CHAPTER 20
*
20
Nakaupo si Sehun habang nakasandal sa headboard ng kama niya habang nakasandal naman si Baekhyun sa chest ni Sehun na para itong human chair. Nanonood sila ngayon ng Despicable Me 2, isa sa mga paboritong animated movie ni Sehun, pero wala sa palabas ang isip ni Baekhyun. Nakangiti lang siya magdamag habang nakatingin sa TV.
"Wala namang nakakatawa sa movie ah," sabi ni Sehun. "Ano bang nginingiti-ngiti mo jan?"
"Huh? Ngumingiti ba ako? Hindi kaya," palusot ni Baekhyun kaya napairap na lang si Sehun.
"Tss, si hyung nanaman ang dahilan. Nakakainis ka na," sabi ni Sehun nang nakaiwas ang tingin. "Ako ang kasama mo pero si hyung ang iniisip mo."
"Yah," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Wag ka nang magselos. Walang mararating yan. Ienjoy mo na lang ang human teddy bear mo."
"Human teddy bear?"
"Oo! Ako!" sabi ni Baekhyun habang isinisiksik ang sariling katawan sa katawan ni Sehun. Umirap si Sehun pero nakangiti naman siya.
"Baekhyun."
"Hmm?"
"Samahan mo ako sa mall bukas."
"Bakit? Bibili ka nanaman ba ng sapatos?"
"Hindi no," sabi ni Sehun habang nakatingin sa TV. "Bibili ako ng gift."
"Gift? Bakit?"
"Birthday ni Chanyeol-hyung sa isang araw."
"H-ha?!"
Napatingin bigla si Baekhyun sa alaga niya. Bakit hindi ko alam? Sa isang araw na pala ang birthday niya?
"Oh tingnan mo, hindi mo alam no? Kung di ko pa binanggit hindi mo malalaman."
"Hindi ko nga alam, ano ba yan," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot.
"Psh, tapos sasabihin mo gusto mo ang hyung ko tapos birthday niya ni hindi mo man lang alam!"
"Hindi ko talaga alam, nakakahiya naman," sabi ni Baekhyun. "Bakit ikaw, alam mo ba kung kailan ang birthday ko ha?"
"Oo, May 6, 1992. Ako pa," sabi ni Sehun na mukhang confident na confident. "So ano, sasamahan mo ba ako?"
Tumango si Baekhyun. "Okay."
Siguro dapat bumili rin ako ng gift ko kay Chanyeol.
*
"Jongdae," tawag ni Baekhyun sa kaibigan na ngayon ay naglalagay ng face cream niya sa CR.
"Hmm? Bakit?"
"Ano bang magandang panregalo?"
"Regalo?" tanong ni Jongdae kay Baekhyun na ngayon ay nakadapa sa kama. "Para naman kanino?"
"Para kay Chanyeol..."
"Ah, oo nga pala! Birthday na niya sa isang araw!" sabi ni Jongdae. "Hmm, ano bang maganda?"
"Ano bang niregalo mo sa kanya last year?"
Tumawa si Jongdae. "Alam mo, ang tulad kasi ni Chanyeol, hindi na kailangang regaluhan ng mga materyal na bagay, kasi tingnan mo naman nasa kanya na ang lahat!"
Tumango lang di Baekhyun. "Kung sabagay, tama ka."
"Natatandaan ko last year, binigyan ko lang siya ng simpleng card."
"Card?"
"Oo, haha! Tingin ko natouch talaga siya dun. Dinrawing ko lang siya tapos nilagyan ko ng message."
Sumimangot si Baekhyun. Ano bang ibibigay ko kay Chanyeol? Ang hirap naman regaluhan ng tulad niya.
"Hindi ko alam ang ireregalo kay Chanyeol," sabi ni Baekhyun. "Ano kayang gusto niya?"
"Gusto ni Chanyeol? Anong gusto ni Chanyeol?" tanong ni Jongdae habang nakangiti nang makahulugan.
"Oo, alam mo ba kung anong gusto niya?"
"Try mo kayang lagyan ng ribbon ang buhok mo, tapos ibalot mo ang sarili mo ng gift wrapper," sabi ni Jongdae. "Yun. Yun ang gusto niya."
Umirap si Baekhyun. "Bakit ba ako nagtatanong sayo."
*
"Bacon."
"Hah?"
"Tinatanong mo kung anong gusto ni Chanyeol diba," sabi ni Yixing habang nagsuswimming sa pool. "Mahilig siya sa bacon."
Nakaupo naman si Baekhyun sa gilid ng pool, paa niya lang ang nababasa. "Seryoso ka ba, Yixing-hyung? Bacon ang gusto niya?"
Tumawa si Yixing habang lumalangoy papunta kay Baekhyun. "Siguradong sigurado ako. Bacon ang gusto niya. Kaso alam mo, isang bacon lang yung gusto ni Chanyeol. Ayaw niya ng ordinaryong bacon."
"Saan ko naman hahanapin ang bacon na gusto ni Chanyeol!? At teka, sino bang matinong tao ang magreregalo ng bacon sa isang birthday?"
Ngumiti si Yixing habang winiwisikan niya ng tubig ang mukha niya sabay bulong sa sarili. "Minsan talaga ang slow mo. Tss. Ano bang nagustuhan ni Sehun at Chanyeol sayo."
Mayamaya ay may tumalon sa pool na may suot na salbabidang duckie. Lumangoy siya papunta kay Yixing.
"Yixing-hyung! Andito nako!"
"Ano ba, Sehun!" sigaw ni Baekhyun. "Dahan dahan naman sa pagtalon! Nababasa ako eh!"
"Edi kung nababasa ka, maligo ka na rin! Halika dito!" sigaw ni Sehun habang inaalis ang salbabida niya. Naglakad siya papunta sa kinauupuan ni Baekhyun.
"Dali na, halika na, masarap magswimming ngayon," sabi ni Sehun habang binabasa ang paa ni Baekhyun.
"H-hindi ako marunong lumangoy," sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Kayo na lang ni Yixing-hyung."
"Ano ka ba, okay lang yun. Wag kang mag-alala! Papasanin kita," sabi ni Sehun nang nakangiti. "Alam kong gusto mong magswimming."
Tiningnan ni Baekhyun si Yixing na enjoy na enjoy sa pag-iislide sa malaki nilang swimming pool habang sumisigaw pa. Gusto ko rin magslide dun. Mukhang masarap.
"O-okay," sabi ni Baekhyun nang hindi sigurado. "Basta kapag hindi ko na abot yung sahig, papasanin mo ako ha."
Nakangiti lang si Sehun. "Syempre naman, Baekhyun. Papabayaan ba kita? Dali na, lumusong ka na."
Tumayo si Baekhyun sa gilid ng pool tapos hinubad niya ang t-shirt niya habang sinusubukan naman ni Sehun na wag tumitig nang mas matagal sa flat na abs ni Baekhyun at sa makinis nitong balat. Napalunok si Sehun.
Tinanggal ni Baekhyun ang shorts niya, kaya naman nakaboxers na lang siya, at sinusubukan ulit ni Sehun sa abot nang makakaya niya na wag tumitig nang mas matagal sa maputing legs ni Baekhyun.
Ngayon lang niya nakita nang ganito ang babysitter niya at pakiramdam ni Sehun, may mangyayaring hindi maganda sa may 'baba doon' kapag hindi pa niya tinigilan ang pag-iisip ng kung anu-ano tungkol kay Baekhyun.
"Sehun!" tawag ni Yixing na ngayon ay nakahiga na sa floater, nakangiti siya nang masama kay Sehun.
"Hahaha! Wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa! Danas ko na rin yan."
Namula si Sehun sa sinabi ni Yixing kaya umiwas na lang siya ng tingin kay Baekhyun.
"Okay. Ready na ako," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Tatalon na ako!"
Tumalon na sa swimming pool si Baekhyun. Nagulat bigla si Sehun kaya sinalo niya agad si Baekhyun.
"AHHHH!" sigaw ni Baekhyun nang nasa tubig na siya habang hawak ni Sehun ang katawan niya. Nakahawak naman si Baekhyun sa balikat ni Sehun.
"Nababaliw ka na ba?!!" sigaw ni Sehun. "Bakit bigla ka na lang tumalon!? Pano kung hindi kita nasalo at nalunod ka!!!"
"A-akala ko kasi abot ko yung sahig kaya tumalon ako!" sigaw ni Baekhyun. "H-hindi ko pala abot... Sorry na, Sehun."
Bumuntong hininga na lang si Sehun at inayos si Baekhyun ng pagkakahawak sa kanya. Nakakapit na ngayon si Baekhyun sa leeg ni Sehun.
"Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sayo," bulong ni Sehun. "At isa pa, siguradong mapapatay ako ni hyung pag nangyari yun."
Napangiti si Baekhyun at sumandal na lang siya sa balikat ni Sehun habang binubuhat siya nito papuntang slide. "Thank you."
"Parang ako tuloy ang nag-aalaga sayo at hindi ikaw ang nag-aalaga sakin," sabi ni Sehun nang nakapout at kahit hindi nakikita ni Baekhyun ang mukha ni Sehun ay ramdam niyang nakapout ang nguso nito.
"Bakit, ayaw mo ba akong maging baby?" tanong ni Baekhyun nang pabiro.
"Baby?" Tumawa si Sehun pero seryoso siya. "Tss. Gusto kong boyfriend mo."
"HOY KAYONG DALAWA! DALIAN NIYO! MAG-IISLIDE PA TAYO!" sigaw ni Yixing habang nakaupo na sa taas ng slide at nagpapasalamat naman si Baekhyun dahil dun para hindi na niya marinig ang sasabihin pa ni Sehun.
Sorry Sehun, kung hindi ko nakilala si Chanyeol, malamang...
Ikaw ang magugustuhan ko.
"Oh ano, ready na ba kayo?" tanong ni Yixing kay Sehun at Baekhyun na nasa likod niya. Nakakapit si Baekhyun sa waist ni Yixing at nakakapit naman si Sehun sa waist ni Baekhyun. Nasa gitna si Baekhyun ng dalawa.
"Oo! Ready na!!!" sigaw ni Baekhyun. "Magslide na tayo, dalian mo na par--AAAAHHHHH!"
"HAHAHAHAHA!"
"Woooohhh!"
"Ang sarap! HAHAHAHA!"
Napatigil sa ginagawa niya sa living room si Chanyeol nang marinig niya ang sigawan sa may pool. Naglakad siya at sumilip sa may bintana malapit sa pool at nakita niya ang tatlo niyang kasama sa bahay na dumudulas pababa ng slide. Naunang nahulog sa tubig si Yixing at sumunod naman si Baekhyun, pagkatapos naman ay si Sehun. Nakita ni Chanyeol kung papano kumapit si Baekhyun sa balikat ni Yixing at Sehun para iangat ang sarili niya sa tubig.
"Okay ba?!" tanong ni Yixing habang hinahawakan ang kanang braso ni Baekhyun. "Ano? Isa pa, Baekhyun!?"
"Isa pa! Gusto ko pa!" sigaw ni Baekhyun habang hinihingal at hinawakan naman siya ni Sehun sa kabila niyang braso.
"Sehun, pasanin mo ulit ako papuntang slide!"
Nakatanaw lang si Chanyeol sa bintana at hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng konting konting konting selos kahit ayaw niya mang aminin sa sarili niya. Masyadong close si Yixing kay Baekhyun na halos hindi na sila mapaghiwalay kahit alam naman ni Chanyeol na magkaibigan lang sila. At masyadong close si Baekhyun kay Sehun kahit alam rin niyang siya naman ang gusto ni Baekhyun at hindi si Sehun.
Teka, akala ko ba ako ang gusto niya?! Bakit ganun na lang siya makakapit sa kapatid ko?! Niloloko niya ba ako?
Napairap si Chanyeol sabay sara ng blinds ng bintana. Tss, napakalandi mo talaga, Baekhyun.
Naisip ng utak ni Chanyeol na mabuti pa, para hindi na siya mahirapan, magconfess na lang siy-- teka, anong confess!? Wala naman akong icoconfess, bakit ako magcoconfess!? Si Baekhyun ang may gusto sakin at hindi ako, tapos ang usapan.
"Chanyeol?" tawag ng isang boses kaya naman napalingon agad si Chanyeol. Nakita niya si Baekhyun na nakatayo sa may pinto at balot na balot ng towel ang katawan nito habang basa pa rin ang buhok niya.
"Anong ginagawa mo jan sa madilim na sulok sa tabi ng halaman?" tanong ni Baekhyun na parang nagdududa.
"H-ha? Ah! Wala, wala! May ano lang, may ano, tinitingnan ako-- ah, este hinahanap ako, dito sa sulok, tama. Yun nga. Hahahaha. Ayun nahanap ko na," nagmamadaling sabi ni Chanyeol nang hindi tumitingin kay Baekhyun.
Kumunot ang noo ni Baekhyun. "Uhm, okay ka lang ba?"
"H-ha? Oo, okay lang! Teka, bakit mo ba tinatanong? Umalis ka na nga! Tingnan mo nababasa na yung doormat dahil sayo."
Umalis si Chanyeol at pumunta siya sa kusina habang nakasunod naman si Baekhyun sa kanya na parang tuta. Kumuha si Chanyeol ng baso at uminom ng sparkling water. Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya.
"Oh, bakit nandito ka pa? Wala ka bang balak magbihis?" sabi ni Chanyeol habang naglalakad naman papuntang living room. Nakasunod pa rin si Baekhyun sa kanya na parang cocoon dahil sa towel niya.
"Bakit mo ba ako sinusundan!?" sigaw ni Chanyeol. "Wala ka bang magawa?"
"Birthday mo na pala sa isang araw," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot. "Hindi ko man lang alam."
"So ngayon alam mo na," sabi ni Chanyeol sabay upo sa couch. "Bakit mukhang namomroblema ka?"
"H-hindi ko kasi alam kung anong ibibigay ko sayo," sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Hindi ko alam kung anong gusto mo."
"Pinoproblema mo ba kung anong ireregalo mo sakin?"
Tumango si Baekhyun. "Ano bang gusto mo?"
"Gusto ko?" Ngumiti si Chanyeol kay Baekhyun. Tumango naman si Baekhyun na parang matatanggal na ang ulo niya.
"Hmm. Lagyan mo ng ribbon yung buhok mo tapos ibalot mo ang sarili mo ng gift wrapper," sabi ni Chanyeol habang nakatitig kay Baekhyun. "Yun. Yun ang gusto ko."
Nanlaki ang mata ni Baekhyun habang nakatingin lang kay Chanyeol, pulang pula ang mukha niya. Seryoso ba si Chanyeol sa sinabi niya?
Natawa si Chanyeol nang makita niya ang reaksyon ni Baekhyun. "Joke lang, binibiro lang kita."
Nakatitig pa rin si Baekhyun, natulala na lang sa ngiti ni Chanyeol.
"Okay lang kahit wala kang regalo sakin, Baekhyun," sabi ni Chanyeol. "Basta ang mahalaga, nandun ka sa birthday ko at wag kang mawawala."
Pinat ni Chanyeol ang basang buhok ni Baekhyun kaya napayuko na lang si Baekhyun, nakangiti sa sarili niya at pakiramdam niya, masasanay na siya sa mabilis niyang heartbeat kapag nandito si Chanyeol malapit sa kanya.
"Okay," sabi ni Baekhyun nang nakangiti. "Hindi ako mawawala sa birthday mo, Chanyeol."
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro