CHAPTER 21
*
21
(A/N: Bakit ganun!? NAKAKAIYAK! HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYARI, BAKIT NAWALA YUNG CHAPTER 21! OMG ito pa naman yung Birthday ni Chanyeol! I"m sorry, ngayon ko lang nalamang nawawala pala. Pasensya na kayo! Sa mga hindi pa nakakabasa ng Chapter 21 at nakabasa na, ito ulit siya! ENJOY READING!)
Nakatingin lang si Baekhyun mula sa veranda.
Hindi niya akalain na ganito karaming tao ang aattend sa party ni Chanyeol. Sa sobrang laki ng mansion, hindi niya inexpect na buong bahay ay mapupuno ng mga bisita. Hndi lang ordinaryong bisita, kundi mga mayayaman at sosyal na bisita.
Nakita ni Baekhyun si Yixing na masayang nakikipagkwentuhan sa baba kasama si Junmyeon, Kyungsoo, Jongdae at Dara, samantalang si Sehun naman nasa may garden kausap si Jongin at ang iba pa nilang mga kaklase.
Bumuntong hininga na lang si Baekhyun. Nakakaout of place naman dito. Wala akong kilala. Isa pa, hindi ako sanay sa mga party party na ganito.
Nakita rin ni Baekhyun si Chanyeol na nag-eentertain ng mga bisita nito, na sa tingin ni Baekhyun ay mga business partners at clients ni Chanyeol.
Narealize ni Baekhyun na ang taas pala talaga ni Chanyeol. Minsan nakakalimutan kong nandun si Chanyeol sa taas kasama nila, samantalang ako, nandito lang sa baba.
Natawa si Baekhyun. Hindi talaga kami bagay, sino ba naman ako para kay Chanyeol? Babysitter lang naman ako.
"Hey yo!" sigaw ng isang boses kaya napalingon si Baekhyun sa likod niya. Nakita niyang may isang lalaking nakatayo at nakangiti ngayon sa kanya.
Napataas ng kilay si Baekhyun habang lumalapit ang lalaki sa kanya. Teka, kilala ko ba to?
"Bakit nag-iisa ka dito?" tanong ng lalaki. "Nagkakasiyahan sila sa baba tapos nandito ka lang."
Binalik ni Baekhyun ang tingin niya sa veranda at hinayaan na lang ang lalaki.
"Hindi kasi ako sanay ng maraming tao," sagot niya habang niluluwangan ang bowtie niya na kanina pa sumasakal sa leeg niya. "Kaya dito na lang ako."
Tumawa ang lalaki at tumabi kay Baekhyun, kaya naman umusod si Baekhyun sa kanan para hindi sila magdikit ng lalaki. Hindi siya kumportable na may taong hindi niya kilala ang bigla na lang kakausap sa kanya.
"Gusto mong ikuha kita ng drink?" tanong ng lalaki habang nakadikit kay Baekhyun nang sobrang lapit. Umiling lang si Baekhyun.
"Ayoko, salamat na lang," sabi ni Baekhyun habang pilit na inilalayo ang sarili niya.
Nagulat si Baekhyun nang bigla na lang hinawakan ng lalaki ang braso niya tapos tinulak siya sa pader.
"So anong gusto mo?" sabi ng lalaki habang nakangiti nang masama kay Baekhyun. Kinabahan si Baekhyun.
"Gusto mong umalis tayo dito? I'm sure mag-eenjoy ka kasama ako."
"B-bitawan mo nga ako," sabi ni Baekhyun habang iniaalis ang kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa wrist niya. "Nasasaktan ako, ano ba!"
"Bakit ba nagpapakipot ka pa! Halika na sabi eh, alam kong gusto mo rin!"
Napapikit na lang si Baekhyun nang itulak ulit siya ng lalaki sa pader. Masyadong malakas at malaki ang lalaki kaya hindi kayang makawala ni Baekhyun sa kanya. Sobrang takot na takot na si Baekhyun. Tulong, tulungan niyo ako. Please.
Hahalikan na sana ng lalaki ang leeg ni Baekhyun nang may biglang humila sa coat ng lalaki mula sa likod nito kaya hindi nito nagalaw si Baekhyun.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" sigaw ng humila sa lalaking matake may Baekhyun. "Tangina mo ah!? Umalis ka nga dito!!!"
Galit na tinanggal ng lalaking umatake kay Baekhyun ang kamay sa coat niya sabay alis habang minumura niya yung taong nagligtas kay Baekhyun. Nakahinga na nang maluwag si Baekhyun habang pinapakalma ang sarili niya.
"Okay ka lang ba, Baekhyun!? Sinaktan ka ba niya!?"
"Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun nang medyo paiyak na. "Salamat dumating ka, akala ko kung mapapano na ako."
"Bakit ba kasi nandito ka!?" sigaw ni Yixing. "Kanina ka pa namin hinahanap, nandito ka lang pala! Tingnan mo muntik ka pang mapahamak!"
Napapapikit na lang si Baekhyun dahil sa pagsigaw ni Yixing sa kanya. Ngayon lang ako sinigawan ni Yixing-hyung nang ganito. Galit talaga siya.
"S-sorry, Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Hindi ko sinasadyang pag-alalahin ka..."
Bumuntong hininga na lang si Yixing sabay suklay sa buhok niya gamit ang kamay niya.
"Okay lang. Gusto mo bang sabihin ko kay Chanyeol to? Para mapaalis na kung sino nan yung hayop na yun."
Umiling si Baekhyun. "W-wag na, hindi na kailngan. Okay na ako," sabi ni Baekhyun. "Wag mo nang sabihin kay Chanyeol. Maliit na bagay lang naman yun."
"Bahala ka nga," sabi ni Yixing na ngayon ay mukhang hindi na galit. "Tara na sa baba, magsasalita na si Chanyeol."
Tumango si Baekhyun sabay sunod kay Yixing. Humawak siya sa braso ni Yixing na parang nagtatago habang naglalakad sila papunta sa garden.
"Sorry ulit, Yixing-hyung," bulong ni Baekhyun. "Wag ka nang magalit."
"Tss, hindi ako galit, ano ba," sabi ni Yixing nang nakangiti. "Kalimutan mo na yun."
Nakarating si Baekhyun at Yixing sa garden at umupo sila sa table sa unahan. Nakita ni Baekhyun si Chanyeol na nakatayo sa platform sa unahan at may hawak itong microphone.
"Good evening sa inyong lahat," bati ni Chanyeol nang nakangiti. "Nagpapasamat ako sa lahat ng nandito ngayong gabi. Lalong lalo na sa mga kaibigan kong walang sawang nagtitiis sa kasamaan ng ugali ko."
Nagtawanan ang mga tao at natawa rin si Baekhyun habang nakatingin lang kay Chanyeol.
"Salamat sa inyong lahat, dahil kung wala kayo, wala ako dito," sabi ni Chanyeol. "Gusto ko rin pasalamatan ang pinakamamahal kong dongsaeng, Sehun, mahal na mahal ka ni hyung, tandaan mo yan."
Tumayo si Sehun sa kinauupuan niya na mukhang paiyak na at niyakap niya si Chanyeol.
"I hate you, hyung," sabi ni Sehun. "Nakakainis ka! Hindi mo na kailangang sabihin pa sa mic yun. Nakakakahiya."
Tumawa si Chanyeol habang yakap pa rin si Sehun nang nagsalita ulit siya.
"Everyone, enjoy the party," sabi ni Chanyeol at nagpalakpakan ang mga tao matapos niyang sabihin yun.
Bumitaw na si Sehun sa hyung niya at bumalik na siya sa upuan katabi ni Jongin.
Nakita ni Baekhyun na napatingin sa kanya si Chanyeol kaya ngumiti siya kay Chanyeol nang malapad. Naglakad si Chanyeol papaunta sa kanya kaya tumayo na siya para salubungin si Chanyeol.
"Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang nagkakamot ng batok. "Sorry hindi na kita nakausap kanina kasi--"
"Ano ka ba, okay lang! Syempre dapat mong unahin yung mga bisita mo kesa sakin," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Mas mahalaga sila kesa sakin."
"Tama," bulong ni Chanyeol sa sarili. "Mas mahalaga sila sayo."
"Uhm, happy birthday nga pala!" bati ni Baekhyun. "Hindi pa pala kita nababati."
"Salamat. Nasan yung regalo ko?" pabirong tanong ni Chanyeol. "Wala ka man lang regalo?"
Napayuko si Baekhyun. "Uhm, m-meron kaya lang... Baka hindi mo magustuhan."
Ngumiti si Chanyeol at inilahad niya yung palad niya. "Akin na, magugustuhan ko yan kahit ano pa man yan."
Tumingin si Baekhyun sa paligid niya at nakita niyang sobrang daming tao. Nakakahiya naman kung ibibigay ko dito ang regalo ko kay Chanyeol.
"Ayaw mo ba dito?" tanong ni Chanyeol. "Gusto mo ba sa walang tao?"
Tumango nang tahimik si Baekhyun.
Bigla na lang niyang naramdaman na hawak na ni Chanyeol ang kamay niya at hinihila na siya palayo sa maraming tao kaya napangiti na lang si Baekhyun sa sarili niya.
Nakarating sila sa veranda sa second floor kung saan nakatambay si Baekhyun kanina. Tanaw mula dito ang party sa baba.
"Okay lang ba sayo dito?"
"Oo, okay lang."
Ramdam ni Baekhyun na nakahawak pa rin si Chanyeol sa kamay niya kaya umubo siya. Nag-aalala namang tumingin si Chanyeol sa kanya.
"Bakit?"
"Y-yung-- ano, k-kamay ko," sabi ni Baekhyun nang namumula habang nakatingin sa kamay nilang magkahawak.
Nagulat naman si Chanyeol kaya binitawan niya agad ang kamay ni Baekhyun at nilagay na lang niya ang sarili niyang kamay sa bulsa niya. Ganun din ang ginawa ni Baekhyun.
Katahimikan. Pakiramdam ni Baekhyun lalamunin na siya ng lupa sa sobrang awkward at sa sobrang kaba dahil silang dalawa lang ni Chanyeol dito ngayon ang magkasama.
"Uhm--" sabay nilang sabi kaya namula lalo si Baekhyun at natawa naman si Chanyeol.
"Ikaw muna," sabi ni Chanyeol.
"Ikaw na!"
"Tss," sabi ni Chanyeol nang nakangiti habang umiiling. "Ano ba yan, Baekhyun."
"Kinakabahan kasi ako eh!" sigaw ni Baekhyun. "Ang awkward. Nahihiya ako sayo!"
Tumalikod si Baekhyun at tinakpan niya ang mukha niya. "Wag mo nga akong titigan nang ganyan. Pakiramdam ko, matutunaw ako."
Natawa ulit si Chanyeol sabay hawak sa braso ni Baekhyun. Iniharap niya si Baekhyun sa kanya habang nakatakip pa rin si Baekhyun ng mukha niya.
"Baekhyun, alisin mo yang kamay mo sa mukha mo," sabi ni Chanyeol. "Gusto kitang makita."
Umiling si Baekhyun.
"Ayoko, wala na akong mukhang maihahaharap sayo Chanyeol," sabi ni Baekhyun. "Mabuti pa, ganito na lang ako habang nag-uusap tayo para hindi kita makita."
"Ano bang klaseng idea yan. Hindi ako makikipag-usap sa taong nakatakip ang mukha sa harap ko. Para namang ipinamumukha mo saking ang pangit ko nyan eh."
Sumilip si Baekhyun nang dahan dahan kay Chanyeol sa maliit na space sa pagitan ng daliri niya. Ngumiti ulit si Chanyeol sa kanya kaya tinakpan niya ulit ang mukha niya na parang hiyang-hiya sa sarili niya.
"Baekhyun," malumanay na sabi ni Chanyeol. "Wala kang dapat ikahiya sakin."
Hinawakan ni Chanyeol ang kamay ni Baekhyun sa mukha nito at dahan dahang niya itong tinanggal. Nakasimangot lang si Baekhyun habang nakangiti si Chanyeol sa kanya.
"Ayan, mas okay pag ganyan," sabi ni Chanyeol. "Ngayon, nakikita ko na yang maganda mong mukha."
Namula si Baekhyun kaya hinampas na lang niya sa braso si Chanyeol.
"Yun ba yung regalo ko? Hampas?!"
"H-hindi!"
"Akin na kasi yung regalo ko," sabi ni Chanyeol. "Kahit ano basta galing sayo, magugustuhan ko yan."
Huminga nang malalim si Baekhyun sabay dukot sa bulsa niya. Umiwas siya ng tingin habang iniaabot kay Chanyeol ang regalo niya.
"Oh, para sayo," sabi ni Baekhyun. "Sorry kung... ito lang ang nakayanan ko."
Kinuha naman ni Chanyeol ang binigay ni Baekhyun at inangat ito habang tinitingnan niya nang malapitan. Napangiti siya nang makita niya ang pangalan niya na nakalagay sa bracelet. Tumingin siya sa baba sa kamay ni Baekhyun at napansin ni Chanyeol na yung dalawang daliri ni Baekhyun...
May nakabalot na band aid.
May biglang kumirot sa puso ni Chanyeol.
"Ginawa mo ba to?" tanong ni Chanyeol.
Nakayuko lang si Baekhyun habang nakatingin sa shoes niya sabay tango. Tinago niya rin sa likod niya yung kamay niyang may sugat.
"A-alam kong hindi yan ganun kaganda. S-sorry, h-hindi kasi ako marunong," sabi ni Baekhyun nang nahihiya. "Tiningnan ko lang sa internet kung paano. Tapos sinubukan kong gawin, kaya ayan."
Natawa si Chanyeol habang nakangiti na parang hindi na maalis ang ngiti niya hanggang bukas. Lumapit siya kay Baekhyun at inangat niya ang baba nito para makita niya ang mukha ni Baekhyun.
"Thank you," sabi ni Chanyeol. "Nagustuhan ko yung regalo mo. Sobrang ganda."
Pakiramdam ni Baekhyun maiiyak na siya sa sobrang saya dahil sa sinabi ni Chanyeol. Pinaghirapan niya pa naman yun at pinagpuyatan. Nagustuhan ni Chanyeol yung regalo ko. Napangiti si Baekhyun.
"Walang anuman! Basta para say--"
Nabigla na lang si Baekhyun nang hinila siya ni Chanyeol at niyakap siya nito nang mahigpit.
Niyayakap ba ako... ni Chanyeol?
Pakiramdam ni Baekhyun, tumigil ang oras sa pagitan nilang dalawa at nabingi na siya dahil wala na siyang ibang marinig kundi yung dugdugdug ng puso niya.
Naninigas lang siya sa pagkakatayo niya habang yakap siya ni Chanyeol-- nakapatong ang baba ni Chanyeol sa ulo niya at nakasandal naman siya sa chest ni Chanyeol, gulat na gulat pa rin at hindi makapinawala sa ginawa ni Chanyeol sa kanya.
Hindi alam ni Baekhyun kung sa kanya ba o kay Chanyeol ang malakas na heartbeat na naririnig niya, pero wala na siyang pakealam dahil sa yakap ni Chanyeol sa kanya ngayon.
Kaya dahan dahan niyang inangat ang kamay niya at inilagay ito sa likod ni Chanyeol para yakapin siya pabalik.
"Happy birthday, Chanyeol," bulong ni Baekhyun sa chest ni Chanyeol.
"Thank you," sabi ni Chanyeol habang yakap pa rin si Baekhyun. "Dahil nakilala kita sa buhay ko."
Hindi alam ni Baekhyun kung may ibig sabihin ba ang sinabi ni Chanyeol sa kanya. Tinigil na niya ang umasa pero kahit anong gawin ni Baekhyun, may part pa rin sa puso niya na sana, sana magustuhan rin siya ni Chanyeol pabalik. Sana may nararamdaman rin si Chanyeol para sa kanya.
"Gustong gusto talaga kita, Chanyeol," sabi ni Baekhyun at pakiramdam niya sasabog na ang puso niya.
Hinihiling ni Baekhyun na sana kahit isang beses lang, kahit na alam niyang imposible, sana sabihin rin ni Chanyeol sa kanyang 'Gusto rin kita Baekhyun'.
Pero hindi yun ang katotohanan.
"Alam ko," sagot ni Chanyeol nang nakangiti. "Alam ko na yun, hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa."
Alam ko ring alam mo. At sa tuwing sinasabi mo yan, nasasaktan pa rin ako. Pero okay lang, masaya na rin ako kahit ganito lang tayo.
Naghiwalay sila sa yakap nang bigla na lang pumutok sa langit ang fireworks. Napatingala si Baekhyun habang nakanganga at manghang-mangha sa nakikita niya.
"Ang ganda," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa langit, nakangiti at kumikinang ang mata niya. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya.
"Gusto rin kita, Baekhyun," sabi ni Chanyeol habang nakatitig siya kay Baekhyun kasabay ng ingay ng pagputok ng fireworks.
Tumingin si Baekhyun kay Chanyeol at ngumiti lang ito sa kanya sabay balik sa pagtingin sa fireworks sa langit. Hindi niya narinig ang sinabi ni Chanyeol.
"At masyado akong duwag para sabihin yun sayo," dugtong ni Chanyeol habang nakatitig pa rin kay Baekhyun.
"At masyado ka namang manhid para maramdaman yun."
*
To be continued.
(A/N: Hindi pa sila sa Chapter na to! Pinublish ko lang ulit yung Chapter 21 kasi biglang nawala. Salamat sa pagbasa!)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro