Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 29


*

29

"Sigurado ka bang... si Miranda ang kukunin mong babysitter ni Sehun!?" tanong ni Yixing kay Chanyeol na parang hindi makapaniwala.

"Hindi ba parang... hindi siya masyadong... bagay para maging babysitter?"

"Sino pa bang kukunin natin? Siya lang yung nagsutuhan ko sa lahat ng nag-apply."

"Edi magset ulit tayo ng pangalawang interview, baka malay mo may magustuhan ka," sabi ni Yixing. "Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Miranda Kerr na yan. Nakita mo ba kung paano siya tiningnan ni Sehun nung ininterview mo si Miranda?"

Umiling si Chanyeol. "Bakit, papano ba?"

"Basta, parang..." sabi ni Yixing habang nakasingkit ang mata. "Parang kakaiba eh."

"HYUNG!" tawag ni Sehun mula sa labas ng bahay. "Hyung! Halika dito!"

"Puntahan mo nga may ginagawa ako," utos ni Chanyeol kay Yixing. Umirap lang si Yixing sabay lakad palabas ng mansion.

"Oh ano, bakit?" sabi ni Yixing habang humihikab. Masyado pa kasing maaga.

"Tingnan mo yung nasa labas ng gate natin," sabi ni Sehun sabay turo sa gate nila. "Anong ginagawa ng bagay na yan jan?"

Sumilip si Yixing sa tinuturo ni Sehun at nakakita siya ng taong nakasuot ng mascot ng rilakkuma. Nakatayo ito sa may pader na parang nagtatago para hindi makita ang katawan niya pero wala namang silbi dahil sa malaki niyang ulo. Napataas na lang ng kilay si Yixing.

"Sino yan?" tanong ni Yixing habang nakatingin sa mascot na ngayon ay palakad lakad na sa tapat ng gate nila. "Si Jongin ba ang laman niyan?"

"Aba malay ko," sabi ni Sehun habang nakacross arms. Lumabas siya ng bahay para puntahan ang nakamascot.

Nakatayo lang sa harap ni Sehun ang rilakkuma at hawak niya ang cute at malaki niyang ulo.Pero hindi siya cute para kay Sehun dahil nakakairita ang mga mascots lalo na ang mga rilakkuma.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Sehun. "Bakit ka nakasuot ng ganyan?"

Umiling ang mascot habang nakayuko tapos dahan dahan siyang lumapit kay Sehun at pinat niya ang ulo nito.

"Y-yah!" sigaw ni Sehun nang naiirita. "Ano bang ginagawa mo!"

Umiling ulit ang mascot at ngayon naman ay bigla na niyang niyakap si Sehun.

"YAH! ANO BA!" sigaw ni Sehun habang tinutulak ang malaking rilakkuma palayo sa kanya. "Ano ka ba, wag mo nga akong yakapin!"

Tinuro ng rilakkuma ang tarpaulin sa tapat nila tapos niyakap niya ulit si Sehun.

"Mag-aaply ka ba?" tanong ni Sehun habang nilalayo pa rin ang mascot sa kanya. Tumango ang mascot habang hawak ang ulo niya.

"Late ka na. May nakuha na kasi kaming babysitter eh. Sa children's party ka na lang mag-apply, okay?!" sigaw ni Sehun kaya dahan dahan nang lumayo ang mascot kay Sehun at yumuko ito na parang bang malungkot na malungkot siya.

Nakatingin lang si Sehun sa mascot nang nagbow ito sa harap niya, tapos tumakbo na ito palayo habang hawak hawak pa rin ang ulo niya.

"Sino kaya yun?" sabi ni Sehun pero hinayaan na lang niya ito nang tawagin na siya ng hyung niya.

*

Isang oras nang nakatitig si Sehun sa phone niya pero hindi pa rin lumalabas ang pangalan ni Baekhyun sa screen.

"Bakit hindi pa siya tumatawag?" sabi ni Sehun sa sarili niya. "Lampas na ang three hours wala pa rin. Bakit ganun, Baekhyun? Galit ka ba sakin?"

Napabangon si Sehun sa pagkakadapa niya sa kama nang kumatok si Miranda. Dirediretso itong pumasok sa kwarto kaya medyo nagulat si Sehun. Sisigawan na sana ni Sehun si Miranda kaso naalala niyang babysitter na pala niya ito.

"Sehun," sabi ni Miranda nang nakangiti sabay basa ng labi niya kaya biglang kinabahan si Sehun. Umupo ito sa gilid ng kama niya kaya napaatras bigla si Sehun.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Miranda. "Gusto mo bang ipagluto kita?"

Umiling lang si Sehun nang mabilis. "H-hindi ako gutom. Iwan mo na lang ako dito."

"Sure ka?" sabi ni Miranda na ngayon ay mas malapit na kay Sehun. Kinilabutan si Sehun. "Ayaw mo talagang... Kumain?"

"Ayoko," sabi ni Sehun habang nakaiwas ng tingin. "Busog pa ako."

"Hmm, sige ikaw rin," sabi ni Miranda sabay wink. "Masarap pa naman ako...... Magluto."

Napalunok na lang si Sehun nang tumayo si Miranda habang inaayos nito ang palda niya, Lumabas na si Miranda sa kwarto ni Sehun kaya nakahinga na nang maluwag si Sehun.

"Shit," sabi ni Sehun habang pinapakalama ang sarili. Hawak niya ang dibdib niya.

"Bakit mukha ni Baekhyun ang nakikita ko sa kanya," sabi ni Sehun habang humihinga nang malalim.

"Nababaliw na yata ako."

*

"Oo, nanjan na!" sigaw ni Jongdae nang marinig niyang nagring ang doorbell. Naghilamos agad siya ng mukha sabay suot ng bathrobe. Binuksan niya ang pinto ng apartment niya pero wala naman siyang nakitang tao sa labas.

"Sino yun?" tanong ni Jongdae habang tinatali ang bathrobe niya sa waist niya. Sinarado na niya ulit ang pinto nang naisip niyang baka mga bata lang na nantitrip ang pumindot ng door bell.

Dingdong. Napalingon ulit si Jongdae sa pinto. Aba, hindi na nakakatuwa ah!?

Binuksan ni Jongdae ang pinto pero wala pa rin siyang nakitang tao. May nakita lang siyang sulat na nakalagay sa ibabaw ng doormat niya. Pinulot niya yun at binasa.

"Free hugs," basa ni Jongdae tapos tumingin siya sa paligid niya. "Ano naman to?"

May biglang lumabas sa likod ng pader na malaking rilakkuma habang nakahawak sa ulo niya. Nanlaki na lang ang mata ni Jongdae nang naglakad ito at tumigil sa harap niya.

"Ikaw ba... yung naglagay nito sa doormat ko?" tanong ni Jongdae sa mascot at tumango naman ito.

Binuka ng rilakkuma mascot ang dalawa niyang braso sa harap ni Jongdae na parang gusto niyang yakapin si Jongdae.

Sumimangot si Jongdae hanggang sa unti-unti na siyang umiyak habang nakatitig lang sa mascot na nasa tapat niya. Dahan dahang lumapit si Jongdae sa mascot at niyakap niya ito nang mahigpit kahit na nakaharang ang malaki nitong ulo.

"Nandito na ako," bulong ng rilakkuma. "Gaya ng pinromise ko sayo. Ako yung regalo mo."

Pinunasan ng rilakkuma ang luha ni Jongdae gamit ang malaki niyang paw. Pinat niya rin ang ulo ni Jongdae na ngayon ay umiiyak pa rin sa harap niya.

"Baliw ka talaga," sabi ni Jongdae at pinalo niya sa ulo ang mascot. Napahawak naman ang mascot sa malaki niyang ulo para hindi ito malaglag.

"Pinapaiyak mo akong rilakkuma ka. Nakakainis ka. Nakakainis ka talaga."

Umiling ang mascot at nagbow ito sa harap ni Jongdae na para bang nanghihingi ng sorry. Tinanggal na niya ang malaki niyang ulo at hindi na nagdalawang isip pa si Jongdae na yakapin ang kaibigan niya.

"Nandito na ako," sabi ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad. "Surprise!"

"BAEKHYUN!" sigaw ni Jongdae at niyakap niya nang mas mahigpit si Baekhyun. "Nakakainis ka talaga!"

"Sorry..." sabi ni Baekhyun habang inaayos ang pawisan niyang bangs. "Kung ngayon lang ako dumating."

"Namiss kita nang sobra! Hindi mo man lang sinabing dadating ka!"

"Umalis agad ako sa Bucheon papunta dito dahil sa sinabi mo," sabi ni Baekhyun nang medyo paiyak na.

"Nung sinabi mo na... " Umiiyak na si Baekhyun. "Na... na... maghahanap na sila ng bagong babysitter..."

"A-anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Jongdae. "Nakapunta ka na ba sa kanila?"

Tumango lang si Baekhyun habang hawak sa kamay ang ulo ng costume niya. "Galing na ako kanina."

"Ano? Nakabalik ka ba?"

Umiling si Baekhyun habang pinupunasan ang luha niya.

"N-nahuli na ako," sabi ni Baekhyun. "Nakahanap na sila ng bago."

*

"Sir Chanyeol?" tawag ni Miranda kay Chanyeol na nasa living room.

Lumingon naman si Chanyeol kay Miranda na ngayon ay nakasilip sa may kusina. Nakasuot ito ng apron at nakatali ng ponytail ang blonde niyang buhok.

"Bakit?" tanong ni Chanyeol. "May problema ba?"

"Uhm, magbebake sana ako ng cookies, kaso naubos na pala yung harina," sabi ni Miranda.

"Ah, harina?" sabi ni Chanyeol sabay tayo. "Hindi siguro nakabili si Yixing. Teka, bibili lang ako."

"Ah, wag na! Ako na lang ang bibili," sabi ni Miranda nang nakangiti. "Kaso, hindi ko alam kung saan yung convenience store dito, pwede bang samahan mo ako?"

Nakatingin lang si Chanyeol sa bagong babysitter nila, walang reaksyon ang mukha niya habang iniisip kung sasamahan niya ba ito o hindi.

"Ako na lang ang bibili," sabi ni Chanyeol. "Dito ka na lang. Ayoko kasing lumabas nang may kasama."

*

Lumabas na si Chanyeol ng convenience store habang dala niya yung plastic bag na may lamang isang box ng harina. Medyo natagalan pa si Chanyeol dahil sarado yung convenience store sa block nila kaya pumunta pa siya sa kabilang convenience store para lang makabili ng harina.

"Tss, bat ko ba to ginagawa," sabi ni Chanyeol sa sarili niya habang naglalakad na pauwi ng bahay. "Natagalan ako nang dahil dito. Palubog na yung araw."

Bumuntong hininga na lang si Chanyeol habang naglalakad sa gilid ng park, nakatingin lang siya sa mga batang tumatakbo pauwi na sa bahay nila.

Liliko na sana siya papunta sa block ng bahay nila nang napatigil siya dahil sa nakita niya sa harap niya.

Nakatayo ngayon sa harap ni Chanyeol ang paborito niyang bear character. Ngayon lang siya nakakita ng life size rilakkuma at pinipigilan lang ni Chanyeol ang sarili niya na hawakan ito.

"R-rilakkuma..." sabi ni Chanyeol habang nanlalaki ang mata na parang manghang-mangha sa nakikita niya.

Humakbang si Chanyeol palapit sa rilakkuma, pero umatras bigla ito habang nakatitig lang siya kay Chanyeol.

"T-teka," sabi ni Chanyeol habang nakasretch ang kamay niya. "Sandali lang. Gusto kitang hawakan."

Umiling ang rilakkuma at tumalikod na ito sabay takbo nang mabilis palayo.

"TEKA! WAG KANG UMALIS!" sigaw ni Chanyeol tapos hinabol niya ang rilakkuma na ngayon ay tumatakbo palayo kay Chanyeol habang hawak ang ulo niya.

"Rilakkuma!"

Hinabol ni Chanyeol ang mascot pero napatigil na siya sa pagtakbo nang nadapa ito bigla sa kalsada. Natanggal yung ulo niya pero naibalik agad niya ito bago pa makalapit si Chanyeol sa kanya.

"Okay ka lang ba?" sabi ni Chanyeol habang nakasquat sa tabi ng mascot. "Nasaktan ka ba?"

Umiling lang ang rilakkuma habang pinipilit na tumayo, pero hindi siya makatayo dahil sa malaking ulo niya, kaya hinawakan ni Chanyeol ang braso niya at inalalayan siya patayo. Humawak naman nang mahigpit ang mascot para makatayo na siya.

Dugdug.

Ano yun, bakit bigla kong naramdaman yun. Hindi alam ni Chanyeol kung bakit, pero nung hinawakan niya yung braso ng mascot, parang may naramdaman siyang kakaiba. Parang... parang pamilyar sa pakiramdam.

Nagbow ang mascot habang nakatitig lang si Chanyeol sa kanya. Parang biglang nalungkot si Chanyeol nang nakita niyang tumalikod na ito. Parang may kumurot sa puso niya. Aalis ka na?

Umiling lang si Chanyeol sabay hinga nang malalim. Bakit ganito ang pakiramdam ko, bakit parang nasasaktan ako...

Tumalikod si Chanyeol para maglakad na pauwi. Hahakbang na sana si Chanyeol palayo nang may naramdaman siyang humawak sa laylayan ng damit niya para pigilan siyang umalis. Lumingon si Chanyeol sa likod at nakita niya yung rilakkuma, nakayuko ito habang nakakapit sa jacket niya.

"B-bakit--" nagtatakang sabi ni Chanyeol, pero hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang niyakap ng mascot patalikod.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Nabigla si Chanyeol. Yun nanaman yung heartbeat ko. Ano bang... ano ba talagang nangyayari sakin...

Nakayakap lang ang rilakkuma mascot sa likod ni Chanyeol at naramdaman ni Chanyeol na unti-unti nang bumibilis ang heartbeat niya habang nakayakap pa rin sa waist niya ang mascot. Hindi na makagalaw si Chanyeol sa pagkakatayo niya.

Sino ka ba? Bakit ganito na lang yung epekto mo sakin?

"Pwede ko bang..." kinakabahabang tanong ni Chanyeol habang humaharap sa mascot. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng ulo ng mascot para tanggalin ito.

"...makita ang mukha mo?"

Tumango nang tahimik ang mascot.

Huminga nang malalim si Chanyeol. Inangat niya ang ulo ng rilakkuma at dahan dahan niya itong tinanggal.

At natigilan na lang si Chanyeol nang makita niya si Baekhyun.

Nakita niya si Baekhyun.

Nandito ngayon si Baekhyun sa harap ni Chanyeol at pakiramdam niya, parang nananaginip lang siya. Totoo ba to? Si Baekhyun... Si Baekhyun ba tong nasa harap ko?

"Ch-chanyeol," sabi ni Baekhyun habang nakatitig lang kay Chanyeol. Kumikinang na ang mata niya dahil sa luhang pinipigil niya.

Nakatulala lang si Chanyeol, hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Baekhyun. Halo-halong saya, kaba, pagkaguilty, takot at lungkot ang nararamdaman ni Chanyeol ngayon.

"N-nandito na ulit ako Chanyeol," sabi ni Baekhyun habang nakatitig nang diresto sa mata ni Chanyeol.

"B-bumalik na ako... Nandito na ulit ako..."

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang dahan dahan niyang hinahawakan ang pisngi ni Baekhyun.

"Namiss kita, Baekhyun. Sobrang namiss talaga kita," sabi ni Chanyeol sabay yakap kay Baekhyun nang sobrang higpit. Nabitawan na niya ang ulo ng costume at gumulong na ito sa kalsada pero wala na siyang pakealam.

Nagtiptoe si Baekhyun para maabot niya ang leeg ni Chanyeol habang nakayakap pa rin si Chanyeol sa kanya. Naramdaman na lang ni Baekhyun na nakaangat na pala yung paa niya sa kalsada dahil binuhat na siya ni Chanyeol. Nakakapit siya sa leeg ni Chanyeol at ginalaw-galaw niya yung dalawang paa niyang nakaangat sa lupa. Napangiti si Baekhyun.

"Shit, Baekhyun!" sabi ni Chanyeol na nagpipigil ng luha habang nakangiti nang sobrang lapad.

"WAG KA NA ULIT AALIS BAEKHYUN PAKIRAMDAM KO MABABALIW NA TALAGA AKO TANGINA, SALAMAT NANDITO KA NA ANG TAGAL KITANG HININTAY, SA WAKAS NAKITA NA ULIT KITA NANDITO KA NA BAEKHYUN," sabi ni Chanyeol nang tuloy-tuloy at hindi alam ni Baekhyun kung matatawa ba siya o maiiyak sa saya dahil sa naririnig niya.

"Wag mo na ulit akong iiwan, Baekhyun. Please, dito ka na lang..."

Dito ka na lang at hindi na ulit kita papakawalan...

At nagpapasalamat si Chanyeol dahil gabi na, hindi nakita ni Baekhyun yung luhang tumulo sa mata niya.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro