CHAPTER 23
*
23
"Gusto mo bang manood ng sine kasama ko?"
Nakahinga nang maluwag si Chanyeol nang marinig niya ang sinabi ni Baekhyun, pero hindi niya yun pinahalata. Tiningnan lang niya si Baekhyun, walang emosyon ang mukha niya.
"Yun ba yung binigay ko sayo?" tanong ni Chanyeol kahit alam naman niya ang sagot.
"O-oo," sagot ni Baekhyun. "Wala kasi akong ibang mayaya kaya naisip kong ikaw nalang. Pero okay lang! Okay lang kung hindi, alam kong sobrang busy mo at marami kang ginagawa kaya--"
"Pupunta ako," sabi ni Chanyeol agad agad. "Sasamahan kita."
"Talaga!?" sabi ni Baekhyun habang nakangiti nang abot tenga. "Sigurado ka ba?"
"Teka, titingnan ko lang yung schedule ko."
Tumango si Baekhyun, nag-eexpect na sana pwede si Chanyeol. Kinuha naman ni Chanyeol ang phone sa bulsa niya at kunwaring tumingin sa schedule niya pero wala naman talagang nakalagay sa phone niya.
"Hmm. Okay, sige pwede ako," sabi ni Chanyeol habang binubulsa ang phone. "Nagkataon talaga siguro na wala akong gagawin ngayon."
"Salamat, Chanyeol!" sabi ni Baekhyun, kumikinang pa ang mata niya. "Thank you!"
"Sayang kasi yung ticket," sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang tingin. "Alam mo na, pag di nagamit."
Nagpout na lang si Baekhyun. "Oo nga. Psh. Sayang talaga."
Tumingin si Chanyeol sa relo niya. "Aalis tayo ng 6pm. Magbihis ka na."
Tumango si Baekhyun nang mabilis sabay takbo. "Okay!"
Natawa na lang si Chanyeol nang makita niyang nagmadaling umakyat ng second floor si Baekhyun para magbihis.
"Hello, Kyungsoo?" sabi ni Chanyeol nang matawagan niya si Kyungsoo.
"Iclear mo na lahat ng schedule ko mula 6pm onwards," tumingin si Chanyeol sa taas at hininaan ang boses niya, "...may gagawin akong mahalaga."
[Sinabi mo nang pupunta ka ah?! Bakit, natuloy na ba ang date niyo ni Baekh--]
At binabaan na siya ni Chanyeol ng telepono.
*
Itinigil ni Chanyeol ang kotse nang makarating sila sa parking lot ng mall. Nasa tabi niya si Baekhyun sa driver's seat na ngayon at nahihirapan sa pagtanggal ng seatbelt niya.
"Ano ba yan, ayaw matanggal, ugh," sabi ni Baekhyun habang kinakalas ang seatbelt. "Hindi mo pa ba to napapagawa? Tss, ayaw maalis! Ano ba!"
"Bakit ka ba sumisigaw?!" sigaw ni Chanyeol sabay irap. "Para seatbelt lang sisigaw ka na. Ano ba yan, akin na nga!"
Lumapit naman si Chanyeol kay Baekhyun, kinuha niya ang lock ng seatbelt at dahan dahang inalis. Napatingin na lang si Baekhyun sa kaliwa habang pinipigil ang hininga niya dahil sobrang lapit ni Chanyeol ngayon, na naaamoy ni Baekhyun ang pabango ni Chanyeol, yung aftershave na ginamit ni Chanyeol, pati na rin ang buhok nito na amoy wax. Grabe. Ang bango niya talaga.
Tiningnan ni Baekhyun ang mukha ni Chanyeol sa tabi niya. May ibig sabihin kaya yung pag-alis namin? Date kaya to?
Sumilip si Chanyeol sa mukha ni Baekhyun at nakita niyang nakatitig ito sa kanya kaya nakipagtitigan rin si Chanyeol nang ilang segundo. Naunang umiwas ng tingin si Baekhyun.
"Ayan, naalis na," sabi ni Chanyeol tapos humiwalay na siya kay Baekhyun. "At kung ano man yung iniisip mo, hindi to date. Naaawa kasi ako sayo kaya sinamahan na lang kita."
"W-wala naman akong iniisip na kung ano," palusot ni Baekhyun. "Alam ko naman yun..."
"Mabuti naman at alam mo," sabi ni Chanyeol habang binubuksan ang pinto. Bumaba siya at pumunta sa kabila para pagbuksan ng pinto si Baekhyun.
Nang makababa si Baekhyun ng kotse, sabay na silang naglakad papasok sa mall. Sumakay sila sa escalator papunta sa cinemas sa second floor.
"Chanyeol!" sigaw ni Baekhyun habang nakaturo sa kung saan kaya nagulat si Chanyeol.
Pero mas nagulat si Chanyeol sa kamay ni Baekhyun sa nakakapit sa thumb niya na parang baby.
"Chanyeol! Tingnan mo yun!" sigaw ni Baekhyun nang nakakapit pa rin sa kamay ni Chanyeol.
Hinila ni Baekhyun si Chanyeol sa tapat ng isang boutique na may nakadisplay na sampung manikin. Walang nagawa si Chanyeol kundi sumunod na lang habang umiirap.
"Yan! Tingnan mo yung suot ng mga manikin! Sigurado akong yan yung suot ng EXO nung nagperform sila sa Inkigayo!" excited na sigaw ni Baekhyun habang nakaturo sa mga manikin.
Walang naiintindihan si Chanyeol sa pinagsasasabi ni Baekhyun. Tumingin na lang siya sa tinuturo ni Baekhyun at nakita niyang yung damit ng sampung manikin, may nakasulat sa shirt nila na letters C, A, L, L, M, E, B, A, B, at Y.
"Call me baby?" tanong ni Chanyeol nang bored. "Ano naman yan?"
"Yan yung title ng bagong album ng EXO," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Ang ganda diba?"
"Tss, walang kwenta. Ano bang klaseng title yan? Sino bang matinong tao ang makikinig sa ganyang klase ng--hoy! Ano ba!"
Hindi na naituloy ni Chanyeol ang sasabihin niya nang hilain nanaman siya ni Baekhyun papasok sa boutique, sa tapat ng mga manikin.
"Gusto kong suotin yan!" sabi ni Baekhyun sa lumapit na sales lady habang nakaturo siya sa shirt na black na may letter C sa gitna. "Bibilhin ko yun, miss."
"Okay po," sabi ng sales lady nang nakangiti tapos tumingin siya kay Chanyeol. "Kayo po ba, Sir?"
"Hindi ako bibili ng kahit ano," sabi ni Chanyeol nang nakasimangot. "Siya lang ang bibili."
"Yah," sabi ni Baekhyun. "Ano ka ba, hindi tayo papapasukin sa sinehan pag di ka bumili. Bumili ka na!"
"At sino naman ang may sabi?"
"Sabi ng EXO nung presscon nila!"
"Puro ka EXO! EXO! Ugh!" sigaw ni Chanyeol. "Nakakairita na! Bukambibig mo na yang EXO na yan!"
Natawa ang sales lady sa gilid habang pinapanood ang dalawa na parang kinikilig. "Magboyfriend po ba kayo?"
"HINDI!" sabay na sigaw ni Chanyeol at Baekhyun kaya nagulat ang babae habang tumatawa pa rin nang mahina.
"Ano, bibili po ba kayo? Marami pa po kaming costumer. Kung magsisigawan lang po kayo dito sa loob, pwede na kayong umalis."
Sumimangot na lang si Baekhyun habang nagpapaawa kay Chanyeol kaya napahampas na lang si Chanyeol sa noo niya.
"Fine," sabi ni Chanyeol sabay irap. "Bibili na ako."
Ngumiti nang malapad si Baekhyun. "Anong letter yung gusto mo?"
Umiwas ng tingin si Chanyeol at tumingin na lang sa pinto ng shop.
"Yung letter B."
*
Pakiramdam ni Chanyeol nabingi na siya. Wala siyang narinig sa loob ng sinehan kundi tilian at sigawan ng mga fans, kasama na ang tili ni Baekhyun na nakakabasag eardrums.
"Ang ganda ng movie!" sigaw ni Baekhyun na paos na ang boses kaya pinigilan na lang ni Chanyeol ang tawa niya. Boses matanda.
"Wala akong naintindihan," sabi ni Chanyeol habang sinusundot ang tenga niya. "Puro sigawan lang ang napala ko sa loob."
Kinuha ni Baekhyun ang inabot sa kanya ng staff na headband na may bear ears. Sinuot niya ito tapos binigay niya kay Chanyeol yung isa.
"Isuot mo," sabi ni Baekhyun habang inaabot ang headband kay Chanyeol. "Yan yung freebie."
Sawa nang magreklamo si Chanyeol kaya sinuot na lang niya nang tahimik yung headband sa ulo niya. Pinapanood lang siya ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad.
"Oh bat ka nakatingin nang ganyan?"
"Napansin ko lang kasi na parang medyo kamukha mo yung bida."
"Hindi ko kamukha. Wala akong kamukha. Ako lang nag-iisang may ganito kagwapong mukha sa buong mundo."
Natawa nang malakas si Baekhyun habang nakangiti pa rin. Hinampas niya sa tabi niya si Chanyeol habang sabay silang naglalakad, nakasuot ng couple shirt, at may headband na may bear ears sa ulo.
"Nauuhaw ako," sabi ni Chanyeol sabay dukot ng wallet niya sa bulsa. Kumuha siya ng bills at inabot ito kay Baekhyun.
"Bumili ka ng soda dun," utos ni Chanyeol habang nakaturo sa stall sa tapat nila. "Hihintayin kita dito."
"Okay!" sabi ni Baekhyun at pumunta na siya sa stall para bumili ng drink. Umupo naman si Chanyeol sa bench habang naghihintay, nakatingin siya kay Baekhyun mula sa malayo. Ngumiti si Chanyeol.
"Oppa!" biglang sigaw ng isang batang babae sa tabi ni Chanyeol.
Nagulat si Chanyeol kaya napatingin siya sa gilid niya at nakakita naman siya ng cute na batang babae na siguro sa tingin niya ay eight years old. Nakasuot ito ng pink na dress na may ribbon sa likod.
"Oppa!" sigaw ulit ng batang babae kaya napairap si Chanyeol. Nakakairita.
"Ano?!" sigaw ni Chanyeol kaya nagpout ang bata sa harap niya.
"Kasama mo ba yung cute na oppa dun?" tanong ng babae sabay turo kay Baekhyun na bumibili ng soda.
"Eh ano naman ngayon kung kasama ko?"
"Kasama mo siya pero wala ka man lang binibigay sa kanya sa date niyo!" sigaw ng bata kaya natigilan na lang si Chanyeol.
"Wala kang kwentang boyfriend, oppa!" sabi ng bata kay Chanyeol.
Natawa si Chanyeol dahil sa kakyutan ng bata, kaya lumapit siya dito at bumulong.
"So ano bang dapat kong gawin, ha?"
"Bilhin mo tong chocolate, tapos ibigay mo sa kanya," sabi ng batang babae sabay wink. "100 lang."
"Tss, gusto mo lang palang makabenta. Ayos ka rin ano," sabi ni Chanyeol nang nakangiti. Lumapit pa siya sa tenga ng bata para bumulong. "Pag binili ko ba yan, matutuwa siya?"
"Oo naman!" sigaw ng bata. "Bilhin mo na, oppa. Siguradong sigurado akong matutuwa siya at papakasalan ka na niya pagkatapos!"
Natawa ulit si Chanyeol habang kinukuha ang wallet niya. "Fine, bibili ako. Pero ikaw ang magbibigay sa kanya dun."
"Okay!"
Kinuha ng batang babae ang bayad ni Chanyeol tapos tumakbo siya papunta kay Baekhyun at hinila niya ang laylayan ng damit nito. Napatingin si Baekhyun sa bata at ngumiti siya nang iabot sa kanya yung box ng chocolate.
Nakita ni Chanyeol na yumuko si Baekhyun para makabulong sa tenga niya yung batang babae habang nakaturo ito kay Chanyeol. Ngumiti si Baekhyun kay Chanyeol kaya naman umiwas na lang si Chanyeol ng tingin.
"Thank you sa chocolate," sabi ni Baekhyun nang iabot niya yung drink kay Chanyeol. "Ang sweet."
"Para sabihin ko sayo, hindi ko--"
"Oo na, alam ko na," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Hindi mo talaga sinasadyang bumili. Pinilit ka lang."
Natigilan na lang si Chanyeol dahil wala na siyang masabi at ibang maipalusot. Isa pa, ayaw rin niyang sirain yung magandang ngiti ni Baekhyun ngayon. Dahil ayaw man niyang aminin sa sarili niya, sobrang ganda talaga ng ngiti ni Baekhyun, na kapag nakita mo, mapapangiti ka na lang nang kusa.
"Nakangiti ka," sabi ni Baekhyun nang makabas na sila ng mall. Madilim na sa labas pero kitang kita niya ang ngiti ni Chanyeol.
"Bakit," bulong ni Chanyeol pero rinig pa rin siya ni Baekhyun. "Masama bang ngumiti nang dahil sayo."
Napayuko na lang si Baekhyun habang pinipigilan ang sarili na wag mamula. Nakailang pamumula na siya ngayong araw at pakiramdam niya lahat na yata ng dugo niya napunta na sa mukha niya.
Kaya tumahimik na lang siya nang nakarating sila sa parking lot.
"Shit," sabi ni Chanyeol nang nakita niya yung gulong ng kotse niya. "Bakit ganito na yung gulong ng kotse ko!"
Tiningnan naman ni Baekhyun ang gulong ng kotse at napansin niyang butas ito na parang sinadya talagang butasin ng kung sino. Nakatingin lang siya kay Chanyeol nang sipain nito yung gulong ng kotse dahil sa inis, pero napalakas yung sipa niya kaya napaatras siya sabay hawak sa paang masakit.
"Ugh, shit!" sigaw ni Chanyeol habang hawak ang paa.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sayo. Pero ang cute mong tingnan, Chanyeol. Hahaha.
"Okay ka lang ba, Chanyeol?" tanong ni Baehyun na kunwari ay concerned.
"Mukha ba akong okay? Aish," sabi ni Chanyeol sabay irap. "Papano tayo uuwi nito kung butas ang gulong ng kotse ko?"
"Ipahatid mo yung kotse sa vulcanizing shop, tapos magbus na lang tayo pauwi."
"Seryoso ka?" tanong ni Chanyeol na parang di makapaniwala. "Ako? Pasasakayin mo ng bus?"
Mayamaya lang, nakasakay na si Chanyeol at Baekhyun sa pinakadulo ng bus. Nakacross arms si Chanyeol habang nakasimangot habang nasa tabi naman niya si Baekhyun na nahuhulog na ang ulo sa sobrang antok.
Tumingin si Chanyeol sa tabi niya at nakita niyang dumudulas na yung ulo ni Baekhyun sa glass ng bintana dahil nakatulog na siya.
Bumuntong hininga na lang si Chanyeol. Dahan dahan niyang pinatong ang ulo ni Baekhyun sa ibabaw ng balikat niya at naramdaman naman niyang sumandal si Baekhyun sa braso niya.
Tumingin si Chanyeol sa paligid ng bus at wala namang taong nakatingin sa kanila kaya sinilip niya ang mukha ni Baekhyun sa balikat niya.
Tulog ka na ba?
Nakita niyang nakapatong sa lap niya yung kamay ni Baekhyun, nakabukas nang konti yung palad nito at nakaharap sa kanya.
Umiwas si Chanyeol ng tingin habang pinapatong niya yung kamay niya sa mukhang pambabaeng kamay ni Baekhyun. Inintertwine niya yung mga daliri nila habang iniisip na ang swerte pala talaga ni Sehun dahil palagi niyang nahahawakan nang ganito ang malambot na kamay ni Baekhyun.
Samantalang ako, ngayon lang. Tapos palihim pa. Napangiti na lang si Chanyeol sa sarili niya.
"Kung gising ka man, Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang nakatingin sa bintana, sa mga dumadaang sasakyan sa labas.
"Wag mo sanang bibitiwan yung kamay ko..."
Hindi sumagot si Baekhyun.
Dahil napangiti na lang siya habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak sa ibabaw ng lap ni Chanyeol.
Hindi ko bibitiwan, Chanyeol...
Pumikit na ulit si Baekhyun habang nakasandal siya sa balikat ni Chanyeol.
Basta hahawakan mo lang ang kamay ko.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro