CHAPTER 22
*
22
"Ano Baekhyun," sabi ni Yixing nang nakatingin nang makahulugan kay Baekhyun. "Kayo na ba ni Chanyeol?"
Namula si Baekhyun sabay iling nang mabilis. "H-hindi! Bakit mo naman nasabi yan, ha?"
"Well, nakita ko lang naman kayo ni Chanyeol kagabi sa party. Magkasama kayong bumaba at parang iba ang aura niyo," sabi ni Yixing sabay tingin sa taas ng kisame. "Parang nagliliwanag."
Tumawa lang si Baekhyun habang hinahampas ang braso ni Yixing.
"Yixing-hyung, walang meron samin ni Chanyeol," sabi ni Baekhyun. "Imposibleng mangyari ang sinasabi mo."
"Sus, pero gusto mo naman!" sigaw ni Yixing habang sinusundot niya ang tagiliran ni Baekhyun. "Gusto mo naman, malandi ka! Malandi kang Baekhyun ka!"
"Aray! Aray! Aww- ano ba-- hoy! HAHAHAHA!"
Hinawakan ni Yixing ang batok ni Baekhyun at pinisil ito kaya naman napatili nang matinis si Baekhyun na akala mo naman babae. Sensitive kasi talaga ang lahat ng balat sa leeg niya.
"Ehem."
Napatigil si Yixing at Baekhyun sa paglalaro nila nang dumating si Sehun, nakasimangot at nakataas ang kilay.
"Ano to? Ha? Ano to?" tanong ni Sehun sabay hila kay Baekhyun palayo kay Yixing. "Anong ginagawa niyo?"
Tumawa lang si Yixing sabay taas ng kamay na parang sumusuko. "Wala akong ginagawa no. Sayong sayo na ang babysitter mo, aalis na ako. Eto na nga eh, oh."
Humarap si Baekhyun kay Sehun nang nakangiti at niyakap niya ito sa waist tapos tumunghay siya dito sabay wink.
"Good morning, baby."
Umirap lang si Sehun pero umakbay naman siya kay Baekhyun, nakahawak ang kamay niya sa buhok ni Baekhyun.
"Ano bang good sa morning, tss."
"Yah," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Yan ka nanaman sa pagsusungit mo."
"Umagang umaga kasi pinagpapalit mo ako kay Yixing-hyung," sabi ni Sehun nang nakasimangot. "Nagseselos ako."
Tumawa si Baekhyun at pinisil niya ang ilong ni Sehun.
"Aigoo, aigoo! Mas gusto naman kita kesa kay Yixing-hyung, Sehun," sabi ni Baekhyun kaya biglang nagliwanag ang mukha ni Sehun. Umirap lang si Yixing na nakikinig sa may table.
"Kung papipiliin ako kung sino ang ililigtas ko kapag dalawa kayong mahuhulog sa bangin, ikaw ang pipiliin ko."
"Talaga?" sabi ni Sehun habang nakangiti nang malapad. Napangiti na lang rin si Yixing habang umiiling.
"Oo naman! Ikaw pa!"
"Eh pano kapag si Chanyeol-hyung at ako ang mahuhulog, sino ang ililigtas mo?" tanong ni Sehun sa babysitter niya.
Nag-isip sandali si Baekhyun. "Hmm, sa tingin ko--"
"Syempre wala," sabi ni Yixing. "Dahil itutulak ko si Baekhyun kasama niyo para tatlo na kayong mahuhulog sa bangin!"
Tiningnan lang nang masama ni Sehun at Baekhyun si Yixing na parang tinubuan siya ng pangalawang ulo.
"Baekhyun," tawag ni Chanyeol na ngayon ay paakyat na sa hagdan.
Nakita niyang magkayakap (nanaman) si Sehun at Baekhyun na akala mo naman magboyfriend sila, kaya umiwas na lang si Chanyeol ng tingin.
"Bakit?" tanong ni Baekhyun.
"Sumunod ka sa office."
Pagkatapos sabihin ni Chanyeol yun ay umakyat na siya papuntang second floor. Humiwalay na si Baekhyun sa yakap niya kay Sehun habang nakatingin lang si Sehun sa babysitter niya, na naglalakad at umaakyat kasunod ni Chanyeol na parang excited na kinikilig.
Psh. Magkasama nanaman sila.
"Sehunnie," sabi ni Yixing sabay tapik sa balikat ni Sehun. "Stay strong, nandito lang ako para sayo. Ichicheer kita."
"Tss," sabi ni Sehun sabay irap. "Thank you sa moral support. Nabuhayan ako ng loob."
*
Pinatong ni Chanyeol sa ibabaw ng desk niya ang envelope na may lamang sweldo ni Baekhyun. Nakatayo lang sa gilid si Baekhyun habang nakatitig sa kamay ni Chanyeol. Dun sa nakasuot sa wrist ni Chanyeol.
Hihi. Suot niya yung bigay ko, nakakatuwa naman. Napangiti si Baekhyun sa sarili niya habang nilalaro ang kamay niya sa likod niya.
"Ito yung sweldo mo ngayong buwan," sabi ni Chanyeol habang nakaupo sa swivel chair niya.
Lumapit naman si Baekhyun para kunin yung envelope nang may napansin siyang parang papel na nakalagay sa ilalim ng envolepe. Teka, ano to?
Umiwas si Chanyeol ng tingin na parang walang pake nang nakita niyang tinitingnan ni Baekhyun yung nilagay niya sa ilalilim ng sobre. Naghalungkat siya sa loob ng cabinet para kunwari may ginagawa siya.
"Chanyeol, ano to?" tanong ni Baekhyun habang tinitingnan ang papel sa kamay niya. "Para sakin ba to?"
"Alin? Ah yan ba," sabi ni Chanyeol na parang walang interes sa sinasabi ni Baekhyun. "Hindi ka pa ba nakakakita ng ganyan?"
"N-nakakita na," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Bakit mo ako binibigyan ng movie ticket?"
Kasi gusto sana kitang yayaing manuod ng sine.
Bumuntong hininga na lang si Chanyeol nang bigla siyang kinabahan, nakalimutan na niya yung mga pinractice niyang sasabihin kay Baekhyun nang makita niyang nakititig si Baekhyun sa kanya ngayon habang hinihintay ang sagot niya.
Namental block siya bigla.
"Wala lang. Hindi galing sakin yan. Binigay lang. Sobra daw kasi yung ticket, eh wala naman akong mapagbigyan kaya ayan, sayo na lang," sabi ni Chanyeol na mukhang bored na bored.
"Yayain mo si Jongdae o si Sehun. Bahala ka na."
Napangiti nang malapad si Baekhyun habang nakatingin sa dalawang ticket niya ng EXO Next Door. Gustong gusto niya talagang mapanood sa big screen yun kaso lang wala siyang pera.
"Salamat!" sigaw ni Baekhyun sabay talon. "Alam mo bang gustong gusto ko talaga mapanood ang EXO sa sinehan? Salamat Chanyeol!"
Oo, narinig kong sinabi mo yun kay Yixing kaya binili ko yan para sayo.
"Hindi ko alam. Ang swerte mo, Baekhyun. Nagkataong yan yung ticket."
"Oo nga! Thank you ulit dito!" sigaw ni Baekhyun habang nakatingin pa rin sa ticket at iniisip kung sino kaya ang isasama niya.
"Sige, pwede ka nang bumaba," sabi ni Chanyeol sabay bukas ng laptop niya para ipakita kay Baekhyun na babalik na ulit siya sa trabaho niya.
Kaya umalis na si Baekhyun nang masaya at lumabas sa office ni Chanyeol, humahakbang-hakbang pa na parang bata.
Nang makalabas si Baekhyun, sinara na ni Chanyeol yung laptop niya at napahawak na lang sa noo niya. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Kyungsoo.
"Wag mo na palang i-cancel. Aattend ako ng meeting."
[Bakit naman!? Hindi na ba matutuloy yung date niy--]
At binabaan na siya ni Chanyeol ng telepono.
*
[Sorry Baekhyun, sorry talaga! May meeting kasi ako ngayon eh. Next time promise, sasamahan talaga kita!]
Sumimangot na lang si Baekhyun habang nakapout. "Okay lang, Jongdae. Sige next time na lang."
Bumuntong hininga si Baekhyun sabay dapa sa couch. Hindi naman masaya kung ako lang ang manonood. Hay, sino kayang isasama ko? Si Sehun kaya?
Nakita ni Baekhyun si Sehun na nagmamadaling bumaba ng hagdan. Bumangon si Baekhyun at tinawag ang alaga niya.
"Sehun, saan ka pupunta?" tanong ni Baekhyun kay Sehun na ngayon ay may suot na malaking bag sa likod niya.
"Magha-hiking kami ni Jongin at ng iba ko pang kaibigan!" sabi ni Sehun na mukhang excited na excited. Sumimangot si Baekhyun.
"Yah, bakit hindi ka man lang nagpapaalam sakin?"
"Nakalimutan kong sabihin eh, sorry na," sabi ni Sehun na ngayon ay nakaupo na sa tapat ni Baekhyun. "Galit ka ba?"
Umiling si Baekhyun. "Nalulungkot lang ako kasi aalis ka. Sino nang kasama ko dito!?"
Napangiti si Sehun. "Isang araw lang naman yun! Wag ka nang malungkot, okay? Babalik agad ako! Dadalhan kita ng pasalubong galing sa bundok pag balik ko."
Pinat ni Sehun ang buhok ni Baekhyun bago siya tumayo. Narinig niyang bumusina na ang sasakyan sa labas kaya binuhat na niya ang bag niya.
"Wag mo akong masyadong mamimiss ha?" sabi ni Sehun at napangiti naman si Baekhyun.
Lumapit si Sehun sa babysitter niya tapos hinalikan niya ito sa cheeks sabay takbo palabas na parang bata. Napangiti na lang si Baekhyun.
"Bye! Baekhyun!" sigaw ni Sehun. "Mamimiss kita!"
"Bye! Ingat ka!"
Nang makaalis si Sehun, bumalik ulit si Baekhyun sa pagkakadapa niya sa couch habang nakatingin sa dalawang ticket ng EXO Next Door. Sino naman kayang yayayain ko ngayon?
"Baekhyun!" tawag ni Yixing mula sa kusina kaya bumangon agad si Baekhyun para puntahan si Yixing doon.
"Bakit, Yixing-hyung?"
"Pwede bang tulungan mo ako. Buhatin mo yung box jan tapos dalhin natin sa kotse."
Sumunod naman si Baekhyun sa pinapagawa sa kanya. Nang nakarating sila sa garahe at nailagay na nila ang box sa kotse, napansin ni Baekhyun na nakabihis pala si Yixing.
"Yixing-hyung, saan ka pupunta?"
"Sa Changsha," sabi ni Yixing habang inaayos ang box sa compartment. "Dadalhin ko lang tong package sa parents ko. Pero babalik rin ako bukas ng hapon."
"Teka, uuwi ka sa China ngayon!?" tanong ni Baekhyun nang pagulat.
"Oo eh, kailangan kasi," sabi ni Yixing. "Oh, bat parang malungkot ka? Sandali lang naman ako dun eh."
"Yixing-hyung, wag mo akong iwan dito!" sabi ni Baekhyun na parang iiyak na. "Umalis si Sehun tapos aalis ka, sino nang kasama ko ngayon!?"
Napangiti nang masama si Yixing. "Tinatanong pa ba yan? Edi si Chanyeol."
"Hyung! Ayokong maiwan dito kasama si Chanyeol!"
"Sus! Ayaw mo nun," sabi ni Yixing at lumapit siya sa tenga ni Baekhyun para bumulong. "Solong solo niyo ang bahay."
Namula si Baekhyun sabay tulak nang sobrang lakas kay Yixing kaya nasubsob ito sa kotse. Tumawa lang si Yixing habang hawak ang tiyan niya.
"Ano bang sinasabi mo jan!" sigaw ni Baekhyun. "Wag ka ngang mag-isip ng kung ano!"
"Aigoo, Baekhyun, aigoo," sabi ni Yixing habang umiiling at inaayos ang damit niya. "Wag kang mag-alala. Wala namang gagawing masama si Chanyeol sayo. Ano bang pinoproblema mo?"
"W-wala lang," sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Hindi kasi ako kumportable pag kami lang dalawa..."
"Tss, ano ba yan," sabi ni Yixing sabay irap. "Wag mo kasing isipin yun. Isipin mo na lang na kaibigan mo rin si Chanyeol. Pag ganun, hindi ka na maoawkward."
"Talaga? Ganun ba dapat yun?"
"Oo naman," sagot ni Yixing tapos sumakay na siya sa kotse. "So pano, aalis na ako. Bantayan mo ang bahay habang wala ako."
Tumango si Baekhyun. "Okay. Ingat ka, hyung. At salamat."
"Wala yun," sabi ni Yixing habang nakangiti. "Ikaw pa."
Pinaandar na ni Yixing ang kotse at kumaway naman si Baekhyun habang umaalis palayo si Yixing.
Bumalik si Baekhyun sa couch kung saan siya nakadapa kanina habang tinitingnan niya ang ticket sa kamay niya.
Ibalik ko na lang kaya to kay Chanyeol? Wala naman akong pwedeng isama. O kaya manunuod na lang ako nang mag-isa.
Napabangon si Baekhyun nang marinig niyang bumababa si Chanyeol sa hagdan. Umupo siya nang maayos sa couch at inayos ang sarili niya.
"Nasan ang mga tao dito?" tanong ni Chanyeol habang tumitingin sa buong bahay. "Si Sehun at Yixing?"
"Si Sehun naghiking kasama ni Jongin, si Yixing-hyung naman umuwi sa China," sabi ni Baekhyun. "Kaya tayo lang ang tao ngayon dito, Chanyeol."
Tumalikod si Chanyeol kay Baekhyun para itago ang reaksyon ng mukha niya na parang naiinis, naiiyak, naasar at nasisiyahan. Kami lang dito, ano ba yan.
"Ah ganun," sabi ni Chanyeol nang nakatalikod habang pinipisil niya ang lata ng soda sa kamay niya. "Okay."
Pupunta na dapat si Chanyeol pabalik sa kwarto niya nang narinig ni Chanyeol na tinawag siya ni Baekhyun. Nakatalikod pa rin siya.
"Chanyeol?" tawag sa kanya ni Baekhyun pero hindi lumingon si Chanyeol.
"Bakit?"
Katahimikan.
Hindi alam ni Chanyeol kung bakit pero kinakabahan na siya dahil hindi pa rin nagsasalita si Baekhyun. Ano bang sasabihin niya? Alam na ba niya?
"Itatanong ko lang sana kung..."
Ano? Anong itatanong niya? Narinig niya kaya yung sinabi ko sa party?
"Gusto ko lang malaman kung..."
Huminga nang malalim si Chanyeol para alisin ang kaba sa dibdib niya habang nayuyupi na yung lata sa kamay niya.
"Ano yun, Baekhyun?"
Lumingon si Chanyeol kay Baekhyun, at nakita niyang nakatitig sa kanya si Baekhyun na parang nag-eexpect ng sagot.
"...gusto mo bang manuod ng sine kasama ko?"
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro