Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17 Part 1


*

17.1

Binuksan ni Yixing ang TV matapos niyang umupo sa couch kung saan kanina pa nakadapa si Baekhyun na parang lantang gulay na tinakasan ng kaluluwa. Silang dalawa lang ang nasa bahay ngayon dahil nasa office si Chanyeol at nasa school naman si Sehun.

"Yixing-hyung," ungol ni Baekhyun habang nakasubsob ang mukha sa couch. "Hyuuung!"

"Ano?!" tanong ni Yixing habang nginguya ang popcorn niya. "Alisin mo nga yang mukha mo jan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

"Yixing-hyung," sabi ni Baekhyun na ngayon ay nakatunghay na kay Yixing habang nakasimangot.

"Anong-- anong nangyari jan sa mata mo!? Ang itim at ang laki ng eyebags mo!" sigaw ni Yixing nang pagulat habang nakatingin kay Baekhyun.

"Hyung, ano bang gagawin ko? Galit sakin si Chanyeol at iniiwasan naman ako ni Sehun," sabi ni Baekhyun. "Tulungan mo naman ako."

"Hay. Ano bang maitutulong ko? Bakit kasi ang haba ng buhok mo?"

"Huh? Mahaba ba ang buhok ko?" tanong ni Baekhyun habang kinakapa ang buhok niya. "Maiksi naman ang buhok ko ah? Actually, dinye ko pa nga to ng black kasi blonde to dati."

Umirap si Yixing. "Slow. Psh."

"Bakit ba pinag-uusapan natin ang buhok ko? Hindi buhok ko ang problema dito! Ano ba yan hyung wala ka namang kwenta eh."

"Ako pa ngayon ang walang kwenta? Sino kaya dito ngayon ang kaaway ni Chanyeol at Sehun? Ako ba?"

"Pinaalala mo pa talaga," sabi ni Baekhyun sabay gapang sa couch at higa sa lap ni Yixing. "Hindi ako makatulog kakaisip kung ano bang gagawin ko. Umiiwas si Sehun sakin at kakausapin lang ako kung may kailangan. Tapos si Chanyeol," napatigil si Baekhyun.

"Bakit si Chanyeol?"

"Si Chanyeol. Hindi na niya ako kahit kelan kinausap simula nung..."

"Simula nung?"

Umiwas ng tingin si Baekhyun. "Simula nung sinabi kong gusto ko siya."

"Ah. K."

". . ."

"HA??!!"

"Hyung--"

"ANONG-- TEKA ANONG SINABI MO KAY CHANYEOL?!!!!"

"Sinabi kong gusto ko siya pero--"

Tinulak ni Yixing si Baekhyun kaya napabangon si Baekhyun sa pagkakahiga. Nakamulaga lang si Yixing kay Baekhyun habang umiiling.

"Yixing-hyung," malungkot na sabi ni Baekhyun. "Alam ko, oo na, mali na ako. Ang tanga tanga ko. Dapat hindi ko na sinabi yun. Dapat tinago ko na lang. Sige pwede mo na akong suntukin."

Bumuntong hininga na lang si Yixing. "Kaya pala kakaiba ang kinikilos ni Chanyeol. Alam mo Baekhyun, ugh, pahirap ka talaga sa buhay. Minsan hindi mo iniisip ang mga sinasabi mo."

Sinuntok ni Yixing si Baekhyun sa mukha pero mahina lang. Nagpout na lang si Baekhyun.

"Sana ako na lang yung nagustuhan mo. Hindi pa kita irereject," biro ni Yixing. "Hindi ka pa nahirapan."

"Sana nga ikaw na lang," sabi ni Baekhyun nang seryoso. Napataas lang ng kilay si Yixing habang inilalayo si Baekhyun sa kanya.

"N-nagbibiro lang ako, okay? Hindi na ako makikiagaw kay Sehun sayo."

"Alam ko naman yun," sabi ni Baekhyun habang nakayakap sa unan. "Pero seryoso, ano bang gagawin ko kay Sehun, Yixing-hyung."

"Edi mag-usap kayo. Magsorry ka sa ginawa mo tapos sabihin mo sa kanya yung totoo."

"Gusto ko siyang kausapin kaso natatakot ako na baka may masabi akong makakasakit sa kanya. Saka iniiwasan nga niya ako diba. Ang aga niya rin laging matulog para di na kami makapag-usap at makauwi na ako agad. Papano ko naman siya makakausap pag ganun?"

"Kung matatakot ka wala kang mararating," sabi ni Yixing. "Ang dami mong dahilan. Kung gusto mo siyang kausapin, puntahan mo siya sa school niya. Ayun, makakusap mo na siya at wala na siyang takas sayo dahil nandun ka na."

"Hindi naman sila nagpapapasok ng hindi estudyante dun eh, pano ako makakapasok!?"

"Wag kang mag-alala," sabi ni Yixing. "May plano ako. Tara, sundan mo ako."

*

"Kailangan ko ba talagang... isuot to!?" tanong ni Baekhyun habang inaadjust ang tie niya. "Hindi ba parang masyado na akong matanda para sa high school uniform!? Ugh, ano ba to. Ang kati naman!"

"Wag ka ngang magulo! Oh, isuot mo!" sigaw ni Yixing habang isinusuot kay Baekhyun ang pekeng eyeglasses na wala namang grado. "Ayan! Mukha ka nang estudyante!"

Inayos ni Yixing ang tie ni Baekhyun na parang proud na nanay na ihinahanda ang anak niya sa first day of school. Nakasimangot lang si Baekhyun habang kinakamot ang siko niya sa loob ng white long sleeves niya na hula ni Baekhyun ay kay Sehun nung freshman pa siya.

"Aigoo! Ang cute mo, Baekhyun! Ganito pala ang itsura mo nung high school ka. Mukha ka nang eighteen," sabi ni Yixing sabay kurot sa cheeks ni Baekhyun. Umirap lang si Baekhyun.

"So ang gagawin ko lang, papasok ako sa school ni Sehun, magpapanggap na estudyante tapos pag lunch na, kukunin ko siya, dadalhin ko sa kung saan at kakausapin ko na siya. Tama ba?"

"Buti naman at nakikinig ka, tama. Ganun nga ang gagawin mo," sabi ni Yixing. Kinuha niya ang extrang bag ni Sehun na walang laman tapos ipinasuot niya sa likod ni Baekhyun.

"Ano, ready ka na ba sa first day of school mo?"

"Sa totoo lang kinakabahan akong pumasok, baka mahuli ako," sabi ni Baekhyun. "Pero para kay Sehun. Para kay Sehun gagawin ko to."

"Tama, Baekhyun. Ganyan nga. Fighting," sabi ni Yixing habang nakaclench fist.

"Fighting," sabi ni Baekhyun habang nakaclench fist rin.

"Pero-- awww ang cute mo talaga!"

"Ugh, hyung ano ba, please. Nakakahiya na."

*

Nakayuko lang si Baekhyun habang naglalakad sa hallway. Buti na lang walang teacher na nakahalata na hindi talaga ako estudyante dito. Buti na lang maliit ako, may silbi rin pala to.

Pumasok sa canteen si Baekhyun at nakita niyang sobrang daming estudyante ang kumakain.

Papano ko naman malalaman kung sino si Sehun sa kanila? Si Sehun ba yun? Pero bat parang ang taba naman. Teka, si Sehun yata yun, ay hindi. Masyadong maitim. Teka parang si-- tama, siya nga!

"Jongin!" sigaw ni Baekhyun sa loob ng canteen at napalingon naman si Jongin, hinahanap kung sino bang tumawag sa kanya. Nang hindi niya makita, naglakad na lang ulit siya.

"Jongin!" tawag ulit ni Baekhyun tapos tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ni Jongin.

"Jongin!" sabi ni Baekhyun habang hinihigal ngayong nasa harap na siya ni Jongin. Nakatingin lang si Jongin sa kanya.

"Uhm, ikaw ba yung tumatawag sakin?"

"Oo ako nga," sabi ni Baekhyun. "Nakita mo ba si Sehun? Kailangan kong makausap si Sehun."

"Teka, kilala ba kita? Kilala ka ba ni Sehun?" sabi ni Jongin nang nakataas ang kilay. "Fanboy ka ba niya? First year ka ba ha, ngayon lang kita nakita dito ah? At dapat gumalang ka man lang sa sunbae mo!"

Hinila ni Baekhyun si Jongin sa gilid kaya nagulat si Jongin. "Hoy! Ano ba!"

Tinanggal ni Baekhyun ang nerdy glasses niya at ginulo niya ang buhok niya habang nakatingin lang siya kay Jongin.

"Ano?! Sasabihin mo na ba sakin kung nasan si Sehun?!"

"Wha-- oh my god, Baekhyun-hyung! Ikaw ba yan-- wait, bakit ganyan-- pano ka-- sorry! Sorry sinigawan kita kanina! Hindi ko naman alam na ikaw pala yan!"

"Oo ako nga to, so nasaan--"

"Teka, kailan ka pa nagtransfer dito? Kaklase ka ba namin?!"

"Hindi ako nagtransfer, Jongin," sabi ni Baekhyun na parang pagod na pagod na. "Disguise ko lang to."

"Ah ganun ba, sayang naman."

"So, nasan pala si Sehun? Pumunta ako dito nang nakaganito dahil gusto ko siyang makausap."

"Hay, nasa library siya," sabi ni Jongin nang malungkot. "Pati nga ako ayaw niyang kausapin eh. Laging tahimik, malalim ang iniisip. Hay, ewan. Masama siguro talaga ang loob niya."

"Sorry, dahil sakin nadadamay ka pa."

"Okay lang. Sana magkaayos na kayo. Ilang araw na siyang ganun eh," sabi ni Jongin. "Tara, ihahatid kita sa library."

*

Ang huling nakita ni Sehun bago siya pumikit at nakatulog sa library ay yung bintana at yung malaking branch ng puno sa labas ng bintana, hindi mukha ng isang lalaking nakatitig ngayon sa kanya habang nakahiga ang ulo sa ibabaw ng lamesa.

Kumurap si Sehun at siningkit niya ang mata niya para kilalanin kung sino ba tong estudyanteng nakatitig sa kanya ngayon nang sobrang lapit na akala mo naman hahalikan-- teka, parang pamilyar ang mata niya. Hindi ako nagkakamali, ikaw si--

"B-baekhyun?"

"Sehun," sabi ni Baekhyun na parang nagmamakaawa. "Mag-usap tayo, please."

Bumangon at tumayo kaagad si Sehun na parang may sunog at nagmadaling kinuha ang bag niya, pero nahawakan agad ni Baekhyun ang braso niya.

"Wag mo akong iwasan, dito ka lang."

"H-hindi kita iniiwasan," palusot ni Sehun. "Ano, may usapan kami ni Jongin, pupuntahan ko siya."

"Kasama ko si Jongin kanina," sabi ni Baekhyun habang hawak pa rin ang braso ni Sehun. "Wala siyang nasabing may usapan kayo."

"Uhm, ano, may klase ako."

"Wala kang klase ngayon, mamaya pa," sabi ni Baekhyun. "Sehun, wag mo na akong iwasan. Please."

Tinanggal ni Sehun ang kamay ni Baekhyun sa braso niya at akmang aalis na, pero tumayo si Baekhyun at niyakap niya si Sehun sa likod tapos nilock niya yung dalawang kamay niya sa tyan ni Sehun para hindi ito makaalis. Napatigil si Sehun dahil sa backhug ni Baekhyun sa kanya.

"Sehun, dito ko lang. Wag kang aalis," sabi ni Baekhyun. "Pag umalis ka, hindi ko na alam ang gagawin ko para makausap ka. Please dito ka lang. Please."

Dahan dahang niluwangan ni Baekhyun ang yakap niya nang naramdaman niyang gumalaw si Sehun at humarap ito sa kanya. Tiningnan ni Sehun ang babysitter niya na ngayon ay nakatingin sa kanya na parang maiiyak na, at hindi naman kahit kailan matitiis ni Sehun si Baekhyun kaya tumango na rin siya at umupo sa upuan nang tahimik.

"Nung nagwalk out ako nung nag-usap tayo, I'm sorry dahil pinipilit kitang sabihin yung problema mo. I'm sorry, kasi dahil sakin... Dahil sakin nasasaktan ka. Hindi ko alam na ganun yung nararamdaman mo at, sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi dahil sakin kaya ka nagkakaganyan."

"Wag kang magsorry, wag mong sisihin ang sarili mo," sabi ni Sehun nang di nakatingin kay Baekhyun. "Nasasaktan ako lalo pag nagsosorry ka."

"Sehun--"

"Baekhyun," huminga nang malalim si Sehun. "Alam mong gusto kita. At sasabihin ko ulit sayong gustong gusto talaga kita, na naiinis na rin ako sa sarili ko dahil palagi kitang iniisip, na kahit iniiwasan kita, ikaw pa rin yung hinahanap ko. Ano bang ginawa mo sakin at bakit ako nagkakaganito? Bakit ba kita gusto?"

Hinawakan ni Baekhyun ang chin ni Sehun at inangat ito para makita niya ang mga mata ni Sehun.

"Gusto rin kita," sabi ni Baekhyun habang nakatingin siya nang seryoso kay Sehun. Huminga siya nang malalim. "Gustong gusto rin kita, Sehun."

Walang reaksyon si Sehun. Nakatitig lang siya kay Baekhyun na parang nabingi na dahil sa lakas ng heartbeat sa dibdib niya.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro