Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26


*

26

Pagbukas pa lang ng gate, sinalubong na agad ni Baekhyun ang nanay niya at niyakap niya ito nang nahigpit.

"Baekkie!" sabi ng nanay ni Baekhyun habang yakap ang anak niya. "Napadalaw ka!? Aigoo, ang anak ko!"

"Ma, namiss ko po kayo," sabi ni Baekhyun habang nakangiti. "Sobra!"

"Namiss din kita! Hindi ka man lang nagsabing dadating ka!"

Napatingin ang nanay ni Baekhyun sa lalaking nasa may gate kaya nginitian niya ito. Nagbow naman agad si Yixing.

"Aba, sino itong gwapong lalaking kasama mo, Baekhyun?"

"Ah, ako po pala si Yixing," sabi ni Yixing nang nakangiti. "Kaibigan ko po si Baekhyun."

"Siya po yung kasama kong pumunta dito, eomma. Galing siyang Seoul," dugtong ni Baekhyun.

"Ah! Taga-Seoul ka rin pala kagaya ni Chanyeol!" sabi ng nanay ni Baekhyun. "Teka, nasan ba Chanyeol? Sabi ni Chanyeol sakin pupunta raw siya dito minsan. Ah pasok muna kayo, sa loob tayo magkwentuhan."

Nakita ni Baekhyun ang couch nila at bigla niyang naalala si Chanyeol noong nakaupo siya mismo dun sa couch habang nagkukwetuhan sila, kaya bigla nanaman siyang nalungkot. Umiling si Baekhyun para mawala ang alaala sa isip niya.

"Nasan nga ba si Chanyeol, ha Baekkie?"

Umiwas lang ng tingin si Baekhyun sa nanay niya habang nakayuko kaya si Yixing na ang sumagot sa tanong habang pumapasok sila sa loob ng bahay.

"Busy po kasi si Chanyeol kaya hindi siya makakapunta," sabi ni Yixing nang makapasok na sila sa living room. "Kaya ako na lang po ang sumama kay Baekhyun."

"Ah ganun ba," sabi ng nanay ni Baekhyun na parang medyo nadisappoint. "Sayang, gusto ko pa naman sanang magpasalamat sa package niya."

Napatunghay si Baekhyun bigla, nagulat siya. "Package?"

"Oo! Linggo-linggo, nagpapadala siya dito ng kung anu-ano. Pagkain, damit, sapatos, prutas, bulaklak, minsan pictures! Pinadala nga niya sakin yung picture niyo nung date niyo! Tingnan mo, aigoo!"

Namula si Baekhyun habang pinapakita ng nanay niya sa phone nito yung selca nilang dalawa ni Chanyeol. Tumawa naman si Yixing habang nakikisilip din sa gilid.

"Ma, kelan pa kayo nagsimulang mag-usap sa LINE?" tanong ni Baekhyun nang namumula habang tinitingnan ang mga cute na LINE stickers na hindi kapani-paniwalang sinend ni Chanyeol sa nanay niya.

"Bakit hindi ko man lang alam," sabi ni Baekhyun habang nakayuko. "Na nagkakacontact pala kayo ni Chanyeol..."

"Bakit hindi mo alam ang ginagawa ng boyfriend mo?" tanong ng nanay ni Baekhyun habang nakataas ang kilay.

Umiling nang mabilis si Baekhyun. "H-hindi ko po siya boyfriend, eomma! Ano ba yan! Boss ko po si Chanyeol!"

"Ha!!!?" sabi ng nanay ni Baekhyun na nagulat talaga. Tinuro niya si Yixing. "So ito ba ang boyfriend mo?"

Umiling si Yixing habang nakalagay ang kamay niya sa harap niya. "Ay hindi po, hindi po auntie," sabi ni Yixing nang nahihiya. "Magkaibigan lang po kami."

Pinukpok ng nanay niya sa ulo niya si Baekhyun kaya naman napasigaw si Baekhyun.

"Aray!"

"Aish! Wala ka palang boyfriend eh! Wala kang kwenta! Nagdadala ka dito ng bisita tapos hindi mo pala kasintahan! Aigoo! Ano ba yan! Ang tanda tanda mo na!"

"Ma, nakakahiya, wag niyo naman akong paluin!"

Tumayo ang nanay ni Baekhyun. "Hala, jan muna kayo. Maghahanda lang ako ng makakain."

"Tulungan ko na kayo, eomm--"

"Wag na! Jan ka na at asikasuhin mo ang bisita mo!" sigaw ng nanay ni Baekhyun.

"Pasensya ka na sa kanya," sabi ni Baekhyun kay Yixing. "Nakakahiya siya."

"Hindi ah, nakakatuwa nga ang nanay mo. Naalala ko tuloy yung nanay ko."

Mayamaya ay lumabas ang hyung ni Baekhyun galing sa kwarto niya at nakita niya si Baekhyun.

"Kris-hyung!" bati ni Baekhyun. "Kamusta ka na?!"

"Okay lang, eto gwapo pa rin," sabi ni Kris. Napatigil siya nang makita niya ang kasama ni Baekhyun.

"T-teka, ikaw ba yan, Yixing!?" tanong ni Kris.

"Uy! Kris-hyung!" sigaw ni Yixing sabay tayo at salubong kay Kris. "Long time no see!"

"Magkakilala kayo?" tanong ni Baekhyun nang nagtataka.

"Roommates kami nung college! Wow, grabe hyung. Hindi ko ineexpect makikita ulit kita," sabi ni Yixing nang nakangiti.

"Ako rin, ilang taon rin ang nakalipas! Kamusta, big time ka na ah!?"

Napangiti na lang si Baekhyun habang pinapanood niyang mag-usap si Kris at si Yixing. Lumabas siya sandali nang biglang nagring yung phone niya para sagutin ang tawag.

"Hello?"

[BAEKHYUN NASAN KA!!!? AKALA KO BA TATAWAG KA! BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABING AALIS KA, NAG-AALALA NA AKO SAYO!]

"Sehun," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Sorry ha, hindi kita natawagan. Saka wag ka nang mag-alala. Okay lang ako. Kasama ko si Yixing-hyung."

[KINIDNAP KA BA NI YIXING-HYUNG HA!? SAN KA NIYA DINALA? PUPUNTAHAN KITA JAN!]

Tumawa si Baekhyun. "Uy, kalma ka lang! Nandito ako sa Bucheon, okay? Binisita lang namin ang eomma ko."

[T-talaga? Hindi ka ba kinidnap ni Yixing-hyung?]

"Hindi nga eh," sabi ni Baekhyun habang umuupo sa terrace nila. "Nagsasabi ako ng totoo."

[Fine. Naniniwala na ako. Pero bakit ba kasi kailangang kayong dalawa lang ni Yixing-hyung ang magkasama. Nagseselos ako.]

"Wag ka nang magselos," sabi ni Baekhyun nang pabulong. "Dahil ikaw lang Sehun, ang baby ko."

Hindi sumagot sa kabilang linya si Sehun at naisip ni Baekhyun na siguro baka namumula na si Sehun dahil sa sinabi niya, kaya tumawa na lang si Baekhyun.

"Sehun, kumain ka na ba ng dinner? Nagluto ba si Chanyeol?"

[Hindi! Hindi nga siya marunong magluto! Umorder lang kami ng chinese take outs.]

Kahit hindi nakikita ni Baekhyun, alam niyang nakapout na si Sehun ngayon. Napangiti si Baekhyun.

[Umuwi ka na, Baekhyun... Nag-aalala na si hyung sayo...]

Natigilan sandali si Baekhyun sa sinabi ni Sehun kaya natahimik nalang siya.

[Alam kong kahit hindi niya sabihin, nakikita kong nababaliw na siya kakaisip kung saan ka ba pumunta. O kung baka umalis ka na.]

"Sehun," sabi ni Baekhyun habang nakakagat labi. "S-sabihin mo sa kanya na... okay lang ako. Kaya wag na siyang mag-alala."

[PSH! BAKIT HINDI IKAW ANG MAGSABI ANO AKO MESSENGER NIYO BAHALA KA SA BUHAY MO BYE!]

"Yah! Baby!" sigaw ni Baekhyun pero dial tone na lang ang narinig niya. Tinitigan na lang niya ang phone sa kamay niya.

"Binabaan niya ako?!"

"Sinong baby baby ang kausap mo? Boyfriend mo?" tanong ng nanay ni Baekhyun na nasa tabi na pala niya.

"Hindi po!" sabi ni Baekhyun habang umiiling. "Hindi ko po siya boyfriend! Siya po yung alaga ko."

"Tsk tsk tsk, ilang lalaki ba ang meron ka? Aigoo, Baekkie, aigoo," sabi ng nanay ni Baekhyun habang nakangiti.

"Pero si Chanyeol pa rin ang gusto ko, tandaan mo yan Baekhyun," sabi ng nanay ni Baekhyun sabay wink. "Tara na, kakain na tayo ng dinner. Sumunod ka na, ha?"

"Opo," sabi ni Baekhyun sabay buntong hininga.

"Si Chanyeol rin... ang gusto ko."

Pero kailangan ko na siyang kalimutan...

*

"Okay na ako dito sa couch," sabi ni Yixing habang inaayos ang higaan niya. "Jan ka na sa kama mo."

"Sigurado ka ba? Malamig jan, Yixing-hyung. Pwede naman tayong magshare dito," sabi ni Baekhyun habang pinapat ang kama niya.

"Papano naman tayo magkakasya sa kama mo?" tanong ni Yixing. "Hmmm. Maliban na lang kung magyayakapn tayo para hindi ka mahulog."

Yayakapin kita para hindi ka mahulog.

Dugdug.

Natigilan sandali si Baekhyun nang nagflashback sa kanya yung sinabi ni Chanyeol nung gabing pumunta siya sa Bucheon. Nakita bigla ni Baekhyun sa alaala niya kung paano siya niyakap ni Chanyeol habang natutulog sila, kung gaano sila kalapit sa isa't-isa, kaya bumilis nanaman ang tibok ng puso ni Baekhyun.

Bakit ba kahit hindi na kita nakikita, lagi pa rin kitang naiisip, Chanyeol. Bakit ba ang hirap mong makalimutan...

"Okay ka lang?" tanong ni Yixing.

"Okay lang ako. Naisip ko lang na masikip pala talaga yung kama ko kaya sige. Jan ka na lang, hyung."

Humiga na si Baekhyun sa kama niya, samantalang si Yixing naman sa may couch sa dulo ng kama ni Baekhyun. Pumikit na si Baekhyun at hinintay na dalawin siya ng antok.

"Good night Baekhyun," bulong ni Yixing.

"Good night Ch--" Natigilan bigla si Baekhyun. "Good night, Yixing-hyung."

Mukha namang hindi nahalata ni Yixing ang sinabi ni Baekhyun kaya hinayaan na lang yun ni Baekhyun. Matutulog na sana siya nang may bigla siyang maalala.

"Yixing-hyung?" tawag ni Baekhyun sa dilim. "Salamat nga pala sa pagdala mo sakin dito. Kasi matagal ko na talagang gustong bumalik kaso hindi ko nga lang alam kung kelan."

"Yun nga ang dahilan kung bakit kita dinala dito, Baekhyun," sabi ni Yixing. "Alam ko kasing gusto mo nang umuwi. Gusto mo pa bang bumalik sa Seoul kasama ko?"

Sasagot na sana si Baekhyun pero natigilan siya, bigla siyang nagdalawang isip.

"Sinabi mo sakin... na gusto mo nang kalimutan si Chanyeol," sabi ni Yixing. "Makakalimutan mo ba siya kung nasa mansion ka pa? Mag-iistay ka na ba dito o sasama ka pa sakin pabalik?"

"Hindi ko alam, Yixing-hyung..."

"Kung inaalala mo si Sehun, alam ko namang kung anuman yung maging desisyon mo, tatanggapin niya yun. Basta para sayo."

"Kapag ba umalis ako, magiging okay lang kayo?"

"Medyo hindi," sabi ni Yixing. "Pero pag umalis ka, magiging okay ka na."

"Siguro nga, tama ka," sabi ni Baekhyun. "Kailangan ko na ng break."

"So, sasama ka ba sakin pabalik?"

Huminga nang malalim si Baekhyun.

"Hindi na."

*

12:04AM

Naalimpungatan si Baekhyun sa tuloy tuloy na pagvibrate ng phone niya sa ilalim ng unan niya, kaya kahit inaantok, kinuha niya ang phone niya na ngayon ay hindi na nagbavibrate tapos tiningnan niya ang screen nito.

Medyo nasilaw pa si Baekhyun nang buksan niya ang lock screen ng phone niya. Hindi niya pinansin ang 13 missed calls sa notification nang basahin niya ang nag-iisang text sa inbox niya.

잔열 (Chanyeol)
12:01AM
Baekhyun.

Napabangon bigla si Baekhyun sa pagkakahiga niya nang mabasa niya ang text ni Chanyeol. Hindi pa kasi nagtetext si Chanyeol sa kanya kahit kailan. Tumatawag lang si Chanyeol, at tumatawag lang talaga siya kapag may kailangan, kaya medyo kakaiba lang ang nangyari ngayon.

Hawak ni Baekhyun ng dalawang kamay niya ang phone niya habang hinihintay kung magtetext pa ba si Chanyeol, pero limang minuto na ang nakalipas, wala pa ring text. Kaya naisip ni Baekhyun na matulog na lang ulit.

Pinatong niya ang phone niya sa ibabaw ng beside table at nahiga na ulit siya sa kama. Pipikit na sana si Baekhyun nang biglang nagvibrate ulit ang phone niya na ikinagulat pa ni Baekhyun dahil dinig na dinig ito sa katahimikan ng hatinggabi.

Kinuha ni Baekhyun ang phone niya at nakita niya ang nagbiblink na pangalan ni Chanyeol at kulay green na incoming call sa screen niya. Lalong kinabahan si Baekhyun habang nanginginig yung kamay niyang hawak ang phone.

Bakit kaya siya tumatawag? Ano kayang sasabihin niya?

SIM1 Incoming Call...
잔열 (Chanyeol)

"S-sasagutin ko ba?" sabi ni Baekhyun sa sarili niya habang nakatitig sa pangalan ni Chanyeol sa screen niya.

"Sinabi niyang wala naman siyang pakealam sakin diba?"

Pipindutin na sana ni Baekhyun ang decline nang biglang naalala niya yung sinabi ni Sehun kanina.

Umuwi ka na, Baekhyun. Nag-aalala na si hyung sayo. Alam kong kahit hindi niya sabihin, nakikita kong nababaliw na siya kakaisip kung saan ka ba pumunta. O kung baka umalis ka na.

SIM1 Incoming Call...
잔열 (Chanyeol)

"A-ano bang gagawin ko..." sabi ni Baekhyun habang nakatitig pa rin sa pangalan ni Chanyeol sa screen ng phone niya.

Iniisip ni Baekhyun kung sasagutin ba niya ang tawag ni Chanyeol.

O hindi.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro