Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3


*

3

"Pst." Kalabit.

"Hmmm."

"Hoy." Yugyog.

"Hmm... ano ba..."

"Baekhyun." Hampas.

"Aray, ano ba."

"Gumising ka na jan, isasara ko na ang office."

Nang marinig ni Baekhyun ang boses ng amo niya ay bigla siyang dumilat sabay bangon nang mabilis. Pinunasan niya agad ang laway sa gilid ng bibig niya habang bored na nakatayo lang si Chanyeol sa harap niya, hinihintay siyang umayos.

"Sorry po nakatulog ako! Jusko, anong oras na ba!?"

"9pm na. Halika na, umuwi na tayo."

Sinundan ni Baekhyun si Chanyeol hanggang sa parking lot. Binuksan ni Chanyeol ang pintuan ng driver's seat samantalang binuksan naman ni Baekhyun ang pintuan ng passenger's seat.

"Anong ginagawa mo?"

"Sasakay ng kotse?"

"Bakit ka jan sasakay? Ano ako, driver mo? Dito ka sa tabi ko."

Sumakay na si Chanyeol sa kotse habang si Baekhyun naman, nasa labas pa rin.

"Hoy! Sakay na. Ano pang hinihintay mo?"

"Ah, oo," sagot ni Baekhyun na parang medyo natauhan. "Sasakay na po."

Nakafocus si Chanyeol sa kalsada sa harap niya habang nagdadrive samantalang si Baekhyun naman ay nakatingin sa bintana, nakasandal ang palad sa glass na parang bata habang tinitingnan ang mga building na may billboard ng mga kpop artists.

"Grabe, ang gwapo talaga," bulong ni Baekhyun sa sarili habang nakatingin sa billboard ng EXO. "Lalo na yung rapper."

"Pwede bang tigilan mo yang ginagawa mo? Alisin mo yang kamay mo sa bintana. Umupo ka nang maayos."

"Tinitingnan ko lang naman yung billboard ng EXO. Tingnan niyo!" sabi ni Baekhyun sabay turo sa mga gwapong lalaking nakasuot ng mga bag ng MCM. "Diba ang gagandang mga lalaki? Yun, yung nasa dulo, yung pinakamatangkad. Yun ang bias ko!"

Umirap si Chanyeol habang medyo natatawa. "Ano bang maganda sa mga yan? Hindi ko alam na fan ka pala ng mga ganyan."

"Actually, fan talaga ako ng SNSD. Pero gusto ko rin sila. Kayo ba?"

"Anong ako?"

"Wala ka bang gusto?"

"Wala."

"Kahit idol?"

"Wala."

"Kahit paboritong artista?"

"Wala nga. Ang kulit mo."

"Kahit paboritong kulay?"

"At anong kinalaman nun?"

"Wala, tintanong ko lang."

"Wala. Lahat ng kulay hindi ko paborito."

"Ganun. Ang boring mo naman," bulong ni Baekhyun. "Gwapo nga, boring naman. Ano ba yan."

"May sinasabi ka?"

"Wala po, Sir. Sabi ko, malapit na akong bumaba."

"Fine. Saan ka ba?"

Tinuro ni Baekhyun ang isang apartment. "Doon. Doon niyo na lang ako ibaba."

Itinigil ni Chanyeol ang kotse sa tapat ng isang malaking apartment na may gate na yellow.

"Jan ka nakatira?"

"Opo, karoommate ko si Jongdae."

"K. Baba na."

Lumabas na si Baekhyun ng kotse at nagbow sa amo niya. "Salamat po sa paghatid."

Tumango lang si Chanyeol sabay alis. Napabuntong hininga si Baekhyun.

"Masyadong suplado, paano kaya siya natitiis ng mga kasama niya?!"

Hindi pa nakakapasok ng gate si Baekhyun ay nakarinig siya ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Lumingon siya at nakita ang kotse ni Chanyeol, nakababa ang bintana habang si Chanyeol naman ay nakatingin lang sa kalsada.

Magtatanong na sana si Baekhyun kung may nakalimutan ba si Chanyeol nang bigla itong nagsalita.

"Yellow."

"...H-ha?"

Tumingin sa kanya si Chanyeol, walang ekspresyon ang mukha. "Yun ang paborito kong kulay."

Matapos niyang sabihin yun ay pinaandar na niya ang kotse nang mabilis habang nakatulala lang si Baekhyun, nagtataka.

"Bumalik siya... para sabihin lang yun?"

Yellow. Yun ang paborito kong kulay.

Pffft. Yellow pala ha? Hindi ba ang cute nun? Hahahaha. Napangiti si Baekhyun habang natatawa sa sarili niya.

"Nandito na ko," bati ni Baekhyun pagkapasok niya ng bahay.

"Sino ba yun," sabi ni Jongdae na mukhang naalimpungatan. "Gabing gabi na, nagpapaharurot pa ng sasakyan."

"Si Sir Chanyeol," sagot ni Baekhyun habang naglalakad sa may ref para uminom ng tubig.

"Seryoso ka? Bakit naman yun pupunta rito?"

Nagkibit balikat lang si Baekhyun habang umiinom ng tubig. Tinaasan siya ng kilay ni Jongdae habang nakapamewang.

"Wag mong sabihing hinatid ka niya?"

"Parang... ganun na nga? Eh kesa naman sa magcommute ako, gabi na kaya! At wala akong pang taxi."

"Madaya. Kahit kelan, hindi pa ako hinahatid ng Chanyeol na yun. Samatalang ikaw, ilang araw ka pa lang nagtatrabaho sa kanya, naihatid ka na niya! Akala ko ba magkaibigan kami!"

"Hahaha, ang swerte ko, hindi ba?"

"Hindi rin."

Tumawa lang si Baekhyun. "Hindi nga siguro."

*

"Hyung, nasan si Baekhyun?" tanong ni Sehun sa kakarating lang na si Chanyeol. "Bigla siyang nawala!"

"Umuwi na sa bahay nila. Bakit mo hinahanap?"

"Kasi!" Tumingin si Sehun sa kahit saan maliban sa hyung niya. "Hindi niya nilinis ang kwarto ko ngayon!"

"Pwede naman niyang gawin bukas yun. Matulog ka na, Sehun."

"K. Fine."

Napangiti na lang si Chanyeol. Mukhang gusto si Baekhyun ng kapatid niya ah. Bihira lang yun kay Sehun.

"G'night, hyung."

"Good night."

-

"Hindi nga sabi eh!" sigaw ni Baekhyun habang hinahampas sa braso si Yixing. "Ano bang sinasabi mo jan Yixing-hyung!"

"Sus, aminin mo na, anong meron sa inyo ni Chanyeol? Narinig ko kayong nag uusap noon, nagtatalo kayo."

"Dahil nga nasira ko ang phone niya. Nagmamakaawa akong tanggapin niya ako sa trabaho," sabi ni Baekhyun habang nakapamewang. "Yun lang yun."

Tumawa si Yixing. "Hindi kayo... past lovers?"

"Pffft. Past lovers!? Hindi no. Ni hindi ko nga siya kilala. Ngayon ko lang siya nakilala."

Tumango-tango si Yixing. "Hmm, I see. Kung sabagay, sino ba naman ang papatol sayo."

Tumawa si Yixing at sumigaw naman si Baekhyun ng 'Yah, ang sama ng ugali mo grabe ka hindi na kita bati'.

"Ang ingay. Ano ba!" sigaw ni Chanyeol mula sa living room.

Tumahimik ang dalawa sa kusina habang palihim na tumatawa.

"Nandito nako," bati ni Sehun pagkapasok niya ng bahay. Kasunod niya si Jongin na nagbow naman kay Chanyeol.

"Baekhyun! Dalahan mo ako ng chips sa kwarto! At marshmallows!" utos ni Sehun habang umaakyat siya sa hagdan kasunod si Jongin.

"Yun ba yung babysitter mo? Hindi ko nakita," sabi ni Jongin. "Sabi mo cute siya."

"Hoy, wala akong sinasabing cute siya. Sabi ko, mukha siyang tuta. Magkaiba yun."

"Pareho lang yun, dude."

"Magkaiba yun, loko."

"Pareho."

"Magkaiba."

"Pareho."

"Magkaiba."

"Alam mo, wala kang kwenta kausap. Gusto mong umuwi na?"

Mayamaya ay nakarinig sila ng tatlong katok sa pinto ng kwarto.

"Pasok."

Pumasok si Baekhyun dala ang pagkain ni Sehun. "Ito na po, kamahalan."

"Ilagay mo lang jan tapos umalis ka na."

Napairap na lang si Baekhyun. Ang galang na bata talaga. Bago siya umalis ay napansin niyang nakatingin sa kanya ang kaibigan ni Sehun.

"Hello," bati ni Baekhyun. "Ikaw ba si Jongin?"

"Oo, ako nga," sabi ni Jongin sabay lapit kay Baekhyun, iniinspect nang mabuti ang mukha niya. "Grabe, ang cute mo pala talaga."

Natawa si Baekhyun. "Talaga?"

"Oo! Ah, single ka ba ngayon?"

"Hoy Jongin! Lumayo ka nga sa kanya!" sigaw ni Sehun. "Lumabas ka na nga, Baekhyun! Labas!"

"Oo na, lalabas na! Ang sungit, grabe."

Bumalik si Jongin sa kama at humiga katabi ng nagtatablet na si Sehun. "Ang sungit mo naman sa kanya. Mukha namang mabait yung babysitter mo ah."

"Kaya ko nga siya sinusungitan," sabi ni Sehun nang hindi tumitingin kay Jongin. "Masyado kasi siyang mabait."

"Uuuuyy, si Hunnie may cru--"

"Manahimik ka jan kung ayaw mong suntukin kita."

Natahimik na lang si Jongin habang tumatawa nang mahina. Napa aray siya nang makaramdam siya ng kurot sa tagiliran.

*

"Oh, kunin mo."

"Ano to?"

"Sweldo mo."

Kinuha ni Baekhyun ang sobre at tiningnan ang cash na nasa loob. "Akala ko hindi niyo ako suswelduhan dahil nasira ko yung phone niyo!"

"Nagtatrabaho ka naman nang maayos kaya dapat lang na swelduhan kita."

"Salamat po!"

"Sige, makakaalis ka na."

Aalis na sana si Baekhyun nang bigla ulit siyang tinawag ni Chanyeol.

"Teka, Baekhyun."

"Bakit po?"

"Pwede bang," sabi ni Chanyeol nang hindi tumitingin sa kausap. Bakit parang ang hirap sabihin?

"Pwede bang... wag mo na akong i-po? Kasi magkasing edad lang naman tayo. Saka, kung pwede, Chanyeol na lang ang itawag mo sakin. Okay lang kahit wala ng Sir."

Tumango lang si Baekhyun nang dahan dahan.

"Sige, yun lang. Umuwi ka na."

Nang tumigil ang bus ay sumakay na si Baekhyun. Umupo siya sa pinakaunahan ng bus, hindi siya mapakali.

Pwede bang... wag mo na akong i-po? Kasi magkasing edad lang naman tayo. Saka, kung pwede, Chanyeol na lang ang itawag mo sakin. Okay lang kahit wala ng Sir.

Napabuntong hininga si Baekhyun. Hindi siya sanay gaya ng ibang tao na tawagin si Chanyeol sa pangalan niya. Pero utos yun sa kanya kaya kailangan niyang gawin kahit na hindi siya kumportable.

"Ch-chanyeol..." bulong niya sa sarili niya at parang ang weird sa pakiramdam ng pangalan ni Chanyeol sa dila niya.

"Masasanay rin ako. Wag kang mag-alala, masasanay ka rin, Baek," sabi niya sa sarili niya.

-

"Gising."

" . . . . "

"Baekhyun, gising."

" . . . . "

Dahan dahang dumilat si Baekhyun nang may maramdaman siyang sumusundot sa pisngi niya. Bumangon kaagad siya at kinusot ang mata niya nang makitang nasa kwarto niya si Sehun.

"Bakit ka nandito? Sabado ngayon ah! Day off ko."

"Alam ko," sabi ni Sehun na parang kanina pa bored na bored. "Kanina pa kita ginigising, ang hirap mong gisingin. Maligo ka na."

"At bakit kita susundin? Hindi kita amo ngayon dahil Sabado ngayon."

"Samahan mo ako sa mall."

"Bakit hindi si Jongin ang yayain mo?"

"May gagawin raw siya."

"Edi si Yixing-hyung."

"Nasa China."

"Nasa China? Bakit?"

"Kasi dun siya nakatira. Binisita niya ang parents niya."

"Talaga!? Chinese pala siya!?"

"Hindi mo alam, ang bobo mo naman."

Napairap na lang si Baekhyun. "Eh ang hyung mo?"

"Busy. As usual."

Napansin ni Baekhyun na medyo malungkot si Sehun kaya napabuntong hininga na lang siya sabay bangon. "Fine. Hintayin mo ako, maliligo lang."

Napangiti si Sehun nang hindi niya namamalayan.

"Yeeee, masaya na siya!" sigaw ni Baekhyun mula sa banyo.

"Hindi kaya!"

Siguro masaya siya, konti lang. Pero hindi aaminin ni Sehun yun.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro