Chapter 8
Wala na kami ng boyfriend ko. At wala na ring girlfriend si Lowell. Pero hindi ibig sabihin nun ay pwede na kami. Ganun pa rin. Hindi talaga pwede e. At isa pa, humingi ako ng sign kay Lord na kapag naka 50+ ako sa Midterm sa Accounting, may pag-asa ako sa kanya. E, wala e. 48 lang ang lola mo. Kaya ibig sabihin nun, wala talaga. Wag nang umasa bes.
Okay na kami ni Lowell. Friends. Classmates. Ganyan na lang ngayon. Nagkukwentuhan pa rin about sa ex namin. Kung kamusta na ba, kung okay lang ba yung heart namin at kung anu-ano pa.
This past few days busy talaga kami kaya hindi kami masyadong nakakapag-usap. Pero okay naman. Okay na ko. Nakamove on na.... ata.
Wala na kong crush. Ayoko na. Tinry ko na sa iba, pero wala e. Iba talaga yung feeling pag binanggit ko yung pangalan ni Lowell. Iba talaga tama sakin.
Be happy. Dahil may plano pa si Lord para sa atin. Kung feeling natin na walang nagmamahal sa atin dahil sinasaktan tayo ng taong mahal natin. Isipin lang natin na nandyan yung family, friends at si Lord para punan yung Love na nais natin.
At ayun nga, masaya naman na ang mga buhay namin. Wag na tayong makigulo pa. Kung kaibigan, edi kaibigan. Wag na nating pwersahin baka mas masaktan lang tayo pag ipilit pa natin yung feelings natin sa taong walang paki sa nararamdaman natin.
--
Sa lahat ng naranasan ko, ikaw ang una. Sa lahat ng saya, ikaw. Sa lahat ng sakit, ikaw. Sa lahat ng lungkot, ikaw. Ikaw. Ikaw. Ikaw. Puro na lang ikaw. Swerte mo, mayroong AKO na nagpapahalaga sa taong IKAW.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro