Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15


*

15

Dalawang beses nang nakapunta si Baekhyun sa office ni Chanyeol pero nagulat pa rin siya kung gaano ito kalaki. Habang busy si Baekhyun sa pagnganga sa interoir design ng office, tinatawagan naman ni Chanyeol ang tatlo niyang kaibigan na may kanya-kanyang meeting sa kung saan. Mukhang nagtatrabaho na yata sila nang maayos at totoo mula nang bumalik si Chanyeol.

May pumasok sa office ni Chanyeol kaya napatingin naman sa kanya si Baekhyun. Maganda, malaki ang boobs, matangkad at mahaba ang buhok. Nagbow ito kay Chanyeol sa pinakamasenswal na paraan.

Napairap lang sa pinagkakaupuan niya si Baekhyun. Tss, tingnan mo nga naman, mahilig talaga si Chanyeol sa malulusog ang dibdib. Tiningnan ulit ni Baekhyun ang babae mula ulo hanggang paa. Halatang halatang nagpapacute sa boss niya, hindi naman siya pinapansin. Hahahaha.

"Good morning, Sir Chanyeol," bati ng babae sa matinis at tunog naipit na ibong boses.

"Good morning, Baby," sagot ni Chanyeol nang di tumitingin sa babae. "Ilagay mo na lang yung file jan. Kukunin ko mamaya."

Hindi na napansin ulit ni Baekhyun kung nagbow nanaman ang babae habang pinapakita nito ang cleavage niya dahil nakatingin na siya ngayon kay Chanyeol, hindi makapaniwalang may girlfriend pala si Chanyeol, at ganung klaseng babae ang girlfriend ni Chanyeol.

Sinasabi ko na nga ba. Ang bobo ko naman, syempre may girlfriend na si Chanyeol? Bat di ko naisip yun?! Umaasa ka lang sa wala, Baek. Tigilan mo na ang kahibangan mo.

"Huy, okay ka lang?" tanong ni Chanyeol kay Baekhyun na nasa harapan na pala ni Baekhyun. "May problema ba?"

Iniwas ni Baekhyun ang tingin niya habang sumasandal sa couch. "Sino yun."

"Ha?"

"Yun."

"Anong yun?"

"Basta yun."

"Anong 'basta yun'?!"

"Yung pumasok."

"Sinong-- ah, yun," sabi ni Chanyeol habang kinukuha ang folder na dinala ng babae. "Secretary ko."

"Akala ko si Kyungsoo ang secretary mo? Bakit yun ang pumasok dito? Mukha siyang hostess sa bar," sabi ni Baekhyun habang umiirap.

"Marami akong secretary at hoy, kahit ganun ang itsura nun, maaasahan ko si Baby," sabi ni Chanyeol habang nililipat ang page ng document. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan."

"Pinagtanggol mo pa talaga yung baby mo," sabi ni Baekhyun. "Ayokong marinig ang endearment o kung anumang tawagan niyo kaya aalis na lang ako dito."

Tumayo si Baekhyun papunta sa pintuan kaya napaangat naman ang ulo ni Chanyeol mula sa binabasa niya.

"Saan ka pupunta!?" sigaw ni Chanyeol. "Hoy!"

"Uuwi na ako! Wala naman akong gagawin dito!"

"Ano bang problema mo?! Bakit bigla ka na lang nagagalit!"

"Wala akong problema! Hindi ako galit!"

"Eh bat ka sumisigaw!?"

"Ikaw ang unang sumigaw! Hindi ako! Aalis na ako!"

"Alam mo? Ewan ko sayo. Fine bahala ka," sabi ni Chanyeol habang minamassage ang ulo niya. "Umalis ka kung gusto mo."

Binuksan ni Baekhyun ang pinto pero hinarangan siya ng taong papasok sa loob. Naramdaman na lang ni Baekhyun na sinasakal na siya ni Jongdae at niyayakap habang may dalawang lalaking nakatayo lang sa gilid at pinapanood sila.

"Jongina mo ka, Baekhyun! Bakit hindi ka umuwi kagabi! Nakabalik ka na pala, hindi mo man lang sinabi sakin!" sigaw ni Jongdae sa bestfiend niya.

"Aray, Jongdae hindi ako makahinga," sabi ni Baekhyun habang pilit na nagpupmiglas sa yakap ni Jongdae sa kanya.

"Naibigay na ba ni Baby yung sinasabi ko sayo?" sabi ni Junmyeon habang papunta sa desk ni Chanyeol.

"Naibigay na ni Baby yung sakin," sabi naman ni Kyungsoo na mukhang bored na bored. "Nabasa mo na ba, Chanyeol?"

Nakatingin lang si Baekhyun sa kanila habang pinag-uusapan nila yung Baby. Lahat sila Baby ang tawag dun sa babae? Hindi lang si Chanyeol? Napangiti nang malapad si Baekhyun. Ibig bang sabihin nun hindi yun girlfriend ni Chanyeol at Baby talaga ang pangalan nung babae? Ang tanga ko, bat hindi ko man lang naisip yun?

"Binabasa ko pa, pero sa ngayon, wag muna ito ang asikasuhin natin," sabi ni Chanyeol sabay lapag ng papeles sa desk niya.

Tumingin si Chanyeol kay Baekhyun na ngayon ay binitawan na ni Jongdae, napatingin rin si Kyungsoo at Junmyeon sa kanya at nakangiti sila nang malapad.

"Guys, I'd like you to meet, Baekhyun," sabi ni Chanyeol. "Baekhyun, sila ang mga kaibigan ko. Si Kyungsoo at Junmyeon."

"Yah, pano naman ako!" sigaw ni Jongdae. Umirap lang si Chanyeol.

"At Jongdae," dugtong ni Chanyeol.

"H-hello," sabi ni Baekhyun sabay bow nang nahihiya. "Ako si Baekhyun."

"Sa wakas at nakita ka na rin namin nang personal," sabi ni Junmyeon nang nakangiti nang malaanghel. "Ang cute mo pala talaga."

"Pwede na," sabi ni Kyungsoo habang iniinspect ng malaki at nakakatakot niyang mata si Baekhyun. "Not bad, not bad."

"Sabi ko naman sa inyo, diba," sabi ni Jongdae sabay akbay kay Baekhyun habang tinitingnan ang dalawa niya pang kaibigan ng makahulugang tingin na silang tatlo lang ang nagkakaintindihan.

Pagkatapos ipakilala ni Chanyeol si Baekhyun sa mga kaibigan niya, naglunch sila sa labas ng office. Kahit nung una medyo nahihiya si Baekhyun, nakikisali na rin siya sa usapan kinalaunan.

Sa tingin ni Baekhyun ay mabait si Junmyeon dahil lagi siyang nakangiti, samantalang si Kyungsoo naman, nakakatakot dahil sa mata niya, pati na rin sa mga pang-iinsulto at pambabara niya kay Chanyeol. At pakiramdam ni Baekhyun, isa sa kanila ang crush ni Jongdae.

"Gusto ko ang mga kaibigan mo," sabi ni Baekhyun nang nakangiti nang matapos silang maglunch pagkabalik nila sa office. "Pwera lang kay Jongdae."

Natawa si Chanyeol. "Talaga?"

"Oo! Tingnan mo, binigyan ako ni Junmyeon ng coupons!" sabi ni Baekhyun habang pinapakita kay Chanyeol ang coupons na bigay ni Junmyeon. "At binigyan ako ni Kyungsoo ng pepper spray!"

"Pepper spray?"

Tumango si Baekhyun. "Gamitin ko raw sayo kapag may ginawa kang hindi maganda sakin."

Napangiti na lang si Chanyeol. Ang sweet naman ng mga kaibigan niya. Konti lang.

"Sayang. Hindi mo magagamit yang bigay ni Kyungsoo sayo."

"Bakit naman?"

"Dahil kahit kelan," sabi ni Chanyeol habang nakatingin kay Baekhyun nang seryoso. "Hindi ako gagawa ng hindi maganda para sayo."

Hindi ako gagawa ng hindi maganda para sayo.

Hindi ako gagawa ng hindi maganda para sayo.

Hindi ako gagawa ng hindi maganda para sayo.

Hindi ako gagawa ng-- teka, sinabi niya ba talaga yun!? May ibig sabihin ba yun?

"Chanyeol--"

"Tara, na ihahatid na kita," sabi ni Chanyeol nang hindi na nakatingin kay Baekhyun. Inaayos niya ang mga papel sa desk niya na sa katunayan ay hindi naman talaga magulo.

"Okay," sagot ni Baekhyun habang sinusundan palabas si Chanyeol.

"Okay na ako dito," sabi ni Baekhyun nang makalabas sila ng building. "Magtataxi na lang ako pauwi."

"Sigurado ka? May time pa naman ako, pwede pa kitang ihatid--"

"Hindi, wag na!" sabi ni Baekhyun. "Nakakahiya na sayo, ang dami mo nang ginawa para sakin."

Ngumiti si Chanyeol. "Aba marunong ka palang mahiya."

Nagpout si Baekhyun. Ugali na niyang magpout at yun ang pinakaayaw ni Chanyeol dahil sa tuwing makikita niya yan, naaalala niya yun.

Naaalala niya yung araw kung kelan niya hinalikan si Baekhyun sa kotse, at sa tuwing naalala niya yun, pakiramdam niya nagiguilty siya dahil sa ginawa niya.

"So pano," sabi ni Baekhyun nang may huminto nang taxi sa harap nila. "Kita na lang tayo sa bahay mamaya."

"Sige. Bye," sabi ni Chanyeol kay Baekhyun habang sinasara niya ang pinto ng taxi. "Ingat."

Kumaway si Baekhyun habang nakasakay sa taxi hanggang sa hindi na niya makita si Chanyeol. Napangiti na lang siya dahil pakiramdam ni Baekhyun, mas gusto niya ang turing sa kanya ni Chanyeol ngayon kesa sa dati, pero may konting takot pa rin sa puso niya.

Dahil baka pag pinagpatuloy mo pa to, Chanyeol, baka mahalin na kita, at ayokong masaktan... at makasakit ng ibang tao dahil lang sa nararamdaman ko sayo.

Inuntog ni Baekhyun ang ulo niya sa bintana ng taxi. Mas malakas, mas effective na mawawala si Chanyeol sa isip niya, kaya inuntog niya pa ang ulo niya nang mas malakas.

"Hoy!" sigaw ng driver. "Kung balak mong sirain ang bintana ng taxi ko, pwede ka nang bumaba."

"Sorry po," sabi ni Baekhyun nang nakapout habang inuuntog pa rin ang ulo niya. "Inaalis ko lang ang bad vibes sa utak ko."

"Aba siraulo yata to," sabi ng driver habang umiiling. "Mga kabataan talaga ngayon."

*

"So ano, balita ko bumalik na ang babysitter mo," sabi ni Jongin. "Kaya siguro hindi ka mapakali jan at kanina ka pa nagmamadaling umuwi."

Ngumiti lang si Sehun. "May pupuntahan kasi kami ngayon. Sorry kung hindi kita masasamahan sa mall gaya ng promise ko sayo."

"Psh, okay lang, dude," sabi ni Jongin sabay suntok nang mahina sa braso ni Sehun. "Bumawi ka na lang next time. Marami pang next time."

"Sige, next time."

Napalingon si Sehun nang may tumawag sa kanya.

"Oh ayan na pala yung sundo mo eh," sabi ni Jongin kay Sehun habang nakangiti nang makahulugan. "Bye, enjoy!"

Itinulak ni Jongin si Sehun kaya napa-aray na lang si Sehun. Kinawayan ni Sehun ang babysitter niya habang naglalakad siya papunta dito.

"Sigurado ka bang hindi ka nag-cutting?" tanong ni Baekhyun nang kumapit si Sehun sa kanya habang sinasabit ang braso nito sa braso niya. Masyadong clingy si Sehun, at wala namang problema si Baekhyun dahil pareho lang silang clingy kaya magsama sila.

"Oo! Tinapos ko agad ang test namin para maaga tayong makaalis," sabi ni Sehun sabay hila kay Baekhyun papunta sa bus stop. Natawa si Baekhyun.

"Gusto mo na talagang sumakay sa bus, ano?"

Tumango si Sehun habang nakatingin lang kay Baekhyun. "Oo, basta ikaw ang kasama ko."

Ngumiti si Baekhyun dahil sa sinabi ni Sehun, pero hindi nakangiti si Sehun. Nakatingin lang si Sehun nang seryoso kay Baekhyun habang sa mga dumadaang sasakyan naman nakatingin si Baekhyun.

"Baekhyun?"

"Hmm?"

May dumaang 10-wheeler truck sa kalsada kasabay nang pagsasalita ni Sehun.

"Sa tingin ko, mahal na kita."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro