CHAPTER 10
*
10
Papasok pa lang si Baekhyun ng bahay, may narinig na siyang malakas na tawanan mula sa living room.
Anong meron, bakit ang ingay yata?
"Talaga? Naks, nagmatured ka na talaga, Sehun! Nagbago ka na!"
"Pero spoiled brat pa rin siya."
"Hyung!"
Nasa doorstep na si Baekhyun at naghuhubad na ng shoes niya nang makita niya sina Chanyeol na nakatipon sa living room.
At may kasama silang bisita.
Magandang bisita.
Wala pang nakakapansin sa pagdating ni Baekhyun dahil busy sila sa pakikipagkwentuhan at pakikipagtawanan sa bisita nila. Kaya naman tumayo muna si Baekhyun sa gilid ng pinto para hindi makaabala habang tinitingnan ang bisita nila Chanyeol.
Wow, naisip ni Baekhyun. Ang... ganda ganda niya. Mukha siyang artista. Ang kinis ng mukha niya at ang puti niya, ano kayang nilalagay niya sa skin niya?
Bumaba ang tingin ni Baekhyun at napalunok siya sabay hawak sa flat na flat niyang dibdib. Kahit kelan hindi ako magkakaroon ng ganun, bakit ang unfair naman.
Napasimangot na lang siya habang tinitingnan ang mahaba at makinis na legs ng babae. Ang haba ng legs niya, yung sakin ilang dangkal lang. Nakakaiyak.
Tiningnan niya ulit ang babae sa mukha. Ang diyosa talaga niya, model kaya siya?
Nakita niya si Chanyeol sa tabi ng babae na ang ganda ng ngiti habang kumikinang pa ang mata. Tumawa siya nang may sinabi ang babae na joke na hindi naman gaanong nakakatawa.
Napairap si Baekhyun. Psh, tingnan mo nga naman. Si Chanyeol na ubod ng sungit ay nakangiti sa harap nung babae. Ang saya mo ah? At masyado ka pang madikit dun sa babae, kulang na lang magpalit kayo ng mukha. Psh.
"Oh, Baekhyun! Nandito ka na pala!" bati ni Yixing kay Baekhyun kaya napatigil ang lahat sa pagkukwentuhan at napatingin sila sa kanya.
"G-good morning," sabi ni Baekhyun nang nahihiya sabay bow.
Ngumiti ang babae kay Baekhyun kaya ngumiti rin si Baekhyun sa kanya.
Tumayo si Chanyeol at pumunta sa tabi ni Baekhyun. Hindi inaasahan ni Baekhyun ang sunod na ginawa ni Chanyeol. Inakbayan siya nito sabay tawa.
Napataas ng kilay si Baekhyun pati na rin si Sehun.
"Dara, ito nga pala si Baekhyun. Ang babysitter ni Sehun."
Tiningnan ni Baekhyun si Chanyeol nang masama. Close ba tayo?! Ano to, bait-baitan? Kung makaakbay ka sakin akala mo naman napakabait mo!
Tinanggal ni Baekhyun ang braso ni Chanyeol sa balikat niya at nagbow siya. "Hello, ako si Baekhyun."
"Ako naman si Dara," sabi ng babae-- ni Dara nang nakangiti. "Nice to meet you Baekhyun."
Tumayo si Sehun at hinila si Baekhyun para umupo sa tabi niya. Sumunod si Baekhyun at umupo sa tabi ni Sehun katabi ni Dara nang medyo nahihiya.
"Ang cute mo pala talaga, ano," sabi ni Dara kay Baekhyun nang nakangiti.
"Cute talaga siya," sabi naman ni Sehun. "Mas cute pa sayo, Dara-noona."
"Mukha siyang aso," sabi ni Chanyeol habang umiirap. "Yung sinipang aso."
Sumimangot si Baekhyun kay Sehun. Ngumiti si Sehun sabay bulong ng 'wag mo nang pansinin ang hyung ko, wala lang siyang masabing maganda'
"Ang sama mo, Yeollie!" sabi ni Dara at namula si Chanyeol.
Ay namula ang gagu, sabi ni Baekhyun sa isip niya. Yeollie pala ha, Yeollie? Lol. Pffft.
"Baekhyun, si Dara-noona pala ang babysitter ni Sehun dati," sabi ni Yixing. "Umalis siya papuntang States at ngayon lang siya bumalik."
Tumango lang si Baekhyun. Wala akong laban dito, sobrang ganda niya, patatas lang ako.
Tiningnan ni Sehun ang babysitter niya sa tabi niya at napansin niyang parang malungkot ito at malalim ang iniisip.
"Okay ka lang?" tanong ni Sehun. "Gusto mong umakyat muna?"
Tumango si Baekhyun. "Kailangan ko nang magsimula ng trabaho. Aakyat na ko."
Tumayo si Baekhyun at nagbow sa kanila bago siya umakyat papunta sa second floor. Sinundan naman siya ni Sehun habang nakatingin lang si Chanyeol sa kanilang dalawa.
Inalis rin ni Chanyeol ang tingin niya at ibinalik kay Dara.
*
"Gusto mo tulungan kitang maglaba?" tanong ni Sehun. "Marunong na akong maglaba!"
Tumawa si Baekhyun. "Talaga? Di nga?"
"Oo nga! Ako na ang magdadryer ng damit ko kung gusto mo, maupo ka na lang."
"Ayoko ayoko! Ikaw ang maupo jan. Kayang kaya ko na to," sabi ni Baekhyun sabay wink nang mapang-akit kay Sehun. Namula si Sehun sabay irap.
"Fine. Dito lang ako, hihintayin kitang matapos tapos lalabas tayo."
"Saan tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa arcade!"
Napangiti si Baekhyun. Matagal na siyang di nakakapunta sa arcade at excited na siyang pumunta ulit.
"Sige ba! Tatapusin ko na to agad."
Tumango si Sehun habang humihiga sa kama niya at inilalabas ang tablet niya para maglaro. Sinuot niya rin ang headphones niya at nagpatugtog nang sobrang lakas na halos marinig ni Baekhyun ang feedback ng music.
Napairap na lang si Baekhyun. Pag nabingi ka, wag mo akong sisisihin.
Kinuha na ni Baekhyun ang maruruming damit ni Sehun sa basket, mga uniform, underwear at pambahay. Ilalagay na dapat niya sa washing machine ang mga labahin kaso may napansin siya.
"Wala nang detergent. Tsk," sabi niya sa sarili. "Meron kaya sa washroom sa baba?"
Dala ang basket, bumaba si Baekhyun para kumuha ng sabon. Sa gilid siya dumaan para hindi na siya makita at mapansin ulit nina Chanyeol at ng bisita.
*
"Bibisita ka lang ba o... gusto mo nang bumalik sa pagiging babysitter ni Sehun?"
Napangiti si Dara. "Sana? Yun yung plano ko. Kaso lang nakahanap na pala kayo ng kapalit ko."
"Sorry, akala ko kasi hindi ka na babalik," sabi ni Chanyeol. "Kung gusto mo, papaalisin ko na si Baekhyun para makabalik ka na."
Napatingin si Yixing kay Chanyeol na parang hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Ano?" tanong ni Yixing. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Talaga? Gagawin mo yun para sakin?"
Hindi nakaimik si Chanyeol dahil sa tingin ni Yixing sa kanya. Pero kung tatanungin si Chanyeol ay talagang gagawin niya yun dahil eight years nang naging babysitter ni Sehun si Dara, sino ba naman siya para pakawalan nang ganun na lang ang taong nag-alaga kay Sehun nang ganun katagal.
"Uhm, tingin ko, kailangan niyo munang mag-usap?" sabi ni Dara. "Tawagan niyo na lang ako kung nakapagdesisyon na kayo."
"Ah, Dara-noona, hindi na kailangan kasi si Baekhyun na--"
"Sige, tatawagan kita once na napag-usapan namin to," sabat ni Chanyeol. Ngumiti siya kay Dara.
"Uhm, okay. So, aalis na ako, may pupuntahan pa kasi ako."
"Hatid na kita?"
"Wag na! Okay lang, kaya ko na," sabi ni Dara nang nakangiti. "So pano, bye Chanyeol, Yixing."
Nang makaalis si Dara, ay nagsalita na ulit si Yixing. Nakatingin lang si Chanyeol sa kanya.
"Bakit mo naman sinabi yun? Porke dumating lang si Dara papaalisin mo na lang si Baekhyun nang ganun ganun na lang?"
"Yixing, mas kilala ni Dara si Sehun. Mas maaalagaan niya si Sehun kesa kay Baekhyun."
"Hindi mo ba nakita na ang laki ng pinagbago ng kapatid mo simula nang naging babysitter niya si Baekhyun? Bakit kailangan mo pa siyang palitan?"
"Iniisip ko lang naman ang kapakanan ni Sehun eh. Si Dara, kaya niyang mag-alaga nang mas maayos dahil matagal na niyang inalagaan si Sehun, at dahil tingnan mo... babae siya!"
"At si Baekhyun hindi. So yun ang sinasabi mo?"
"Oo! Yun ang sinasabi ko, hindi dapat nandito sa ganitong klaseng trabaho si Baekhyun. Kung trabaho ang inaalala mo kung tatanggalin ko siya, pwes, bibigyan ko siya ng trabahong mas mataas pa sa sweldo niya dito."
Natawa si Yixing, mapang-asar. "Tingin mo ba yun ang habol ni Baekhyun? Yung trabaho, yung pera? Ang babaw mo naman, Chanyeol."
"So ano sa tingin mo ang gusto niya?"
"Gusto niya ng pamilya. At pag nandito siya, nararamdaman niya yun."
Napatigil sandali si Chanyeol nang maalala niya ang sinabi ni Baekhyun tungkol kay Jongdae.
Bata pa lang kami magkasama na kami. Siya ang pamilya ko.
Umiling si Chanyeol para maalis ang nasa isip niya nang nagsalita ulit si Yixing.
"Tingin mo ba papayag si Sehun sa balak mo? Magagalit lang siya sayo kapag inalis mo si Baekhyun sa pagigng babysitter niya."
"Wala akong pakealam kung magalit siya. Wala naman siyang magagawa, dahil ako ang nagdedesisyon sa bahay na to."
Umiling si Yixing. "Kung naririnig ng mga magulang mo yang sinasabi mo, hindi sila matutuwa sa ginagawa mo."
"Kung buhay pa nga ang parents namin," sabi ni Chanyeol. "Alam kong papayag sila sa gusto ko dahil kilalang kilala na nila si Dara. At alam nilang gagawin ko to para sa ikabubuti ng kapatid ko."
"Ginagawa mo ba to, dahil may gusto ka pa rin kay Dara?"
Hindi umimik si Chanyeol.
"Alam mong kaibigan lang ang turing niya sayo. Hindi na mababago yun, kaya kung sa tingin mo, magugustuhan ka niya kapag bumalik siya, hindi na mangyayari yun dahil--"
"Hindi ko ginagawa to, dahil dun." sabi ni Chanyeol nang hindi tumitingin may Yixing. "Matagal ko na siyang kinalimutan."
"Kung hindi, edi ano? Sabihin mo Chanyeol, may iba ka pa bang rason kung bakit mo gustong alisin si Baekhyun?"
Natawa si Chanyeol. "Ano bang sinasabi mo? Wala akong ibang rason. At kahit kelan, wala na akong magiging ibang rason kundi yung sinabi ko kanina."
"Sinungaling ka."
"Ano bang gusto mong sabihin, ha? Anong bang, ano ba to? Wag ka na ngang makealam sa mga desisyon ko--"
"Ang sabihin mo, kaya mo gustong palitan si Baekhyun, dahil ayaw mong maging malapit ang kapatid mo sa kanya," sabi ni Yixing nang medyo pagalit na. "Alam nating dalawa na gusto ni Sehun si Baekhyun. Hindi bilang kaibigan o babysitter kundi higit pa dun."
"So anong gusto mong iparating?"
"Nagseselos ka sa kanilang dalawa. Dahil ang totoo, may gusto ka kay Baekhyun."
Magsasalita na sana si Chanyeol pero pinigilan niya ang sarili niya. Huminga siya nang malalim at napahawak sa noo niya.
"Alam mo Yixing, walang kwenta ang sinasabi mo. Hindi totoo yan. Wala akong gusto sa kanya," sabi ni Chanyeol. "Tigilan na natin to dahil ayokong pag-awayan pa natin ang bagay na to. Basta buo na ang desisyon ko. Aalis si Baekhyun. Tapos."
"Alam mo? Bahala ka. Gawin mo ang gusto mo," sabi ni Yixing. "Kahit kelan naman hindi ka nakinig sa mga sinabi ko."
Umalis si Yixing at padabog na lumabas ng bahay. Nakatingin lang si Chanyeol sa gate na naiwang nakabukas.
Habang nasa likod naman ng pader si Baekhyun, nagtatago at pinipigilan na wag gumawa ng ingay ang pag iyak niya. Pinunasan niya ang luha sa mata niya pero ayaw pa rin nitong tumigil sa pagbuhos.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro