CHAPTER 1
*
1
"Hindi ko kailangan ng babysitter!" sigaw ni Sehun sa hyung niya na nakapamewang at nakahawak sa doorknob ng pinto. "Malaki na ako, hyung. Eighteen na ako!"
"Sa kinikilos mong yan, para kang eight years old. Seryoso Sehun, kailangan mo ng babysitter."
"Ayoko nga Chanyeol-hyung eh, ang kulit mo. Kaya ko na ang sarili ko, I'm a grown man!"
"Akala mo ba gusto kong pilitin ka? Kung hindi lang ibinilin ng parents nating ikuha ka ng mag aalaga sayo bago sila namatay, edi sana di ko na to ginagawa. Kaya makinig ka na lang sakin, okay."
Natahimik lang si Sehun sabay higa sa kama niya. "Fine," sabi niya nang nakasimangot. "Ikaw bahala."
Ngumiti lang si Chanyeol. "Okay. Ah, papasok na ako sa office. Wag mong papuntahin si Jongin dito at baka kung ano nanamang gawin niyong kalokohan."
"K."
Matapos ng ilang minuto ay tinawagan ni Sehun ang bestfriend niya.
"Hello, dude."
[Wala na ba ang hyung mo?]
"Oo, wala na pwede ka nang pumunta dito, Nini."
[Okay. At wag mo nga akong tawaging Nini, HunHun.]
"Lol."
[Lul ka rin.]
"Ang sweet mo talaga."
[Pupunta nako, ibaba mo na to. Ampanget ng boses mo.]
"K."
*
Nagpost si Chanyeol sa Cyworld account niya ng "Wanted Babysitter: Female. Must be 30 years old and above" para medyo nanay ang dating ng mag aalaga kay Sehun. May nagmessage kaagad na isa sa kanya.
Kim Jongdae: Kailangan mo ng yaya? :)
Park Chanyeol: Kailangan ko siguro ng Janitor pero kung wala na edi baka yaya na lang. OBVIOUS BA JONGDAE.
Kim Jongade: Eto naman, highblood masyado! :) May kilala ako, kailangan niya ng trabaho. Sigurado, pwede siya jan. Masipag naman yun at mabait.
Park Chanyeol: Talaga? Pasado ba siya sa requirements?
Kim Jongdae: typing...
Kim Jongdae: seen.
Park Chanyeol: Uy, ano? Qualified ba siya? Sabihin mo agad para makahanap na kami ng babysitter.
Kim Jongade: Oo naman, syempre! Siya pa! At magtiwala ka lang sakin, maaasahan mo ako sa mga bagay na ganito, Chanyeol.
Park Chanyeol: Okay sige. Akin na ang number niya.
Kim Jongdae: 034512383
Park Chanyeol: Thanks.
Kim Jongdae: No problem. :)
Matapos magsign out ni Chanyeol ay minessage agad ni Jongdae ang matalino niyang kaibigang si Junmyeon.
Kim Jongdae: Junmyeon-hyung, ano bang ibig sabihin ng requirements at qualified?
Kim Junmyeon: seen.
*
Sinave kaagad ni Chanyeol ang number na binigay ni Jongdae sa phone niya "Aish, nakalimutan kong itanong ang name nito. Ah, bahala na."
Nang itetext na ni Chanyeol ang number ay may nakabangga siyang maliit na nilalang. Pinulot kaagad ni Chanyeol ang mga gamit ng nakabangga niya at nagbow sabay hingi ng sorry.
"Sorry hindi ko--"
"OH MY GOSH SORRY HINDI KO SINASADYA, JUSKO PANO NA TO, ANG CARELESS KO NAMAN, SORRY PO, SORRY TALAGA!!!!"
Nanlaki na lang ang mata ni Chanyeol nang makita niya ang bagong bago at basag na basag na screen ng Iphone6 plus niya na kawawang nakahandusay sa maruming kalsada. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng kaluluwa.
"A-ang... phone ko..."
Pinulot ng lalaki ang sirang phone ni Chanyeol at iniabot ito sa kanya. "Pwede pa naman siguro to diba, magagawa pa to diba? Sorry talaga. Naku, wala akong pambayad! Di naman siguro original na Iphone to, mukha namang China phone. Bumili ka na lang sa--"
"Alis."
"H-huh?"
"Lumayas ka."
Tiningnan ni Chanyeol sa unang pagkakataon sa mukha ang stranger na nakabangga niya. Mukhang babae. Medyo cute. Hindi niya makakalimutan ang mukhang yan. At ang matang yan. Na mukang tuta. At ang bibig na yan. Na lumapastangan sa original na Iphone niya. Yang taong yan ang sumira sa pinakamamahal niya.
"Bingi ka ba? Lumayas ka sabi eh!"
"S-sigurado ka b--"
"LAYAS! KUNG AYAW MONG IPAPULIS KITA! WALA KANG PAMBAYAD DIBA!"
"Eto na nga eh, aalis na!"
Tumakbo na ang lalaking nakasira sa phone ni Chanyeol habang si Chanyeol naman ay napaluhod na lang sa kalsada, hawak hawak ang naghihingalo niyang phone sa kanyang mga palad. Tumulo ang isang luha sa kanan niyang mata.
"Baby... Sshh, andito lang si Daddy."
*
"Kamusta ang interview mo?" tanong ni Jongdae sa roommate at bestfriend niyang si Baekhyun na mukhang binagsakan ng langit at lupa ang pagmumukha.
"Eto, pasok na pasok ako. Natapakan ko lang naman ang paa ng interviewer ko nung nasa elevator kami. Tapos nung nasa interview room na ako, nadapa ako at sumubsob ang mukha ko sa palda ng secretary ng manager. Edi nasampal ako. Grabe. Ang swerte ko talaga," sagot ni Baekhyun sabay upo sa sofa, mabigat at pagod na pagod ang katawan.
"At di lang yun, nasira ko pa yung phone ng nakabangga ko kanina sa kalsada. Natapakan ko yata, ewan. Nasigawan pa ako, pero buti na lang di ako pinagbayad. Mukha pa namang mamahalin yung phone."
"Tsk, kawawa ka naman, Baek. Kung may magagawa lang sana ako edi matagal na sana kitang pinasok sa company namin. Eh kaso yung CEO grabe napakasuplado. Akala mo araw araw namatayan."
"Eh diba sabi mo namatayan nga? Parents niya yata?"
"Ah, oo nga pala! Kawawa nga siya eh, kaya naghahanap siya ng mag-aalaga sa kapatid niya para--"
Tumingin sandali si Jongdae kay Baekhyun at pumalkpak ng isa na parang biglang may naalala.
"Ano? Bat ka ganyan makatingin?"
"Kailangan mo ng trabaho diba?"
"Oo! Kailangang kailangan ko!"
"Pwes, may trabaho ka na."
Ngumiti si Jongdae nang nakakaloko habang masayang nakangiti nang malapad si Baekhyun sa kanya, tumatango-tango pa. "Anong trabaho ko? Ano?"
"Babysitter!"
"HAAAAH?!"
"Babysitter ng kapatid ng CEO ng isa sa pinakamalaking company sa Seoul! Binigay ko na ang number mo sa kanya! Kung hindi mo naitatanong ay close talaga kami ni Chanyeol kaya tanggap ka na agad pag nag-apply ka!"
"Talaga?! Seryoso ka?!"
"Yung mukha ko ba mukhang nagbibiro?!"
"Kahit oo, parang naniniwala na ako sayo! Hulog ka talaga ng langit!"
Niyakap ni Baekhyun ang kaibigan habang niyuyugyog pa ang leeg nito. Tumawa lang si Jongdae.
"Pero Baek, ano ba ang ibig sabihin sa Korean ng requirements at qualification? English yun eh."
"Hahahaha! Hindi mo alam! Hindi mo alam, ha, Jongdae?!"
"Itatanong ko ba kung alam ko?! Ano nga ba ang ibig sabihin nun?!"
"Aba malay ko rin, English yun eh."
-
"Good morning!" masiglang bati ni Jongdae sa nakasimangot niyang boss umagang umaga. "Good morning, Chanyeol!"
"SIR Chanyeol," sabi ng CEO. "Baka nakakalimutan mong boss mo ako."
"Fine. Sir Chanyeol! Ano, natawagan mo na ba yung nirekomenda kong babysitter sayo?"
"Psh, nasira ang telepono ko. Di ko natawagan. Ipapagawa ko pa."
"Oh eh bat di ka na lang bumili. Mayaman ka naman."
"Ayoko. Bigay ni Dad yung phone na yun, alam mo namang mahalaga yun sakin."
Tumango si Jongdae. "Kung sabagay. Ikaw kasi eh, ang tanga mo kaya nasira yung phone."
"Isa pang imik mo tatanggalin na kita sa trabaho."
Mayamaya ay pumasok sa office ang secretary ni Chanyeol na si Kyungsoo.
"Kyungsoo, tawagan mo ang taong to at sabihin mong isend niya ang resume niya sa email ko at magreport siya sa bahay bukas," utos ni Chanyeol sabay abot ng maliit na piraso ng papel kay Kyungsoo.
"Bat di ikaw ang tumawag," sabi ni Kyungsoo, walang ekspresyon ang mukha. "Ipapagawa mo pa sakin, may kamay ka naman."
"Kaya nga ako may secretary diba, para utusan!?"
"K. Tatawagan ko mamaya. Magsi-COC muna ako," sagot ni Kyungsoo sabay labas ng phone niya at connect sa WiFi. Napahampas na lang sa noo si Chanyeol.
"Wala ba talaga akong tauhan na marunong rumespeto sakin!?" sigaw ni Chanyeol pero hindi siya pinapansin ng dalawa. Busy sa paglalaro ng phone si Kyungsoo samantalang nakatanaw sa bintana si Jongdae, iniisip ang kakaining lunch mamaya, kung stew ba o barbecue.
*
Ngumiti si Baekhyun matapos niyang iclick ang send button sa email niya. May trabaho na rin siya sa wakas. At di naman mahirap magbabysit, diba? Sanay na siyang mag-alaga ng mga bata mula ng nasa ampunan pa siya.
Paakyat na sana siya ng bus nang biglang may sumingit na lalaking high school student at binangga siya, inunahan siyang makasakay. Tumawa pa ang lalaki na kinainis ni Baekhyun.
"Pasensya lang, Baek. Pasensya," bulong niya sa sarili niya habang umaakyat sa bus at umuupo sa pinakunahang upuan.
Ilang minuto lang ay nasa tapat na siya ng isang malaking bahay. Tiningnan niya ang address sa papel at address sa pader. Tama. Ito nga yun. Pinindot niya ang doorbell, dalawambeses.
Bumukas ang intercom. "G-good evening," bati ni Baekhyun. "Ako po yung nag-apply na baby sitter."
"Welcome to Park Residence. Sige, pumasok ka na," sabi ng boses, boses ng butler na si Yixing.
Pagkapasok ni Baekhyun sa bahay ay sinalubong siya ng butler, na hindi mukhang butler dahil nakasuot lang ito ng casual jeans at shirt na parang siya ang may-ari ng mansion. Ngumiti ito sa kanya.
"Ako si Yixing, ang butler. Ikaw si...?"
"Baekhyun, Byun Baekhyun," sagot ni Baekhyun at nagbow siya.
"Ah, Baekhyun. Ang ineexpect ko ay... mas matanda at uhm, babae? Akala ko kaibigan ka ni Sehun."
"Ah, hindi," sabi ni Baekhyun nang nahihiya. "Ako ang mag-aalaga sa kanya."
Tiningnan lang siya ni Yixing na parang 'weh di nga maniwala sayo'. Ngumiti rin si Yixing pagkatapos.
"So, umupo ka muna sa couch at tatawagin ko lang yung si Chanyeol."
Tumango lang si Baekhyun at sinabi sa isip niyang bakit hindi niya tinawag na Sir ang amo niya? Mukha ba siyang hindi kagalang galang?
Limang minuto ang nakalipas ay bumaba na si Chanyeol sa sala, nakasimangot at hindi maipinta ang mukha. Tumayo si Baekhyun at nagbow.
"Chanyeol, maiwan ko na kayo. Tawagin mo ako kung may kailangan ka."
"Okay. Juice na lang please."
Ngumiti si Baekhyun ng pinakadabest niyang ngiti. "Good evening, Sir. Ako po yung babysitter. Sana po ay tanggapin niyo ako sa trabaho."
Pamilyar. Naisip ni Chanyeol. Nakita ko na ang mukhang to ah, saan ko nga ba nakit-- aha!
"Ikaw!" sigaw ni Chanyeol habang galit na nakaturo ang daliri kay Baekhyun.
"AKO!" sigaw ni Baekhyun pabalik habang nakangiti at nakaturo rin sa sarili niya.
"OO, IKAW!"
"OPO, AKO NGA PO!"
"IKAW!"
"OPO! AKO PO TALAGA!"
"IKAW ANG NAKASIRA SA PHONE KO, LOKO KA AH!"
"OO AKO ANG-- Oh my gosh."
Nanlaki ang mata ni Baekhyun nang magflashback sa kanya ang nangyari. Walang duda. Si Chanyeol nga ang may-ari ng phone na natapakan niya.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sakin matapos ng ginawa mo. Layas."
"Uhm," lumunok si Baekhyun. "Let me explain!"
"Hindi ko na kailangang marinig ang paliwanag mo! Sino ka ba sa akala mo, ha? Sinira mo ang buhay ko."
"Patawarin mo ako! Hindi ko sinadadya! Hindi ko ginusto ang nangyari!"
Dumating si Yixing sa sala na may dalang iced tea at cake na kanina pa nakikinig sa kusina. Napa-tsktsktsk siya habang umiiling. Grabe, ang drama nito. May tinatago palang lihim na kasintahan si Chanyeol na niloko siya at nakikipagbalikan ito sa kanya dahil narealize niyang walang forever.
Napangiti na lang si Yixing sabay alis para bigyan sila ng privacy.
"Hindi ko sinasadya! Wala talaga akong pambayad, promise!"
"Alam mo bang mahalaga ang phone na yun sakin? At matatagalan pa bago ko magamit ulit yun dahil yung paa mo, walang awang tinapakan ang screen ng phone ko."
"Sorry na nga eh," sabi ni Baekhyun sabay luhod. "Eto na nagsosorry na. Wala na po akong pride. Nagmamakaawa na akong patawarin niyo ako."
Nagulat si Chanyeol sa ginawa ni Baekhyun. "Tayo! Wag kang lumuhod hindi ako rebulto!"'
Tumayo si Baekhyun, nakapout. "Tanggapin niyo ako sa trabaho, pag-iipunan kong bayaran ang phone niyo pati na rin ang kasalanan ko, wag niyo lang akong ipapulis."
Napabuntong hininga na lang si Chanyeol. "Fine."
"Ibig sabihin ba nito tanggap na akong babysitter?! Kailangan ko talaga ng trabaho eh!"
"Teka, ikaw ba yung nirekomenda ni Jongdae?" tanong ni Chanyeol na nakataas ang isang kilay.
"Opo, ako nga po!"
Napasampal na lang si Chanyeol sa noo niya sabay bulong, "Loko ka Jongdae. Sabi ko babae at above 30. Hindi highschool student. Ugh, papatayin talaga kita."
"Uhm, Sir?"
"Ah, ilang taon ka na ba? Hindi kasi ako tumatanggap ng highschool student para magpart time job."
"Wag kayong mag-alala, Sir! Hindi na ako highschool student. Twenty three na ako!" masiglang sabi ni Baekhyun na nagpeace sign pa. Napairap si Chanyeol. Isip bata.
"Twenty three."
"Twenty three! Two, three!"
Seryoso, kasing edad ko siya? Sabi ni Chanyeol sa isip niya. Eh mukhang mas bata pa kay Sehun to ah.
"O... kay. Ehem, so...?"
"Baekhyun po."
"So, Baekhyun. Ang aalagaan mo ay ang kapatid kong si Sehun. Kailangan mo lang magluto ng pagkain niya, maglaba ng damit niya at maglinis ng kwarto niya. Simple lang."
Tumango si Baekhyun. "Okay, Sir."
"Ah, speaking of."
"Dito nako," bati ni Sehun sa hyung niya nang walang kabuhay buhay habang papasok ng bahay. Napatingin siya kay Baekhyun. "Sino ka?"
"Babysitter mo," sagot ni Chanyeol.
Napayuko na lang si Baekhyun sa hiya dahil ang tangkad ng dalawang kasama niya ngayon sa loob ng kwarto. At mas matangkad pa sa kanya ang aalagaan niya, na inakala niya ay batang maliit pa. Teenager na pala. Ano ba itong napasukan ko.
"H-hi," sabi ni Baekhyun nang medyo nahihiya. "Ako si Baekhyun."
Pinat ni Sehun ang ulo ni Baekhyun matapos siyang titigan nito ng ilang segundo. "Hmm, pwede na," sabi niya nang nakatingin kay Chanyeol.
"Pwede ka nang magsimula bukas, Baekhyun," sabi ni Chanyeol. "Sa ngayon, lumayas ka na sa pamamahay ko."
"Di man lang ako pwedeng uminom ng juice?"
"Layas na sabi eh."
"Kahit yung cake lang mukhang masara--"
"ALIS!"
"Opo, Sir."
Tahimik na umalis si Baekhyun ng mansion habang sinasakal niya sa isip niya si Chanyeol.
Ang sama ng ugali, grabe.
*
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro