Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27


*

27

SIM1 Incoming Call...
잔열 (Chanyeol)

Nakatingin pa rin si Baekhyun sa nagbavibrate na phone sa kamay niya. Huminga siya nang malalim at naglakas loob nang pindutin ang answer button tapos nilagay niya ang phone sa tenga niya.

Hindi naghello si Baekhyun. Nakikinig lang siya sa kabilang linya habang kinakabahan.

Katahimikan. Puro tssshh tsshhh lang na white noise ang naririnig ni Baekhyun sa background.

Ibababa na dapat ni Baekhyun ang tawag nang may marinig siyang parang umubo sa kabilang linya, kaya bumilis lalo ang heartbeat niya.

[Hello?! Uhm, a-ano-- Ah, aray! Shit!]

Narinig ni Baekhyun ang tunog ng paggusot ng kumot tapos may bumagsak sa sahig. Nahulog ba si Chanyeol sa kama?

[H-hello? Teka, nakaangat na ba to? Ugh, k-kinakabahan ako... shit, ano ba to ugh, teka--]

Naiimagine ni Baekhyun na kausap siguro ni Chanyeol ang sarili niya. Hindi pa rin nagsasalita si Baekhyun, pinipigilan lang niya ang hininga niya at ang sarili niya na gumawa ng kahit anong ingay. Tiningnan ulit niya ang screen ng phone niya at nakita niyang gumagalaw ang timer ng tawag.

[Uhm, k-kung... kung... n-nakikinig ka man sa kabilang linya... Baekhyun, g-gusto ko lang sabihin na... I'm sorry. Sorry kung, kung... m-may nasabi akong n-nakasakit sayo at, at... y-yung ginawa ko k-kanina, hindi ko talaga sinasadyang gawin sayo yun. Sorry, h-hindi ko lang kasi napigilan yung sarili ko... Pasensya ka na, h-hindi ko to masabi sayo nang harapan, k-kasi... H-hindi ko... h-hindi ko kaya.]

Pakiramdam ni Baekhyun tumigil ang paghinga niya, dahil bawat salitang binibitiwan ni Chanyeol ngayon ay hinding hindi akalain ni Baekhyun na maririnig niya mula kay Chanyeol. Nakatulala lang siya, naghihintay ng susunod na sasabihin ni Chanyeol.

[N-nung, nung sinabi ko sayong... nung sinabi kong wala akong pakealam sayo, Baekhyun. Hindi yun totoo. Hindi totoong wala akong pakealam sayo.]

Huminga nang malalim si Chanyeol. Nakikinig lang si Baekhyun.

[Dahil may pakealam ako sayo. Kasi mahalaga ka sakin, Baekhyun...]

Pinunasan ni Baekhyun ang luhang biglang tumulo sa mata niya habang nakikinig pa rin sa boses ni Chanyeol.

[H-hindi ko man kayang sabihin sayo sa ngayon... Yung mga salitang gusto mong marinig... Sana, sana Baekhyun, wag kang sumuko sakin. Dahil hindi ka wala lang sakin. Hindi ka lang babysitter sa paningin ko, Baekhyun.]

Napansin ni Baekhyun na dumeretso na yung pagsasalita ni Chanyeol. Narinig niyang huminga si Chanyeol nang malalim sa kabilang linya.

[Kundi higit pa dun.]

Napalunok si Baekhyun sa sobrang kaba, saya, at sakit na naramdaman niya, sama-sama na. Gustong gusto na sana niyang magsalita at kausapin si Chanyeol, pero tinakpan niya yung bibig niya ng kamay niya para pigilan ang sarili niyang magsalita.

[Kung nasan ka man ngayon, Baekhyun, please sana bumalik ka na. Dahil... hindi ako makatulog kakaisip sayo. At gusto na rin kitang makita.]

Huminga nang malalim si Baekhyun dahil hindi na niya kayang pakinggan si Chanyeol dahil sa sobra sobrang emosyon na nararamadaman niya. Ibababa na dapat niya ang tawag nang nagsalita ulit si Chanyeol sa kabilang linya.

[I miss you, Baekhyun. Hihintayin kita.]

Toot toot toot.

Binabaan na ni Chanyeol si Baekhyun ng phone.

Dahan dahang inalis ni Baekhyun ang phone sa tenga niya. Nakatulala pa rin siya habang pinapakalma niya ang sarili niya.

Hinawakan ni Baekhyun ang phone sa kamay niya nang mahigpit. Galit ako sayo, Chanyeol. Naiinis ako sayo, ano ba tong ginawa mo sakin. Bakit sa tingin ko... sa tingin ko, mahal na kita, na kahit anong gawin ko, hindi kita makalimutan...

Humiga na si Baekhyun sa kama niya. Tinanggal niya ang battery ng phone niya at nilagay ito sa pinakailalim ng cabinet.

Pinilit niyang matulog at nakatulog naman siya. Pero wala siyang napanaginipan.

*

Pagkabukas ng pinto ng bahay, sabay na tumingin si Sehun at Chanyeol sa taong pumasok. Napatunghay si Sehun sa pagkakayuko niya sa may couch at napalingon naman si Chanyeol na para bang kanina pa silang dalawang nag-eexpect kung sino ang dadating.

Pumasok si Yixing sa loob ng bahay sabay salampak sa couch na parang pagod na pagod. Hinagis niya yung susi ng kotse niya sa may coffee table habang nakatitig lang si Sehun sa kanya.

"Nasan si Baekhyun?" tanong agad ni Sehun kay Yixing. "Nasan si Baekhyun, Yixing-hyung?"

Nakatingin lang si Chanyeol kay Yixing, naghihitay din siya ng sagot.

"Hindi siya sumama sakin," sagot ni Yixing nang seryoso. "Pinili niyang magstay na lang sa Bucheon."

Natigilan si Sehun sa sinabi ni Yixing dahil sobrang sakit lang na marinig na wala si Baekhyun dito. Hindi niya ineexpect na hindi uuwi si Baekhyun kasama ni Yixing. Napayuko na lang si Sehun habang umiiyak. Inabot ni Yixing ang likod ni Sehun at pinat niya ito.

Nakatingin lang din si Chanyeol, at pati siya sobrang nadisappoint dahil hindi siya pinagbigyan ni Baekhyun. Hindi bumalik si Baekhyun, at sinisisi nanaman ni Chanyeol ang sarili niya.

Ako ang may kasalanan kung bakit wala na si Baekhyun dito. Kung sana, sana tinuring ko lang siya nang maayos, hindi sana siya aalis dito.

"Iniwanan na ko ni Baekhyun," sabi ni Sehun habang umiiyak. "Totoo ba to? W-wala na talaga siya, hyung? H-hindi ko matanggap..."

Bumuntong hininga si Yixing at niyakap niya ang umiiyak na si Sehun.

"Simula ngayon, tayong tatlo na lang ulit ang magkakasama," malungkot na sabi ni Yixing. "Kagaya ulit nang dati."

*

Pumasok si Yixing sa mini office ni Chanyeol matapos niyang kumatok nang tatlong beses. Tumunghay si Chanyeol at tingnan niya lang si Yixing na lumapit sa kanya.

"Ito," sabi ni Yixing sabay lapag ng white envelope na may nakasulat sa ibabaw.

"Ano yan?"

"Resignation letter," sagot ni Yixing. "Pinapabigay ni Baekhyun."

Tahimik na kinuha ni Chanyeol ang letter tapos binuksan niya ito. Binasa nang mabilis, tinupi, tapos nilapag ulit. Nakatingin lang si Yixing kay Chanyeol.

"Anong sinabi mo kay Baekhyun?" tanong ni Chanyeol. "Bakit siya magreresign?"

"Wala akong sinabi sa kanya. Siya mismo ang nagdesisyon niyan."

"Tss," sabi ni Chanyeol nang nakakunot ang noo. "Hindi ako naniniwala."

"Kung anong nakalagay na dahilan jan sa letter, yun ang paniwalaan mo. Wala akong kinalaman sa pag-alis ni Baekhyun."

Tumayo si Chanyeol sa pagkakaupo niya sa swivel chair niya at lumapit siya kay Yixing.

"Bakit mo dinala si Baekhyun sa Bucheon, Yixing? Hindi naman siya magdedesisyon na aalis siya kung hindi mo siya dinala dun."

"Sinisisi mo ba ako?" tanong ni Yixing. "Ako ba ang may kasalanan kung bakit ayaw ka na niyang makita?"

Bumuntong hininga si Chanyeol na parang hindi makapinawala sa sinasabi ni Yixing sa kanya.

"Bakit ka ganyan magsalita sakin? Bakit parang galit na galit ka sakin, Yixing?"

"Sino ba kasing hindi magagalit sa ginagawa mo kay Baekhyun? Sumosobra ka na, Chanyeol," sabi ni Yixing.

"Sinabi mo sakin na magtatapat ka na kay Baekhyun, pero anong ginawa mo? Sinaktan mo nanaman siya. Nag-aalala ako kay Baekhyun kaya naiinis ako sayo sa mga pinaggagagawa mo sa kanya."

Nakatingin lang si Chanyeol kay Yixing nang mabuti, na para bang may gusto siyang malaman mula kay Yixing.

"Sabihin mo," sabi ni Chanyeol sabay cross arms habang nakatitig lang kay Yixing. "Gusto mo ba si Baekhyun?"

Natigilan lang si Yixing sa tinanong ni Chanyeol sa kanya. Hindi siya sumagot kaya umiwas na lang siya ng tingin kay Chanyeol.

"May gusto ka kay Baekhyun," sabi ni Chanyeol nang hindi patanong, kundi pasalaysay na para bang siya na rin ang sumagot sa tanong niya kay Yixing.

"Kelan pa?" tanong ni Chanyeol kay Yixing, at pakiramdam ni Chanyeol parang tinraydor siya ng kaibigan niya. Masakit, sobra, at hindi pa rin makapaniwala si Chanyeol sa nalaman niya kahit may konti na siyang hinala.

"Yixing, sumagot ka," sabi ni Chanyeol pero hindi pagalit ang boses niya, kundi parang nasasaktan. "Kelan ka pa may gusto kay Baekhyun?"

"S-simula nung pumasok siya dito," sagot ni Yixing nang nakaiwas ang tingin kay Chanyeol, nakatingin lang siya sa bintana.

Nabigla si Chanyeol at hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Ganun na katagal?

"Gusto mo pala si Baekhyun, pero bakit... Bakit hindi mo sinabi!?"

"Sa tingin mo ba kaya ko pang sabihin kung alam ko na kayong dalawa ni Sehun may gusto rin kay Baekhyun?" sabi ni Yixing nang nakatingin na kay Chanyeol.

"Kung iniisip mong magiging karibal mo ako at pakiramdam mong tinraydor kita, wag kang mag-alala, Chanyeol. Wala akong balak agawin si Baekhyun sayo, o kahit kay Sehun. Hindi ako nagconfess o magcoconfess kay Baekhyun. Tatahimik lang ako. Itatago ko lang to," malungkot na sabi ni Yixing.

Nakatingin pa rin si Chanyeol kay Yixing, hindi niya alam kung anong isasagot niya.

"Dahil alam kong noong una pa lang, wala na talaga akong pag-asa. At simula nun, hindi na rin ako umasa," sabi ni Yixing.

"Hindi ko ineexpect... na maririnig ko yan galing sayo," sabi ni Chanyeol. "Kaya pala. Kaya pala ganun ka na lang kung tumingin sa kanya. Akala ko, akala ko walang lang pero--- tss, kaya pala... Pareho kayo ni Sehun."

"Mabuti na rin to, na alam mo," sabi ni Yixing. "Para wala na akong tinatago sayo."

"Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo, o maiinis ako lalo sa sarili ko."

"Magpasalamat ka na lang," sabi ni Yixing. "Dahil ikaw yung gusto ni Baekhyun. Na kahit sinasaktan mo siya at pinapaasa mo siya, ikaw pa rin yung gusto niya."

"Hindi ako deserving," sabi ni Chanyeol at siya naman ang umiwas ng tingin.

"Hindi talaga," sagot ni Yixing. "Hindi ko talaga alam kung ano bang nagustuhan ni Baekhyun sayo."

Bumuntong hininga na lang si Yixing sabay tingin sa relo niya. Kailangan na niyang magluto ng lunch, dahil wala na si Baekhyun para gumawa nun ngayon.

"Sana, pagkalabas ko sa pintuan mo, kalimutan mo na lang yung lahat ng sinabi ko sayo, na parang wala tayong pinag-usapan tungkol dito."

Tumalikod na si Yixing at naglakad na paalis nang bigla siyang tinawag ni Chanyeol. Humarap si Yixing.

"I'm sorry," sabi ni Chanyeol nang seryoso. "Sorry."

"Bakit sakin mo sinasabi yan," sabi ni Yixing at ngumiti siya. "Kay Baekhyun mo sana sinabi. Hindi sakin."

*

"Namimiss na kita," sabi ni Jongdae sa phone habang kausap si Baekhyun. "Hindi ako sanay nang hindi kita nakikita sa apartment natin."

[Namimiss na rin kita, Jongdae kahit lagi mo akong inaaway at sinisigawan. Sobrang tahimik dito sa bahay eh.]

"Sa apartment rin. Ilang araw ka pa lang wala pero pakiramdam ko parang ilang taon mo na akong iniwan," sabi ni Jongdae nang nakasimangot. "Kelan ka ba babalik sa Seoul?"

[Hindi ko alam. Wala na akong reason para bumalik pa jan bukod sayo. Nagquit na ako sa trabaho ko.]

"H-ha!?" sabi ni Jongdae nang pagulat. "Seryoso ka!? Nagresign ka na? Akala ko nagbakasyon ka lang!"

[Pinag-isipan ko yung sinabi mo. Na kung nahihirapan na ako, bumalik na lang ako dito. So yun, naisip ko na dito na lang muna ako. Okay lang ba yun sayo?]

"Oo naman, kung yan yung gusto mo," sabi ni Jongdae. "Pero Baek, sino na ang kasama ko dito sa Pasko? Iniwan mo na ako! Two weeks na lang pasko na."

Tumawa si Baekhyun.

[Reregaluhan na lang kita bago magpasko. Promise ko yan sayo, at sigurado akong hindi ka na malulungkot.]

Napansin ni Jongdae na nakatitig pala si Chanyeol sa kanya kaya sinamaan niya lang ng tingin si Chanyeol sabay irap.

"BAEKHYUN," sabi ni Jongdae nang mas malakas habang nakatingin kay Chanyeol para marinig talaga ni Chanyeol ang pangalan ni Baekhyun.

"Tatawag ulit ako mamaya, kailangan ko na kasing bumalik trabaho eh. Okay, oo. Sige. Oo naman. Mahal din kita. Bye. Ingat!"

Binulsa na ni Jongdae ang phone niya at bumalik na siya sa ginagawa niya habang nakatingin pa rin si Chanyeol sa kanya. Hinayaan na lang niya si Chanyeol dahil galit pa rin siya dito kasi si Chanyeol ang may kasalanan kung bakit umalis si Baekhyun.

"Jongdae," bulong ni Kyungsoo sa tabi niya. "Magkaaway pa ba kayo ni Chanyeol?"

Umirap lang si Jongdae. "Malamang. Hindi naman kasi siya nagsosorr-- ano yan?"

May ipinatong si Kyungsoo sa table ni Jongdae na box na may lamang maliit na cake na may puting icing at strawberry sa ibabaw. Napataas lang ng kilay si Jongdae.

"At ano naman yan?"

"Apology cake galing kay Chanyeol," sabi ni Kyungsoo sabay nguso kay Chanyeol mula sa malayo. "Sorry na daw."

"Psh, hindi niya ako madadaan sa suhol niya kahit ano pang--"

"At ito pang brand new Iphone7S galing sa States," sabi ni Kyungsoo sabay patong ng isa pang puting box sa tabi ng cake. "Patawarin mo na daw siya."

Nanlaki na lang ang mata ni Jongdae habang nakatingin sa box ng Iphone. Tumingin siya kay Chanyeol na ngayon ay nagpapaawa ng tingin sa kanya. Umiwas lang ng tingin si Jongdae sabay kuha ng dalawang box sa table niya.

"Pag-iisipan ko pa, okay?"

Napairap na lang si Kyungsoo habang napangiti naman si Chanyeol mula sa malayo.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro