Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13 Part 1


*

13.1

Matapos ang halos apat na oras na biyahe mula Seoul gamit ang kotse, nakarating na rin si Chanyeol sa pupuntahan niya.

Isa lang ang masasabi ni Chanyeol. Simple lang ang pamumuhay ng mga taga dito, malapit sa tabing dagat, at malayo sa high way.

Pinark ni Chanyeol ang kotse niya sa gilid bago siya bumaba at inayos ang sarili niya. Sinuot niya ang shades sa mata niya para di siya masilaw sa sikat ng araw.

Ugh, bat ko ba ginagawa to. Kung alam ko lang na ganito pala kalayo, sana tinawagan ko na lang siya para pabalikin sa trabaho.

Naglakad si Chanyeol papunta sa grupo ng mga ahjumma na nagkukwentuhan tungkol sa paborito nilang drama sa TV. Tumigil siya sa tapat nila at magalang na nagbow.

"Aba, kay gandang lalaki naman nito!" sabi ng matabang nanay na singkit ang mata. "Ano bang maitutulong namin sayo, iho?"

Nagtawanan ang mga ahjumma na parang kinikilig. Ngumiti lang si Chanyeol sabay labas ng phone niya.

"Itatanong ko lang po sana kung alam niyo kung saan dito nakatira ang taong to?" sabi ni Chanyeol habang pinapakita ang picture ni Baekhyun sa phone niya. Bakit siya may picture? Kinuha niya sa resume ni Baekhyun.

"Hmm, teka," sabi ng isang matanda na halos bungal na ang ngipin. "Ano bang pangalan nito?"

"Baekhyun. Byun Baekhyun po, ahjumma."

Tumango ang isang babeng buntis sabay palakpak. "Ah! Si Baekkie!"

"Si Baekkie nga yan! Tama ka!" sabi ng isa pang lola. "Kamukha nga niya yan! Siya yan!"

"Ah, opo," sabi ni Chanyeol sa gitna ng ingay. "Alam niyo kung saan po siya nakatira?"

"Oo, alam namin. Kaibigan namin ang nanay niya. Nasabi ng nanay niyang umuwi ang anak-anakan niya galing Seoul," sabi ng babaeng mataba. "Malamang taga-Seoul ka! Kaya mo siya hinahanap!"

Tumango si Chanyeol at pinilit na ngumiti. Hindi niya gawain to. Ang makipag kwentuhan sa mga taong hindi naman niya kilala, lalo na sa probinsya. "Pwede niyo po bang... ituro sakin ang bahay niya?"

"Oo, naman! Ikaw pa!" sabat ng isa pang nanay na may maiksing buhok. "Sa gwapo mong yan, sino bang hihindi sayo! Hahaha!"

Nagtawanan ang lahat ng mga ahjumma at nakisabay na rin si Chanyeol kahit halatang awkward ang tawa niya.

Sinundan ni Chanyeol ang isang nanay na nagvolunteer na sumama kay Chanyeol para ihatid siya sa bahay nila Baekhyun. At habang naglalakad, hindi pinalampas ng nanay ang pagkukuwento at pagtatanong.

"Kung hindi mo naitatanong ay inaanak ko yang si Baekkie. Isa ako sa mga nag-alaga sa kanya nung bata pa siya! Aba'y napakacute na bata niyan!" sabi ng ajhumma at tumango lang si Chanyeol.

"Sa totoo lang ay ngayon lang may pumuntang taga-Seoul dito para hanapin siya. Kaibigan mo ba siya?"

Ayaw mang magsinungaling ni Chanyeol ay ginawa na lang niya para matapos na ang pagtatanong ng ajhumma. "Opo. Magkaibigan kami."

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating sila sa tapat ng bahay na mukhang traditional house. Maganda pero luma na. Nagbow si Chanyeol bilang pasasalamat bago umalis ang ahjumma.

Huminga nang malalim si Chanyeol. Hindi siya kinakabahan. Konti lang siguro. Malayo na ang narating niya, at kung aatras pa siya ngayon, sayang lang ang pinunta niya dito kaya gagawin niya to, sa ayaw man o sa gusto niya.

"Papano to walang doorbell," sabi ni Chanyeol habang iniinspect ang pader ng gate. "Alangang sumigaw ako dito."

"Sinong hinahanap mo?" tanong ng isang boses.

Humarap si Chanyeol sa lalaking nagsalita. Matangkad ito at mukhang nakakatakot.

"Uhm, kilala mo ba si--"

"HYUNG!!!!!" biglang sigaw ng isang boses na nangggaling sa loob. Lumabas ng gate ang taong sumigaw para salubungin ang taong tinawag niyang hyung

"--Baekhyun," sabi ni Chanyeol sa mas mahinang boses. Ilang araw rin niyang hindi nakita si Baekhyun, at ngayong nakita na niya ito, parang may kakaiba siyang naramdaman. Saya? Hindi niya alam. Basta kakaiba.

"Hinahanap ka yata ng lalaking to," sabi ng matangkad na lalaki kay Baekhyun. Napalingon si Baekhyun sa kaliwa niya at nakita niyang nakatayo si Chanyeol.

Nakita niya si Chanyeol. Nandito si Chanyeol.

Nanlaki ang mata ni Baekhyun sa pagkabigla. Bakit nandito si Chanyeol? Anong ginagawa niya dito?

Bago pa makapagsalita si Baekhyun ay nagsalita ang hyung niya na papasok muna siya sa loob para iwan si Baekhyun at Chanyeol na mag-usap.

"Uhm," sabi ni Chanyeol nang nakaiwas ang tingin kay Baekhyun. "Hi."

Kumunot ang noo ni Baekhyun. "Anong sadya mo dito, Chanyeol? Bakit.. bakit ka pumunta dito?"

Hindi kasi makapaniwala si Baekhyun. Bakit naman pupunta si Chanyeol dito? Nakasuot pa siya ng suit, at ng shades, at sigurado si Baekhyun na dala pa nito ang kotse niya, at sinusubukan ni Baekhyun na wag tumitig nang matagal kay Chanyeol para hindi na bumilis pa lalo ang tibok ng puso niya.

Tinanggal ni Chanyeol ang shades niya at pinasok sa bulsa ng coat niya. Nakatingin lang si Baekhyun, naghihintay ng sasabihin niya.

"Bumalik ka na, bumalik ka na sa Seoul at sa trabaho mo."

"Bakit?" tanong ni Baekhyun. "Ibig ko sabihin, tinanggal mo na ako diba, at pano na si Dara? At.. bakit mo pa ako papabalikin?"

Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka nandito, at pumunta ka pa dito para lang sabihin yan?"

"Oo, pumunta ako dito para sabihin lang yun. Pumunta ako dito galing Seoul para sabihin sayong bumalik ka na."

"Pero bakit?"

"Dahil kailangan ka ni Sehun," sabi ni Chanyeol. "Ikaw ang gusto niya at hindi si Dara."

Tahimik lang si Baekhyun. Ano bang dapat niyang gawin? Dapat bang bumalik na siya? Ang tagal niyang hindi nakauwi ng Bucheon, pero iiwan niya ulit ang mga taong tinuring niyang pamilya para lang sa trabaho niya? Dahil ba kailangang kailangan siya ni Sehun? Dahil lang mas gusto siya ni Sehun at ayaw niya kay Dara? Dati naman okay si Sehun kahit wala siya diba?

"Baekhyun--"

"Chanyeol, hindi ako pwedeng umalis na lang bigla at sumama sayo dahil inutos mo," sabi ni Baekhyun. "Nung araw na tinanggal mo ako sa trabaho, wala ka nang responsibilidad sakin. Hindi na kita boss at wala na akong kinalaman pa sa inyo."

"Kaya nga hinihiling kong bumalik ka na sa trabaho eh. Bumalik ka na dahil hindi ako mapapatawad ni Sehun kapag hindi kita nadala pabalik."

"Babalik ako Chanyeol, kung gusto ko. Pero tingin ko," sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa bahay nila. "Hindi pa ngayon yun."

"Ano bang gusto mong gawin ko para bumalik ka? Kung galit ka dahil tinanggal kita, fine. I'm sorry. Mali ako kaya ito na nga, hinihiling ko na sayong bumalik ka na para kay Sehun. Please."

Hindi alam ni Baekhyun kung bakit lalo siyang naiinis. Nakapagdesisyon na siyang lalayo muna, para makalimutan na niya ang pesteng nararamdaman niya kay Chanyeol. Pero ano, dadating na lang si Chanyeol bigla bigla sa harap ni Baekhyun at nagmamakaawang bumalik na siya na parang walang nangyari.

Ano ba talagang gagawin niya? Ayaw na niyang masaktan dahil narinig na niya mismo sa bibig ni Chanyeol na kalokohan lang ang pagkakagusto kay Baekhyun. Magpapanggap na lang ba siyang wala siyang narinig? Babalik ba siya para kay Sehun?

"Baekhyun," sabi ni Chanyeol sabay hawak sa braso ni Baekhyun. "Alam kong gusto mo pang magtrabaho sakin dahil hindi mo matitiis si Sehun. Bumalik ka na sa pagiging babysitter niya. Bumalik na tayo sa Seoul."

Tinanggal ni Baekhyun ang braso niya sa hawak ni Chanyeol.

"Pag-iisipan ko," sabi ni Baekhyun nang di tumitingin kay Chanyeol. "Kailangan ko pang mag-ayos dito."

"Babalik ako bukas. At sana bukas, may sagot ka na."

Pagkasabi ni Chanyeol nun, umalis na siya at naglakad palayo.

Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya habang lumalayo siya.

"Chanyeol!" sigaw ni Baekhyun. "Alam mo ba ang daan pabalik!?"

Napatigil si Chanyeol. Alam nga ba niya kung pano bumalik? Tumingin siya sa paligid at pakiramdam niya maliligaw siya kapag naglakad pa siya palayo. Saan nga ba kami dumaan kanina!?

"Chanyeol," sabi ni Baekhyun at nagulat si Chanyeol dahil nasa tabi na pala niya ito. "Alam mo ba ang daan pabalik?"

Sinuot ulit ni Chanyeol ang shades niya para takpan ang mata niya sabay iwas ng tingin. "Hindi. N-nakalimutan ko na."

Medyo natawa si Baekhyun pero pinigilan rin niya. "Ihahatid kita palabas."

Sabay silang naglakad, may space sa pagitan nila. Si Chanyeol nakatingin lang sa dagat at si Baekhyun naman sa langit. Ngayon lang ang kauna-unahang pagkakataon na nagkita sila bukod sa mansion, at para kay Baekhyun, medyo kakaiba ang pakiramdam.

Katahimikan. At parang gusto nang lamunin na lang ng lupa si Baekhyun dahil sobrang awkwaaaaard.

"Kamusta ka na," sabi ni Chanyeol matapos ang mahabang isang minuto. "Okay ka lang ba?"

Medyo nagulat si Baekhyun sa tanong pero tumango rin siya. "Okay ako. Masaya dito. Nakita ko na ulit ang pamilya ko."

"Akala ko ba wala ka nang pamilya."

"Sila yung tinuring kong pamilya. Yung nakita mong lalaki kanina, siya si Kris-hyung. Parang kapatid ko na siya."

Tumango si Chanyeol. "Masaya akong malamang okay ka."

Nang napansin niyang nakatitig lang si Baekhyun sa kanya, binago niya ang sagot niya. "Ibig ko sabihin, magiging masaya sila pag nalaman nilang okay ka."

"Ch-chanyeol."

"Hmm?"

"Gusto mo bang... bumalik ako?"

Tumigil sila sa paglalakad, ilang hakbang malayo sa kotse ni Chanyeol.

"Ano bang klaseng tanong yan, pupunta ba ako dito kung hindi. Kailangan ka ni Sehun kaya--"

"Hindi ko tinatanong si Sehun. Ang tinatanong ko, ikaw," sabi ni Baekhyun habang nakatingin lang kay Chanyeol. "Gusto mo bang... Bumalik ako sa mansion at makasama ulit ako?"

Napatigil si Chanyeol at tumingin rin sa mata ni Baekhyun, seryoso.

"Gusto kong malaman kung gusto mong nasa bahay ako, hindi dahil kailangan ako ni Sehun, hindi dahil kailangan niyo ng babysitter..." sabi ni Baekhyun. "Gusto kong malaman kung gusto mo bang... nandun ako."

"Gusto kong nandun ka," sagot ni Chanyeol. "Gusto kong nasa bahay ka. Gusto ko nakikita kita sa kusina, sa sala, sa lahat ng parte ng bahay. Gusto kong nandun ang presence mo sa bahay. Dahil iba ang bahay kapag wala ka."

Nakatingin lang si Baekhyun sa kanya, hindi makapaniwalang sinasabi ni Chanyeol ang mga bagay na gustong marinig ni Baekhyun, mga bagay na sapat nang dahilan para bumalik siya.

"At pumunta ako dito, dahil gusto kitang makita."

Nagulat si Baekhyun sa huling sinabi ni Chanyeol pero hindi niya itatanggi na sobrang saya niya na marinig yun. Gusto kitang makita. Napangiti si Baekhyun nang malapad sa sarili niya. Gusto rin kitang makita, Chanyeol.

"Bumalik ka na," sabi ni Chanyeol. "Susunduin kita bukas, Baekhyun. Sana sumama ka na sakin."

Pagkasabi ni Chanyeol nun ay sumakay na siya ng kotse niya. Tiningnan niya si Baekhyun sa side mirror niya na kumakaway sa kanya nang medyo nahihiya kaya natawa si Chanyeol.

Pinaandar na ni Chanyeol ang kotse nang nakangiti. Babalik ka diba, Baekhyun? Alam kong babalik ka.

Tumalikod na si Baekhyun at naglakad pabalik ng bahay nila.

Babalik ako Chanyeol. Babalik ako dahil gusto mo. Babalik ako dahil sinabi mo.

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro