Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24 Part 1


*

24.1

7:00 AM.

Dumating si Sehun na galing sa hiking nang medyo maaga pa, kaya nakapatay pa ang ilaw sa buong mansion at tahimik pa sa loob. Malamang tulog pa si Chanyeol-hyung at si Yixing-hyung.

Umakyat siya sa kwarto niya tapos nilagay niya yung bag niya sa sahig nang bigla niyang nakitang may nakahiga sa kama niya, kaya lumapit siya para tingnan ito. Sino yun?

Nakita ni Sehun si Baekhyun na mahimbig na natutulog habang yakap yung unan ni Sehun at nakababa pa yung kumot sa may hita niya, kaya napangiti na lang si Sehun habang inaayos yung kumot ni Baekhyun.

Masaya lang kasi sa pakiramdam ni Sehun na nakikitang nandito si Baekhyun sa kama niya, dito pa siya natulog habang yakap yung unan niya.

Sumampa si Sehun sa kama at humiga tapos dahan dahan niyang niyakap si Baekhyun mula sa likod.

"Yah, Baekhyun," bulong ni Sehun. "Gising ka na po. Nandito na ko."

"Asdfghjkl..."

"Psst," bulong ni Sehun sa tenga ni Baekhyun.

"Mmm..."

Hinipan ni Sehun yung batok ni Baekhyun kaya naman gumalaw agad ito sabay bangon na parang nakuryente.

"Ahh! Ano yung-- tsk, ano ba Sehun! Natutulog pa ako eh," sabi ni Baekhyun habang kinakamot ang magulo niyang buhok.

Humiga ulit siya sa kama dahil inaantok pa siya kasi napuyat siya kagabi (kakasisip kay Chanyeol) kaya gusto niyang matulog ulit. Nasa harap naman ni Baekhyun si Sehun at nakahiga rin sa kama, nakatingin lang sa kanya habang nakapikit siya.

"Good morning, Baekhyun," bulong ni Sehun. "Hindi mo man lang ba ako babatin sa pagbabalik ko?"

Binuksan ni Baekhyun ang isang mata niya para silipin si Sehun at nakita naman niyang nakapout ito na parang nagpapaawa. Napairap na lang si Baekhyun.

"Fine," sabi ni Baekhyun sa inaantok niyang boses. "Good morning, baby."

"Yan, ganyan nga," sabi ni Sehun nang nakangiti. "Namiss talaga kita. Sobra. Isang araw lang kitang hindi nakita pero pakiramdam ko parang mababaliw na ako."

Natawa si Baekhyun habang nakatingin sa alaga niya na nakatitig lang nang mabuti sa kanya.

"Dito ka sa kwarto ko natulog?" bulong ni Sehun dahil masyado pang maaga para magsigawan sila. "Hindi ka umuwi kagabi sa apartment mo?"

Tumango si Baekhyun. "Mm. Dito ako natulog. Galit ka ba?"

"Bakit naman ako magagalit, loko," sabi ni Sehun. "Sayang, dapat pala hindi na lang ako sumama sa hiking kung ganun."

Inilapit ni Sehun ang mukha niya sa mukha ni Baekhyun, na parang ikikiss niya na ito sa lips. Pero bigla hinarang ni Baekhyun ang palad niya sa mukha niya, kaya ang nahalikan ni Sehun ay yung palad ni Baekhyun.

"Bawal," sabi ni Baekhyun pero hindi naman siya galit. "Hindi pwede sa lips, Sehun."

"Tss, ang daya! Napakadaya!" sigaw ni Sehun na parang iiyak na. "Ang damot mo, Baekhyun. Bakit hindi pwede? Bakit!? Nakakainis ka!"

"Sehun," sabi ni Baekhyun nang mahinahon. "Naiintindihan mo naman kung bakit hindi pwede diba? Nasabi ko naman sayo yun diba?"

Tumango na lang nang tahimik si Sehun na parang masunuring bata kaya napangiti si Baekhyun. Bumangon na siya sa kama nang may narinig siyang sasakyan na pumaparada sa garahe sa baba.

"Si Yixing-hyung na yun!" sigaw ni Baekhyun sabay hila kay Sehun.

"Bakit? Saan ba galing si Yixing-hyung?"

"Galing siya sa China. Sabi niya hapon pa daw ang uwi niya pero mukhang napaaga siya," paliwanag ni Baekhyun habang tumatayo sa kama at sumasakay sa likod ni Sehun.

"T-teka, anong ginagawa mo?" tanong ni Sehun kay Baekhyun na nakakapit na sa likod niya.

"I-piggyback mo ako hanggang sa baba," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Dahil inaantok pa ako. Hindi ko kayang bumaba kung inaantok pa ako."

"Tss, ang sabihin mo, tinatamad ka lang," sabi ni Sehun nang nakangiti pero tumayo rin naman siya habang hawak ang legs ni Baekhyun sa likod niya.

"Thank you," bulong ni Baekhyun nang binuhat na siya ni Sehun, nakayakap yung braso niya sa leeg ni Sehun.

Inayos ni Sehun si Baekhyun sa likod niya, na walang kahirap-hirap niyang nakarga dahil magaan lang naman ang babysitter niya. Naramdaman ni Sehun na sinandal ni Baekhyun ang ulo nito sa balikat niya habang naglalakad sila palabas ng kwarto.

"Sana kasi ako na lang," bulong ni Sehun sa sarili niya. "Bakit kasi si hyung pa, nandito naman ako eh."

Palabas na ng kwarto niya si Chanyeol nang nakita niyang dumating na pala si Sehun, at buhat pa nito si Baekhyun kaya napatigil at napaatras na lang siya habang hinintay niyang makababa sila ng hagdan.

Nang makababa na si Baekhyun at Sehun, narinig naman ni Chanyeol na bumukas ang pinto at ang malakas na 'Yixing-hyung!' ni Baekhyun kaya napabuntong hininga na lang si Chanyeol.

Bakit ba ang daming umaaligid kay Baekhyun, hindi ba pwedeng masolo ko ulit siya kahit isang araw pa?

Nang narealize ni Chanyeol na kinakausap nanaman niya ang sarili niya, umiling na lang siya at nagdesisyong bumaba na.

Nakita ni Chanyeol si Sehun na nasa sa couch habang excited na hinahalungkat ang luggage ni Yixing samantalang nasa gilid naman si Baekhyun at Yixing na parang may pinag-uusapang hindi marinig ni Chanyeol.

"Baekhyun," sabi ni Yixing sabay akbay sa leeg ni Baekhyun nang mahigpit na halos masakal na si Baekhyun.

"Ano ha, ano, may nangyari ba kahapon sa inyo ni Chanyeol nung wala kami?" tanong ni Yixing nang nakangiti nang malapad habang iniipit si Baekhyun sa kilikili niya.

"Yixing-hahaha-hyung! Ano ba, wag--ah! Aray! Wag mo nga akong, ugh, ipitin!" sabi ni Baekhyun habang pilit na inaalis ang sarili niya sa yakap ni Yixing.

"Gumamit ba kayo ng protection?" bulong ni Yixing sa tenga ng pulang pula nang si Baekhyun. "Alam mo na, nung nagyado--"

Nanlaki ang mata ni Baekhyun nang marinig niya yung huling sinabi ni Yixing. Siniko niya sa tiyan si Yixing habang nakaakbay pa rin ito sa balikat niya.

"Baka marinig ka ni Sehun, kung anu-anong kalaswaan yang lumalabas sa bibig mo!"

"Binibiro lang naman kita, ikaw naman nagagalit ka agad," sabi ni Yixing habang pinapat ang buhok ni Baekhyun.

"Hoy!" galit na sigaw ni Sehun kay Yixing. "Bitawan mo nga si Baekhyun!"

"Hoy ka rin, Sehun! Gumamit ka nga ng honorifics!"

"HOY!" sigaw ni Chanyeol mula sa taas. "Wag nga kayong magsigawan! Ang iingay niyo, tulog pa ang kapitbahay!"

Napatingin ang tatlo sa taas at natahimik na lang si Yixing at Sehun nung nakita nilang nagdidilim nanaman ang aura ni Chanyeol. Ngumiti si Baekhyun kay Chanyeol sabay bati ng masiglang 'good morning!' kaya ngumiti rin pabalik si Chanyeol sabay sagot ng medyo nahihiyang 'good morning rin.'

Natawa na lang si Yixing habang sinusundot ang tagiliran ni Sehun.

"Tingnan mo nga yang hyung mo. Good mood agad pag dating kay Baekhyun," bulong ni Yixing kay Sehun.

"Nagseselos ako, wag mo akong kausapin," sabi ni Sehun na ngayon ay ngumunguya na ng chocolate na nakuha niya sa bag ni Yixing habang nakasimangot.

*

Nasa living room si Sehun at Baekhyun habang naglalaro ng video games, samantalang nasa kusina si Yixing at Chanyeol. Nagluluto si Yixing habang nakaupo naman sa may table si Chanyeol.

"May problema ka ba, Chanyeol?" tanong ni Yixing sa kaibigan. "Parang ang lalim ng iniisip mo ah."

Pagkatapos hugasan ni Yixing ang gulay, chinop naman niya ito gamit ang kutsilyo habang naghihintay ng sagot ni Chanyeol.

"Yixing."

"Oh bakit?" sabi ni Yixing nang nakatalikod pa rin kay Chanyeol. Hinihiwa naman niya yung repolyo.

"Sa tingin ko, mahal ko na si Baekhyun."

Napatigil nang paghihiwa si Yixing sa repolyo nang marinig niya ang sinabi ni Chanyeol, walang expression ang mukha niya. Hindi siya nagulat dahil alam na naman niya yun.

Pero hindi rin siya masaya.

Itinuloy na ni Yixing ang paghihiwa niya ng gulay tapos nilagay niya ito sa niluluto niya.

"Bakit sakin mo sinasabi yan," sabi ni Yixing habang hinahalo ang soup na niluluto niya. "Kay Baekhyun mo sabihin. Alam mo naman yun, may pagka insensitive."

Nakatingin lang si Chanyeol kay Yixing na nakatalikod pa rin sa kanya habang nagluluto.

"Tingnan mo nga oh, kung hindi pa sinabi ni Sehun na gusto niya si Baekhyun, hindi pa malalaman ni Baekhyun."

"Ano bang gagawin ko?" tanong ni Chanyeol nang nakapangalumbaba sa lamesa.

"Edi magconfess ka," sabi ni Yixing at tumawa siya. "Wag mo sabihing hindi mo kaya? Nadaig ka pa ni Sehun."

Umirap si Chanyeol. "Tss, kaya ko. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon."

"Kelan pa yung tamang pagkakataon na sinasabi mo?" tanong ni Yixing. "Alam mo na namang gusto ka ni Baekhyun diba, bakit hindi mo pa sabihin sa kanya?"

Natahimik lang si Chanyeol habang nilalaro ang pasta sa plato niya.

"Wag mong sabihing dahil nanaman kay Sehun?" sabi ni Yixing na ngayon ay nakaharap na kay Chanyeol.

"Alam mong okay na kay Sehun yun. Kahit ganyan siya, hindi naman siya magagalit kapag naging kayo ni Baekhyun kung sakali."

Bumuntong hininga si Chanyeol. "Oo nga, tama ka."

Ngumiti si Yixing. "Wow, ngayon ka na lang ulit yata nakinig sakin ah?"

"Syempre magkaibigan tayo," sabi ni Chanyeol nang nakangiti rin. "Salamat sa advice, Yixing. Bukas na bukas rin aamin na ako. Sasabihin ko na kay Baekhyun na mahal ko siya."

Natawa si Yixing sabay tapik nang malakas sa balikat ni Chanyeol.

"Yan, ganyan nga, Chanyeol!" sigaw ni Yixing nang nakangiti tapos lumapit siya sa tenga ni Chanyeol.

"Baka kasi pag hindi ka pa kumilos," bulong ni Yixing. "Maagaw pa siya ng iba sayo."

Pagkasabi ni Yixing nun, iniwan na niya si Chanyeol sa kusina at pumunta na siya sa living room para tawagin si Sehun at Baekhyun.

Nakatingin lang si Chanyeol kay Yixing at inisip nang mabuti kung meron bang ibang ibig sabihin yung sinabi niya.

*

Lumabas ng kwarto niya si Chanyeol at huminga siya nang malalim. Sasabihin ko na, madali lang naman to eh. Tatawagin ko lang siya as usual tapos yun na. Ganun lang kasimple.

Sumilip si Chanyeol sa kwarto ni Sehun at nakita niya sa ibabaw ng kama, yung kumot, may nakaumbok sa loob, gumagalaw pa na parang may ginagawang kababalaghan yung nasa loob habang tumatawa kasabay ng pag-uga ng kama.

Shit, anong pinag-gagagawa niyong dalawa!?

"HOY!!!" sigaw ni Chanyeol sabay kalampag sa pinto ng kwarto ni Sehun. "Ano yang ginagawa niyo!?"

Bumukas ang kumot at unang nagpakita si Sehun, nakatingin siya sa hyung niya habang nakasilip naman si Baekhyun sa ilalim ni Sehun.

"Baekhyun! Sehun! Ano yang ginagawa niyo!?" tanong ni Chanyeol na mukhang nagulat at naiinis.

Sabay na tumawa si Baekhyun at Sehun habang nakatingin lang nang nagdududa si Chanyeol sa kanila. Ni hindi man lang sila nag-abalang sagutin ang tanong ni Chanyeol.

"Mamaya ulit," sabi ni Baekhyun kay Sehun nang nakangiti. "Mukhang may iuutos sakin si Chanyeol."

"Okay fine," sabi ni Sehun sabay irap. "Bilisan mo lang ha. Itutuloy pa natin yung ginagawa natin."

Lumabas si Baekhyun sa kwarto ni Sehun at hinarap niya si Chanyeol na nakataas lang ang kilay sa kanya.

"Anong ginagawa niyo ni Sehun?"

"Wala," sagot ni Baekhyun nang nakangiti. "Nagcucuddle lang kami."

"Cuddle? Tss," sabi ni Chanyeol nang naiinis. "Bakit sa ilalim pa ng kumot?"

"Mas feel pag madilim," sabi ni Baekhyun habang ginagalaw ang kilay niya kaya napailing na lang si Chanyeol na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya.

Hah, cuddle? Ano ba sila, mag-asawa?!

"Kung alam ko lang, baka nagkikiss na kayo sa ilalim ng kumot," sabi ni Chanyeol habang umiirap. Namula lang si Baekhyun.

"H-hindi no!" sigaw ni Baekhyun. "Isang beses lang kami nagkiss nung--"

Napatakip bigla ng bibig si Baekhyun nang narealize niya yung sinabi niya. Gulat na gulat na nakatingin lang si Chanyeol sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Ano?"

Nagkiss na pala sila. Ha, grabe, ano ba to, niloloko ba nila akong dalawa!?

"S-sorry, hindi ko pala dapat sinabi yun!" sabi ni Baekhyun na pulang pula na ang mukha. "Kalimutan mo na lang yun, Chanyeol!"

Napapikit na lang si Chanyeol habang pinapaklma ang sarili niya. Huminga siya nang malalim tapos dumilat ulit siya at tumingin kay Baekhyun.

"Fine," sabi ni Chanyeol. "Sabihin mo nga ang totoo. May relasyon ba kayo ng kapatid ko, ha Baekhyun?"

Umiling nang mabilis si Baekhyun. "Wala, Chanyeol. Hindi ganun yun.  Promise. Nagsasabi ako ng totoo."

Nakita naman ni Chanyeol sa mata ni Baekhyun na mukhang hindi ito nagsisinungaling kaya hinayaan na lang niya yung issue, kahit na medyo inis pa rin siya kay Baekhyun. Pakiramdam kasi ni Chanyeol niloko siya.

Sinabi mong ako ang gusto mo tapos malalaman ko na lang na nagkiss na pala kayo ni Sehun.

"Chanyeol, galit ka ba?" tanong ni Baekhyun sabay hawak sa braso ni Chanyeol.

"Galit ka ba dahil nalaman mong... uhm, ano, n-nagkiss kami ni Sehun? H-hindi ko naman kasi, ibig ko sabihin, siya yung humalik sakin tapos, ano, s-sandali lang naman yun, tapos uhm, wala na, h-hindi ko naman--"

"Bakit ka nagpapaliwanag?" tanong ni Chanyeol sabay tanggal ng kamay ni Baekhyun sa braso niya. "Sa tingin mo ba, may pakealam ako?"

Natigilan si Baekhyun sa sinabi ni Chanyeol, na para bang may biglang tumusok sa puso niya.

"Wala akong pakealam kahit ano pang gawin mo."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro