CHAPTER 16
*
16
Nakatingin lang si Sehun sa kanya.
Minsan tumatango, minsan ngumingiti at minsan sumasagot ng 'ah ganun ba' sa pagkukwento ni Baekhyun sa kanya habang nasa bubbletea shop sila.
Hindi na nga maintindihan ni Sehun ang sinasabi ni Baekhyun dahil busy siya sa panonood kung pano gumalaw ang bibig ni Baekhyun at pano lumaki ang mata nito habang nagsasalita. Nakakatuwa kang tingnan.
"Sehun, inumin mo na yung bubbletea mo! Baka gusto mong kunin ko yan?"
Aagawin na sana ni Baekhyun ang drink pero naisubo na agad ni Sehun ang straw ng bubbletea niya kaya tinanggal na ni Baekhyun ang kamay niya sa baso ng bubbletea.
Mayamaya ay may nagring, phone ni Baekhyun yun, dahil sigurado si Sehun na hindi SNSD's I Got a Boy ang ringtone niya.
Tiningnan muna ni Baekhyun ang screen ng phone niya bago niya sagutin ito, at nanonood lang si Sehun kung pano mukhang nagulat si Baekhyun nang makita ang pangalan ng tumawag. Umubo pa si Baekhyun at inayos ang bangs niya na akala mo naman makikita siya ng tao sa phone.
"Hello? Ako? Nasa bubbletea shop. Oo, kasama ko si Sehun," tumingin si Baekhyun kay Sehun, "Hindi kami magpapagabi! Oo na! Oo! Hindi ko iwawala ang kapatid mo!"
Nakatingin lang si Sehun kay Baekhyun. Iba ang itsura niya. Alam kong kahit sumisigaw siya, hindi naman siya galit. Mukha pa nga siyang masaya eh.
"Wag na, wag mo nang ipadala si Yixing. Oo nga, wala ka bang tiwala sakin? Tss," sabi ni Baekhyun habang umirap pero nakangiti naman. "Uuwi na kami. Okay. Bye."
"Si Chanyeol-hyung?" tanong ni Sehun kahit alam na naman niya ang sagot.
"Oo. Pinapauwi na tayo," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa labas ng shop. "Hindi ko napansing madilim na pala."
"Ako rin."
"Tara na?"
"Okay."
Lumabas na sila ng shop. Hawak ni Baekhyun ng isang kamay niya ang isang paperbag ng bubbletea, ganun din si Sehun. Sabay silang naglalakad sa gilid ng playground pauwi.
Tumingin si Baekhyun kay Sehun at napansin niyang malalim ang iniisip nito. Ano kayang problema niya. May sasabihin ba siya?
"Sehun?"
"Hmm?"
"Diba... may sinabi ka kanina bago tayo pumunta sa shop?"
Tumingin si Sehun sa babysitter niya, yung mukha niya, nag-eexpect.
"Yung sinabi ko, Baekhyun--"
"Yung sinabi mo, hindi ko kasi narinig nang maayos! Pano, may dumaang truck tapos ang ingay pa nung makina," sabi ni Baekhyun. "Ano ba yun? Tahimik na ngayon, pwede mo nang ulitin kung ano yung sinabi mo. Mukhang importante eh."
Umiwas na lang si Sehun ng tingin sabay buntonghininga. "Hindi naman yun importante. Wala yun. Kalimutan mo na lang."
"Sure ka? Baka kung ano na yun ha, tapos hindi mo sinasabi. May masakit ba sayo?"
Umiling si Sehun sabay ngiti. "Wala nga. Okay lang ako."
Tumango si Baekhyun pero hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Sehun.
Nilipat ni Sehun ang paperbag na hawak niya sa kaliwang kamay at inistrech niya naman yung kanang kamay niya, nakaibabaw yung palad niya na parang nanghihingi. Nakatingin lang si Baekhyun sa kamay niya.
Tumingin si Baekhyun sa mukha ni Sehun nang malaman niya kung anong gustong gawin ni Sehun ngayon.
"Gusto mong--" tanong ni Baekhyun.
Tumango lang si Sehun nang tahimik habang nakayuko at nakatingin sa kalasada.
Hindi nagsalita si Baekhyun nang ipatong niya yung kamay niya sa palad ni Sehun. Inintertwine ni Sehun ang mga daliri nilang dalawa sabay ngiti sa sarili niya.
Napangiti rin si Baekhyun at hinayaan na magholding hands sila habang naglalakad pauwi ng mansion.
Pero alam ni Baekhyun na may problema si Sehun na hindi niya sinasabi.
*
"Nandito na kami!" bati ni Baekhyun habang nagpapalit ng shoes sa doorstep. Nagpalit rin si Sehun ng slippers pangloob.
Sabay silang pumasok ni Baekhyun at nakita ni Sehun ang hyung niya sa living room na hindi nakatingin sa mukha nila, kundi dun sa kamay nila ni Baekhyun na magkaholding hands. Umiwas si Chanyeol ng tingin at tumingin na lang sa ibang direksyon.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Chanyeol nang medyo naiinis.
"Sorry," sabi ni Baekhyun na hindi naman sincere. Naramdaman ni Sehun na ihinihiwalay na ni Baekhyun ang kamay nilang magkahawak kaya kahit ayaw ni Sehun, binitawan na niya ang kamay ni Baekhyun.
Nang nakabitaw na si Sehun, pumunta agad si Baekhyun kay Chanyeol tapos inabot sa kanya ang paperbag ng bubbletea habang ang lapad ng ngiti niya.
"Dinalhan kita," sabi ni Baekhyun. "Kasi alam kong magagalit ka."
"Thank you," sabi ni Chanyeol sabay kuha sa paperbag. Umiwas siya ng tingin kay Baekhyun nang napansin niyang nakatitig si Sehun sa kanila.
"Umakyat na muna kayo," sabi ni Chanyeol kay Sehun. "Pagkatapos mong magbihis bumaba na kayo at magdidinner na tayo."
Tumango lang si Sehun sa hyung niya tapos umakyat na siya sa second floor habang nakasunod si Baekhyun sa kanya.
"May problema ka," sabi ni Baekhyun nang seryoso. "Hindi ka naman ganyan katahimik, Sehun."
"Wala akong problema," sagot ni Sehun habang naghuhubad ng uniform. Nakatalikod siya kay Baekhyun at nakatalikod rin si Baekhyun sa kanya habang nakaupo sa kama.
Nagbihis na si Sehun nang mabilis at lumabas ng kwarto nang di man lang nagsasalita kaya sumunod si Baekhyun sa kanya. Napatigil ng paglalakad si Sehun nang hawakan ni Baekhyun ang wrist niya at hilain siya sabay tulak sa pader.
"Sabihin mo," sabi ni Baekhyun nang sobrang seryoso na biglang kinabahan si Sehun dahil ngayon lang niya nakitang ganito si Baekhyun. "Ano bang problema mo?"
"W-wala," sabi ni Sehun at sinubukan niyang umalis pero tinulak ulit siya ni Baekhyun sa pader.
"Baekhyun, ano ba?"
"Bakit hindi mo sabihin sakin? Nag-aalala ako sayo, alam mo ba yun?"
"H-hindi naman mahalaga," sabi ni Sehun nang nakaiwas ang tingin. "Wag mo nang isipin yun."
"Bakit ba ayaw mong sabihin, Sehun? Ano bang-- ugh, ano bang hindi mo masabi, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?! Ha?"
"H-hindi sa ganun. Wag mo na kasi akong pilitin. Please."
"Fine," sabi ni Baekhyun sabay sampal sa noo niya. Tumingin siya kay Sehun na parang inis na inis, at alam ni Sehun na nagpipigil lang siya ng sarili para hindi na sila mag-away.
"Kung ayaw mong sabihin, bahala ka."
Nagwalk out si Baekhyun at iniwan si Sehun na nakatingin lang sa kanya habang umaalis siya.
*
Binuksan ni Baekhyun ang kwarto ni Sehun at nakita niya ang alaga niya na nakahiga na sa kama at nakaharap sa pader. Tulog na siguro siya.
Pumasok si Baekhyun at sinilip si Sehun. Nakita niyang nakapikit na si Sehun kaya inayos na lang niya ang kumot nito tapos lumabas na siya ng kwarto.
Pagkaalis niya, dumilat na si Sehun at tumitig lang sa ceiling. Narinig niya ang boses ni Baekhyun sa labas ng kwarto habang kausap ang hyung niya.
"Tulog na ba si Sehun?" Narinig ni Sehun na tanong ng hyung niya kay Baekhyun.
"Tulog na siya. Bakit?"
"So uuwi ka na?"
"Oo sana, may iuutos ka ba?"
"May bibilhin ako sa convinience store. Kung gusto mo, sumabay ka na sakin."
Bumangon si Sehun at sumandal sa kama niya habang nakatingin sa pinto at nakikinig sa usapan nila.
"Pag ba sumabay ako, may libre akong ice cream?"
Tumawa si Chanyeol. "Pag-iisipan ko pa."
"May isip ka ba?"
Tumawa ulit si Chanyeol. "Magiging head ba ako ng company kung wala akong isip? Ah, nga pala. Yung nanay mo, tumawag sakin."
"ANO?! TEKA BAKIT MAY NUMBER KA NG NANAY KO?"
"Ewan ko? Baka binigay mo?"
"Hindi ko natatandaang ginawa ko yun!"
"Joke lang. Binigay ko ang number ko sa nanay mo."
Namula si Baekhyun kaya yumuko na lang siya.
"A-ano bang sabi ng nanay ko sayo?"
"Tinatanong niya kung kamusta na si Baekkie. Kung kumakain ba si Baekkie. Kung okay lang ba si Baekkie. Kung masaya ba si Baekkie dito at kung kelan ulit uuwi si Baekkie."
Tinakpan ni Baekhyun ang mukha niyang namumula.
"Ahhhh! Nakakahiya! Tama na! Tama naaa!"
Natawa si Chanyeol. "Namumula ang mukha mo."
Humiga na lang ulit si Sehun sa kama niya at pinilit na matulog at wag pansinin ang tawanan ni Chanyeol at Baekhyun na nag-eecho kahit na nakababa na sila ng second floor.
*
"Nag-away ba kayo ni Sehun?" tanong ni Chanyeol habang nagdadrive kay Baekhyun na kumakain ng popsicle sa tabi niya.
"Ha?"
"Hindi kayo nag-iimikan kaninang kumakain tayo," sabi ni Chanyeol. "May problema ba?"
"Hindi ko alam. Ayaw niyang sabihin sakin. Tinatanong ko siya kung ano bang problema niya, ayaw naman niyang magsalita. Fine, kung ayaw niya edi wag. Babysitter lang naman niya ako. Ano bang karapatan kong makealam sa buhay niya?"
"Galit ka ba?"
"Hindi ako galit."
Tumahimik lang si Chanyeol habang nagdadrive kaya hindi na rin nagsalita si Baekhyun.
Nakarating na sila sa tapat ng apartment ni Baekhyun pero wala pa ring gumagalaw. Bababa na dapat si Baekhyun ng kotse pero tinawag siya ni Chanyeol kaya napatigil siya.
"Bakit?"
"Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayong wag mong sasaktan ang kapatid ko?"
Tumingin lang si Baekhyun kay Chanyeol at bigla niyang naalala yung sinabi ni Chanyeol sa kanya.
Bukod kay Jongin, ikaw yung pangalawang naging pinakamalapit kay Sehun. Kilala ko siya, hindi siya masyadong nag-oopen up sa mga tao. Kaya wag mo sanang sasaktan ang kapatid ko. Aaashan kita, Baekhyun.
Tumango si Baekhyun. "Oo, naalala ko."
"Mabuti naman kung ganun."
"Bakit... mo biglang tinanong?"
"Si Sehun," sabi ni Chanyeol at umiwas siya ng tingin. "Tingin ko nagseselos siya satin."
Nabigla si Baekhyun sa sinabi ni Chanyeol. Nagseselos si Sehun? Bakit hindi ko man lang... Kaya ba ang tahimik niya? Yun ba yung... problema niya?
"H-hindi ko... alam na ganun yung--" sabi ni Baekhyun at pakiramdam niya, nagiguilty siya dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganun ang nararamdaman ni Sehun.
"Kaya next time, pag nanjan si Sehun..." sabi ni Chanyeol habang nakahawak sa manibela nang mahigpit. "Sana.. iwasan na nating mag-usap. Wag ka na ring lalapit sakin."
Nabigla si Baekhyun. Masakit ang pinapagawa sa kanya ni Chanyeol at sa tingin niya, hindi niya kayang gawin yun.
"Bakit? Akala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit kailangang wag tayong mag-usap!? Ituturing mo nanaman ba ako ng katulad ng dati?"
Alam ni Chanyeol na galit si Baekhyun. Pero ano bang magagawa niya, alangan namang sundin niya yung gusto niya? Ayaw niyang masaktan si Sehun kaya ginagawa niya to.
"Alam mong may gusto siya sayo Baekhyun kaya dapat iwasan mo ako. Naiintindihan mo ba? Manhid ka ba?"
"H-hindi ako manhid," bulong ni Baekhyun pero narinig siya ni Chanyeol.
"Oh, yun naman pala eh. Ano bang problema mo? Bakit hindi mo harapin yung feelings niya sayo. Alam kong alam mo. Alam kong naririnig mo lahat ng sinasabi niya sayo. Bakit ka ba nagpapanggap na wala kang alam?"
"Dahil ayoko," sabi ni Baekhyun nang hindi nakatingin kay Chanyeol. "Ayokong may magbago samin. Gusto ko ganito lang kami. Naiintindihan mo ba ako?"
"Sinasaktan mo siya sa ginagawa mo, Baekhyun."
"So sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo?"
May sasabihin pa sana si Chanyeol pero nanahimik na lang siya habang nakatingin na ngayon sa kanya si Baekhyun nang seryoso.
"Hindi ko gusto si Sehun," sabi ni Baekhyun nang hindi man lang umiiwas ng tingin kay Chanyeol. "Dahil ikaw ang gusto ko, Chanyeol. Kaya nasasaktan ako pag tinutulak mo si Sehun sakin."
Hindi rin umiwas ng tingin si Chanyeol.
"Pwes hindi kita gusto, Baekhyun," sabi ni Chanyeol, walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin lang si Baekhyun sa kanya at nagpipigil ng luha. "Hindi kita magugustuhan kahit kailan kaya wag ka nang umasa."
Hindi mo ako gusto? Alam ko, pero ang sakit lang marinig mula sa bibig mo. Sobrang sakit mong magsalita, Chanyeol. Bakit ba ang lupit mo sakin?
"Baba," sabi ni Chanyeol. "Kakalimutan kong narinig kong sinabi mo yan."
Binuksan ni Baekhyun ang pinto ng kotse at bumaba na siya. Bago umalis ay nagsalita ulit si Chanyeol habang nakatingin kay Baekhyun na mukhang walang pakealam sa pag-amin ni Baekhyun kanina.
"Pumasok ka bukas at kausapin mo na si Sehun. Good night."
Pag alis ni Chanyeol, pumasok na si Baekhyun sa apartment at hindi pinansin ang mga nag-aalalang tanong ni Jongdae kung anong nangyari at bakit siya umiiyak.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro