Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Paalala:

Maging bukas ang isipan at unawain ang kahinaan ng may akda pagdating sa mga grammatical errors at wrong word compositions.

Feel free to comment your ideas and insights within the comment box below, thank you.😊😊😊

I would like to recommend na while reading this part, i-play niyo yung music sa multimedia above, para mas ma feel niyo yung emotion sa story habang nagbabasa.

--Enjoy reading--

//**********************//

"Paalam na"
By: Rachel Alejandro

🎶Nais ko lang malaman mo
Laman ng aking puso
Baka di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa 'yo
'Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't di magkasundo
Damdamin laging 'di magtagpo ohh🎶

Naka ngiti ako nang mapait habang unti-unting lumuluha ang aking mga matang naka tinging sa harap nang simbahan, kung saan kasalukuyang ikinakasal ang taong labis kong pinaka-mamahal.

🎶Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa🎶

Nakita ko pang kapwang naka ngiti silang dalawa habang nagpapalitan nang "I do" sa isa't-isa. The smile in their faces says that they are happy right now, while I am here, mourning in pain and hardly broken dahil sa kasiyahan nila.

But who am I to object and stop their happiness. Eh dakilang kabit lang naman ako na walang karapatang sumaya. Dahil kahit anong gawin ko ay pangalawa lang ako sa puso't isipan niya.

🎶Sana'y huwag mong isipin
Na pag-ibig ko'y di tunay
Dahil sa 'yo lang nadama
Ang isang pag-ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan🎶

Napaka-pathetic ko namang nilalang kung ako ang magiging hadlang sa ikakaligaya nila. Magmumukha lang din akong kontrabida sa kwento nilang dalawa. So karma ko na rin siguro Ito, karma sa pagiging kabit ko.

Pero kahit ganon pa man, ay sobra parin akong nasasaktan, lalo na't ngayon ay nagbunga ang aming kasalanan, kasalanan na itinuturing kong bunga nang pagmamahalan. Pagmamahalan na ako lamang ang siyang nakakaranas at nakakaramdam.

🎶Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa 'yo
At mamahalin ka niya
Nang higit sa maibibigay ko wohhhh🎶

Reality hurts, pero yun ang hindi kailan man mababago nino man.
Dahil kahit anong gawin mong deny at pagkukunwari na maaayos ang lahat, ay darating at darating parin sa puntong masaktan ka lang.

Dahil Ang mapait na katotohanan ay mas mainam pa kaysa sa matamis na kasinungalingan.

I just simply run my tears dry. sabay dahan-dahang hinimas Ang aking tiyan na ngayon ay may dinadala nang buhay. buhay na aking mamahali't pakakaingatan.

"Anak, simumula ngayon tayo na lamang dalawa ang magkakasama. Sa palagay ko naman kasi eh, masaya na ang papa mo dahil kapiling niya na ang taong pinaka-mamahal niya nang buong puso. Pero ganon pa man, ipangako mong kapag lumaki ka na ay huwag kang magtatanim nang galit sa kanya ha, dahil kahit bali-baliktarin natin ang mundo ay ama mo parin siya. Kaya sana mahalin mo parin siya gaya nang pag mamahal ko sayo."

Naka ngiti kong turan sa hangin sabay dagliang liningon ang simbahan kung saan nakita kong masaya't kontento na ang taong labis kong minamahal, kaharap ang babaeng nagmamay-ari sa kaniyang puso't isipan.

🎶Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan sa isa't isa🎶

"Paalam Mahal ko, sana maging masaya kayo nang taong iniibig mo. Maging mabuti ka sanang asawa sa kaniya, Mahal na Mahal kita."

🎶Maaring 'di lang laan sa isa't isa............🎶

Mahinang turan ko bago dagliang tumalikod paalis. Bitbit ang pangakong hindi na ako mang-gugulo sa relasyon nila at magsisimula ng panibagong yugto nang aking buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro