Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24 Part 2


*

24.2

"Wala akong pakealam kahit ano pang gawin mo."

Napayuko na lang si Baekhyun nang marinig niya ang sinabi ni Chanyeol. Ang sakit mo pa ring magsalita, Chanyeol.

Pero tama ka. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag? Dahil ba umaasa akong kahit papano may pakealam ka sakin? Imposible nga pala. Ano nga bang pakealam mo?

Pero hindi kita maintindihan, Chanyeol. Bakit mo ako pinuntahan sa Bucheon? Bakit mo pinapakitang may concern ka sakin? Bakit mo ako niyakap nung gabing yun? Bakit mo hinawakan ang kamay ko? Bakit mo pinaparamdam saking special ako?

Wala lang ba yun sayo? Masyado lang ba talaga akong umaasa?

"Oo nga pala, wala kang pakealam," sagot ni Baekhyun nang nakatingin na siya mata ni Chanyeol.

Kitang kita ni Chanyeol sa mata ni Baekhyun na sobrang nasaktan talaga ito sa sinabi niya. Halatang nagpipigil lang ng luha si Baekhyun sa harap niya. Gustong gusto mang bawiin ni Chanyeol yung sinabi niya kanina at sabihing hindi niya yun sinasadya, wala. Hindi niya maibuka ang bibig niya para magsalita.

"Ako lang naman kasi itong si tanga na laging umaasa sayo," sabi ni Baekhyun sabay ngiti nang mapait at iwas ng tingin.

Nakita ni Chanyeol na nagmadaling pinunasan ni Baekhyun yung luha nito sa pisngi niya. Nakatingin lang si Chanyeol kay Baekhyun na parang namanhid na ang buo niyang katawan.

"Ano nga ba ako sayo, Chanyeol? Babysitter lang naman ako dito."

Pagkasabi ni Baekhyun nun, umalis na siya at naglakad pabalik sa kwarto ni Sehun. Naiwan lang si Chanyeol na nakatayo sa gitna ng hallway.

"Tangina, tangina mo Chanyeol," galit na sabi ni Chanyeol sa sarili niya, nakatakip ng dalawang kamay ang mukha niya.

"Ugh! Wala ka nang nasabing tama!"

*

Napansin ni Baekhyun na tulog na si Sehun sa tabi niya kaya bumangon na siya sa kama. Inayos niya ang kumot nito tapos kiniss niya si Sehun sa noo.

"Good night, baby," bulong ni Baekhyun tapos sinuot na niya ang backpack niya sa likod niya.

Lumabas na siya ng kwarto ni Sehun at napansin niyang nakapatay na lahat ng ilaw sa buong mansion. Tumingin siya sa relo niya. 10:45 na pala, kailangan ko nang umuwi.

Bumaba siya ng hagdan habang inaalala pa rin yung sinabi ni Chanyeol sa kanya.

Bakit ka nagpapaliwanag? Sa tingin mo ba, may pakealam ako?

Wala akong pakealam kahit ano pang gawin mo.

Umiling si Baekhyun para maalis ang alaala sa isip niya. Ayaw na niyang umiyak. Hindi siya iiyak nang dahil lang kay Chanyeol.

Nang nakababa na si Baekhyun sa living room, nakita niyang nakabukas pa pala ang ilaw sa may doorstep. Naiwan kaya ni Yixing-hyung na nakabukas to?

"Baekhyun," tawag ng isang boses kaya napalingon si Baekhyun. Nakita niyang may nakaupo pang tao sa couch sa madilim na living room.

"Bakit gising ka pa, Yixing-hyung?" tanong ni Baekhyun habang nagpapalit ng shoes niyang panglabas. "Gabi na ah."

"Hinintay kasi kita," sagot ni Yixing habang naglalakad na papunta sa may ilaw. "Walang maghahatid sayo. Nag-away kayo ni Chanyeol diba."

Umiwas na lang ng tingin si Baekhyun. "Kaya ko namang umuwi kahit walang maghatid sakin. Magtataxi na lang ako."

"Bakit ba pag inaalok kitang ihahatid kita, lagi mo akong tinatanggihan?" sabi ni Yixing nang nakangiti. "So si Chanyeol lang pala yung pwedeng maghatid sayo?"

"H-hindi naman sa ganun, Yixing-hyung."

"Oh yun naman pala eh. Saka isa pa, hindi pa kita naihahatid sa apartment mo kahit minsan."

Nagpout na lang si Baekhyun. "Fine, ihatid mo na nga ako. Magaglit ka nanaman sakin eh."

Ngumiti lang si Yixing at lumabas na siya ng bahay kasunod ni Baekhyun. Pumunta sila sa garahe, may dalawang kotse dun. Yung black kay Chanyeol, yung white naman kay Yixing.

"First time kong sasakay sa kotse mo," sabi ni Baekhyun na mukhang excited. "Kasi laging kay Chanyeol yung nasasakyan ko. Tss, ang pangit ng loob ng kotse niya. Sira pa yung seatbelt."

Tumawa si Yixing sabay bukas ng pintuan para kay Baekhyun. "Isusumbong kita kay Chanyeol na nilait mo yung kotse niya."

"Subukan mo lang, Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Kundi tatapusin ko na ang pagkakibigan natin."

"Talaga lang ha," sabi ni Yixing sa sarili niya nang makasakay siya sa driver's seat. "Parang gusto ko yata yun."

*

"Baekhyun?" tawag ni Jongdae sa kaibigan niya na nakahiga sa ilalim ng double deck nang may marinig siyang parang mahinang iyak. "Gising ka pa ba?"

Hindi sumagot si Baekhyun kaya nag-aalalang bumaba ng double deck si Jongdae tapos pumunta siya sa gilid ng kama ni Baekhyun. Nakatalukbong si Baekhyun ng kumot at nakaharap sa pader.

"Baekhyun..." malungkot na tawag ni Jongdae. "Bakit umiiyak ka nanaman... Akala ko ba tumahan ka na kanina?"

"S-sorry, nagising pa kita," sabi ni Baekhyun na medyo humihikbi pa. "Okay lang ako, Jongdae. Bumalik ka na sa pagtulog mo. Alam kong pagod ka."

Bumuntong hininga si Jongdae. "Alam kong hindi ka okay, wag mo nga akong niloloko."

Inangat niya ang kumot ni Baekhyun kaya napalingon si Baekhyun sa kanya. Humiga siya sa tabi ni Baekhyun.

"Dito ako matutulog," sabi ni Jongdae. "Tabi tayo, para hindi ka na umiyak kagaya nung mga bata pa tayo."

Ngumiti si Baekhyun at umusod siya pakaliwa para bigyan ng space si Jongdae sa tabi niya.

"Salamat, nandito ka," bulong ni Baekhyun. "Dahil kung wala ka, hindi ko na alam ang buhay ko sa Seoul."

Humarap si Jongdae kay Baekhyun habang inaayos ang kumot nila.

"Sabihin mo lang Baekhyun, kung nahihirapan ka na," sabi ni Jongdae. "Babalik na tayo sa province kung gusto mo. Masyado ka nang pinapahirapan ni Chanyeol."

"Gustong gusto ko nang umuwi, Jongdae," sabi ni Baekhyun at nagsimula nanaman siyang umiyak. Nakatingin lang si Jongdae sa kanya na parang maiiyak na rin.

"G-gustong gusto ko nang umuwi sa bahay. N-namimiss ko na ang mga magulang ko," dugtong ni Baekhyun habang tumutulo na ang luha niya sa unan niya. "G-gusto ko na silang m-makasama..."

"B-baekhyun..."

"Pero kahit anong gawin ko," sabi ni Baekhyun habang humihikbi pa rin. "K-kahit anong g-gawin ko, h-hindi ko magawang umalis dito. H-hindi ko kayang iwan si Chanyeol dito."

Bumangon si Jongdae at pinunasan niya ang luha ni Baekhyun gamit ang thumb niya. Masakit sa kanyang nakikitang umiiyak si Baekhyun, dahil mismong siya nga, hindi niya magawang paiyakin si Baekhyun tapos papaiyakin lang siya ng iba?

"Pero sinasaktan ka lang ni Chanyeol. Pinaglalaruan niya lang yung feelings mo," sabi ni Jongdae. "Kung gusto ka talaga niya, matagal na niyang sinabi yun sayo. Hindi yung kung anu-anong ginagawa niya para sayo tapos wala lang pala sa kanya yun."

"Pero ano bang magagawa ko," sabi ni Baekhyun habang pinupunasan ang luha niya. "Siya pa rin yung gusto ko. Kahit na ganito yung turing niya sakin."

"Anong gagawin mo ngayon? Aasa ka pa rin kay Chanyeol?"

"Hindi na ako aasa," sagot ni Baekhyun. "Pagod na akong umasa."

Nakatingin lang si Baekhyun sa dilim nang pumikit ulit siya. Nakatingin pa rin si Jongdae sa kanya.

"Kaya kakalimutan ko na siya."

"S-sigurado ka ba sa sinasabi mo, Baekhyun?"

"Mula ngayon Jongdae, kakalimutan ko na... yung nararamdaman ko para kay Chanyeol."

*

Napatigil sa pagkukwentuhan si Kyungsoo at Junmyeon nang biglang sumulpot sa harap nila si Chanyeol na mukhang galit na galit.

"Bumalik na nga kayo sa trabaho!" sigaw ni Chanyeol. "Wala na kayong ibang ginawa kundi magkwentuhan! Mga wala kayong kwenta!"

Pagkasabi ni Chanyeol nun, padabog niyang sinara ang pinto ng office niya kaya napapapikit na lang si Kyungsoo at Junmyeon.

"Bakit mas masungit yata siya ngayon kesa kahapon?"

"Malay ko," sabi ni Kyungsoo. "Baka may kinalaman kay Baekhyun."

"Tama ka," sabi ni Jongdae na kakadating lang. "Magkaaway nga sila. Pano, ang tanga rin nitong si Chanyeol, sinabihan ba naman ang bestfriend ko na..."

"Na ano?" curious na tanong ni Junmyeon.

"Na wala siyang pakealam sa kanya."

Napa 'haaah!' si Kyungsoo na parang gulat na gulat pero binalik rin niya ang seryoso niyang mukha pagkatapos.

"Ano pa bang inexpect mo kay Chanyeol," sabi ni Kyungsoo sabay irap. "Ganyan na yan simula pa noon."

"Kaya nga, walang pagbabago," sabi ni Junmyeon. "Nang dahil sa kanya, nawalan na nang kwenta yung pustahan natin. Tingnan mo! Tapos na ang three weeks hindi pa rin sila."

Hindi umimik si Jongdae at tumayo lang siya papunta sa offiice ni Chanyeol.

"Dito muna kayo, kakausapin ko lang siya."

"Fighting!" sabay na sabi ni Jumyeon at Kyungsoo.

Pumasok si Jongdae nang hindi kumakatok sa office at nakita niya si Chanyeol na nakatutok sa laptop nito.

"Mag-usap tayo."

"Mamaya na, bumalik ka na sa trabaho mo."

"Mag-usap tayo. Tungkol kay Baekhyun."

Nang narinig ni Chanyeol ang pangalan ni Baekhyun, tumunghay siya kay Jongdae at tinanggal niya ang glasses niya.

"Bumalik ka na sa trabaho, wala tayong dapat pag-usapan."

"Wag mo akong utusan, Chanyeol. Hindi kita boss ngayon. Nandito ako bilang kaibigan ni Baekhyun."

Minassage ni Chanyeol ang ulo niya sabay sara ng laptop niya. "Fine. Ano bang gusto mong sabihin?"

"Gusto kong sabihin sayong putangina mo, Chanyeol," sabi ni Jongdae nang seryoso. "Hindi mo ba alam na nasasaktan na si Baekhyun sa mga ginagawa mo? Ang sama sama mo."

Hindi nagsalita si Chanyeol dahil alam naman niyang may kasalanan siya. Pero ang sakit pala talagang mamura. Mas masakit kesa sa inaakala niya.

"Ano bang ginawa sayo ng kaibigan ko para tratuhin mo siya ng ganito? Naiinis ka ba sa kanya? Naiirita ka dahil gusto ka niya? Pwes, eto lang ang masasabi ko sayo. Ang laki mong tanga," sabi ni Jongdae tapos naglakad siya palapit sa desk ni Chanyeol.

"Ang daming nagmamahal kay Baekhyun, pero ikaw, sinasaktan mo lang siya. Masaya ka ba sa ginagawa mo, ha? Gusto mo yung feeling nang nakikita mong gustong gusto ka ni Baekhyun, tapos ikaw pinapaasa mo lang siya? Kung wala ka pala talagang pakealam kay Baekhyun, edi sana hindi mo na siya pinabalik bilang babysitter niyo. Gago ka pala eh. Hindi ka desreving para kay Baekhyun. Tangina mo."

"Jongdae, tama na," sabi ni Chanyeol habang nakayuko, pinipigilan niya ang sarili niyang magalit. "Sumosobra ka na."

"Masakit ba? Masakit akong magsalita?" sabi ni Jongdae nang nakangiti.

"So ngayon alam mo na yung pakiramdam nung sinabihan mo si Baekhyun na 'Wala akong pakealam sayo', nung sinabihan mo si Baekhyun na 'Hindi kita gusto, kahit kailan hindi ako magkakagusto sayo kaya wag ka nang umasa'. Ano, masakit diba?"

Pagkatapos sabihin ni Jongdae yun, tumalikod na siya, pero humarap ulit siya nang may bigla siyang naalala.

"Ah, oo nga pala," sabi ni Jongdae. "Sa oras na umiyak ulit si Baekhyun nang dahil sayo, tandaan mo Chanyeol. Ibabalik ko na siya sa Bucheon at hinding hindi mo na siya makikita. Kahit kailan."

Nakatingin lang si Chanyeol nang isara ni Jongdae ang pinto ng office niya. Tumayo siya at humarap siya sa malawak na bintana ng office niya.

Bakit lagi ko na lang siyang nasasaktan? Bakit wala na akong magawang tama? Ano bang nangyayari sakin... ano ba tong nagawa ko?

Kinuha niya ang vase sa tabi ng desk niya tapos hinagis niya ito sa sahig kaya nabasag. Tinitigan niya lang yung bubog sa lapag habang pinipigilan niyang tumulo yung luha niya.

"Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ng pumasok na secretary.

Bumuntong hininga si Chanyeol para pakalmahin ang sarili niya.

"Okay lang ako," sabi ni Chanyeol. "Pakilinis na lang nito."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro