Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12


*

12

Tanghali na nang nagising si Sehun dahil napasarap ang tulog niya. Nanaginip kasi siya kasama si Baekhyun. Sa panaginip niya, pumunta sila ni Baekhyun sa beach at naglalaro sila ng buhangin. Binaon niya raw si Baekhyun sa ilalim ng buhangin habang umiiyak lang si Baekhyun dahil hindi siya makagalaw.

Natawa si Sehun sa sarili niya habang bumabangon sa kama. Naamoy niya yung niluluto sa kusina kaya nagutom agad siya. Ano kayang niluluto ni Baekhyun?

Bumaba si Sehun ng hagdan habang umiinat. "Baekhyuuuuuun!" tawag niya habang kinukusot ang mata niya. "Gusto ko ng gatas! Timplahan mo ako ng gatas!"

Walang narinig na sagot si Sehun. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang nakatingin lang si Yixing sa kanya, malungkot ang mata niya.

"Yixing-hyung, nasan si Baekhyun?"

Bago pa makapagsalita si Yixing ay lumabas na galing kusina ang babysitter ni Sehun.

"Sehun! Gising ka na pala! Gusto mo na bang kumain?"

Tumingin si Sehun sa paligid pagkatapos ay sa babysitter niya. "Nasan si Baekhyun, Dara-noona?"

Naglakad si Sehun papuntang kusina habang tinatawag si Baekhyun na parang nawawalang pusa samantang nakatingin lang si Yixing at Dara sa kanya.

"Sehun," sabi ni Dara. "Ako na ulit ang babysitter mo! Wala na si Baekhyun."

Natigilan si Sehun. "Ha?"

"Bumalik na ako! Hindi ka ba masaya na nadito na ulit si noona?!"

Nakatingin lang si Sehun kay Dara. Walang ekspresyon ang mukha. "Seryoso, noona. Nasan si Baekhyun. Pinagtataguan niya ba ako? HOY BAEKHYUN LUMABAS KA NA! NASAN KA BA!"

"Sehun," sabi naman ni Yixing. "Umalis na kahapon si Baekhyun. Nagresign na siya."

"Ano?" sabi ni Sehun nang di nakapaniwala. "At bakit naman niya gagawin yun!?"

Umiwas ng tingin si Yixing. "Sinabi niya na... kailangan na niyang umuwi sa kanila."

"Hindi, hindi, hindi. Hindi ako iiwan ni Baekhyun! Hindi siya umalis!"

Hindi naniniwala si Sehun sa sinabi ni Yixing. Hindi totoo yun diba? Hindi mo ako iiwan, diba Baekhyun?

Bumaba si Chanyeol galing second floor at nakita ang kapatid niya. Napatingin naman si Sehun sa kanya.

"Hyung! Nasan na si Baekhyun!?"

"Wala na siya Sehun. Umalis na siya. Mula ngayon, si Dara na ulit ang mag-aalaga sayo."

"Hindi! Ayoko! Ayoko kay Dara-noona! Si Baekhyun ang gusto ko! Ayoko sa kanya!"

"Sehun, ano ba! Ayusin mo nga ang pananlita mo!" sigaw ni Chanyeol.

Nagulat si Dara sa sinabi ni Sehun sa kanya. Galit na nakatingin si Sehun sa kanya pero sinubukan niya pa rin itong lapitan.

"S-sehun-ah--"

"Sorry, Dara-noona, pero hindi ikaw ang kailangan ko."

Tinalikuran niya si Dara pati na rin si Chanyeol at nagwalk out siya palabas.

"Saan ka pupunta!?" sigaw ni Chanyeol. "Sehun!"

"Pupuntahan ko si Baekhyun!"

At padabog na umalis si Sehun palabas ng mansion.

"Pasensya ka na sa ugali niya," sabi ni Chanyeol kay Dara. "Masama lang ang gising niya."

"Okay lang. Naiintindihan ko. Tutal,ang tagal ko ring nawala at marami na ang nagbago. Hindi ko alam na... ganun pala niya kagusto si Baekhyun."

"Kung alam mo lang," sabat ni Yixing. "Mas gusto niya pa si Baekhyun kesa sa kung sino man samin."

"Masasanay rin siya," sabi ni Chanyeol. "Di magtatagal, babalik rin siya sa dati. Alam mo naman si Sehun, madali siyang magsawa."

"Siguro nga, tama ka, Chanyeol."

Tumingin si Yixing kay Dara. "Pwede bang iwan mo muna kami? May sasabihin lang ako kay Chanyeol."

Tumango si Dara at pumunta nang kusina.

"Galit pa rin ako sayo dahil sa ginawa mo," sabi ni Yixing.

"Alam ko," sabi ni Chanyeol. "I'm sorry, Yixing."

"Psh. Wag ka nang magsorry, ibig sabihin guilty ka. At tingnan mo, pati si Sehun nagalit sayo."

"Mawawala rin ang galit niya sakin pagkalipas ng ilang araw."

"Pero hindi mawawala si Baekhyun sa isip niya kahit lumipas ang ilang araw. Hahanapin at hahanapin niya pa rin si Baekhyun."

Pagkatapos sabihin ni Yixing yun ay iniwan na niya si Chanyeol sa sala. Napabuntong hininga na lang si Chanyeol.

*

"Wala siya dito," sabi ni Jongdae na kakagising lang. "Umuwi siya sa Bucheon at matatagalan pa ang balik niya."

"Bakit, Jongdae-hyung? Bakit hindi niya sinabi sakin na aalis siya!?"

Tumingin si Jongdae kay Sehun na parang naaawa. "Hindi siya umalis, Sehun. Pinaalis siya."

Nang narealize ni Jongdae ang sinabi niya, napatakip siya agad ng bibig niya. "Shit. Di ko pala dapat sabihin yun!"

Nanlaki ang mata ni Sehun. "Pinaalis siya!!!!?"

"Sinabi ko ba yun?!"

"Kakasabi mo lang! Pinaalis ba ng hyung ko si Baekhyun?!"

Umirap lang si Jongdae sabay tango. "Wag mo sabihing sinabi ko-- hoy! Sehun!"

Tumakbo na paalis si Sehun at di man lang pinatapos na magsalita si Jongdae.

*

"Bakit mo pinaalis si Baekhyun!?" sabi ni Sehun sabay tulak kay Chanyeol. "Ano bang ginawa niya sayo!? Kung ayaw mo sa kanya, edi sana hinayaan mo na lang siya!"

"Sehun," sabi ni Chanyeol. "Hindi yun ang dahilan."

"Eh ano!? Bakit mo siya pinaalis!?"

"Dahil andito na si Dara, Sehun. Siya naman ang babysitter mo mula pa nung una."

"Pwes, ayoko kay Dara-noona. Dahil si Baekhyun ang gusto ko, hyung," sabi ni Sehun nang seryoso. "Gustong gusto ko si Baekhyun kaya dapat siya ang nandito at hindi si Dara!"

"Alam mo Sehun, kung bakit ko pinaalis si Baekhyun, ha? Dahil jan," sabi ni Chanyeol sa kapatid niya. "Dahil jan sa nararamdaman mo. Ayokong may maramdaman kang kahit ano para kay Baekhyun."

Natawa si Sehun. "Bakit, hyung? Bakit ayaw mo?"

Natigilan sandali si Chanyeol. Bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw niya na maging malapit si Sehun kay Baekhyun? Ano bang dahilan? Umiling si Chanyeol.

"Aalis na ako, may gagawin pa ako," sabi ni Chanyeol sabay talikod.

"Bakit ayaw mong sagutin yung tanong ko!? Ha!? Hyung, ano?"

Naiinis si Sehun. Gusto niyang suntukin ang hyung niya dahil sa asar. Ano ba talagang dahilan kung bakit niya pinaalis si Baekhyun!?

"Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko!? Ano, hyung! Ginagamit mo lang naman na rason si Dara-noona eh, pero ang totoo, ayaw mo talagang maging malapit si Baekhyun sakin dahil ayaw mong--"

"Pano kung sabihin kong tama ka? Ginamit ko lang si Dara," sabi ni Chanyeol pagkatapos ng ilang segundo. "Na ayokong nakikita ko kayong nagiging malapit sa isa't-isa?"

Natigilan si Sehun at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Humarap si Chanyeol sa kapatid niya.

"Na pag nakikita ko kayong dalawa, naiinis ako sa sarili ko. Una, dahil hindi ko magawang maging ganun sayo. At pangalawa, napapasaya ka niya nang hindi ko man lang magawa."

"Naiinis ako at nagagalit ako dahil ako yung kapatid mo, pero mas gusto mo si Baekhyun sakin. Ano bang ginawa kong pagkukulang sayo? Binigay ko naman lahat ah? Puro ka Baekhyun, Baekhyun, Baekhyun! Baekhyun dito! Baekhyun jan! Bukambibig mo lagi si Baekhyun!"

"Kaya ko pinaalis si Baekhyun dahil nagseselos ako sa inyong dalawa. Ano, nasagot na ba ang katanungan mo!?"

Natahimik lang si Sehun. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Marami siyang gustong itanong at isagot pero walang lumalabas sa bibig niya kaya nakatingin lang siya kay Chanyeol. Umiwas ng tingin si Chanyeol at papasok na sana sa kwarto niya nang biglang nagsalita ulit si Sehun.

"Hyung, I'm sorry."

Hindi humarap si Chanyeol. Nakatigil lang siya at naghihintay ng isasagot ni Sehun.

"Sorry, dahil akala ko... Akala ko," sabi ni Sehun nang paiyak na. "Wala ka nang pakealam sakin."

"May pakealam ako sayo dahil kapatid kita."

"Sorry kung... si Baekhyun na lang lagi ang inaatupag ko at hindi ikaw."

"Tingnan mo, ikaw talaga ang wala nang pakealam sakin."

"Ang akala ko kasi, galit ka sakin at gusto mo si Baekhyun, kaya pinaalis mo siya para malayo na siya sakin."

Humarap na si Chanyeol sa kapatid niya.

"Tingin mo, may gusto ako kay Baekhyun??" tanong ni Chanyeol na parang di makapaniwala. "Bakit ba lahat na lang ng tao akala may gusto ako sa kanya."

"So... hindi mo gusto si Baekhyun..."

Umiling si Chanyeol. "Hindi."

Napangiti nang malapad si Sehun habang pinupunasan ang luha sa mata niya. Pero ibinalik niya rin ang seryoso at galit niyang mukha pagkatapos.

"Galit pa rin ako sayo, Chanyeol-hyung," sabi ni Sehun. "Dahil pinaalis mo si Baekhyun nang walang sapat na dahilan. Mapapatawad lang kita kung ibabalik mo siya dito," sabi ni Sehun. "Good night, hyung."

Pagkatapos sabihin ni Sehun yun ay tumakbo na agad siya pabalik ng kwarto niya. Napabuntong hininga na lang si Chanyeol.

Talagang ganun niya kagusto si Baekhyun? Siguro nga tama lang na nagsinungaling si Chanyeol nang konti at di niya sinabi ang lahat ng totoo. Okay lang, hindi na mahalaga yun. Hindi naman kahit kelan magiging mahalaga at importante pa yun. Dahil kapag sinabi ni Chanyeol ang totoo, masasaktan lang si Sehun.

At handang ibigay ni Chanyeol ang lahat para kay Sehun, kahit na si Baekhyun pa.

"Hello?" sabi ni Chanyeol matapos niyang magdial ng number. "Alam niyo po ang address ng bahay ni Byun Baekhyun?"

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagsalita na rin ang tao sa telepono.

"Oo, siya nga." Tumingin si Chanyeol sa kwarto ni Sehun. "Pupuntahan ko siya."

*

"Yung pustahan natin, mukhang di na matutuloy," sabi ni Jongdae kay Kyungsoo at Junmyeon. "Kasi mukhang imposible nang maging sila. Umalis na si Baekhyun sa mansion at hindi na siya ang babysitter dun."

"Ganun ba. Sayang naman yung paldang ibinili ko," sabi ni Junmyeon nang nakasimangot.

"At yun pa talaga ang inalala mo, ha Junmyeon-hyung," sabi ni Kyungsoo sabay irap. "Sigurado malungkot si Sehun ngayong wala na si Baekhyun."

"Sinabi mo pa. Tsk, kawawang bata. Kung nakita mo lang yung mukha niya nung tinatanong niya sakin kung nasan si Baekhyun."

May narinig na mahinang ubo ang tatlo kaya napatigil sila sa pagkukwentuhan nang makita nila si Chanyeol.

"Bakit, Chanyeol? May kailangan ka?" tanong ni Junmyeon.

"Ano sana," sabi ni Chanyeol nang hindi tumitingin. "Please pakibantayan niyo ang company habang wala ako. Meron lang akong aasikasuhin."

"Aasikasuhin?" tanong ni Jongdae. "Saan ka naman pupunta?"

"Sa..." Bumuntonghininga si Chanyeol habang nilalaro sa kamay niya ang phone niya. "Sa Bucheon."

Napataas ng kilay si Jongdae. "At ano namang gagawin mo sa hometown ni Baekhyun!??"

Tahimik lang si Chanyeol habang sinusuot ang jacket niya. Binulsa nuya ang susi niya sa kotse. Pagkatapos nun ay tumingin ulit siya kay Jongdae.

"Ibabalik ko si Baekhyun dito sa Seoul."

Nakatulala lang si Jongdae nang lampasan siya ni Chanyeol. Nagising lang siya nang sumarado ang pinto ng office sa likod niya.

"Pano ba yan," sabi ni Kyungsoo nang nakangiti nang masama. "Mukhang tuloy na tuloy pa rin ang pustahan."

Napangiti si Jongdae habang umiiling. "Sana makumbinsi niyang bumalik dito si Baekhyun. Alam ko namang gustong gusto ni Baekhyun dito. Lalo na ang trabaho niya."

*

"Baekhyun, namimiss na kita..."

Napatingin si Dara sa natutulog na si Sehun. Nasa couch pa rin siya at ayaw niyang umakyat sa taas hangga't hindi daw bumabalik si Baekyun.

"Nakatulog na pala siya jan," sabi ni Yixing. "Iaakyat ko na lang siya mamaya."

"Yixing," sabi ni Dara. "Mali na bumalik pa ako, diba?"

"Anong sinasabi mo, noona?"

"Akala ko kasi ganun pa rin ang lahat kapag bumalik ako. Pero marami nang nagbago mula ng dumating si Baekhyun sa buhay niyo," sabi ni Dara. "Pakiramdam ko tuloy, inagaw ko kayo sa kanya."

"Noona..."

"Hayaan mo, once na naibalik ni Chanyeol si Baekhyun dito, aalis na ako. Alam kong pag iniwan ko kayo, magiging maayos naman kayo diba?"

Tumango si Yixing habang nakangiti. "Noona, siguro kailangan mo nang magpalit ng trabaho. Try mo kayang mag audition sa YG Entertainment, baka pumasok ka."

Natawa si Dara. "Sige, tatandaan ko yan."

*

To be continued.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro