CHAPTER 17 Part 2
*
17.2
"Gusto rin kita," sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya nang seryoso kay Sehun. Huminga siya nang malalim. "Gustong gusto rin kita, Sehun."
"Pero hindi sa ganung paraan..." dugtong ni Sehun na parang alam na niya ang sasabihin ni Baekhyun sa kanya.
"Sehun, sorry. Hindi kita kayang magustuhan nang higit pa dun."
"Dahil kay hyung, tama? Si Chanyeol-hyung ang gusto mo?"
Yumuko si Baekhyun habang nilalaro ang kamay sa lap niya tapos tumango siya nang dahan dahan.
"Oo..."
"Sabi ko na nga ba," bulong ni Sehun sa sarili niya pero narinig siya ni Baekhyun. "Bakit kasi hindi na lang ako..."
"Sehun, alam kong masakit pero, pero sana wag mo akong iwasan. Nasasaktan rin ako sa ginagawa mo. Hindi na ako makatulog kakaisip sayo. Nag-aalala ako sayo dahil mahalaga ka sakin," sabi ni Baekhyun. "P-please, bumalik ka na sakin. A-ayoko ng ganito tayo. Namimiss ko na si Sehun. Namimiss ko na... ang baby ko."
Tumingin si Sehun kay Baekhyun na ngayon ay umiiyak-- umiiyak siya?! Nabigla si Sehun dahil ngayon lang niya nakitang umiyak si Baekhyun... at nang dahil pa sa kanya.
"Ugh, ano ba tong pesteng luhang to," sabi ni Baekhyun habang kinukusot ang mata niya. "Ayaw tumigil, nakakinis!"
Pinunasan ni Baekhyun ang luha niya gamit ang sleeve ng suot niyang uniform habang nakatingin lang si Sehun sa kanya, pero sa loob loob ni Sehun, nagpapanic na siya at hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin.
"Nakakahiya, hindi dapat ako umiiyak sa harap mo."
Lumapit si Sehun kay Baekhyun at tinanggal niya ang pekeng salamin ni Baekhyun sa mata. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya tapos pinunasan niya ang luha ni Baekhyun sa pisngi nito nang dahan dahan.
Nakatingin lang si Baekhyun sa mukha ni Sehun at natahimik na lang siya, dahil hindi niya alam kung makakatulong ba kapag nagsalita ulit siya.
"Wag ka nang umiyak," sabi ni Sehun. "Hindi bagay sayo ang umiiyak I'm sorry, tumahan ka na."
Pagkatapos niyang punasan ang luha ni Baekhyun na ngayon ay tuyo na, hinawakan niya nang dalawa niyang kamay ang mukha ni Baekhyun tapos tumingin siya sa mata nito na parang nagpapaalam.
Nakatingin lang din si Baekhyun kay Sehun, at hindi niya tinulak si Sehun nang lumapit ang mukha nito sa mukha niya para halikan siya. Sa labi.
Pumikit si Baekhyun. Nakapikit lang siya nang dumampi ang lips ni Sehun sa lips niya. Naramdaman ni Baekhyun na hinawakan ni Sehun ang pisngi niya habang nakadikit pa rin ang lips ni Sehun sa lips niya.
At hinalikan na ni Sehun si Baekhyun, maingat at mabagal na parang sobrang natatakot siya na baka mabasag si Baekhyun sa ginagawa niya.
Pakiramdam ni Sehun sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng heartbeat niya. First time niyang humalik, at si Baekhyun ang first kiss niya.
Pero hindi nagrespond si Baekhyun sa kiss ni Sehun.
Humiwalay na si Sehun pagkatapos ng ilang segundo, at huminga siya nang malalim bago niya sabihin kay Baekhyun ang matagal na niyang gustong sabihin.
"I love you, Baekhyun."
Bumuka ang bibig ni Baekhyun para magsalita pero mahinang 'Sehun' lang ang nasabi niya.
"Sorry... dahil kiniss kita," sabi ni Sehun nang namumula at kinakabahan. "Alam ko na ang isasagot mo," sabi niya nang nakangiti, pero nasasaktan at malungkot ang mga mata niya. "Please, wag ka nang magsalita dahil hindi mo na kailangang sabihin sakin."
"Sehun..."
"Gusto ko lang maging honest sayo at sabihin sayo yung feelings ko, na hindi ko masabi kaya umiiwas ako. Pero ngayong nasabi ko na," sabi ni Sehun habang nakatingin kay Baekhyun. "Hindi na ako iiwas."
Bumuntong hininga si Baekhyun na parang nakahinga na siya nang maluwag. "Salamat," sabi niya. "Thank you, Sehun."
Tumayo si Baekhyun at niyakap niya si Sehun na nakaupo kapantay ng waist niya. Hinapos niya ang buhok ni Sehun habang niyayakap niya ito, at niyakap rin ni Sehun si Baekhyun pabalik.
"Okay na ba tayo?" tanong ni Baekhyun habang nakasilip sa mukha ni Sehun at nakapatong ang kamay niya sa balikat nito.
"Basta ako lang," sabi ni Sehun nang nakapout, "...dapat ang baby mo."
Ngumiti naman si Baekhyun. "Ikaw lang at wala nang iba," sabi niya habang hinahaplos ang likod ni Sehun.
"Wala akong pake kung gusto mo si Chanyeol-hyung," sabi ni Sehun nang mahina pero dinig siya ni Baekhyun. "Bahala ka na sa buhay mo. Matanda ka na. Wala na akong pakealam sa inyo. Magsama kayo. Bahala kayo."
Hindi alam ni Baekhyun kung pinapayagan ba siya ni Sehun sa sinabi nito o hindi, pero masaya siyang marinig yun mula kay Sehun kaya tinago na lang niya ang ngiti niya sa loob loob niya.
"Wag mo na lang... sabihin kay hyung na kiniss kita," sabi ni Sehun habang nakatingin sa ibang direksyon. "Baka magalit siya sakin."
"Sehun, hindi siya magagalit sayo dahil hindi naman niya ako gusto. Tara na nga," sabi ni Baekhyun sabay kuha ng bag niya (na kay Sehun talaga) na walang laman. "Malelate na tayo sa next class."
"Baekhyun," sabi ni Sehun habang tinitingnan si Baekhyun mula ulo hanggang paa. "Bagay sayo ang uniform na yan. Sobrang cute mong tingnan."
Namula si Baekhyun sa sinabi ni Sehun habang awkward na nakatayo sa harap nito. "Hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa sunbae mo," sabi ni Baekhyun nang pabiro.
"Sana talaga ganyan ka na lang. Sana kasing edad kita baka sakaling may pag-asa ako sayo."
"Aigoo," sabi ni Baekhyun habang nakangiti nang malapad. "Isipin mo na lang na magkasing-edad lang tayo ngayong araw. Kunwari kaklase mo ako. Halika na, malelate na tayo sa Math."
Hinila ni Baekhyun si Sehun sa wrist habang palabas sila ng library. Inayos naman ni Sehun yung kamay ni Baekhyun sa kamay niya para nakaintertwine ang mga daliri nila.
Pag labas nila ng library, pinagtitnginan sila ng mga estudyante, mga fangirls at fanboys ni Sehun habang nagtataka at naiinis kung bakit may makapal na mukhang freshman na nagtangkang lumapit kay Park Sehun at hawak pa ang kamay nito.
"Sehun! Baekhyun-hyung!" tawag ni Jongin habang nakangiti nang malapad. Tumigil siya sa tapat nilang dalawa. "Mukhang bati na kayo ah!"
Ngumiti si Baekhyun at tumango na parang matatanggal na ang ulo niya. Umirap lang si Sehun.
"Tara, mag lunch muna tayo kahit medyo late na," sabi ni Jongin habang nakaakbay kay Sehun at Baekhyun na parang barkada niya ang dalawa.
"Gusto ko yan!" sabi ni Baekhyun. "Ilang taon na rin ang nakalipas mula nung huli akong kumain sa canteen! Gusto ko ulit maranasan yun! Teka, may ice cream bang tinda ang canteen niyo?"
"Oo naman, Baekhyun-hyung. 365 flavors pa," sagot ni Jongin sa excited na si Baekhyun.
Natawa na lang si Sehun. Hindi niya alam kung bakit niya ba nagustuhan si Baekhyun, ewan. Minsan talaga iniisip niya kung twenty three na ba talaga si Baekhyun o twelve years old na nagpapanggap lang na maging matanda para magkatrabaho.
*
"Ayos ba?" bulong ni Yixing kay Baekhyun pag dating nila ni Sehun sa bahay galing school. "Ang galing ng plano ko, diba?"
"Ayos na ayos," sagot ni Baekhyun na may kasamang kindat.
"Nandito na kami," bati ni Sehun na kasunod lang ni Baekhyun matapos niyang magpalit ng shoes sa doorstep.
Pagkababa ni Chanyeol galing second floor, nakakita siya ng dalawang nakablue na coat sa living room nila. Sigurado siyang si Sehun yung isa, pero yung isang nakatalikod, sino yun?
"Hyung," bati ni Sehun sa hyung niya at pinat naman ni Chanyeol ang buhok ng kapatid niya.
"Sino yang kasama mo, Sehun? Bago mong kaibigan?"
"Oo, bago kong kaibigan," sabi ni Sehun nang nakangiti habang walang kamalay-malay si Baekhyun sa paligid niya dahil busy siya sa pagtatanggal ng sintas ng sapatos niya.
"Himala, hindi ka naman nagdadala ng kaibigan dito bukod kay Jongin," sabi ni Chanyeol. "Anong pangalan niya?"
"Hoy," sabi ni Sehun sabay sipa sa pwet ni Baekhyun. "Tinatanong ng hyung ko kung ano raw pangalan mo."
Lumingon si Baekhyun at tumunghay para makita niya ang mukha ni Chanyeol. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya na parang naiinis, nagagalit, at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nagpout si Baekhyun.
Lalong kumunot ang noo ni Chanyeol sabay walk out nang di man lang kinakausap si Baekhyun.
"Galit pa rin sakin ang hyung mo," sabi ni Baekhyun. "Hay. Ano bang gagawin ko."
Sumimangot lang si Sehun. "Bahala ka sa buhay mo. Buhay mo yan."
"Hindi siya tinablan ng charms mo nang nakauniform Baekhyun," sabi ni Yixing. "Mabuti pa magbihis ka na."
Tumango si Baekhyun habang umaakyat at sinusundan si Sehun papunta sa kwarto.
"Wag ka nang malungkot," sabi ni Sehun kay Baekhyun. "Manood na lang tayo ng paborito kong movie."
"Pero ilang beses na nating pinanood ang Frozen!" reklamo ni Baekhyun habang pumapasok sa loob ng kwarto ni Sehun.
"Insidious na lang kung gusto mo," sabi ni Sehun habang sumusunod kay Baekhyun sa loob.
"Ayoko! Ayoko ng horror alam mo naman yun diba?"
"Uhm, Twilight?"
Nakasilip lang si Chanyeol sa pinto ng kwarto niya habang nakikinig sa pagtatalo ni Sehun at Baekhyun tungkol sa movie na papanoorin nila.
So magkaayos na pala sila. Mabuti naman kung ganun. Masaya ako at bati na kayo.
Lumabas si Baekhyun para isara ang nakabukas na pinto ng kwarto ni Sehun nang nakita niyang nakasiip si Chanyeol mula sa kwarto nito at nakatingin sa kanya.
Nagulat si Baekhyun. Tumingin rin siya kay Chanyeol na para bang sobrang daming emosyon sa mata niya at marami siyang gustong sabihin. Bumuka ang bibig niya para tawagin si Chanyeol pero huli na siya dahil naisara na ni Chanyeol ang pinto.
"Baekhyun, tara na! Magsisimula na!" narinig ni Chanyeol na sigaw ni Sehun.
"Oo nanjan na! Twilight ba yan o horror?" sabi naman ni Baekhyun.
"Frozen!" sagot ni Sehun.
Sinandal na lang ni Chanyeol ang noo niya sa pinto habang nakapikit, sinusubukang kalimutan at alisin ang mukha ni Baekhyun na kahit anong gawin niya ay hindi mawala-wala sa isip niya.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro