CHAPTER 2
*
2
"Gisingin mo na siya," bulong ni Yixing. "Malelate na siya. Unang araw mo ngayon sa trabaho, galingan mo."
"O-okay, sige, salamat, Yixing-hyung."
Umakyat si Baekhyun sa second floor at pumasok sa malaki at makalat na kwarto ni Sehun. Pumunta siya sa tabi ng natutulog na si Sehun at niyugyog ang balikat nito.
"Sehun, sehun, wake up."
"Hmmghh..."
"Sehun, gising na, papasok ka na."
"Asdfghkl... ughhmmm..."
"Sehun, gumising ka na, please."
"Mmm.. yoko... ughmm..."
"Ayaw mong gumising ha? SEHUN GISING NAAAAA! TANGHALI NAAAA!!!!!!"
Tumalon si Baekhyun sa kama ng alaga niya at lumundag lundag na parang bata habang sumisigaw ng Wake up, Wake up!
"Ah, ouch! what the-- BAKIT KA TUMATALON SA KAMA KO?!"
"Dahil ginigising kita! Oh diba, gising ka na? Hala, sige na bangon na," sabi ni Baekhyun sabay palo sa pwet ni Sehun. "Maligo ka na!"
Nagulat naman si Sehun sa ginawa ng babysitter niya. Walang ibang pwedeng humawak sa pwet niya. Wala. Sumubsob siya sa unan. "Ugh, I'm still sleepy."'
"Kakaladkarin kita papunta sa banyo pag di ka pa bumangon."
"Edi gawin mo."
Hinawakan ni Baekhyun ang dalawang paa ni Sehun at hinila ito pababa ng kama. Nagpumiglas si Sehun.
"Aaaah! What are you doing!? Bitawan mo ako!"
"Maliligo ka na ba o hindi?"
"Maliligo na! Shit. So annoying."
Sinipa ni Sehun ang kumot at padabog na pumunta sa banyo at pabagsak na sinara ang pinto. Mayamaya ay nagbukas na rin ang shower.
"Kikilos ka rin pala eh, dami pang arte," sabi ni Baekhyun sa sarili niya nang nakangiti. Tinutupi niya ang kumot at inaayos ang kama nang pumasok sa kwarto si Chanyeol.
"Anong nangyayari dito, bakit ang ingay?"
"Ah wala po Sir," sagot ni Baekhyun, tapos na niyang ayusin ang mga unan. "Ginising ko lang ang kapatid niyo."
"Ah, okay."
Katahimikan. Pinapanood lang ni Chanyeol si Baekhyun na linisin ang buong kwarto. Ang awkward naman, sabi ni Baekhyun sa isip niya.
"B-bakit... kayo nakatingin?" tanong ni Baekhyun habang pinapagpag ang bedsheets. "May iuutos ba kayo?"
"Wala naman, napansin ko lang na masyado kang maliit para sa edad mo."
Umirap si Baekhyun. Alam ko, hindi mo na kailangan pang sabihin. Porke matangkad ka lang, kailangan nang manlait? Ganun? Ang yabang mo pre. Psh.
Ngumiti si Baekhyun. "Cute naman po ako, so okay lang. Di tulad ng iba jan, matangkad nga, pangit naman."
Si Chanyeol naman ang umirap ngayon. "Alam mo, manahimik ka na lang kung wala kang magandang sasabihin."
"Opo, Sir."
Aalis na sana si Chanyeol nang tumigil siya at humarap sa babysitter.
"Baekhyun."
"Bakit po?"
"Kumain ka na ba?"
Papakain niya ba ako? Sabi ni Baekhyun sa isip niya. Tamang tama, hindi pa ako nag-aalmusal! Kahit papano pala, may konting kabaitan rin naman ang amo niya. Biglang kumalam ang sikmura niya at sigurado siyang dinig ni Chanyeol ang tunog ng tiyan niya mula dito.
"H-hindi pa po ako kumakain ng breakfast bago ako pumunta dito."
"Mabuti naman at hindi pa. Magtrabaho ka muna bago ka kumain. Linisin mo muna tong kwarto nang mabuti. Ah, at yun pang mga kalat. Pulutin mo. Saka yan, alisin mo yan. At oo yan, walisan mo, ivaccum mo, labhan mo rin yan. Gets?"
Wow. As in, wow. Nagkamali si Baekhyun. Wala nga talagang puso si Chanyeol. Nakakainis ang nilalang na to, sarap suntukin sa mukha kundi ko lang amo.
"Ano pang tinatayo-tayo mo jan? Kilos na."
"Eto na nga eh, kikilos na po, Sir."
"Good," sabi ni Chanyeol sabay alis ng kwarto. Muntik pa siyang madapa dahil sa nakakalat na damit ni Sehun sa lapag.
Natawa si Baekhyun. Buti nga.
*
"Ouch! Wag mo ngang guluhin ang buhok ko!" sigaw ni Sehun. "Wag mong hawakan ang buhok ko!"
"Sinusuklay ko ang buhok mo, hindi ko ginugulo. Halika, hindi pantay sa gilid."
Inayos ni Baekhyun ang nakastyle na buhok ni Sehun habang umiirap naman ang alaga niya. "Tama na. Okay na yan!"
Ilang minuto ang lumipas at nasa tapat na sila ng school ni Sehun. Humarap si Chanyeol sa kapatid niya na nasa backseat ng kotse.
"Umuwi ka nang maaga at wag ka nang gumala pagkatapos ng klase mo," sabi ni Chanyeol kay Sehun.
"K. Fine. Bye."
Inabot ni Baekhyun ang bag ng alaga niya. "Ingat! Makinig ka sa teacher at wag kang makipagdaldalan habang nagdidiscuss! Wag kang magpapakagutom, okay?"
"Oo na, alam ko. Di na ako bata."
"Bye, Sehun!"
Bumaba na si Sehun sa kotse at umalis na rin ang kotse ng hyung niya pagkatapos.
"Yah, Sehun!" bati ni Jongin sa bestfriend niya. "Anong nangyari sa buhok mo! Hahahaha!"
Umirap si Sehun sabay kapa sa buhok niya, inaayos para magmukhang magulo. "Ginawa yan ni Baekhyun. Ugh, asar."
"Ang panget, dude! Mukhang bundok na may hati sa gitna! Sobrang makaluma, hahaha!"
"Psh, isa pang tawa mo, gagawin ko to sa buhok mo."
*
Tinigil ni Chanyeol ang kotse sa tapat ng bus stop.
"Baba."
"Huh?"
"Bingi ka ba? Baba sabi eh."
"Bakit?"
"Psh, sasama ka sa office ko?!"
"Hindi po!"
"Oh hindi pala eh, bakit ka pa nakupo sa kotse ko? Baba na."
"Hindi niyo po ba ako ihahatid pabalik sa mansion?"
Mayamaya ay nasa kalsada na lang si Baekhyun at hawak hawak ang binatong bag niya sa braso niya.
"Edi magcommute ka, ano ka sinuswerte," sabi ni Chanyeol sa loob ng kotse na paalis na.
Napabuntong hininga na lang si Baekhyun habang tinitingnan ang walang kalaman-laman niyang wallet. Paano ako uuwi, maglalakad? Ang layo pa ng mansion mula rito. Wala akong pera pang taxi.
"Nakakaasar ka Chanyeol. Ang sama sama mo."
Umupo siya sa pinakagilid ng waiting shade habang naghihintay ng bus o taxi o kung ano man. Mayamaya lang ay may humintong itim na kotse sa tapat niya. Bumaba ang bintana at nakita niya si Yixing na nakangiti sa kanya.
"Baekhyun!"
"Yixing-hyung!" tawag ni Baekhyun nang nakangiti. "Bakit ka nandito?"
"Sakay na," sabi ni Yixing. "Sabi ni Chanyeol ay sunduin raw kita. Halika na."
Ngumiti nang malapad si Baekhyun habang naglalakad papunta sa kotse.
Hindi naman pala ganun kasama si Chanyeol. Konti lang.
-
Kakatapos lang maglaba ni Baekhyun ng mga damit at uniform ni Sehun. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng pagkain habang si Yixing naman ay nasa sala at nanonood ng TV. Madalas ay silang dalawa lang ni Yixing ang naiiwan sa bahay dahil nasa office si Chanyeol at nasa school naman si Sehun.
"Yixing-hyung," tawag ni Baekhyun sa butler habang nakatingin sa malaking painting sa may kusina. "Sila ba ang parents ni Sir Chanyeol at Sehun?"
"Oo, sila. Namatay sila sa aksidente, one year ago."
"Ah, bago lang pala. Kaya siguro laging suplado ang magkapatid."
Tumawa si Yixing. "Pagpasensyahan mo na ha. Pero mabait naman sila sa totoo lang. Lalo na si Chanyeol."
Umirap si Baekhyun sabay bulong, "Talaga lang ha, psh. Maniwala sayo."
*
"May meeting ka mamayang 6pm," sabi ni Kyungsoo sa CEO na ngtatype sa laptop niya. "Wag mong kalimutan."
"Hindi ko makakalimutan. Teka, saan ka pupunta?"
"Uuwi na."
"At bakit ang aga ng uwi mo, ha? Wala pang 5pm ah!"
"Kailangan kong abutan ang dramang pinapanood ko. 4:30 ang start nun eh. Bye."
"Hoy, Kyungsoo!" sigaw ni Chanyeol. "Bumalik ka dito!"
Sinagot siya ng malakas na sarado ng pinto.
"Ugh, bakit ko ba siya hinire!"
"For your info, hindi ikaw ang naghire sa kanya. Ang Dad mo," sabat ni Jongdae na nagmula sa kung saan. "Kaya di mo siya matanggal. Pati ako! At saka magkakaibigan kaya tayo."
"Yun na nga ang nakakaasar eh. Bakit ko ba kayo kaibigan."
Tumawa si Jongdae. "Kasi papayagan mo akong umuwi ng maaga ngayon. May pupuntahan ako eh."
"Hindi ka aalis! Marami ka pang trabaho dito!"
"Nah, nanjan naman si Junmyeon-hyung! So pano, bye!"
"Jongdae!"
"Oo na, mag-iingat na ako!"
Inuntog ni Chanyeol ang ulo niya sa desk niya. Mga walang kwentang tauhan.
*
"Nasan si Chanyeol-hyung?" tanong ni Sehun sa babysitter niya. "Akala ko susunduin niya ako?"
"May meeting ang hyung mo. So ako ang susundo sayo!" masayang sabi ni Baekhyun. "Tara na?"
"Asan ang kotse? Nasan si Yixing-hyung?"
"Nasa grocery store. Dala niya ang kotse. Bakit?"
"So paano tayo uuwi nang walang kotse? Ha? Nag-iisip ka ba!?"
"Edi magbubus tayo. Halika na," sabi ni Baekhyun sabay hila sa wrist ni Sehun. "Tara na."
"Ayoko ngang magbus!"
"Ang arte mo, halika na sabi eh."
Hinila ni Baekhyun si Sehun sa bus na kakatigil lang. Umupo sila sa pinakadulo habang tinititingnan ni Sehun ang paligid niya.
"Oh ano, wala namang nangyari sayo diba."
"Malay mo biglang lumabas yung multo dito. Hindi mo ba alam na may mga multo sa mga pampublikong sasakyan gaya nito! Nakakita nga si Jongin eh!"
Tumawa si Baekhyun sabay hampas sa hita ni Sehun. Nagulat si Sehun sa hampas sa hita niya. Masyadong... close.
"Hindi totoo yang kwentong yan! Maniwala ka sakin, ako na ang nagsasabi. Safe dito," sabi ni Baekhyun habang ipinapakita ang buong bus. "Don't worry, akong bahala sayo. Ako. Ang babysitter mo. Ang bahala sayo, Sehun."
"K. Whatever."
Ngumiti si Baekhyun kay Sehun. Nakatitig lang si Sehun sa babysitter niya. Walang emosyon. Nakatitig lang. Cute naman pala siya, pero konti lang, sabi ni Sehun sa isip niya.
"May dumi ba ako sa mukha?"
"Wala. Napansin ko lang na mataba ang ilong mo."
Hinawakan agad ni Baekhyun ang ilong niya. "Hindi nga!? Ganun na ba talaga kaobvious?"
"Pfft. Nakakatawa ang itsura mo."
Hinampas ulit ni Baekhyun ang alaga niya, at ngayon ay sa braso naman. Nagulat si Sehun.
"Ano ba! Isusumbong kita sa hyung ko, lagi mo akong hinahampas!"
"Hindi mo ako isusumbong dahil ililibre kita. Ano, gusto mo ba ng bubbletea?"
"Ayoko! Pangbata lang ang bubbletea. Pangkatulad mo."
"May strawberry, chocolate, milk, taro flavor at-- ah, mocha."
"Ayoko. Hindi mo ako mapipilit."
"K."
Mayamaya lang ay niyuyugyog na ni Sehun ang braso ng babysitter niya habang tinuturo ang vanilla flavor na bubbletea sa ibabaw ng counter.
"Large with extra pearls yung sakin."
*
"Pumunta ka sa office ko ngayon na," utos ni Chanyeol sa phone, pagod ang boses niya. "Dalhin mo yung flash drive na nasa ibabaw ng coffee table."
"Bakit po kailangang ako pa? Kakarating ko lang sa bahay eh."
"Nagrereklamo ka ba ha, Baekhyun? Sino sa tingin mo ang pupunta, si Sehun? Eh kayo lang naman ang tao jan."
Wala nga pala si Yixing, sabi ni Baekhyun sa isip niya. Bumuntong hininga na lang siya sabay irap. "Okay, Sir. Pupunta na po."
Pagkatapos ng thirty minutes-- twenty minutes na biyahe sa subway, five minutes na lakad at five minutes sa traffic sa elevator, nakarating na rin siya sa office ng CEO dala ang flash drive.
"Sir Chanyeol," tawag ni Baekhyun sa labas. "Ito na po ang inuutos niyo."
"Pasok. Alangang ako pa ang pupunta sayo."
Tinulak ni Baekhyun ang malaking pinto at pinasok ang maliit niyang katawan sa maliit na space ng pintuan ng malawak na office ni Chanyeol. Nakita niya si Chanyeol na nakaupo sa swivel chair. Mukha siyang stress na stress. Medyo naawa si Baekhyun, medyo lang.
"Ito na po, Sir Chanyeol," sabi ni Baekhyun habang inaabot ang USB na may keychain pa na teddy bear. Kinuha ito ni Chanyeol nang di tumitingin sa kanya.
"Makakaalis ka na."
"Ganun na lang ba yun? Matapos niyo akong papuntahin dito papaalisin niyo na lang ako?! Nakakapagod kayang pumunta dito! At pamasahe ko pa yung ginastos ko! Aish."
Tumunghay si Chanyeol kay Baekhyun at tumingin nang matalim. Napalunok si Baekhyun. Naku, sinigawan niya ang amo niya. Siguradong mawawalan na ako ng trabaho! Ikaw kasi Baekhyun, yang bibig mo kasi eh!
"S-sorry po--"
"Sige, umupo ka muna sa sofa," sabi ni Chanyeol sa mas kalmadong boses. "Hintayin mo ako. Sabay na tayong umuwi. Ihahatid kita."
Medyo nagulat si Baekhyun kaya napatango na lang siya habang tinitingnan si Chanyeol na tahimik na gumagawa ng trabaho niya.
Hintayin mo ako. Sabay na tayong umuwi. Ihahatid kita. Parang bago sa pandinig yun mula kay Chanyeol. Napaisip si Baekhyun. Siguro ay may konting kabaitan rin naman ang Chanyeol na to. Konti lang naman.
Hindi alam ni Baekhyun ang dahilan, pero habang naghihintay siyang matapos si Chanyeol at habang pinapanood niya ang ginagawa ni Chanyeol, ay parang hindi siya kumportable, unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya.
Kaming dalawa lang dito sa office. Nakakakaba. Sobrang tahimik. Nakakailang. Nakakabingi ang katahimikan.
Baka pagod lang to, sabi ni Baekhyun sa isip niya. O kaya naman gutom. O kaya ay antok.
Tama. Itutulog ko na lang to.
Hindi namalayan ni Baekhyun na nakatulog nga siya, habang si Chanyeol, pinapanood siya sa monitor ng CCTV.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro