Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19


*

19

Sa susunod, wag ka na ulit magsusuot ng shorts na ganyan kaiksi.

Nagflashback sa isip ni Baekhyun ang nangyari nung isang araw at hindi niya maiwasang hindi kiligin habang iniisip kung paano inilagay ni Chanyeol yung jacket sa waist niya. Napangiti si Baekhyun

"Kanina ka pa nakangiti jan. Anong meron?" tanong ni Yixing habang nagdidilig ng halaman sa garden. Nakaupo naman si Baekhyun sa terrace at nakaharap kay Yixing.

"Wala naman, Yixing-hyung. Naalala ko lang ulit yung ginawa ni Chanyeol."

"Nagtanong pa ako," sabi ni Yixing sabay buntong hininga. "Pang pitong beses mo nang sinabi yan."

"Hyung, tingin mo ba hindi na siya galit sakin?" tanong ni Baekhyun. "Kasi hindi na niya ako sinisigawan pag tinatry ko siyang kausapin. Kaso iniiwasan niya pa rin ako. Kapag pupunta ako sa kusina, babalik siya sa kwarto, o kaya naman pag papasok ako sa living room, lalabas siya ng bahay. Galit pa rin yata siya?"

"Sus. Hindi na yun galit sayo no," sabi ni Yixing nang nakangiti. "Nagpapakipot lang yun kaya ganun."

Natawa si Baekhyun. "Talaga? Tingin mo?"

"Oo naman, tingnan mo mamaya kakausapin ka na rin niya at magiging okay na kayo."

Ngumiti nang malapad si Baekhyun. "Sigurado ka ba? Papano naman mangyayari yun?"

Pinatay na ni Yixing ang hose na hawak niya at humarap kay Baekhyun. "Basta sundin mo lang ang plano ko."

"Psh. May plano ka nanaman," sabi ni Baekhyun. "Puro kahihiyan lang ang dala ng plano mo. Una, pinagsuot mo ako ng uniform. Pangalawa, pinagsuot mo ako ng maiksing shorts! Ano nanamang ipapasuot mo sakin ngayon!?"

"Wag ka na ngang puro reklamo! Aminin mo man o hindi, lahat ng plano ko success!" sabi ni Yixing. "Ano, tama ba ako o hindi?"

Nagpout lang si Baekhyun. "Tama..."

"Oh yun naman pala eh! So ano, gagawin mo ba yung pinaplano ko?"

"Oo na, sige na," sagot ni Baekhyun sabay irap. "Basta ayoko nang magsuot ulit ng damit galing sayo."

Ngumiti nang masama si Yixing, kabaligtaran ng malaanghel niyang mukha. "Oo, magtiwala ka lang sakin."

*

"Hinding hindi mo ako mapapasuot jan sa masikip na sulok na yan!" sigaw ni Baekhyun habang nakaturo sa space sa ilalim ng sink sa loob ng CR. "Yixing-hyung, nababaliw ka na ba?"

"Hindi ako baliw, alam ko kung anong ginagawa ko," sagot ni Yixing. "Sumunod ka na lang, okay? Pumasok ka tapos umupo ka sa ilalim ng lababo. I'm sure kasyang kasya ka jan."

"Bakit ba kasi kailangan kong magtago jan sa sulok? Ano bang pinaplano mo?"

"Basta," sabi ni Yixing habang nakatanaw sa hagdan. "Malalaman mo rin. Ah, ayan na siya! Ayan na siya!!!"

Itinulak kaagad ni Yixing si Baekhyun nang makita niyang bumababa na si Chanyeol ng hagdan. Nagulat naman si Baekhyun kaya nagtago kaagad siya sa ilalim ng sink habang yakap ang tuhod niya.

"Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun na parang iiyak na. "Ayoko na dito, hindi ako kumportable!"

"Tiisin mo lang! Teka, jan ka lang! Wag kang gagawa ng kahit anong ingay!" bulong ni Yixing tapos lumabas na siya ng CR at dumeretso kay Chanyeol.

"Ah, Chanyeol, may ginagawa ka ba?" tanong ni Yixing nang seryoso.

"Wala naman, bakit?"

Kumamot si Yixing sa ulo niya na parang may problema habang nakatingin lang si Chanyeol sa kanya. "Ano kasi eh, alam mo ba yung CR natin jan sa baba? Pundi na yung ilaw."

"Pundi na? Kakapalit mo lang last month ah?"

"Hah?" tanong ni Yixing na parang medyo naguluhan. "Ah! Oo! Oo tama, kakapalit ko lang. Kaso defective yata yung fluorescent lamp na nabili ko eh."

"Talaga? Tingnan ko nga," sabi ni Chanyeol sabay lakad papuntang CR. Palihim na ngumiti si Yixing.

Pinindot ni Chanyeol ang switch. On, off. On. Nagbukas ang ilaw. "Oh, okay naman ah? Alin ang sinasabi mong pundi?"

"Ah, try ko nga," sabi ni Yixing at siya naman ang nasa switch ngayon. "Pumasok ka muna sa loob ng CR tapos tingnan mo kung iilaw yung pangalawang flourescent lamp. Yan yata yung pundi."

Hindi naghihinalang pumasok si Chanyeol sa CR habang nakatingala sa ilaw sa ceiling. Nakita naman ni Baekhyun mula sa posisyon niya yung paa ni Chanyeol. Bigla siyang kinabahan.

Oh hindi! Sabi ko na nga ba, Yixing-hyung! Ikukulong mo kami sa CR!

"Hindi naman pundi, ano bang-- hoy!" sigaw ni Chanyeol nang biglang isara ni Yixing ang pinto ng CR sabay pindot ng lock. "Buksan mo tong pinto, Yixing! Ano ba!"

Tumawa lang si Yixing habang kinakalampag ni Chanyeol ang pinto. "Yixing! Buksan mo to! Isa!"

"Dalawa! Tatlo! Apat!" dugtong ni Yixing mula sa labas. "Jan ka muna, Chanyeol! Ayusin niyo ang problema niyo, pagkatapos tawagin niyo na lang ako pag okay na kayo!"

Narinig ni Chanyeol na naglakad na si Yixing palayo dahil tahimik na sa labas.

Anong sabi niya? Anong aayusin? Matapos niya akong ikulong dito nang mag-isa aalis na lang siya? Ugh. Ano bang nasa isip niya!?

Naglakad si Chanyeol sa may sink at tiningnan ang sarili niya sa salamin. Samantalang si Baekhyun naman, kinakabahan lang na nagtatago sa ilalim.

"Kailangan ko na yatang magshave," narinig ni Baekhyun na sabi ni Chanyeol.

Tiningnan ni Chanyeol ang sarii niya sa salamin habang hawak ang bibig niya. Biglang nagflashback sa isip niya yung scene sa kotse, kung saan niya hinalikan si Baekhyun habang tulog ito.

Umiling siya para mawala ang alaala sa isip niya sabay bukas ng gripo sa sink. Sinahod niya sa gripo ang dalawang palad niya tapos binasa niya ang mukha niya.

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sa salamin, nag-echo ang boses niya sa loob ng CR.

Napatakip naman ng bibig si Baekhyun sa sobrang kaba habang nagtatago sa ilalim. Alam na ba niyang nandito ako? Tinawag niya ako. Anong gagawin ko? Nahuli na ba ako?

"Bakit ayaw mong umalis sa isip ko," dugtong ni Chanyeol habang kausap pa rin ang sarili sa salamin.

Nanlaki ang mata ni Baekhyun nang marinig niya ang sinabi ni Chanyeol, nakatakip pa rin siya ng bibig niya at sobrang bilis ng heartbeat niya. Tama ba yung narinig ko? S-sinabi ba talaga niya yun?

Yumuko si Chanyeol habang nakahawak sa gilid ng sink nang may bigla siyang nakitang isang paa sa tiles. Bigla siyang nagulat, napaatras siya at napasigaw dahil sa pagkabigla kung bakit may naliligaw na paa sa sahig.

"SHIT!" sigaw ni Chanyeol kaya naman nagulat si Baekhyun sa pwesto niya.

"#$&@%!!!" mura ni Chanyeol nang nakita niyang gumalaw bigla yung paa, kaya naglakad siya palayo sa sink habang nakahawak sa may puso niya.

Umatras siya at sumandal sa pader para pakalmahin ang sarili niya. Teka. Parang kakaiba.

Napansin ni Chanyeol na hindi pala paa ng multo ang nakita niya, kundi paa pala ng tao.

Paa ni Baekhyun.

"Baekhyun!" sigaw ni Chanyeol nang pagalit. "Ano bang ginagawa mo jan! Tinakot mo ako!"

"Sorry Chanyeol," sabi ni Baekhyun na parang iiyak na. "Hindi ko sinasadyang takutin ka. Sabi kasi ni Yixing-hyung, magtago raw ako dito."

"Ugh, Yixing," bulong ni Chanyeol nang naiinis habang nakalagay sa noo niya ang isang niyang kamay. Tumingin na siya kay Baekhyun pagkatapos, na ngayon ay nasa ilalim pa rin.

"Wala ka bang balak lumabas jan?"

"Yung paa ko," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot sabay turo sa paa niya. "Namanhid na. Hindi ko na maiglaw."

Bumuntong hininga si Chanyeol bago siya lumapit kay Baekhyun. Inistretch niya ang kamay niya kay Baekhyun kaya tumingala naman si Baekhyun na parang nagtataka.

"Halika na, aalalayan kitang tumayo," sabi ni Chanyeol. "Kunin mo yung kamay ko."

Tumango si Baekhyun at hinawakan niya ang kamay ni Chanyeol. Hinila siya ni Chanyeol nang dahan dahan paalis sa sulok. Nang makatayo si Baekhyun, naramdaman niyang parang may karayom na tumutusok sa talampakan niya kaya napahawak siya sa braso ni Chanyeol habang nakapikit sa sakit.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Chanyeol habang inaalalayan niya si Baekhyun na makaupo sa tiles sa tabi ng toiletries. Umupo si Chanyeol sa tabi ni Baekhyun.

"Y-yung paa ko kasi," sabi ni Baekhyun nang nakasimangot. "Nagwawala na yung mga dugo sa loob!"

Natawa si Chanyeol, mahina lang, at hindi bingi si Baekhyun para di niya mapalampas yun. Dumilat siya at nakita niya si Chanyeol na nakayuko habang nakangiti. Ngumingiti ba si Chanyeol dahil sakin?

"Akin na nga yang paa mo," sabi ni Chanyeol sabay kuha sa paa ni Baekhyun. Pinatong niya ito sa lap niya kaya nagulat si Baekhyun.

"A-anong... gagawin mo?"

Tahimik na tinanggal ni Chanyeol ang slipper ni Baekhyun tapos dahan dahan niyang minassage ang talampakan ni Baekhyun. Hinilot niya gamit ang thumb niya yung sakong ni Baekhyun.

Nakatitig lang si Baekhyun. Gusto man niyang alisin ang paa niya, nakakapit ang isang kamay ni Chanyeol dito at napakabastos naman niya kung sisipain niya si Chanyeol sa mukha, kaya hinayaan na lang niya si Chanyeol.

Isa pa, masarap sa pakiramdam ang mainit na kamay ni Chanyeol sa paa niya. Unti-unti nang nawawala ang pangingimay ng paa niya.

Katahimikan. Pakiramdam ni Baekhyun mabibingi na siya, kaya hindi niya napigilang magsalita na at kausapin na si Chanyeol ngayon.

"Galit ka pa ba sakin, Chanyeol?" marahang tanong ni Baekhyun.

Walang imik si Chanyeol, tuloy lang sa ginagawa niya.

"Sorry," sabi ni Baekhyun. "Kung hindi ako mawala sa isip mo."

Napatigil bigla sa ginagawa niya si Chanyeol at tumunghay siya para makita si Baekhyun. Bigla siyang kinabahan. Magsasalita na dapat siya nang nagsalita ulit si Baekhyun.

"Sa sobrang inis mo siguro sakin, palagi mo akong naiisip kaya lalo ka lang naiinis. Sorry, kasalanan ko naman kasi eh. Kung sana hindi ko sinabi sayong gusto kita, hindi ka sana naiirita ngayon."

Bumuntong hininga na lang si Chanyeol at umirap. "Buti naman at alam mong ikaw ang may kasalanan."

"Kaya nga nagsosorry na ako sayo eh... Pwede bang," sabi ni Baekhyun nang nakayuko. "Wag mo na akong iwasan? Pwede bang maging okay na tayo?"

"Sa isang kundisyon," sabi ni Chanyeol kaya naman nagliwanag bigla ang mukha ni Baekhyun.

"Anong kundisyon? Kahit ano gagawin ko!"

"Pangitiin mo ako," sabi ni Chanyeol. "Tumayo ka sa harap ko tapos gumawa ka ng kahit ano. Pag ngumiti ako sayo, o natawa ako sayo, bati na tayo."

"Hindi naman ako entertainer o stand up comedian," sabi ni Baekhyun nang nakapout. "Papano ko naman gagawin yun? Pagmumukhain mo lang akong kahiya-hiya."

"Gusto mo bang patawarin kita o ano?"

"G-gusto ko, pero--"

"Oh yun naman pala eh. Edi gawin mo na yung pinapagawa ko."

Tumayo si Baekhyun sa harap ni Chanyeol, magaling na ang paa niya, habang nakatingin lang si Chanyeol sa kanya na parang bored na bored.

"Magsimula ka na," utos ni Chanyeol.

Pakiramdam ni Baekhyun maraming taong nakatingin sa kanya ngayon kahit si Chanyeol lang ang nanonood sa kanya. Gusto na niyang maglaho na lang ulit para hindi na mapunta sa kahiya-hiyang sitwasyon na to.

"Ehem," sabi ni Baekhyun habang nakangiti. "Tower ka ba?"

Tumaas ang kilay ni Chanyeol. "At ano namang kalokohan yan?"

"Sabihin mo, bakit!"

"Fine." Umirap si Chanyeol. "Bakit?"

"Kasi," sabi ni Baekhyun habang pinipigilan niyang huwag mamula. "Kasi Eiffel (I fell) for you."

Nakatitig lang si Chanyeol kay Baekhyun, walang reaksyon, walang emosyon, hindi kumukurap. Nakatitig lang din si Baekhyun, kinakabahan.

"Yun na yon?"

"Sorry na. Hindi mo ba nagets?" sabi ni Baekhyun nang nahihiya.

"Hindi ko nagets," sabi ni Chanyeol nang nakapokerface.

"Uhm, okay. Uhm. Gusto mo bang mag-aegyo na lang ako?"

"Bahala ka. Mag-aegyo ka kung gusto mo."

Nag-aegyo si Baekhyun. Nakatingin lang si Chanyeol.

Nilagay ni Baekhyun yung kamay niya sa pisngi niya at nagbuing-buing siya tapos nagpeace sign siya sabay wink.

Nakatitig lang si Chanyeol.

"Chan-Yeol-Oppa!"

Nanlaki bigla ang mata ni Chanyeol.

"Yah! CHAN-YEOL-OPPA!!!"

Shit. Ano bang ginagawa mo, Baekhyun!?

"Patawarin mo na ako, please?" sabi ni Baekhyun sa pinakacute niyang boses habang nagpapuppy eyes sa harap ni Chanyeol. "PLEASE!?"

Nakatitig pa rin si Chanyeol.

"Uuuuyyy! Tatawa na yan! Yeee! Tatawa na yan!"

"Pfft."

At napangiti na si Chanyeol. Hindi na niya napigilan.

Ngumiti rin si Baekhyun nang malapad.

"Nakangiti ka! Ha! Nakita ko!" sigaw ni Baekhyun habang nakaturo sa mukha ni Chanyeol. "Haha! Nagsmile ka! Wag mo nang itanggi!"

Tinakpan ni Chanyeol ang mukha niya ng dalawa niyang palad na parang nahihiya "Ugh, ano ba."

"Hah! Panalo ako! Okay na tayo!"

"Oo na," sabi ni Chanyeol nang nakangiti pa rin. "Panalo ka na, Baekhyun."

Nilahad ni Chanyeol ang kamay niya kay Baekhyun tapos kinuha naman ito ni Baekhyun para alalayan si Chanyeol patayo.

Mayamaya, bumukas na ang pinto ng CR habang nasa labas si Yixing at nakangiti nang makahulugan.

"Oh, labas na labas na," sabi ni Yixing. "Baka kung ano pang gawin niyo. Labas na."

Namula si Baekhyun at nagmadaling lumabas. Sumunod si Chanyeol kay Baekhyun habang nakatingin lang siya kay Yixing.

"Gusto kitang suntukin dahil sa ginawa mo," bulong ni Chanyeol. "Pero palalampasin ko to, tandaan mo yan, Yixing."

"Sus, ayaw na lang magpasalamat eh. Ang dami pang pananakot," sabi ni Yixing.

Natawa na lang si Chanyeol at pinasalamatan si Yixing isip niya. Tiningnan niya si Baekhyun na ngayon ay nakaupo sa couch habang nakangiti nang malapad sa TV.

"Eiffel for you pala ha? Tss," bulong ni Chanyeol sa sarili niya habang umiiling.

Eiffel... for you, too?

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro