Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13 Part 2


*

13.2

Naalimpungatan si Baekhyun sa kalagitnaan ng tulog niya. Narinig niya ang boses ng nanay niya na parang may kausap. Bumangon siya sa kama at tumingin sa orasan sa beside table niya. 10:45 PM. Gabi na ah, sinong kausap niya? Tulog na naman si Kris-hyung diba.

Lumabas si Baekhyun ng kwarto niya at nakita niya ang nanay niya na may dalang tray na may lamang juice. Nilapag niya ito nang makita niya si Baekhyun.

"Baekkie! Gising ka pa pala!"

"Eomma, sinong pong kausap niyo?" sabi ni Baekhyun. "May bisita ba tayo? Gabing gabi na ah."

"Oo! Yung kaibigan mong taga-Seoul? Nandito siya ngayon."

Si Chanyeol? Nandito si Chanyeol sa bahay namin!? Diba umalis na siya?

"Ayan na pala siya eh!" sabi ng nanay ni Baekhyun nang lumabas si Chanyeol sa CR na ngayon ay hindi na nakasuit. Nakabihis na si Chanyeol ng simpleng pangbahay na hula ni Baekhyun ay sa hyung niya.

"Bat ka nandito!?" tanong ni Baekhyun nang gulat na gulat. "Bat-- bat ka nasa bahay namin at bakit mo suot yan?"

"Nasira ang kotse ko, ipinapagawa ko pa. Wala akong matutuluyan kaya nandito ako. Suot ko to dahil wala akong dalang damit."

"Pinahiram ko muna sa kanya ang damit ng hyung mo," sabi ng nanay ni Baekhyun nang nakangiti. "Oh pano, jan na kayo. Babalik na ako sa kwarto."

Umalis na ang nanay ni Baekhyun habang binibigyan niya ang anak niya nang makahulugang tingin at ngiti na parang may ibang ibig sabihin. Sumimangot lang si Baekhyun.

"Gabing gabi na, Chanyeol."

"Nakikita ko nga," sabi ni Chanyeol.

Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya. Sumimangot si Chanyeol.

"Bakit parang hindi ka masayang makita ako?" sabi ni Chanyeol habang umuupo sa couch na parang sa kanya ang bahay. Tumingin siya sa paligid para tingnan ang mga nakadisplay na picture frame.

"Nasira ba talaga ang kotse mo?"

"Oo. Kahit tingnan mo pa. Ayaw mo bang nandito ako?"

Namula si Baekhyun kaya yumuko na lang siya. "Hindi naman... sa ganun. Nakakapanibago lang kasi na nandito ka."

"Aalis rin ako kaagad kapag nagawa ang kotse ko," sabi ni Chanyeol. "At pag-alis ko sana kasama ka na."

"Hindi pa nga ako nakakapagdecide eh."

"Bakit ba ayaw mo? Ano bang pumipigil sayo?"

Hindi nakasagot si Baekhyun. Bumuntong hininga na lang si Chanyeol.

"Tatayo ka na lang ba jan magdamag?"

"Huh?"

"Dito ka sa tabi ko."

Umupo si Baekhyun sa tabi ni Chanyeol sa couch na halos magdikit ang braso nilang dalawa. Kaya umusod palayo si Chanyeol kahit wala na siyang uusudan.

"S-sorry, dun na lang ako uupo--"

"Okay lang. Jan ka lang," sabi ni Chanyeol. "Gusto ko nang may katabi."

Natawa si Baekhyun at napangiti lang si Chanyeol

"Alam ba ni Sehun na nandito ka?"

Umiling si Chanyeol. "Hindi ko sinabi. Saka ayaw niya rin akong kausapin."

"Galit ba siya sayo?"

"Oo. Pero kung madadala kita pabalik, hindi na siya magagalit sakin. Gustong gusto ka niyang makita kung alam mo lang."

Napangiti si Baekhyun nang maalala niya si Sehun. Namimiss na niya si Sehun. "Si Sehun talaga."

Napa-tss na lang si Chanyeol.

"Baekhyun."

"Bakit?"

"Anong," sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang mata. "tingin mo kay Sehun?"

"Kay Sehun? Bakit? Ano bang meron kay Sehun?"

Napairap na lang si Chanyeol. "Manhid ka ba talaga o ano."

"H-ha?"

"Hindi mo ba alam na gusto ko niya?"

Umiwas ng tingin si Baekhyun. "A-alam ko."

Medyo nagulat si Chanyeol pero hindi niya pinahalata. "Alam mo?"

Tumango nang tahimik si Baekhyun habang nilalaro ang kamay niya sa lap niya.

"P-pero wala akong balak na idate ang kapatid mo!" sabi ni Baekhyun na parang pinagtatanggol ang sarili niya. "H-hindi ko naman siya-- hindi ganun yung-- ibig ko sabihin, alam kong hindi ka papayag at--"

"Bakit naman hindi ako papayag?" sabi ni Chanyeol at nabigla si Baekhyun sa narinig niya.

"A-ano?"

"Kung gusto mo rin siya," sabi ni Chanyeol nang nakatingin sa TV na nakapatay naman. "At gusto ka ng kapatid ko... bakit ko hahadlangan yun?"

Tumayo si Chanyeol at tumingin sa relo niya. Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya. Marami siyang gustong sabihin kay Chanyeol pero pinili nyang manahimik na lang.

"Saan ako pwedeng matulog?" tanong ni Chanyeol. "Pwede ba dito sa couch?"

"Hindi ka kasya dito, nakikita mo naman diba."

"Sa guest room?"

"Wala kaming guest room," sabi ni Baekhyun habang umiirap. "Sa kwarto ko na lang."

*

"Sigurado ka bang... kasya tayo sa kama ko?" tanong ni Baekhyun habang tinitingnan ang kama niya.

"Ayokong matulog sa lapag kasi malamig," sabi ni Chanyeol nang nakapamewang. "Gusto ko sa kama."

"Ang arte mo naman. Kung ayaw mo sa lapag, edi ako na lang."

"Hindi kita hahayaang matulog sa lapag," sabi ni Chanyeol. "Dito ka sa kama."

Humiga si Chanyeol sa kama ni Baekhyun na parang siya ang may-ari. Nagflashback bigla sa isip ni Baekhyun yung gabing natulog siya sa kama ni Chanyeol.

Umusod si Chanyeol para bigyan si Baekhyun ng space. "Oh ayan, may space ka na."

"Fine," sabi ni Baekhyun habang humihiga sa tabi ni Chanyeol. "Wag kang malikot para hindi ako malaglag."

"Yayakapin kita," sabi ni Chanyeol sa gitna ng katahimikan ng gabi at hindi bingi si Baekhyun para di marinig yun. Bigla siyang kinabahan. "Yayakapin kita para di ka malaglag."

Bago pa makatanggi si Baekhyun, nakayakap na si Chanyeol sa waist niya. Nanlaki ang mata ni Baekhyun habang nakatulala lang sa ceiling, hindi siya makagalaw dahil sa braso ni Chanyeol sa katawan niya. Hindi pa nakatulong ang pesteng buhok ni Chanyeol sa leeg niya at ang hininga ni Chanyeol sa pisngi niya. Idagdag mo pa ang hita ni Chanyeol na nakadikit sa hita niya.

Shit, sabi ni Baekhyun sa isip niya. Hindi ako makakatulog nito. Ano ba to, ayaw bumagal ng heartbeat ko. Shit shit shit, ayoko na ditoooooo.

"Pwede kang magrelax, alam mo," bulong ni Chanyeol. "Para kang tuod."

Huminga nang malalim si Baekhyun. "P-paano ako magrerax kung--" Tiningnan ni Baekhyun ang natutulog nang si Chanyeol na parang koala na nakakapit sa kanya. "Di bale na."

Pumikit na lang si Baekhyun, hinihiling na makatulog siya. Umayos siya ng higa sa kama habang nakayakap pa rin si Chanyeol sa kanya.

"Good night," sabi ni Baekhyun nang pabulong.

"Sweet dreams," sagot naman ni Chanyeol.

"Chanyeol?" tawag ni Baekhyun pagkatapos ng ilang segundo. Tumingin siya sa mukha ni Chanyeol sa dilim.

"Hmm," ungol ni Chanyeol pero di na lang pinansin ni Baekhyun kung gaano kalaswa ang tunog nun.

"Sasama na ako sayo pabalik sa Seoul bukas," bulong ni Baekhyun.

"Thank you," sagot ni Chanyeol sa inaantok na boses.

Napangiti na lang si Baekhyun. Hindi naman siguro masama diba, malamig naman, sobrang lamig talaga at wala kaming heater.

Kaya niyakap na lang ni Baekhyun si Chanyeol pabalik.

Hindi nakita ni Baekhyun ang pagngiti ni Chanyeol sa dilim.

*

Matapos ang halos apat na oras ng biyahe, nakarating na rin sila sa Seoul.

Tiningnan ni Chanyeol sa tabi ng driver's seat si Baekhyun na mahimbing na natutulog. Nakasandal ang ulo niya sa bintana at nakahawak ang isang kamay niya sa seatbelt.

Tinanggal niya ang sarili niyang seatbelt at lumapit siya kay Baekhyun. Inayos niya ang ulo ni Baekhyun para isandal sa head rest ng upuan. Gumalaw ng kusa ang ulo ni Baekhyun at napa-patong ito sa balikat ni Chanyeol. Natigilan siya.

Napalunok si Chanyeol habang dahan dahang iniaayos ulit ang ulo ni Baekhyun. Nang maiayos na niya, hindi niya napigilang hindi tumitig sa maamong mukha ni Baekhyun-- sa mata niyang nakapikit, sa ilong niya, sa pisngi niya, sa labi niya. Hinawi ni Chanyeol ang bangs sa noo ni Baekhyun at dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ni Baekhyun.

Hanggang sa nakarating ang thumb niya sa labi ni Baekhyun.

Napapapikit si Chanyeol sabay iling. Ano ba tong iniisip ko. Hindi to tama. Hindi. Hindi pwede.

Inalis niya ang kamay niya at inilipat sa seatbelt ni Baekhyun para kalasin ito. Tulog pa rin si Baekhyun sa tabi niya habang inaalis niya ang seatbelt.

Tumingin sa paligid si Chanyeol at nang mapansing wala namang taong dumadaan, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ni Baekhyun at dahan dahan niyang idinikit ang lips niya sa lips ni Baekhyun.

Hinalikan niya si Baekhyun.

Gusto ko lang makasigurado. Kung totoo nga, kung meron nga akong nararamdaman para sayo. Naguguluhan ako, hindi ko alam.

Nang dumikit ang labi niya sa labi ni Baekhyun, nakaramdam si Chanyeol ng parang kuryente sa balat niya, mahirap iexplain, at sobrang bilis ng heartbeat niya at pakiramdam niya, natutuyuan na ang lalamunan niya at di siya makahinga.

Nabigla si Chanyeol at mabilis na lumayo kay Baekhyun habang niluluwangan ang tie ng suit niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang manibela habang nakatingin siya kay Baekhyun na tulog na tulog pa rin.

"Ano bang ginawa mo sakin, Baekhyun," bulong ni Chanyeol sa sarili niya. "Tinamaan na yata ako sayo..."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro