dito dahil gusto mo nang bumalik?" tanong ni Chanyeol kay Baekhyun. "Gusto mo bang maging babysitter ulit ni Sehun?"
"May babalikan pa ba ako..." sabi ni Baekhyun habang nakapout sa loob ng costume. "Nalaman ko na... nakahanap na pala kayo ng bagong babysitter."
"Edi papaalisin ko na si Miranda," sabi ni Chanyeol sabay irap. "Tutal nandito ka na naman kaya wala na siyang silbi."
Natawa si Baekhyun.
"Parang pakiramdam ko ang sama ko naman," sabi ni Baekhyun habang sinusway niya nang mabagal ang kamay nila ni Chanyeol na magkahawak.
"Nang dahil sakin umaalis yung mga nagiging babysitter ni Sehun. Una si Dara, tapos ngayon naman yung Miranda..."
"Tss, hindi ka masama Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang sumusulyap-sulyap nang konti sa kamay nila ni Baekhyun na magkahawak.
"Hindi lang talaga sila mahalaga."
Mahalaga ka sakin, Baekhyun.
Biglang naalala ni Baekhyun yung sinabi ni Chanyeol nung tumawag ito sa kanya. Mahalaga raw ako kay Chanyeol. Hindi lang ako babysitter sa kanya... kundi higit pa dun... Napangiti ulit si Baekhyun.
"Chanyeol," tawag ni Baekhyun habang nakayuko sa lupa samantalang si Chanyeol naman nakatingala lang sa langit na para namang may makikita siyang mas interesting kesa kay Baekhyun.
"Hmm?"
"Nagpapadala ka pala ng mga regalo sa nanay ko," sabi ni Baekhyun. "At nagkakachat kayo sa LINE."
Natigilan si Chanyeol at bigla siyang kinabahan. Ugh, pano ba to, nahuli na ako, anong ipapalusot ko!?
"Wag ka nang mag-isip ng palusot," sabi ni Baekhyun nang nakangiti sabay turo kay Chanyeol na parang nang-aasar. "Huling-huli ka na! Hahaha!"
Namula si Chanyeol, first time niyang mamula sa buong buhay niya. Hindi ako pwedeng mamula, hindi namumula ang isang Park Chanyeol, ugh. Hindi ako namumula!
"Sabihin mo, may gusto ka sa nanay ko no!?" sigaw ni Baekhyun sabay talon kaya muntik pang mahulog ang ulo niya. "Umamin ka na!"
Kung pwede lang sanang mabagsakan ng bato gaya ng mga napapanood ni Chanyeol sa mga anime ni Sehun, malamang kanina pa siya nabagsakan. Bumuntong hininga na lang siya at hindi niya alam kung 'buti na lang' o 'ang tanga mo Baekhyun' ang masasabi niya sa isip niya.
Kaya nanahimik na lang siya habang natatawa sa sarili niya.
"Gusto ko ang nanay mo," sabi ni Chanyeol. "Pero mas gusto ko kung magiging mother-in-law ko siya."
Natahimik si Baekhyun.
Hindi niya alam ang sasasabihin niya. M-mother-in-law?
"Anong..." sabi ni Baekhyun nang namumula at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Chanyeol.
"...ibig sabihin ng mother-in-law sa Korean? H-hindi ko pa kasi alam lahat ng English words, n-nag-aaral pa ako..."
Napasampal na lang si Chanyeol sa noo niya dahil sa inis at tuwa kay Baekhyun.
Ang tanga mo talaga Baekhyun. Pero kahit ganyan ka... gusto talaga kita. Pero mas tanga pala ako. Hindi ko kasi masabi yun sayo nang diretso.
"Ah wala, wag mo nang intindihin yun," sabi ni Chanyeol at napansin niyang nasa tapat na pala sila ng mansion.
"Baekhyun, gusto mo bang pumasok?"
Tumango si Baekhyun. "Gusto ko nang makita si Sehun."
"Pag nakita mo si Miranda, wag mo na lang siyang pansinin," sabi ni Chanyeol habang binubuksan ang pinto ng bahay.
Pumasok sila sa loob ng bahay at nakita agad ni Yixing na may kasamang mascot si Chanyeol.
"Teka, yan yung pumunta dito kaninang umaga ah," sabi ni Yixing na parang nagdududa. "Bakit mo dala yan dito, Chanyeol?"
"Ah eto ba," sabi ni Chanyeol nang nakangiti sabay pat sa ulo ng mascot. "Bago kong laruan."
Laruan? Psh, laruan ba ako? Napairap na lang si Baekhyun.
"Ang special kong laruan," sabi ni Chanyeol habang nakangiti nang malapad kaya napataas na lang ng kilay si Yixing.
"Ang weird mo," sabi ni Yixing habang nakatingin kay Chanyeol nang mapanghusga. "Simula nang nawala si Baekhyun dito, ang weird mo na."
Umiwas na lang ng tingin si Chanyeol habang natatawa naman si Baekhyun sa loob ng costume.
"Nasan si Sehun?" tanong ni Chanyeol habang hawak pa rin ang kamay ng rilakkuma.
"Ayun nasa taas, nagmumukmok," sabi ni Yixing. "Hindi kasi tumawag si Baekhyun buong araw."
Napangiti si Baekhyun kahit medyo nagiguilty siya sa ginawa niya kay Sehun. Hinila niya ang kamay ni Chanyeol papunta sa taas kaya sumunod na lang si Chanyeol habang nakasimangot.
"Alam kong gusto mo na siyang makita," sabi ni Chanyeol habang nagkakamot ng ulo. "Sige na, pumasok ka na."
Pagkasabi ni Chanyeol nun, bumaba na siya ng hagdan para hayaan na si Sehun at Baekhyun na magkita kahit na nagseselos siya nang konti, konti lang.
Huminga nang malalim si Baekhyun bago siya kumatok nang tatlong beses sa pinto ni Sehun. Excited na akong makita ka, Sehun.
Binuksan ng nakasimangot na si Sehun ang pinto at nagulat siya sa nakita niya sa harap niya.
"Ikaw! Bakit nandito ka!?" sigaw ni Sehun nang naiirita. "Umalis ka nga dit--"
Bago pa maituloy ni Sehun ang sasabihin niya, naitulak na siya ng mascot kaya napaatras siya at napahiga na siya sa kama. Nanlaki ang mata ni Sehun nang biglang sumampa sa kama ang rilakkuma at kinulong siya sa loob ng dalawang braso nito.
"A-anong... a-anong gagawin mo sakin!?" kinakabahang tanong ni Sehun. Nasa ibabaw niya ang rilakkuma at nasa ilalim naman siya nito.
"TANGGALIN MO ANG ULO KO," sabi ni Baekhyun sa malalim na boses. "DALIAN MO!"
"A-ayoko!" sigaw ni Sehun nang medyo paiyak na, dahil sa totoo lang, takot talaga siya sa mga rilakkuma. "Umalis ka na sakin! Alis!"
"AYAW MO BA AKONG MAKITA!?"
"Ayoko!"
"SIGURADO KA!?"
"Oo! Umalis ka na! Alis! Alis!" sabi ni Sehun habang tinutulak niya ng tuhod niya ang legs ng rilakkuma palayo.
Umalis si Baekhyun sa kama at tumayo siya sa harap ni Sehun. Tinanggal niya ang zipper sa likod ng costume niya para hubarin ito kaya nanlaki na lang ang mata ni Sehun. Maghuhubad ba to sa harap ko!?
"AAAAHHH! HYUNG! HYUNG! MAY MANYAK SA KWARTO KOOO! HYUNG TULONG! ASDFGHJKL--"
Bago pa maituloy ni Sehun ang paghingi niya ng saklolo, natakpan na ng tao na may rilakkuma head sa ulo ang bibig ni Sehun. Napatitig si Sehun sa braso nito hanggang sa kamay nito na nakatakip sa bibig niya.
Ang kamay na to, pamilyar ang kamay na to... I-imposible, siya kaya si... siya ba si--
"B-baekhyun..." bulong ni Sehun na ngayon at kumalma na pero naluluha naman. "Baekhyun, ikaw ba yan?"
Tinanggal ni Baekhyun ang ulo ng costume niya at nilapag ito sa tabi ng kama habang nakatitig lang si Sehun sa kanya. Hindi makapaniwala si Sehun sa nakikita niya, na nandito at nakatayo sa harap niya si Baekhyun ngayon.
"Sehun, I miss you so much," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Nandito na ako, at hindi na ulit ako aalis."
Dahan dahang gumapang si Sehun sa kama niya at tumayo siya sa tapat ni Baekhyun. Niyakap niya si Baekhyun habang umiiyak siya na parang bata.
"T-totoo bang... nandito ka na!? H-hindi mo na ba ako iiwan!?" sabi ni Sehun sa pagitan ng pag-iyak. "Dalawang beses ka nang umalis, Baekhyun. H-hindi ko na kakayanin yung pangatlo."
"Wala nang pangatlo Sehun," sabi ni Baekhyun habang pinapat ang likod ni Sehun. "Dahil hindi na ako aalis ulit, promise ko yan sayo, baby."
"Tss, baby," sabi ni Sehun nang nakangiti habang umiiyak. "Namiss kong marinig yun galing sayo."
Sinandal ni Sehun ang noo niya sa noo ni Baekhyun habang magkayakap pa rin sila. Niyakap ni Baekhyun ang waist ni Sehun nang mas mahigpit.
Nagstay sila sa ganung posisyon nang ilang minuto nang walang nagsasalita.
"Namiss mo siguro ako," bulong ni Baekhyun habang nakapikit.
"Kung alam mo lang," sabi ni Sehun nang nakangiti.
Umupo si Sehun sa gilid ng kama habang nakatayo pa rin si Baekhyun sa harap niya. Humawak si Baekhyun sa balikat ni Sehun at dahan dahan niyang hinalikan si Sehun sa noo. Napangiti si Sehun.
"Sobrang saya ko kasi nandito ka na ulit," sabi ni Sehun habang nakatitig lang kay Baekhyun. "Nakikita na ulit kita... nararamdaman na ulit kita... at nahahawakan na ulit kita..."
Tumango si Baekhyun habang nakangiti, nakatingin rin siya kay Sehun.
"Sorry, Sehun... kasi dahil sakin nahirapan ka. Hindi ako nagpaalam sayong aaalis ako."
Umiling si Sehun at nilagay niya ang kamay niya sa pisngi ni Baekhyun. "Wag mo nang isipin yun, ang mahalaga nandito ka na."
Umupo si Baekhyun sa tabi ni Sehun pero hinila siya ni Sehun pahiga sa kama. Idinikit ni Sehun yung dulo ng ilong niya sa dulo ng ilong ni Baekhyun tapos ginalaw-galaw niya yung ulo niya pakanan at pakaliwa.
"A-ano bang ginagawa mo?" tanong ni Baekhyun habang pinipigilan niyang tumawa.
"Nose to nose," sabi ni Sehun nang nakapout. "Sabi mo kasi sakin bawal sa lips kaya sa nose na lang."
"Loko ka talaga," sabi ni Baekhyun nang nakangiti habang nakikipag nose to nose kay Sehun. Pinatong niya yung kamay niya sa balikat ni Sehun habang magkadikit pa rin yung mga ilong nila.
"Bakit ka sumisigaw, Sehun ano bang ingay yung--"
Napatakip ng bibig niya si Miranda dahil sa gulat habang nakatingin lang kay Sehun at kay Baekhyun sa ibabaw ng kama. Nakikita niya ngayon mula sa posisyon niya kung paano sila maghalikang dalawa.
"Oh my god," sabi ni Miranda sa English niya habang nakatitig lang sa dalawa. "They're making out on the bed... Oh my god. What is this!? I should get out of here!"
Tumakbo si Miranda pababa ng second floor. Hindi siya makapaniwalang may kahalikan si Sehun sa kama nito kaya nawalan na siya ng ganang akitin si Sehun. Aalis na lang siya sa mansion dahil sa totoo lang, ayaw niya talagang maging babysitter dito.
"Sir Chanyeol, I have something to tell you!" sigaw ni Miranda kaya napataas ang kilay ni Chanyeol dahil sa English nito.
"Ano?" tanong ni Chanyeol nang naiirita.
"I saw your brother with someone upstairs! They're making out on the bed! They're kissing in front of my eyes and I just, oh god, I can't take this anymore! I quit!"
"Fine with me," sagot ni Chanyeol sa English din. "Because I'm about to fire you and you just made my life easier. So okay, you can go now. You're fired."
Nagwalk out si Miranda sabay kuha ng bag niya nang padabog. Lumabas siya ng mansion habang nagsasalita ng kung anu-anong ingles na siya lang ang nakakaintindi.
Napailing na lang si Chanyeol at tumingala siya sa taas. Nagkikiss nga ba talaga sila? Hindi naman siguro... Nagkamali lang siguro siya ng tingin.
"Chanyeol, anong nangyari?" tanong ni Yixing na kalalabas lang ng kwarto niya. "Bakit mo sinesante si Miranda!?"
"Wala na kasi siyang silbi."
"Ano? Teka, ano ba to, ha Chanyeol? Inaway mo nanaman ba yung bago nating babysitter?"
Ngumiti si Chanyeol sabay cross arms. "Malalaman mo rin. Hintayin mo lang siya, magpapakita rin siya sayo."
"Magpapakita? Sino? Ano ba yun, multo?"
Iniwan na lang ng tumatawang si Chanyeol ang naguguluhang si Yixing habang iniisip ni Yixing na dahil siguro kay Baekhyun kaya nabaliw si Chanyeol.
"Talagang nabaliw na si Chanyeol," bulong ni Yixing sa sarili niya habang umiiling. "Kawawa naman siya."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro