CHAPTER 25
*
25
Iniiwasan siya ni Baekhyun.
Alam ni Chanyeol na gumagawa talaga ng paraan sa kahit anong pagkakataon si Baekhyun para lang maiwasan siya nito. Yung ginawa niyang pag-iwas kay Baekhyun noon, si Baekhyun naman ang gumagawa sa kanya ngayon.
Kapag alam niyang nasa paligid lang si Chanyeol, didikit siya kay Sehun at Yixing buong araw kaya kahit anong try ni Chanyeol, hindi siya makalapit kay Baekhyun para makausap ito at makahingi ng sorry.
Hindi na nga siya pinapansin at kinakausap, hindi pa siya tinitingnan. Nabangga na nga si Baekhyun sa pader dahil sa pag-iwas niya ng tingin kay Chanyeol at muntik na rin siyang mahulog sa hagdan dahil yumuko siya nung nakita niyang paakyat si Chanyeol sa hagdan.
Kaya nakaisip ng plano si Chanyeol para hindi na makatakas si Baekhyun sa kanya.
Nag-aabang ngayon si Chanyeol sa tapat ng pinto, hinihintay niyang lumabas si Baekhyun sa CR. Naririnig pa niyang kumakanta si Baekhyun sa loob, at ngayon lang napansin ni Chanyeol na maganda pala ang boses ni Baekhyun.
Kaya sumandal na lang si Chanyeol sa pader, nakacross arms at nakapikit habang pinapakinggan ang pagkanta ni Baekhyun na nag-eecho sa loob ng CR.
Ang ganda ng boses mo, masarap pakinggan. Napangiti na lang si Chanyeol.
Hindi napansin ni Chanyeol na nakapatay na pala ang shower sa loob at natigil na ang pagkanta ni Baekhyun. Dumilat na si Chanyeol at nakita niya si Baekhyun sa harap niya na nakatingin lang sa kanya nang gulat na gulat.
Bumuka ang bibig ni Chanyeol para magsalita, pero walang lumabas sa bibig niya kaya umiwas na lang ng tingin si Baekhyun sa kanya. Hindi rin nagsalita si Baekhyun tapos tumalikod na siya na parang walang nakita. Aalis na sana siya nang biglang hawakan ni Chanyeol yung wrist niya.
"Baekhyun, sandali," sabi ni Chanyeol habang hawak yung wrist ni Baekhyun. Ngayon na lang niya ulit tinawag si Baekhyun makalipas ang tatlong araw.
"Wag mo na akong iwasan, please."
Pumikit lang si Baekhyun bago niya tanggalin ang kamay niya sa hawak ni Chanyeol. Nakatalikod pa rin siya.
"Akala ko ba wala kang pakealam sakin? Bakit affected ka sa pag-iwas ko sayo?"
"K-kasi," sabi ni Chanyeol habang nakaiwas ng tingin. "Magkasama tayo sa iisang bahay. H-hindi naman maganda kung, kung nag-iiwasan tayo."
Bumuntong hininga si Baekhyun. "Ah, yun lang ba yung sasabihin mo?"
"Bakit, meron pa ba?"
Huminga nang malalim si Baekhyun para pakalmahin ang sarili niya. Humarap siya kay Chanyeol
"Ah, oo nga pala. Wala na," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Sige, simula ngayon hindi na kita iiwasan."
"Talaga?" sabi ni Chanyeol nang nakangiti nang malapad.
"Oo. Hindi na kita iiwasan," sabi ni Baekhyun habang nakatitig lang kay Chanyeol. "Ah, at simula rin pala ngayon, hindi na kita magugustuhan."
Nawala ang ngiti ni Chanyeol habang nakakunot ang noo niya. "Ano?"
"Kakalimutan na kita. Hindi na kita gusto," ulit ni Baekhyun. "Para wala nang problema. Diba yun naman ang gusto mo?"
Nakatingin lang si Chanyeol na parang hindi makapaniwala at hindi matanggap ang sinabi ni Baekhyun sa kanya.
"Hindi mo pwedeng gawin yun."
"Tss," sabi ni Baekhyun sabay irap. "At bakit naman hindi? Gagawin ko ang gusto ko."
"Hindi mo pwedeng gawin yun dahil sinabi ko."
"Sino ka para utusan ako?"
"Ako ang boss mo, kaya dapat lang na makinig ka sa sinasabi ko," sabi ni Chanyeol sabay hawak sa braso ni Baekhyun.
"Ako lang dapat yung gusto mo, Baekhyun. Wala nang iba."
Natigilan na lang si Baekhyun dahil sa sinabi ni Chanyeol. Hindi rin siya makagalaw dahil sa higpit ng hawak ni Chanyeol sa braso niya. Naramdaman na lang ni Baekhyun na naitulak na pala siya ni Chanyeol sa pader at naharangan na ni Chanyeol ng braso niya ang dadaanan ni Baekhyun.
"Ch-chanyeol," sabi ni Baekhyun nang nakaiwas ang tingin habang nakasandal siya sa pader, sobrang lapit ni Chanyeol sa kanya. "P-paalisin mo na ako."
"Ano bang gusto mo sakin, Baekhyun? Gusto mo bang ibigay ko sayo yung gusto mo!?"
Nakatitig lang si Chanyeol sa kanya at pakiramdam ni Baekhyun lalabas na yung puso niya sa dibdib niya, nanghihina na rin yung tuhod niya. Hindi siya makagalaw dahil sa hininga ni Chanyeol sa noo niya. Hindi alam ni Baekhyun pero parang hindi na niya kilala ang Chanyeol na nasa harap niya ngayon. Natatakot na si Baekhyun, hindi na niya alam kung anong gagawin niya at kung papano siya makakaalis dito.
"SUMAGOT KA!" sigaw ni Chanyeol.
"HINDI NA KITA GUSTO!" sigaw rin ni Baekhyun. "Kaya paalisin mo na ako dito!"
Padabog na hinampas ni Chanyeol ang pader sa likod ni Baekhyun dahil sa inis niya kaya napapikit na lang si Baekhyun sa takot. Galit si Chanyeol dahil ayaw niyang kalimutan na lang siya ni Baekhyun nang ganun ganun na lang.
"HINDI MO NA AKO GUSTO!? PERO ITO!?" sigaw ni Chanyeol at kinulong niya si Baekhyun sa gitna ng dalawang braso niya. "ITO BANG GUSTO MO!!!?"
Mabilis na nilapit ni Chanyeol ang mukha niya sa mukha ni Baekhyun na parang hahalikan na niya si Baekhyun sa lips. Pero napatigil siya kahit sobrang lapit na ng labi nila sa isa't-isa nang may marinig siyang mahinang hikbi. Mahinang hikbi galing kay Baekhyun.
Umiiyak si Baekhyun.
Tiningnan ni Chanyeol si Baekhyun sa harap niya, nakapikit ito na parang nanginginig sa takot habang may luhang tumutulo sa pisngi niya.
"B-baekhyun," sabi ni Chanyeol at bigla na siyang natauhan sa ginawa niya. Lumayo siya kay Baekhyun habang nag-aalalang nakatingin dito.
"Baekhyun, I-I'm sorry! H-hindi ko s-sinasadya, ugh shit, s-sorry--"
Dahan dahang nilayo ni Baekhyun ang sarili niya kay Chanyeol, hindi siya nakatingin dito na para bang takot na takot siya sa susunod na gagawin ni Chanyeol sa kanya.
"Baekhyun, I'm sorry," sabi ulit ni Chanyeol habang lumalapit kay Baekhyun. "Sorry, h-hindi ko sinasadyang--"
"W-wag," sabi ni Baekhyun sabay iling. "Wag kang lalapit sakin," sabi niya tapos nagmadali na siyang tumakbo palayo kay Chanyeol.
At sa pangalawang pagkakataon, naiwan ulit si Chanyeol sa gitna ng hallway. Huminga siya nang malalim tapos sinuntok niya ang pader sa inis niya sa sarili niya.
Dumugo ang kamay niya pero wala na siyang pakealam.
*
"Baekhyun..." nag-aalalang sabi ni Sehun habang nakaupo sa tabi ni Baekhyun. "Okay ka lang ba talaga? Gusto mo hindi na ako pumasok? Dito na lang ako."
"Wag," sabi ni Baekhyun habang yakap ang tuhod niya. "Pumasok ka na sa school. Ayoko namang umabsent ka nang dahil lang sakin."
"Pero tingnan mo naman yang itsura mo," malungkot na sabi ni Sehun sabay hawak sa mukha ni Baekhyun. "Hindi ka mukhang okay."
"Magiging okay rin ako," sagot ni Baekhyun tapos tumunghay siya kay Sehun. "Kaya pumasok ka na, okay?"
"O-okay," sabi ni Sehun pero hindi pa rin siya convinced. "Sige, papasok na ako dahil sinabi mo."
Tumango si Baekhyun habang nakangiti. Sumenyas siya ng phone gamit ang kamay niya tapos nilagay niya sa tenga niya. "Tatawagan kita mamaya."
"Hihintayin ko," sabi ni Sehun habang tumatayo at sinusuot ang backpack niya.
Lumapit siya sa babysitter niya at hinawi niya yung bangs nito, tapos kiniss niya yung noo ni Baekhyun. Pumikit si Baekhyun.
"Thank you," sabi ni Baekhyun kaya napangiti na lang si Sehun dahil yung salitang yun, yun lang ang palaging isinasagot at kayang sagutin ni Baekhyun sa kanya.
Lumabas na si Sehun ng kwarto niya at nakita niya si Chanyeol na nakabihis na.
"Hyung," tawag ni Sehun nang seryoso. "May sasabihin lang sana ako."
Alam ni Chanyeol na tungkol nanaman ito kay Baekhyun kaya humarap siya kay Sehun at tumingin sa kapatid niya.
"Ano yun?"
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo kay Baekhyun kung bat siya nagkaganun," sabi ni Sehun. "Pero sana, wag mo na siyang saktan, hyung. Kasi nasasaktan ako pag nakikita kong nasasaktan siya nang dahil sayo."
Tahimik lang si Chanyeol.
"Pero alam mo kung anong mas masakit?" sabi ni Sehun habang hawak nang mahigpit ang backpack niya. "Yung wala man lang akong magawa, kahit anong gawin ko, hindi ko maalis yung sakit na nararamdaman niya. Kasi ikaw lang yung kayang gumawa nun."
Pagkasabi ni Sehun nun, tumalikod na siya para umalis. Inaamin ni Chanyeol na nasaktan siya sa sinabi ng kapatid niya kaya lalo lang siyang nagalit sa sarili niya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Chanyeol nang nagtataka.
"Sa school," sagot ni Sehun. "Wag mo na akong ihatid. Magbabus na lang ako."
Napabuntong hininga na lang si Chanyeol. Hindi lang si Baekhyun ang galit sakin, pati na rin pala si Sehun.
*
"Tara," sabi ni Yixing kay Baekhyun habang hinihila siya patayo. Nakatingin lang nang matamlay si Baekhyun sa kanya
"Bakit?"
"May pupuntahan tayo."
Umiwas ng tingin si Baekhyun. "Wala ako sa mood, Yixing-hyung. Dito na lang ako."
"Tss, kaya nga kita ilalabas para bumalik yung mood mo," sabi ni Yixing habang hinihila pa rin si Baekhyun. "Dahil nahahawa ako sa katamlayan mo. Halika na."
Hinila ni Yixing si Baekhyun palabas ng bahay, sa may garahe kaya wala nang nagawa si Baekhyun para magpumiglas.
"Sakay," sabi ni Yixing sabay bukas ng pinto ng kotse niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta."
Pinaandar na ni Yixing ang sasakyan nang nakasakay na si Baekhyun sa kotse. Lumabas sila ng highway at lumiko pakanan malayo sa city.
"T-teka," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa bintana kaya hindi niya nakita ang pinindot ni Yixing sa GPS.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta nga," sabi ni Yixing nang nakangiti. "Matulog ka muna, gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo."
Nagpout si Baekhyun. "Itatanan mo na ba ako?"
Tumawa si Yixing. "Edi sana pala sa airport tayo pumunta papuntang China."
Tumahimik lang si Baekhyun habang nakatingin sa bintana ng kotse.
"Hyung?"
"Hmm?"
"Bakit ka nandito kung nasa China ang parents mo?"
"Actually, foster parents ko lang sila," sabi ni Yixing habang nakatingin lang sa daan. "Ampon lang ako. Inampon ako ng pamilya ni Chanyeol sa China. Dito na ako tumira simula nung nag highschool ako."
"Ah ganun ba. Pareho pala tayo, Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun. "Ampon lang din ako."
Ngumiti lang si Yixing sabay tingin kay Baekhyun. "Bagay pala tayo kung ganun."
Natawa si Baekhyun kaya lumapad lalo ang ngiti ni Yixing.
"Ayun! Tumawa rin siya oh."
"Psh. Matutulog na nga lang ako," sabi ni Baekhyun nang nakangiti pa rin. "Gisingin mo na lang ako pag nakarating na tayo."
"Okay. Ah, giniginaw ka ba? May jacket ako sa likod kung gusto mo? O hihinaan ko na lang yung aircon para hindi masyadong malamig."
Umiling si Baekhyun. "Okay na ako hyung, salamat."
Naisip ni Baekhyun na siguro ang swerte talaga niya dahil nandito si Yixing at si Sehun sa tabi niya.
Napangiti na lang si Baekhyun. Hindi ko alam kung bakit, pero nitong nakaraan, napapansin kong mas mabait na si Yixing-hyung sakin. Siguro mabait lang talaga siya kaya inaalagaan niya ako.
"Thank you," sabi ni Baekhyun nang nakapikit na.
"Wala yun," sagot naman ni Yixing habang nakangiti. "Ikaw pa."
*
Pagkalipas ng ilang oras, itinigil na ni Yixing ang kotse dahil nakarating na sila sa pupuntahan nila. Medyo palubog na ang araw nang dumating sila.
"Baekhyun," bulong ni Yixing para gisingin si Baekhyun. "Baekhyun, gising na. Nandito na tayo."
Dahan dahang gumising si Baekhyun habang kinukusot niya ang mata niya. Nakakita siya ng dagat sa tapat niya at mga puno naman sa gilid nila.
Lumingon si Baekhyun sa paligid habang tinitingan ang lugar na pinuntahan nila kaya tuluyan na siyang nagising.
"Nandito na tayo, Baekhyun."
"Y-yixing hyung...." sabi ni Baekhyun na parang maiiyak na. Tumingin siya kay Yixing at ngumiti lang si Yixing sa kanya.
"Welcome home, Baekhyun," sabi ni Yixing. "Nandito ka na sa hometown mo."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro